Friday, 3 September 2010

FAIRYTALE CHAPTER 25

CHAPTER 25 


James have to finish some business first. He can't believe that he'd been fooled by someone. He, Robert James Reid, have some laws too. He can't let this pass.

 He needs to know who’s the anonymous sender. Nakarating sya sa opisina nya at may isang brown envelope na naman syang nakita. May nakalagay dito na “Sir I’m so sorry. You need to know the TRUTH”

Mukhang binibigyan sya ng langit sagot sa kanyang mga tanong. Agad nyang binuksan iyon at nakita ang mga larawan ni Devon at Ivan, lahat halos ng galaw ni Devon bago ang kanilang paghihiwalay. At may isang memory card doon na may lamang voice record.  

Nauna na nyang binasa ang sulat at galit na galit sya sa kanyang nalaman. Sunod nyang pinakinggan ang recording at mas lalong nagumapaw ang galit nya sa isang tao. Nalaman nya na plinano nito ang lahat ng mga pangyayari pati ang mga blind items na lumabas noon.  

Ang taong dahilan ng lahat ng pagdurusa nya at mas lalong dahilan ng pagkasira ng babaeng mahal nya. He must do something at iyon nga ang gagawin nya upang pagbayarin ang may kagagawan ng lahat. 


"Ms. Drea please be in my Dad's office at exactly 10 minutes bring Ms. Madrigal with you. " wika ni James sa intercom habang kausap si Ms. Drea Vuz. 

Nakita ni Jezziel na palabas na si James sa opisina nito at naghanda na rin syang umalis. Habang wala si James ay inilagay ni Jezziel ang envelope sa silid ni James. Hindi na kaya ng konsensya na at aalis na sya talaga kay Enna. 

Nag resign na sya bilang PA nito dahil hindi na nya makayanin ang ugali nito.Kailangan nya munang ayusin ang gulo na kinasangkutan nya at sana mapatawad sya ni Devon. 

Nagtungo na si James sa opisina ng kanyang ama at agad itong kinausap. Ipinagtapat nya dito ang lahat ng sinabi ni Ivan. Ipinakita dito ang mga ebidensya at sinabi dito kung ano ang gusto nyang gawin. At napapayag nya ito sa kanyang nais.

"Sir what can I do for you? What's wrong?" tanong ni Drea sa mag-ama.

"Hi, honey, how's your day? Miss me?" akmang hahalikan nito si James ngunit iniiwas nito ang kanyang mukha at marahas na tinabig si Enna.

"I want you out of this company from this moment. Out! You hear me. You almost ruin my life Enna, your lies, your plans. You ruin us you b**ch!  Now I know the truth so you better go back to the place where you came from or I will file a lawsuit against you!" galit na wika ni James.

"Ms. Madrigal, we are removing you from our company. All the contracts you've signed will be forfeited. All, meaning from other company who you made business with. "inporma ni Mr. Malcolm kay Enna na labis na natulala.

"Why? You can't do this to me. James we're gonna get married." histerikal na sabi ni Enna.

"I'm not going to marry someone like you.You're such a liar. You know that I don't love you. Its still Devon, and forever will be." pahayag ni James sa umiiyak ng si Enna.

"Sir please don't do this to me. Please, I need my job. I won't bother James anymore. Please.." pagsusumamo ni Enna sa ama ni James.

"I''m sorry Ms. Madrigal, James is now the owner of this company so it's his call not mine. Goodbye Ms. Madrigal. Ms. Vuz, please assist her outside this office" wika ni Mr. Malcolm kay Ms. Drea Vuz na nakatulala lamang sa mga kaganapan.
Naging hysterical si Enna at pilit na nilalapitan si James ng may dalawang guard na humawak dito. 

"Please take her out." wika ni James 

"Are you ok son? I've never seen you so furious before." tanong nya sa anak.

"I'm fine Dad.Now I need to think of a way how to get my Baby back. If I marry her, there's no problem with you right?"

"James, I won't interfere in your happiness you know that. Aside from the fact that I love Devon as my daughter, I know its only her that can make you happy. "

"Thanks Dad."

*******
Pauwi na sila Devon galing sa kanyang graduation. Masaya silang nag-uusap usap kahit na may lungkot pa din syang nadarama. 

"Buddy, congratulations.! Engineer Seron coming up." biro ni Ivan kay Devon.

"Salamat buddy. San mo kami ililibre?" tanong ni Devon kay Ivan. 

"Ano ka ba, may salo-salo tayo sa bahay. Nagpahanda si Mother noh. " wika ng Ate Darling ni Devon.

"Tara na at naghihintay na ang mga bisita."yaya ng Nanay Lyn ni Devon at umabrisyete sa anak.

Mas magiging maligaya sana sya kung kapiling nya ang kanyang prinsipe , ngunit iyon ay tanging sa panaginip na lamang. Wala na syang prinsipe dahil hindi naman sya totoong prinsesa.

Ayaw na nyang maging malungkot, simula sa oras na yun,pinangako nya sa sarili na ibabalik nya ang dating Devon. Ang masayahing si Devon.

"Hey, don't be sad. Tomorrow I'll treat you out ok. Come with me." pag yaya ni Ivan kay Devon 

"Sure buddy, san mo naman ako itre-treat?"

"It's a secret. But I’m sure you'll like it, no you'll love it. "

"Salamat ng marami, isa kang tunay na kaibigan, Salamat Ivan. " niyakap ni Devon si Ivan bilang pasasalamat dahil naging isang mabuti itong kaibigan sa kanya. 

***************
Sinundo si Devon ni Ivan bandang alas 3 ng hapon. Wala ang pamilya nya may pupuntahan daw ang mga ito. At dahil may usapan sila ni Ivan, hindi na sya isinama ng mga ito.

"Are you ready? Come on let's go." wika ni Ivan kay Devon

“Oo, salamat ulit.” 

Tahimik lamang sila habang nasa daan. Iniisip ni Devon ang panaginip nya ng nagdaang gabi, umiiyak daw sya, nagsusumamo kay James na wag syang iwanan. Pero dumating si Enna at inakay paalis si James. 

Iyak sya ng iyak ng magising sya at nagulat sya ng mamalayang umiiyak na pala talaga sya. Inabutan sya ni Ivan ng tissue 

“Buddy, don’t cry please. I want you to be happy. Later there’s a gift waiting for you. So be excited about it.” nagbibiro na wika ni Ivan.

“Nginitian lamang ito ni Devon at tahimik na ipinagpatuloy nila ang byahe.

Napansin nya ang daan na kanilang tinatahak, papunta sa Makati.At napansin din nya ang pamilyar na driveway ng Mandarin Oriental Hotel. Doon ba sila pupunta? Ayaw man nyang malungkot ngunit bumabalik sa kanya ang lahat. Iyon ang lugar kung saan naganap ang isang magandang panaginip.

“Ivan,bakit dito?”

“Bakit hindi dito? I want you to be happy, so tara na. Be happy and remember that I love you my friend” wika ni Ivan at inalalayan na si Devon pababa ng sasakyan. Simpleng bestida lamang ang kanyang suot, wala syang makeup dahil hindi naman nya alam na sa hotel siya ite-treat ni Ivan. 

Pumasok sila sa isang madilim na bulwagan. Hindi nya masyadong makita kung may ibang tao ba sa paligid. At pagkaupo nya niyakap sya ni Ivan at bumulong sa kanya ng “Be happy buddy.” at bigla itong nawala. 

Nakarinig sya ng mga tumutugtog na parang orchestra (violin. cielo at piano) at ang kanilang piyesa - TWO IS BETTER THAN ONE. Anong ginagawa ni Ivan sa kanya at siya ay pinagtritripan nito. 

Patuloy na tumutogtog ang orchestra habang lumilipad ang mga alitaptap sa paligid. De ja vu ba ang nangyayari sa kanya? Bawat segundo nya sa lugar na yon naalala nya si James. Nagulat sya ng may marining na nagsalita

“More than six months ago, I confessed my undying love for that special woman. More than six months ago, in this same place, two hearts has become one. 

I honestly and seriously loved that girl until someone wanted to tear us apart. I still love that woman and every second, minute, hour of my life, I remember her.

 I’ve caused so much pain and sufferings to the woman I love because I'm a total jerk.  I admit, I lack trust and was blinded but jealousy that's why  I dropped her like a hot potato.” 

Huminto ito at ginulat si Devon dahil bigla itong nag tagalog.” Now, I’m kneeling before that woman and her family, to please forgive me. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Dahil bawat sandali na wala ka  sa piling ko, wala akong buhay.

 I still love you and I never stop loving you Baby. Please forgive me. Be my princess again.”

Pagtatapos ni James na hindi pa din nakikita ni Devon, hilam na hilam sa luha ang kanyang mga mata. Narito si James malapit sa kanya, unti unting napapawi ang sakit na dinulot nito sa kanyang pagkatao.

 Narinig nya ang mga sinabi nito at gusto na nya itong makita.Nagliwanag ang buong paligid at nagulat sya sa tinig na narinig. 

“Will you ever forgive me princess? Will you start a new lifetime again with me? Will you be mine again?” wika ng isang tinig sa likuran ni Devon.

 Nilingon ito ni Devon at tumambad sa kanya ang mukha ng lalaking matagal na nyang inaasam na muling masilayan. Nakatitig lamang siya dito habang patuloy na lumuluha at nababakas nya ang emosyon sa mukha nito. Nakita nya ang pamumula ng mga mata nito patunay na umiiyak din si James. 

“Mahal kita hindi nagbago yun Baby, Forgive me I was a jerk and a complete fool for letting this happen to us. Enna will pay for this.” pahayag ni James habang nakatingin pa din kay Devon. 

Habang si Devon naman,wala ng pakelam sa sinasabi ni James. Ang tanging mahalaga sa kanya ay muling nagbalik ang kanyang prinsipe. Hindi na nya pinigilan ang kanyang sarili, niyakap nya ito at patuloy na umiyak dahil mula syang nangangarap kasama nito.

Hindi ito kailanman napalitan sa puso nya.  Naramdaman nya ang pamilyar na init ng katawan nito, ang pamilyar na amoy nito at napatunayan nya na hindi ito isang panaginip. Kayakap nya ang kanyang prinsipe, muli itong nagbabalik sa kanya. Sapat na ang kanyang yakap at ang pagtugon sa halik nito upang iparating kay James na handa syang dugtungan ang kanilang Fairytale at sana sa pagkakataong iyon magkaroon na sila ng happily ever after. 


Masigabong palakpakan ang biglang narining sa bulwagan. Katulad ng unang beses itong nag propose ng kasal sa kanya, naroon din ang kanyang pamilya at mga kaibigan. At higit sa lahat, sa dami ng tao ang naroon. Ang lahat ay masayang nakatingin sa kanilang dalawa habang may luha sa mga mata. Nasaksihan ng mga ito ang muling pagtatagpo ng dalawang pusong pinaghiwalay ng isang makasariling nilalang. 

“Ladies and gentlemen, Nanay Lyn Tatay Sonny, mga ate, and Ivan, in your presence I would like to ask this lovely princess again.” at bumaling si James sa kanya.

“Baby, I want to repeat the words I uttered before”

"I, Robert James Reid, is humbling down before you, Beloved Princess, asking you to marry me and make me the happiest prince in the whole world.

 I promise to never hurt you again, never make you cry and trust you with all my heart and soul. Please be my wife, I’m begging you. " madamdaming wika ni James at isinuot sa daliri ni Devon ang isang magandang singsing.

“Yes, James, Yes!” sagot ni Devon at isang mahigpit na yakap ang ibinigay kay James. 

Masigabo ang palakpakan ng mga tao, bakas ang tuwa sa bawat isa. Nasa isip na masarap magmahal, okey lang din ang masaktan, pero ang tunay na pag-iibigan ay walang makakahadlang. Bagyuhin man o unos man ang dumating, pag-ibig pa din ang maghahari. 

No comments:

Post a Comment