CHAPTER 9
Ngayon ang araw ng kaarawan ni Devon. Eksaktong alas-singko ng hapon magsisimula ang mini-concert nila. Maaga pa lamang ay gising na silang magkakabarkada upang tumulong sa paghahanda. All things are set, from their costumes, performances and down to the foods for the visitors. Her Dada gave her a new XRM that she wanted since she learned how to ride a bike. Namana nya sa ama ang hilig sa mga motorsiklo ngunit dahil sa takot itong madisgrasya sya kaya hindi sya nito binibilhan. Now that she’s 17 and matured enough to know the rules, her father finally gave her this precious gift. Hindi sya takot masaktan o masugatan, nananalaytay sa dugo nya ang dugo ng dalawang pinakamatapang na tao na nakilala nya – ang kanyang ama at ina.
Nakabalik na silang magkakaibigan sa kanilang bahay upang magtanghalian at pagkatapos nun ay pare-pareho na silang maghahanda para sa okasyon sa mga susunod na oras.
“Wow, Tita Dev kung si Tita Beth ay the best sa desserts, ikaw ang the best sa ulam!” pambobola ni Joe sa kanyang ina na nagaasikaso sa kanila.
“Nakalibre ka lang ng tanghalian nambola ka pa jan” wika naman ni Ivan.
“Guys behave, nakakahiya kay Tita Dev oh.” Sita ni Tricia sa mga ito. Minsan natatawa sya sa kaibigan dahil parang ito pa ang matanda sa kanila kung magsaway ito.
“Natanong mo na ba kay Tita?” pag-iiba ni James ng usapan. Sa kanya ito nakatingin kaya naman alam nyang sya ang kinakausap nito.
“Oh, mabuti pinaalala mo,” hinarap nya ang kanyang ina at sinabi dito ang tungkol sa babaeng may apelyidong Castillanes din.
“Hmm, did you get her complete name?” nakakunot-noong tanong ng kanyang ina. Parehas silang umiling ni James dahil hindi nga nila nalaman ang pangalan ng dalaga. “Well, siguro kaparehas lang pero konti lang ang Castillanes dito sa Pilipinas baka nga kamag-anak natin yun.” Pahayag ng kanyang ina.
“Siguro nga.. Come on guys bilisan na natin ang pagkain para makapagpahinga na ang birthday girl.” Wika naman ni Patrick.
“Teka bakit hindi muna natin,” wika ni James. Tumayo ito at kinindatan ang kanyang ina. Naguguluhan sya sa inaasal nito at parang kakutsaba pa ang kanyan Mommy Devvine. Iniwan sila ni James sa hapag-kainan at nakita nyang pumasok ang binata sa kanilang kusina. Nagulat sya ng makita itong may tangan na cake na may nakasinding kandila. James started singing “Happy Birthday to you” na sinundan ng mga kaibigan nila. Yun pala ang sorpresa nito at ng Mommy nya. Masayang-masaya syang hinipan ang cake at nagpasalamat sa lahat ng kasalo. Maging ang kanyang Dada JP ay kasama sa mga kumanta ng “Happy Birthday”. Masaya nilang pinagsaluhan ang cake bilang dessert. Her eyes went to James who mouthed “Happy Birthday” to her, she smiled back. Mamaya pa ang totoong selebrasyon ng kaniyang kaarawan ngunit masayang-masaya na sya. Her first birthday in the Philippines will be so memorable.
****
“Ladies and Gentlemen, our beloved guests and friends, today we celebrate the birth of our dear friend Princess Devon Palacios.” Pambungad ni Tricia bilang host. “She wanted her birthday to be extraordinary so we will celebrate with you guys. So seat back and enjoy our “little gift” for you. Welcome to our world, The Teens Corner World”. Pagtatapos ni Tricia na nasundan ng palakpakan.
Maraming tao ang nagpunta sa kanilang mini-concert. At tulad ng sa imbitasyon sa lahat na pupunta, hindi regalo ang nais nyang matanggap. Nalaman niyang may foundation na patuloy na tinutulungan ang kanyang ina – ang Little Angels Foundation. Kaya naman naisip nyag imbes na regalo para sa kanya ay donation in cash or in kind na lang ang ibigay ng mga dadalo na nais magbigay ng regalo. Sabi nga ni Ryan, their mini-concert and her birthday is for a cause. Natuwa kasi sya sa pagiging mapagkawang-gawa ng kanyang ina na lingid sa kaalaman ng mga grandparents nya dati.
Nagsimula na ang kanilang pagtatanghal. Nagdilim ang stage at napuno ng mabilis na musika ang paligid. Their first performance is a dance number. Isang hiphop dance iyon sa saliw ng GET YOUR MONEY UP. Sa bawat galaw at indak nilang magkakaibigan kasama ang iba pang miyembro ng Teens Corner ay napapalitan ng palakpakan mula sa mga manood. She is wearing a black semi longsleeves blouse with glitters on it, a tight fitting grayish pants and her green supra shoes. She love her supra shoes because she can dance perfectly with it.
Natapos ang kanilang unang pagtatanghal. Palapakan at hiyawan ang sagot ng mga tao sa paligid.
“Did you enjoy that?” tanong ni Patrick matapos ang kanilang pagtatanghal. Isang malakas na “yes” and “more” ang sagot ng mga tao.
“Simula pa lang po yan ng mga performances na siguradong magpapasaya sa inyo.” Dugtong naman ni Tricia.
“Up next isang kilig number coming from these two people.” Wika ni Pat na ang tinutukoy ay sina Ivan at Fretzie na official ng magkasintahan. Saksi sila sa cute na pag-iibigan ng dalawa. Ivan asked for Fretzie’s hand sa harap ng mga magulang ng dalaga. Nagsimula ng umawit sina Ivan at Fretzie ng kantang “Lucky”. Iyon ata ang themesong ng dalawa, habang nasa entablado ang dalawang kaibigan ay kausap niya ang ibang kasama sa backstage. May nakita sya sa mga audiences at gusto nyang malaman ni James ang saloobin nya.
“I saw Ate Ann among the audience James.” Wika niya sa binata. Natatandaan nya pa ang isang beses na tinarayan na naman sya ng ate nito. Nang minsang puntahan nila kasama sina Ryan at Patrick, ang bahay nila James upang dalawin dahil may sakit ang huli ay hindi siya pinapasok nito. Pangit daw tignan na nagpupunta sya sa bahay ng isang lalaki. Nagpaiwan na lamang si Patrick sa labas kasama nya kaysa maiwan syang mag-isa. Hindi nya malaman sa ate ng binata kung bakit ganon ang pakikitungo nito sa kanya.
“Don’t worry, manood lang yan. Smile ka na at huwag kabahan noh. Sus si Ate lang yan.” Pabirong sagot ni James sa kanya. Tama ito, hindi sya dapat kabahan dahil nasa paligid ang mga magulang nya at ng mga kaibigan nya. Natapos ng umawit sila Fretzie at sumunod ang iba pang pagtatanghal nila James at Patrick. Ang RNB number nila Ryan at Joe at ang duet nila Fretzie at Tricia. At bilang may kaarawan ay may solo performance sya. Nagtungo sya sa makeshift stage at umupo sa harap ng keyboard.
“Thank you so much for taking part in my birthday, my heart is filled with so much happiness because you guys are here celebrating with me. This song is for the two people whom I love dearly. Mommy and Dada, this is for you. I love you both.” Teary-eyed na wika nya at sinumulang tugtugin sa keyboard ang kanta.
When I am down and, oh my soul, so weary;
When troubles come and my heart burdened be;
Then, I am still and wait here in the silence,
Until you come and sit awhile with me.
You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.
You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.
Tumingin sya sa gawi ng mga magulang at nagpatuloy sa pag-awit.
You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.
You raise me up, so I can stand on mountains;
You raise me up, to walk on stormy seas;
I am strong, when I am on your shoulders;
You raise me up... To more than I can be.
You raise me up... To more than I can be.
Natapos nya ang awit na may luha sa mga mata.Tinignan nya ang lugar ng mga magulang nya at nakita nyang umiiyak na nakangiti ang kanyang ina. Her mother mouthed “I love you” to her while her father beamed with so much pride and happiness. The audience applauded and shouted more and more.
No comments:
Post a Comment