Friday, 15 July 2011

JSPI SERIES B1 - CAMAE in I WILL BE HERE

CAMAE

IN

I WILL BE HERE

NAME:                        CARLA MAY NATIVIDAD
AGE:                           22 YEARS OLD
FAVORITE COLOR:   BLUE
MOTTO:                      Everything happens for a reason.


“I will be here, if you feel like being quite. If you need to speak your mind, I will listen. ‘Cause I will be here.”


“Carla! Carla! Carlaaaa…” sigaw ng kanyang ina. Tinakpan nya ang kanyang tenga upang hindi nya marinig ang sigaw nito. Alam na alam na nya ang ibig sabihin ng tono ng kanyang ina kaya’t inihanda nya na ang kanyang sarili sa mangyayari.  Napailing sya sa sarili at bumuntong-hininga.

“So, ikaw na naman Carla May Natividad, ikaw na naman as usual.” Malungkot na wika nya bago tumayo sa pagkakaupo nya sa gilid ng kanyang kama. Sa edad na 22, parang hindi pang kabataan ang nangyari sa buhay nya. Napatingin sya sa family picture na nasa bedside table nya. She held back the tears as she looked at the happy faces on that photograph. Years ago, they were like that. The photo was taken when she was still 7 years old. Bakas sa batang mukha nya ang kasiyahan, nasa musmos na mga mata nya ang kinang at ang pakiramdam na nagmamahalang pamilya.

“Kuya, Papa…. “ ang pagpipigil nya sa pag-iyak ay nauwi na sa mahihinang paghikbi. Tahimik lang syang lumuha habang patuloy sa pagsigaw ang kanyang ina. Sanay na sanay na sya, sa loob ng nakalipas na 14 na taon ay ilang beses ng nangyari ang magaganap kapag lumabas sya sa kanyang kwarto.

Naagaw ang pansin nya ng mag ring ang cellphone nya. Binalewala nya lang iyon, hindi mahalaga kung sino ang tumatawag. Ngunit patuloy ang pagring ng kanyang cellphone kaya napilitan na syang sagutin ito.
“Thank goodness, akala ko ano na nangyari sayo.” Bungad agad ng nasa kabilang linya.

“Ayos lang ako, ayos pa ako.” Tipid na sagot nya.

“Dinig na dinig sa buong baranggay ang sigaw ni Tita Marina, nagtatago ka na naman ba?”

“No, binibigyan ko lang ng oras ang sarili ko. Lalabas na sana ko nung tumawag ka.” Sagot niya.

“Listen Cams, alam mo na ang gagawin mo kapag natapos ang pagkanta ng nanay mo ha.” Biro pa ng kausap. Napangiti siya sa terminong ginamit ni Jake. Alam na alam talaga ng best friend nya kung paano siya mapapangiti. Kababata nya ito at sabay na silang lumaki. Matanda lang si Jake ng dalawang taon sa kanya at ang kuya talaga niya ang kasing-edad nito. Somehow, Jake’s presence in her life lessened the loneliness she feels.  He is her bestfriend, her protector.

“I know, kaya ihanda mo na yung first aid kit ha.” Ganting biro nya.

“Hahaha, lagi namang nakahanda yun. Marinig ko pa lang ang ganoong tono ng nanay mo aba’y inilabas ko na agad.” Sagot nito sa kanya. Narinig nyang bumuntong-hininga ang kaibigan. “Cams tulad ng dati, be strong.” Huling wika nito bago pinutol ang tawag.

“Oo, tulad ng dati.” Malungkot na wika nya bago lumabas ng kanyang silid. “Brace yourself.” Wika pa nya sa sarili. Ganoon lang ang buhay nya. Nasa bahay lang sya lagi at gustuhin man nyang maghanap ng tarabaho ay hindi sya pinapayagan ng nanay nya. Hindi nya alam kung kasama iyon sa parusang ibinibigay nito sa kanya pero simula ng makatapos sya ng kolehiyo at sa tuwing magbabalak syang maghanap ng trabaho ay laging sampal ang nakukuha nyang sagot mula sa kanyang ina. Nangilid na naman ang luha sa kanyang mga mata, nagpapasalamat na lang sya dahil may nakahanda ng educational plan ang kanyang ama para sa kanilang magkapatid. Marahil kung wala, lumaki na syang mangmang. Siguro alam ng kanyang ama ang mangyayari kaya pinaghandaan na nito iyon.

Mabuti na lamang at nadiskubre nyang may talent sya pagsusulat ng mga nobela. Si Jake ang nagpursige sa kanyang ipadala sa mga publishing house ang kanyang mga gawa. Sa simula ay walang tumatanggap ng mga gawa nya ngunit dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan nya mas lumalim ang kanyang pagsusulat. Doon siya humuhugot ng inspirasyon at may isang Jake na patuloy na itinataas ang confidence nya. Si Jake din ang tagahatid ng kanyang mga nobela at ang lalaki na din ang kumukuha ng tseke nya. Hindi iyon alam ng kanyang ina, kaya nag-iingat silang dalawa na huwag makahalata ito. Ang lahat ng nakukuha nyang bayad mula sa kanyang mga libro ay idinedeposito ng kaibigan nya sa bangko. Natigil na ang pagbabalik-tanaw nya ng makitang nakatalikod sa kanya ang kanyang ina. Humihithit na naman ito ng sigarilyo base sa usok na nakikita nya. Pinunansan nya ang luhang di nya namalayan na tumulo na pala bago lakas loob na hinarap ang kanyang ina.

****

“Mama,” bungad nya. Mabilis syang umilag dahil pagtalikod nito ay kasabay ng paghagis ng hawak nitong kopita. Kung hindi sya nakaiwas panibagong sugat na naman iyon sa kanyang pagkatao.

“Anong katangahan ang pinaggagawa mo at sinira mo yung mamahaling damit ng anak ko!” galit na wika ng kanyang ina habang lumalapit ito sa kanya. “Hindi mo ba alam kung gaano kamahal yun ha!” hinawakan nito ng mariin ang kanyang baba. “Siguro inggit na inggit ka kay Leslie sa magagandang damit nya. Well, my daughter deserves all those things hindi katulad mo na malas sa buhay ko!”itinulak sya nito kaya naman napaupo sya sa sahig. Kaya nyang tanggapin ang lahat ng pananakit nito sa kanya pero ang ipamukha sa kanya na mas mahal nito ang anak sa pangalawang asawa ay ang mas masakit tanggapin. She used to be her mother’s darling, lahat ng gusto nya noong bata pa sya ay ibinibigay ng mga ito. Until that fateful day happened, her life was changed.

Patuloy lang sya sa pag-iyak kaya’t hindi nya namalayan ang paglapit ng kapatid na si Leslie.

“Serves you right, ang tanga-tanga mo kasing maglaba. Kakapiranggot na dress lang hindi mo pa naayos ang paglalaba.Tanga!” nagmamalaki na wika ng kanyang 18 anyos na kapatid. Hindi sya ginagalang nito, ni hindi nga sya tinatawag na ate. At narinig nya minsan mula sa bibig mismo ng kanyang ina, na huwag na huwag daw sya nitong tatawaging ate.
“Les, leave your ate alone.” Wika ng Tito Alexis nya, ang asawa ng kanyang ina.
“Dad, pinagtatanggol mo na naman yan?” inis na sagot nito.
“I said leave Carla alone, go to your Mom.” Utos nito sa anak. Nagdadabog na umalis naman ang kanyang kapatid. “Are you okay?” tanong nito.
TInignan nya muna ang asawa ng kanyang ina. Mabait ito sa kanya bagay na lalong ikinaiinis ng kanyang ina kaya siya na ang umiiwas dito. Ayaw na nyang madagdagan pa ang galit ng nanay nya sa kanya.
“Opo, lalabas po muna ako.” Paalam nya dito at dali-daling umalis sa lugar na yon.
Patakbo syang lumabas ng gate nila at nakita nyang naroon na si Jake, nakasandal sa motorsiklo nito. Walang salitang inakay sya nito pasakay sa motor, bago ito sumakay at pinaandar ang motor. Nakalapat ang likod nya sa dibdib nito habang tinatangay ng hangin ang buhok nya. Tatlong bahay lang ang pagitan nila kaya naman mabilis silang nakarating sa tahanan ng mga ito.
“Cams!” bungad agad sa kanya ni Britanny, ang kapatid ni Jake. Tulad nya ay isa rin itong writer ng mga romance novels habang nag-aaral ng kolehiyo. Isa si Britanny sa pinakabatang writer sa edad na 20. Parehong sa JSPI sila nagpapasa ng mga nobela.  Kung si Jake ang lalaking bestfriend nya, si Tanny naman ang girlfriend nya.  Pagpasok pa lang nila ay niyakap na sya ni Tanny maging ni Tita Bethlehem, ang ina ng dalawa. Hindi na naman napigil ang luha nya dahil kapag naroon sya sa tahanan ng mga Castillo ay nakakaramdam sya ng pagmamahal.
“Okay ka lang ba iha?”bakas sa mukha ng ginang ang pag-aalala.
“Okay lang yan My, huwag kang mag-alala. Look, wala syang tama ngayon.” Nagbibirong wika ni Jake. Napangiti na naman sya sa simpleng banat nito. “Oh ayan, nagpadeliver pa ko para sa comfort food mo ha!” hirit pa ng lalaki bago inabot sa kanya ang chocolate sundae at French fries mula sa isang fast food chain. She felt good knowing that there are people who love her and make her feel special. Thankful sya dahil sa pamilyang ito, nararanasan nya paano mahalin.
“Thank you po Tita Beth, Tan.” Ganting yakap nya sa mga ito.
“Aba bakit ang poging tulad ko wala man lang thank you?” kunwa’y nagtatampong wika ng binata.
Tuluyan na syang natawa dahil sa kakulitan nito. Jake is simply the best, kaya naman mahal nya ito. Bigla syang natigilan sa reyalisasyon. Mahal nya si Jake oo bilang isang kapatid at kaibigan, tanging doon lang. Ngunit bakit sa puso nya, umaasam sya ng iba? Ipinilig nya ang kanyang ulo malaki na ang problemang kinakaharap nya saan nanggaling ang isiping iyon?
“Hoy, natulala ka na naman dyan. Huwag mo na munang isipin yun, tunaw na yang ice cream mo oh” turo ni Jake sa hawak nyang sundae.
“Salamat ha.” Tanging nasambit nya at iniiwas ang paningin dito.
“So, may drama na naman pala at as usual sayo ang takbo ng musmos na ito.” Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita at kitang-kita nya ang palitan ng tingin ng mag-inang Tanny at Tita Beth. Hindi din nakaligtas sa paningin nya ang pag-irap ng kaibigan.  Alam nyang inis na inis ito sa babaeng dumating, si Calsey isa sa mga kababata din nila. Napakaganda ng babae at kasing edad din ito ni Jake. Napagkakasunduan nilang magkaibigan na banggitin ang letrang l sa pangalan nito kaya ang tawag nila sa babae ay C-a-l-s-ey kahit na silent L lang dapat. Bagay na lalong ikinais ng maarteng babae.
“Hi Cas, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jake sa dalaga. Parehong practicing doctor na sina Jake at Cassandra sa parehong ospital.
“Just dropping by to give Tita Beth this cake. I baked it hope you like it Tita.” Maarteng wika ng dalaga sabay abot sa isang maliit na box sa ginang. Huling-huli  nya ang panggagaya ni Tanny dito pati na ang maarteng pagbuka ng bibig ni Cas. Hindi nya napigilang matawa ng mahina bagay na ikinataas ng kilay ni Calsey.  Nabanggit ni Britanny sa kanya na malaki ang inis sa kanya ni Calsey dahil kay Jake. Wika nga ni Tanny, feelingerang girlfriend ng kuya nya ang dalaga.  Kahit sya ay nagtataka din kung bakit hindi pa ligawan ni Jake ang dalaga dahil halata namang may gusto si Calsey sa binata.
“Thank you Iha hindi ka na sana nag-abala pa.” pilit na ngiti ni Tita Beth. “It’s okay Tita, basta para sa magandang ina ni Jake.” Pagmamalaking wika pa ni Calsey.
“Cams, tara sa kwarto ko. I’m sure hindi lulubayan ng isa dyan si Kuya.” Parinig ni Tanny bago sya hilain papasok sa kwarto nito. Narinig nya pang sumigaw si Jake ng “I’m coming” ngunit hindi nya na iyon sinagot. Nalilito sya dahil ngayon lang sya nakaramdam ng selos kay Calsey. Naiingit din sya sa dalaga dahil isa itong propesyonal na doctor bukod sa maganda ito.  Kahit kailan ay hindi sila naging close ng dalaga dahil laging diretso kay Jake ang tingin nito kapag magkakasama sila.
“Ang arte talaga,” naka-ingos na wika ni Tanny. “Yaan mo na yun, parang hindi ka na nasanay sa araw-araw na pagpunta nun dito.” Sagot nya sa kaibigan.
“Eh kasi naman kulang na lang eh sabihin ng harapan ni Kuya sa kanya na wala syang pag-asa. Pasalamat sya gentleman ang kapatid ko.” Tumalikod ito sa kanya. “Kung bakit kasi, hindi na lang kayo ni Kuya ang magkatuluyan eh.” Mahinang wika nito.
“Ano kamo Tan?” tanong nya dahil hindi nya narinig ang sinabi ng kaibigan.
“Wala, sabi ko kamusta na ang bagong book mo? Congratulations pala, nasa Top 5 best selling ka ulit.”pagbati nito sa kanya.
“Haha, kala mo sya hindi kasama sa Top 5, congrats sa tin.” Isa din sa best seller ang mga gawa ng kanyang kaibigan kaya proud sya dito na sa kabila ng pag-aaral at pagiging bata ay nakakagawa ang dalaga ng mga obra.
“Ano na, may kasunod na ba ang Best Seller na Ace of Hearts mo?” muling tanong nito.
“Yep, tinatapos ko na yung Moment of Truth.” Tipid na wika nya. Napalingon sya sa larawang nasa mesa ni Tanny. Kuha iyon noong graduation nya. Si Tanny, Tita Beth at Jake ang dumalo sa lahat ng pagtatapos nya. Hindi na naman nya naiwasang malungkot.
“Hey, nag e-emote ka na naman dyan.” Kalabit sa kanya ni Jake. Hindi nya namalayang pumasok ito sa silid. “Hoy Taling, bakit pinababayaan mong malungkot itong si Cam.” Sita nito sa kapatid.
“Wala po akong kasalanan Kuya.” Napapitik bigla ang dalaga. “Kuya, pwedeng magtanong?”
“Siguraduhin mo lang na  matino yang tanong mo.”
“Promise Kuya, at Cams pwede ka din sumagot ha.” Kindat ng kaibigan sa kanya.
“Go ahead make my day.”nakangiting sagot ni Jake bago tumabi sa kanya. Gawain na nitong kunin ang kamay nya at bigyan sya ng hand massage. Ngunit bakit naiilang na sya ngayon dito. Hindi naman pansin ng lalaki ang pagkaasiwa nya at patuloy ito sa pagmamasahe sa palad nya.
“Kuya, type mo ba si Calsey?” diretsong tanong ni Tanny.
“Eh di sana kung type ko niligawan ko na noon pa.” sagot ni Jake ng hindi tumitingin sa kapatid. Nakatuon lamang ang paningin nito sa palad nya
“Eh sinong type mo?” muling tanong ni Tanny.
“Secret.” Tipid na sagot ni Jake. Nakikinig lamang sya sa pag-uusap ng magkapatid.
“Pero may mahal ka na ba?” patuloy na tanong ng dalaga.
“Oo.” Binitiwan ng lalaki ang kanyang kamay at tumayo ito. May munting kirot sa puso nya ng sabihin ni Jake na may minamahal na ito. Selos na naman ba? Pero wala syang karapatan. Kapatid ang turing niya dito maging ito sa kanya.
“Bakit ba tanong ka ng tanong?” wika ni Jake. “Wala lang, Cams magugustuhan mo ba si Kuya bilang boyfriend?” tanong naman ng kaibigan sa kanya na ikinagulat nya. Hindi sya makaimik dahil sa mga oras na yun ay  naguguluhan na sya.
“Hoy Cams, sagutin mo yung tanong ko.” Pangungulit pa ni Britanny.
Nagulat na lang sya ng hawakan ni Jake ang kamay nya at akayin sya palabas. Mabuti na lang at iniiwas sya nito sa isang sitwasyon ngunit nakatulong ba talaga ang pag-iiwas nito sa kanya sa tanong ni Tanny o mas lalong nakagulo?
“Hoy bumalik kayo dito!”narinig nyang sigaw ni Tanny. “Uy, magtatanan na kayo?” pahabol pa nito.
“Baliw!” ganting sagot ni Jake dito habang pasakay sila sa kotse. Hindi nya alam kung saan sya dadalhin nito,at gumagabi na din. Siguradong katakot-takot na mura na naman ang aabutin nya sa kanyang ina.

****
“Saan tayo pupunta? Pagabi na baka I-lock na naman yung pinto namin.”
“Basta, doon na din tayo magdinner. Kalimutan mo ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Gusto ko maging masaya ka.” Seryosong wika ni Jake.
Tahimik na binaybay nila ang daan at napagtanto nyang sa Roxas Boulevard ang daan nila. Manila Bay Boardwalk doon ang tungo nila nasisiguro nya. Napangiti siya dahil kilalang-kilala talaga siya ng binata.
“Nakita ko yung smile mo ha, tama ka. Doon nga,”sinulyapan sya nito ng tingin. “For dinner, you have to guess.”
“Hmmm, espesyal ba o kanto lang?” natatawang wika nya.
“Espesyal na kanto.” Sagot naman ng binata na bakas ang amusement sa boses.
“Fishballs!” sabay na wika nila na ikinatawa nilang pareho.
Ipinarada nito ang sasakyan sa isang bakanteng parking space. Tamang-tama lang ang dating nila, papalubog na ang haring araw. “Ang ganda talaga ng sunset,nakaka-kalma.” Wika nya habang nakatanaw sa pagsabog ng liwanag ng papalubog na araw.
“I know, look, I want you to be happy. This time, ayokong umiiyak ka kaya mag-enjoy ka habang narito tayo. Ask me whatever you want to buy, or eat or drink. Sagot ko lahat.” Nakangiting wika ni Jake.
Napakaswerte ng magiging girlfriend ng binata. Bukod sa gwapo ito ay napakabait pa. Kaiinggitan nya ang sinasabing minamahal nito.
“Uy sakto may fishballs,” hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya sa fishball stand. “Manong eat all you can kami ha, and then sabihin mo sa kin magkano lahat.” Wika ni Jake sa tindero.
Para silang mga bata na nag unahan sa pagkuha ng fishballs. Simple lang talaga ang gusto nya sa buhay, at simpleng mga bagay din ang nakakapagpasaya sa kanya.
“Yum,yum ang sarap!” masayang wika nya. “Manong, the best ang sauce nyo ha.” Puri niya sa tindero.
‘Hoy, don’t talk when your mouth is full nga.” Kunwa’y sita ni Jake sa kanya.
“Tse, eh masarap eh. Inggit ka.” Tumatawang sagot niya. Tawa sya ng tawa kaya hindi nya namalayan ang paglapit ng kamay nito sa kanyang labi. Pinunasan ng mga daliri nito ang sauce na naiwan sa gilid ng bibig nya.  Huli na ng napatingin siya kay Jake kaya hindi nya nakita ang pagbabago ng expression ng mga mata nito. “Para kang bata kumain oh, ilang taon ka na ba at parang kailangan mo pa ng bib.” Biro ng lalaki sa kanya.
Irap lang ang isinagot nya dito dahil naging eratiko ang pintig ng puso nya. Bakit ngayon pa nabubuksan ang kamalayan nya sa mga katangian ni Jake. Masyadong wrong timing.
“Tara doon.” Hila nito sa kanya matapos mabayaran ang fishball vendor.  Kalat na ang kadiliman sa paligid, puno na ng nagkikislapang ilaw ang buong lungsod. Inalalayan sya ni Jake na makaupo sa isang bench na nakaharap sa Manila Bay. Tumingala sya sa langit at pinagmasdan ang pagpapaligsahan sa kislap ng mga bituin.
“Sometimes, I wish that I’m a star. Andun lang sa taas, kumikislap.” Wika nya. “Malaya lang silang lumalabas sa gabi, na kahit may ulan paglabas nila andun pa rin yung kinang.”
Narinig nyang bumuntunghininga ang lalaki. “Sabi ko walang emo ngayon, pero bakit nagda-drama ka dyan?” inakbayan sya nito at inihilig ang ulo nya sa balikat nito.
“I can’t help it. Kasalanan ko ba talaga ang nangyari sa pamilya namin Jake?” tanong nya sa binata habang patuloy sa pagdaloy ang luha nya.
“No, hindi mo kasalanan yun”
“Pero bakit patuloy akong pinaparusahan ni Mama?” ang munting iyak ay nauwi na sa hagulgol at naramdaman nyang yakap yakap na sya ni Jake.
“Shhhh, walang may kasalanan ng nangyari Carla.  Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam.”  Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. Ramdam na ramdam nya ang pagkakalapit nilang dalawa at napapanatag sya sa presensya ng lalaki.
Ilang sandali pang nakayakap lang ito sa kanya habang ibinubuhos nya ang lahat ng kanyang luha. Kumalas sya sa pagkakayakap nito at tinignan ito ng diretso.
“Ang swerte ng magiging girlfriend mo.” Wika nya.
Napangiti ang lalaki sabay punas sa kanyang mga mata. “Bakit mo naman nasabi yun?”
“Eh kasi pinabayaan mo kong basain ng luha at sipon yang mamahaling polo mo.” Nangi-ngiting wika nya.
Natawa ang lalaki at muling hinaplos ang kanyang buhok. “That’s my girl,ganyan nga. Pagkatapos mo magdrama magpakaloko ka na ulit.”
Inayos nya ang sarili at tuwid na umupo. “Kidding aside, kapag nagka-girlfriend ka na hindi mo na ko masasamahan ng ganito. Kokonti na din ang time mo para sa bestfriend mo dahil sigurado hindi yun papayag na nakabuntot ako sa inyo.”
“Teka nga, bakit parang tinutuloy mo ang tanong ni Britanny kanina?”
“Wala lang, napaisip lang ako. May possibility na ganon diba?”hindi agad tumugon ang lalaki kaya naman sinundan nya pa ng isang tanong. “Si Calsey wala bang pag-asang maging kayo?”
She heard him sigh once more before answering. “You’ve heard me earlier Carla May, nasabi ko na kay Tanny na wala dahil may mahal na ako.”
Hindi sya umimik dahil andon na naman ang munting kirot sa puso nya. Matagal na ba syang inlove sa best friend nya at ngayon lang iyon rumerihistro sa isip nya?
“Mahal kita.”napalingon sya sa sinabi ni Jake. Tama ba ang dinig nya sa sinabi nito?

“Yes, tama ang dinig mo Carla May. Mahal kita.” Hinawakan nito ang kanyang kamay at tumitig sa kanya. “You’ve grown before my eyes, and every year palaki-ng palaki ang pagmamahal ko sayo. At first sabi ko mahal kita tulad ng pagmamahal ko sa kapatid ko. Pero when you turned 18, doon ko naconfirm na mahal kita bilang isang babae at naiinis ako kapag sasabihin mo sakin na mahal mo ko bilang kapatid mo.” Mahabang litanya ng lalaki. Nakatingin lamang sya dito,hindi alam ang sasabihin.

“Gusto kong lagi kang masaya, at kapag nasasaktan ka mas doble ang sakit na nararamdaman ko alam mo ba? Minamahal kita na hindi ako umaasang mamahalin mo din ako, just being there for you makes me happy. I will be with you no matter what, mahalin mo ako ng higit pa sa kapatid o hindi, hinding-hindi magbabago ang pakikitungo ko sayo. Mahal na mahal kita Camae, kaya lahat ng pagpipigil sa sarili ko ay ginawa ko para hindi mo malaman ang nararamdaman ko. But I’m sorry, I can’t take it anymore, I know it’s not the right time but let me tell you again, I love you.”

Hindi nya namalayang umiiyak na naman pala sya. Hindi nya alam ang sasabihin kay Jake ngunit kung magpapakatotoo sya sa sarili aaminin nya ditong ngayon lang nya narealize na mahal din nya ito.

“I’m not expecting you to answer, I will court you Cams. And in time, I will marry you para magkaroon na ako ng karapatan na alisin ka sa impyernong bahay na yun.” Hinawakan nito ang kamay nya. “Let’s go home, and I want you to rest. Huwag ka munang mag-isip ng kahit ano ngayon gabi basta magpahinga ka lang.” wika nito habang pinagbubuksan sya ng pinto ng kotse.

Tahimik lang ang byahe nila pabalik sa kanilang bahay. Wala ni isa man ang nagsasalita kaya nabibingi na si Camae sa katahimikan. Mahal sya ni Jake, iyon ang pinakamalaking rebelasyon na nangyari ngayong araw sa kanya. Tama ito, hindi sya mag-iisip ngayon gabi. Matutulog lang sya, ipapahinga nya ang pagod nyang isipan.

****

“Ginabi ka na naman ng uwi?” bungad sa kanya ng kanyang ina. Nasa mesa ito at kasalukuyang nag-aalmusal kasama ng pangalawang pamilya nito. “Sino na namang kasama mo? Yang bestfriend mo kunong si Jake? Mamaya magugulat nalang kami dito na buntis ka na pala.” Nakataas ang kilay na wika ng kanyang ina.
“As if we care Mommy.” Maarteng wika ng kapatid nyang si Leslie. “Pakiabot nga sakin yung bread.” Utos pa nito sa kanya.
“Leslie andyan lang sa harap mo yung tinapay kunin mo.” Sita dito ng padrasto nya.
“Hayaan mo si Camae ang magbigay kay Leslie, trabaho naman nya yan.” Gatong pa ng kanyang ina.
Iniaabot nya na lang ang tinapay sa kapatid, sa tuwing sabay-sabay silang nag-aalmusal ay ramdam na ramdam nya ang malamig na pagtrato ng kanyang ina at kapatid kaya mabilis nyang inubos ang kanyang kape at nagpasintabi bago tumayo. Sakto namang tumunog ang doorbell nila at bumungad sa kanya ang isang bouquet ng red roses.
“Good morning love,” bati sa kanya ni Jake. “for you.” Inabot nito ang bulaklak. Mukhang seryoso talaga ang lalaki sa sinabing manliligaw ito. “Idinaan ko lang yan bago ako pumunta ng ospital. Take care and I’ll get in touch.” Wika ng lalaki at dali-dali ng nagpaalam.  Saktong pag-alis ni Jake ay dumaan naman si Calsey sa harap ng bahay nila. Bakas sa mukha ng dalaga ang poot sa kanya. Ikinibit nya na lang ang balikat at sinagot ang nagiingay na telepono.
“Ayyyyyyyyy!” matinis na sigaw ni Britanny sa kabilang linya. Inilayo nya ang kanyang cellphone dahil masakit sa tenga ang tili nito.
“Ano ba ang sakit ha.”
“Eh pano ba yan bestfriend, opisyal ng nanliligaw si Kuya sa iyo! Sabi ko na nga ba mahal ka non eh! Sagutin mo na agad si Kuya, para matupad na yung matagal ko ng pangarap na maging real sister na kita.” Mahabang pahayag ni Tanny.
“Ewan ko Tan, naguguluhan pa ko. Hindi-” naputol ang sasabihin nya ng marinig nya ang sigaw ng kanyang ina. Tinatawag sya nito. Dali dali syang nagpaalam kay Tanny bago pumasok sa loob.
“Aba may nagkamaling bigyan ka ng bulaklak?” nakataas-kilay na wika ni Leslie. “Galing ba yan dun sa bestfriend kuno mo?”nakaingos na tanong nito.
Hindi nya pinansin ang kapatid at diretso sya kung nasaan ang kanyang ina. “Bakit po?” tanong niya dito.
“Off ni Manang Lupe kaya bahala ka dito sa bahay, aalis kami.” Yun lamang ang sinabi nito at bigla syang iniwan. Eton a naman, katulong na naman ang papel nya tuwing Linggo. Okay lang sa kanya as long as wala ang mga ito sa bahay.
Masigla nyang ginawa ang lahat ng gawaing bahay dahil may panibagong pinagkukunan sya ng lakas. Masaya sya yon ang nasisiguro nya sa kabila ng hindi magandang pakikitungo ng pamilya nya sa kanya.Andyan si Jake, mahal sya ng lalaki at lagi sya nitong pinasasaya. Tama si Tanny, dapat hindi nya na patagalin ang pagsagot kay Jake.
****
Lumipas ang mga araw at hindi nakakalimot si Jake na padalhan sya ng mga bulaklak kapag busy ito. At kapag may oras na ito, lagi syang ipinapasyal ng binata. Jake showed her the different meaning of love. And everyday, her love for him grew more and more. She planned to finally make their relationship official later. Manonood sila ng concert ng isang sikat na banda, treat daw ng binata iyon para sa kanya.
Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ng kaniyang ina sa kanya at maging ng kapatid. At napansin nyang pati ang padrasto nya ay nag-iiba na ng ugali. Minsan nahuhuli nyang nakatingin ito sa kanya at bigla syang kikilabutan sa ngisi nito.  Pero hindi nya na binibigyan ng puwang na paiyakin sya ng kanyang pamilya. Lalo pa ngayong may Jake na laging andyan para sa kanya. Damang-dama nya ang pagmamahal sa kanya ng lalaki. Kaya naman ngayong gabi ay sasagutin nya na ito. Wala syang magiging problema sa side ni Jake dahil simula ng malaman ng Tita Beth na nililigawan na sya ng binata ay mas kinagiliwan s ya ng ginang.
Tumunog ang message alert ng cellphone nya at nagulat sya ng makitang may  text si Calsey sa kanya.
“Meet me, important. ASAP.- Calsey” yon ang laman ng message ng dalaga.
Naguluhan sya kung bakit gusto nitong makausap sya. Matagal na rin naman nyang hindi nakikita ang dalaga simula ng kumalat sa lugar nila na opisyal ng nanliligaw si Jake sa kaniya.
She decided to call Calsey to ask what her business is. Sinabi nitong sandali lang daw silang mag-uusap dahil lilipad na ito sa States para doon mag practice ng medesina.
Sinabi ng dalaga na kung pwede magpunta sya sa bahay ng mga ito. Tinignan nya ang oras at dahil may panahon pa sya bago sya sunduin ni Jake ay pumayag na sya. Tinungo nya ang tahanan ni Calsey at nakita nyang hinihintay na sya ng dalaga.
“Thank you for coming, I just have a feeling na I should tell you what I know to save you from further misery.” Agad na bungad ng dalaga. Naguluhan sya sa sinabi nito kaya sumunod na lang sya ng igiya siya nito papunta sa garden.
“You see Carla May, Jake is just fulfilling a dead kid’s wish.” Diretsong wika ng dalaga.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Years ago, Matthew, your brother, and Jake made a promise. You might say na usapang musmos lang yun pero sa tingin ko tumatak iyon sa isipan ni Jake.”
“Bakit hindi mo na lang diretsuhin?” bigla syang nalungkot ng marinig ang pangalan ng Kuya Matthew nya.
“Oh, mukhang nagmamadali ka, may date ba kayo ng Knight in Shining armor mo?” hinagod sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Andon ako ng piliting mangako ni Matthew si Jake na kung magkakalayo-layo kayong pamilya ay aalagaan, mamahalin at pakakasalan ka ni Jake sa tamang panahon. Imagine how can a 9 year old kid made someone promise to do those things?” natatawang wika ni Calsey.
Naguluhan si Camae sa sinasabi ng dalaga. Ang kuya nya pinilit si Jake na mangako na bantayan at alagaan sya? Kaya ba ngayon nagpahayag ng pagmamahal si Jake dahil ngayon na ang tamang pagkakataon na tuparin ang pangako sa yumao nyang kapatid?
“You’re clever, you know. Tama ka, now is the time to fulfill your brother’s wish. Jake promised Matthew that he will take care of you and eventually you will be his wife. Maybe Matthew felt he will not live that long, kaya ginawa nya yun. Pity Camae, nagpapanggap si Jake na mahal ka nya para tuparin lang ang ipinangako nya sa kapatid mo. How pathetic can you get? Nahulog ka sa ganong klaseng pambobola?” nanunuyang wika pa ni Calsey.
“No, you’re lying.” Tanging nasambit nya. “No my dear girl, hindi ako nagsisinungaling. Go ahead ask him, I’m sure natatandaan nya yun lahat. I need to prepare myself before we leave. Thanks for dropping by, goodluck.” Pagtataboy ng dalaga sa kanya. Wala sa loob na lumabas sya sa bakuran nila Calsey at bumalik sa kanilang bahay. Diretso sya sa kanyang kwarto at masagana na namang dumaloy ang kanyang luha. Kinuha nya ang larawan ng Kuya Matthew nya “Kuya, totoo ba yun? Dahil lang sa iyo kaya ako minamahal ni Jake?”
“Hey anong problema?” tanong ni Jake sa kanya. Dumating pala ito ng hindi nya namamalayan.
Tinignan nya ito ng blangkong ekspresyon. Alam nyang mali ang maghinanakit agad sa lalaki, she have to ask him first before jumping into conclusions. “Tell me, kaya mo ba ko nililigawan at sinasabi mong mahal mo ko ay dahil sa pangako mo kay Kuya noon?” direstong wika nya. Kunot-noong lumapit sa kanya ang binata.
“Saan mo naman nakuha yan?”
“Just answer me, may pinag-usapan ba kayo ni Kuya dati?”
“For goodness sake, Camae! Nine years old lang kami ng kapatid mo ng mangyari yun. You think seseryosohin ko yun?”
“So it’s true, may usapan nga kayo ni Kuya.” Kumalas sya sa pagkakayakap nito. “Mahal mo ko dahil tinutupad mo ang pangako mo sa kanya,hindi mo ko minamahal ng totoo.” Lumuluhang wika nya.
“How could you say that when all I want is to make you happy? When I say I love you, I mean it. Matagal na kitang mahal and jeez, Carla May!” huminto ito at iniharap sya “ilang taon na ang nakakalipas tingin mo maaalala ko pa yun?” bakas ang hinanakit sa mukha ng binata.
“All along I thought, mahal mo na din ako. Pero ngayon may doubts ka? Hindi pa ba sapat lahat ng ipinakita ko sayo? Mahal na mahal kita, hindi mo ba ramdam na totoo ako?” huling wika ng lalaki bago sya iniwanan. Alam nyang nasaktan nya si Jake ngunit gusto lamang nyang makasiguro. Mukhang nagalit na sa kanya si Jake, itinaboy ba nya ang kaisa-isang taong nagmamahal sa kanya.Umiyak lang sya ng umiyak hanggang makatulog sya. Sana hindi nalang sya nakipag-usap kay Calsey, hindi na sana nagulo ang utak nya.
****
Naramdaman nyang may humahawak sa hita nya. Ang natatandaan nya suot nya ang bestidang bigay ni Tita Beth sa kanya. Pero bakit pakiramdam nya may ibang tao syang kasama. Nagising ang diwa nya ng maramdamang may humaplos ulit sa kanyang hita. Nahihintakutan syang bumangon upang mawindang ng makita ang kanyang padrasto na nasa loob ng kanyang silid.
“Ano pong ginagawa nyo dito?” takot na tanong nya.
“Wala, maglalaro lang tayo.” Inilabas nito ang hawak na patalim. “Kapag hindi ka pumayag, papatayin ko ang nanay mo. Matagal na kong nabwibwisit sa nanay mo akala mo ba, kaya balewala sakin kung patayin ko sya.” Wika ng lalaki. Kitang-kita nya ang pamumula ng mga mata nito. Sisigaw na sana sya ng takpan nito ang kanyang bibig. Tangkang hihilain nito ang damit nya ng bumukas ang kanyang pinto.
“Alexis! Anong ginagawa mo sa kwarto ng babaeng yan?” galit na wika ng kanyang ina. “Mama, tulungan mo ko, pinagtatangkaan nya ako.” Umiiyak na wika nya sa ina.
“Marina,yang malandi mong anak ilang araw na akong inaakit. Kanina iniwan nyang bukas ang pinto nya para sumunod ako.” Pagsisinungaling ng lalaki.
“Hindi totoo yan, Mama, nagising akong nandito na sya  sa loob ng kwarto ko. Pinag-” hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil malutong na sampal ang ibinigay ng kanyang ina sa kanya.
“Malandi kang babae ka. Hindi ka lang malas sa buhay ko, ikaw na nga ang dahilan ng pagkawala ni Joaquin ngayon aagawin mo pa si Alexis!” galit na galit na wika ng kanyang ina. Kinaladkad sya nito palabas ng kwarto nya.
“Nang dahil sa kalikutan mo nawala si Joaquin at Matthew! Nang dahil sayo, namatay ang mag-ama ko. Isa kang salot, kung hindi ka nila hinanap noong nawala ka di sana buhay pa sila ngayon! Kung hindi dahil sa pagiging gala mo, hindi sila maaksidente at buhay pa sana hanggang ngayon ang anak ko at asawa!” galit na galit na wika ng kanyang ina. Iyak lang sya ng iyak, wala syang karamay walang tutulong sa kanya kapag sinaktan sya ng kanyang ina. Sana narito si Jake para ipagtanggol sya.
“Alam mo ba pinagsisihan ko ang pag-aampon namin sayo! Kung hindi ka napulot ni Joaquin Masaya sana ang buhay namin.” Natigagal sya sa narinig mula sa ina. “Oo, hindi kita anak! Hindi ka naming kadugo kaya wala akong pakelam sayo!” muli sya nitong nilapitan at sinampal ng malakas. “Nararapat lang sayo ang lahat ng naranasan mo dahil malas ka, malas ka sa buhay ko. Lumayas ka!”  pagtataboy sa kanya ng kanyang ina. Ipinagtulakan pa sya nito palabas ng bahay at nagkukumpulan na ang mga tao sa paligid nya.
Hindi mailarawan ni Camae ang nararamdaman nya. Namanhid na yata ang buong pagkatao nya. Winasak ng kinilala nyang ina ang natitirang piraso ng buhay nya. Hindi siya anak nito kaya ganon na lamang ang pagtrato sa kaniya.
Naramdaman nyang may nagbuhat sa kanya. Hinang-hina sya para alamin kung sino ang taong iyon pero hindi nya na kailangan pang manghula. Kilalang-kilala nya ang amoy ng lalaki. “Jake..” mahinang usal nya.
Buhat sya ng lalaki hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga ito. Naramdaman nya na lamang na nakahiga na sya sa kama at may nagpupunas sa mukha nya.  Marahang halik sa kanyang labi ang nakapagpamulat sa kanya.
“Mahal na mahal kita Camae at hinding-hindi na ko papayag na may mangyari pang ganito sayo. Pakakasalan kita sa ayaw at sa gusto mo. I want you to spend your life with me. And I will make everyday special para mahalin mo rin ako. Matutunan mo din akong mahalin, love.” Madamdaming pahayag ni Jake.
“Shh, I’m sorry kung pinagdudahan ko ang pagmamahal mo. Hindi ko lang kasi makakaya kapag niloko mo ko, o pinaasa lang. Dahil mahal kita eh, takot akong masaktan.” Pag-amin nya dito.
“Love, tingin mo ba magagawa pa kitang saktan sa kabila ng lahat ng sakit na naranasan mo sa buhay mo? I promised myself that, I rather hurt myself for not having you than to hurt you. Hinding-hindi kita sasaktan. I will always be here for you my girl.” Muling wika ni Jake at ginawaran sya ng halik sa noo.
“Thank you for always being here.” Napahinto sya sa naalala. Muli na naman ang pagtulo ng luha nya. “Hindi niya ako anak kaya ganon sya. Kaya hindi nya ko pinaniwalaan ng sabihin kong pinagtangkaan ako ng lalaking yun.” Humahagulgol na wika nya.
“Hush, let’s leave them all behind. You will start your life again, with me. I will help you to put back the pieces of your life again. With me, with my family, with our own family Camae. Marry me love.”
She looked at his eyes. Funny how his stares can melt all the pain in her heart. She love this man who love her more than she could ever think of. And yes, she is more than willing to be his wife. She knew, he will never leave her and she can feel his unconditional love.
“Yes, I will marry you Jake.” Nakangitng sagot nya. Sa kabila ng pumutok na labi nya, mababakas ang ngiti. Oras na magpakasal na sila,muli syang mabubuo. “Thank you for being here with me.” Wika nya sa lalaki at ginawaran ito ng masuyong halik.
“I will be here for you, until eternity love.” Sagot ni Jake.
Panatag na ang kalooban ni Camae sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na pinagdaanan nya. Hindi madaling maka-moveon sa nangyari sa kinilala nyang pamilya pero sa tulong ng lalaking nagmamahal sa kanya, alam nya na ang paghilom ay mabilis na mangyayari.

Perhaps, love can heal all wounds.

THE END. 

****


7 comments:

  1. i'm so excited na sa story ni Tanny.. supper nice po ang story ni Em at Camae..

    ReplyDelete
  2. waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh ang ganda lav akala ko yung una si em ang gumawa pero nong mabasa ko ikaw pala character pala don si em at pati si camae ang galing ng gawa mo...handsdown to you keep it coming...hehehhe next story place at si tanying *pace* pala ang next hehheh abangers ako jan...

    ate jane (enajyram)

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    ohmaygawd!! naiyak talaga ako dito. at habang binabasa ko siya taasan ang balahibo ko.

    naawa talaga ako kay Camae nung sinasaktan siya nang mudra niya.. grabe yung panliliit na ginawa sa kanya at tyeeeeeet sabi ko na nga ba at may HD ang hinayupak na madrasto niya sa kanya grrgrrgrr.

    pero naman nung magtapat na si Jake super KILIG waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    tyeeeeeet last week ko pa gusto kumain nanf fishballs. hahaha

    at siyempre may HAPPY ENDING talaga. ayieeeeeeee

    bakit ba ang galing galing mong writer prof LAV. handsdown talaga ako sa'yo.

    P.S.

    at naman gaya nung iniimagine ko nung binabasa ko yung story ni EM bakit si DD pa din ang nakikita kong image ni JAKE. lol pero iniiba ko ginagawa kong si kuya ayven pero bumabalik pa din yung image ni DD. wahahahaha.

    -jk022509

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    binaliw mo ako ate!! as in!!

    umiyak ako, kinilig, natakot.. feel na feel ko lahat ate! tapos waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa as in grabe nakakabaliw..

    tanong mo po kung may Jake ako? haha, waley ate.. best friend na Jake meron, pero gang dun lang po siguro yun, pero may mga scene na medyo malapit na sa totoong buhay.. haha like yung naiiyakan ko sya.. xD

    di ko alam kung anong tamang word para idescribe yung kwento ko ate! parang ano, all-in-one na..

    kasi may drama, may kilig, may konting comedy, may pang-aapi.. may gosh! di ko kineri ate! andaming echusera sa buhay ko!! hahaha

    I super duper love it talaga ate, saludo ako sayo..

    hanggang ngayon nakangiti padin po ako.. sabog na ata.. hahahha

    sana makahanap ako ng tunay na Jake ko! wahahhahahahha

    I love you ate, pina ngiti mo na naman po ako ng bongga.. buti na lang kahit loner ako ngayon dito sa bahay, anjan po kayo..

    yan yung copy paste..

    eto yung ngayon..

    waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa, binasa ko uli to kagabi nung nasa bubong ako ng jeep, waaaaaaaaaaaa tindig balahibo padin ako.. kahit ginawa akong punching bag dyan, at nagkatotoo yung putok sa labi ko, keri lang.. wahahhahahhaha


    mommy Khaye at mama Jane, hanap nyo po ako ng Jake ko, gusto ko ganyan. lol xD



    - Camae

    ReplyDelete
  5. ANG HAHABA NAMAN NG COMMENT DITO...NWEIZ, MABUTI NAMAN JUANING AT BUMALIK KA ULI SA PAGSUSULAT :D SALAMAT TLAGA...ANG TAGAL NA KAYA NAMING INAABANGAN ANG MGA FF MO...NATUTUWA AQ KC ANG MGA CHARS EH NDI LANG JAEVON KUNDI PATI NA RIN ANG MGA GEMS...SANA KAHIT NDI KMI WRITER, GAWAN M RIN KMI NG FF LOL...I MEAN GAWIN BIDA SA MGA FF MO...NAKAKATUWA KAYONG MGA WRITERS...ANG LALAWAK NG MGA IMAHINASYON NYO...SANA DI KAYO MAGSAWANG GUMAWA NG FF...MARAMI KAYONG NAPAPASAYANG MAGBABASA...ANG GAGALING NYO...HANDSDOWN TLAGA AQ SA INYO...KEEP IT UP JUANING...MORE FF TO COME... :)


    GOD BLESS YOU! :)

    ReplyDelete
  6. 3rd time try to post
    sana mapost na

    ang galing mo talaga te lav handsdown ako sayo

    lahat ng emosyon naglaro sakin habang binabasa ko yung story

    nagalit at nainis ako sa pamilya ni cams
    ang sarap lang nilan pektusan kains
    grabe sila mangalipusta
    grrr...

    naiiyak at naawa ako para kay cams
    grabe yung mga naranasan nya

    at higit sa lahat kinilig ako kay jake
    grabe sana may makilala din akong jake
    hahaha

    abangers ako sa mga susunod na story
    galing galing talaga!

    -JECK3rd time try to post
    sana mapost na

    ang galing mo talaga te lav handsdown ako sayo

    lahat ng emosyon naglaro sakin habang binabasa ko yung story

    nagalit at nainis ako sa pamilya ni cams
    ang sarap lang nilan pektusan kains
    grabe sila mangalipusta
    grrr...

    naiiyak at naawa ako para kay cams
    grabe yung mga naranasan nya

    at higit sa lahat kinilig ako kay jake
    grabe sana may makilala din akong jake
    hahaha

    abangers ako sa mga susunod na story
    galing galing talaga!

    -JECK

    ReplyDelete
  7. wahh grabe an ganda
    sana meun na c tanny

    ReplyDelete