ROJUDENXY
IN
CRAZY INLOVE
REAL NAME: EMMANUEL SANCHEZ
AGE: 29
FAVORITE COLOR: BLACK
MOTTO: KUNG AYAW MO, HUWAG MO. *wink*
“Love moves in mysterious way, its always so surprising how love appears over the horizon.”
“Hoy, gumising ka na nga! Mala-late na naman ako dahil sayo eh.” Wika ni Michigan habang niyuyogyog ang ate nyang si Em. “Ate!,” haklit nito sa kumot ng dalaga. “Gosh, I wish I have a place of my own”. Mahinang wika ni Michi habang tutop ang noo. Hindi iyon nakaligtas sa nagigising ng kaisipan ni Em.
“Ang arte mo talagang bata ka, “ pupungas-pungas na bumangon sya sa higaan. “e di maghanap ka ng work mo ng makabili ka din ng bahay mo.” Naiiritang bumangon na si Emmanuel, Em a mga kaibigan at kakilala, dumiretso sya sa banyo upang ayusin ang sarili. Mamaya na sila magtutuos ng kapatid nya.
Dalawa na lamang silang natitirang magkaramay sa mundo. Their parents died nine years ago. She was just 20 years old that time and Michigan was 11 years old. Their life story can sell if somebody would write about it. Mahirap ang pinagdaanan nilang magkapatid at daig pa ang telenovela sa dami ng kontrabida sa buhay nila. They didn’t know that their parents had that huge amount of savings in the bank. At dahil mga bata pa sila ni Michi, hindi pa nila alam ang kalakaran sa buhay.
And so came their so-called relatives. At first, they took care of them and treated them good because of their inheritance. Pero habang tumatagal ay nag-iiba ang pakikitungo ng mga ito sa kanila. Ang Tito Freddy at Tita Mandy nila ang tumatayong guardian nilang magkapatid. Pinsan ng kanilang ama ang Tito Freddy at dahil parehas na nag-iisang anak ang kanilang mga magulang, walang nagawa ang DSWD kundi ipagkatiwala sila sa tanging malalapit na kamag-anak nila. Hindi naging madali ang buhay nilang magkapatid sa piling ng mga kamag-anak. She strived hard to earn her own money and to support her sister. How ironic, their parents left them with a big amount of money enough for them to live a lifetime. Pero pinagpapasasaan ng mga gahaman nilang kamag-anak. She studied hard to get scholarships, while she worked at night. Umalis sya sa sariling bahay nila para makapagtrabaho at makapag-aral ng maayos. Habang si Michigan ay nanatili sa lugar na yon.
She promised her sister that she will return to fetch her when she had enough money to raise her.
At dahil sa pagpupursige nya, nakatapos sya ng pag-aaral sa sariling pagsisikap at ngayon isa na syang professional freelance Interior Designer. Nakabili na sya ng bahay at nakuha na nya ulit ang kapatid nya at ngayon ay graduating na si Michigan sa kursong Engineering. Bukod sa pagiging ID, lingid sa kaalaman ng kapatid nya ay isa rin syang writer ng mga romance novels na pinupublish sa buong bansa. Her novel “Don’t Pretend” was chosen as Best Novel of 2009 and all her books are sold out.
Naputol ang pagbabalik tanaw nya ng may maalala, “Homaygulay! Ngayon ang deadline ko!” dali-dali syang lumabas ng banyo at binuksan ang laptop nya. She scanned her files and clicked on a title. Relieved, she
printed the document. Akala nya hindi nya natapos ang pag proof read sa novel nya.
“Ang tagal mo naman ate eh.” Wika ni Michi na papalit sa printer.
“Hep, hep, huwag mong lalapitan yan” pigil nya dito. Ayaw nyang malaman nito ang sideline nya.
“Sus, para titignan lang kung ano yang pi-print mo. “nakaingos na wika nito. “Ate my class starts at 10:20, 9:45 na, may balak ka bang ihatid ako o wala?” mataray na wika ng kanyang kapatid.
“Teka nga lang, wait for me outside. I’ll be there in a minute.” Sagot nya habang sinusuklay ang kanyang bobcat na buhok. She want her hair short, kaya kapag lagpas batok na ang buhok nya ay pinapagupit nya na ito. Nagmadali na sya magbihis at kinuha ang na-print ng nobela. She took her keys and headed outside the door.
“Okay tara na. Sorry kulit, dahil gabi na ko natulog may tinapos akong design.” Wika nya sa kapatid ng makasakay na sila sa kotse. “Fasten your seatbelt kid, lilipad na tayo.” Biro nya pa dito.
Ingos lang ang isinagot ng kapatid nya. Sanay na sanay na ito sa mga kabaliwang linya nya. Mas gusto nyang inihahatid ang kapatid sa unibersidad kaysa hayaan itong bumiyahe. Hindi nya alam, pero mas panatag sya kung ganon ang gagawin nya. Paranoid na yata siya ngunit mas mabuti ng nag-iingat. “Si Michigan nalang ang natitira sa akin.” Iyon ang laging wika nya sa sarili.
*****
JSPI (Jaevon Scribes Publications, Inc.) BUILDING
Matapos maihatid ni Em ang kapatid sa unibersidad ay nagtungo sya sa Publication house, ang JSPI. Ang JSPI o Jaevon Scribes Publications Inc. ay pag-aari ng isang ex-matinee idol at singer na si James Roy Rivera at ng asawa nitong si Princess Devon Castillanes-Palacios Rivera na galing sa isang mayamang angkan. Pero ang pinakaboss nila dito ay ang anak nitong si RJ Rivera.
“Hello Ate Em.” Bati sa kanya ng isa ring writer na si Britanny. “Una na po ako, may pasok pa sa school.” Paalam nito. Napangiti sya, nag-aaral si Britanny habang nagsusulat ng mga nobela.
Nagpatuloy sya sa paglalakad patungo sa opisina ni Marisse, ang kaniyang editor, ng mag-ring ang cellphone nya. Yumuko sya upang kapaanin iyon sa kanyang bag kaya hindi nya napansin ang paparating na nilalang na hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga kahon. Huli na ang lahat ng mag-angat sya ng tingin..
“Aray!” wika ni Em habang sapo ang balakang. Pagkabangga sa kanya ng lalaki ay tuloy-tuloy syang bumagsak sa sahig. Malas pa dahil nabagsakan sya ng isa o dalawang kahon na dala-dala nito.
“Anak ng tinapa naman oh,” hindi malaman ni Em kung ano ang unang hahawakan sa sumasakit na katawan. Nagulat sya ng may humaplos sa gilid ng labi nya. Napatingin sya sa nakabunggong lalaki. At nanlalaki ang mga mata na tinabig ang kamay nito mula sa kanyang labi.
“Ang engot-engot mo talaga hindi mo ba ko nakitang parating?” inis na wika nya sa lalaki “Dapat tumi.. Aray” naputol ang sasabihin nya ng kumirot na naman ang kanyang balakang.
“Ayos ka lang?” bakas sa mukha ng lalaki ang pag-aalala. Gusto siyang alalayan nito pero mas makakabuti sa kaligtasan ng lalaki kung may ilang espasyo silang pagitan.
“Obvious ba, tanong ka pa kung okay ako. Palibhasa hindi ikaw ang natumba at nabagsakan ng mga pesteng kahon na yan!” nakataas ang kilay na wika nya.
“Excuse me Madam Emmanuel,” natatawang wika ng lalaki “ikaw dapat ang tumitingin sa dinadaanan mo. Hindi mo ba nakita na padating ako, isang kaawa-awang lalaking nahihirapan sa pagbubuhat ng mga kahon na yun?” nagpapaawang wika ng lalaki.
“Ah ganon, kasalanan ko? Sorry ha, kasalanan ko eh.” Galit na wika nya. Matagal na syang inis sa lalaking ito. Kaya nagpapasalamat sya na hindi nya ito nakikita kapag nagsusubmit sya ng nobela maliban na lamang kung kukuha sya ng tseke nya. Si John Vincent o JV ay nagtatrabaho sa Accounting Department ng Publications. At masyadong hambog ang lalaki para sa kanya.
Nakaramdam na naman sya ng kirot sa balakang kaya naman nanatili lang syang nakaupo sa sahig. Nagulat sya ng umupo ang lalaki sa tabi nya. Naglabas si JV ng panyo at muling pinunasan ang labi nya.
“Sorry, pumutok pa ang labi mo dahil sa mga pasaway na kahon na yun.” Bumuntong-hininga ito at huli na ng mahulaan nya ang gagawin nito. JV scooped her up and carried her like a baby.
“Teka, ano ba, ibaba mo nga ko.” Sigaw nya hindi sya makapagpumiglas dahil kumikirot pa rin ang katawan nya.
“No, I need to bring you to the hospital or a clinic maybe. Hangga’t hindi ka umaayos, hindi din ako mapapalagay.” Wika ni JV habang nakatingin sa kanyang mga mata. Em looked away, ang makipagtitigan sa tsokolateng mga mata nito ang pinakahuli nyang gagawin sa buhay nya.
“Okay, dalhin mo ko sa ospital hindi na ko magpapakipot dahil malala yata ang bagsak ko pero,” pigil nya sa paglalakad ni JV, “pwedeng dadalhin ko muna kay Marisse yung gawa ko dahil deadline ko na ngayon.”
“Ako na lang,” dire-diretso ang binata sa kotse nya. “hintayin mo na lang ako dito sa kotse mo okay. I’ll be back just before you think of me.” Nakangiting wika nito sabay kindat pa sa kanya bago ito tuluyang umalis.
“Feelingero talaga, pasalamat ka talaga at hindi ako makakilos ng maayos kundi uumbagin kita talagang lalaki ka.” Naiinis na wika nya.
“Anong sabi mo? Narinig ko yun ha.” Nagulat si Em ng pagdilat ng mga mata nya ay mukha ni JV ang nakita nya. Napalunok sya dahil masyadong malapit ang mukha nito sa kanya. Nakaidlip ba sya at hindi nya namalayang binuksan nito ang pintuan ng kotse. Hindi rin, dahil kakasabi pa lang nya na uumbagin nya ang lalaki ng bigla itong sumulpot.
“Pwedeng lumayo ka?” mahinang wika nya.
“Ano kamo?” sagot ni JV na inilapit pa ang mukha sa kanya.
Akmang itutulak nya na ito ng tatawa-tawang lumayo ang lalaki. “Bakit ka takot?” nakangising wika ni JV.
“Hambog ka talaga, mawala lang tong nararamdaman ko dahil sa katangahan mo reresbakan kita.” Banta nya nito.
“Oooh, I’m shaking. Nakakatakot.” Pang-aasar pa ng lalaki.
Inirapan nya ito at pumikit. This man is starting to shake her being, he is getting into her nerves. Matagal na silang magkakilala, pero hindi sila matatawag na magkaibigan. This is the very first time that they become this close. A closeness that make her uneasy.
*****
Nakatutok ang mata nya sa kalye pero hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Amused talaga sya sa babaeng katabi. Kahit na alam nyang hindi sya ang may kasalanan ay guilty pa rin sya sa inabot nitong pinsala. Matagal na syang naghihintay ng tamang pagkakataon para makalapit sa dalaga. He has been inlove with her the very first time he laid his eyes on her. Alam nyang inis ito sa kanya at hindi maganda ang reputasyon nya para dito. Para lang syang tanga, iniinis ito sa ilang pagkakataong nagkikita sila.
Minsan kapag kukuha si Em ng paycheck nito, iinisin muna nya ang dalaga bago nya iabot ang tseke na para dito. In that way, mas mahabang pagkakataon nya masisilayan ang mukha nito. Kahit na dagdag inis na naman ng dalaga iyon para sa kanya.
His friend said that he is crazy, siguro nga dahil sa isang taong pagta-trabaho nya sa JSPI ay ganon na din kahaba ang panahong minamahal nya si Em. Tamang pagkakataon lang ang hinihiling nya para ipakita dito ang tunay na sya. Maybe what happened was a blessing in disguise. He saw a chance to show Emmanuel that he is a great person and not that chauvinistic pig that she thought he was. Mahal nya si Em, at gagawin nya ang lahat para makita at maramdaman nito iyon. Emmanuel is a great person, tough on the outside but he knew she needs somebody to share her life with. At sya yun, si JV. Napangiti sya sa pag-asang nakikita nya.
“You’re really happy na ganito ang nangyari sa akin?” napukaw ang diwa nya sa sinabi ni Em.
“Hindi, bakit mo naman nasabi yun? Guilty nga ko o kahit walang kasalanan.”
“Eh bakit ngumigiti ka?” kunot-noong wika ng dalaga. Napabuntong-hininga sya. Hindi ba nito alam na ang pagtataray nito ang nakakapagpalambot ng puso nya.
“Wala may naalala lang ako. Ayun na yung ospital kaya please be calm na okay?” seryosong wika nya sa dalaga.
Natahimik ito habang pumapasok sila sa parking lot ng ospital. Bumababa sya sa kotse at binuksan ang passenger’s seat. Hindi nya na binigyan ng pagkakataon ang dalagang tumanggi dahil muli nya itong binuhat. For a moment, he stared at her confused face. Kita nya ang pagkalito sa mga mata ng dalaga. He cleared his throat and said “pwedeng magpagan ka ng konti ha ang bigat mo kasi eh.”
Nawala ang confusion sa mukha ni Em at napalitan iyon ng inis.” Eh di ibaba mo nalang ako, sino ba kasi nagsabing buhatin mo ko?”
Hindi na nya pinansin ang sinasabi nito, basta masaya sya habang nasa bisig nya ang dalaga. Dinala nya si Em sa emergency room at doon nilapatan ng lunas ang dalaga. Mukhang matindi ang pagkabugbog ng balakang nito kaya kailangan daw itong iconfine para maobserbahan kung mamamaga o hindi. He took care of everything, from her room to the medicines that she needs.
“O pano ba yan, kelangan mong ma-confine.” Wika nya.
“Hindi pwede, ayoko pwede bang sa bahay na lang ako. Walang kasama ang kapatid ko, marami pa kong-” hindi na naituloy ni Em ang sasabihin dahil tinakpan ng kanyang hintuturo ang bibig ng dalaga.
“Kung gusto mo agad gumaling please lang huwag ng matigas ang ulo. Be a good girl and rest.” Marahan nya itong inihiga sa hospital bed. Wala ng nagawa ang dalaga kundi sumunod na lamang. Nakita nyang pumikit ito, mukhang umeepekto na ang gamot na ipinainom dito ng doctor. He asked the doctor to give her something that will calm her. He watched her drift to sleep, pinagsawa nya ang kanyang mga mata sa kagandahang nasa kanyang harapan. He touched her face and she stirred, so he moved away. Narinig nyang nag riring ang cellphone ng dalaga kaya sinagot nya ito. It was Michigan her sister, she told the kid to come over to be with her sister. He gave her the name of the hospital and asked her to bring some few things for Em. Before night pa daw makakarating ang dalaga kaya sya na muna ang magbabantay kay Em. Okay lang sa kanya, mas gusto pa nga nya iyon. He wouldn’t exchange this moment to anything in this world.
****
She felt weird as if somebody is staring at her. Nagmulat ng mata si Em at ang nakatunghay na mukha na naman ni JV ang nasilayan nya. Tatlong beses ng nangyayari ngayong araw na ito ang ganong eksena. She was lost for a moment, disoriented pa ata sya dahil nakipagtitigan sya sa binata. Muli syang napapikit at sa muling pagdilat nya wala na ang lalaki sa harapan nya.
“How are you feeling?” tanong nito at inabot sa kanya ang isang box ng pagkain. “Kumain ka na muna, past lunch na. Mamaya pupunta si Michigan dito pagkatapos daw ng klase nya.” Mahabang paliwanag ng lalaki. Hindi sya agad nakaimik dahil pag-aalala ba ang nabanaag nya sa boses nito? Sa kalahating araw na magkasama sila, parang ibang JV ang nakikita nya o mali lang talaga ang pagkakakilala nya lalaki at agad nyang hinusgahan ito.
“Miss matunaw naman po ako” nakangiting wika ni JV. “Grabe makatitig, parang may gusto ka na sakin nyan eh.”
“Eh parang multo yung nakikita ko, mabait ka ba talaga o nagpapanggap ka lang ngayon?” hindi nya alam kung bakit iyon ang nawika nya.
“Ouch! Mabait naman talaga ko, hindi ko lang alam kung bakit basag ang imahe ko sayo. Bakit inis ka sa akin? Siguro crush mo ko noh.” Muling pang-aasar ni JV sa kanya. Pero hindi katulad ng nauna, hindi sya nainis dito.
Napangiti sya bago sumagot “Ewan ko,” tumingin sya sa lalaki “Marami ba kayong ipinainom na gamot sakin at parang high ang feeling ko? Naging angel ka sa paningin ko eh.” Natatawang wika nya. Epekto siguro ng mga gamot kaya nag-iiba ang tingin nya sa lalaki.
“Aba malay ko, doctor ba ko?” pagtataray kunwari ni JV. “Kidding aside, mabait naman talaga ko at ngayon nakita mo na ang kabaitan ko diba. Anong masasabi mo?” itinaas-baba pa ng lalaki ang mga kilay nito bagay na ikinatawa ni Em. Hanggang ang pagtawa nya ay nauwi sa ngiwi,
“Anak ng tokwa, ang sakit.” Sapo niya sa kaliwang parte ng balakang. Agad na nasa tabi nya si JV at hinawakan din ang kanyang balakang. Napatingin siya sa kamay nito sa kanyang balakang, parang may kuryenteng dumaloy mula rito patungo sa kanyang balat. Kakaibang pakiramdam, hindi pa sya nakaramdam ng ganoon. At aaminin nya, si JV ang kauna-unahang lalaking nakalapit sa kanya ng ganon. In her age, wala pa syang nagiging boyfriend, kaya matandang dalaga ang tawag sa kanya ni Michigan.
“Shit,” mahinang usal nya. Ano ba ang nangyayari sa kanya na hindi nya maipaliwanag. Inalis nya ang paningin sa kamay nito sa kanyang balakang at mas nagulat sya sa emosyong nakita nya sa mga mata nito. Alam na alam nya iyon dahil nagsusulat sya ng mga lovestories kahit na hindi pa sya nainlove sa buong buhay nya. Iisang emosyon ang nasa mga mata ni JV at yun lang ang nababasa nya. Could it be that he was inlove with her for a very long time now? Nakita nya ang pagiiba ng tingin nito, mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang labi. Napalunok siya at ipinikit na lamang ang kanyang mga mata habang pababa ang ulo nito sa kanya.
The moment their lips met, she felt something strange, as if she is finally home. It was a sweet brief kiss. Nanatili lang nakapikit ang mga mata nya, natatakot syang dumilat at harapin ang lalaki.
“You know Emmanuel, I’ve been inlove with this girl for more than a year now. Simula ng Makita ko sya unang araw pa lang ng pagta-trabaho ko sa JSPI, love at first sight ang nangyari.” Panimula ni JV na nakapagpamulat sa kanya. Napamura sya sa sarili ng may maramdamang kirot sa kanyang puso, mas makirot kaysa sa sakit sa kanyang balakang.
“First time I saw her, she was with her co-writers. Andun sila sa cafeteria, they were all beautiful pero siya ang nakapukaw sa atensyon ko. Alam mo ba kung anong suot nya?” natatawang wika ni JV. Hindi nya ito sinagot dahil wala na syang ganang makinig sa kwento nito. Balik sa dati ang tingin nya dito, isang hambog na lalaki. Pagkatapos sya nitong halikan, ngayon naman ay sinasabi nito sa kanya ang tungkol sa babaeng mahal nito.Kung nakakatayo lang talaga sya, she will walk out of that room after giving him some of her “killer punch”.
Parang balewala kay JV kung hindi na sya interesado nagpatuloy pa rin ito.
“She was wearing a black shirt paired with a black jeans. All black lady, with black nails.” Patuloy ni JV na nakatingin sa kaniya. Naguluhan sya, bigla syang napatingin sa black nails nya na paborito nyang ilagay sa kanyang kuko. She love black, halos lahat ng damit nya ay black. Could it be?
“She has this cute bobcat hair, stand out sa mga kasama nyang mahahaba ang buhok. And she didn’t have any make up at all and yet, she took my breath away. From that day on, lagi akong naghihintay ng pagkakataon na makita sya kahit na once in a blue moon lang sya pumupunta dito.”patuloy ni JV na muling nakalapit na sa kanya. Iniangat nito ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga mata.
“I used to tease her, kahit na alam kong inis na inis sya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero ginagawa ko lang inisin siya para mas matagal ko syang makasama at makita. Ganon ko sya kamahal” JV stared in her eyes. “That’s how much I love you Emmanuel, I’ve been inlove with you for ages.” Pahayag ni JV.
Hindi makaimik si Em sa rebelasyon ni JV. How could it be? Ayaw nyang magmahal hindi pa sya handa. At lalong lalo na, hindi sa isang tulad ni John Vincent Manalastas. Sigurado sya kapag binigyan nya ito ng pag-asang pumasok sa buhay nya, ay iibahin nito ang lahat ng nakasanayan nya. Natatakot sya, hindi sya handa. Pero bakit sa isang bahagi ng isip nya sinasabing sumugal sya, na bigyan nya ng pagkakataon ang binata lalo pa at naalala nya ang halik na pinagsaluhan nila. Pero hindi, masyado syang maraming iniisip para dumagdag pa ang pagkakaroon ng relasyon kay JV.
“No, I don’t believe you.” Pag-iwas nya ng tingin dito.
“I have all time in the world to show you how much you mean to me Em, if only you will let me.” Wika ni JV habang hawak ang kanyang kamay.
Binawi nya ang kanyang kamay at tinignan ng diretso sa mata ang binata. “Yun nga, hindi kita bibigyan ng pagkakataon. I don’t need someone like you in my life. Please go.” Wika nya at nagtalukbong ng kumot. Natatakot syang makita ng lalaki ang emosyon sa kanyang mga mata.
“Kung sana bibigyan mo ko ng pagkakataon, I will take care of you. I know you’re tough but that doesn’t mean na hindi na kita pwedeng tratuhing prinsesa.”
“Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ko kailangan ng mag-aalaga sa kin dahil kaya ko ang sarili ko. Now please, leave. I want to rest. Salamat sa pagdadala mo sa kin dito.” Muli syang bumalik sa ilalim ng kumot. Hinihintay na bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking nagpagulo sa isip nya.
****
He sighed, mali yata ang diskarte nya. Pero nasaktan sya sa hindi paniniwala ni Em na totoo ang mga sinasabi nya. He turned to leave but looked at her direction for the last time. Hindi sya susuko, but for now he will give her some time.
“Yaan mo muna yang si ate, siraulo yan eh.” Nagulat sya ng may magsalita paglabas nya ng pinto. She saw a young lady with the same eyes like Em. Nahinuha nyang ito si Michigan.
“Yes that’s me, I’m Michigan, Michi for short. And you are Kuya?”
“JV, I’m your Kuya JV.” Napangiti sya sa sinabi dahil parang inangkin na nyang magiging sila ni Em.
“As I was saying, nagpapakipot lang yan si Ate. Hindi nya kasi alam yung feeling ng may nagmamahal. Wala pa yang nagiging boyfriend eversince kasi nakatuon ang pansin nya sa akin.” Nakikinig lamang sya sa dalaga.
“Pero, as long as she discovers the wonders of love at makita nyang hindi nya na ko dapat alalahanin bibigay din yan.” Hinarap sya nito “Gaano mo naman kamahal si ate?”
“I love her enough to do silly things because of her.”
“Ah okay, give me your number I’ll let you know kung apektado sya sa paghihiwalay kuno nyo.” Ibinigay nya sa dalaga ang number nya at hiningi nya rin ang kay Michigan. Mas magandang may komunikasyon sila para alam nya kung ano ang nangyayari kay Em.
“Please take care of her ha. Tawagan mo ko kung ano mang mangyari. Thank you Michi.” Wika nya kay Michi bago tuluyang nagpaalam.
****
“Ate, kamusta ka na?” tanong ni Michi sa kanya. Ilang minuto makalipas ng pag-alis ni JV ay dumating ito. “Nasaan na yung tumawag sa akin?”
“Maayos na ko at paki ayos ang bill para makauwi na ko ayaw ko ng tumigil dito noh.”
“Okay, pero nasaan na yung nakausap ko kanina? Tatalakan ko sana kasi hindi nag-iingat.”
“Wala na, umalis na.”
“Bakit? Inaway mo na naman ata eh.” Tinitigan siya ng kapatid.
Iniiwas niya ang paningin dito. “Hindi, basta umalis na tapos, huwag ka ng makulit. Gawin mo yung inuutos ko sayo pwede?”
“Okay, as you wish.” Sagot ng kapatid nya at muli itong lumabas sa silid.
Napabuntong-hininga sya. Ilang minuto pa lang na hindi nya kasama si JV ay nami-miss na nya ang binata. Para syang timang, pagkatapos nyang palayasin ay hinahanap-hanap naman nya ito ngayon.
Ngayon lang sya naduwag sa buong buhay nya. Maraming lalaki na ang nagtangkang ligawan sya pero mukhang hindi kaya ng mga ito ang strong personality nya. Hindi pa rin sya makapaniwala na matagal na syang minamahal ni JV. Kaya pala may mga
pagkakataong nahuhuhuli nya itong nakatingin sa kanya.
“Hoy, kanina pa ko andito ate, hindi mo ko pinapansin. Masyadong malalim iniisip mo.”
Nagulat pa sya ng marinig ang kapatid.
“Ano na? Makakalabas na ba ko dito?”
“Sus, iwas tanong eh no. Oo, pwede na daw. Pero iche-check ka pa daw ulit. Ihahanda ko na yung mga gamit mo. Pero bayad na yung bill.”
“May pera kang dala?” tanong nya.
“Wala, hindi naman ako nagbayad yung nagdala daw sayo dito.”
“Sige ayusin mo na mga gamit. I want my bed.” Muling sagot nya. Naiisip nya pa din si JV, nasaktan ba ang binata sa mga sinabi nya? Hanggang sa makalabas na sila ng ospital at makauwi ng bahay ay si JV ang iniisip nya.
****
Napapatingin sya sa cellphone nya, umaasang tatawag o mag tetext ang binata pero dahil sa baliw nga sya nakalimutan nyang hindi naman alam ng lalaki ang number nya. Napasigaw nalang sya sa frustration na nararamdaman, tama ang kapatid nya sira na ata ang ulo nya.
“Hoy ate, dalawang araw ka ng lukring lukringan ang drama baka kala mo hindi ko napapansin.”
“Wala kang pakelam, doon ka nga sa kwarto mo.” Sigaw nya sa kapatid.
“Para ka kasing timang, in love ka ba?” tanong nito.
“Sabi ko doon ka na sa kwarto mo, babatuhin na kita dyan.”
“Uy, si ate mukhang inlove na. It’s a miracle!” wika nito at isinara ang pintuan nya bago tamaan ng inihagis niyang unan.
“In love, ako?” humarap sya sa salamin sa loob ng banyo. “Ako, inlove? You gotta be kidding me?” kausap nya sa sarili.
“Oo, Emmanuel hindi ka inlove, at bakit agad ka maiinlove sa lalaking yun? Tignan mo nga hindi na nagparamdam sayo. Yun ba ang sinasabi nyang mahal na mahal ka nya? Duh, nasan sya ngayon?”
“Eh tanga ka din kasi, andoon na nga nagconfess na ng undying love for you pinalayas mo pa tsk.” Kontra naman nya sa kanyang sarili.
“Oh hindi! I’m getting crazy!” mahina nyang sinabunutan ang sarili. “Shucks, mahal ko yata yung ungas na yun.”
“Sigurado ka?”
“Oo, mahal ko pala si JV.” Sagot nya sa nagtanong. Napamulagat sya ng tumagos sa kanyang kamalayan na may nagtanong sa kanya. Napatingin sya sa salamin at nanlaki ang mga mata ng may makitang nakatayo sa likuran nya. Natatakpan ang mukha nito ng isang bungkos ng rosas pero alam na alam nya kung sino iyon.
“Narinig mo yung sinabi Kuya JV ha, Mahal ka ng baliw kong ate. Yan ikaw mismo nakarinig.” Nawala ang pagkagulat nya sa sinabi ng kapatid.
“Oh diba effective yung strategy ko, sabi ko sayo marerealize nya din agad na mahal ka nya.” Patuloy pa nito na ikinakunot ng noo nya.
“Anong ibig mong sabihin Michigan?” tanong nya sa kapatid
“Wala, out na ko. Babush!” nagmamadaling wika nito. Hahabulin nya sana ito ngunit hinarangan ni JV ang kanyang daan. Napatitig sya sa lalaki, napakagwapo talaga ng ungas na lalaki. Nakangiti ito sa kanya at iniabot ang bulaklak.
“Narinig ko yung sinabi mo wala ng bawian. Sinabi mo mahal mo na ako, idedemanda kita kapag binawi mo pa.”
“May magagawa pa ba ko eh pinilit nyo kong sumagot.” Palusot nya.
“Weh, kitang kita yung pagkawindang mo eh. Baka hindi mo alam, nag rereport sa akin si Michigan. You’ve been a mess since I left you in the hospital. Ipinagkanulo ka ng kapatid mo kapalit ng Macbook.” Natatawang wika nito.
“Walanghiya, nabili mo ko dahil sa Macbook?” kunwang nanlalaking mga matang wika nya.
Wala na syang lusot, inamin na nya sa sarili nyang mahal na nya si JV. Handa na rin syang sumugal, subukan ang buhay na may ibang nagmamahal, nag aalaga.
Hinawakan ni JV ang kanyang kamay at iniharap sya dito, “Buti na lang, may kapatid na makulit ang mahal kong baliw. Kung hindi, mahihirapan akong mapaamo ang isang tigreng tulad mo. Mahal na mahal kita Emmanuel, at araw-araw kong uulit-ulitin yun sayo.”
“Oo na, narinig mo na diba. Hindi mo na kailangang bolahin pa ako. Mahal din kita John Vincent,handa na kitang mahalin pero sana hindi ka magsawa sa mga kabaliwan ko.” Natatawang wika ni Em
“No, not in my life. Reading-ready yata ako. Pero come to think of it, tama na naman yata si Michigan, mas baliw ako dahil nagmamahal ako sa isang Emmanuel Sanchez.” Niyakap sya ng lalaki at gumanti rin sya ng mas mahigpit na yakap. She knew that from this day on, her life would never be the same again. She have JV in her life, together they will savor their moments together. And she believed in her heart, that JV is the man
for her. The one who will stand her craziness. Indeed, she is crazy in love with the man.
THE END.
****
Ang kwento ng buhay ng writer na si Camae susunod na. JSPI SERIES.
waaaaaaaaaaaaah!!!! ang ganda!!!! gawa pa po kau... kilig much talaga :)
ReplyDeleteoh may gawd!!
ReplyDeleteeto agad ang inatupag ko pagdating nang opis :D
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
ang ganda nag stories. pa-isa pa
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
para mailabas ang kilig sa katawan.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
handsdown para sa nag-iisang dyosang ube nang GEMS.
love you.
-jk022509
ang ganda ng story nato ate lav
ReplyDeletenakakakilig ang love story ni em at jv
ang kulit lang magpapansin
ni jv kay em hahaha
at ang kulit kulit din ni michi haha
ang cute ng character nya haha
worth it ang pagaabang
two thumbs up :D
-JECKang ganda ng story nato ate lav
nakakakilig ang love story ni em at jv
ang kulit lang magpapansin
ni jv kay em hahaha
at ang kulit kulit din ni michi haha
ang cute ng character nya haha
worth it ang pagaabang
two thumbs up :D
-JECK