Wednesday, 5 January 2011

CRAWL BACK TO LOVE CH. 26-27


CHAPTER 26
Nakita ni Devon ang matiim na paghagod ni Patrick sa kabuuan ni RJ. From anger to confusion, ang hindi pagkapaniwala ay bakas sa mukha nito.  Hanggang basagin ni RJ ang katahimikan ni Patrick.
“Hi Tito Patrick, nice meeting you po. I’m Robert James but you can call me RJ.”  Mahabang litanya ng kanyang anak. Iniabot pa nito ang maliit nakamay sa lalaki.
“Hello there, RJ. Nice meeting you too.” Nakangiting wika ni Patrick habang tinatanggap ang pakikipagkamay ng bata.
“Bret, please ikaw na muna bahala kay RJ, we’re gonna talk for a while.” Pakiusap nya kay Bret. Mas magandang kausapin nya si Patrick para makibalita sa lahat ng nangyari sa nakalipas na 8 taon at kung makikinig ito sa paliwanag nya.
“Sure, but if there’s any problem just call me. Come on kiddo, let’s ransack your Mama’s old room.”pag-aya nito sa kanyang anak.
Inaya nya si Patrick sa dating study room ng kanyan ama. Hindi pa sila maayos na nakakaupo ay nagsalita na ang lalaki.
“What happened Devon? Ano ang tunay na nangyari? Si RJ-”
“Tell me Pat, do you think I can hurt James without any reason?” tanong nya dito. Hindi nakaimik ang lalaki. Isa si Patrick sa mga saksi kung gaano nya minahal si James. Sa batang puso nya, natuto syang magmahal ng totoo at hindi nya gagawin ang lahat ng iyon kung hindi nya mahal si James.
“Be honest with me Devon, I can see that RJ looks exactly like James. Ano ang hindi ko nalalaman?”
She sighed, “I will tell you a story once upon a time, but I don’t know if you’ll believe me. I just hope you do.” Sinimulan nyang ikuwento kay Patrick ang lahat.  Tahimik lang na nakikinig ang binata.
Napahinto sya ng makita ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. Umiiyak na pala sya ng hindi nya namamalayan. Nasa parte na sya ng kwento na pinakamasakit sa kanya – ang iwanan si James.
“Ano ang dahilan Devon? Why did you left him?” tanong ni Patrick. Hindi nya alam kung dapat nya bang sabihin dito ang napag-usapan nila ni Ate Ann. Nangako sya sa babae na walang makakaalam ng mga napag-usapan nila.
“In time Pat, you’ll know. Sapat na ang malaman mong kahit kalian ay hindi ko niloko si James.” Malungkot na wika niya. Namalayan nyang yakap na sya ng kaibigan, in his shoulders she cried again. Nabuksan ang lahat ng sugat nya sa pagku-kwento ng nakaraan kay Patrick.
“I’m sorry if I’ve judged you Devon. Hindi lang namin alam ang nangyari. Bigla ka na lang nawalang parang bula.”
“It’s okay Pat, may kasalanan din ako sa inyo. Hindi man lang ako nagpaalam,” sagot nya sa kaibigan. “Now its your turn, ano ang nangyari sa mga kaibigan natin?”
Sandaling nag-isip si Patrick, alam nyang hindi pa masyadong kumbinsido ang kaibigan dahil hindi nya nabanggit ang mga pinakadahilan kung bakit nya iniwan si James. Ngunit bandang huli ay din ay nagkwento na ito. Nalaman nyang si Ivan at Fretzie ay matagal ng mag-asawa at sa U.S na nakabase ang pamilya, si Ryan ay bumalik na si Korea, at si Joe ay isa ng magaling na doctor na nasa Medical Mission sa Africa. Natutuwa sya para sa mga kaibigan, lahat sila ay matagumpay na tulad nila James at Tricia, si Patrick ay isa ding TV personality, ngunit sa ibang larangan ito.  Nalaman nyang ito pala ang writer ng mga children shows sa istasyong kinabibilangan ni James.

“Big time ka na pala Pat,”biro nya dito.
“Big time ka dyan, mukhang mabait na bata si RJ-” naputol ang sinasabi ni Patrick o ng magring ang cellphone nito. “Excuse me.”paumanhin ng binata. Mukhang hinahanap na ang kaibigan nya ng kung sinomang kausap nito at base sa naririnig nya babae ang tumawag dito. Mukhang ang girlfriend nito iyon.
“I think I have to go. I forgot may meeting pala ako.” Natatawang wika ni Pat.
“Meeting or date?” tudyo ni Devon.
“Meeting talaga, silly.” He paused and spoke again “It’s Ann, dumating na daw si James.” Wika ni Patrick.
“Oh, I see.” Tipid na sagot nya.

“Devon, I think you need to know this-” naputol na naman ang sasabihin nito ng marinig nila ang malakas na palahaw ni RJ. Napatakbo syang bigla sa lugar ng kanyang anak. She was scared to death when she saw blood coming from his son’s head. Wala si Bret sa paligid kaya napagtanto nyang nag-iisa ang kanyang anak. Agad nyang dinaluhan ang umiiyak na anak.
“Baby, what happened? Bret where are you? Let’s take RJ to the hospital!” tinapalan nya ng malinis na damit ang sugat ng kanyang anak. Mamaya na nya aalamin kung ano ang nangyari dito. Nakita nyang humahangos si Bret mula sa labas at namutla ito ng makita ang nangyari kay RJ.
“I’m sorry Devs, tumawag kasi si Jasmine.”hingin paumanhin ng kaibigan habang tinatahak nila ang daan patungo sa sasakyan.
“No, it’s okay. Kailangan lang maagapan ang sugat nya.” Sagot niya sa kaibigan. “Baby, stop crying ok. Mama’s here, we’re gonna bring you to the doctor.” Kausap niya sa anak. Pahikbi-hikbing tumango ang bata. Nakalimutan nyang naroon nga pala si Patrick. Pasakay na sila ng kotse ng maalala nya ito.
“Pat, I’m sorry about this but, we need to go.”
“Okay lang, here” iniabot nito ang isang calling card. “Sa susunod ko na lang sasabihin sayo ang dapat mong malaman, call me.” Bilin ni Pat kay Devon.
“Sure, I’ll do. We need to go, nice seeing you again friend.” Paalam nya sa  binata at dali-daling sumakay na sa kotse. Kung ano man ang sasabihin pa ni Patrick ay makakapaghintay. Mas importante ang kalagayan ng anak nya ngayon. Hindi pa din tumitigil ang pagdurugo ng sugat nito. Mabuti na lamang at hindi masyadong traffic kaya naman namalayan na lamang nyang ipinaparada na ni Bret ang sasakyan sa parking ng Makati Med.

Agad na dinaluhan ang kanyang anak ng isang nurse at inalalayan sila papunta sa emergency room. She begged them that she wants to stay with his son, bagay na tinutulan ng mga ito ngunit napapayag din nya ng umiyak ng malakas si RJ.
“Hush, my baby. I will stay here with you don’t worry.” Wika nya sa anak habang hawak ang kamay nito. Naiwan si Bret sa waiting area, mamaya na nya kakausapin ang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang guilt sa nangyaring pagkakahulog ni RJ sa upuan at ang pagtama ng ulo nito sa matulis na bahagi ng isang mesa.
Hindi talaga kaya ng kalooban niya ang makita ang anak na nasa isang ospital. Matapos malapatan ng lunas ang kanyang anak ay inilipat ito sa isang private room para maobserbahan ng isang araw. The doctors want to make sure that RJ has no serious  head injury maliban sa medyo may kalalimang sugat nito.
“Devon, go and eat something.Mag dinner ka na, ako na muna ang magbabantay kay RJ.”
“Hindi ako nagugutom,”tipid na sagot ni Devon.
“I insist, kailangan mong kumain,” hinila sya ni Bret patayo. “Kahit sandwich lang, isusumbong kita kay RJ. Sasabihin kong hindi ka kumain para bantayan siya.” Pananakot pa ng binata.
“Don’t do that”inis na wika niya.
 “I will, I’m telling you my friend, magu-guilty ang anak mo. Kaya kung ako ikaw, be a good Mama and eat something.” Marahan siya nitong itinulak papunta sa pintuan.
She sighed, “Ok, you win,” nilapitan nya ang tulog na anak at maingat itong dinampian ng halik sa pisngi. “I’ll be back baby.” Paalam nya sa anak at naglakad na palabas ng silid.
Mahigpit na ibinilin ni Bret na kumain sya, dahil malalaman daw nito kung hindi sya kumain at talagang magsusumbong sa anak nya. Napangiti nalang sya dahil minsan parang bata mag-isip ang kaibigan niya.

****
Habang naglalakad ay nakatanggap sya ng tawag mula sa kanyang ama.
“Hi Dada, how’s the cruise?” tanong niya agad dito.
“We’re enjoying my dear. We just want to hear your voice kaya ako tumawag. At siyempre para kausapin ang apo ko.” Masayang wika ni JP mula sa kabilang linya.
“My girl, how are you?” narinig nyang wika ng kanyang ina. Nalaman nyang naka speaker phone ang mga ito kaya naririnig sya ng lahat.
“Hello Mum, Lolo and Lola. Missing you all.” Bati nya sa mga ito.
“Hi Iha, kamusta ang pinakamaganda kong apo?” tanong naman ng Lolo Ignacio nya. Malakas na ulit ang pangangatawan nito. Simula ng maoperahan ito, naging maingat na ang lolo niya sa kalusugan nito. Bagay na ikintuwa ng Lola Vanna nya.
“Can we talk to RJ, princess?” wika ng kanyang ama.
Hindi nya alam kung paano sasabihin sa mga ito na nasa ospital sila ngayon. Siguradong katakot-takot na sermon na naman ang aabutin nya tulad noon g malaman ng mga itong  pupunta sila ng Pilipinas.
“Devon, are you still there?” narinig nyang tanong ng kanyang ina.
“Yes, Mum.” Sagot nya habang palinga-linga upang maghanap ng makakainan.
“Where’s my boy?  Is he enjoying your stay there?” muling tanong ni JP.
“Ahm, Mum Dad, Lola and Lola, I need to tell you something.” Panimula niya, “we’re in the hospital right now. RJ had-”

Hindi pa nya tapos ang sinasabi ngunit sabay-sabay na “What?” ang kanyang narinig. Matatawa sana siya kung nasa ibang sitwasyon sila, ngunit alam nyang hindi matutuwa ang mga ito. Pahapyaw nyang ikinuwento ang nangyari at iniwasang masisi ng mga ito si Bret.
“Don’t worry he’s fine now,”pagkalma nya sa mga ito.
“I don’t want to command you my child, but now I’ll do. Please bumalik na kayo sa U.K.” utos ng kanyang ama.
Napaisip sya, yun din ang gusto nyang mangyari. Ngunit may gusto pa syang puntahan bago sila bumalik sa nasabing bansa.
“Yes, Dada, we will be back soon. Bago kayo makabalik doon, nauna na kami ni RJ.” She told her parents.

“Just promise us that whatever happens there, you will inform us.” Her mother asked in a worried voice.
“Yes Mum, pro-”naputol ang kanyang sasabihin ng maramdaman nyang nabangga sya.
“Gosh, how can you be so stupid! Look where-” nagtaka sya kung bakit hindi naituloy ng nagsasalita ang sinasabi. Sa pag-angat nya ng paningin upang tignan ito, nahiling nyang sana ay hindi nalang sya umalis sa kwarto ng kanyang anak. Bakit sa dinami-dami ng makakabangga nya, bakit ang taong ito pa.


CHAPTER 27

“Devon, it’s you.” Hindi alam ni Devon kung anong uri ng emosyon ang mababakas sa sinabi ng babae.  Salat sa kagalakan at hindi natutuwa ang tinig nito. Bakas din sa mukha ng babae ang pagkabalisa at panandalian lang ang gulat na nakita nya sa magandang mukha nito.
“Tricia, yes it’s me.” Tipid na sagot nya. Sa dami ng tao sa ospital na yun, bakit si Tricia pa ang nakabangga nya. Ano ang ginagawa nito sa mataong lugar na yun. Nakita nyang inayos nito ang malaking dark shades na nakasuot dito, pasimple nyang pinagmasdan ang dating kaibigan. Maganda pa din ito tulad noon, ang mestizang ganda nito ay lalong tumingkad noong naging modelo ito.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka bumalik?” sunod-sunod na tanong ni Tricia. Galit ito, at yun ang hindi nya maintindihan.
“Mum, Dad I’ll call you back.” Paalam niya sa mga magulang kahit na narinig nya ang protesta ng mga ito ay pinatul na nya ang tawag. Muli niyang hinarap si Tricia,
“Nasa bakasyon kami,kamusta na Tricia?” tanong niya.
“I’m perfectly fine. Just to let you know, James and I are going to get married.” Itinaas pa nito ang kamay kung saan nakasuot ang engagement ring nito. “ And I would like to ask you, to never show up.” Diretsang sagot ni Tricia.
Hindi pa rin nagbabago ang babae, kung gaano ito kaisip-bata noon ganon pa din ito ngayon. “Don’t worry me and my son are going back to where we belong. And I don’t care a bit if you’ll marry him” inis na din na sagot nya dito.
“Your son, so you have a son. And that makes you a married woman, attached. Hmm, good” tango-tangong wika nito. Nakasilay ang nakakalokong ngiti dito, at ang kislap sa mga mata ni Tricia ay nagpapahiwatig ng tagumpay.
“I need to go, excuse me.” Hinging-paumanhin nya sa babae.
“Go ahead, I’m going anyway.” Tinignan sya ni Tricia mula ulo hanggang paa. A sarcastic smile is visible on her face. “Good to see you again, Mrs. Devon.” Idiniin pa nito ang salitang “Mrs.”. She just shrugged her shoulders and walk towards the cafeteria. She doesn’t know if she can eat. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Tricia,  parang lalong naubos ang lakas nya. Bahala na bukas, nasisiguro naman nyang hinding-hindi nito babanggitin kay James na nagtagpo ang kanilang mga landas.
****
“Shit! What a good day!” inis na wika ni Tricia. Doon sya sa private elevator dumaan upang walang ibang makakita sa kanya. Hindi nya akalaing magku-krus ang landas nila ni Devon. Ngayong nalaman nyang may pamilya na si Devon, balewala na sa kanya ang presensya nito. Hindi sya manhid upang hindi mahalatang hanggang ngayon ay ito pa rin ang mahal ni James
Galing sya sa opisina ng doctor-OB GYNE nya. Nagpatingin sya dito upang masiguro ang hinala nya. Hinding-hindi sya papayag na mangyari yun, makakasira yun sa career nya at sa relasyon nila ni James..

She did everything para kay James, ginawa nya ang lahat upang mahalin din sya ng lalaki. At ngayon, kahit alam nyang hindi pa siya lubusang mahal nito, masaya na sya dahil malapit ng maging kanya ng tuluyan si James.

Napakahabang panahon na nyang minamahal ang lalaki, at ng biglaang umalis si Devon, nagkaroon sya ng pagkakataon na mapalapit ng husto dito. Bagay na ikinatuwa ng Ate Ann nito. She knew from the start na gusto ng ate nito na sya ang makatuluyan ng kapatid. Madaling mabola ang ate ni James, she gave her everything that she asked for. Maluho ang babae, at laging gusting magkaroon ng mga bagay na hindi nito kayang bilhin.
 “I can’t let this happen, I need to do something!” gigil na wika nya. Dahil sa isang project na gusto nyang makuha, she did “it” again. At problema ang dulot nito, how can she tell James that she is pregnant without him touching her?
“Stupid me!” she needs to convince James, even if she needs to seduce him to the core she will. Dapat may maganap sa kanila upang si James ang managot sa batang dinadala nya. She couldn’t imagine herself marrying that balding photographer. Hindi nya maunawaan kung bakit sa tagal ng pinagsamahan nila ni James, kahit minsan ay hindi nito nilaliman ang relasyon nila. Kahit na minsan sya na ang nag-iinitiate, hinding-hindi bumibigay ang lalaki. Ngunit ngayon, kailangan nyang maging mas agresibo dahil nakasalalay sa gagawin nya ang buhay pag-ibig nya. She cannot lose James, hinding-hindi. Marami na syang sakripisyo dito.
“Never James, you are mine. Wala na kayong pag-asa ni Devon, kaya akin ka na.”she laughed. Matulin nyang pinaandar ang sasakyan upang marating ang condo unit ng binata. They will celebrate tonight, kung kailangang lasingin nya ito ay gagawin nya.
****
Two days after RJ was discharged from the hospital, she received a call from Tricia. Nais ng babae na magkita sila, she seems very insistent kaya pumayag sya. Nakiusap itong kung pwede nyang isama ang kanyang anak. But she said no, ayaw nyang makita nito si RJ dahil natatakot sya kung ano ang sasabihin nito sa harapan ng bata.
“Tita Law, kayo po munang bahala kayRJ. I’m going to meet a friend and I’ll be back as soon as I can.” Bilin nya sa tiyahin.

“Mama, hindi po ba ako pwedeng sumama?” tanong ni RJ, sa ilang araw na pamamalagi nila sa bansa ay nagiging matatas na itong magtagalog.
“Nope, baby.  May benda ka pa oh,” itunuro nya ang nasa ulo nito. Mabuti na lang at maliban sa sugat ay wala ng ano mang pinsala ang kanyang anak.  Masigla na ulit ito, minsan ay nagiging makulit ito sa pagtatanong kung kelan nito makikita ang ama. But when she told him that she don’t know, he will stop asking.
“Okay, I’ll just wait for you here. Ingat ka po Mama.” Paalam ni RJ at niyakap sya ng mahigpit. Hinalikan nya ito sa pisngi at muling nagpaalam. She took a cab and aked the driver to bring her to the place. Sa isang hindi kilalang restaurant pinili ni Tricia na magkita sila. Nasa Quezon City rin lang iyon kaya  medyo malapit lang sa kanila. Dahil wala si Bret ay napilitan syang magtaxi na lang. Bret has finished fixing the problem in their company so she asked him to go back to U.K. Alam nyang nami-miss na nito ang pamilya nito. Sinabi nya sa kaibigan na sunduin na lamang sila nito kapag aalis na sila ulit sa Pilipinas.
Naroon na si Tricia ng makarating sya sa lugar. Naka dark shades ulit ito at simple lang ang ayos. Ngunit nakakaagaw pa rin ito ng atensyon sa mga parokyano ng restaurant. Hindi ba nito naisip na kahit sa simpleng ayos nito ay makikilala pa rin sya ng mga tao. Sikat na modelo si Tricia kaya hindi maaalis sa mga tao sa paligid na tapunan ito ng tingin.

****
Natanaw nyang palapit na si Devon. Rage flooded her being. Nagsinungaling ito sa kanya. Bakit hindi nito sinabing anak nito kay James ang tinutukoy nitong anak.
Napamura sya ng maalala si James. Nang gabing plinano nyang akitin ito ay hindi nya naabutan ang lalaki sa unit nito. Nalaman na lamang nyang umalis ito ng Manila, at ayaw sabihin ng PA kung saan nagpunta ang lalaki. Kahit si Ann ay hindi alam kung nasaan ang kapatid. Bigla na lang nagpasya si James na magbakasyon. Nalaman nilang nakapagpaalam na pala ito sa mga big bosses na magbabakasyon muna. Galit na galit sya dahil binalewala na naman sya ng lalaking iyon. Ginawa sya nitong tanga. At ngayon problema pala ang hatid ni Devon, anak nito at ni James ang batang binanggit nito. Kung hindi nya pa narinig ang usapan nila Patrick at Ann ay hindi nya malalaman ang katotohanan. Naging kampante sya noong una dahil inakala nyang wala ng pag-asa sila James at Devon. Ngunit ngayon, mas lalong hindi sya papayag na maagaw muli ng babae ang kanyang si James. . Naalala nya ang usapan ng magkasintahang Patrick at Ann.

***
“Bakit mo nagawa yun?” galit na boses ni Patrick ang nakapagpahinto kay Tricia. Kakatok na sana sya upang kausapin ang dalawa na hanapin nila si James. Ngunit mukhang seryosong ang usapan ng mga ito. Napagpasyahan nyang makinig na lang sa usapan ng dalawa.
“Alam nyong lahat na sa simula pa lang ayaw ko sa babaeng yun, I don’t know. I just hate her.” Sagot ni Ann.
“Kahit pa ayaw mo sa kanya, dapat hindi mo ginagawa yun. Kapag nalaman ng kapatid mo ang lahat tingin mo ba mapapatawad ka nya?” Hindi nakaimik si Ann. Nagsimula ng tumulo ang luha nito.
“I’m sorry Pat, gusto ko lang magtagumpay ang kapatid ko. Ano ang magiging kinabukasan nya kung maaga silang nagpakasal ni Devon, tingin mo ba magiging ganito kaganda ang buhay naming?” paliwanag ng babae
“Selfishness!  I can understand that you only wanted James to have a better future. Ngunit yung sabihan mo si Devon na ipalaglag ang anak nila ni James.My goodness Ann, pamangkin mo yun!”galit pa ring wika ni Patrick. Nagulat si Tricia sa narinig. Nabuntis ni James si Devon at wala silang kaalam-alam doon.
“I know, ngayon ako nagsisisi kung bakit ko nagawa yun. Walong taon ng nagsu-suffer si James, Patrick. At ang sinabi kong dahilan kay Devon upang umalis sya ay nagkakatotoo.I’m afraid Patrick.” Yumakap ito sa nobyo at patuloy na umiyak.
“What do you mean? Walang sinabi sa kin si Devon na dahilan mo, ang sabi nya lang kinausap mo sya.”
Hindi iyon sinagot ni Ann, iniiwas nito ang mukha kay Patrick, “I need to talk to James, kailangan munang malaman ng kapatid ko ang lahat bago sila magkita ni Devon.”
“Pero saan natin hahagilapin ang magaling mong kapatid? Nawala na lang parang bula. I still can’t believe it Ann, mahabang panahon na galit ang nasa puso ni James para kay Devon. He believed that Devon fooled her. Sakripisyo ang ginawa ni Devon para sayo. Naawa ka sana sa kapatid mo hindi yung sarili mo lang ang inisip mo.” Kinalas ni Patrick ang pagkakayakap ni Ann dito.
“Where are you going? Don’t leave yet.” Pakiusap ni Ann.
“Kailangan ko munang mag-isip, I’m so disappointed. I’m going.” Tumayo na si Patrick at tinungo ang pinto. “You have to see the kid for yourself Ann, kamukhang-kamukha ni James.”pahabol pa ng lalaki. Mabilis na nagkubli si Tricia sa gilid ng sumunod na unit. Papalipasin nya ang ilang saglit bago sya pumunta kay Ann, magpapanggap syang wala syang narinig at nalaman. Hinding-hindi nya sasabihin dito na alam na nya ang tungkol kila Devon at sa batang si RJ.
****
“Hi Tricia” bati niya sa dalaga. Napansin niyang bahagya itong nagulat, mukhang galing ito sa malalim na pag-iisip
“Hello there, have a seat.” Sagot ni Tricia. Tinawag nito ang waiter at sinabing ilabas na ang pinahanda nya. She didn’t mind that the woman already ordered something for her. Hindi naman sya magtatagal, gusto nya lang malaman ang sasabihin nito.
“It’s ok Tricia, I won’t stay long. Can we talk now, kailangan ako ni RJ.”
“Sayang hindi mo isinama ang anak mo, I really want to see him. Care to tell me kung anong ibig sabihin ng RJ?” eager na tanong ni Tricia. Hindi sigurado si Devon kung sasagutin nya o hindi ang babae. Ngunit ng ulitin nito ang tanong, minabuti na lang nyang sabihin dito.
“Robert James.”tipid na sagot nya at hindi nya kinakitaan ng ano mang emosyon ang mukha ng kaharap.
“Robert James, magandang pangalan. And I bet gwapo din yun tulad ng ama nya.”wika ni Tricia na nakatingin ng diretso sa mga mata nya.
“She knew”, she told her self. Bago pa sya nakapagsalita ay  may inilabas si Tricia at iniabot sa kanya. Isa iyong medical certificate na nagsasabing buntis ito.
“Yes Devon, I’m pregnant at alam mo na siguro kung sino ang ama.  I’m begging you, huwag na kayong magpakita kay James. Ikakasal na kami, please Devon.” Pakiusap ng babae, umiiyak na ito.
Hindi pa rin sya umiimik kaya muling nagsalita si Tricia. “Alam kong alam mo ang pakiramdam na ang iyong anak ay walang kikilalaning ama. Please Devon, I don’t want my child to grow up without a father.” Samo nga babae sa kanya.
“Bakit ka nakikiusap sakin kung ikakasal na kayo ni James? What’s the problem?” tanong nya. Ano pa ba ang gusto nito, ikakasal na ito kay James at siya ay hindi gumagawa ng paraan para makausap ang lalaki. Tanging sa tadhana sya nakaasa, kung magkikita sila nito o hindi.
“Dahil alam kong magugulo ang isip niya kapag nalamang narito ka sa Pilipinas, at lalong-lalo na kapag nalaman nyang buhay ang anak nyo.”mariing wika ni Tricia. “Makikiusap ako sayo ng paulit-ulit Devon, parang awa mo na, umalis na kayo ng Pilipinas.” Wika ni Tricia bago ito tumayo. Naintindihan nya kung bakit aalis na ito, masyado na itong nakakahatak ng atensyon.  Ngunit bago ito umalis ay may sinabi sya dito.
“Hindi ako mangangako na gagawin ko ang gusto mo, pero maging panatag ka. I won’t let any child suffer again.”  Tinitigan lamang siya ni Tricia bago ito tuluyang umalis. Panibagong sugat sa puso nya ang sinabi nito. Magkakaanak si James at Tricia, magpapakasal ang mga ito. Masuwerte ang magiging anak nila dahil hindi nakaranas ng mga naranasan nila ni RJ.
She stayed for a while, at nag-isip ng mabuti. She talked with Bret over the phone to arrange everything para sa pagbalik nila sa U.K. Tatlong araw mula ngayon, babalik na sila sa bansang kinalakihan ng anak niya. Magkita man sila ni James o hindi, nakapagdesisyon na sya. Tatapusin na nya ang pagbisita sa bansa at nasisiguro nyang matagal pa bago sila bumalik doon. Hindi niya hahayaang ang isang walang muwang ay madamay.
She hailed a cab again pabalik sa bahay ng Tita nya. Bukas ay itutuloy na nya ang balak na pagpunta sa isang lugar na bahagi ng kanyang nakaraan. Doon nila gugugulin ng kanyang anak ang huling 2 araw nila sa Pilipinas. 

2 comments:

  1. God!!!nakakatense naman ang eksenang ito!

    ReplyDelete
  2. hope no one's gonna die naintriga pa ko sa post mo sa fb.. waahhn... hope waley memetey pleesh...
    abangers pa din te lav... thumbs up

    ReplyDelete