Wednesday, 5 January 2011

CRAWL BACK TO LOVE CH. 28

CHAPTER 28
Nasugbu, Batangas
“This is life!” nakangiting wika ni James habang nakaupo sa duyan sa harap ng private cottage nya. Mabuti na lang at maaasahan ang P.A at secretary nya. Naayos agad ng mga ito ang hinihingi nyang bakasyon. Now he’s officially on leave, alone in this place.

 Hindi nya alam kung ano ang itatawag nya sa sarili, dahil sa lugar mismo na yun nya piniling magpahinga. Masokista na yata sya, dahil natatandaan nya ang unang beses na tumapak syang muli sa lugar na iyon. Memories came rushing as he opened the door of that small place. A very special place where that wonderful thing happened.

 Ilang taon na din ang nakakalipas ng bilihin nya ang two-room cottage na yun. Ipina-renovate nya ang cottage upang maging isang malaking pahingahan. He sighed, bakit hanggang ngayon paulit-ulit pa ring bumabalik ang mga alaala ng gabing iyon? Bakit kahit anong siksik at pilit nya sa sarili na kalimutan na ng tuluyan ang lahat ng tungkol sa babaeng yun ay hindi nya magawa. For the past eight years, he kept on denying that he still love her. Kung hindi lang sana ito naging makasarili.

Naputol ang pagmumuni-muni nya ng may mapadaan na isang dayuhang pamilya. He watched them pass by. A picture of a happy family, he thought. Sa tingin nya ay nasa mid-30’s pa lang ang mag-asawa at ang batang lalaking anak ng mga ito ay nasa 6 hanggang 8 taon. The kid caught him staring and he was caught off-guard by the child’s smile. He smiled back as the kid waved his hand as if saying goodbye.
Napabuntunghininga sya habang hinahatid ng tanaw ang pamilya.  Mayroon na sana syang pamilya at anak ngayon kung hindi lang nagbiro ang tadhana. Muling bumangon ang galit sa kanyang dibdib para sa babae. Mapapatawad nya ang ginawang pag-iwan nito sa kanya, ngunit ang kitlin ang buhay ng dapat ay anak nila yun ang hinding-hindi nya mapapatawad.

He have everything now, mula sa simpleng buhay noon masasabi nyang malayo na din ang narating nya. He didn’t want to boast, but if truth b e told, he’s one of the highest paid singer of his generation. Multi-awarded singer and an actor, he couldn’t ask for more. Just one thing – a family of his own.
“Jerk, but you’re getting married.” He told himself. A sarcastic smile formed in his lips, he will marry Tricia hindi dahil mahal nya to. He will try to love her now, more on we he will try harder dahil kahit sa mga nakalipas na taon tanging kaibigan o nakakababatang kapatid pa rin ang tingin nya dito. He wants a child of his own, a child who will inherit all his earnings kaya kahit labag sa loob nya, itutuloy nya ang pagpapakasal kay Tricia.
“Ah, curse you! I will really wring your pretty  neck if ever I see you again!” inis na wika nya. Ngunit sa puso nya naroon ang pag-aasam na magtagpo ang landas nila ni Devon. Hindi nya kahit kailan naisip na hanapin ito. Para ano pa, itinapon sya nitong parang basura at ipinamukha sa kanya ang layo ng agwat nila.  Tumayo sya mula sa duyan at napagpasyahang maglakad-lakad.

Kapag ganoong buwan ay bihira ang mga tao sa resort kaya hindi sya nag-aalalang pagkaguluhan sya. Iilan lang ang nakakasalubong nya habang naglalakad, karamihan sa mga ito ay mga foreigners kaya hindi sya nakikilala. Huminto siya sandali at pinagmasdan ang nalalapit na paglubog ng araw.

“Sunset, how can I hate sunset?”tanong nya sa sarili. Isang pamilyar na tagpo ang tumakbo sa isip nya.
 “Shit man, get a hold of yourself.” Asik nya sa sarili. Kanina pa nya naiisip si Devon, ang mga alaala ng nakaraan. At sa patuloy na paglalakbay ng diwa nya sa lumipas, ang unti-unting pagkabuhay ng lahat ng poot at sugat sa puso nya.

He kicked the sand and continued walking. Huli na ng mapansin nya ang batang tumatakbo. Nabangga nya ang batang lalaki ngunit maagap nya itong nahawakan upang hindi matumba sa buhanginan.

“I’m sorry po, I’m running so fast.” Wika nito. Hindi nya makita ang mukha nito dahil may pinulot itong bagay na nalaglag ng mabunggo nya ang bata. He followed his every move at hindi nya inaasahan ang nakita nyang dinampot nito. Isang Cookie Monster stuffed toy. Talk about sudden rush of memeories. Nakatitig lang sya sa bagay na iyon na kapareho ng ibinigay nya noon kay Devon. A very memorable icon na kinalimutan na din nya at muntik ng isumpa ng dahil sa babae.

“Cookie Monster.” Mahinang sambit nya. Ipinilig nya ang ulo at hinarap ang bata “Ako ang dapat mag sorry, I’m not looking while I’m walking.” Nagulat sya ng makitang titig na titig ito sa kanya. He felt weird, kakaiba ang nararamdaman nya sa titig na iyon. Parang sariling mga mata nya ang nakatingin sa kanya. Hindi nya alam kung parang iiyak ang bata basta nakatitig lang ito.

“Are you  okay kid?” tanong niya. Nilapitan nya ito at sinuri upang matiyak kung wala itong galos. Baka awayin sya ng mga magulang ng bata kapag nakitang may pinsala ang bata.
“You’re the famous singer James Roy, right Sir?” muntik na syang matawa ng magtanong ng seryoso ang batang lalaki. Animo ito isang matanda kung magsalita.
Ngumiti siya at tumango. “I’m RJ Mr. James Roy, nice meeting you.” Pakilala ng batang si RJ at iniabot ang maliit na kamay sa kanya. They shook hands and again, he felt weird again.

“Nice name, RJ. Kabaliktaran ng JR. Ano ang ibig sabihin ng RJ?” tanong nya sa bata. Ewan nya ngunit mas gusto na nyang kausapin si RJ kaysa ipagpatuloy ang paglalakad.

“RJ stands for Robert James, my Mama named me after my father and Lolo.” Pride is evident on the child’s voice. Robert James, parehas sila ng pangalan.

“So we have the same name James.” Tatango-tangong wika nya. The child is looking again at him. He decided to bring him back to his parents dahil baka hinahanap na ito.
“Tell me kung saan ang cottage nyo at ihahatid na kita. Baka hina-” naputol ang sasabihin nya ng may marinig na tumawag sa bata. Nanigas ang likod nya ng magrehistro sa isip nya ang boses ng babae. Muli nyang tinapunan ng tingin ang bata na ngumiti ng matanaw ang tumatawag dito. RJ reminded him of his childhood days. Unti-unti nyang nilingon ang babaeng parating, bagay na sana ay hindi nya ginawa.

****
“RJ!” tawag ni Devon sa anak ng matanawan ito. Kanina pa nya hinahanap si RJ dahil nakahanda na ang gamit nila pabalik ng Manila. Kinabahan sya ng makitang wala ito sa cottage nila. Sinundo sila ng kaibigang si Bret upang may magmaneho sa kanila pabalik ng Manila kay may katulong syang naghanap kay RJ ng hindi nila ito makita. Nagtungo si Bret sa ibang panig ng resort upang hanapin si RJ at sya naman sa dakong iyon. Gumagabi na kaya mas lalo syang natakot na hindi nila agad makita ang anak nya. Mabuti na lamang at nasabi ng napagtanungan nya na nakita sa gawing iyon si RJ.

Lakad takbo ang ginawa nya upang makalapit agad sa anak. Malayo pa lang ay napansin nyang may kausap itong lalaki. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi nya masilayan ang mukha nito, mas lalo nyang binilisan ang paglapit dahil baka ano ang gawin nito sa anak. Kumaway sa kanya si RJ habang ang lalaki naman ay unti-unting lumingon. Ilang hakbang na lang ang layo nya sa mga ito ng mapahinto sya. She feel like she is having her longest walk ever.

She was dead on her tracks when the man finally showed his face. Fate is really playing with her big time! Sa tagal ng araw na inilagi nila sa Pilipinas, bakit kung kelan babalik na sila sa U.K. ay basta na lamang sila pinagtagpo ni James. Ang mas masaklap pa, bakit ang anak nya ang unang nakakita dito.  Nagpatuloy sya sa paglapit kahit na naiilang sya sa titig ng lalaki, hindi nya mabasa ang mukha nito maging ang sinasabi ng mga mata ni James. Natakot sya sa lamig na nakikita nya dito, hindi nya alam kung paano ihahakbang ang mga paa upang makalapit ng tuluyan sa anak. Katabi nito si James, paano sya kikilos ng normal kung natutunaw ang buong pagkatao nya.
“Mama,” salubong ni RJ sa kanya,  tinawid nito ang ilang hakbang na kinatatakutan nyang gawin. Niyakap sya ng anak at bumulong sa kanya “I’m sorry.”
She kissed his forehead and answered “You got us so worried baby please don’t do that again.” Sagot nya sa anak at niyakap ito ng mahigpit.
“Princess Devon Castillanes Palacios.” Sambit ni James sa buo nyang pangalan. Mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla sa muli nilang pagkakatagpo. She straightened up and held his son’s hand. She took the deepest breath in her life and answered the man.

“James Roy Mendez Rivera,” Wika nya. Hinila ni RJ ang kanyang kamay, tinignan nya ang anak at nakita nya ang determinasyon sa mukha nito na nagpapahiwatig na ipakilala na nya ito sa ama. She wanted to cry on that very moment, hindi sa ganitong sitwasyon nya nais na magkita sila. Hindi ganitong reunion ang gusto nya, the situation left her with no choice.  “Meet Robert James, your son.”

Kitang-kita nya ang pagtakas ng kulay sa mukha ni James. Mula sa titig nito sa kanya, bumaba ang tingin nito sa kanilang anak. He stared hard on RJ, samantalang ang anak naman nya ay nakangiti sa ama. Poot ang nakikita nya sa mukha ni James, matagal na nyang pinaghandaan ang pagkakataong iyon ngunit bakit ngayon na nasa mismong sitwasyon na sya ay naduduwag sya.
****
Ilang beses syang lumunok upang maalis ang bara sa lalamunan nya.Mapagbiro talaga ang tadhana. Kanina iniisip pa lang nya si Devon at ang mga posibilidad kung hindi nasira ang relasyon nila. Ngayon kaharap nya ang babae at ang rebelasyon nito na hindi nya alam kung isang masamang biro. Pinagmasdan nya si Devon, ang mga nakaraang taon ay lalong nagkadagdag sa kagandahan nito. She still looked the same, the maturity he is seeing makes her more beautiful.

“What the hell do you mean by that?” malamig na tanong nya kay Devon na mukhang hindi pa nakakabawi sa biglaang pagtatagpo nila.

“I’m sorry James, I lied.” Sagot ng babae. Hindi agad rumehistro sa isip nya ang sinabi nito ngunit ng maunawaan nya ang ibig nitong ipabatid, sumulak  ang galit niya. He crossed the distance between them and held Devon on the shoulder.
“Explain all these bull lady,” he shouted at her. Alam nyang madiin ang pagkakahawak nya sa balikat ni Devon.

“Let me go James” pakiusap nito sa kanya. Nagulat sya ng may sumuntok sa hita nya.

 “Let go of my mother, you’re bad!” narinig nyang wika ng batang si RJ. “I don’t like you anymore, you’re hurting Mama.” Umiiyak na wika ng bata. Nakalimutan nyang may bata silang kasama. Binitiwan nya si Devon at hinarap ang anak. Lumuhod siya upang makapantay ang bata, “My son,” he whispered. Noon nya lang mabuting napagmasdan ang batang si RJ. Naalala nya ang mga larawan nya noong bata pa sya, kamukhang-kamukha nya si RJ. Maybe that’s the reason why he felt weird upon seeing the child. But he wanted to make sure, he just needs to know one more thing.
“How old are you RJ?” tanong nya. Hindi ito sumagot at ni hindi lumingon sa kanya nakayakap lang ito sa ina. Narinig nyang inutusan ito ni Devon, saka pa lang sumagot ang bata. “I’m seven.”
He greedily took some breath because he needed that to calm his raging emotion. Matagal na panahon syang nagluksa para sa wala at ngayon kaharap nya ang dahilan ng lahat ng kanyang pagluluksa.
“You better explain this Devon, now.”utos nya dito. Baka sumabog na ang utak nya sa mga naiisip nya. Bakit puro kasinungalingan ang ibinalik sa kanya ng babaeng minahal nya noon. Pagkamuhi na yata ang nararamdaman nya dito.

“Bret, please take RJ away. We just need to talk, privately.” Narinig nyang wika ni Devon. Hindi nya namalayang nakalapit na pala si Bret sa kanila. “If he hurts you, I will never forgive him. Sorry Devon pero hindi ko gustong mag-usap kayong dalawa ng sarilinan.” Sagot ni Bret na may nanghahamong titig. Hindi niya inurungan ang titig ng lalaki, kung gulo ang gusto nito ibibigay nya iyon. Ngayon pa na gusto nyang manapak dahil sa mga pangyayari.

“I can manage, don’t worry. Mag-uusap lang kami. Please,” niluhod nito ang anak, “Baby, Mama’s going to talk with your father. Go with Tito Bret and help him prepare our things.” Tumutol ang anak nila ngunit kinausap ito ni Bret. Nakamasid lamang siya habang nagdidiskusyon ang mga ito. Selos ba ang nararamdaman nya dahil sa nakitang pagsunod ng bata sa lalaking iyon. Naisip nyang si Bret ang katulong ni Devon na nagpalaki kay RJ dahil asawa na ito ni Devon. Nang makaalis ang dalawa ay muli nyang hinarap si Devon.
“I’m losing my patience woman, I need to know everything!”tinalikuran nya ito. He’s sure she will follow her. They will talk in his cottage, the very same place where that wonderful thing happened .

****
Devon stopped when she saw the place where James is taking her. She remembered that cottage even if it doesn’t look exactly like before. James is waiting for her on the doorsteps, she couldn’t read his emotions. She took a deep breath and entered the cottage.

“Anak ko si RJ, Devon tulad ng sinabi mo. Bakit sinabi mong ipinalaglag mo ang anak ko?” asik agad nito sa kanya. Inisang hakbang sya nito at tulad kanina ay naramdaman nya ang sakit sa paghawak nito sa kanyang balikat. “Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko Devon, hindi, kaya ipaliwanag mo sa akin kung paano mo nagawa ang lahat ng kasinungalingang iyon.”
Ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan ay nagsimula ng umagos, tulad ng inaasahan nya sa kanya lahat ng sisi.
“Magsalita ka Devon, walong taon! Walong taon akong nagmukhang tanga.” Dagdag pa nito.
“I’m sorry James, ginawa ko yun para sayo. Para sa ikabubuti mo, for you to reach your dreams James.”lumuluhang sagot nya dito.
“Spare me that crap, para sa akin ha? O para sa sarili mo.” Tinalikuran sya nito at narinig nya ang mahinang pagmumura nito. “May anak ako, ang batang pinagluksa ko ng mahabang taon ay buhay pala.” Mula itong humarap sa kanya.

“You’ve stolen eight years of my life Devon, I won’t forgive you for that! Walong taon ang nasayang, mga taon na sana kapiling ko ang anak ko. Bakit ipinagdamot mo sa akin ang pagkakataong maging ama Devon? Bakit ipinagkait mo ang mga panahon na dapat ako ang kasama ng anak ko? Bakit?” puno ng hinanakit na wika ni James.

“Ginawa ko ang lahat ng iyon para sayo James. I won’t make a sacrifice if its not for your good!” maikling paliwanag nya dito.
“Makasarili kang babae, kaya huwag mong sabihin na para sa akin ang ginawa mo. Dahil hinding-hindi ako maniniwala sa mga dahilan mo!”
“You have no right to tell me those words because you doesn’t know what I’ve been through! You don’t know a bit James. Hate me all you want but believe me or not, I did that because of you, because I  loved you!” tinalikuran nya ito. Gusto na nyang umalis sa lugar na yun ngunit pinigilan sya ni James.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap, I want to claim my right over my son. Kahit sa hukuman pa tayo magkita, gusto kong makasama ang anak ko. Wala akong pakialam kung papayag ka o hindi, basta gagawin ko ang lahat makasama ko lang si RJ.” Banta nito sa kanya.
Hindi sya sumagot, inasahan na nyang sasabihin iyon ng lalaki. She will talk to him again kapag malamig na ang sitwasyon. “I’m sorry again, I know it’s unforgivable but please, I did it for you,  believe me or not.” Wika nya bago tuluyang lumabas ng cottage ni James. Sinundan sya nito at nagwika,
“Hindi mapapawi ng kahit ilang libong sorry mo ang panlolokong ginawa mo sa akin. Mapapatawad ko ang pag-iwan mo sa akin, pero ang pagtatago sakin ng katotoohan, ewan ko Devon. Ewan ko.” He said and left her.
 She cried while slowly running, she wanted to be away from that place back in her child’s embrace. She needed to feel the little hand of her child wiping her tears. She gets comfort from her son, from her little boy who will be taken away from her by his father. She dreaded that day because she cannot bear a day without her son on her side.
****
All their bags are already packed and they are ready to leave Batangas. Mas maayos na ang lagay nya kumpara kanina. Kalahating oras pa lang ang nakakalipas matapos na mag-usap sila ni James. Alas otso na ng gabi at malapit na silang bumalik sa Manila. Inilalabas na ni Bret ang mga gamit nila habang naiwan silang mag-ina sa loob. Kapansin-pansin ang kanina pa pananahimik ng kanyang anak.
“Hey baby, what’s wrong?” tanong niya dito. Umiling lang ang bata habang nakatitig sa Cookie Monster stuffed toy. Mabilis nyang inalis ang paningin sa laruan dahil mukha ng binatilyong si James ang nakikita nya. Her heart skipped a beat kaninang muli nya itong makita. He still have the same effect on her, a proof that her love for the man is still the same.
“Are  you not feeling well? Tell Mama please, ang tahimik mo kanina pa.”
“He doesn’t like me and his angry with you.” Naluluhang wika ng anak. She understood what he meant, kinalong nya si RJ at niyakap.

“No, he likes you. Infact he loves you. He wants to be with you alam ko yun.But maybe some other time dahil babalik na tayo ng U.K. bukas diba.” Wika nya sa anak.

“Walang aalis ng bansa  Devon, dito lang ang anak ko.”nagulat sya ng marinig ang boses ni James. “Kanina pa ko nandito at narinig ko ang lahat ng usapan nyo.” Lumakad ito at niyuko si RJ na kalong nya ngunit may ibinulong muna ito sa kanya. “we will talk”tumango na lang sya bilang pagsang-ayon
“My child, sinong nagsabing hindi kita gusto? You don’t know how happy I am to meet you.”
“See baby, your father is glad,” kinalas nya ang pagkakayakap nito sa kanya. “Go and give your father a hug.”her son looked at her and kissed her on the cheek. Hindi niya alam kung para saan ang ginawa nito. Mabilis na bumaba si RJ mula sa kanyang kandungan at lumapit sa ama. She saw the emotions on James’ face. She knew, he was holding back the tears dahil sa paglunok-lunok nito.
Niyakap agad nito si RJ ng makalapit ang bata. “My son,” sambit ni James. 
“Can I call you Papa now?”tanong ni RJ.
“Of course call me Papa dahil ako ang ama mo. You are my child, I love you so much.”muli nitong niyakap ang anak. Sa pagkakataong ito hindi na nito napigilan ang luha na dumaloy. Their meeting, like every reunion, was filled with tears. Minabuti nyang iwanan sandali ang mag-ama. She let James savor the moment, she owed it to him. At mukhang hindi sila makababalik agad ng U.K.. Bahala na, at sana maging maayos ang muling pag-uusap nila ni James.

CRAWL BACK TO LOVE CH. 26-27


CHAPTER 26
Nakita ni Devon ang matiim na paghagod ni Patrick sa kabuuan ni RJ. From anger to confusion, ang hindi pagkapaniwala ay bakas sa mukha nito.  Hanggang basagin ni RJ ang katahimikan ni Patrick.
“Hi Tito Patrick, nice meeting you po. I’m Robert James but you can call me RJ.”  Mahabang litanya ng kanyang anak. Iniabot pa nito ang maliit nakamay sa lalaki.
“Hello there, RJ. Nice meeting you too.” Nakangiting wika ni Patrick habang tinatanggap ang pakikipagkamay ng bata.
“Bret, please ikaw na muna bahala kay RJ, we’re gonna talk for a while.” Pakiusap nya kay Bret. Mas magandang kausapin nya si Patrick para makibalita sa lahat ng nangyari sa nakalipas na 8 taon at kung makikinig ito sa paliwanag nya.
“Sure, but if there’s any problem just call me. Come on kiddo, let’s ransack your Mama’s old room.”pag-aya nito sa kanyang anak.
Inaya nya si Patrick sa dating study room ng kanyan ama. Hindi pa sila maayos na nakakaupo ay nagsalita na ang lalaki.
“What happened Devon? Ano ang tunay na nangyari? Si RJ-”
“Tell me Pat, do you think I can hurt James without any reason?” tanong nya dito. Hindi nakaimik ang lalaki. Isa si Patrick sa mga saksi kung gaano nya minahal si James. Sa batang puso nya, natuto syang magmahal ng totoo at hindi nya gagawin ang lahat ng iyon kung hindi nya mahal si James.
“Be honest with me Devon, I can see that RJ looks exactly like James. Ano ang hindi ko nalalaman?”
She sighed, “I will tell you a story once upon a time, but I don’t know if you’ll believe me. I just hope you do.” Sinimulan nyang ikuwento kay Patrick ang lahat.  Tahimik lang na nakikinig ang binata.
Napahinto sya ng makita ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. Umiiyak na pala sya ng hindi nya namamalayan. Nasa parte na sya ng kwento na pinakamasakit sa kanya – ang iwanan si James.
“Ano ang dahilan Devon? Why did you left him?” tanong ni Patrick. Hindi nya alam kung dapat nya bang sabihin dito ang napag-usapan nila ni Ate Ann. Nangako sya sa babae na walang makakaalam ng mga napag-usapan nila.
“In time Pat, you’ll know. Sapat na ang malaman mong kahit kalian ay hindi ko niloko si James.” Malungkot na wika niya. Namalayan nyang yakap na sya ng kaibigan, in his shoulders she cried again. Nabuksan ang lahat ng sugat nya sa pagku-kwento ng nakaraan kay Patrick.
“I’m sorry if I’ve judged you Devon. Hindi lang namin alam ang nangyari. Bigla ka na lang nawalang parang bula.”
“It’s okay Pat, may kasalanan din ako sa inyo. Hindi man lang ako nagpaalam,” sagot nya sa kaibigan. “Now its your turn, ano ang nangyari sa mga kaibigan natin?”
Sandaling nag-isip si Patrick, alam nyang hindi pa masyadong kumbinsido ang kaibigan dahil hindi nya nabanggit ang mga pinakadahilan kung bakit nya iniwan si James. Ngunit bandang huli ay din ay nagkwento na ito. Nalaman nyang si Ivan at Fretzie ay matagal ng mag-asawa at sa U.S na nakabase ang pamilya, si Ryan ay bumalik na si Korea, at si Joe ay isa ng magaling na doctor na nasa Medical Mission sa Africa. Natutuwa sya para sa mga kaibigan, lahat sila ay matagumpay na tulad nila James at Tricia, si Patrick ay isa ding TV personality, ngunit sa ibang larangan ito.  Nalaman nyang ito pala ang writer ng mga children shows sa istasyong kinabibilangan ni James.

“Big time ka na pala Pat,”biro nya dito.
“Big time ka dyan, mukhang mabait na bata si RJ-” naputol ang sinasabi ni Patrick o ng magring ang cellphone nito. “Excuse me.”paumanhin ng binata. Mukhang hinahanap na ang kaibigan nya ng kung sinomang kausap nito at base sa naririnig nya babae ang tumawag dito. Mukhang ang girlfriend nito iyon.
“I think I have to go. I forgot may meeting pala ako.” Natatawang wika ni Pat.
“Meeting or date?” tudyo ni Devon.
“Meeting talaga, silly.” He paused and spoke again “It’s Ann, dumating na daw si James.” Wika ni Patrick.
“Oh, I see.” Tipid na sagot nya.

“Devon, I think you need to know this-” naputol na naman ang sasabihin nito ng marinig nila ang malakas na palahaw ni RJ. Napatakbo syang bigla sa lugar ng kanyang anak. She was scared to death when she saw blood coming from his son’s head. Wala si Bret sa paligid kaya napagtanto nyang nag-iisa ang kanyang anak. Agad nyang dinaluhan ang umiiyak na anak.
“Baby, what happened? Bret where are you? Let’s take RJ to the hospital!” tinapalan nya ng malinis na damit ang sugat ng kanyang anak. Mamaya na nya aalamin kung ano ang nangyari dito. Nakita nyang humahangos si Bret mula sa labas at namutla ito ng makita ang nangyari kay RJ.
“I’m sorry Devs, tumawag kasi si Jasmine.”hingin paumanhin ng kaibigan habang tinatahak nila ang daan patungo sa sasakyan.
“No, it’s okay. Kailangan lang maagapan ang sugat nya.” Sagot niya sa kaibigan. “Baby, stop crying ok. Mama’s here, we’re gonna bring you to the doctor.” Kausap niya sa anak. Pahikbi-hikbing tumango ang bata. Nakalimutan nyang naroon nga pala si Patrick. Pasakay na sila ng kotse ng maalala nya ito.
“Pat, I’m sorry about this but, we need to go.”
“Okay lang, here” iniabot nito ang isang calling card. “Sa susunod ko na lang sasabihin sayo ang dapat mong malaman, call me.” Bilin ni Pat kay Devon.
“Sure, I’ll do. We need to go, nice seeing you again friend.” Paalam nya sa  binata at dali-daling sumakay na sa kotse. Kung ano man ang sasabihin pa ni Patrick ay makakapaghintay. Mas importante ang kalagayan ng anak nya ngayon. Hindi pa din tumitigil ang pagdurugo ng sugat nito. Mabuti na lamang at hindi masyadong traffic kaya naman namalayan na lamang nyang ipinaparada na ni Bret ang sasakyan sa parking ng Makati Med.

Agad na dinaluhan ang kanyang anak ng isang nurse at inalalayan sila papunta sa emergency room. She begged them that she wants to stay with his son, bagay na tinutulan ng mga ito ngunit napapayag din nya ng umiyak ng malakas si RJ.
“Hush, my baby. I will stay here with you don’t worry.” Wika nya sa anak habang hawak ang kamay nito. Naiwan si Bret sa waiting area, mamaya na nya kakausapin ang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang guilt sa nangyaring pagkakahulog ni RJ sa upuan at ang pagtama ng ulo nito sa matulis na bahagi ng isang mesa.
Hindi talaga kaya ng kalooban niya ang makita ang anak na nasa isang ospital. Matapos malapatan ng lunas ang kanyang anak ay inilipat ito sa isang private room para maobserbahan ng isang araw. The doctors want to make sure that RJ has no serious  head injury maliban sa medyo may kalalimang sugat nito.
“Devon, go and eat something.Mag dinner ka na, ako na muna ang magbabantay kay RJ.”
“Hindi ako nagugutom,”tipid na sagot ni Devon.
“I insist, kailangan mong kumain,” hinila sya ni Bret patayo. “Kahit sandwich lang, isusumbong kita kay RJ. Sasabihin kong hindi ka kumain para bantayan siya.” Pananakot pa ng binata.
“Don’t do that”inis na wika niya.
 “I will, I’m telling you my friend, magu-guilty ang anak mo. Kaya kung ako ikaw, be a good Mama and eat something.” Marahan siya nitong itinulak papunta sa pintuan.
She sighed, “Ok, you win,” nilapitan nya ang tulog na anak at maingat itong dinampian ng halik sa pisngi. “I’ll be back baby.” Paalam nya sa anak at naglakad na palabas ng silid.
Mahigpit na ibinilin ni Bret na kumain sya, dahil malalaman daw nito kung hindi sya kumain at talagang magsusumbong sa anak nya. Napangiti nalang sya dahil minsan parang bata mag-isip ang kaibigan niya.

****
Habang naglalakad ay nakatanggap sya ng tawag mula sa kanyang ama.
“Hi Dada, how’s the cruise?” tanong niya agad dito.
“We’re enjoying my dear. We just want to hear your voice kaya ako tumawag. At siyempre para kausapin ang apo ko.” Masayang wika ni JP mula sa kabilang linya.
“My girl, how are you?” narinig nyang wika ng kanyang ina. Nalaman nyang naka speaker phone ang mga ito kaya naririnig sya ng lahat.
“Hello Mum, Lolo and Lola. Missing you all.” Bati nya sa mga ito.
“Hi Iha, kamusta ang pinakamaganda kong apo?” tanong naman ng Lolo Ignacio nya. Malakas na ulit ang pangangatawan nito. Simula ng maoperahan ito, naging maingat na ang lolo niya sa kalusugan nito. Bagay na ikintuwa ng Lola Vanna nya.
“Can we talk to RJ, princess?” wika ng kanyang ama.
Hindi nya alam kung paano sasabihin sa mga ito na nasa ospital sila ngayon. Siguradong katakot-takot na sermon na naman ang aabutin nya tulad noon g malaman ng mga itong  pupunta sila ng Pilipinas.
“Devon, are you still there?” narinig nyang tanong ng kanyang ina.
“Yes, Mum.” Sagot nya habang palinga-linga upang maghanap ng makakainan.
“Where’s my boy?  Is he enjoying your stay there?” muling tanong ni JP.
“Ahm, Mum Dad, Lola and Lola, I need to tell you something.” Panimula niya, “we’re in the hospital right now. RJ had-”

Hindi pa nya tapos ang sinasabi ngunit sabay-sabay na “What?” ang kanyang narinig. Matatawa sana siya kung nasa ibang sitwasyon sila, ngunit alam nyang hindi matutuwa ang mga ito. Pahapyaw nyang ikinuwento ang nangyari at iniwasang masisi ng mga ito si Bret.
“Don’t worry he’s fine now,”pagkalma nya sa mga ito.
“I don’t want to command you my child, but now I’ll do. Please bumalik na kayo sa U.K.” utos ng kanyang ama.
Napaisip sya, yun din ang gusto nyang mangyari. Ngunit may gusto pa syang puntahan bago sila bumalik sa nasabing bansa.
“Yes, Dada, we will be back soon. Bago kayo makabalik doon, nauna na kami ni RJ.” She told her parents.

“Just promise us that whatever happens there, you will inform us.” Her mother asked in a worried voice.
“Yes Mum, pro-”naputol ang kanyang sasabihin ng maramdaman nyang nabangga sya.
“Gosh, how can you be so stupid! Look where-” nagtaka sya kung bakit hindi naituloy ng nagsasalita ang sinasabi. Sa pag-angat nya ng paningin upang tignan ito, nahiling nyang sana ay hindi nalang sya umalis sa kwarto ng kanyang anak. Bakit sa dinami-dami ng makakabangga nya, bakit ang taong ito pa.


CHAPTER 27

“Devon, it’s you.” Hindi alam ni Devon kung anong uri ng emosyon ang mababakas sa sinabi ng babae.  Salat sa kagalakan at hindi natutuwa ang tinig nito. Bakas din sa mukha ng babae ang pagkabalisa at panandalian lang ang gulat na nakita nya sa magandang mukha nito.
“Tricia, yes it’s me.” Tipid na sagot nya. Sa dami ng tao sa ospital na yun, bakit si Tricia pa ang nakabangga nya. Ano ang ginagawa nito sa mataong lugar na yun. Nakita nyang inayos nito ang malaking dark shades na nakasuot dito, pasimple nyang pinagmasdan ang dating kaibigan. Maganda pa din ito tulad noon, ang mestizang ganda nito ay lalong tumingkad noong naging modelo ito.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka bumalik?” sunod-sunod na tanong ni Tricia. Galit ito, at yun ang hindi nya maintindihan.
“Mum, Dad I’ll call you back.” Paalam niya sa mga magulang kahit na narinig nya ang protesta ng mga ito ay pinatul na nya ang tawag. Muli niyang hinarap si Tricia,
“Nasa bakasyon kami,kamusta na Tricia?” tanong niya.
“I’m perfectly fine. Just to let you know, James and I are going to get married.” Itinaas pa nito ang kamay kung saan nakasuot ang engagement ring nito. “ And I would like to ask you, to never show up.” Diretsang sagot ni Tricia.
Hindi pa rin nagbabago ang babae, kung gaano ito kaisip-bata noon ganon pa din ito ngayon. “Don’t worry me and my son are going back to where we belong. And I don’t care a bit if you’ll marry him” inis na din na sagot nya dito.
“Your son, so you have a son. And that makes you a married woman, attached. Hmm, good” tango-tangong wika nito. Nakasilay ang nakakalokong ngiti dito, at ang kislap sa mga mata ni Tricia ay nagpapahiwatig ng tagumpay.
“I need to go, excuse me.” Hinging-paumanhin nya sa babae.
“Go ahead, I’m going anyway.” Tinignan sya ni Tricia mula ulo hanggang paa. A sarcastic smile is visible on her face. “Good to see you again, Mrs. Devon.” Idiniin pa nito ang salitang “Mrs.”. She just shrugged her shoulders and walk towards the cafeteria. She doesn’t know if she can eat. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Tricia,  parang lalong naubos ang lakas nya. Bahala na bukas, nasisiguro naman nyang hinding-hindi nito babanggitin kay James na nagtagpo ang kanilang mga landas.
****
“Shit! What a good day!” inis na wika ni Tricia. Doon sya sa private elevator dumaan upang walang ibang makakita sa kanya. Hindi nya akalaing magku-krus ang landas nila ni Devon. Ngayong nalaman nyang may pamilya na si Devon, balewala na sa kanya ang presensya nito. Hindi sya manhid upang hindi mahalatang hanggang ngayon ay ito pa rin ang mahal ni James
Galing sya sa opisina ng doctor-OB GYNE nya. Nagpatingin sya dito upang masiguro ang hinala nya. Hinding-hindi sya papayag na mangyari yun, makakasira yun sa career nya at sa relasyon nila ni James..

She did everything para kay James, ginawa nya ang lahat upang mahalin din sya ng lalaki. At ngayon, kahit alam nyang hindi pa siya lubusang mahal nito, masaya na sya dahil malapit ng maging kanya ng tuluyan si James.

Napakahabang panahon na nyang minamahal ang lalaki, at ng biglaang umalis si Devon, nagkaroon sya ng pagkakataon na mapalapit ng husto dito. Bagay na ikinatuwa ng Ate Ann nito. She knew from the start na gusto ng ate nito na sya ang makatuluyan ng kapatid. Madaling mabola ang ate ni James, she gave her everything that she asked for. Maluho ang babae, at laging gusting magkaroon ng mga bagay na hindi nito kayang bilhin.
 “I can’t let this happen, I need to do something!” gigil na wika nya. Dahil sa isang project na gusto nyang makuha, she did “it” again. At problema ang dulot nito, how can she tell James that she is pregnant without him touching her?
“Stupid me!” she needs to convince James, even if she needs to seduce him to the core she will. Dapat may maganap sa kanila upang si James ang managot sa batang dinadala nya. She couldn’t imagine herself marrying that balding photographer. Hindi nya maunawaan kung bakit sa tagal ng pinagsamahan nila ni James, kahit minsan ay hindi nito nilaliman ang relasyon nila. Kahit na minsan sya na ang nag-iinitiate, hinding-hindi bumibigay ang lalaki. Ngunit ngayon, kailangan nyang maging mas agresibo dahil nakasalalay sa gagawin nya ang buhay pag-ibig nya. She cannot lose James, hinding-hindi. Marami na syang sakripisyo dito.
“Never James, you are mine. Wala na kayong pag-asa ni Devon, kaya akin ka na.”she laughed. Matulin nyang pinaandar ang sasakyan upang marating ang condo unit ng binata. They will celebrate tonight, kung kailangang lasingin nya ito ay gagawin nya.
****
Two days after RJ was discharged from the hospital, she received a call from Tricia. Nais ng babae na magkita sila, she seems very insistent kaya pumayag sya. Nakiusap itong kung pwede nyang isama ang kanyang anak. But she said no, ayaw nyang makita nito si RJ dahil natatakot sya kung ano ang sasabihin nito sa harapan ng bata.
“Tita Law, kayo po munang bahala kayRJ. I’m going to meet a friend and I’ll be back as soon as I can.” Bilin nya sa tiyahin.

“Mama, hindi po ba ako pwedeng sumama?” tanong ni RJ, sa ilang araw na pamamalagi nila sa bansa ay nagiging matatas na itong magtagalog.
“Nope, baby.  May benda ka pa oh,” itunuro nya ang nasa ulo nito. Mabuti na lang at maliban sa sugat ay wala ng ano mang pinsala ang kanyang anak.  Masigla na ulit ito, minsan ay nagiging makulit ito sa pagtatanong kung kelan nito makikita ang ama. But when she told him that she don’t know, he will stop asking.
“Okay, I’ll just wait for you here. Ingat ka po Mama.” Paalam ni RJ at niyakap sya ng mahigpit. Hinalikan nya ito sa pisngi at muling nagpaalam. She took a cab and aked the driver to bring her to the place. Sa isang hindi kilalang restaurant pinili ni Tricia na magkita sila. Nasa Quezon City rin lang iyon kaya  medyo malapit lang sa kanila. Dahil wala si Bret ay napilitan syang magtaxi na lang. Bret has finished fixing the problem in their company so she asked him to go back to U.K. Alam nyang nami-miss na nito ang pamilya nito. Sinabi nya sa kaibigan na sunduin na lamang sila nito kapag aalis na sila ulit sa Pilipinas.
Naroon na si Tricia ng makarating sya sa lugar. Naka dark shades ulit ito at simple lang ang ayos. Ngunit nakakaagaw pa rin ito ng atensyon sa mga parokyano ng restaurant. Hindi ba nito naisip na kahit sa simpleng ayos nito ay makikilala pa rin sya ng mga tao. Sikat na modelo si Tricia kaya hindi maaalis sa mga tao sa paligid na tapunan ito ng tingin.

****
Natanaw nyang palapit na si Devon. Rage flooded her being. Nagsinungaling ito sa kanya. Bakit hindi nito sinabing anak nito kay James ang tinutukoy nitong anak.
Napamura sya ng maalala si James. Nang gabing plinano nyang akitin ito ay hindi nya naabutan ang lalaki sa unit nito. Nalaman na lamang nyang umalis ito ng Manila, at ayaw sabihin ng PA kung saan nagpunta ang lalaki. Kahit si Ann ay hindi alam kung nasaan ang kapatid. Bigla na lang nagpasya si James na magbakasyon. Nalaman nilang nakapagpaalam na pala ito sa mga big bosses na magbabakasyon muna. Galit na galit sya dahil binalewala na naman sya ng lalaking iyon. Ginawa sya nitong tanga. At ngayon problema pala ang hatid ni Devon, anak nito at ni James ang batang binanggit nito. Kung hindi nya pa narinig ang usapan nila Patrick at Ann ay hindi nya malalaman ang katotohanan. Naging kampante sya noong una dahil inakala nyang wala ng pag-asa sila James at Devon. Ngunit ngayon, mas lalong hindi sya papayag na maagaw muli ng babae ang kanyang si James. . Naalala nya ang usapan ng magkasintahang Patrick at Ann.

***
“Bakit mo nagawa yun?” galit na boses ni Patrick ang nakapagpahinto kay Tricia. Kakatok na sana sya upang kausapin ang dalawa na hanapin nila si James. Ngunit mukhang seryosong ang usapan ng mga ito. Napagpasyahan nyang makinig na lang sa usapan ng dalawa.
“Alam nyong lahat na sa simula pa lang ayaw ko sa babaeng yun, I don’t know. I just hate her.” Sagot ni Ann.
“Kahit pa ayaw mo sa kanya, dapat hindi mo ginagawa yun. Kapag nalaman ng kapatid mo ang lahat tingin mo ba mapapatawad ka nya?” Hindi nakaimik si Ann. Nagsimula ng tumulo ang luha nito.
“I’m sorry Pat, gusto ko lang magtagumpay ang kapatid ko. Ano ang magiging kinabukasan nya kung maaga silang nagpakasal ni Devon, tingin mo ba magiging ganito kaganda ang buhay naming?” paliwanag ng babae
“Selfishness!  I can understand that you only wanted James to have a better future. Ngunit yung sabihan mo si Devon na ipalaglag ang anak nila ni James.My goodness Ann, pamangkin mo yun!”galit pa ring wika ni Patrick. Nagulat si Tricia sa narinig. Nabuntis ni James si Devon at wala silang kaalam-alam doon.
“I know, ngayon ako nagsisisi kung bakit ko nagawa yun. Walong taon ng nagsu-suffer si James, Patrick. At ang sinabi kong dahilan kay Devon upang umalis sya ay nagkakatotoo.I’m afraid Patrick.” Yumakap ito sa nobyo at patuloy na umiyak.
“What do you mean? Walang sinabi sa kin si Devon na dahilan mo, ang sabi nya lang kinausap mo sya.”
Hindi iyon sinagot ni Ann, iniiwas nito ang mukha kay Patrick, “I need to talk to James, kailangan munang malaman ng kapatid ko ang lahat bago sila magkita ni Devon.”
“Pero saan natin hahagilapin ang magaling mong kapatid? Nawala na lang parang bula. I still can’t believe it Ann, mahabang panahon na galit ang nasa puso ni James para kay Devon. He believed that Devon fooled her. Sakripisyo ang ginawa ni Devon para sayo. Naawa ka sana sa kapatid mo hindi yung sarili mo lang ang inisip mo.” Kinalas ni Patrick ang pagkakayakap ni Ann dito.
“Where are you going? Don’t leave yet.” Pakiusap ni Ann.
“Kailangan ko munang mag-isip, I’m so disappointed. I’m going.” Tumayo na si Patrick at tinungo ang pinto. “You have to see the kid for yourself Ann, kamukhang-kamukha ni James.”pahabol pa ng lalaki. Mabilis na nagkubli si Tricia sa gilid ng sumunod na unit. Papalipasin nya ang ilang saglit bago sya pumunta kay Ann, magpapanggap syang wala syang narinig at nalaman. Hinding-hindi nya sasabihin dito na alam na nya ang tungkol kila Devon at sa batang si RJ.
****
“Hi Tricia” bati niya sa dalaga. Napansin niyang bahagya itong nagulat, mukhang galing ito sa malalim na pag-iisip
“Hello there, have a seat.” Sagot ni Tricia. Tinawag nito ang waiter at sinabing ilabas na ang pinahanda nya. She didn’t mind that the woman already ordered something for her. Hindi naman sya magtatagal, gusto nya lang malaman ang sasabihin nito.
“It’s ok Tricia, I won’t stay long. Can we talk now, kailangan ako ni RJ.”
“Sayang hindi mo isinama ang anak mo, I really want to see him. Care to tell me kung anong ibig sabihin ng RJ?” eager na tanong ni Tricia. Hindi sigurado si Devon kung sasagutin nya o hindi ang babae. Ngunit ng ulitin nito ang tanong, minabuti na lang nyang sabihin dito.
“Robert James.”tipid na sagot nya at hindi nya kinakitaan ng ano mang emosyon ang mukha ng kaharap.
“Robert James, magandang pangalan. And I bet gwapo din yun tulad ng ama nya.”wika ni Tricia na nakatingin ng diretso sa mga mata nya.
“She knew”, she told her self. Bago pa sya nakapagsalita ay  may inilabas si Tricia at iniabot sa kanya. Isa iyong medical certificate na nagsasabing buntis ito.
“Yes Devon, I’m pregnant at alam mo na siguro kung sino ang ama.  I’m begging you, huwag na kayong magpakita kay James. Ikakasal na kami, please Devon.” Pakiusap ng babae, umiiyak na ito.
Hindi pa rin sya umiimik kaya muling nagsalita si Tricia. “Alam kong alam mo ang pakiramdam na ang iyong anak ay walang kikilalaning ama. Please Devon, I don’t want my child to grow up without a father.” Samo nga babae sa kanya.
“Bakit ka nakikiusap sakin kung ikakasal na kayo ni James? What’s the problem?” tanong nya. Ano pa ba ang gusto nito, ikakasal na ito kay James at siya ay hindi gumagawa ng paraan para makausap ang lalaki. Tanging sa tadhana sya nakaasa, kung magkikita sila nito o hindi.
“Dahil alam kong magugulo ang isip niya kapag nalamang narito ka sa Pilipinas, at lalong-lalo na kapag nalaman nyang buhay ang anak nyo.”mariing wika ni Tricia. “Makikiusap ako sayo ng paulit-ulit Devon, parang awa mo na, umalis na kayo ng Pilipinas.” Wika ni Tricia bago ito tumayo. Naintindihan nya kung bakit aalis na ito, masyado na itong nakakahatak ng atensyon.  Ngunit bago ito umalis ay may sinabi sya dito.
“Hindi ako mangangako na gagawin ko ang gusto mo, pero maging panatag ka. I won’t let any child suffer again.”  Tinitigan lamang siya ni Tricia bago ito tuluyang umalis. Panibagong sugat sa puso nya ang sinabi nito. Magkakaanak si James at Tricia, magpapakasal ang mga ito. Masuwerte ang magiging anak nila dahil hindi nakaranas ng mga naranasan nila ni RJ.
She stayed for a while, at nag-isip ng mabuti. She talked with Bret over the phone to arrange everything para sa pagbalik nila sa U.K. Tatlong araw mula ngayon, babalik na sila sa bansang kinalakihan ng anak niya. Magkita man sila ni James o hindi, nakapagdesisyon na sya. Tatapusin na nya ang pagbisita sa bansa at nasisiguro nyang matagal pa bago sila bumalik doon. Hindi niya hahayaang ang isang walang muwang ay madamay.
She hailed a cab again pabalik sa bahay ng Tita nya. Bukas ay itutuloy na nya ang balak na pagpunta sa isang lugar na bahagi ng kanyang nakaraan. Doon nila gugugulin ng kanyang anak ang huling 2 araw nila sa Pilipinas. 

Saturday, 1 January 2011

CRAWL BACK TO LOVE CH. 24-25


CHAPTER 24

Nakasandal sa hamba ng pinto at tahimik na pinagmamasdan ni Devon si RJ habang nakaupo ito sa harap ng piano. Ekpertong tumutugtog ang maliliit na daliri nito. Hindi nya pinilit ang anak na mahalin ang musika ngunit iyon din ang hilig nito. Marahil dahil nasa dugo ni RJ ang pagmamahal sa musika at nanalaytay sa bata ang talentong namana sa mga magulang. Nawili syang pakinggan ang eksperto nitong pagtiklada ng piano. His son can sing too. At tulad ng inaasan nya, ang paborito nitong piyesa ang isinunod nito.

“Somewhere over the rainbow, Way up high,
There's a land that I heard of..” naputol ang pagkanta at pagtugtog ng kanyang anak ng maramdaman nito ang presensya nya.

“No, baby go on. Sing for Mama.” Lumapit sya dito at tinabihan ito. Ngumiti si RJ sa kanya at ipinagpatuloy ang pagtugtog.

Somewhere over the rainbow
Way up high,
There's a land that I heard of
Once in a lullaby.

Somewhere over the rainbow
Skies are blue,
And the dreams that you dare to dream
Really do come true.

Someday I'll wish upon a star
And wake up where the clouds are far
Behind me.
Where troubles melt like lemon drops
Away above the chimney tops
That's where you'll find me.

Somewhere over the rainbow
Bluebirds fly.
Birds fly over the rainbow.
Why then, oh why can't I?

If happy little bluebirds fly
Beyond the rainbow
Why, oh why can't I?

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata habang nakikinig sa anak. This is the time that he will know about his father. She prayed that her son won’t be angry to her and his father. She is  hoping that he will understand.

Nagulat sya ng may magpahid ng luha sa kanyang pisngi. Noon lang nya nalaman na umiiyak na pala sya at tapos ng tumugtog si RJ. Napatingin sya sa anak at nagulat sya, dahil nakatitig ito sa kanyang mga mata. For a moment, she thought that it was James who’s looking at her. She composed herself and asked his son to follow her. RJ took her hand and walked with her. Matalino ang anak nya at nasisiguro nyang mauunawaan nito ang sasabihin nya.

“Sweetie, I will tell you something but promise me that you won’t be angry with Mama.” Wika nya dito habang nakahawak sa mga balikat ni RJ.
“Yes, Mama.” Ngumiti sa kanya ang bata. She took James’ photo, and handed it to RJ. She took a deep breath before she speak, pero inunahan sya ng kanyang anak.
“He is my father.” Pahayag nito. Nagulat sya sa sinabi ng anak, hindi iyon isang tanong kundi isang konpirmasyon.
“He is my father, am I right Mama? I look exactly like him.”matalinong wika ng anak.
“Baby, will you be angry if I tell you that he doesn’t know about you,I mean he doesn’t know that he have a son.”

Hindi nakaimik  ang kanyang anak. Paano nga ba nya ipapaliwanag sa isang pitong taong gulang ang mga pangyayari sa nakaraan.
“No, I’m not angry because you’d been here with me eversince I can remember. You’ve showed me how you love me and is loving me still. What’s important is I came to know that I have a father.” Nilapitan sya ng anak at niyakap. “Mama, will I ever have a chance to meet him?”
“I don’t know baby, I’m afraid he might take you away from me. Because he is mad at me, I don’t know.” Devon said crying.
“No, Mama, I will never leave you. Thank you for taking care of me even if you’re alone. I love you Mama.”mahigpit nyang niyakap ang kanyang anak. She thanked the Lord for giving her a brilliant and loving child like Robert James.
 “I love you my baby, always remember that.”
“Same here Mama,I’m happy to have a mother like you.” RJ said and gave her a peck on the cheek again. “So that means, my father is a celebrity in the Philippines. I saw his posters before Ma.”
“Yes baby, he’s very popular, you got your name from him and your Lolo JP. Robert from your Lolo JP, Jaime Rob and James from your father, James Roy.”
“Whoa, you’ve given me the best names ever! Though I haven’t met Papa, wish I know someday it will happen.” Sagot ng kanyang anak. Seeing his son anticipating his meeting with James, brought worries to her.
Pinunasan nya ang kanyang luha at binago ang usapan.
“We’ll be leaving tomorrow morning, so we better pack our luggages. Excited na ang Lola Law mo, your Lolo JP’s sister.”
 “Yehey, I will be seeing Philippines na, How long will we stay there Mama?”
“A month, I guess.” Hindi siguradong sagot nya.
“Will we meet him?”
“I don’t know.” Tipid na sagot nya. Nagkibit-balikat lamang ang kanyang anak at tinakbo ang pintuan ng mayroong mag-doorbell. Hindi nya alam kung magkikita sila ni James, ngunit mas hihilingin nya na hindi magku-krus ang landas nila. Ayaw nyang makagulo dito at kay Tricia.

Si Bret ang bisita nila, kasabay nila itong pupunta ng Pilipinas dahil ipapaasikaso nya dito ang maliit na problema sa Castillanes Group of Companies. Hindi pa sya handang maging visible sa kompanya na pamana ng Lolo at Lola nya. |Taon nalang ang bibilangin upang tuluyan ng mailipat sa kanya ang pagmamay-ari sa kompanya. When she reach 30, she will be the richest single mother in the Philippines.

***

NAIA Terminal 2, Manila Philippines
Hinahanap ng mga mata ni Devon ang mga taong susundo sa kanila. Samo’t-saring emosyon ang nararamdaman nya sa muling pagtapak sa Pilipinas. Palinga-linga sya sa waiting area at hinahanap ang pamilyar na mukha ng Tita Lawrence nya. Nagulat pa sya ng kalabitin sya ni RJ na karga-karga ni Bret.
“Mama, the lady there is waving at us.” Itinuro ni RJ ang kinaroroonan ng taong hinahanap nya. Nakita nya ang ginang na nagmamadaling lumapit sa kanila. Sa kabila ng nagdaang taon, napakaganda pa rin ng kanyang Tita Law. They used to bond a lot when Tita Law visits them in the States before.
“Iha! Oh my, I missed you so much. You’ve grown a lot prettier my dear.” Lawrence greeted her and gave her a big hug. Devon just smiled and held back the tears, she cannot help but cry. She missed her Tita and she longed for her embrace.
“Hi Bret! How’s Jas and the twins?” tanong nito kay Bret. “They’re fine Tita Law.” Sagot naman ni Bret.
Napako ang tingin ni Lawrence kay RJ.  Ininaba ito ni Bret at inutusang lumapit sa ginang. “And this handsome young man is RJ, right?” tanong nito sa kanya. Tumango lamang sya at pinagmasdan ang anak. Nakita nya ang anticipation sa mga bata ng bata. Sabik itong makakilala ng ibang tao maliban sa kanila.
“Come here, my boy. Look how fast time flies, you’re growing!”  natutuwang wika ni Lawrence.
“Hello po, Lola Lawrence. I’m glad I’ve seen and meet you na.”nakangiting wika ng kanyang anak habang nakayakap sa Lola nito.
“Oh my dear, dear RJ, mas Masaya akong nakarga na kita.” Hinalikan ni Lawrence si RJ sa pisngi na malugod namang tinanggap ng bata. “We better get going, tatawagan ko na yung driver para iakyat na dito sa arrival area yung sasakyan.”
Habang hinihintay nila ang pagdating ng driver, kuwentuhan atwalang hanggang kamustahan ang nangyari. Natatawa sya sa kanyang anak dahil lahat ng Makita nitong tao ay nginingitian nito. Marahil dahil sa kadahilanang bihira itong makakita ng Pilipino sa U.K. Aliw na aliw nitong pagmasdan ang mga paroo’t-paritong nilalang. At ang isa pang iniisip nya, baka manibago sa klima ang kanyang anak. Napakalamig sa pinagmulan nila at ngayon ay nasa isang mainit na bansa sila.

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni ng dumating na ang hinihintay nila. “So come on, welcome back Devon, and RJ sweetie, welcome to the Philippines.” Muling bati ng kanyang Tita Law.
Hinila ni Bret ang mga bagahe nila at inilagak sa backseat ng van. Hindi na mapaghiwalay ang maglola kaya hinayaan na lang nyang magkatabi ang mga ito. Inalalayan sya ni Bret na makasakay. “Thank you Bret for everything.” Pasasalamat nya sa kaibigan.
“Nah, don’t mention it. Ikaw pa, you are my sister in disguise” sagot nito na dinugtungan ng tawa bago ito sumunod na sumakay.
“This is it,” bulong ni Devon sa sarili. Eto na ang panahon na kailangan nyang maghanda. Kahit na anong mangyari, magkita man sila o hindi, ang mahalaga napagbigyan nya ang hiling ng kanyang mga kamag-anak. Ngunit sa puso nya, inaasam nyang kahit masilayan lang ang mukha ng lalaking hanggang ngayon ay laman ng puso’t-isip nya.
****
“What’s the matter James?” tanong ni Kaye, isang sikat na RNB singer.
“Nothing, akala ko may nakita akong kakilala.” Sagot niya sa babae. Kararating lang nila sa NAIA Terminal 2. They have a week-long concert in UK para sa mga Filipinos na nakatira at nagta-trabaho sa nasabing bansa. Lilibutin nila ang iba’t-ibang lugar doon .
Hindi na nya dapat tatanggapin ang offer dahil kailangan nya magpahinga. Ngunit as usual ang ate nya ang tumanggap.
“Are you alright?” muling tanong ng babae.
“Yes, don’t mind me. Let’s go.” Pag-aya nya sa babae. Lumabas na sila ng sasakyan kasama ang mga PA at managers nila. Hindi nya mapigilan ang sariling tanawin ang nakaalis ng sasakyan.
“I know it’s him.”bulong nya sa sarili. Sigurado syang si Bret ang nakita nya. Nagtagis ang mga bagang nya ng maalala ang lalaki. Kasabay ng pag-iwan sa kanya ni Devon noon, nawala na din ang lalaki. Malamang mag-asawa na ang dalawa ngayon. Napamura sya sa naisip.
“Shit man, the hell you care!” asik nya sa sarili. Tama, wala syang pakialam sa mga ito. Matagal na nyang kinalimutan ang mga taong iyon. Lalo na si Devon, burado na sa puso at isip nya ang babae tulad ng pagbura nito sa kanya sa buhay nito.

CHAPTER 25

Tuwang-tuwa ang Lolo Jaime nya ng makita sila. Kahit na matanda na ito sa edad na 70 ay malakas pa din ang pangangatawan.
“Iha,masyado na bang matagal ang panahon na hindi tayo nagkita at sa aking paningin ay mas lalo kang gumanda?” turan ng matanda.
“Lolo kayo talaga. Here,” iniabot nya dito ang mga pasalubong nila. Nakatulog ang kanyang anak sa haba ng byahe. Marami ng nabago sa Pilipinas, nagulat pa sya na parang iba ang mga daanan yun pala ay bago na ang lahat ng gusali at naging maayos sa paningin ang Kamaynilaan. Sa bahay ng kanyang Tita sa St. Charbel sa Quezon City sila tumuloy. Maganda at maaliwalas ang Village kaya naman pwedeng maglaro sa labas ang kanyang anak.
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Bret sa kanya habang nagmemeryenda.
“Like what we’ve discussed, ikaw ang lalabas sa kumpanya holding my SPA. Though I can do it myself, ayaw kong malaman ng maraming tao na nandito kami ni RJ sa Pilipinas.”
“If that’s what you like, excuse me po I will just make a phonecall.” Pasintabi ni Bret bago tumayo.
“Ikaw talaga, na miss mo na agad ang TRex mo.”biro nya dito. Tinawanan lamang sya ng binata at agad na itong lumabas. Hindi man nito sabihin alam nyang namiss na nito agad ang pamilya nito.
Natuon ang atensyon nya sa isang Celebrity Magazine. Nakabalandra sa cover nito ang mukha ni James at ni Tricia kissing each other. Kinuha nya ang babasahin at kahit unti-unting lumalalim ang tarak ng punyal sa kanyang dibdib ay binasa pa rin nya. “Soon to wed celebrities, singer James Roy and sexy model Trish kissing each other after James Roy’s concert.”
Matagal nyang pinagmasdan ang larawan ni James sa magazine. “Ikakasal talaga silang dalawa.”wika nya sa kanyang isipan. She took a deep breath and held her tears. She don’t want to cry in front of her Tita and Lolo. Hindi alam ng mga ito kung sino ang ama ni RJ.
“Ang gwapo diba? Sikat na sikat na singer yang si James Roy, sayang nga lang sa isang Trish sya magpapakasal.” Wika ng kanyang Tita.
“Bakit naman Tita? What’s wrong with the girl?” kaswal na tanong nya. Hindi nya ipinahalatang kilala nya at naging bahagi ng buhay nya ang mga ito.
“The girl has a bad reputation in the modeling world. May scandal pa nga dati yang batang yan,Oh well hindi naman sigurado but humors are half-true.” Kibit-balikat na wika ni Lawrence.
“I think you should be resting like RJ, Devon.” Wika ni Bret ng makabalik ito. Kita nya sa mata ng lalaki na nag-aalala ito sa kanya. She saw the sad expression in his eyes. All these years, ito at ang asawa nito ang saksi sa patuloy na pagmamahal nya kay James. Many have tried to win her heart, but they all failed. She cannot love any other man except the father of her child. Kahibangan man iyon, ngunit yun ang nadarama nya. Sinubukan nya ring magmahal ng iba,ngunit nabibigo lang sya. She decided not to fall in love again, RJ is enough for her. At sapat na ang kanyang anak upang maging masaya sya, she have everything a woman could ask for except “him”.
“Bret’s right Iha, go and take your needed rest. Maaga pa naman, I’m sure gising na kayo mamaya in time for dinner.” Wika ng Tita Law nya at iginiya sya papapunta sa silid. Tama ang mga ito, kailangan nya ng pahinga upang maging maayos ang takbo ng utak nya. Tinabihan nya si RJ na tahimik na natutulog, soon he will meet his father and she should be ready when that happens.

****

Tuwang-tuwa ang anak nya sa paglagi nila sa Pilipinas. She didn’t expect that his son would gain more weight. Kitang-kita ang lalong pagsigla nito sa loob lamang ng isang linggong pamamalagi nila sa bansa. Her Tita Law cooks the best food kaya maganang kumain lagi ang kanyang anak. Nawili din ito sa kakapasyal sa iba’t-ibang magagandang lugar sa Manila. Sa susunod na lingo, nais nyang bisitahin ang isang lugar na puno ng alaala.
Sa loob ng isang linggo, walang pagkakataon na nakakita sya ng isa man sa dating kaibigan. Wala na din syang balita sa mga ito. Ang huli nya lang nalaman mula sa kanyang pinsan ay galit ang lahat sa kanya dahil sa ginawa nyang pag-iwan kay James. She sighed, hindi nila alam ang mga pangyayari dahil ni isa wala siyang pinagsabihan.

After that painful day, mabilis niyang nilisan ang Pilipinas. Walang ni isa mang paalam sa kanyang mga kaibigan kaya hindi nya masisisi ang mga ito kung magalit man sa kanya. Nalaman din nyang wala sa bansa si James, hindi nya alam kung ipagpapasalamat ba nya iyon o hindi.
“Mama, where are we going?” tanong ni RJ sa kanya. Kasalukuyan nilang binabagtas ang kahabaan ng EDSA.
“We’re going to check our old house,baby.” Sagot nya sa anak. Bigla nalang nyang napagpasyahan nyang silipin ang bahay nila dati.
“Talaga po? Bahay natin dati?” muling tanong ni RJ.
“Yes little man, we’re going to visit your old house kung saan tumira ang Mama at mga Lolo mo ng nandito pa sila.” Si Bret na ang sumagot sa tanong ng bata. Sumama ito sa kanila upang maging driver.
Nag-uunahang bumalik ang mga alaala ng masilayan nya ang pamilyar na daan patungo sa village. Ang bahay na dating nakatayo sa labas niyon ay wala na, wala na ang dating bahay nila James. Habang papasok sa village, hindi nya naiwasang pangiliran ng luha. “In this place, I spent more than a year in my life.” Sinabi nya sa sarili.  Masokista na ba talaga sya at lahat ng nakakapagpaala sa nakaraan ay binabalikan nya?


****



Ganoon pa din ang kanilang lumang bahay, naroon pa din ang mga gamit nila. Hindi ibinenta ng kanyang ama ang bahay. Kada buwan ay may caretaker na naglilinis doon kaya malinis ito ng datnan nila. She opened the door to her old room, and all the memories of her youth greeted her. She took a photo frame and can’t help herself but smile. Kuha iyon noong 17th birthday nya, ang araw na nagkaroon sila ng mini-concert at ang araw na-
“Mama, can I have this?” putol ng kanyang anak sa pagbabalik-tanaw nya. Napakunot-noo siya ng Makita ang hawak nito.
“Please Ma, this is so cute. Can you give this to me?”nilapitan sya ng anak at niyakap. “Please?” dugtong pa nito sa naglalambing na boses.
Sandali nyang pinakatitigan ang bagay na hawak ng kanyang anak, kinuha niya iyon at niyakap. “Cookie Monster,” wika ni Devon “sure baby, you can have this.”iniabot niya sa anak ang stuffed toy. Of course, his son can have the toy his father has given to her.
“Thank  you Mama, I love Cookie Monster.”
“I love Cookie Monster too, baby. I love him so much.” Bulong nya sa anak.
“Devon.” Tawag ng isang tinig sa kanya.
Nagulat sya ng lingunin nya ang lalaki. At alam nyang tinakasan ng kulay ang kanyang mukha ng makitang nakatitig ito sa kanyang anak.
“What’s the meaning of this?” naguguluhang tanong ng lalaki.
“How did you get in? I didn’t know na dito pa rin kayo nakatira.” Tanong niya kay Patrick.
“I just visited my Mum, I live somewhere in Eastwood. Who is he?” tanong nito na ang tinutukoy ay si RJ.
“What is it to you? At bakit bigla ka na lang pumasok dito?” putol ni Bret sa usapan nila.
“You are Bret right? So tama si James.” Sarcastic na wika ni Patrick.
“Anong tama si James?” inis na sagot ni Bret.
“Will you please stop? My son can hear your bickerings.”pumagitna na sya sa mga ito para matigil na ang argumento. She will talk to Pat, her old friend. “Hey Pat, wala man lang bang “welcome home” dyan?” biro nya dito.
“Your son?” seryosong wika ni Patrick. “Yes, my son. RJ, meet Tito Patrick. Mama’s friend.” Pakilala nya dito sa anak.