Friday, 5 November 2010

CRAWL BACK TO LOVE CHAPTER 10

CHAPTER 10

They only have two performances left. Pangalawa sa huli ang group song number nila. Pagkatapos niyang umawit ay pumasok na ang mga kasama sa stage. Together they sang “I’ll be there for you”. They danced and laughed while singing. You can clearly see that they are having fun. Natapos ang group performance nila. Patrick’s mother, Tita Beth, entered the stage and became the host. Nagpalit sila ng damit para sa huli nilang pagtatanghal. They all decided to wear supra shoes, green pa rin ang sa kanya at ang kay James ay puti. Her shoes  matched James shirt too. The girls are wearing black blouse and tight jeans. The color of their shoes matched their partners shirt as well.

“These kids really know how to rock, right?” tanong nito sa audience. Isang malakas na “Yes” ang narinig sa lugar. “As we all know, today is Devon’s 17th birthday and her very first birthday in our country. Napakagandang way para mabigyan tayong lahat ng kasiyahan at hindi lang yan, the kid have a big heart. Napasaya na nya tayo kasama ang kanyang mga kaibigan ay makakatulong din sya sa pamamagitan natin. I’m so proud of these kids for doing a great job.” Palakpakan ang mga tao sa sinabi ni Mrs. Beth.

“And I’m so proud of all the parents – syempre kasama na ko dun” nasundan iyon ng tawanan.
“And now ladies and gentlemen, here are the kids for their last performance.”pagtatapos ng ina ni Patrick na muling nasundan ng palakpakan.

The stage is ready and they are too. Nakapuwesto na sila at nakahanda sa pagtugtog ng musika. Partner partner sila sa huling sayaw na gagawin. Siya at si James, si Ivan at Tricia, si Fretzie at si Patrick, si Joe at ang isang member na si Kyra at si Ryan kasama ang crush nitong si Tippie.

Everybody see's it's you
I'm the one that lost the view 

Everybody says we're through 
I hope you haven't said it too 

So where 
Do we go from here 
With all this fear in our eyes
And where 
Can love take us now
We've been so far down
We can still touch the sky


James lifted her and held her tight. Pigil nya ang hininga habang yakap at buhat sya ni  James.

If we crawl
Till we can walk again 

Then we'll run 
Until we're strong enough to jump
Then we'll fly
Until there is no end



James is behind her holding her first on her hips then on her shoulders, pero dahil ayun sa steps nila, she took away his hand but he insisted on putting it there.

So lets crawl, crawl, crawl
Back to love, Yeah

Back to love, Yeah


Hiyawan at tilian ang mga nanood dahil sila ang nasa gitna ng mga sumasayaw.  Umalis sila sa stage at naiwan sina Tricia at Ivan.

Why did I change the pace
Hearts were never meant to race

I always felt the need for space
But now I can't reach your face


Tricia, Ivan, Patrick and Fretzie and the rest except James and Devon danced the whole second stanza with the lifting and jumping. They held their breaths when the girls jumped to be in the boys’ arms.Her and James solo part again.

So where 
Are you standing now

Are you in the crowd of my faults


 Their moves are so intimate, her heart hammering on her chest. Their gazes locked, and…


Love, can you see my hand?

I need one more chance
We can still have it all 


The part that she will hold James’ face and James hugging her, she almost lost her phase when he whispered “I love you” to her. Her mind is in hiatus and she just let him take her when he stand up. The show must go on, she should continue dancing even her thoughts are now disturbed. Seryoso si James at nakatingin sa mga mata nya ng nagsabi ito ng “I love you”. Hindi muna nya dapat isipin yun sa ngayon ngunit nasisiguro nyang tama ang narinig nya. Malapit ng matapos ang sayaw at lahat na ng mga pares ay nasa stage na ulit.

Everybody see's it's you
Well I never wanna lose that view


So we'll crawl (if we crawl)
Till we can walk again 
Then we'll run 
Until we're strong enough to jump
Then we'll fly
Until there is no end
So lets crawl, crawl, crawl

So we'll crawl (ooh)
Till we can walk again (till we can walk again)
Then we'll run (we'll run)
Until we're strong enough to jump (until we're strong enough to jump)
Then we'll fly (then we'll fly)
Until there is no end


Sa huling linya ng kanta kung saan magkalapit ang mukha ng mga pareha, inulit na naman ni James ang sinabi nito. “I love you Devon”.  Nakatitig lamang siya dito, nagtatanong ang mga mata kung bakit sinabi ni James iyon. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay hanggang sa matapos ang musika.

So let's crawl, let's crawl, lets crawl
Back to love 

Back to love yeah
Back to love


Natapos ang kanta at ang kanilang sayaw, they bowed to their audience ngunit hindi pa din binibitiwan ni James ang kamay nya hanggang sa magpasalamat sila sa mga taong nanood at nakibahagi sa kanilang pagtatanghal. They group-hugged and thank the Lord for their successful mini-concert. Bakas sa mukha ng mga tao ang kasiyahan at ang enjoyment sa mga napanood napagtatanghal. Iisa lang ang hindi maipinta ang mukha sa napanood na huling pagtatanghal, ang Ate Ann ni James na agad umalis matapos ang huling sayaw.

“Congratulations Princess! And to all of you,” wika ni Mrs. Palacios. “You guys are the bomb!” patuloy na papuri nito sa kanila. Her Mommy was about to hug her ng makita nito ang pagkakasiklop ng mga kamay nila ni James.

 Pasimple nyang kinalas ang kamay sa binata ngunit mahigpit ang hawak nito. Pinandilatan nya ito na ikinatawa ng Mommy nya. Nahihiya sya sa ina na makitang kahawak-kamay si James baka magalit ito lalo na ang Dada nya. Muli syang nagtangkang alisin ang kamay ng binata ngunit mahigpit parin ang kapit nito. Hanggang sa … “Aray!” reklamo ni James. Hinampas nya kasi ang kamay nito upang pakawalan siya. Nakita nyang namumula ang kamay ng binata at naguilty naman sya kaya hinawakan nya iyon at hinipan. Matapos hipan ay muli nyang hinarap ang ina na may makahulugang ngiti sa mga labi. Her mother hugged her and whispered “You know what dear, bagay na bagay kayo ni James.”

Napamulagat sya sa sinabi nito. “Mommy!”  Tatawa-tawa lamang ang kanyang ina ng matanawan nilang parating ang kanyang ama kasama ng isang pamilyar na tao na matagal na nyang hindi nakikita. She ran towards them and hugged the man that she missed so much.

“Bret! Gosh, its really you. Oh boy, I miss you!” salubong nya kay Bret.

“Hey there pretty girl, Happy Birthday.” Bati nito sa kanya at iniabot ang isang kahon at bungkos ng red tulips.

“Iha, he saw you up there. And…” wika ng kanyang ama at tumingin sa gawi ni James. Nakamasid lamang ang binata sa kanila kasama ang iba pa nilang kaibigan.

“Oh by the way guys, this is Bret Johnson.” Pakilala nya kay Bret sa mga kasama. “He’s my best bud in the States. Why not introduce yourselves to him. “ wika nya sa mga kaibigan.

Isa-isang nagpakilala ang mga ito sa pangunguna ni Joe. Malugod naming tinanggap ni Bret ang pakikipagkamay ng bawat isa. Huling nagpakilala si James at inilahad ang kamay kay Bret ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi pa rin inaabot ni Bret ang kamay ng binata. Babawiin na sana ni James ang pakikipagkamay ng abutin iyon ni Bret. They shook hands but Devon felt that there’s a silent war going on between them. She can see it with their cold stares at each other.

Her mother broke down the silence when she called them to eat. Hindi pa nga pala sila nakakain pasado alas nuwebe na. Napunta lahat ng atensyon niya kay Bret dahil nagmula pa ito sa airport at dumiretso lang sa kanila upang manood ng kanilang pagtatanghal. Sa tuwing mapapadako ang tingin nya kay James ay nahuhuli nya itong nakatingin sa kanya. At sa tuwing titingin sya sa binata naaalala nya ang nangyari habang sila ay sumasayaw.

“Halika na James umuwi na tayo.” Narinig nya ang boses ng ate ng binata. Bumalik ito upang sunduin ang kapatid at tulad ng dati, nakairap na naman ito sa kanya ngunit magiliw ito sa ibang kaibigan ni James.

“Okay ate teka lang,” sagot ni James dito. Nakita nyang palapit ito sa gawi nila ni Bret at may dinudukot sa loob ng jacket nito.

“Excuse me,” panimula ni James. “Uuwi na kami ni Ate, at Happy Birthday pala ulit. Here..” wika nito at iniabot sa kanya ang isang notebook na may ribbon. She wondered what’s inside that little thing pero mamaya nya na titignan kung ano iyon.

“Thanks James. Ingat kayo sa pag-uwi and Thank You.” Iyon lamang ang naisip nyang sabihin sa binata kahit gustong-gusto nyang tanungin ito tungkol sa tatlong salitang binanggit nito ng dalawang beses.

Nakatalikod na ang binata ng muli syang mag-angat ng tingin. She wanted to call him again and tell him that she feel the same way too but she took hold of herself. Baka nagkakamali lang sya ng akala at baka niloloko lang sya ng binata. “Right, baka nga nagbibiro lang si James.” Nawika na lamang ni Devon. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang matagumpay na pagtatanghal nila at naging masaya ang birthday nya. She could not ask for more, she have a wonderful family and friends that are always with her.

CRAWL BACK TO LOVE CHAPTER 9

CHAPTER 9

Ngayon ang araw ng kaarawan ni Devon. Eksaktong alas-singko ng hapon magsisimula ang mini-concert nila. Maaga pa lamang ay gising na silang magkakabarkada upang tumulong sa paghahanda. All things are set, from their costumes, performances and down to the foods for the visitors. Her Dada gave her a new XRM that she wanted since she learned how to ride a bike. Namana nya sa ama ang hilig sa mga motorsiklo ngunit dahil sa takot itong madisgrasya sya kaya hindi sya nito binibilhan. Now that she’s 17 and matured enough to know the rules, her father finally gave her this precious gift. Hindi sya takot masaktan o masugatan, nananalaytay sa dugo nya ang dugo ng dalawang pinakamatapang na tao na nakilala nya – ang kanyang ama at ina.

Nakabalik na silang magkakaibigan sa kanilang bahay upang magtanghalian at pagkatapos nun ay pare-pareho na silang maghahanda para sa okasyon sa mga susunod na oras.

“Wow, Tita Dev kung si Tita Beth ay the best sa desserts, ikaw ang the best sa ulam!” pambobola ni Joe sa kanyang ina na nagaasikaso sa kanila.

“Nakalibre ka lang ng tanghalian nambola ka pa jan” wika naman ni Ivan.

“Guys behave, nakakahiya kay Tita Dev oh.” Sita ni Tricia sa mga ito. Minsan natatawa sya sa kaibigan dahil parang ito pa ang matanda sa kanila kung magsaway ito.

“Natanong mo na ba kay Tita?” pag-iiba ni James ng usapan. Sa kanya ito nakatingin kaya naman alam nyang sya ang kinakausap nito.

“Oh, mabuti pinaalala mo,” hinarap nya ang kanyang ina at sinabi dito ang tungkol sa babaeng may apelyidong Castillanes din.

“Hmm, did you get her complete name?” nakakunot-noong tanong ng kanyang ina.  Parehas silang umiling ni James dahil hindi nga nila nalaman ang pangalan ng dalaga. “Well, siguro kaparehas lang pero konti lang ang Castillanes dito sa Pilipinas baka nga kamag-anak natin yun.” Pahayag ng kanyang ina.

“Siguro nga.. Come on guys bilisan na natin ang pagkain para makapagpahinga na ang birthday girl.” Wika naman ni Patrick.

“Teka bakit hindi muna natin,” wika ni James. Tumayo ito at kinindatan ang kanyang ina. Naguguluhan sya sa inaasal nito at parang kakutsaba pa ang kanyan Mommy Devvine. Iniwan sila ni James sa hapag-kainan at nakita nyang pumasok ang binata sa kanilang kusina. Nagulat sya ng makita itong may tangan na cake na may nakasinding kandila. James started singing “Happy Birthday to you” na sinundan ng mga kaibigan nila. Yun pala ang sorpresa nito at ng Mommy nya. Masayang-masaya syang hinipan ang cake at nagpasalamat sa lahat ng kasalo. Maging ang kanyang Dada JP ay kasama sa mga kumanta ng “Happy Birthday”. Masaya nilang pinagsaluhan ang cake bilang dessert. Her eyes went to James who mouthed “Happy Birthday” to her, she smiled back. Mamaya pa ang totoong selebrasyon ng kaniyang kaarawan ngunit masayang-masaya na sya. Her first birthday in the Philippines will be so memorable.

****

“Ladies and Gentlemen, our beloved guests and friends, today we celebrate the birth of our dear friend Princess Devon Palacios.” Pambungad ni Tricia bilang host. “She wanted her birthday to be extraordinary so we will celebrate with you guys. So seat back and enjoy our “little gift” for you. Welcome to our world, The Teens Corner World”. Pagtatapos ni Tricia na nasundan ng palakpakan.

Maraming tao ang nagpunta sa kanilang mini-concert. At tulad ng sa imbitasyon sa lahat na pupunta, hindi regalo ang nais nyang matanggap. Nalaman niyang may foundation na patuloy na tinutulungan ang kanyang ina – ang Little Angels Foundation. Kaya naman naisip nyag imbes na regalo para sa kanya ay donation in cash or in kind na lang ang ibigay ng mga dadalo na nais magbigay ng regalo. Sabi nga ni Ryan, their mini-concert and her birthday is for a cause. Natuwa kasi sya sa pagiging mapagkawang-gawa ng kanyang ina na lingid sa kaalaman ng mga grandparents nya dati.

Nagsimula na ang kanilang pagtatanghal. Nagdilim ang stage at napuno ng mabilis na musika ang paligid. Their first performance is a dance number. Isang hiphop dance iyon sa saliw ng GET YOUR MONEY UP. Sa bawat galaw at indak nilang magkakaibigan kasama ang iba pang miyembro ng Teens Corner ay napapalitan ng palakpakan mula sa mga manood. She is wearing a black semi longsleeves blouse with glitters on it, a tight fitting grayish pants and her green supra shoes. She love her supra shoes because she can dance perfectly with it.

Natapos ang kanilang unang pagtatanghal. Palapakan at hiyawan ang sagot ng mga tao sa paligid.

 “Did you enjoy that?” tanong  ni Patrick matapos ang kanilang pagtatanghal. Isang malakas na “yes” and “more” ang sagot ng mga tao.

“Simula pa lang po yan ng mga performances na siguradong magpapasaya sa inyo.” Dugtong naman ni Tricia.

“Up next isang kilig number coming from these two people.” Wika ni Pat na ang tinutukoy ay sina Ivan at Fretzie na official ng magkasintahan. Saksi sila sa cute na pag-iibigan ng dalawa. Ivan asked for Fretzie’s hand sa harap ng mga magulang ng dalaga. Nagsimula ng umawit sina Ivan at Fretzie ng kantang “Lucky”. Iyon ata ang themesong ng dalawa, habang nasa entablado ang dalawang kaibigan ay kausap niya ang ibang kasama sa backstage. May nakita sya sa mga audiences at gusto nyang malaman ni James ang saloobin nya.

“I saw Ate Ann among the audience James.” Wika niya sa binata. Natatandaan nya pa ang isang beses na tinarayan na naman sya ng ate nito. Nang minsang puntahan nila kasama sina Ryan at Patrick, ang bahay nila James upang dalawin dahil may sakit ang huli ay hindi siya pinapasok nito. Pangit daw tignan na nagpupunta sya sa bahay ng isang lalaki.  Nagpaiwan na lamang si Patrick sa labas kasama nya kaysa maiwan syang mag-isa. Hindi nya malaman sa ate ng binata kung bakit ganon ang pakikitungo nito sa kanya.

“Don’t worry, manood lang yan. Smile ka na at huwag kabahan noh. Sus si Ate lang yan.” Pabirong sagot ni James sa kanya. Tama ito, hindi sya dapat kabahan dahil nasa paligid ang mga magulang nya at ng mga kaibigan nya. Natapos ng umawit sila Fretzie at sumunod ang iba pang pagtatanghal nila James at Patrick. Ang RNB number nila Ryan at Joe at ang duet nila Fretzie at Tricia. At bilang may kaarawan ay may solo performance sya. Nagtungo sya sa makeshift stage at umupo sa harap ng keyboard.

“Thank you so much for taking part in my birthday, my heart is filled with so much happiness because you guys are here celebrating with me. This song is for the two people whom I love dearly. Mommy and Dada, this is for you. I love you both.” Teary-eyed na wika nya at sinumulang tugtugin sa keyboard ang kanta.

When I am down and, oh my soul, so weary;
When troubles come and my heart burdened be;
Then, I am still and wait here in the silence,
Until you come and sit awhile with me.

You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.

You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.


Tumingin sya sa gawi ng mga magulang at nagpatuloy sa pag-awit.

You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.

You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.

You raise me up... To more than I can be. 


Natapos nya ang awit na may luha sa mga mata.Tinignan nya ang lugar ng mga magulang nya at nakita nyang umiiyak na nakangiti ang kanyang ina. Her mother mouthed “I love  you” to her while her father beamed with so much pride and happiness. The audience applauded and shouted more and more.

CRAWL BACK TO LOVE CHAPTER 8

CHAPTER 8


Naging busy silang magkakaibigan sa loob ng mga sumunod na lingo. They see to it na maganda ang kalalabasan ng pagtatanghal nila. Nagulat sya sa dance number nila, magaling ang choreographer na kinuha ni Tricia. Sana masayaw nila iyon ng maayos dahil complicated ang mga steps.

Isang linggo bago ang kanyang kaarawan, nagkaroon ng audition  sa College of Arts. Magkakaroon ng musical play bilang pagtatanghal sa anibersaryo ng Unibersidad. She and James decided to audition. Naalala nya pa ang sinabi ni James sa kanya na dapat daw ay may mga ibang activities syang sinasalihan sa kanilang unibersidad. Nakikita nya ang pagbabago kay James, ang dating tahimik na binata ay nagiging maingay na rin ngayon. At sa bawat araw na nakikita at nakakasama nya ang kaibigan ay lalong lumalalim ang nararamdaman nya dito.

“Hoy, ang lalim ng iniisip mo ha.” Pukaw sa kanya ni James. Katatapos lang nitong ilagda ang pangalan sa mga mag-aaudition.

“You’re annoying, ang hilig mong gawin yan.” Kunwa’y inis na wika nya. Lagi sya nitong ginugulat kaya naman lagi itong nasasaktan.

“Ikaw din, you’re so…” wika nito ngunit pinutol nya ang sasabihin ni James.

“Anong so aber?” inambaan nya ang binata ng suntok. Tatawa-tawa naman itong itinaas ang mga kamay bilang pagsuko. “Grabe ka talaga, masyado kang bayolente.”

Sasagutin nya sana si James ng lumabas ang Professor na in-charge sa audition. Pinapapasok na ang mga participants upang masimulan na ang audition. You can audition as a solo or duet performance. But they decided to do solo parts. Nauuna sya kay James ng tawagin sya nito. “Yes James?” tanong niya.

“Goodluck!” wika ng lalaki at inilahad ang kamay sa kanya. She had second thoughts if she will accept his hand and walk hand in hand with him. She looked at him and saw his smile, her heart melted again. Iniabot nya ang kamay sa lalaki at magkahawak kamay silang nagtungo sa mga upuan sa auditorium. 

“Uy andito din pala ang lovers,” narinig nilang wika ng kanyang mga classmates. Ilan sa mga ito ay bahagi na ng Drama club. “Lovers kayo dyan, tse!” biro nya sa mga ito na nasundan ng mga tawanan. Naging tahimik ang lugar ng pumunta sa harapan si Mrs. Darius. Isa-isa nitong tinawag ang mga mag-aaudition. Nauna si James sa kanyang kumanta. He sang “No Boundaries” at ang lahat ay nakamata lamang sa binata. Bago ito bumaba sa entablado ay kinindatan sya nito. Pinandilatan nya naman ng mata ang binata. “Ang yabang mo talaga.” Inirapan nya ito ngunit para sa kanya ay biro lamang iyon.

“Beat that!” pagmamalaki naman sa kanya ng binata. Narinig nyang tinawag ang apelyidong Castillanes at muntik na syang tumayo ng maalalang sa Mommy nya ang apelyidong iyon. Sinundan nya ng tingin agn babaeng dumaan sa harapan nila. Pinagmasdan nya ito habang paakyat sa entablado. The girl is pretty ngunit ang nakatawag ng pansin nya ay ang boyish look nito, ang maiksing buhok at ang dogtag necklace nito.

“Castillanes? My Mum’s maiden name is Castillanes too,” bulong nya kay James.

“Baka kamag-anak nyo, tanong mo kay Tita later.” Sagot ni James. Nagkibit balikat lamang sya sa sinabi nito dahil nagsimula ng umawit ang dalaga. The girl is singing “Halo” and honestly speaking without being boastful, the girl is out of tune. Pasimple nyang tinignan si Mrs. Darius na umiiling-iling habang nagsusulat sa papel na hawak nito. They endured her entire performance dahil hindi ito iki-nut ni Mrs. Darius. Natapos ang dalagang may apelyidong Castillanes sa pag-awit nito. Expectant itong tumingin sa guro na nagpasalamat dito. Hanggang makabalik  ang dalaga sa upuan nito ay nakasunod pa rin ang tingin nya dito.  “Ouch” napalakas ang wika nya dahil nagulat at nasaktan sya sa pagsiko ni James sa kanya. “Ano ba James,”

“Ikaw na ang kasunod,” itinuro ni James si Mrs. Darius na nakatingin sa gawi nila “kung ano ano kasi iniisip mo. Hala sige tayo na lagpasan mo ang galing ko” mayabang at pabirong wika nito. Irap na naman ang iginanti nya dito bago sya tumayo.

“Hello I’m Devon and I’ll be singing “Listen” by Beyonce Knowles.” Natahimik ang buong auditorium ng magsimula na syang umawit.

Listen
To the song here in my heart
A melody I start but can't complete
Listen
To the sound from deep within
It's only beginning to find release
Oh, the time has come 
For my dreams to be heard
They will not be pushed aside and turned
Into your own, all 'cause you won̢۪t listen

Listen 
I am alone at a crossroads
I'm not at home in my own home 
And I've tried and tried 
To say what's on my mind 
You should have known 

Oh, now I'm done believing you 
You don't know what I'm feeling 
I'm more than what you made of me 
I've followed the voice you gave to me 
But now I've got to find my own 

You should have listened
There is someone here inside
Someone I thought had died so long ago 
Oh, I'm screamin out
And my dreams will be heard
They will not be pushed aside or worse
Into your own, all 'cause you won't listen

Listen 
I am alone at a crossroads
I'm not at home in my own home 
And I've tried and tried 
To say what's on my mind 
You should have known 

Oh, now I'm done believing you 
You don't know what I'm feeling 
I'm more than what you made of me 
I've followed the voice you gave to me 
But now I've got to find my own 

I don't know where I belong
But I'll be moving on 
If you don't, if you won't
Listen 
To the song here in my heart
A melody I start but I will complete 

Oh, now I'm done believing you 
You don't know what I'm feeling 
I'm more than what you made of me 
I've followed the voice you gave to me 
But now I've got to find my own, my own 





“Thank you” pasasalamat nya sa palakpakan ng mga kasama at mabilis syang bumaba sa entablado. Pagbalik nya sa upuan nila ay ang nakasimangot na si James ang kanyang nakita. Tinanong nya ito kung anong problema ngunit hindi pa rin ito sumagot bagkus ay iningusan lang sya ng binata. “James Roy Rivera what’s your problem?” inis na wika nya dito. Naiinis na sya sa binata dahil hindi ito sumasagot. Nang muli syang tumingin kay James nakita nyang nagpipigil ito ng tawa. Niloloko na naman sya ng binata at hindi nya napigilang hampasin ito.

“Aray naman, grabe ka talaga kapag galit dapat lagi akong may dalang shield eh.” Reklamo ng binata.

“Ewan ko sayo!” nagulat sya ng kudlitan ni James ang kanyang ilong. Nakangiti itong nagwika at nakita nya ang kislap sa mga mata ng binata.

“Proud talaga ko sayo talagang tinalo mo ko.” Wika ni James kay Devon. She only wanted to stare at him for a minute but when their gazes locked, she cannot take away her eyes away from his.

“Hoy lovebirds may sinasabi si Mrs. Darius makinig kaya kayo.” Wika ng isang babae sa tabi nila. Nagkatinginan na lang silang dalawa ngunit lingid sa bawat isa pag-asa ang nakatanim sa kanilang mga puso. Pag-asang may patutunguhan ang magandang pagkakaibigan nila.

Tuesday, 2 November 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 6-7

CHAPTER 6

Sinundan nila ng tingin ang mga papalayong dalaga. Sinumpong na naman si Tricia ng pagka-isip bata nito.

“Fretz, kami ng bahala kay Devon sa harap lang ng bahay nila Patrick ang bahay nila. Kami na ang maghahatid sa kanya.” Narinig  nyang pahabol ni Joe ilang hakbang pa lang ang layo ng dalawang dalaga samantalang tuluyan ng nakalabas ng Hangout si Tricia. Nilingon sila ng dalawa at huminto ang mga ito.

“Oo nga Fretz, go follow your sister. “ wika ni Ivan ng makalapit na sila.

“Are you sure na ihahatid nyo si Devon, nakakahiya kay Tita Devvine kung hindi ko sya ihahatid pabalik sa kanila.” Nahihiyang wika ni Fretzie

“No girl, I’ll be fine you don’t have to worry. Yung sister mo muna ang sundan mo. I’m sure walang mangyayari sakin kasi I have five bodyguards oh.” Biro ni Devon.

Napagpasyahan nilang sabay-sabay na silang umalis sa kanilang tambayan. Ihahatid na muna nila si Fretzie dahil mauuna ang bahay ng mga ito. Nauunang maglakad sina Devon at Fretzie kasabay sina Ivan at  Joe. Naririnig nya ang masaganang tawa ni Devon sa bawat joke ni Joe. Habang parang may sariling mundo naman sina Ivan at Fretzie. Napatingin siya kina Ryan at Patrick na may mga makahulugang ngiti sa labi. Alam nila ang pagkakagusto ng mga ito sa isa’t-isa kahit na parehong mahiyain ang dalawa.

“One down” wala sa loob na nabulalas nya.

“Dude anong one down?” nakakunot-noong tanong ni Pat. Napabunghalit naman ng tawa si Ryan. Malamang nakita nitong namumula ang mukha nya, bihira siyang magblush pero ngayon ramdam nya dahil mainit ang pisngi nya. “Shocks dude, you’re blushing.” Tudyo pa ni Ryan.

“One down, meaning hindi na kasama si Ivan sa mga karibal mo kay Devon.” Pahayag ni Patrick, isa iyong pahayag at hindi tanong naparang nakakasigurado ang kaibigan nya.

“Hindi iyon!” napalakas na wika nya kaya napalingon ang mga nasa harapan nila. “What’s the matter dude?” tanong ni Ivan.Nagtatakang nakatingin naman si Devon sa kanya.

“Ayan dude nakatingin sayo oh, “bulong ni Ryan at patuloy na asar nito sa kanya.

“Wala, he’s just telling us “some story”, diba James?” sagot ni Patrick.
“Yes, ituloy nyo lang ang paglalakad. I’m fine.” Sagot nya.
“Are you sure you’re alright  James?” tanong ni Devon sa kanya. Hindi agad sya nakasagot dahil sa nakitang concern sa mukha ng dalaga.

“I’m fine Devon, “ matipid na sagot nya. “Tara lakad na tayo.” Aya nya sa mga ito. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang marating nila ang bahay nila Fretzie. Natanawan nilang nakaupo sa veranda si Tricia. Nagpaalam  na sa kanila si Fretzie at nagpatuloy silang maglakad. Nauuna pa rin sila Ivan,Joe at Devon sa kanila. 

Isang araw pa lang nyang nakikilala ang dalaga ngunit nakuha na nito agad ang loob nya. Hindi sya basta basta medaling makipagkaibigan dahil sabi nga ng mga kaibigan nya may pagkasuplado daw sya. Pakiramdam nya kasi matagal na silang magkakilala ng dalaga, at nakita din nyang madaling pakisamahan ito. Na kahit na laki ito sa Amerika ay hindi ito mapili sa magiging kaibigan. Malapit na sila sa bahay nila Devon ng matanawan nya ang pamilyar na bulto ng isang tao. Nakahalukipkip at nakatayo ito sa harap ng bahay nila Patrick at kausap ang ina ng kaibigan.

“Dude, sinusundo ka na naman ng ate mo.” Wika ni Ryan sa kanya.

Tama ito sinusundo na naman sya ng ate nya. Pasado alas-singko na ng hapon kaya naman pinuntahan na sya nito sa bahay ng kaibigan nya. Hindi pa sila ganap na nakakalapit ng magsalita ito ang Ate Ann nya.

“James, diba sabi ko sayo na huwag kang magpapagabi. “ salubong sa kanila ng ate nya. Minsan naiinis sya dito dahil kahit kaharap ang mga barkada nya ay pinagagalitan siya nito.

“Hi Ate Ann!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan nya. “Hi kayo dyan.” Sagot ng ate nya. “Sino sya?” tanong nito ng mapansin si Devon.

“Ate meet Devon, our new friend. Kalilipat lang nila dito. Devon, si Ate Ann ko” pakilala niya  sa dalawa. Kilala ang ate nya bilang isnabera sa mga taong ayaw nito at napansin nyang balewala dito ang pagpapakilala nya kay Devon. Hinawakan nito ang kamay nya at banayad syang hinatak.

“Halika na James, tatawag daw si Mama mamaya at kakausapin ka.” Aya ni James sa kanya.

“Ok ate,” sang-ayon nya dito. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan at kay Tita Beth na iiling-iling lang sa inasal ng ate nya. Huli syang nagpaalam kay Devon.

“Bye Devon, nice meeting you.” Paalam nya dito. 

“Ano ba James halika na.” muling tawag sa kanya ng ate nya.

“Bye James nice meeting you too.” Nagtatakang wika ni Devon. Marahil ay nasa isip nito kung bakit naglalakad sila palabas ng Village. Sinulyapan nyang muli ang mga naiwang kaibigan at ang dalagang bagong kakilala. Nasisiguro nya, hindi siya nito patutulugin. Nakaukit sa isip nya ang magandang mukha nito at ang napakatamis na ngiti ng dalaga.  


CHAPTER 7

One month had passed since they moved in the villa. One month na din ng makilala nya ang mga bagong kaibigan. They had time to hangout in their house and play some games in the clubhouse. Mabait ang magkapatid na Fretzie at Tricia kahit na madalas sumpungin ng tantrums ang huli. At ang grupo naman ng mga kalalakihan ay laging may dalang bagong musika. 

Nakapag-enroll na rin sya sa tulong ng impluwensya ng kaniyang ama. Bachelor in Arts ang kinuha nyang kurso Major in Music dahil iyon ang hilig nya. Hindi nakialam ang kanyang mga magulang sa ano mang gusto niyang kurso. 

Naging busy sya sa loob ng isang buwan dahil sa mga kailangang habulin sa kanyang pag-aaral. At nagulat siya isang araw ng makita si James sa loob ng unibersidad na pinapasukan nya. She learned that he is also studying in the same University through scholarship. Nalaman na nya mula kay Fretzie na hindi doon nakatira ang binata at hindi katulad nilang “maykaya” ang pamilya. Balewala naman sa kanya yun dahil hindi sya tumitingin sa estado ng buhay. Mabait sa kanya ang lalaki at tinulungan siya nitong mag-adjust sa bagong surrounding nya. 

Araw ng Biyernes at kausap nya ang kaniyang ina habang nag-aalmusal. One month na lang bago ang kanyang ika 17 na kaarawan. She is turning 17 next month and she doesn’t have any plan on how will she celebrate her special day.

“Dear, what would you like to do on your birthday? Any plan?” tanong ng kaniyang ina.

“None Mum, ikaw may idea ka ba? We only have at least a month to prepare for it.”

“Since it’s the first for us to celebrate your birthday here in the Philippines, why not..” bitin sa kanya ng kanyang ina.

“Mum, umayos ka ha, make sure magugustuhan ko ang idea mo.” Wika niya dito.

Natawa ang kanyang ina  “Honey, since you like music I mean singing and dancing, why not let’s do a mini-concert for your birthday.” Napatingin sya sa kanyang ina, hindi sya makapaniwala sa idea nito.

“Don’t look at me as if I became an alien dear, you see,” nilapitan sya nito at hinawakan ang kanyang balikat. “we can invite your friends and they can be a part of the concert too. Nakita kong you all love music, they can sing and dance too. That boy James can play the guitar and before I saw you with your girlfriends dancing in your room.”  Mahabang litanya ng kanyang ina. 

Naalala nya ang sinasabi nito ng minsang nagpatugtog sila ng “Telephone” sa kanyang kwarto. Nagkatuwaan silang magsayawan and they had fun. Doon nya nalaman na ang mahiyaing si Fretzie ay may talent sa pagsayaw. 

“Mum, are you sure about this? How about Dada, papayag kaya sya?”

“Devon princess, you’re Dada loves you so much at I’m sure hindi yun tututol. At kung tumutol man sya, si Mommy na ang bahala dun.” Sagot nito sabay kindat. 

Honestly, she is excited about the idea. She liked it actually and she started imagining how they will rock and roll on her birthday. “Okay Mum, we only have a month. No need for invitations let’s make it an open party.”wika nya sa ina.

“Sigurado ka iha, open party? Meaning the whole village will see your “pagkakalat?” pang-aasar ng kanyang ina. 

“Mum, I bet gustong-gusto mo yun noh, yung nakikita ng iba kung gaano kaganda at katalented ang inyong prinsesa.” Ganting biro nya dito.

Excited na talaga sya, tumayo sya at nagpaalam sa ina. She went to her room to send an sms to her friends. She will meet them in the hangout and she will tell them about her birthday plans. At isa pa,she missed James. Dalawang araw na nya itong hindi nakikita dahil nagpart-time daw ito sa trabaho ni Ate Ann. Naalala nya na naman ang masungit na ate ng binata pero in time, she know Ate Ann will like her soon.

*****
“OMG, girl are you serious?” exaggerated na wika ni Tricia. Nanlalaki ang mata nito ng ipaalam nya ang plano sa kanyang kaarawan. 

"Ano guys  are you in? Birthday gift nyo na lang sakin ang participation nyo."isa-isa nyang tinignan ang mga ito. Alam nyang her friends will never let her down.

 Nagulat sya ng may umakbay sa kanya. She saw James smiling at her. Sa nakalipas na buwan ay lalong naging  malapit silang magkakaibigan. Lalo na si James, dahil kada araw ay mas lalong napapalapit ang lalaki sa kanya. Comfortable sila sa isa't isa, "boksingero't boksingera" ang tawag ng mga kaibigan nya sa kanilang dalawa dahil kapag nagkukulitan sila ay hind naiiwasan ang hampasan, kurutan at minsan ay may duguan ng nangyari ng aksidenteng makalmot nito ang kamay nya. 

"Sure Miss tutulungan ka namin at baka maagaw pa namin ang spotlight sayo sa araw ng birthday mo." wika nito sa kanya. 

Siniko nya ito at inalis ang pagkakaakbay sa kanya. "Alam mo ikaw, mas magandang tahimik ka nalang, kaysa ganyan, lumalabas pagkahambog mo noh. "biro nya sa lalaki.

Iniikot nito ang mata at nagwika ng " I don't really keh" naghagalpakan sila dahil sa tuwing gagawin ni James iyon ay may kasamang irap. Tawa siya ng tawa gayon din ang mga kaibigan nya kaya hindi nya nahalatang nakatitig lamang si James sa kanya. Ng mapansin nya ang ginagawa ng binata ay nawala ang ngiti sa labi. Minsan naiisip nyang may espesyal na pagtingin ang binata sa kanya dahil sa mga emosyong nababasa nya sa mga mata nito. Ngunit ayaw nyang mag-assume, maganda ang samahan nila at naiintindihan nila ang isa't isa.

"Eherrrmmmmmmmmmmm.... " narinig niyang wika nila Joe, Patrick at Ryan habang si Ivan ay ngiting-ngiti lamang. 

"Pwede namang hindi magtitigan diba? Pwede yun diba?" pangungulit ni Joe sa kanila.

"Shut up Joe-ker!" ganti nya dito.

Pumalakpak si Tricia at kinuha ang atensyon nila. "Guys, Devon we need to plan na diba? Konti lang time natin to prepare. Any idea guys?" nakataas ang kilay na wika nito. Sa loob ng mga araw na kasama nya ang magkapatid na Tricia at Fretzie ay alam nya na ang ugali ng mga ito. At alam nyang naiinis na naman si Tricia sa kanya dahil kay James sa simpleng kadahilanang may gusto ito sa binata.

Lumipas ang maghapon na nagplano sila ng gagawin. Nang mga ipapalabas nila sa birthday mini-concert niya. Nagustuhan nya ang suggestion ni Tricia na sasayaw silang lahat. Pasimple syang tumingin kay James at nahuli nya ang makahulugang ngiti nito.