Wednesday, 5 January 2011

CRAWL BACK TO LOVE CH. 28

CHAPTER 28
Nasugbu, Batangas
“This is life!” nakangiting wika ni James habang nakaupo sa duyan sa harap ng private cottage nya. Mabuti na lang at maaasahan ang P.A at secretary nya. Naayos agad ng mga ito ang hinihingi nyang bakasyon. Now he’s officially on leave, alone in this place.

 Hindi nya alam kung ano ang itatawag nya sa sarili, dahil sa lugar mismo na yun nya piniling magpahinga. Masokista na yata sya, dahil natatandaan nya ang unang beses na tumapak syang muli sa lugar na iyon. Memories came rushing as he opened the door of that small place. A very special place where that wonderful thing happened.

 Ilang taon na din ang nakakalipas ng bilihin nya ang two-room cottage na yun. Ipina-renovate nya ang cottage upang maging isang malaking pahingahan. He sighed, bakit hanggang ngayon paulit-ulit pa ring bumabalik ang mga alaala ng gabing iyon? Bakit kahit anong siksik at pilit nya sa sarili na kalimutan na ng tuluyan ang lahat ng tungkol sa babaeng yun ay hindi nya magawa. For the past eight years, he kept on denying that he still love her. Kung hindi lang sana ito naging makasarili.

Naputol ang pagmumuni-muni nya ng may mapadaan na isang dayuhang pamilya. He watched them pass by. A picture of a happy family, he thought. Sa tingin nya ay nasa mid-30’s pa lang ang mag-asawa at ang batang lalaking anak ng mga ito ay nasa 6 hanggang 8 taon. The kid caught him staring and he was caught off-guard by the child’s smile. He smiled back as the kid waved his hand as if saying goodbye.
Napabuntunghininga sya habang hinahatid ng tanaw ang pamilya.  Mayroon na sana syang pamilya at anak ngayon kung hindi lang nagbiro ang tadhana. Muling bumangon ang galit sa kanyang dibdib para sa babae. Mapapatawad nya ang ginawang pag-iwan nito sa kanya, ngunit ang kitlin ang buhay ng dapat ay anak nila yun ang hinding-hindi nya mapapatawad.

He have everything now, mula sa simpleng buhay noon masasabi nyang malayo na din ang narating nya. He didn’t want to boast, but if truth b e told, he’s one of the highest paid singer of his generation. Multi-awarded singer and an actor, he couldn’t ask for more. Just one thing – a family of his own.
“Jerk, but you’re getting married.” He told himself. A sarcastic smile formed in his lips, he will marry Tricia hindi dahil mahal nya to. He will try to love her now, more on we he will try harder dahil kahit sa mga nakalipas na taon tanging kaibigan o nakakababatang kapatid pa rin ang tingin nya dito. He wants a child of his own, a child who will inherit all his earnings kaya kahit labag sa loob nya, itutuloy nya ang pagpapakasal kay Tricia.
“Ah, curse you! I will really wring your pretty  neck if ever I see you again!” inis na wika nya. Ngunit sa puso nya naroon ang pag-aasam na magtagpo ang landas nila ni Devon. Hindi nya kahit kailan naisip na hanapin ito. Para ano pa, itinapon sya nitong parang basura at ipinamukha sa kanya ang layo ng agwat nila.  Tumayo sya mula sa duyan at napagpasyahang maglakad-lakad.

Kapag ganoong buwan ay bihira ang mga tao sa resort kaya hindi sya nag-aalalang pagkaguluhan sya. Iilan lang ang nakakasalubong nya habang naglalakad, karamihan sa mga ito ay mga foreigners kaya hindi sya nakikilala. Huminto siya sandali at pinagmasdan ang nalalapit na paglubog ng araw.

“Sunset, how can I hate sunset?”tanong nya sa sarili. Isang pamilyar na tagpo ang tumakbo sa isip nya.
 “Shit man, get a hold of yourself.” Asik nya sa sarili. Kanina pa nya naiisip si Devon, ang mga alaala ng nakaraan. At sa patuloy na paglalakbay ng diwa nya sa lumipas, ang unti-unting pagkabuhay ng lahat ng poot at sugat sa puso nya.

He kicked the sand and continued walking. Huli na ng mapansin nya ang batang tumatakbo. Nabangga nya ang batang lalaki ngunit maagap nya itong nahawakan upang hindi matumba sa buhanginan.

“I’m sorry po, I’m running so fast.” Wika nito. Hindi nya makita ang mukha nito dahil may pinulot itong bagay na nalaglag ng mabunggo nya ang bata. He followed his every move at hindi nya inaasahan ang nakita nyang dinampot nito. Isang Cookie Monster stuffed toy. Talk about sudden rush of memeories. Nakatitig lang sya sa bagay na iyon na kapareho ng ibinigay nya noon kay Devon. A very memorable icon na kinalimutan na din nya at muntik ng isumpa ng dahil sa babae.

“Cookie Monster.” Mahinang sambit nya. Ipinilig nya ang ulo at hinarap ang bata “Ako ang dapat mag sorry, I’m not looking while I’m walking.” Nagulat sya ng makitang titig na titig ito sa kanya. He felt weird, kakaiba ang nararamdaman nya sa titig na iyon. Parang sariling mga mata nya ang nakatingin sa kanya. Hindi nya alam kung parang iiyak ang bata basta nakatitig lang ito.

“Are you  okay kid?” tanong niya. Nilapitan nya ito at sinuri upang matiyak kung wala itong galos. Baka awayin sya ng mga magulang ng bata kapag nakitang may pinsala ang bata.
“You’re the famous singer James Roy, right Sir?” muntik na syang matawa ng magtanong ng seryoso ang batang lalaki. Animo ito isang matanda kung magsalita.
Ngumiti siya at tumango. “I’m RJ Mr. James Roy, nice meeting you.” Pakilala ng batang si RJ at iniabot ang maliit na kamay sa kanya. They shook hands and again, he felt weird again.

“Nice name, RJ. Kabaliktaran ng JR. Ano ang ibig sabihin ng RJ?” tanong nya sa bata. Ewan nya ngunit mas gusto na nyang kausapin si RJ kaysa ipagpatuloy ang paglalakad.

“RJ stands for Robert James, my Mama named me after my father and Lolo.” Pride is evident on the child’s voice. Robert James, parehas sila ng pangalan.

“So we have the same name James.” Tatango-tangong wika nya. The child is looking again at him. He decided to bring him back to his parents dahil baka hinahanap na ito.
“Tell me kung saan ang cottage nyo at ihahatid na kita. Baka hina-” naputol ang sasabihin nya ng may marinig na tumawag sa bata. Nanigas ang likod nya ng magrehistro sa isip nya ang boses ng babae. Muli nyang tinapunan ng tingin ang bata na ngumiti ng matanaw ang tumatawag dito. RJ reminded him of his childhood days. Unti-unti nyang nilingon ang babaeng parating, bagay na sana ay hindi nya ginawa.

****
“RJ!” tawag ni Devon sa anak ng matanawan ito. Kanina pa nya hinahanap si RJ dahil nakahanda na ang gamit nila pabalik ng Manila. Kinabahan sya ng makitang wala ito sa cottage nila. Sinundo sila ng kaibigang si Bret upang may magmaneho sa kanila pabalik ng Manila kay may katulong syang naghanap kay RJ ng hindi nila ito makita. Nagtungo si Bret sa ibang panig ng resort upang hanapin si RJ at sya naman sa dakong iyon. Gumagabi na kaya mas lalo syang natakot na hindi nila agad makita ang anak nya. Mabuti na lamang at nasabi ng napagtanungan nya na nakita sa gawing iyon si RJ.

Lakad takbo ang ginawa nya upang makalapit agad sa anak. Malayo pa lang ay napansin nyang may kausap itong lalaki. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi nya masilayan ang mukha nito, mas lalo nyang binilisan ang paglapit dahil baka ano ang gawin nito sa anak. Kumaway sa kanya si RJ habang ang lalaki naman ay unti-unting lumingon. Ilang hakbang na lang ang layo nya sa mga ito ng mapahinto sya. She feel like she is having her longest walk ever.

She was dead on her tracks when the man finally showed his face. Fate is really playing with her big time! Sa tagal ng araw na inilagi nila sa Pilipinas, bakit kung kelan babalik na sila sa U.K. ay basta na lamang sila pinagtagpo ni James. Ang mas masaklap pa, bakit ang anak nya ang unang nakakita dito.  Nagpatuloy sya sa paglapit kahit na naiilang sya sa titig ng lalaki, hindi nya mabasa ang mukha nito maging ang sinasabi ng mga mata ni James. Natakot sya sa lamig na nakikita nya dito, hindi nya alam kung paano ihahakbang ang mga paa upang makalapit ng tuluyan sa anak. Katabi nito si James, paano sya kikilos ng normal kung natutunaw ang buong pagkatao nya.
“Mama,” salubong ni RJ sa kanya,  tinawid nito ang ilang hakbang na kinatatakutan nyang gawin. Niyakap sya ng anak at bumulong sa kanya “I’m sorry.”
She kissed his forehead and answered “You got us so worried baby please don’t do that again.” Sagot nya sa anak at niyakap ito ng mahigpit.
“Princess Devon Castillanes Palacios.” Sambit ni James sa buo nyang pangalan. Mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla sa muli nilang pagkakatagpo. She straightened up and held his son’s hand. She took the deepest breath in her life and answered the man.

“James Roy Mendez Rivera,” Wika nya. Hinila ni RJ ang kanyang kamay, tinignan nya ang anak at nakita nya ang determinasyon sa mukha nito na nagpapahiwatig na ipakilala na nya ito sa ama. She wanted to cry on that very moment, hindi sa ganitong sitwasyon nya nais na magkita sila. Hindi ganitong reunion ang gusto nya, the situation left her with no choice.  “Meet Robert James, your son.”

Kitang-kita nya ang pagtakas ng kulay sa mukha ni James. Mula sa titig nito sa kanya, bumaba ang tingin nito sa kanilang anak. He stared hard on RJ, samantalang ang anak naman nya ay nakangiti sa ama. Poot ang nakikita nya sa mukha ni James, matagal na nyang pinaghandaan ang pagkakataong iyon ngunit bakit ngayon na nasa mismong sitwasyon na sya ay naduduwag sya.
****
Ilang beses syang lumunok upang maalis ang bara sa lalamunan nya.Mapagbiro talaga ang tadhana. Kanina iniisip pa lang nya si Devon at ang mga posibilidad kung hindi nasira ang relasyon nila. Ngayon kaharap nya ang babae at ang rebelasyon nito na hindi nya alam kung isang masamang biro. Pinagmasdan nya si Devon, ang mga nakaraang taon ay lalong nagkadagdag sa kagandahan nito. She still looked the same, the maturity he is seeing makes her more beautiful.

“What the hell do you mean by that?” malamig na tanong nya kay Devon na mukhang hindi pa nakakabawi sa biglaang pagtatagpo nila.

“I’m sorry James, I lied.” Sagot ng babae. Hindi agad rumehistro sa isip nya ang sinabi nito ngunit ng maunawaan nya ang ibig nitong ipabatid, sumulak  ang galit niya. He crossed the distance between them and held Devon on the shoulder.
“Explain all these bull lady,” he shouted at her. Alam nyang madiin ang pagkakahawak nya sa balikat ni Devon.

“Let me go James” pakiusap nito sa kanya. Nagulat sya ng may sumuntok sa hita nya.

 “Let go of my mother, you’re bad!” narinig nyang wika ng batang si RJ. “I don’t like you anymore, you’re hurting Mama.” Umiiyak na wika ng bata. Nakalimutan nyang may bata silang kasama. Binitiwan nya si Devon at hinarap ang anak. Lumuhod siya upang makapantay ang bata, “My son,” he whispered. Noon nya lang mabuting napagmasdan ang batang si RJ. Naalala nya ang mga larawan nya noong bata pa sya, kamukhang-kamukha nya si RJ. Maybe that’s the reason why he felt weird upon seeing the child. But he wanted to make sure, he just needs to know one more thing.
“How old are you RJ?” tanong nya. Hindi ito sumagot at ni hindi lumingon sa kanya nakayakap lang ito sa ina. Narinig nyang inutusan ito ni Devon, saka pa lang sumagot ang bata. “I’m seven.”
He greedily took some breath because he needed that to calm his raging emotion. Matagal na panahon syang nagluksa para sa wala at ngayon kaharap nya ang dahilan ng lahat ng kanyang pagluluksa.
“You better explain this Devon, now.”utos nya dito. Baka sumabog na ang utak nya sa mga naiisip nya. Bakit puro kasinungalingan ang ibinalik sa kanya ng babaeng minahal nya noon. Pagkamuhi na yata ang nararamdaman nya dito.

“Bret, please take RJ away. We just need to talk, privately.” Narinig nyang wika ni Devon. Hindi nya namalayang nakalapit na pala si Bret sa kanila. “If he hurts you, I will never forgive him. Sorry Devon pero hindi ko gustong mag-usap kayong dalawa ng sarilinan.” Sagot ni Bret na may nanghahamong titig. Hindi niya inurungan ang titig ng lalaki, kung gulo ang gusto nito ibibigay nya iyon. Ngayon pa na gusto nyang manapak dahil sa mga pangyayari.

“I can manage, don’t worry. Mag-uusap lang kami. Please,” niluhod nito ang anak, “Baby, Mama’s going to talk with your father. Go with Tito Bret and help him prepare our things.” Tumutol ang anak nila ngunit kinausap ito ni Bret. Nakamasid lamang siya habang nagdidiskusyon ang mga ito. Selos ba ang nararamdaman nya dahil sa nakitang pagsunod ng bata sa lalaking iyon. Naisip nyang si Bret ang katulong ni Devon na nagpalaki kay RJ dahil asawa na ito ni Devon. Nang makaalis ang dalawa ay muli nyang hinarap si Devon.
“I’m losing my patience woman, I need to know everything!”tinalikuran nya ito. He’s sure she will follow her. They will talk in his cottage, the very same place where that wonderful thing happened .

****
Devon stopped when she saw the place where James is taking her. She remembered that cottage even if it doesn’t look exactly like before. James is waiting for her on the doorsteps, she couldn’t read his emotions. She took a deep breath and entered the cottage.

“Anak ko si RJ, Devon tulad ng sinabi mo. Bakit sinabi mong ipinalaglag mo ang anak ko?” asik agad nito sa kanya. Inisang hakbang sya nito at tulad kanina ay naramdaman nya ang sakit sa paghawak nito sa kanyang balikat. “Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko Devon, hindi, kaya ipaliwanag mo sa akin kung paano mo nagawa ang lahat ng kasinungalingang iyon.”
Ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan ay nagsimula ng umagos, tulad ng inaasahan nya sa kanya lahat ng sisi.
“Magsalita ka Devon, walong taon! Walong taon akong nagmukhang tanga.” Dagdag pa nito.
“I’m sorry James, ginawa ko yun para sayo. Para sa ikabubuti mo, for you to reach your dreams James.”lumuluhang sagot nya dito.
“Spare me that crap, para sa akin ha? O para sa sarili mo.” Tinalikuran sya nito at narinig nya ang mahinang pagmumura nito. “May anak ako, ang batang pinagluksa ko ng mahabang taon ay buhay pala.” Mula itong humarap sa kanya.

“You’ve stolen eight years of my life Devon, I won’t forgive you for that! Walong taon ang nasayang, mga taon na sana kapiling ko ang anak ko. Bakit ipinagdamot mo sa akin ang pagkakataong maging ama Devon? Bakit ipinagkait mo ang mga panahon na dapat ako ang kasama ng anak ko? Bakit?” puno ng hinanakit na wika ni James.

“Ginawa ko ang lahat ng iyon para sayo James. I won’t make a sacrifice if its not for your good!” maikling paliwanag nya dito.
“Makasarili kang babae, kaya huwag mong sabihin na para sa akin ang ginawa mo. Dahil hinding-hindi ako maniniwala sa mga dahilan mo!”
“You have no right to tell me those words because you doesn’t know what I’ve been through! You don’t know a bit James. Hate me all you want but believe me or not, I did that because of you, because I  loved you!” tinalikuran nya ito. Gusto na nyang umalis sa lugar na yun ngunit pinigilan sya ni James.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap, I want to claim my right over my son. Kahit sa hukuman pa tayo magkita, gusto kong makasama ang anak ko. Wala akong pakialam kung papayag ka o hindi, basta gagawin ko ang lahat makasama ko lang si RJ.” Banta nito sa kanya.
Hindi sya sumagot, inasahan na nyang sasabihin iyon ng lalaki. She will talk to him again kapag malamig na ang sitwasyon. “I’m sorry again, I know it’s unforgivable but please, I did it for you,  believe me or not.” Wika nya bago tuluyang lumabas ng cottage ni James. Sinundan sya nito at nagwika,
“Hindi mapapawi ng kahit ilang libong sorry mo ang panlolokong ginawa mo sa akin. Mapapatawad ko ang pag-iwan mo sa akin, pero ang pagtatago sakin ng katotoohan, ewan ko Devon. Ewan ko.” He said and left her.
 She cried while slowly running, she wanted to be away from that place back in her child’s embrace. She needed to feel the little hand of her child wiping her tears. She gets comfort from her son, from her little boy who will be taken away from her by his father. She dreaded that day because she cannot bear a day without her son on her side.
****
All their bags are already packed and they are ready to leave Batangas. Mas maayos na ang lagay nya kumpara kanina. Kalahating oras pa lang ang nakakalipas matapos na mag-usap sila ni James. Alas otso na ng gabi at malapit na silang bumalik sa Manila. Inilalabas na ni Bret ang mga gamit nila habang naiwan silang mag-ina sa loob. Kapansin-pansin ang kanina pa pananahimik ng kanyang anak.
“Hey baby, what’s wrong?” tanong niya dito. Umiling lang ang bata habang nakatitig sa Cookie Monster stuffed toy. Mabilis nyang inalis ang paningin sa laruan dahil mukha ng binatilyong si James ang nakikita nya. Her heart skipped a beat kaninang muli nya itong makita. He still have the same effect on her, a proof that her love for the man is still the same.
“Are  you not feeling well? Tell Mama please, ang tahimik mo kanina pa.”
“He doesn’t like me and his angry with you.” Naluluhang wika ng anak. She understood what he meant, kinalong nya si RJ at niyakap.

“No, he likes you. Infact he loves you. He wants to be with you alam ko yun.But maybe some other time dahil babalik na tayo ng U.K. bukas diba.” Wika nya sa anak.

“Walang aalis ng bansa  Devon, dito lang ang anak ko.”nagulat sya ng marinig ang boses ni James. “Kanina pa ko nandito at narinig ko ang lahat ng usapan nyo.” Lumakad ito at niyuko si RJ na kalong nya ngunit may ibinulong muna ito sa kanya. “we will talk”tumango na lang sya bilang pagsang-ayon
“My child, sinong nagsabing hindi kita gusto? You don’t know how happy I am to meet you.”
“See baby, your father is glad,” kinalas nya ang pagkakayakap nito sa kanya. “Go and give your father a hug.”her son looked at her and kissed her on the cheek. Hindi niya alam kung para saan ang ginawa nito. Mabilis na bumaba si RJ mula sa kanyang kandungan at lumapit sa ama. She saw the emotions on James’ face. She knew, he was holding back the tears dahil sa paglunok-lunok nito.
Niyakap agad nito si RJ ng makalapit ang bata. “My son,” sambit ni James. 
“Can I call you Papa now?”tanong ni RJ.
“Of course call me Papa dahil ako ang ama mo. You are my child, I love you so much.”muli nitong niyakap ang anak. Sa pagkakataong ito hindi na nito napigilan ang luha na dumaloy. Their meeting, like every reunion, was filled with tears. Minabuti nyang iwanan sandali ang mag-ama. She let James savor the moment, she owed it to him. At mukhang hindi sila makababalik agad ng U.K.. Bahala na, at sana maging maayos ang muling pag-uusap nila ni James.

2 comments:

  1. naiyak naman ako dito :((

    ReplyDelete
  2. i can feel James' rage!!
    waaaaaaaaaaaaaaahhh!!!

    nakapagtimpi siya, infairnez!
    kung sa real life yun i think deserve ni girl ang isang sampal!!wahahahaha!!

    yawat na yun!! tyeeet!


    " “Walang aalis ng bansa Devon, dito lang ang anak ko.”nagulat sya ng marinig ang boses ni James. "

    >>i love this lines!!

    ReplyDelete