Monday, 13 February 2012

It Started with a Wink (A Valentine treat for JAEVON GEMS)

IT STARTED WITH A WINK


“Pare kasal na si Ella, it’s time for you to move on. Kalimutan mo na sya.” Iritadong wika ni Eiffel sa kaibigang si James. Naaasar na sya sa paglulugmok nito sa sarili dahil ang babaeng matagal nitong niligawan. Bigo ang kaibigan nya. In short, basted na may interest pa – at yun ay ang tuluyan nitong pagpapakasal sa Amerikanong boyfriend nito.

“You know man, its easy for you to say that kasi hindi ikaw ang nasaktan.” Puno ng hinanakit na sagot ni James sa kaibigan. Matagal nyang inasam, itinanggi at inilagay sa pedestal ang paghanga nya kay Ella. Kulang na lang nga ay literal na sungkitin nya ang mga bituin at buwan upang ialay dito. Kasalukuyang nageemote sya ng makaramdam sya ng sakit.

“Aray!” daing ni James dahil binatukan sya ni Eiffel. “Masakit yun man!”

“E para tuluyang mawala na yang mga agiw, sapot at lumot sa utak mo. Tama na nga yang kadramahan mo  you’re turning to be gay!” umakto pa itong nandidiri sa kanya.

 “Alam mo pare, hindi naman love yung naramdaman mo dun kay Ella eh. Obsession lang yun, passing fancy – “ huminto ang kaibigan nya at umaktong nag-iisip “hmm, pero yung sayo eh hindi naman mabilis na passing fancy yun. Katangahan mo lang talaga na umabot sa isang taon mahigit ang pagsintang pururot mo dun sa mestizang anorexic na yun.”

Napahagalpak si James sa mahabang litanya ng kaibigang matalik na si Eiffel lalo na sa tawag nito kay Ella na mestizang anorexic. Pero tama ito, hindi ganon kalalim ang emosyon nya sa babae. He tried searching his heart, what he really felt pero wala ang sakit na dapat maramdaman ng isang nabigo. Ego lang nya ang nawasak hindi ang puso nya.

“Alam mo man, bilib na talaga ko sa logic mo eh. May tama ka,” huminto sya upang akbayan ang kaibigan “tara dun tayo sa dati, let’s celebrate my freedom from obsession!” sinundan nya yun ng isang nakakalokong tawa. “Bwahahahaha.”

Isa na namang malutong na batok ang natanggap ni James mula sa kaibigan bago ito tumawa. “Baliw ka talaga James Ramos, tara dun sa dati.” Sagot nito na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti. Kababata at matalik na magkaibigan sina James at Eiffel at alam na alam nila ang likaw ng bituka ng bawat isa. SIya si James Ramos, gwapong teacher, clown, malambing, at punong-puno ng pag-asa na minsan isang araw dadating din ang babaeng pagtutuunan nya ng tunay na pagmamahal.  

*****
“Devon my darling, nagustuhan mo ba yung pinadeliver ko sayo ditong tatlong bouquets ng tulips from England?”

Naghikab muna si Devon bago sagutin ang pinakahambog na lalaking nakilala nya, si Santi. “Oo” tipid na sagot nya at wala na syang balak pang sundan iyon.

“Nagustuhan mo ba?” muling tanong ni Santi ngunit kibit balikat lang ang natanggap nito mula sa kanya. Muli syang kunwaring naghikab upang iparating dito na gusto na nyang matulog. Ayaw nyang tahasang bastusin ang lalaki dahil kapag ginawa nya yun, lintik lang ang walang latay mula sa mga matang nakamasid sa paligid. Mukhang nakapansin naman ang hinayupak kaya maya maya ay nagpaalam na ito.

“I have to go Devon my darling. I’ll send some flowers again tomorrow to lighten up your mood. Dream of me.” Pahabol pa nito bago tuluyang umalis. Nang narinig na nya ang ugong ng kotse nito ay saka siya nagsalita.

“Dream of me, yuck! Yuck! Yuck! Asa ka naman na I will dream of you, heller ayaw kong mabangungot! Duh!” wika nya at sinamahan pa yun ng kunwaring pagduduwal. Hila sa buhok ang naghudyat sa kanya na andito na ang mga buwitre.

“Ang gaga mo talaga. Bakit ba hindi mo kinakausap ng matino yung tao!” inis na wika ng Ate Kaye nya.

“Dapat nga nagpapasalamat ka dahil ikaw ang natipuhan ni Santi, wag ka ngang magfeeling dyan.” Satsat naman ng Ate Dindin nya. 

“Kailan mo ba sya sasagutin?” magkasabay na tanong ng dalawa.

“Alam nyo naman na ayaw ko sa kanya bakit ba pinipilit nyo ako. Bakit hindi nalang kayo ang magpaligaw at kayo ang sumagot.” Nakangusong wika nya.

“Aba Maria Devon marunong ka ng sumagot ha.” Galit na wika ni Ate Kaye. Alam na ni Devon ang kasunod ng mga sasabihin nito. Kabisadong-kabisado na nya ang mga salita ng kanyang mga pinsan. Boss ng Ate Kaye niya si Santi at dahil naghahangad ang pinsan ng mas mataas na posisyon, kulang na lang ay ibugaw sya nito sa lalaki.


 Mahigit isang taon na syang nakikitira sa mga pinsan simula ng maulila sya ng lubos. Lumuwas sya ng Manila upang makitira sa kapatid ng Nanay nya. Maganda ang pakitungo ng mga ito sa kanya kaso magmula ng makaalis ang TIta Carmen nya papuntang Singapore ay nagbago ang mga pinsan nya. Kung may kwentong Cinderella sa totoong buhay, malamang sya yun. Pero malapit na syang makawala sa mga ito, hinihintay na lamang nya ang paglabas ng lisensya nya bilang isang guro upang tuluyan na syang makapagturo sa mataas na paaralan. May mga naipon na din sya lingid sa kaalaman ng mga pinsan dahil binibigyan sya ng kanyang Tita Carmen.  Siya si Maria Devon Santos, ulila, maganda, pasensyosa, naghihintay ng magmamahal.

****

“Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! Andyan na si Sir Ramos girls!” tili  ng isang babaeng estudyante na nasundan pa ng sang katerbang kinikilig na hagikhikan mula sa classroom.


“Teka, maayos ba yung buhok ko?” tanong ng isa.


“Shocks, nawawala yung lipgloss ko dry na yung lips ko! Wahhhhhh.” Reklamo naman ng isa.


“Move over girls, kahit anong gawin nyo pang pag-aayos dyan hindi kayo mapapansin ni Sir Ramos dahil akin sya, akin!” wika naman ng isa.


“Ehemmmmmmmmmmmmmm!” eksaheradong tikhim ni James. Kanina pa sya nakatayo sa pinto at naririnig nya ang usapan  ng mga estudyante nya. Hawak nya ang 2nd year at 3rd year Filipino subjects. Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Minsan naisip nyang magtransfer sa All-Male school dahil naisip nyang masyado syang gwapo para sa mga estudyante nya. Napahagalpak sya ng tawa ng Makita ang pamumutla sa mukha ng mga dalagita.


“Good morning class.” Bati nya sa mga ito na nasundan naman ng pagbati ng mga estudyante. 


Umpisa na naman ng araw nya bilang isang guro. Huwaran, masipag at tumatayong ama sa kanyang mga estudyante. His friends never thought that he would be a Teacher. He is dedicated in his job and he sees to it that his students will learn something from him. Ginusto nyang maging guro, walang pumilit sa kanya.


SInumulan na nya ang aralin sa araw na yun. Sa mga dalagitang nadatnan nyang nag-uusap kanina nya ipinabasa ang isang maikling kwento. Napailing na lamang sya ng Makita ang palitan ng kinikilig na ngiti ng mga ito. Nagpapasalamat sya na kahit minsan hindi nagkaroon ng isyu o problema sa mga batang tinuturuan nya.


Katok sa pinto ang nagpatigil sa kanilang pinag-aaralan at nakita nya ang kanilang principal na si Mrs. Tancheco.


“Sorry to disturb your class Mr. Ramos, gusto ko lang ipakita kay Ms. Santos ang bawat room dito  sa ating school.” Paumanhin nito sa kanya. “Class, I want you to meet Ms. Maria Devon Santos, sya ang magiging English Teacher nyo simula bukas.” Pagpapakilala ng principal sa bagong guro.


Pasimple nyang pinagmasdan si Maria Devon. Morena, balingkinitan, maganda, at ang nakakuha ng atensyon nya ay ang magandang ngiti nito. Pinagmamasdan nya ang bawat buka ng bibig ng dalaga habang nagsasalita ito. 


“Patay ka James, bakit ka nakatitig?” tanong niya sa sarili. Kaya naman huling huli sya ni Devon na nakatitig dito.


“Uyyyyyyyyyyyyyyy, si Sir Ramos na love at first sight oh.” Narinig nyang tukso ng mga estudyante nya.


“Patay.” Muling bulong nya sa sarili bago binigyan ng kanyang signature na kindat ang bagong guro. Nakita na pa ang pamumula ng pisngi nito bago nya muling hinarap ang kanyang klase.

****
“Isa pang hambog.” Wika ni Devon sa sarili. Huling huli nya ang pagtitig ng nagngangalang Mr. Ramos sa kanya. Okay lang sana yun eh, kaso ang nakapagpairita sa kanya ay ang kindat nito. 


“Pero, subalit, datapwat, teka lang Devon, aminin mo kinilig ka!” tukso ng isang bahagi ng isip nya. Gwapo ang lalaki, matangkad at maputi. Tipong manloloko at nagpapaiyak ng babae. Muli nyang narinig ang bulungan ng mga estudyante.


“Ay si Mam Santos mukhang na love at first sight na din oh.” Sigaw ng isang binatilyo.


“Loveteam! Loveteam! Loveteam!” sigawan ng mga bata.


“Quiet!” maawtoridad na wika ng kanilang principal. “Bueno, mamaya na lang kayo pormal na magkilanlanan dalawa. Sorry sa abala Mr. Ramos.” Paalam ng principal.


“Sorry sa abala Mr. Ramos.” Ulit ni Devon bago tuluyang tumalikod. Ayaw na nyang muling lingunin ang lalaki dahil baka hindi na nya pagkatiwalaan ang sarili nya. “Hala ka diha, Maria Devon, nagdadalaga teh? Kinikilig?” usig na naman ng kunsensya nya. Pasimple nyang ipinilig ang kanyang ulo para mawala ang mukha ng lalaki sa isipan nya, lalo na ang mga kulay tsokolateng mata nito.

****
Tapos na ang lahat ng klase ni James at nag-ayos na sya ng kanyang mga gamit para umuwi. Maayos ang naging takbo ng buong araw maliban sa isa – ang pagkagulo ng isip nya. Ganon na ganon ang nangyari dati ng Makita nya si Ella. Hindi mawala sa isip nya ang maamong mukha ni Devon. Nabigo syang muling makita ito. Pero mahaba ang araw bukas dahil opisyal na itong magtuturo sa paaralang iyon.


“Don’t get yourself into another trouble Mr.” banta ng isang panig ng isip nya. Napailing na lang sya. Masyado ng malayo ang narating ng isip nya kaya hindi nya masyadong napagtuunan ng pansin ang disgustong nakita nya sa mukha ng dalaga ng kindatan nya ito.


“Utang na loob Santiago magtigil ka nga!” napalakas nyang sita sa sarili kaya naman napatingin sa kanya ang iba pang nasa Faculty Room ng Filipino.


“Hehe, may kinakabisado kasi akong kwento na gustong ibahagi sa aking mga estudyante.” Palusot nya bago tuluyang nagpaalam sa mga ito. Kinuha nya ang cellphone at idinial ang pamilyar na numero.


“Man, punta ka samin mamaya pagdating mo. Emergency!” wika nya sa kaibigan.

****


“Yes! Mama, Papa, May trabaho na ko! I’m officially a huwarang guro.” Makabagbag damdaming wika ni Devon habang kausap ang larawan ng kanyang mga magulang. Unti unting natatanggap na nya na wala na ang kanyang mga magulang at mag-isa na lamang sya sa mundo. Dali-dali nyang pinigil ang pagtulo ng kanyang mga luha dahil alam nyang hindi magiging Masaya ang mga magulang nya sa kinaroroonan ng mga ito kapag nakikita syang umiiyak.


“Okay, today is the day that I’m gonna be a great English teacher. Oha, Mama Papa English yun ha.” Patuloy na pagsakausap nya sa larawan. Kung makikita lang sya ng mga mahaderang pinsan nya, malamang iisipin ng mga yon na natuluyan na sya.


Naggayak na si Devon upang pumasok sa paaralan. Unang araw ng trabaho nya. Panibagong pakikibaka sa buhay.


Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng maisip ang isang nilalang na ayaw na nyang makita ngunit imposibleng mangyari. Hindi sya agad nakatulog dahil nakasiksik sa isip nya ang mukha ng lalaking iyon.


“Utang na loob, Lord. 26 na ko para magkacrush pa ano ba!” nailing na wika nya.


“Okay,ngayon Maria Devon ayusin mo sarili mo at magtuturo ka pa. Learn the art of  Deadmadela. Yakang yaka mo yan.” Pagche-cheerup nya sa sarili. Sisimulan nya ang kanyang karera bilang guro sa araw na iyon at hindi sya handa sa mga komplikasyon.

****


“Hi, pwede bang makishare ng table? No choice na ko eh kahit nahihiya ako sayo. Look, wala ng pwesto oh. Baka sabihin mong nagdadahilan lang ako.”napaangat ng ulo si Devon at tinignan ang taong may mahabang litanya. Lalaki yun at mukhang alam na nya kung sino.


“Okay lang.” simpleng sagot nya. Hindi nya maiwasang mapangiti dahil sa defensive na pagpapaliwanag nito.


“Thank you Ms. Santos.” Tipid ding sagot nito at tahimik na umupo sa harap nya. Lunch break kaya matao sa loob ng canteen at wala naman syang magagawa kung umupo sa harap nya ang lalaki o hindi. Tahimik silang kumain at nakakabingi ang katahimikan nila sa gitna ng maingay na kantina.
“Ahm, ang first name ko nga pala ay James. Pwede mo ba akong tawagin lang na James?” basag nito sa katahimikan. Sa ibang pagkakataon ay maiinis sya dito ngunit sa paraan ng pagkakasabi nito ay muntik na syang mapahagalpak sa tawa. Dahil kakamot kamot ang lalaki sa batok at hindi mawari kung itutuloy ang sasabihin o hindi. Hindi nya mapigilan ang pagngiti ng makita ang ekspresyon nito. Ultimong batang nahuling nangungupit.
“Ay ngumiti sya oh.” Pukaw nito sa kanya.
Napatitig sya sa lalaki at pinagmasdan ito. Gwapo talaga si James at lalong lalo na ang mga mata nito.
“Miss ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?” pabirong pukaw nito sa kanya.
Tuluyan na syang napatawa dahil sa tinuran nito. Nawala na ng tuluyan ang inis nya dito noong nakaraang araw.  “Para tinignan ka lang noh. Nagtataka kasi ko kung bakit ka narito, I mean bakit ka naging teacher eh mukha kang macho dancer.” At muli niya iyong sinundan ng tawa. Magaan ang pakiramdam nya at nararamdaman nyang mabait ang lalaki.

****
Napuno ng mabining tawa ni Devon ang kanilang lamesa at hindi maiwasan ni James ang mapatitig dito. Naroon na naman ang pamilyar na tibok ng puso nya. Ang mabilis na pagpintig nito kapag napapatingin sya kay Devon. “Anak ng tinapa, Santiago tama si Eiffel” nasambit nya sa kanyang isipan.
Napahinto ito sa pagtawa ng mahalatang nakatitig lang siya dito. Their eyes met and for a moment it seems like the world has stopped to give them a chance to stare at each other. Hindi alam ni James kung paano muling bubuksan ang usapan. Sapat na bang mga titig lang nila ang naguusap? Tama bang wala syang gagawin paraan upang palawigin pa ang pagkakakilala nya sa babaeng unang kita nya pa lang ay nasisiguro na nyang magkakaroon ng parte sa buhay nya?  Naalala nya ang usapan nila ni Eiffel ng gabing papuntahin nya ito sa kanyang bahay. Tama ito, “love at first sight” nga ang nangyari sa kanya. He thought that that phrase is just a bull but now he’s experiencing it. Though its still early to tell that its really love. One thing is for sure – Devon is special.
Pareho pa silang nagulat ng marinig ang bell na naghuhudyat na tapos na ang lunch break.  Hindi na nya naituloy ang sasabihin kay Devon ng mauna na itong tumayo at umalis ng walang paalam. He always believe in the saying “Everything happens for a reason”. Nagpakasal si Ella sa iba upang matigil nya ang kahibangan nya dito. May darating sa kanya, o may dumating na. Kailangan nya na lang umaksyon. Nagawa nyang magpakahibang sa babaeng hindi nya naman minahal. Ngayon pang nakakilala sya ng isang espesyal na babae. Kaya nya.

****
Tapos na ang lahat ng klase ni Devon at pauwi na sya ng makitang may nag-aantay sa kanya sa labas ng paaralan. Isang pulang Jaguar ang nakaparada sa labas ng gate at nakasandal ang taong ayaw nyang makita.


“Anak ng Surf naman oh, anong ginagawa ng bangus na yan dito??” tanong niya sa sarili.  Mabilis syang tumalikod at balak nyang magtago muna sa Faculty room ngunit huli na ang lahat. Nakita na sya nito at narinig nya ang pagtawag ni Santi sa kanya. Inignora nya ang lalaki at patuloy na lumakad pabalik ngunit mukhang pinapasok ito ng kanilang gwardya dahil naririnig nyang papalapit na ang pagtawag nito.
“Hoy bakit nagmamadali ka. May tumatawag sayo oh.” Napatingin sya sa lalaking nagsalita. Tila kalalabas lang nito mula sa Faculty Room ng Filipino. Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan para matigil na ang mestisong galunggong na si Santi.
“James, Honey bakit ang tagal mo?” sinadya nyang lakasan ang boses nya dahil sigurado syang nasa likuran na nila si Santi. Tinignan nya ng makahulugan si James at tila naman naunawaan nito ang gusto nyang ipahiwatig. Kinindatan sya ni James bago ito magsalita.
“Eh Honey sabi ko naman sayo hintayin mo na lang ako eh.” Kinuha nito ang mga dala nyang libro. “Hmmmm umaakto talaga.” Pasimple nyang bulong dito.
“Devon, babe, ano to? Who’s that boy?” bakas sa mukha nito ang iritasyon.
“Oh hello Santi. Anong ginagawa mo dito?” kunwaring tanong nya. “Siya si James, ang boyfriend ko. Honey sya si Santi.” Pakilala nya sa dalawa.
“Boyfriend?! Kelan ka pa nagkaboyfriend?” galit na wika nito at marahang hinatak ang kamay nya. Nagulat sya sa sumunod na mga pangyayari ng kabigin sya ni James at itago sa likuran nito.
“Eh para ka namang nakakaloko pare eh. Wala kang karapatang itanong kay Devon kung kelan naging kami. At wag na wag mong kakaintiin ang girlfriend ko dahil handa kong isugal ang pagiging guro ko mabangasan ko lang yang mukha mo.” Seryosong litanya ni James. Nagpapasalamat sya dahil nakauwi na ang karamihan sa mga estudyante at hindi sila nakakatawag ng atensyon.
“I will see to it na makakarating to sa Ate Kaye mo.” Banta nito sa kanya bago sila tuluyang nilasan.
“Wew, muntik ko na yung sabunutan ha Devon.” Kunwa’y gigil na wika ni James ng masigurong nakaalis na ang sasakyan ni Santi. Napangiti na naman sya dahil umakto itong parang bakla.
“Sorry ha. Wala na kong choice para tigilan ako nun.” Hinging- paumanhin nya dito.
“Sino ba yun? Mukhang bigtime willtime ah.” Tanong ni James.
“Isang makulit na  manliligaw. Thank you ha, at least now, nalaman na nyang wala syang pag-asa. Hindi ko kasi masabi ng deretsahan dahil majojombag na naman ako ng mga pinsan ko.” Paliwanag nya dito.
“Hmmm, bakit di mo ikwento sa kin yan habang nililibre mo ko ng fishball dyan sa kanto hmm – “ ibinitin pa nito ang sasabihin, “My Honey”. Itinaas taas pa ng lalaki ang mga kilay nito. Napailing na lang sya dahil muntik na naman syang matawa.
“Okay “honey” – ginaya nya ang paraan ng pagkakasabi nito. “bilang pasasalamat na din sa pagtulong mo sa akin. Tara dun kay Manong.” Nakangiting wika nya. Alam nya malaki ang problemang idudulot ng pagpapanggap nya at nasisiguro nyang rambol mamaya pag-uwi nya. Ngunit mangangatwiran sya. Blessing in disguise na din na naroon sa paligid si James. May dahilan na para tuluyan na syang umalis sa bahay ng mga pinsan nya.
****
“Honey” sambit ni James sa isip nya. Natutuwa sya at natulungan nya si Devon na maiwasan ang hambog na manliligaw nito. Hindi na sya nagtataka kung bakit ayaw ni Devon dito.
Masaya ang naging pag-uusap nila ng dalaga. Tuluyan ng nabasag ang natitirang pader sa pagitan nilang dalawa. Sa bawat minutong lumilipas na kasama nya si Devon ay mas lalong gumagaan ang pakiramdam nya dito. Nakakahawa ang mga ngiti nito. Napaka bubbly ng personality ng dalaga taliwas sa unang impresyon nya dito. Katatapos lang nilang kumain ng fishballs, tukneneng at kikiam at nagpasya na silang umuwi. Taliwas sa sinabi nyang ito ang manlilibre, sya ang nagbayad sa mga kinain nila. Hindi nya Gawain ang magpalibre sa babae.
“Nabusog ako in fairness. Salamat ha.” Ilang beses na itong nagpasalamat sa kanya sa araw na yon.
“Kakahiya nga eh. Unang date natin fishballs lang napakain ko sayo.” Seryosong wika nya.
“Okay lang yan noh. Gusto ko nga yun eh. Tapos masarap yung sawsa – “ naputol ang sasabihin nito ng magring ang cellphone ng dalaga. Rinig nya ang sigaw ng nasa kabilang linya dahil inilayo ni Devon sa tenga nito ang cellphone. Mukhang galit na galit ang tumawag at hindi nito binigyan ng pagkakataon pang makapagsalita ang dalaga.
“Maayos pa tenga mo?” biro nya kay Devon.
Iiling iling ang dalaga bago sumagot. “Ayos lang naman. Ayun nagsumbong yung batang naagawan ng kendi. Hahaha.” Pabirong wika nito.
“Ihahatid na lang kita bawal tumanggi.” Hindi na nya ito binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Sa ayaw nito at sa gusto ihahatid nya ang dalaga. Hindi nya hahayaang harapin nito ang mga pinsan na mag-isa. Naikwento na ni Devon sa kanya ang sitwasyon sa bahay na tinitirhan nito.
Kinuha nya ang kamay ng dalaga at inalalayan itong tumayo. “Let’s go honey. Show me the way.” Natatawang wika nya dito. Nagulat sya ng makatanggap na naman sya ng malakas na hampas mula dito.
“Aray! Nakakarami ka na ha. Ayoko na break na tayo boksingera ka pala.” Kunwa’y nagtatampong wika nya. Tatawa tawa lang si Devon habang nauna na sa sakayan ng tricycle.
Natutuwa talaga sya sa dalaga. Ay hindi pala tuwa lang, minamahal na nya ito. “Meron pa lang ganon, ilang araw mo pa lang nakikilala at wala pang isang araw mo nakasama ay mahal mo na agad.” Wika ng puso nya.
“Mr. Ramos pakibilisan lang po ang paglalakad.” Wika nito sa kanya. Nakangiti ang dalaga ngunit bakas sa mga mata nito ang kalituhan at pangamba. Ano pa man ang mangyari, tatayo sya sa tabi nito. Hindi nya iiwan si Ms. Santos.
****
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Devon. Una, Masaya sya dahil sa taong kasama nya. Oo, naging Masaya ang araw na kasama nya si James. At ngayon, handa itong tumayo bilang “huwarang kasintahan” nya. Kakaiba ang sense of humor nito at wala syang ginawa kundi tumawa. Ilang beses nya atang nahampas ang lalaki dahil sa kakatawa nya. Pangalawa, excited sya sa paghaharap nila ng mga pinsan nya, ni Santi at ng “boyfriend” nyang si James. Pangatlo, kinakabahan dahil baka lumabas ang di kagandahang ugali ng mga pinsan nya. Napuno ng katahimikan ang loob ng tricycle dahil ni isa sa kanila ay walang nagsasalita. Kahit si James ay hindi nagpakawala ng mga jokes nito. Inererespeto ng lalaki ang katahimikan nya dahil alam nito ang nararamdaman nya sa mga oras na yun. Kung hindi pa sya kinalabit ni James ay hindi nya mapupunang nakahinto na ang tricycle sa tapat ng bahay ng Tita nya. Naroon nakaparada ang pulang Jaguar ni Santi. Nauna ng bumaba si James, inilahad ang kamay sa kanya ngunit tinanggihan nya dahil magbabayad sya.
“Ako na.” wika nito sa kanya.
“Wag kang magulo ako magbabayad nito.” Hindi tumitinging wika nya sa lalaki. Iniabot nya ang bayad sa driver at hinintay ang sukli.  Matapos magpasalamat ay umalis na ang tricycle.
Ngunit hindi nya inasahan ang sumunod na nangyari. Wala sa hinagap nya na magkakaganon ang sitwasyon. Hindi nya alam na nasa likuran lang nya si James at pagtalikod nya ay  tumama ang bibig nya sa labi nito. Aksidenteng nahalikan nya ang lalaki. Simpleng dampi lang iyon ngunit bolta-boltaheng kuryente na ang dumaloy sa katawan nya. Naramdaman nyang marahan syang kinabig ni James palapit dito. Napakabilis ng pintig ng puso nya. “Ano ba! First kiss ko to, utang na loob!” sigaw ng isip nya.
Marahang iginalaw ni James ang labi nito upang magawaran sya ng magaan na halik. Nakapikit lang si Devon dahil lumulutang sya. Ngunit naputol ang magic sa pagitan nilang dalawa ng marinig ang malakas na pabalibag ng pinto ng kotse. Agad na kumalas sya mula sa pagkakayakap ni James at tinanaw ang humaharurot na sasakyan ni Santi. Hindi na nya kelangan pang magpaliwanag dito. Mukhang nakita na nito ang mga kaganapan. One down, two to go.
“Hindi ko inakala na may itinatago ka palang kakatihan Devon!” galit na wika ng Ate Kaye nya. Tinignan sya nito ng puno ng hinanakit. “Kapag nawalan ako ng trabaho, kasalanan mo yun at hindi kita mapapatawad.” Binalingan nito si James, “at ikaw, kasama ka sa sisisihin ko kapag nagalit ng tuluyan sa akin si Santi!” huling wika ni Kaye bago nagmartsang pabalik sa bahay. “Walang utang na loob!” narinig nya pang sigaw ng babae.
“Nagpasya na kami ni Ate at nakausap na naming si Mama.” Iritadong wika ni Dindin sa kanya. Bakas din sa mukha nito ang galit sa kanya. Ngunit may iba pa syang nakikita sa mukha nito. Parang hindi pagkapaniwala at inggit. Nasaksihan ng mga ito ang nangyari sa kanila ni James sa harap ng kanilang bahay. Nakakahiya mang aminin, ngunit hindi nya pagsisisihan ang nangyaring iyon.
Hinintay nya ang susunod na sasabihin ni Dindin kahit alam nya na kung ano iyon. “Kunin mo na lahat ng gamit mo dito at bahala ka ng maghanap ng matitirahan mo. Dalawang araw lang ang ibibigay namin sayo.” Tinalikuran na sya nito ngunit mukhang may naalala at muli itong nagwika. “Goodluck sa inyo, lalo na sayo!” turo nito kay James at sinundan iyon ng nakakalokong ngiti.
Kibit balikat lang ang iginanti ni James sa tinuran ni Dindin. Sa buong durasyon ng kanilang argumento aymahigpit na hawak ni James ang kamay nya. Kaya kahit hindi ito nagsasalita, alam nyang kasama nya ang lalaki.
“Tapos na ang dramahan nila kaya bitiwan mo na kamay ko. Masakit na oh.” Biro niya dito upang basagin ang katahimikang namagitan sa kanila.
Nagulat sya ng muli sya nitong yakapin. Mas mahigpit, mas nagpaparamdam ng emosyon. Nang pagmamahal?  Naguguluhan pa din sya, ngunit ipinikit na lamang nya ang kanyang mga mata at ninamnam ang mainit at mabangong katawan na nakayakap sa kanya. “Umayos ka Devon.” Banta ng isang bahagi ng isip nya. Napangiti na lamang sya. Bahala na si Robinhood.

****

Hindi nya alam ngunit awtomatikong nayakap nya si Devon. Tama ang sinabi nito sa kanya kanina na palalayasin na ito sa bahay ng tiyahin. Mabuti na lamang at nakahanap na ng boarding house ang dalaga. Hindi alam ng mga pinsan ni Devon na matagal na nitong naplano ang ganoong sitwasyon. Proud sya sa dalaga dahil naging matatag ito sa lahat ng mga nangyari sa buhay nito.
“Tara.” Pag aya nya sa dalaga.
“Saan?” tanong ni Devon.
“Basta. Do you trust me?” balik tanong nya. Tango lamang ang isinagot nito sa kanya. Hudyat iyon upang pumara sya ng tricycle.
“Babalik tayo sa school?” tanong ni Devon sa kanya ng mapansin nito papunta sa paaralang tinuturuan nila ang daan. Hindi pa rin nya binibitiwan ang kamay nito.
“Hindi.”sagot nya. Sakto namang tumapat na sila sa lugar na pupuntahan nila kaya pumara na sya.
“Cool, may mini park playground pala dito.” Bakas ang aliw sa mukha ni Devon kahit na ilaw lang ng mga poste ang tumatanglaw sa kanila. Niyakag nya ang dalaga sa isang bench.
“Tignan mo yun.” Turo nya sa kalangitan ng makaupo na sila. “Ang daming bituin nagkikislapan. Andyan ang sagot sa tanong mo kung bakit ako naging isang teacher.” Tinitigan nya si Devon bago muling nagwika.
 “Andyan kasi sa mga bituin na yan ang pinakamagaling na guro na nakilala ko . Si Tatay. Dahil sa pagiging mabuti, huwaran at mapagmahal na guro nya sa kanyang mga estudyante ay nagustuhan sya ng hindi lamang mga tinuturuan nya maging ng mga magulang ng mga yun.” Huminto sya at muling tumingala sa langit. “At dahil din sa pagiging Teacher nya, namatay si Tatay. Dahil sa inggit ng isang kapwa guro, napatay si Tatay.” Naramdaman nya ang pagpatong ng kamay ni Devon sa kamay nya. Nginitian nya ang dalaga bago muling tiningala ang langit na puno ng bituin. “Nandyan si Tatay, isa sa mga bituin. Nagtuturo pa rin sa akin, nakagabay kapag dumidilim. Dahil sa kanya lumaki akong mabuting tao kahit na wala akong nakilalang ina. Sya ang insipirasyon ko. Kaya ayun, ako ay naging isang gwapong teacher.” Pabirong wika nya.
Tahimik lamang na nakatingin sa langit si Devon ngunit my ngiti sa mga labi nito. Pinagsiklop nya ang kanilang mga kamay. Inihilig naman nito ang ulo  sa kanyang balikat.
“You can feel it too, diba.” Tanong nya kay Devon.
“Yes.” Tipid na sagot ng dalaga.
“Masaya ako. Thank you for coming kahit na nagsusuplada ka noong una.”
“James.” Tawag nito sa kanya.
“Yes,Honey?” natatawang sagot nya. Nasasanay na sya sa endearment na yun. Natural ng lumalabas ang salita sa bibig nya. Sabihin ng mabilis ang mga pangyayari ngunit wala syang pakealam. Gagawa sya ng mga bagay kung saan mararamdaman ni Devon na espesyal ito. Hindi nya ipagkakait kay Devon ang panliligaw. The lady deserves to be courted properly. Gagawin nya yun dahil mahal nya si Devon. Mahal sa puso hindi lamang sa isip katulad ng nangyari noon kay Ella. At isinusumpa nya sa ngalan ng Tatay nya, gagawin nya ang lahat mapasaya lang si Devon.
“Maka-honey ka wagas na wagas ha.” sagot nito.
“E ikaw ang nagsimula nyan noh, ako pa sisisihin mo. Huwag nga ako Maria Devon!” ganting biro nya sa dalaga.
“Thank you.” Tinitigan sya nito at nabasa nya ang sarili nyang saloobin sa mga mata ng dalaga. “Let’s take it slow.”seryosong wika ni Devon.
Tango ang isinagot nya rito. Mas gusto nyang titigan ang magandang mukha ng dalaga.
 “Good!” sagot ni Devon at mabilis itong tumayo at hinatak sya.
“Aba, aba,aba,kala ko ba slow ha! Makahatak, nagmamadali. May lakad ka teh?” natatawang wika nya.
Natawa sya ng kindatan sya ni Devon at lalo pa iyong lumakas ng gayahin nito ang pagtaas-baba ng mga kilay nya.
“Luka-luka ka talaga.” Nailing na wika nya at inakbayan ito.
“Gutom na ko “honey”. Ilibre mo ko sa Shakey’s dun sa Timog!” paglalambing nito sa kanya.
“Aba demanding ka na agad ha.” Nakangiting wika nya. Hindi nya ipagpapalit ang kasiyahang nadarama nya ngayon.
Tumawa ito at sinumulang kumanta. “Sugar oh honey,honey..”
“You are my kind of girl, and you have me wanting you.. Oh sugar oh honey,honey” magkasabay na kanta nila. Para silang mga lasing sa kanto na magkaakbay na naglalakad at kumakanta. Kung may makakakita sa kanilang dalawa na co-teachers nila malamang maDA sila pero wala na yun sa alalahanin nya.
Narito kasama nya ang pinakaimportanteng tao sa buhay nya. Si Maria Devon Santos, si Mam Santos. Tama ito, uunti-untiin nila at hindi naman sya nagmamadali. Makasama lang ang dalaga Masaya na sya. At marami pang bagay na dapat ayusin si Devon sa ngayon. Napakahaba pa ng panahon at araw na ibibigay ng Diyos para sa kanilang dalawa. Panahon upang makilala nila ang isa’t isa ng lubusan.
Tama nga naman, “When destiny calls, destiny answers.” At naniniwala din sya na “What is meant to be, will always be.”
Siya si James, may panibagong bituin. Si Devon – ang kanyang “honey”.

FIN.