Friday, 3 September 2010

FAIRYTALE CHAPTER 25

CHAPTER 25 


James have to finish some business first. He can't believe that he'd been fooled by someone. He, Robert James Reid, have some laws too. He can't let this pass.

 He needs to know who’s the anonymous sender. Nakarating sya sa opisina nya at may isang brown envelope na naman syang nakita. May nakalagay dito na “Sir I’m so sorry. You need to know the TRUTH”. 

Mukhang binibigyan sya ng langit sagot sa kanyang mga tanong. Agad nyang binuksan iyon at nakita ang mga larawan ni Devon at Ivan, lahat halos ng galaw ni Devon bago ang kanilang paghihiwalay. At may isang memory card doon na may lamang voice record.  

Nauna na nyang binasa ang sulat at galit na galit sya sa kanyang nalaman. Sunod nyang pinakinggan ang recording at mas lalong nagumapaw ang galit nya sa isang tao. Nalaman nya na plinano nito ang lahat ng mga pangyayari pati ang mga blind items na lumabas noon.  

Ang taong dahilan ng lahat ng pagdurusa nya at mas lalong dahilan ng pagkasira ng babaeng mahal nya. He must do something at iyon nga ang gagawin nya upang pagbayarin ang may kagagawan ng lahat. 


"Ms. Drea please be in my Dad's office at exactly 10 minutes bring Ms. Madrigal with you. " wika ni James sa intercom habang kausap si Ms. Drea Vuz. 

Nakita ni Jezziel na palabas na si James sa opisina nito at naghanda na rin syang umalis. Habang wala si James ay inilagay ni Jezziel ang envelope sa silid ni James. Hindi na kaya ng konsensya na at aalis na sya talaga kay Enna. 

Nag resign na sya bilang PA nito dahil hindi na nya makayanin ang ugali nito.Kailangan nya munang ayusin ang gulo na kinasangkutan nya at sana mapatawad sya ni Devon. 

Nagtungo na si James sa opisina ng kanyang ama at agad itong kinausap. Ipinagtapat nya dito ang lahat ng sinabi ni Ivan. Ipinakita dito ang mga ebidensya at sinabi dito kung ano ang gusto nyang gawin. At napapayag nya ito sa kanyang nais.

"Sir what can I do for you? What's wrong?" tanong ni Drea sa mag-ama.

"Hi, honey, how's your day? Miss me?" akmang hahalikan nito si James ngunit iniiwas nito ang kanyang mukha at marahas na tinabig si Enna.

"I want you out of this company from this moment. Out! You hear me. You almost ruin my life Enna, your lies, your plans. You ruin us you b**ch!  Now I know the truth so you better go back to the place where you came from or I will file a lawsuit against you!" galit na wika ni James.

"Ms. Madrigal, we are removing you from our company. All the contracts you've signed will be forfeited. All, meaning from other company who you made business with. "inporma ni Mr. Malcolm kay Enna na labis na natulala.

"Why? You can't do this to me. James we're gonna get married." histerikal na sabi ni Enna.

"I'm not going to marry someone like you.You're such a liar. You know that I don't love you. Its still Devon, and forever will be." pahayag ni James sa umiiyak ng si Enna.

"Sir please don't do this to me. Please, I need my job. I won't bother James anymore. Please.." pagsusumamo ni Enna sa ama ni James.

"I''m sorry Ms. Madrigal, James is now the owner of this company so it's his call not mine. Goodbye Ms. Madrigal. Ms. Vuz, please assist her outside this office" wika ni Mr. Malcolm kay Ms. Drea Vuz na nakatulala lamang sa mga kaganapan.
Naging hysterical si Enna at pilit na nilalapitan si James ng may dalawang guard na humawak dito. 

"Please take her out." wika ni James 

"Are you ok son? I've never seen you so furious before." tanong nya sa anak.

"I'm fine Dad.Now I need to think of a way how to get my Baby back. If I marry her, there's no problem with you right?"

"James, I won't interfere in your happiness you know that. Aside from the fact that I love Devon as my daughter, I know its only her that can make you happy. "

"Thanks Dad."

*******
Pauwi na sila Devon galing sa kanyang graduation. Masaya silang nag-uusap usap kahit na may lungkot pa din syang nadarama. 

"Buddy, congratulations.! Engineer Seron coming up." biro ni Ivan kay Devon.

"Salamat buddy. San mo kami ililibre?" tanong ni Devon kay Ivan. 

"Ano ka ba, may salo-salo tayo sa bahay. Nagpahanda si Mother noh. " wika ng Ate Darling ni Devon.

"Tara na at naghihintay na ang mga bisita."yaya ng Nanay Lyn ni Devon at umabrisyete sa anak.

Mas magiging maligaya sana sya kung kapiling nya ang kanyang prinsipe , ngunit iyon ay tanging sa panaginip na lamang. Wala na syang prinsipe dahil hindi naman sya totoong prinsesa.

Ayaw na nyang maging malungkot, simula sa oras na yun,pinangako nya sa sarili na ibabalik nya ang dating Devon. Ang masayahing si Devon.

"Hey, don't be sad. Tomorrow I'll treat you out ok. Come with me." pag yaya ni Ivan kay Devon 

"Sure buddy, san mo naman ako itre-treat?"

"It's a secret. But I’m sure you'll like it, no you'll love it. "

"Salamat ng marami, isa kang tunay na kaibigan, Salamat Ivan. " niyakap ni Devon si Ivan bilang pasasalamat dahil naging isang mabuti itong kaibigan sa kanya. 

***************
Sinundo si Devon ni Ivan bandang alas 3 ng hapon. Wala ang pamilya nya may pupuntahan daw ang mga ito. At dahil may usapan sila ni Ivan, hindi na sya isinama ng mga ito.

"Are you ready? Come on let's go." wika ni Ivan kay Devon

“Oo, salamat ulit.” 

Tahimik lamang sila habang nasa daan. Iniisip ni Devon ang panaginip nya ng nagdaang gabi, umiiyak daw sya, nagsusumamo kay James na wag syang iwanan. Pero dumating si Enna at inakay paalis si James. 

Iyak sya ng iyak ng magising sya at nagulat sya ng mamalayang umiiyak na pala talaga sya. Inabutan sya ni Ivan ng tissue 

“Buddy, don’t cry please. I want you to be happy. Later there’s a gift waiting for you. So be excited about it.” nagbibiro na wika ni Ivan.

“Nginitian lamang ito ni Devon at tahimik na ipinagpatuloy nila ang byahe.

Napansin nya ang daan na kanilang tinatahak, papunta sa Makati.At napansin din nya ang pamilyar na driveway ng Mandarin Oriental Hotel. Doon ba sila pupunta? Ayaw man nyang malungkot ngunit bumabalik sa kanya ang lahat. Iyon ang lugar kung saan naganap ang isang magandang panaginip.

“Ivan,bakit dito?”

“Bakit hindi dito? I want you to be happy, so tara na. Be happy and remember that I love you my friend” wika ni Ivan at inalalayan na si Devon pababa ng sasakyan. Simpleng bestida lamang ang kanyang suot, wala syang makeup dahil hindi naman nya alam na sa hotel siya ite-treat ni Ivan. 

Pumasok sila sa isang madilim na bulwagan. Hindi nya masyadong makita kung may ibang tao ba sa paligid. At pagkaupo nya niyakap sya ni Ivan at bumulong sa kanya ng “Be happy buddy.” at bigla itong nawala. 

Nakarinig sya ng mga tumutugtog na parang orchestra (violin. cielo at piano) at ang kanilang piyesa - TWO IS BETTER THAN ONE. Anong ginagawa ni Ivan sa kanya at siya ay pinagtritripan nito. 

Patuloy na tumutogtog ang orchestra habang lumilipad ang mga alitaptap sa paligid. De ja vu ba ang nangyayari sa kanya? Bawat segundo nya sa lugar na yon naalala nya si James. Nagulat sya ng may marining na nagsalita

“More than six months ago, I confessed my undying love for that special woman. More than six months ago, in this same place, two hearts has become one. 

I honestly and seriously loved that girl until someone wanted to tear us apart. I still love that woman and every second, minute, hour of my life, I remember her.

 I’ve caused so much pain and sufferings to the woman I love because I'm a total jerk.  I admit, I lack trust and was blinded but jealousy that's why  I dropped her like a hot potato.” 

Huminto ito at ginulat si Devon dahil bigla itong nag tagalog.” Now, I’m kneeling before that woman and her family, to please forgive me. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Dahil bawat sandali na wala ka  sa piling ko, wala akong buhay.

 I still love you and I never stop loving you Baby. Please forgive me. Be my princess again.”

Pagtatapos ni James na hindi pa din nakikita ni Devon, hilam na hilam sa luha ang kanyang mga mata. Narito si James malapit sa kanya, unti unting napapawi ang sakit na dinulot nito sa kanyang pagkatao.

 Narinig nya ang mga sinabi nito at gusto na nya itong makita.Nagliwanag ang buong paligid at nagulat sya sa tinig na narinig. 

“Will you ever forgive me princess? Will you start a new lifetime again with me? Will you be mine again?” wika ng isang tinig sa likuran ni Devon.

 Nilingon ito ni Devon at tumambad sa kanya ang mukha ng lalaking matagal na nyang inaasam na muling masilayan. Nakatitig lamang siya dito habang patuloy na lumuluha at nababakas nya ang emosyon sa mukha nito. Nakita nya ang pamumula ng mga mata nito patunay na umiiyak din si James. 

“Mahal kita hindi nagbago yun Baby, Forgive me I was a jerk and a complete fool for letting this happen to us. Enna will pay for this.” pahayag ni James habang nakatingin pa din kay Devon. 

Habang si Devon naman,wala ng pakelam sa sinasabi ni James. Ang tanging mahalaga sa kanya ay muling nagbalik ang kanyang prinsipe. Hindi na nya pinigilan ang kanyang sarili, niyakap nya ito at patuloy na umiyak dahil mula syang nangangarap kasama nito.

Hindi ito kailanman napalitan sa puso nya.  Naramdaman nya ang pamilyar na init ng katawan nito, ang pamilyar na amoy nito at napatunayan nya na hindi ito isang panaginip. Kayakap nya ang kanyang prinsipe, muli itong nagbabalik sa kanya. Sapat na ang kanyang yakap at ang pagtugon sa halik nito upang iparating kay James na handa syang dugtungan ang kanilang Fairytale at sana sa pagkakataong iyon magkaroon na sila ng happily ever after. 


Masigabong palakpakan ang biglang narining sa bulwagan. Katulad ng unang beses itong nag propose ng kasal sa kanya, naroon din ang kanyang pamilya at mga kaibigan. At higit sa lahat, sa dami ng tao ang naroon. Ang lahat ay masayang nakatingin sa kanilang dalawa habang may luha sa mga mata. Nasaksihan ng mga ito ang muling pagtatagpo ng dalawang pusong pinaghiwalay ng isang makasariling nilalang. 

“Ladies and gentlemen, Nanay Lyn Tatay Sonny, mga ate, and Ivan, in your presence I would like to ask this lovely princess again.” at bumaling si James sa kanya.

“Baby, I want to repeat the words I uttered before”

"I, Robert James Reid, is humbling down before you, Beloved Princess, asking you to marry me and make me the happiest prince in the whole world.

 I promise to never hurt you again, never make you cry and trust you with all my heart and soul. Please be my wife, I’m begging you. " madamdaming wika ni James at isinuot sa daliri ni Devon ang isang magandang singsing.

“Yes, James, Yes!” sagot ni Devon at isang mahigpit na yakap ang ibinigay kay James. 

Masigabo ang palakpakan ng mga tao, bakas ang tuwa sa bawat isa. Nasa isip na masarap magmahal, okey lang din ang masaktan, pero ang tunay na pag-iibigan ay walang makakahadlang. Bagyuhin man o unos man ang dumating, pag-ibig pa din ang maghahari. 

FAIRYTALE CHAPTER 23-24


CHAPTER 23

Tinanghali ng gising si Devon. Lunes ang araw na yun, sem break na nila. Hindi nya napuntahan si James ng nakaraang araw dahil umalis sila ng kanyang pamilya. Sinubukan nya itong tawagan ngunit nakapatay ang cellphone nito, ilang beses na din syang nagpadala ng text message dito ngunit wala pa din itong reply. Tinawagan nya na din ang landline nito ngunit voice message lamang ang sumasagot. Nag-aalala na sya. Wala itong paramdam simula ng nangyari iyon, ang masaksihan nya ito kasama si Enna sa isang uncompromising situation. 

Balak nyang ngayon magpunta sa office nito. Gagawin na lamang nyang surprise ang pagbisita nya at hihingi sya ng sorry dahil hindi nya agad tinanggap ang paliwanag nito. Aayusin nila ngayong araw ang kanilang tampuhan at babalik sa normal ang lahat. Masyado na nyang namimiss ang mga lambingan at kulitan nila. Napapangiti sya sa naisip at kinikilig pa din sya kapag naaalala ang araw na nagpropose ito ng kasal sa kanya. 

“Nay maliligo na po ako at pupunta po ako kay James. “ paalam ni Devon sa ina. 

“Anak, sigurado ka bang dapat mo pa syang puntahan?” naiilang na tanong ng ina kay Devon.

“Bakit naman po nay? Kelangan namin magkaayos na namimiss ko na ang fafa ko noh. Sige na nay, maghahanda na po ako.”

Dumiretso na sya sa banyo ngunit nagtataka kung bakit nasa mukha ng ina ang pag-aalala. Mabilis syang natapos at nagpaalam na sa ina na aalis na.

“Alis na po ako nay, “

“Siguro nga ay dapat mo syang kausapin anak, para magkalinawagan kayo kung ano ka ba sa buhay nya.”

“Anong ibig mong sabihin nay?”

“Kahit anong mangyari sa pag-uusap nyo, maging matatag ka. Tandaan mo andito kaming pamilya mo. Mag-iingat ka sa daan.”..

Kahit nagtataka ay umalis na si Devon, ano bang mali sa araw na iyon? Bakit ang weird na nanay nya?

Habang nasa daan sya ay may napapansin syang kakaiba, pinagtitinginan sya ng mga tao. Oo sanay na sya sa tingin ng mga ito dati pa dahil nga nobyo nya si James Reid, ngunit iba ang araw na yon, titignan sya at sabay bubulong, ang iba naman ay parang nanunuya ang tingin, ang iba may awa sa mga mata. Ano ba ang nangyayari? Ganon ang tanong nya habang patuloy na kino-contact si James, wala pa rin itong paramdam. 

“Di ba sya yung ex-fiancee ni James? “ 

“Oo nga, anong ginagawa nya dito? “ 

Narinig nyang usapan ng dalawang babae. Ex-fiancee? Ex? Kelan pa sya naging ex ni James? Gulong gulo na ang isip nya at sa pagbaling nya ng paningin, nasagot lahat ng katanungan nya. Dahil narito sa front page ng isang broadsheet ang larawan ni James at ni Enna, tulad ng mismong nakita nya. Ang mas lalong nakapagpawindang sa kanya ay ang mga salita kasama ng larawan. “The newest sweetest couple in the modelling world. Finally, James Reid admitted that it should be Enna Madrigal.”

Tigagal si Devon, “hindi pwede to. anong nangyari James?” hindi na nya nakayanan ang luha nya at masagana itong dumaloy. Wala na syang pakelam kahit pa pagtinginan sya ng mga tao. Agad syang pumara ng taxi at nagpahatid sa Pacific Star Building kung saan naroon ang opisina ni James. At tulad kanina, pagkababa nya palang iba’t ibang klase ng tingin na ang nakikita nya. Kahit si manong guard na lagi syang binabati ay may simpatya ang mukha. Dideretso na sya sa elevator ng tawagin sya ng receptionist

“Ms. Devon I think you shoudn’t go up.”

“Bakit naman po? Kailangan kong makausap si James.”

“Teka lang I need his confirmation bago ka papasukin dun, mahigpit iyong ibinilin..”

Pati pala ang pagpunta nya sa opisina ay bawal na. Anong nangyari? Gustuhin man nyang lumuha ulit ay pinigilan nya ang kanyang sarili. Hangga’t walang malinaw na dahilan at eksplenasyon mula kay James, kailangan nyang magpakatatag. 

“Ok, you can go. Pero Ms. Devon, I’m sorry.” tumango lang si Devon kahit hindi nya naintindihan ang ibig nitong sabihin.

Nagtungo na sya sa 46th floor, wala si Mylene na kaibigan nyang receptionist sa pwesto nito,kaya diretso na syang pumasok. 

Dumiretso sya sa opisina ng tatay ni James at kakatok pa lamang sya ng may magsalita sa likod nya. 

“What the hell are you doing here? “ malamig na tanong ni James na ikinabigla ni Devon.

“Anong nangyayari James?”

Nakita ni James na hawak ni Devon ang broadsheet. “Isn’t clear to you? Do you want to ask me if that is true? Yes, its true.” kompirma ni James.

“B-bakit James? Anong ginawa ko? Bakit ginaganito mo ko?” naiiyak na wika nya

“Oh please stop the drama Devon. “ 

“Sabihin mo James bakit?” nilapitan nya si James at akmang hahawakan ng bigla itong umatras na parang diring-diri sa kanya. 

“IT’S TIME TO WAKE UP SLEEPING BEAUTY. YOUR DREAM HAS ENDED. Thank you for your time.  But you can keep the ring if you want.” patuyang wika ni James. 

“Narinig mo sya diba Devon? Tapos na ang ilusyon mo.”wika ni Enna na biglang lumapit at halikan si James sa harapan nya. “Hi Honey. “ 

Hindi na makayanan ni Devon ang lahat, dali-dali syang tumalikod at nagulat sya sa nakita, lahat ng tao sa opisinang iyon ay nasaksihan ang pagkawasak ng pagkatao at puso nya.  Ipinahiya sya ni James hindi lamang sa mga ito kundi pati sa sarili nya. Hilam sa luha ang kanyang mga mata at nagdurugo ang puso nya kaya dali-dali na syang lumabas ng silid na yon. Hinabol sya ni Mylene at agad na niyakap.

“Sasamahan kitang kumuha ng masasakyan. Alam kong kailangan mo ngayon ng karamay.”

Inihatid siya ni Mylene hanggang sa baba at isinakay sa isang taxi. Ito na din ang nagbayad at sinabing ihatid sya hanggang sa bahay nila. Tanging tango lamang ang nagawa nyang isagot dito dahil patuloy na nagdadalamhati ang puso nya. 

Bakit ang taong mahal nya ang mananakit ng ganito sa kanya? Bakit pa siya nagmahal kung ganito din lang ang mangyayari sa kanya.  Gusto nyang mamanhid na ang katawan nya para wala na lang syang maramdaman. Dahil habang patuloy na lumalaki ang butas sa kanyang puso, patuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.

******

James got himself drunk in the middle of the day. After that confrontation with Devon, he decided to go home. Hindi nya kaya ang sakit na nararamdaman nya. Damn that girl for causing this much pain to him. Ito pa ang may ganang magtanong sa kanya kung ano ang nangyayari? He decided to pack his things and have a vacation in Australia. 

He needs to forget everything about that woman. At si Enna, ayaw man nya na makarelasyon ito ay nagpumilit pa din at sinabing tutulungan syang kalimutan si Devon. Tinanggap na nya ang gusto ng dalaga dahil kailangan nya lahat ng paraan upang mawala sa isipan ang babaeng yon.

“Dad, I’m leaving for Australia tomorrow.” wika nya sa kanyang ama na nasa Australia upang magbakasyon. 

“Is Devon coming with you? I miss my sweet.” wika nito. Natigilan si James, ibig sabihin hindi pa nakakarating dito ang balitang tapos na sila ni Devon.

“No Dad, I’ll hang up, I need to pack my things.  Bye” at pinutol na ni James ang linya.

Sunod na tinawagan nya si Dianne, ang kanyang secretary, upang ipaalam dito na aalis sya at ito ang bahala sa lahat ng kailangang gawin. After the call, he stared on his cellphone dahil ang wallpaper nito ay si Devon na nakangiti, he decided not to change it maybe for just a  few days so he can still see her smile. God, he love her still despite na pain she’ve caused him.  He know, he will never love any other girl the way he loved Devon.

***********  

Habang ang dalawang puso ay nagluluksa, ang isa naman ay nagdidiwang. Masaya si Enna, sa wakas, sa kanya na si James. Hindi man nya tuluyan pang nakukuha ang puso nito, gagawin nya ang lahat upang mahalin din sya nito. Nasa condo unit nya si Enna at umiinom ng brandy, kasama si Jezziel. 

“Here," sabay hagis sa isang makapal na sobre kay Jezziel “dahil magaling ka at maasahan, yan ang bonus mo. Siguraduhin mo lang na ititikom mo yang bibig mo kung ayaw mong samain sa akin.” banta nito sa assistant. 

“Wala ng prinsesang Devon, tapos na ang kanyang pangarap. Dahil ako ang nanalo, ako lamang ang may karapatan kay James.” wika pa nito.

Si Jezziel naman ay nakatungo lang at nakokonsensya na. Hindi nya na kaya ang kasamaan ng kanyang amo, pati ang walang kasalanan na si Devon ay sinaktan nito makuha lamang ang gusto. Napaka selfish na tao, iyon ang tawag nya dito. Kung hindi lamang gipit na gipit sya ay hindi nya ito susundin. Naisip nya, minsan itatama nya lahat ng kasalanang nagawa nya. 


CHAPTER 24

After more than six months.

Mahigit anim  na buwan na ang nakalilipas. Anim  na buwan na din syang nagdudusa. Iniwan sya ni James ng basta na lamang. Ipinamukha nito sa kanya na hindi sya ang nababagay dito. Patuloy na itong nabulag ni Enna. Hindi nya inasahang ganito ang magiging katapusan ng kanyang fairytale. Tama nga sila, hindi lahat ng lovestory ay may happy ending. MInahal nya si James ng buong puso, natuto syang magmahal sa unang pagkakataon pero nasaktan lamang sya . Natapos ang kanyang fairytale ng ganon na lamang, walang paliwanag, walang conclusion. Wala siyang kasalanan na nagawa pero pinarusan sya ni James. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa kanya ang nangyari at kung bakit winakasan nito ang kanilang pagmamahalan.


"Malungkot ka na naman, kalimutan mo na siya. Nahihirapan na kaming nakikita kang ganyan."sabi ng Ate Dhemy nya. "Wag  mong pabayaan ang pag-aaral mo, malapit na ang graduation mo Devon yun muna ang isipin mo. Malapit mo ng matupad ang pangarap mo. " wika ng ate nya.

Hindi nya namalayan na lumuluha na naman sya, hindi nya yun maiiwasan kapag naaala nya si James. Ang magandang pagtitinginan nila ay nauwi lamang sa wala. Mas sya ang nasaktan dahil wala syang kasalanan dito. Ang huling balita nya tungkol kila Enna at James ay magpapakasal na daw ang mga ito. At si Enna ay laging may interview at laging ipinagmamalaki sa mundo na masaya silang dalawa ni James. 

Ang mga tao naman na hindi nakakaalam ng tunay na istorya ay tinutuya sya at sinasabihan syang  “Ilusyonada ka kasi”, ang iba naman ay “Bagay na bagay sila James and Enna noh, parehong mayaman, may class at hindi alangan ang itsura sa isa’t isa”. Pero nasanay na syang deadmahin ang mga iyon. Masasaktan lang sya kapag binigyan nya ng pansin ang mga taong iyon. 

“Tahan na, narito lang kami para sayo. Mahabang panahon na din naman ang lumipas. Tama na ang pagdurusa mo.” dagdag pa ng Ate Dhemy nya. 

“Ate akala ko habang buhay na akong magiging prinsesa,subalit iniwan ako ng aking prinsipe.
Magmamahal pa ba akong muli kahit na ang nais ko ay sa panaginip nalang mabuhay?
Dahil sa isang FAIRYTALE kasama ko ang aking PRINSIPE.” lumuluhang sabi ni Devon at niyakap na lamang sya ng kanyang ate. 

“Makakaya natin to, nakaya mo ng mahigit anim na buwan, makakaya mo yan hanggang sa kailanman Devon.” yakap lang ang tanging maibibigay nya sa kapatid. Walang salita ang makakapawi sa sakit na naidulot ng lalaking iyon. 

******
Nasa campus si Devon, ipinatawag sya ng kanilang Dean sa opisina nito. Nabawi nya ang kanyang mga grado bago pa magsimula ang finals. Huling balita sa kanya ay candidate sya sa pagiging Magna Cum Laude, sana ay hindi naapektuhan masyado ang kanyang mga marka. 

"Good afternoon Ms. Enriquez," bati ni Devon sa kanilang Dean Roan Enriquez.

"Hi,Ms. Seron, kamusta? Congratulations, I'm so proud of you. Sa lahat ng graduating na colleges ngayon sa College of Engineering lang may Magna Cum Laude, at ikaw yun. Congratulations." bati ng dean kay Devon.

"Salamat po. " ayon lang ang nasabi nya sa dean.Niyakap sya ni Ms. Enriquez dahil alam nito ang naganap sa kanya. Mabait at palakaibigan ang kanilang dean.

"Ok, Devon, see you sa graduation. We are so proud of you. Nasisiguro namin na malayo ang mararating mo. You can go ahead" wika ni Ms. Enriquez.

Nagpaalam na si Devon sa dean at lumabas na ng opisina nito. Sinalubong sya ng kanyang mga kaibigang sina Gracey, Aizelle at Badgie at agad syang niyakap ng mga ito.

 "Ayos ka lang ba?" tanong ni Gracey kay Devon.. 

“Sis, bakit ka ipinatawag ni Dean?” bakas sa mukha ni Aizelle ang pag-aalala.

“Oo nga sis, anong kaganapan? Close na ba kayo ni Ms. Dean?” wika naman ni Badgie. 

"Ayos na ayos, mga sisters, Magna Cum Laude daw ako. " wika nya sa mga kaibigan ngunit hindi nakaligtas dito ang namumuong luha sa kanyang mga mata. 

Muli syang niyakap ng mga kaibigan nya, mga kaibigang dumamay sa kanya, nagtanggol sa mga nanira sa kanya sa campus. Sila ang kanyang naging mga spokesperson sa panahon na kailangan nyang sumagot sa mga tanong ng iba. At higit sa lahat, sila ang kanyang mga tunay na kaibigan na hindi sya hinusgahan.

"Congratulations friend. Naks, pa burger ka naman. " biro ni Gracey kay Devon.

“Tama, burger.. burger. burger.” sabay na wika nila Aizelle at Badgie. 


ARAW NG PAGTATAPOS ni Devon.


Masaya si Devon, kumpleto ang pamilya nya, ang kanyang mga kaibigan kasama si Ivan at kaklase. Nasaksihan ng lahat ang kanyang tagumpay, ang kanyang pagtatapos.Nang tawagin na ang Magna Cum Laude ng College of Engineering.  Naging emosyonal ang kanyang speech hindi dahil sa kanyang pinagdaanan kundi dahil na rin sa kanyang pamilya. 

"Alay ko sa inyo ang tagumpay kong ito. Kung wala kayo, wala ako dito. In my 22 years of existence in this world, i can say that I don't have any major major mistake.  I am confident that my family raised me well.

Kahit ang nangyari sa nakaraan ay hindi isang pagkakamali dahil isa iyong magandang alaala na may pangit na katapusan.Naging dahilan iyon upang ako ay matuto. Kayo ang inspirasyon ko, at salamat sa inyo, sa aking pamilya at mga kaibigan, sa punto ng buhay ko na pinakamalungkot, hindi nyo ko iniwan. Tinulungan nyo akong bumangon mula sa aking pagkakabagsak at sinamahan akong buuin ang mga nawasak kong pangarap. Maraming salamat. " pagtatapos ni Devon na hindi napigilan ang luha. Pagbaba niya ay agad syang nilapitan ng kanyang ina at niyakap.

Naging maayos ang kabuuan ng kanilang pagtatapos. Naging masaya si Devon dahil napatunayan nya sa lahat na kaya nyang bumangon. Na kaya nyang maging masaya. Kahit sa puso nya ay may inaasam sya. 

Samantalang sa madilim na bahagi ng Auditorium na yon, ay isang tao na hindi napigilan ang sarili na pumunta sa pagtatapos ng babaeng pilit na kinakalimutan. 

"I'm proud of you By, I should hate you, I should forget you. But I'm still loving you. "wika ni James habang nakatingin kay Devon. He loved her honestly, pilit nyang inilagay sa kanyang mundo. Masaya sila dati, bakit biglang nagkaganon. Napalitan ng poot ang kanyang saya ng matanawan ang lalaking sanhi ng kanyang pagdurusa. Si Ivan, ang lalaking totoong mahal ni Devon. Mabuti nalamang at nadiskubre nya agad mula sa anonymous sender na yon. Kung hindi dahil sa mga message na yun, patuloy syang lolokohin ni Devon. Nakita mismo ng dalawang mata nya ang ebidensya.  Magkayap ang dalawa, ano pa ang iisipin nya. Napagpasyahan nyang tumayo na at lisanin ang lugar na yon.

Binabagtas na nya ang pasilyo ng makasalubong nya si Ivan, hindi nya napansin na lumabas pala ito.  Nagulat itong makita sya pero agad na ngumiti. Nabwisit sya at parang gusto nya itong sapakin.

"James, pare, I'm glad you're here. I should be angry with you for what you've done to Devon but I guess, it's just a misunderstanding. Why did you left her all of a sudden? tanong ni Ivan na hinaluan ng konting inis ang tinig.

"I don't have time to talk to a bastard like you." sagot ni James at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Wait a second, what's your problem man? I'm taking this thing in a nice way, you've hurt my friend, I should punch you for that." galit na din na wika ni Ivan. 

"Huh, your friend? Is she really just your friend? Do friends hug tightly like that? You're the reason why this shit happened to us. You!" dinuro pa ni James si Ivan. 

Habang si Ivan ay unti-unting naliliwanagan sa nangyayari. Nagselos si James sa kanya, may nakakita sa kanila ni Devon na magkayakap habang inaalo nya ito ng minsang magkatampuhan ang dalawa. May nanira kay Devon kay James, yun ang sigurado nya.

"Who told you that? Who made that absurd story?" tanong ni Ivan kay James. "Devon should be happy, she doesn't deserve someone like you. You didn't trust her from the very start."

"You've caused so much pain to her because of that wrong assumptions. We are not lovers James, Devon only want me as a friend. Though I admit, there was a time in my life that I fell in love with her. But that's another story. "

"I have an idea on what caused this to both of you. The day I hug her just to appease her because she's terribly afraid to  lose you.She saw you kissing Enna and got so jealous. You doesn’t know how much tears she cried just for you. She love you that much James, and you a total jerk, just dumped her after that incident. "

"God, I can kill someone for this."bulalas ni James.

“How do you know about our meeting place? How did you know that I hugged her?” tanong ni Ivan. 

“Someone always send me text messages about you and Devon’s whereabouts” 

“Its confirm then, someone wanted to destroy Devon and that someone won.” tumalikod na si Ivan “I should be going.”ngunit pinigilan ito ni James. 

"Dude, I don't know what to do. I still love her, I was a mess. Please help me make her mine again. I promise never to hurt her again. I promise to love her for the rest of my life. My God, I've wasted so much time for such lies. " pagsusumamo ni James kay Ivan.

"Ok, I'll help you. I want her to be happy. I don't want to see her cry anymore. I know she still love you. But please can you go first. I want this night just for me. Gonna call you up and tell me what to do. " sagot ni Ivan kay James. He knew, he have to teach him a lesson just for once. 

"Thank you so much dude. I promise, you'll be my Best Man." wika ni James at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Thursday, 2 September 2010

FAIRYTALE CHAPTER 21-22



CHAPTER 21




Galing si Devon sa university at masaya sya sa balitang kanyang nalaman. Matataas ang mga marka nya at kung magpapatuloy daw iyon sa huling semestre ay maari syang maging Magna Cum Laude. Consistent kasi ang mga marka nya simula pa lang ng sya ay magkolehiyo. Kaya naman gusto nyang ibahagi kay James ang kanyang kaligayahan. 


Papunta sya sa Makati, sa opisina ng REID FASHION COMPANY, ang kompanya nila James at bitbit ang 2 malaking kahon ng YELLOWCAB PIZZA na binili nya mula sa kanyang ipon. Gusto nyang i-share kay James at sa family nito ang kasiyahang nadarama nya. Nakapagpaalam na sya sa kanyang ina na magtutungo sya sa Makati. 


“Hello po manong guard, “ bati ni Devon papasok nga sa building. 


“Good afternoon Mam Devon.” 


“Manong, hindi nyo ko amo noh, kaya Devon nalang. Saka pang majonda ang Mam. Sige po.” paalam ni Devon sa gwardiya.


Tinungo na nya ang elevator na maghahatid sa kanya sa 46th Floor. Pagkalabas nya mula doon ay dumiretso sya kay Mylene ang mabait na receptionist na nakilala nya na dati ng magtrabo syang PA kay Enna. Ng maalala ang pinsan ay bigla syang  napaisip kung nandun ba ito. 


“Devs, tuloy ka nalang sa photoshoot room andun sila. Tsaka si alam mo na. “ sabi ni Mylene. 


“Ok, salamat My, pagtatabi kita nito later. “ sabi nya at itinaas pa ng bahagya ang box ng pizza. 


Dumiretso sya sa pamilyar na silid na yon at mahinang binuksan ang pinto. At ang una nyang nakita ay ang intimate pose ni James at Enna na kinukunan ng isang photographer. Nagngingitngit ang kalooban nya dahil masyadong malapit ang babae at kapit na kapit sa kanyang nobyo, at ang lalaking yun naman ay tipong gustong gusto. Ngunit mabilis na sinaway ni Devon ang sarili at sinabing trabaho iyon ni James. Napansin sya ng isang babae at kinalabit ang baklang coordinator sa photoshoot. Nginitian lamang nya ito. 


“Ok, we’ll take a break. Jamie dear your fiancee is here.” 


Dumako ang mga mata ni James kay Devon at ngumiti ito ng ubod ng tamis na halos ikalundag ng kanyang puso. Tingin nya ay biglang nagliwanag ang mukha nito. 


“Hey, baby what are you doing here? Miss me already?” tanong ni James 


“Nagdala ako ng snacks para sa lahat. Here, treat ko yan, kasi matataas ang grades ko dahil the best ang inspiration ko.” wika ni Devon at inalok ang mga ibang nandoon. Agad namang nagsilapitan ang iba pati ang mga models na naroon. Habang ang dalawang babae sa gilid ay nakabusangot na naman ang mukha. Si Enna at si Trixie ngunit maya-maya ay tumayo na din at kumuha ng SLICE NG YELLOW CAB PIZZA. 


“Wow, baby, your’e so sweet. And I’m so proud of you. “ hinalikan sya ni James sa sentido habang patuloy na nagmemeryenda ang iba sa paligid. 




****


Tapos na silang magmeryenda at balik photoshoot na ulit ang mga modelo, aantayin nya na si James at sabay silang maghahapunan. Nagulat sya ng sumigaw ang baklang coordinator ng 


“I told you to wear  long dress for the next shoot! Is that long enough for you?”galit na wika nito kila Enna at Trixie at biglang bumaling kay Devon.


“Ms. Devon can you stand up please? There, this is what you call long dress!” dagdag pa nito.


Nakita nya ang inis na nakabalatay sa mukha ng dalawa at si Enna ay hindi nakapagpigil at nagwikang :How dare you compare us to her?”


“Enna, just shut up.”  James ordered her.


Pinagmasdan ni Devon ang kanyang sarili at wala naman syang nakitang kakaiba. Tanging summer long dress lamang ang suot nya  at tama ang baklita, mahaba iyon 


Pumasok ang isang bagong photographer, babae naman ngayon. Inayos nito ang mga modelo at pinagtabi sina James and Enna. Mahirap pala talagang makita na nakadikit si Enna sa kanya. 


Lumipas ang mga oras at napansin nyang talagang laging sina Enna at James ang magkadikit. Meron pang pagkakataon na nakakapit si James sa bewang ni Enna na ilang beses kinunan dahil ayaw sundin ni James at tumingin pa sa kanya. Nag thumbs-up sign sya at dun pa lang inayos ni James ang pag pose. 


Lumabas sya sandali upang mag cr at para makontrol na din ang kanyang emosyon. Bakit parang sinasadya ng photographer na ganon ang gawin kahit alam nito na nandoon din sya sa lugar na yon. Kababalik nya lang sa silid ng bumungad sa kanya ang isang tagpo. 


“Enna, put your hands in James’ face look into his eyes,” wika ng babaeng photographer.


“James wrap your arms around Enna’s waist and look at her lips as if you want to kiss her. “


“Your crazy! I won’t do that. What’s this all about?” inis na wika ni James


“We have to do this James, the product you’re endorsing is a Perfume so we have to make this beautiful. Just follow what I said or I’ll leave you now and you find another photographer. “ banta ng babae.


“Why can’t you just do it James? I’m sure its ok with Devon.” wika ni Enna at tumingin pa kay James. 


“Make it quick” wika ni James.


“Ok, that’s it, hold her tightly, yes like that. Good take, Enna, closer,yes move closer to his face. Ok, that’s it” patuloy na wika ng babaeng photographer at walang humpay na pagclick ng camera nito ang naririnig sa buong silid.




Hindi na makayanan ni Devon ang eksena, kinakain sya ng selos at nakikita nyang sinasamantala iyon ni Enna. Mabilis syang tumalikod at dali-daling lumabas sa silid na yon. Narinig nya si James na humahabol sa kanya. 


“Baby, please wait, slow down. “  wika ni James ng mahawakan nya ang braso ni Devon. “Hey what’s the matter?”


“Nothing, kelangan ko lang lumabas ng silid na yon. “


“Oh my, you’re jealous aren’t you?” nakangiting tanong ni James at inakbayan si Devon.


“Uuwi na ako. Bumalik ka na dun at mukhang gustong-gusto mong kasama si Enna.” 


“Hey, why are so pissed?  You know its work, i can’t do anything about it. Photographer’s order. “wika ni James


“Yeah I know, so bumalik ka na dun at uuwi na ko.” mabilis na tumalikod si Devon at hindi na nilingon si James. Naiinis sya sa sarili nya dahil naiinis sya kay James. Ang gulo talaga ng utak nya. At eto namang si James, hindi sya pinigilan,ngayon naghihimutok sya. 




Samantalang si Enna ay tuwang tuwa dahil nakapuntos na naman sya, binayaran nya si Kiana upang ganon ang ipagawa sa kanila ni James. Alam nyang nalulong ito sa sugal kaya sinamantala nya ang pagkakataon. At ngayon sa nakikita nya sa mukha ni James ng  bumalik ito, may nagawa na naman sya para sa sarili nya. 


“You’re really clever you know,” puri nito sa kanyang sarili. 


Nakita nyang padating na si James at agad itong nilapitan. “Where’s Devon?”


“She just left.” at mabilis itong pumasok sa opisina ng ama nito. Sumunod si Enna kay James, talagang sinasamantala lahat ng pagkakataon.


“Then what is the matter? Do you want a drink, I can get you.” hindi umimik si James at sinalinan nya ito ng brandy sa isang baso. 


“Here, care to tell me what’s bothering you?” tinabihan nito si James na mataman lamang nag-iisip. “Oh, but wait, I remember I just Devon maybe two days ago with her best friend” 


Natigilan si James, hindi naman sinabi ni Devon sa kanya na may lakad ito at si Ivan. Pero maniniwala ba sya kay Enna? Ayaw nya munang mag-isip. Masyadong magulo ang isip nya.


Nagulat sya ng bigla syang yakapin ni Enna. “You know what James I love you. I’m just waiting for you to notice me. To love me too.” 


Marahas nyang tinulak si Enna, ayaw nya ng komplikasyon at wala sa panahon ang sinasabi nito. “You know that I am engaged, and I love Devon. Just forget about me.”


“I can’t James, I tried to forget about this but, its just futile.” lumuluhang wika ni Enna. 


“I don’t know what to say Enna, honestly, I don’t expect this from you., I’m going” akmang tatayo na si James ng bigla itong yakapin ni Enna at idikit ang sariling mukha sa mukha ni James na kung titignan mo ay parang naghahalikan. Marahas namang itinulak ni James ang babae at galit na nagwika.


“Don’t you do that again. You know for a fact that I am taken, just respect that. “ wika ni James bago tuluyang lumabas ng pinto. 


Paglabas nya ay nahagip ng mata nya ang tumatakbong si Devon na kahit tawagin nya ay hindi nya na mahahabol. He felt scared that Devon saw what Enna have done a moment ago. So he decided to take the executive elevator for him to go to the lobby quickly.  Ngunit pagbaba nya, wala syang makita ni anino ni Devon. She left and by the looks of it, she is crying. James tried calling her but Devon’s not answering.


“They are now having problems as I planned. And then when they break up, I’ll be the new Reid’s girl.” wika ni Enna kay Jezziel. 


Planado nya lahat, pinasunod nya kay Devon si Jezziel kanina kaya niya nalaman na pabalik ito sa opisina ni James. At ng binuksan na nito ang pinto ang tagpong naabutan ni Devon ay ang pagyakap nya kay James. She saw the hurt in her eyes, she saw the pain, and anger and she is happy about it.  Everything’s happening according to her plan. And soon enough, she will have her goal. 




CHAPTER 22


Hindi maampat ang luha ni Devon kahit na nasa taxi na sya. Kanina pa tumatawag si James sa kanya hanggang sa patayin na nya ang kanyang cellphone. Nasaktan sya sa nakita nya at hindi nya akalaing gagawin ni James yun sa kanya. Ang akala nya ay wala ng ibang titignan na babae ang nobyo nya ngunit anong ginagawa nito at kayakap si Enna. Masyadong masakit sa kanya ang nasaksihan nya at naalala nya ang blind item at bigla nyang naisip na maaring totoo nga iyon. 


Tinawagan nya si Ivan at nagsabi ditong gusto nya itong makausap. Swerte naman at wala itong pasok sa hotel kaya naman sinabihan nya itong magtungo sa park na malapit sa high school building nila na madalas nilang pagtambayan noon. Kailangan nya ng kaibigan, ng masasabihan ng kanyang nararamdaman. Dahil ayaw man nya, apektado sya sa kanyang nakita. 


Naroon na si Ivan ng dumating sya sa lugar at agad siyang yumakap dito.Umiyak lang sya ng umiyak sa balikat nito at hindi ito nagsasalita.


“Buddy bakit ganon? Bakit kahit matagal na kami nakakaramdam pa din ako ng insecurity? Alam kong mahal nya ko pero talagang magkaiba siguro ang aming mundo”


“What happened tell me, But if it will do you good, I will just let you cry.” wika ni Ivan


“Sabihin  mo nga sa akin ang totoo, posible bang magkatuluyan ang isang pobre at isang prinsepe? O nababagay lamang ito sa isa nyang kauri?” tanong ni Devon kay Ivan.


“For me love knows no boundaries. It don’t depend on your status in the society nor your wealth. You just need to be pure love  to conquer all.”


Sinabi nya kay Ivan ang kanyang nakita, ang nangyari sa photoshoot ni James at ang dahilan kung bakit sya lumuluha.


“Buddy, maybe you need to hear his explanation. I don’t know what to think, pero kelangan mo syang kausapin.  Don’t judge him for no reason.”


“Pero nakita ko sila, at dapat umiwas sya. Alam mo bang may mga balita na akong naririnig tungkol sa kanilang dalawa.”


“Ok, let’s put it this way, what if its just Enna’s way to get James? Gaano mo ba kakilala ang pinsan mo na yun?” 


Napag-isip isip si Devon at naalala nyang may gusto nga pala si Enna kay James. Tama si Ivan, kailangan nya munang marinig ang explanation ng kanyang nobyo bago sya mag-isip ng masama laban dito. Katulad ng sinabi nya dito, kailangan sa isang relasyon ang tiwala. Kahit pa masakit sa kanya ang nakita nya at pipilitin nyang iwaksi iyon alang-alang sa pagmamahal nya kay James. 


“Salamat sa pakikinig mo, maraming salamat. You are always here for me.”


“No problem buddy, you know that you are my best friend. If only I could change all this..” wika ni Ivan na mas sinabi sa sarili nya kaysa kay Devon. Kung mababago nya lang ang lahat, hindi lumuluha si Devon ngayon. Wala syang karapatang magalit kay James dahil hindi nya alam ang tunay na pangyayari. Pero nasasaktan sya na umiiyak si Devon. 


Niyakap ni Devon si Ivan ng mahigpit bilang pasasalamat sa kabaitan nito. Mahal nya ito bilang kaibigan at kapatid at sana balang araw makatagpo na ito ng babaing magpapasaya dito. Napakaswerte ng babaeng yun dahil hindi lang mabait si Ivan, gwapo at mabuting tao. 




************************




James had been looking for Devon for a while now, sinundan nya ito sa bahay nito ngunit wala pa ito doon kaya naisipan nyang hintayin na lang ito para makapag-usap sila. He can’t let this day pass without talking to her, he has to fix this mess. Biglang tumunog ulit ang kanyang cellphone at isang text message na naman mula sa anonymous sender ang nakita nya..


“Looking for your fiancee? No need, she’s in the arms of another man. Guess who? Yes, your right.
St. Claire High School, Park.”


iyon ang nakalagay sa text message. He remember the name of the school, it was the school where Devon studied highschool and it’s just near their house. Naisipan nyang magpaalam na sa ina ni Devon at sinabi nyang hahanapin nya ito sa ibang lugar.


“Because it’s getting late na po, I need to find her. Alis na po ako.” paalam ni James kay Nanay Lyn. 


Nakasakay na sya sa kanyang Hummer ng may mareceive na naman syang text message:


“Ow,how sweet the longest hug ever and in the middle of the night. 
The princess doesn’t need you.” 


He was becoming more and more furious because of those messages and he needs to find answers. Who’s sending him those messages and how dit that someone know where Devon is.  Hindi nagtagal narating nya ang school at agad na ipinarada ang sasakyan. Nang makababa sya hinanap nya ang park sa gilid ng eskuwelahan at nandun nakita nya si Devon mahigpit na yakap si Ivan, nakasubsob ang mukha sa dibdib ng lalaki habang si Ivan naman ay ganon din kahigpit ang yakap kay Devon. 


It’s crystal clear, the sender is right about these things. Devon’s been cheating on him for the longest time. Right before his eyes, his fiancee together with another man in the middle of an abandoned night. He decided to go back to his Hummer, he can’t think of any word to describe how he feels, he is beyond furious, beyond hurt. 


Hindi sya makapaniwala na ang babaeng halos sambahin na nya ay makakagawa sa kanya ng ganon. He wanted to punch someone, no - he wanted get drunk and forget about this night. Pinaandar na nya ang kanyang sasakyan at dali-daling umuwi. Nasa isip ang pagwawakas ng kanyang pagmamahal sa babaeng nanloko sa kanya. 


He should be thankful to the one sending him the anonymous messages dahil doon napatunayan nya na si Devon ay hindi karapat-dapat mahalin. 
Magpapakalasing sya ngayong gabi at bukas kakalimutan nya ng ang babaeng yun. 




Hinatid si Devon ni Ivan sa kanilang tahanan. Nalaman nya mula sa kanyang ina na hinintay siya ni James doon at nagsabi ito na hahanapin sya kaya nagpaalam na. Natuwa si Devon dahil nag-eefort talaga ang kanyang nobyo na makausap sya. Malinaw na ang isip nya, at tapos na syang lumuha. Salamat sa pagpapaintindi ni Ivan sa kanya. Alam nyang mahal sya ni Ivan ng higit pa sa kaibigan, hindi naman sya manhin. Subalit si James lang ang nasa puso nya, wala ng makakapalit pa.


“Anak may problema ba kayo ni James? “ tanong ng ina ni Devon.


“Konting misunderstanding lang po Nay.”


“Kung ano man yun ayusin nyo yan, pag-usapan nyo. Dahil nakita ko kaninang mukhang apektadong-apektado ang nobyo mo.”


“Opo nay, sige po good night na matutulog na po ako. “ paalam ni Devon sa ina.


Habang naghahanda sa pagtulog, naisip ni Devon na sya ang pupunta kay James bukas. Magpapaganda sya para hindi na sya mainsecure sa kung sino mang makikita nya. Nakatulog na sya at nakalimutan nyang i on ulit ang kanyang cellphone. 

FAIRYTALE CHAPTER 17-20


CHAPTER 17


Lumipas ang mga araw, matiwasay ang relasyon nila James at Devon, inspirado si Devon sa pag-aaral dahil hindi na lamang ang pamilya nya ang kanyang inspirasyon, nakadagdag na si James. Matataas ang kanyang mga marka at aktibo sya sa campus. 


Naging isang malaking balita ang engagement nya kay James, kilala na sya ng buong bansa at malamang pati sa ibang bansa dahil kay James. Marami ang nagpahayag na inspirado sila sa lovestory nila James and Devon, ngunit mas marami ang nagtaas ng kilay, at nainggit kay Devon. May ilang panayam na rin syang pinaunlakan, pili lamang at kapag kasama lamang si James. 

Sa unibersidad na kanyang pinapasukan tingin nya ay mas lalong nainis ang iba sa kanya. Mayroon pa ngang nakaka mis-interpret sa kilos nya dahil kapag may nagtatanong sa kanya ng tungkol sa kanila ni James ay hindi sya palakwento. Bagay na ginagawang issue ng iba kesyo masyado na daw mataas ang ihi nya. Ngunit hindi sya naaapektuhan dahil alam naman nya ang totoo at nagpapasalamat sya sa mga kaibigan na laging nandyan para sa kanya. 

Naglalakad si Devon sa pathway ng unibersidad ng may tumawag sa kanya. Hindi siya masusundo ni James sa araw na yon dahil nasa out of town shoot ito. Gusto man sya nitong isama pero hindi pwede dahil sya ay may klase pa. 

"Hey, buddy" tawag ni Ivan sa kanya.

"O buddy, kamusta" tuwang niyakap ni Devon si Ivan dahil sa sobrang miss nya dito.

"Whoa, you miss me that much ha. Hmm, celebrity ka na ngayon buddy" wika ni Ivan kay Devon. 

"Anong ginagawa mo dito? Madaya ka, hindi ka nagpaparamdam" 

"I got busy you know naman I came from a business trip abroad, ikaw tampo ako sayo ha. 
You didn't even bother to tell me that you have a celebrity for a boyfriend and now fiance." wika ni Ivan, pero sa kaloob-loban nito ay nasasaktan. 

Dahil narito, ang babaeng minamahal nya ng napakatagal ng panahon ay pag-aari na ng iba. Kailangan nya nalang maging masaya para dito dahil kakaiba ang aura nito. Halatang masaya sa mga pangyayari sa buhay. 

"Sayang, out of town sya ngayon sana nandito sya para nameet mo din sya. " pahayag ni Devon. 

"So that means, I can have all your time today. I'm inviting you for a snack and I'll take you home, miss ko na sila ate at sila tita lyn. Ok lang ba?"tanong ni Ivan.

"Ano ka ba buddy, tara na. " umabrisyete pa si Devon kay Ivan habang patungo sila sa sasakyan nito.

Ikinuwento nya kay Ivan ang mga pangyayaring namiss nito, kung paano sila nagkakilala at naging magkasintahan ni James. Sinabi nya dito kung gaano nya kamahal si James at masaya sya sa piling nito. Habang si Ivan naman ay patuloy na nasasaktan, ngunit wala na syang magagawa. Kung maibabalik lang nya ang panahon, gumawa na sya ng paraan para masabi kay Devon na mahal nya ito.

*******

"Good, these photos are great Jezziel. Magaling ang nakuha mong tao. Maasahan kang PA." wika ni Enna sa bagong PA nito na si Jezziel. Nasa mga kamay nya ang mga kuhang larawan ng PI na kinuha nito upang subaybayan si Devon. Napangiti sya ng mapagmasdan ang mga larawan. 

"Hmmm, look what we have here, the celebrity's fiancee hugging an unknown man. " masayang wika ni Enna. Nasisiguro na nya ang tagumpay sa kanyang balak. 


Matagal na syang nag-aantay ng pagkakataon upang makakita ng butas sa pagkatao ni Devon at ngayon, dahil sa lalaking nagngangalang Ivan Dorschner, na nalaman nyang kaibigan nito, makakagawa na sya ng paraan para maagaw si James dito. Kailangan nya lang gamitin ng tama ang kanyang mga alas. 

"Jezz, send these photos anonymously to James. Kailangan nyang makita ito, pero wag kang maglalagay kung kanino galing. Let's say, just put YOUR FIANCEE'S SECRET.  Hmm, diba ang ganda?"at sinabayan pa ito ng halakhak. 

"Yes, Ms. Enna, pero wala naman silang ginagawa ni Ivan na ..." naputol ang sasabihin ni Jezziel dahil inihagis ni Enna dito ang mga larawan. At galit na nagwika.

"Kinukuha ko ba ang  opinyon mo? You need to know how to shut up. Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho!"galit na wika nito. Tumayo ito at nagsalin ng wine sa kopita nito at lumabas sa silid habang bumubulong "Malapit na James, you'll be mine. "


Naiwan ang pobreng dalaga na walang ibang magawa kundi ilagay sa sobre ang mga larawan at sundin ang gusto ng kanyang matapobreng amo kahit pang alam nya na mali iyon. 


CHAPTER 18


James came home late, kagagaling lang nya sa airport at diretso agad sya sa condominium unit nya sa Makati. Gustuhin man nyang puntahan ang kanyang nobya ay hindi na kaya ng katawan nya. He missed her so much, he can't wait for the day that she will be officially Mrs. James Reid. Kumuha na sya ng mag-aasikaso ng mga detalye ng kasal nila at gusto nya na maging maganda ito dahil espesyal na babae ang kanyang pakakasalan. 

Naisipan nya na tawagan na lamang si Devon. Kahit man lang marining nya ang boses nito ay ok na sa kanya. 

"Hello "

"Hey Baby, I'm home. I miss you. How are you?"

"James, I miss you too. Are you okay?"

"Yes, Baby I'm fine, just need to rest though."

"You better rest and sleep na, wag matigas ang ulo. Or I'll hang up."

" I'll be sleeping in a minute. Just want to hear your voice and say I love you"

"Mahal din kita. Matulog ka na ok, Bye.."

"Ok, you're the boss. I'll see you tomorrow.  Bye I love you again." paalam ni James.


He was about to take off all his clothings and get a quick shower when he noticed a brown envelope on his study table. Nilapitan nya ito at sinipat. Nagtataka kung kanino galing ang envelope na yun. Hindi nya na sana iyon papansinin kung di lamang naagaw ang pansin nya ng mga salitang nakasulat sa labas ng sobre. Agad niyang binuksan ang brown envelope at tumambad sa paningin nya ang mga larawang iyon.

"What the eff.. " salubong ang kilay na bulalas nya. 

Dahil ang mga larawan sa loob ng envelope ay mga larawan ni Devon. Si Devon na masayang kausap ang isang mukhang foreigner na lalaki. Si Devon na kayakap ang nasabing lalaki, mukhang masaya ang kanyang nobya at kilala nito ang lalaki. Dahil sumama ito sa lalaki at nagtungo sa isang restaurant. Lahat ng iyon ay malinaw na nakasaad sa mga larawan. 

Jealousy got him the moment he saw the photos. Rage, because Devon is happy with other man. Confusion because his fiancee didn't bother to tell him about this guy. 

"No, but I have to give her benefit of the doubt. I need to talk to her, she doesn't deserve this" wika ni James sa sarili. 

He decided to call Devon again. 

"Hello, James why?  Akala ko matutulog ka na?"

"Just want to hear your voice again, what keeps you busy today?" tanong ni James. 

"Today, my best buddy Ivan came to school to see me. Gusto kong makilala mo din sya. " sagot ni Devon

"Really, so your bestfriend is a man huh, ok I'm sleeping, goodbye." paalam ni James at agad na pinatayan si Devon.

Nagtataka si Devon dahil walang Baby at walang I love you si James ng muling tumawag ngunit inisip nya nalang na pagod ito sa byahe. 

Samantalang si James ay matamang nag-iisip. Sino ang nagpadala ng mga larawan sa kanya. Sino ang gustong sumira kay Devon?
He believe and trust her, he knows that she's telling the truth. He have to meet that Ivan guy, and soon.

****


Maaga pa lamang ay nakatanggap na ng tawag si Devon mula kay James, susunduin daw sya nito ngayon. Excited syang makita ang nobyo dahil ilang araw din nya itong hindi nakasama. Gustuhin man nyang tumulong sa preparasyon ng kasal nila ay ayaw nito. Bahala daw ang wedding coordinator na kinuha nito upang mag-ayos ng detalye ng kanilang kasal. Napatingin sya sa singsing na nakasuot sa kanyang kamay. Napakaganda nun at alam nyang mahal, ngunit wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal na nakuha nya mula kay James. 

Katatapos lang ng kanilang klase at nag-uusap silang magkakaibigan. Naisipan ng mga kaibigan ni Devon na samahan sya sa pag-aantay kay James bago umalis ang mga ito. Kasama sya dapat sa LOOP kung saan ang tungo ng mga ito subalit ipinaalam nyang magkikita sila ni James ngayon. 

"Sis, di ka naman halatang excited nyan noh? Namumula mula ang fez mo. " wika ni Gracey.

"Ikaw talaga bakla echosera ka, syempre makikita nya ulit ang kanyang hombre. " wika naman ni Aizelle

"Kayong dalawa ang mga echoserang froglet, anong excited? Si Devie, hindi mukhang excited noh. Kabado sya dahil makakaharap na naman ako ng kanyang fafa. If I know, napanaginipan nun ang aking alindog the first time we met. Asa pa kayo noh.!" sagot naman ni Badgie na sinamahan pa nito ng irap at taas ng kilay.

Natawa si Devon sa mga kaibigan. Maasahan talaga ang mga ito kaya naman mahal na mahal nya ang mga ito. GEMS ang tawag sa grupo nila dahil lahat sila ay PRECIOUS ang tingin sa isa't isa. Nagtatawanan pa rin sila ng makatanggap ng tawag si Devon mula kay James. 

"Baby, I'm sorry but I'll be late,still here in the middle of traffic. I miss you, love you. " wika ni James

"Ok lang, hintayin nalang kita. Inggat." sagot ni Devon at maya maya ay nagpaalam na si James.

"Paano yan girls, male-late daw si hombre, mahuhuli kayo sa lakad nyo. Iwan nyo nako at humayo na kayo at magliwaliw." pahayag ni Devon sa kanyang mga kaibigan. 

"Ay  kalurkey naman itechewa, waley ako sight sa fafable mong hombre. " paghihimutok ni Badgie. 

"Halika na nga tayo ng lumayas ng makarami ng sight seeing. "hila ni Gracey kay Badgie.

"Paano sis, alis na kami, waiting galore ka muna jan ha. Inggat kayo at musta kay boylet mo."paalam naman ni Aizelle.

Nagbeso beso sila at umalis na ang kanyang mga kaibigan. Naisipan nyang mag-antay at umupo sa isa sa mga bench na nasa parking area ng campus. Mabuti na lamang at dala syang libro upang may pag kabalahan sya. Pinadalhan nya ng text message si James na nagsasabing sa dating lugar parin nya ito hihintayin. Maraming napapadaan ang tumitingin sa kanya na nasa isip ay dadating si James, at pagkakataon nila yun upang masilayan ulit ang idolo. 




CHAPTER 19

Nagulat si Devon ng may tumabi sa kanya, masyado syang engrossed sa kanyang binabasa at hindi nya namalayan na may tao pala. Paglingon nya ay nakita  niya si Ivan na nakatunghay sa kanya. Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, ano na naman ang ginagawa nito sa campus.

"Oh buddy, nandito ka na naman, ginulat mo ko. " wika ni Devon sabay hampas ng mahina sa braso nito.

"Aray, grabe ka. It hurts, you know. " nagpapa awang sabi ni Ivan.

"Anong ginagawa mo dito? Siguro dito nag-aaral yung irog mo no. Uy... " wika ni Devon sabay kiliti sa tagiliran ni Ivan.

"Stop it kiddo, hey... " iwas ni Ivan kasabay ng pagtawa. "I was just around the vicinity so I decided to drop by and was only hoping to see you. And see, luck was on my side. Waiting for someone?" seryosong tanong ni Ivan.

"Oo, susunduin ako ni James ngayon, samahan mo ko antayin natin sya para makilala ka na nya. "

"Sure," matipid na sagot ni Ivan. 

Ilang minuto pa ang lumipas at wala silang ginawa kundi ang magtawanan. Natatawa sya sa kwento ni Ivan tungkol sa mishaps nito ng magtungo sa trip abroad. Hindi nya namamalayan ang oras at kung ilang minuto o oras ng late si James. 

"Ehem.." exagerrated na wika ni James. Hindi napansin ng kanyang nobya ang pagdating nya dahil masyado itong busy sa pakikipagtawanan sa lalaking kasama nito.

Pagparada pa lang nya kanina ay natanaw na nya ang dalawa, hindi muna sya bumaba ng kotse at sandaling pinagmasdan ang pag-uusap nila. Jealousy, ayon na naman ang naramdaman nya. Hindi sya sang ayon na may ibang tao, lalo na lalaki ang magpapasaya sa babaeng mahal nya.

He remembered the photos that was anonymously sent to him. He told himself 
"Yes, these are the actual scenes in that photo eh. Huh, so this is the Ivan guy."


He can't take it anymore, he has to get out of the car, go straight to her fiancee and take her away from that man. So he grab the flowers and the big blue pillow that he will give to Devon.    

Napalingon si Devon kay James at nginitian nya ito, kahit nakita nyang madilim ang mukha nito. Lumapit agad si James at iniabot ang bulaklak at blue pillow kay Devon at mabilis itong niyakap at ginawaran ng magaan na halik sa harapan ni Ivan. 


Nagulat si Devon sa inasal ni James dahil batid nyang may kakaiba dito. Nararamdaman nya pagkita palang nya sa gwapong mukha nito.  Habang si Ivan naman ay nakamasid lamang sa lalaking bigla na lamang dumating. Si James, ang lalaking may ari ng puso ng babaeng mahal nya. 

"Baby I miss you, did you miss me too?"nakangiti ng tanong ni James kay Devon. 

"Oo naman, ikaw talaga. Wait, I want you to meet Ivan, sya yung sinasabi ko sayo kagabi.

"James si Ivan, Ivan si James ang boy.. " hindi natapos ang sasabihin ni Devon dahil pinutol iyon ni James. 

"I'm James, her fiance. Nice meeting you but we need to go. "wika ni James kay Ivan at agad na hinawakan ang kamay ni Devon upang igiya papunta sa sasakyan nito.

"Teka lang James, hindi pa ko nakakapagpaalam kay Ivan. Bakit ganon? Parang ayaw mo sa kanya?" tanong ni Devon ng nasa sasakyan na sila at napansin nya ulit ang madilim na mukha ni James.

"God Devon, can't you see? How insensitive can you get. I'm freaking jealous with that guy." bulalas ni James.

Napahagalpak ng tawa si Devon at biglang nawala ang konting inis na naramdaman nya dito kanina. Nagseselos ito kay Ivan, "wow, Devon ibang level ka na, may pinagseselosan na sya, ganda mo teh." bulong ng isip ni Devon. 

"And see, you're just laughing at me. I'm serious Devon, I'm serious. " inis na wika ni James.

Tumigil na sa pagtawa si Devon at niyakap nalang ng mahigpit ang nobyo. At bumulong "I love you so much, ikaw lang ang nasa puso ko. Ivan is just a friend, no need to be jealous. I love you baby." 

James hug Devon tight, he admit he acted without reason infront of Ivan, pero anong magagawa nya, masyado syang nabulagan ng selos. 

"Baby, I love you too. I just can take it when you are laughing with other guy. I'm sorry I was a bit rude to your friend."

"Forgiven, hmm namiss kita alam mo ba. Kamusta ang iyong shooting? " 

"It went well, just fine. Let me tell you about it later over dinner." binuhay na ni James ang makina ng sasakyan " Just always remember that I love you so much." tinanaw ang lugar na pinagiwanan nila kay Ivan at nakitang wala ito doon.

"Mahal din kita yun ang tandaan mo." sagot ni Devon habang patuloy nilang nililisan ang unibersidad.


Naging maayos naman ang hapunan nila, bumawi talaga si James sa kanya at asikasong-asikaso sya nito. Sa isang pasta house sila nagtungo dahil gusto ni James na kumain ng Italian food. Hinatid sya ni James at sinabihan nya itong magpahinga dahil mukha pa rin itong pagod. 

"James, inuulit ko, wala kang dapat ipagselos kay Ivan. Kapatid ang turing ko sa kanya." 

"Yes, baby, I know that now. I'm really sorry bout what happened earlier. I'm going now. I love you. " paalam ni James matapos gawaran ng halik sa pisngi si Devon.

"Drive safely. " sagot ni Devon at tinanaw ang papalayong sasakyan ni James.

****

Si James naman ay naging panatag na ang isipan. May tiwala sya kay Devon, alam nyang nagsasabi ito ng totoo at ramdam nya na mahal talaga sya nito. He can feel it through his bones how she love him. He thought about their conversation earlier about his shoot in Davao. He can't help but smile because he saw that she really cares for him. Nasa kalagitnaan sya ng pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone nya at makatanggap sya ng isang mensahe. 

"Your fiancee is seeing that man again.He's with her, in their house." ayon ang laman ng text message. Bigla syang natapak sa break at binasa muli ang mensahe. 

Hindi nya talaga alam kung saan galing ang mensahe na yun, sinubukan nyang tawagan ngunit out of coverage area na ang numero. He doesn't know what to do. he doesn't know what to think until he decided to go back to Devon's place. 


May munting tinig na naguudyok sa kanya na bumalik lalo na at hindi pa malayo ang nababyhe nya. Nasa kanto palang siya ng bahay nila Devon ay natanaw na nya ang isang Honda CRV sa harap ng bahay nila Devon. The same car he saw earlier ng nasa  campus pa sila. That means the text message is true. Devon is with Ivan, and heaven only knows what are they doing at this moment. Ikinambyo nya pabalik sa palabas na daan ang kanyang sasakyan. Ayaw nya munang mag-isip.

Hindi muna sya agad umuwi, naisipan nyang  magpunta sa isang bar sa Tomas Morato, wala syang pakelam kahit pagkaguluhan sya, all he wanted is to get a quick drink at makapag-isip.He ordered double scoth when someone seat beside him.

"Hey James, what are you doing here?" tanong ni Enna kay James na nakasuot na naman ng matingkad na dilaw. 

"Just freshing up. How about you?" 

"I'm with some girl friends. Wanna join us?"

"No, I just need to be alone. " 

"Where is your fiancee? You seem distraught." 

"I said just leave me alone will you." inis na wika ni James, Nakukulitan na naman sya sa babaeng ito at sinasadya pa talagang ipakita ang cleavage nito. Mas lalo syang nabwibwisit. 

"Ok,if you say so. But if you need a friend, I'm always available. Bye James." paalam ni Enna at bumalik na sa mesang okupado nilang magkakaibigan. 

"Why is this happening? I know I should trust her, but.. " napabuntong-hinga na lamang si James. Nag-iwan na lamang sya ng pera sa counter at sya ay umalis na sa lugar na yun. Having a drink alone is a bad idea. so he decided to go home and try to sleep.


Habang si Enna naman ay nagdiriwang ang kalooban. Nakikita nyang apektado na si James sa mga paninira kay Devon at bukas lalabas sa mga pahayagan ang blind item na sinabi niyang isulat ng isang kaibigang gossip columnist. Magiging kapani-paniwala iyon dahil may mga larawan syang pinapasama. Napakatalino talaga nya, at nakikini-kinita nya, malapit na ang kanyang tagumpay. 

"Let's celebrate girls. That Reid guy will soon be mine. " at sinamahan pa nya iyon ng tawa. 



CHAPTER 20

Malapit ng matapos ang unang semestre ni Devon at maganda ang outcome ng kanyang mga grado, excited din sya sa sembreak dahil may pangako si James sa kanya na pupunta sila sa Cagayan de Oro. Sabado ngayon, tumawag si James kanina at may pupuntahan daw sila mamaya. Makakasama na naman nya ang mahal nya. 

Nag ring ang kanilang landline at ang kanyang bagong kaibigang si Crissy ang tumawag. 

"Hello Devs, good morning."bati nito

"Cris, good morning din. Ano ang sa atin?"

"Ahm,hindi ko alam kung dapat ko tong sabihin pero, nagbabasa ka ba ng newspapers particularly tabloids?" tanong nito

"Minsan, bakit?"

"Try to buy the Abante Tonight tabloid, turn to page 26 and you will know. " 

"Anong meron dun? Sabihin mo na." pilit pa ni Devon.

"Ikaw na lang ang magbasa, paano I'll hang up na. Bye Devs," paalam ni Crissy.

Nagtataka naman syang ibinaba ang awditibo at agad na lumabas upang bumili ng dyaryo sa tindahan. 

At nakita ng dalawang mata nya ang Blind Item, na hindi naman blind item dahil malinaw ang mga larawan. 

"Sino itong dalawang sikat na modelo na na-spotang magkasama sa isang bar sa Morato?
Hindi ba't ang lalaki ay nakatakdang magpakasal sa isang hindi kauri?
At ang babae ay isa sa pinakmaganda sa modelling world.
Ano ang tunay na relasyon ng dalawa?
Ang lalaki ba ay nagising na sa kanyang kahibangan?
At sa kauri nalang nito ilalaan ang oras?
Abangan natin.." - cybervuuddoooo

Iyon ang nakasaad sa blind item na isinulat ng baklang kolumnistang si cybervuuddooo na kilala sa paghahabi ng mga kwento. Pero hindi nya alam kung totoo yun o hindi dahil may mga larawan. Iyon ang suot ni James kagabi, ibig sabihin talagang nagtungo sya sa bar na yun. 

Sunod-sunod na text ang natanggap nya mula sa mga kaibigan ngunit isang tao lang ang hinihintay nyang mag text o tumawag sa kanya. At dinanig ng langit ang panalangin nya. Tumawag si James ngayon.

"Hey baby, how are you? I'm on my way to fetch you. Be ready." wika ni James. Inimbitahan nya si Devon upang makausap ito. Nakita din nya ang blind item na lumabas at hindi sya natutuwa. 

"Pwede bang wag na tayo lumabas at dito nalang sa bahay. Ipagluluto na lang kita. " wika ni Devon. Hindi nya gusto ang lumabas ngayong araw na yon mas gusto nyang makausap si James tungkol sa balita na yon.

"Ok, I'll just bring something.Bye.." paalam ni James. Nanibago si Devon dahil walang "I love you" ang paalam ni James pero ayaw nya munang mag-isip. Ayaw nyang mag-conclude kailangang makapag usap muna sila. 

*******

"Dumating si James pasado alas 11 ng umaga, masaya nya itong sinalubong kahit na may mga katanungan sa isip nya. Nararamdaman na naman nyang may iba dito. 

"Hi baby, how are you. Flowers for you and these." inabot sa kanya ni James ang bungkos ng white roses na lagi nitong ibinibigay sa kanya at ang isang malaking box ng black forest cake. "Hello po, ate, nanay" bati ni James sa Ate Dhemy at kay Nanay Lyn. 

"Kami na ang bahala maghanda anak, at asikasuhin mo na si James. " paalam ng nanay ni Devon at iniwan na silang dalawa upang makapagsarilinan. 

Napadako ang mga mata ni James sa tabloid na nasa ibabaw ng mesa. 

"So you've read it too. Just don't mind it. It's not true." mabilis na paliwanag nito.

"Ok, hindi totoo, pero anong ginagawa mo sa lugar na yan kagabi? I thought you'll head straright to your home."  may halong hinanakit ang boses ni Devon.

"How about you? What did you do last night? Having fun with someone else?" inis na ring wika ni James.  Devon was shocked upon hearing this not because James knew that Ivan was there last night but because of the anger she is seeing in his face. 

"See, you can't even tell it to my face. What's that man doing here last night? I went back to tell you something and then I saw his car parked outside! What do you think will I feel?" tanong ni James na hindi na naitago ang emosyon. 

"James ano ka ba? Sandali lang si Ivan dito dahil ipinaalam nya sa ate ko na tanggap na sya sa trabaho at may ibinigay din ibang requirements. Don't tell me nagseselos ka na naman?" 

"Sometimes I don't know what to think Devon, but I trust you with all my heart. And it hurts to know that you're lying to me. "

“Hindi ako nagsisinungaling sayo! Ako nga ang dapat magselos dahil sa balitang yan. “inihagis nya kay James ang tabloid at hindi na nakontrol ang kanyang mga luha. Bakit sinasaktan sya nito ngayon? Siya ang dapat magtanong, siya ang dapat mangamba dahil sa kanilang dalawa, siya ang wala pang naipagmamalaki kundi ang pagmamahal nya dito. 

Nakatitig lamang si James kay Devon at hindi nya gustong umiiyak ito. Hindi nya rin kaya na makitang nasasaktan si Devon. Naisip nalang nya na kung sino man ang nagpadala sa kanya ng mensahe ay gustong sirain si Devon. 

“Hush now Baby, I’m sorry.” niyakap ni James si Devon na patuloy namang umiiyak. 

“Please stop crying, I don’t wanna see you cry. I’m sorry I was not myself last night. Got jealous again I admit.”

“If you love me, you have to trust me James. Ang pagmamahal ay hindi buo kung walang tiwala. You need to trust me katulad ng tiwala ko sayo.” pahayag ni Devon kay James at nanatiling nakayakap lamang dito.   

“Baby, I promise I won’t be irrational again, I love you so much and I don’t want to lose you.” madamdaming pahayag ni James.

“Hindi ako mawawala sayo hangga’t hindi ikaw mismo ang nagsasabing ayaw mo na sa akin.” ganting pahayag ni Devon. 

“I’m starving, what did you cooked for me? Let’s see what you’ve got. “ biro ni James at inakay na patayo si Devon. 

Masaya na silang nagsalo sa tanghalian hanggang magpaalam ang binata na may kailangan pa itong gawin sa opisina ng ama.  Naayos ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil ipinaliwanag mismo ng kanyang ate ang dahilang ng pagdalaw ni Ivan sa kanila. Nagpapasalamat si Devon dahil naghiwalay sila ngayong araw na walang sama ng loob sa isa’t isa.