Friday, 3 September 2010

FAIRYTALE CHAPTER 23-24


CHAPTER 23

Tinanghali ng gising si Devon. Lunes ang araw na yun, sem break na nila. Hindi nya napuntahan si James ng nakaraang araw dahil umalis sila ng kanyang pamilya. Sinubukan nya itong tawagan ngunit nakapatay ang cellphone nito, ilang beses na din syang nagpadala ng text message dito ngunit wala pa din itong reply. Tinawagan nya na din ang landline nito ngunit voice message lamang ang sumasagot. Nag-aalala na sya. Wala itong paramdam simula ng nangyari iyon, ang masaksihan nya ito kasama si Enna sa isang uncompromising situation. 

Balak nyang ngayon magpunta sa office nito. Gagawin na lamang nyang surprise ang pagbisita nya at hihingi sya ng sorry dahil hindi nya agad tinanggap ang paliwanag nito. Aayusin nila ngayong araw ang kanilang tampuhan at babalik sa normal ang lahat. Masyado na nyang namimiss ang mga lambingan at kulitan nila. Napapangiti sya sa naisip at kinikilig pa din sya kapag naaalala ang araw na nagpropose ito ng kasal sa kanya. 

“Nay maliligo na po ako at pupunta po ako kay James. “ paalam ni Devon sa ina. 

“Anak, sigurado ka bang dapat mo pa syang puntahan?” naiilang na tanong ng ina kay Devon.

“Bakit naman po nay? Kelangan namin magkaayos na namimiss ko na ang fafa ko noh. Sige na nay, maghahanda na po ako.”

Dumiretso na sya sa banyo ngunit nagtataka kung bakit nasa mukha ng ina ang pag-aalala. Mabilis syang natapos at nagpaalam na sa ina na aalis na.

“Alis na po ako nay, “

“Siguro nga ay dapat mo syang kausapin anak, para magkalinawagan kayo kung ano ka ba sa buhay nya.”

“Anong ibig mong sabihin nay?”

“Kahit anong mangyari sa pag-uusap nyo, maging matatag ka. Tandaan mo andito kaming pamilya mo. Mag-iingat ka sa daan.”..

Kahit nagtataka ay umalis na si Devon, ano bang mali sa araw na iyon? Bakit ang weird na nanay nya?

Habang nasa daan sya ay may napapansin syang kakaiba, pinagtitinginan sya ng mga tao. Oo sanay na sya sa tingin ng mga ito dati pa dahil nga nobyo nya si James Reid, ngunit iba ang araw na yon, titignan sya at sabay bubulong, ang iba naman ay parang nanunuya ang tingin, ang iba may awa sa mga mata. Ano ba ang nangyayari? Ganon ang tanong nya habang patuloy na kino-contact si James, wala pa rin itong paramdam. 

“Di ba sya yung ex-fiancee ni James? “ 

“Oo nga, anong ginagawa nya dito? “ 

Narinig nyang usapan ng dalawang babae. Ex-fiancee? Ex? Kelan pa sya naging ex ni James? Gulong gulo na ang isip nya at sa pagbaling nya ng paningin, nasagot lahat ng katanungan nya. Dahil narito sa front page ng isang broadsheet ang larawan ni James at ni Enna, tulad ng mismong nakita nya. Ang mas lalong nakapagpawindang sa kanya ay ang mga salita kasama ng larawan. “The newest sweetest couple in the modelling world. Finally, James Reid admitted that it should be Enna Madrigal.”

Tigagal si Devon, “hindi pwede to. anong nangyari James?” hindi na nya nakayanan ang luha nya at masagana itong dumaloy. Wala na syang pakelam kahit pa pagtinginan sya ng mga tao. Agad syang pumara ng taxi at nagpahatid sa Pacific Star Building kung saan naroon ang opisina ni James. At tulad kanina, pagkababa nya palang iba’t ibang klase ng tingin na ang nakikita nya. Kahit si manong guard na lagi syang binabati ay may simpatya ang mukha. Dideretso na sya sa elevator ng tawagin sya ng receptionist

“Ms. Devon I think you shoudn’t go up.”

“Bakit naman po? Kailangan kong makausap si James.”

“Teka lang I need his confirmation bago ka papasukin dun, mahigpit iyong ibinilin..”

Pati pala ang pagpunta nya sa opisina ay bawal na. Anong nangyari? Gustuhin man nyang lumuha ulit ay pinigilan nya ang kanyang sarili. Hangga’t walang malinaw na dahilan at eksplenasyon mula kay James, kailangan nyang magpakatatag. 

“Ok, you can go. Pero Ms. Devon, I’m sorry.” tumango lang si Devon kahit hindi nya naintindihan ang ibig nitong sabihin.

Nagtungo na sya sa 46th floor, wala si Mylene na kaibigan nyang receptionist sa pwesto nito,kaya diretso na syang pumasok. 

Dumiretso sya sa opisina ng tatay ni James at kakatok pa lamang sya ng may magsalita sa likod nya. 

“What the hell are you doing here? “ malamig na tanong ni James na ikinabigla ni Devon.

“Anong nangyayari James?”

Nakita ni James na hawak ni Devon ang broadsheet. “Isn’t clear to you? Do you want to ask me if that is true? Yes, its true.” kompirma ni James.

“B-bakit James? Anong ginawa ko? Bakit ginaganito mo ko?” naiiyak na wika nya

“Oh please stop the drama Devon. “ 

“Sabihin mo James bakit?” nilapitan nya si James at akmang hahawakan ng bigla itong umatras na parang diring-diri sa kanya. 

“IT’S TIME TO WAKE UP SLEEPING BEAUTY. YOUR DREAM HAS ENDED. Thank you for your time.  But you can keep the ring if you want.” patuyang wika ni James. 

“Narinig mo sya diba Devon? Tapos na ang ilusyon mo.”wika ni Enna na biglang lumapit at halikan si James sa harapan nya. “Hi Honey. “ 

Hindi na makayanan ni Devon ang lahat, dali-dali syang tumalikod at nagulat sya sa nakita, lahat ng tao sa opisinang iyon ay nasaksihan ang pagkawasak ng pagkatao at puso nya.  Ipinahiya sya ni James hindi lamang sa mga ito kundi pati sa sarili nya. Hilam sa luha ang kanyang mga mata at nagdurugo ang puso nya kaya dali-dali na syang lumabas ng silid na yon. Hinabol sya ni Mylene at agad na niyakap.

“Sasamahan kitang kumuha ng masasakyan. Alam kong kailangan mo ngayon ng karamay.”

Inihatid siya ni Mylene hanggang sa baba at isinakay sa isang taxi. Ito na din ang nagbayad at sinabing ihatid sya hanggang sa bahay nila. Tanging tango lamang ang nagawa nyang isagot dito dahil patuloy na nagdadalamhati ang puso nya. 

Bakit ang taong mahal nya ang mananakit ng ganito sa kanya? Bakit pa siya nagmahal kung ganito din lang ang mangyayari sa kanya.  Gusto nyang mamanhid na ang katawan nya para wala na lang syang maramdaman. Dahil habang patuloy na lumalaki ang butas sa kanyang puso, patuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.

******

James got himself drunk in the middle of the day. After that confrontation with Devon, he decided to go home. Hindi nya kaya ang sakit na nararamdaman nya. Damn that girl for causing this much pain to him. Ito pa ang may ganang magtanong sa kanya kung ano ang nangyayari? He decided to pack his things and have a vacation in Australia. 

He needs to forget everything about that woman. At si Enna, ayaw man nya na makarelasyon ito ay nagpumilit pa din at sinabing tutulungan syang kalimutan si Devon. Tinanggap na nya ang gusto ng dalaga dahil kailangan nya lahat ng paraan upang mawala sa isipan ang babaeng yon.

“Dad, I’m leaving for Australia tomorrow.” wika nya sa kanyang ama na nasa Australia upang magbakasyon. 

“Is Devon coming with you? I miss my sweet.” wika nito. Natigilan si James, ibig sabihin hindi pa nakakarating dito ang balitang tapos na sila ni Devon.

“No Dad, I’ll hang up, I need to pack my things.  Bye” at pinutol na ni James ang linya.

Sunod na tinawagan nya si Dianne, ang kanyang secretary, upang ipaalam dito na aalis sya at ito ang bahala sa lahat ng kailangang gawin. After the call, he stared on his cellphone dahil ang wallpaper nito ay si Devon na nakangiti, he decided not to change it maybe for just a  few days so he can still see her smile. God, he love her still despite na pain she’ve caused him.  He know, he will never love any other girl the way he loved Devon.

***********  

Habang ang dalawang puso ay nagluluksa, ang isa naman ay nagdidiwang. Masaya si Enna, sa wakas, sa kanya na si James. Hindi man nya tuluyan pang nakukuha ang puso nito, gagawin nya ang lahat upang mahalin din sya nito. Nasa condo unit nya si Enna at umiinom ng brandy, kasama si Jezziel. 

“Here," sabay hagis sa isang makapal na sobre kay Jezziel “dahil magaling ka at maasahan, yan ang bonus mo. Siguraduhin mo lang na ititikom mo yang bibig mo kung ayaw mong samain sa akin.” banta nito sa assistant. 

“Wala ng prinsesang Devon, tapos na ang kanyang pangarap. Dahil ako ang nanalo, ako lamang ang may karapatan kay James.” wika pa nito.

Si Jezziel naman ay nakatungo lang at nakokonsensya na. Hindi nya na kaya ang kasamaan ng kanyang amo, pati ang walang kasalanan na si Devon ay sinaktan nito makuha lamang ang gusto. Napaka selfish na tao, iyon ang tawag nya dito. Kung hindi lamang gipit na gipit sya ay hindi nya ito susundin. Naisip nya, minsan itatama nya lahat ng kasalanang nagawa nya. 


CHAPTER 24

After more than six months.

Mahigit anim  na buwan na ang nakalilipas. Anim  na buwan na din syang nagdudusa. Iniwan sya ni James ng basta na lamang. Ipinamukha nito sa kanya na hindi sya ang nababagay dito. Patuloy na itong nabulag ni Enna. Hindi nya inasahang ganito ang magiging katapusan ng kanyang fairytale. Tama nga sila, hindi lahat ng lovestory ay may happy ending. MInahal nya si James ng buong puso, natuto syang magmahal sa unang pagkakataon pero nasaktan lamang sya . Natapos ang kanyang fairytale ng ganon na lamang, walang paliwanag, walang conclusion. Wala siyang kasalanan na nagawa pero pinarusan sya ni James. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa kanya ang nangyari at kung bakit winakasan nito ang kanilang pagmamahalan.


"Malungkot ka na naman, kalimutan mo na siya. Nahihirapan na kaming nakikita kang ganyan."sabi ng Ate Dhemy nya. "Wag  mong pabayaan ang pag-aaral mo, malapit na ang graduation mo Devon yun muna ang isipin mo. Malapit mo ng matupad ang pangarap mo. " wika ng ate nya.

Hindi nya namalayan na lumuluha na naman sya, hindi nya yun maiiwasan kapag naaala nya si James. Ang magandang pagtitinginan nila ay nauwi lamang sa wala. Mas sya ang nasaktan dahil wala syang kasalanan dito. Ang huling balita nya tungkol kila Enna at James ay magpapakasal na daw ang mga ito. At si Enna ay laging may interview at laging ipinagmamalaki sa mundo na masaya silang dalawa ni James. 

Ang mga tao naman na hindi nakakaalam ng tunay na istorya ay tinutuya sya at sinasabihan syang  “Ilusyonada ka kasi”, ang iba naman ay “Bagay na bagay sila James and Enna noh, parehong mayaman, may class at hindi alangan ang itsura sa isa’t isa”. Pero nasanay na syang deadmahin ang mga iyon. Masasaktan lang sya kapag binigyan nya ng pansin ang mga taong iyon. 

“Tahan na, narito lang kami para sayo. Mahabang panahon na din naman ang lumipas. Tama na ang pagdurusa mo.” dagdag pa ng Ate Dhemy nya. 

“Ate akala ko habang buhay na akong magiging prinsesa,subalit iniwan ako ng aking prinsipe.
Magmamahal pa ba akong muli kahit na ang nais ko ay sa panaginip nalang mabuhay?
Dahil sa isang FAIRYTALE kasama ko ang aking PRINSIPE.” lumuluhang sabi ni Devon at niyakap na lamang sya ng kanyang ate. 

“Makakaya natin to, nakaya mo ng mahigit anim na buwan, makakaya mo yan hanggang sa kailanman Devon.” yakap lang ang tanging maibibigay nya sa kapatid. Walang salita ang makakapawi sa sakit na naidulot ng lalaking iyon. 

******
Nasa campus si Devon, ipinatawag sya ng kanilang Dean sa opisina nito. Nabawi nya ang kanyang mga grado bago pa magsimula ang finals. Huling balita sa kanya ay candidate sya sa pagiging Magna Cum Laude, sana ay hindi naapektuhan masyado ang kanyang mga marka. 

"Good afternoon Ms. Enriquez," bati ni Devon sa kanilang Dean Roan Enriquez.

"Hi,Ms. Seron, kamusta? Congratulations, I'm so proud of you. Sa lahat ng graduating na colleges ngayon sa College of Engineering lang may Magna Cum Laude, at ikaw yun. Congratulations." bati ng dean kay Devon.

"Salamat po. " ayon lang ang nasabi nya sa dean.Niyakap sya ni Ms. Enriquez dahil alam nito ang naganap sa kanya. Mabait at palakaibigan ang kanilang dean.

"Ok, Devon, see you sa graduation. We are so proud of you. Nasisiguro namin na malayo ang mararating mo. You can go ahead" wika ni Ms. Enriquez.

Nagpaalam na si Devon sa dean at lumabas na ng opisina nito. Sinalubong sya ng kanyang mga kaibigang sina Gracey, Aizelle at Badgie at agad syang niyakap ng mga ito.

 "Ayos ka lang ba?" tanong ni Gracey kay Devon.. 

“Sis, bakit ka ipinatawag ni Dean?” bakas sa mukha ni Aizelle ang pag-aalala.

“Oo nga sis, anong kaganapan? Close na ba kayo ni Ms. Dean?” wika naman ni Badgie. 

"Ayos na ayos, mga sisters, Magna Cum Laude daw ako. " wika nya sa mga kaibigan ngunit hindi nakaligtas dito ang namumuong luha sa kanyang mga mata. 

Muli syang niyakap ng mga kaibigan nya, mga kaibigang dumamay sa kanya, nagtanggol sa mga nanira sa kanya sa campus. Sila ang kanyang naging mga spokesperson sa panahon na kailangan nyang sumagot sa mga tanong ng iba. At higit sa lahat, sila ang kanyang mga tunay na kaibigan na hindi sya hinusgahan.

"Congratulations friend. Naks, pa burger ka naman. " biro ni Gracey kay Devon.

“Tama, burger.. burger. burger.” sabay na wika nila Aizelle at Badgie. 


ARAW NG PAGTATAPOS ni Devon.


Masaya si Devon, kumpleto ang pamilya nya, ang kanyang mga kaibigan kasama si Ivan at kaklase. Nasaksihan ng lahat ang kanyang tagumpay, ang kanyang pagtatapos.Nang tawagin na ang Magna Cum Laude ng College of Engineering.  Naging emosyonal ang kanyang speech hindi dahil sa kanyang pinagdaanan kundi dahil na rin sa kanyang pamilya. 

"Alay ko sa inyo ang tagumpay kong ito. Kung wala kayo, wala ako dito. In my 22 years of existence in this world, i can say that I don't have any major major mistake.  I am confident that my family raised me well.

Kahit ang nangyari sa nakaraan ay hindi isang pagkakamali dahil isa iyong magandang alaala na may pangit na katapusan.Naging dahilan iyon upang ako ay matuto. Kayo ang inspirasyon ko, at salamat sa inyo, sa aking pamilya at mga kaibigan, sa punto ng buhay ko na pinakamalungkot, hindi nyo ko iniwan. Tinulungan nyo akong bumangon mula sa aking pagkakabagsak at sinamahan akong buuin ang mga nawasak kong pangarap. Maraming salamat. " pagtatapos ni Devon na hindi napigilan ang luha. Pagbaba niya ay agad syang nilapitan ng kanyang ina at niyakap.

Naging maayos ang kabuuan ng kanilang pagtatapos. Naging masaya si Devon dahil napatunayan nya sa lahat na kaya nyang bumangon. Na kaya nyang maging masaya. Kahit sa puso nya ay may inaasam sya. 

Samantalang sa madilim na bahagi ng Auditorium na yon, ay isang tao na hindi napigilan ang sarili na pumunta sa pagtatapos ng babaeng pilit na kinakalimutan. 

"I'm proud of you By, I should hate you, I should forget you. But I'm still loving you. "wika ni James habang nakatingin kay Devon. He loved her honestly, pilit nyang inilagay sa kanyang mundo. Masaya sila dati, bakit biglang nagkaganon. Napalitan ng poot ang kanyang saya ng matanawan ang lalaking sanhi ng kanyang pagdurusa. Si Ivan, ang lalaking totoong mahal ni Devon. Mabuti nalamang at nadiskubre nya agad mula sa anonymous sender na yon. Kung hindi dahil sa mga message na yun, patuloy syang lolokohin ni Devon. Nakita mismo ng dalawang mata nya ang ebidensya.  Magkayap ang dalawa, ano pa ang iisipin nya. Napagpasyahan nyang tumayo na at lisanin ang lugar na yon.

Binabagtas na nya ang pasilyo ng makasalubong nya si Ivan, hindi nya napansin na lumabas pala ito.  Nagulat itong makita sya pero agad na ngumiti. Nabwisit sya at parang gusto nya itong sapakin.

"James, pare, I'm glad you're here. I should be angry with you for what you've done to Devon but I guess, it's just a misunderstanding. Why did you left her all of a sudden? tanong ni Ivan na hinaluan ng konting inis ang tinig.

"I don't have time to talk to a bastard like you." sagot ni James at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Wait a second, what's your problem man? I'm taking this thing in a nice way, you've hurt my friend, I should punch you for that." galit na din na wika ni Ivan. 

"Huh, your friend? Is she really just your friend? Do friends hug tightly like that? You're the reason why this shit happened to us. You!" dinuro pa ni James si Ivan. 

Habang si Ivan ay unti-unting naliliwanagan sa nangyayari. Nagselos si James sa kanya, may nakakita sa kanila ni Devon na magkayakap habang inaalo nya ito ng minsang magkatampuhan ang dalawa. May nanira kay Devon kay James, yun ang sigurado nya.

"Who told you that? Who made that absurd story?" tanong ni Ivan kay James. "Devon should be happy, she doesn't deserve someone like you. You didn't trust her from the very start."

"You've caused so much pain to her because of that wrong assumptions. We are not lovers James, Devon only want me as a friend. Though I admit, there was a time in my life that I fell in love with her. But that's another story. "

"I have an idea on what caused this to both of you. The day I hug her just to appease her because she's terribly afraid to  lose you.She saw you kissing Enna and got so jealous. You doesn’t know how much tears she cried just for you. She love you that much James, and you a total jerk, just dumped her after that incident. "

"God, I can kill someone for this."bulalas ni James.

“How do you know about our meeting place? How did you know that I hugged her?” tanong ni Ivan. 

“Someone always send me text messages about you and Devon’s whereabouts” 

“Its confirm then, someone wanted to destroy Devon and that someone won.” tumalikod na si Ivan “I should be going.”ngunit pinigilan ito ni James. 

"Dude, I don't know what to do. I still love her, I was a mess. Please help me make her mine again. I promise never to hurt her again. I promise to love her for the rest of my life. My God, I've wasted so much time for such lies. " pagsusumamo ni James kay Ivan.

"Ok, I'll help you. I want her to be happy. I don't want to see her cry anymore. I know she still love you. But please can you go first. I want this night just for me. Gonna call you up and tell me what to do. " sagot ni Ivan kay James. He knew, he have to teach him a lesson just for once. 

"Thank you so much dude. I promise, you'll be my Best Man." wika ni James at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

1 comment:

  1. ahwwwwwwwwwww..
    ang bait ni ivan..
    tanga k kc james!!
    haha. enxah nadala lng sa chapter na toh..
    hahaii..

    ReplyDelete