Friday 29 October 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 1-2


CHAPTER 1


"Mommy, I'm so excited to live in the Philippines. Though I will surely miss the life here in US." wika ng 16 taong gulang na dalaga. Kasalukuyan silang nag-eempake ng mga gamit ng kanyang ina. Her parents told her that after 17 years of living in the States, they decided to return to their country.

"I know dear, you were born and raised here. Alam namin ng Dada mo na mahihirapan kang mag-adjust." her mother answered.

Kahit matagal na silang naninirahan sa ibang bansa at once a year lang umuwi ng Pilipinas, her parents see to it that she learn "Tagalog". She is not one of those Filipino American citizens who forgets about their own language.

"Pero come to think of it Mum, I will have all the time in the world to explore the wonders of the Philippines. Okay lang naman sa inyong maglakwatsa ako minsan diba?" wika nya at niyakap ang kanyang ina.

"Yes baby, and your Dada and I will be glad kapag nagkaroon ka agad ng mga kaibigan." May kumatok sa pinto at nakita nilang sumilip ang kanyang ama.

"Bakit nagda-dramahan kayong mag-ina dyan? What's the matter?" her father asked.

"Nothing Dada, I'm just asking Mum if I can go to the famous places in the Philippines."

"Sure princess pero dapat may kasama kang bodyguard." she rolled her eyes dahil umandar na naman ang pagiging "protector" ng kanyang ama. She knew about her parents love story. Ang lahat ng nangyari sa kanyang ina, ang ginawa ng kanyang ama at ang wagas na pagmamahalan ng mga ito. She is proud of her parents, Jaime Rob Palacios and Devvine Mae Castillanes-Palacios. Lalo na sa kanyang ina na kahit ubod ng yaman ang pamilya ay nanatiling mapagpakumbaba at piniling mamuhay ng simple sa America. Her grandparents are living in down town Los Angeles ilang oras lang mula sa bahay nila. 

"Princess, Bret is downstairs. He wants to talk to you, tutulungan ko ang Mum mo sa pageempake." her Dada said and winked at her. Lumabas sya sa kwarto ng may ngiti, kinikilig sya sa lambingan ng kanyang mga magulang. Napakaganda at gwapo pa din ng mga eto sa kabila ng nadagdag na edad. Saksi sya sa pagmamahalan ng mga ito sa isa't isa. She wants to have someone like her father, a man who can fight for her. 

"Hey Bret, how you doing?" she saw Bret sitting on the porch. He is a 19 year old, Filipino-American. Kaibigan nya since grade school at masasabi nyang ito ang best friend nya. Hindi man magkapareho ang edad nila ngunit they became the best pal in their place. Some of the neighbors said they should be together in the future,she just laughed and told them they are just best friends.

"Hello Devon, looks like all your bags are packed you're ready to go." kanta ni Bret na ikinatawa ni Devon. Her friend really loves music, he taught her how to play the guitar. She already knew how to play the piano because her Mommy wants her to learn Chopin, Beethoven, Debussy and more.

"Yes Bret, we are ready to go. We'll have an early flight tomorrow. I'm very excited to experience life in the Philippines. "

"The way I see it, yup,you're really excited. Nah, you're ecstatic." he said with a smile. "So you'll be celebrating your 17th birthday in the Philippines. I might as well tell you something before you go." Bret looked in Devon's eyes. "Will you find it in your heart to give us a chance to be more than friends?" diretsang wika ni Bret.

Natigilan si Devon, hindi nya akalaing may ibang pagtingin sa kanya ang kaibigan. Dahil para sa kanya, tanging pagtinging kaibigan at kuya ang nararamdaman nya para kay Bret.

"I don't know if your joking on me or something, but Bret" huminto sya sandali at hinarap ito. "I love you, yes, as a friend, as my brother."

"Devon, I've been meaning to tell you about this eversince you turned fifteen. You don't have to answer now, wait for me in the Philippines and I will prove to you what I'm saying."

"Bret, buddy, don't make this hard for me. I'm leaving, let's have a good farewell ok?" wika nya dahil nagsisimula na syang mailang dito. "Come on, give me a goodbye hug, I need to pack some of my stuffs so don't make any drama!"sinundan nya iyon ng tawa.

Ngumiti si Bret at ibinuka ang mga bisig upang mayakap sya. "Forgive me for telling you those words, but I just want you to know that I mean it. Take care Princess Devon, I will surely miss you." Gumanti sya ng yakap kay Bret at nagwika. 

"Me too Bret, I will surely miss you. You'll visit me in the Philippines right? It would be hard for me to adjust and gain new friends but I know, I can do it. Thank you Bret for being my friend, so lucky to have a friend like you."

Bret smiled at her and said his goodbye. She saw the sad look on his face and she is sad too because she will no longer see her bestfriend. But with the help of technology and the internet, they will have ways to communicate with each other. She decided to go back to the room to help her parents finish the packing. Tomorrow they will fly to the Philippines, tomorrow a new chapter of her life will be started. She will study and celebrate her 17th birthday in their own land.

CHAPTER 2

Nasa loob sila ng bakuran nila Patrick, kagagaling lang nila mula sa mga pinapasukan nilang Unibersidad. Kapag araw ng Biyernes ay nagkakasabay-sabay ang kanilang uwian. Tumipa siya sa gitara at nagsimulang kumanta.

"I'm I real, do the words I speak before you make it feel. That the love I lay for you would see no ending.. " awit ni James habang tumutugtog ng gitara. Pagdating sa chorus ng kanta, sabay sabay na nagsiawitan ang mga kaibigan nya.

"The world could die and everything may lie 

Still you shan't cry 'Cause time may pass 

But longer than it'll last I'll be by your side "


Feel na feel ng mga kaibigan nya ang pagkanta. Sina Ivan, Joe, Patrick at ang bestfriend nyang si Ryan ang mga ka-jamming nya. They all love music and at the age of 17 masasabi nyang pangarap nila pare-pareho ang maging sikat sa larangan ng musika. He loves music, he can dance too. Tulad nya si Ryan at Ivan ay marunong din tumugtog ng gitara habang sina Joe at Patrick naman ay magaling sumayaw. Kapag napagtripan nilang partymood sila, pumupunta sila sa garahe nila Ryan para magkalat. Pagkakalat ang tawag ng ate nya sa ginagawa nila, pero para sa kanila kasiyahan na yun. Wika nga ng Mommy ni Ivan, mabuting iyon ang hilig nila kaysa naman sa bisyo tulad ng ibang kabataan.  Natapos nila ang kanta at nagtawanan sa kanilang kalokohan.

"Woah, mga tol ayos na ayos yun ah. Galing mo talaga James, ikaw ang hari ng tipa!" wika ni Joe, sa kanilang magkakaibigan ito ang nakakapagpatawa sa kanila, Joe-ker ang tawag nila dito.

"Yup, dude, that's awesome!" wika ni Ivan, half Pinoy-half Canadian ito. Isang taon pa lamang nila itong nagiging kaibigan dahil bago lamang ang pamilya nito sa Village. Samantalang siya, sina Joe, Patrick at Ryan ay matagal ng magkakaibigan. 

"Oh mga anak, magmeryenda muna kayo." wika ng Mommy ni Patrick. Mabait ang ina ng kaibigan nya kahit lagi silang nakatambay sa bahay ng mga ito. Binibiro nga sila ng ate ni Pat na dun na sila tumira.

"Thank you Tita, " sabay-sabay nilang wika at sabay-sabay ding kumuha ng slice ng cake. Mahilig mag bake ang ina ni Patrick at lagi silang libre sa meryenda kapag naroon sila. 

*****

"Oh my God Mum, this place is awesome! Wow, you've chosen a nice community." naagaw ang kanilang pansin ng isang tinig ng babae. Napagawi ang kanilang tingin sa mga tao sa katapat na bahay nila Patrick. Sa exclusive village na tinitirahan ng kanyang kaibigan, masasabing mayaman ang mga bagong dating. 

"Glad you liked it here princess," wika ng lalaking nahinuha niyang ama ng dalaga.

"I like it? Nah Dada, I love it here." narinig nilang sagot ng dalaga. Nakatalikod ito sa direksyon nila at ang ama nito ang kanilang nakikita. Halata sa mga ito na may kaya sa buhay. Napasulyap sya sa mga kaibigan at nakitang nakatayo ang mga ito habang nagkandahaba ang leeg sa pagsilip sa mga bagong lipat. 

"Pare, you have a new neighbor." wika ni Ivan. 

"Tara mga tol, i-welcome natin sila at ng makilala yung chikababe. Feeling ko talaga maganda yun, likod palang seksi na." wika ni Joe.

"Iho, come on let's welcome them. " aya ng ina ni Patrick sa kanila. Ibinaba nila ang mga kinakain at naguunahang lumabas sa gate ang mga kaibigan nya. Hindi sya ang tipo ng tao na mahilig magpakilala pero sumunod na lamang sya sa mga ito.

"James, dapat nakasmile ka ha. Huwag sad face, panget ka sad face."nakangiting wika sa kanya ni Ryan at inakbayan sya. Si Ryan ang pinakabest friend nya sa lahat dahil kahit na isa itong Koreano, daig pa nito ang isang Pilipino dahil sa pagiging mabait nito at sa eagerness matutong magsalita ng tagalog.

"Hello there, good afternoon!" panimulang bati ni Mrs. Beth Sanchez ang ina ni Patrick. "We understand that you just moved in the Village, we would like to welcome you here."

Nilingon sila ng mag-asawa at nakahanda ang ngiti ng magandang ginang. "Hello, yup bagong lipat kami. We came from LA at salamat sa pagwelcome. " wika nito sa wikang tagalog.

"Yun naman pala Tita eh, nagtatagalog sila. Hello po, ako po si Joe," pakilala ng kaibigan nya.

"Ikaw talagang bata ka nanguna ka pa." sita ng Tita Beth nila kay Joe. "I'm Mrs. Beth Sanchez at katapat namin ang bahay nyo." itinuro ng ginang ang katapat na bahay.

"Oh that's lovely! I'm Mrs. Devvine Palacios but you can call me Dev and this is my husband JP."

"Nice meeting you Mr. and Mrs. Palacios, eto nga pala si Patrick ang aking anak." pakilala ng ina kay Patrick.

Tinawag ng ama ang dalagang busy sa paghahagilap sa loob ng sasakyan. "Devon, princess come here, we have new friends."

Lumapit ang dalaga sa kanila at kitang-kita nya ang pagkatulala ng mga kaibigan nya. "Hi, guys! I'm Devon" wika ng dalaga. Nakangiti ito sa kanila at isa-isa silang tinignan.

"Devon, ang ganda ng name mo. I'm Joe!" kinamayan nito si Joe at gumanti ng bati.

"I'm Lyan, R-y-a-n, Lyan. Chuvachuchu na kita." pakilala naman ni Ryan.

"Haha, what's chuvachuchu Lyan?" nakangiting tanong ni Devon. "Nothing, don't mind him. I'm Ivan." seryosong pakilala naman ni Ivan.  Inilahad nito ang kamay sa dalaga at matamang tinitigan ito. 

"Hey buddy, let go of her hand, its James' turn" narinig nyang wika ni Patrick. Napakamot sa ulo si Ivan at binitiwan ang kamay ng dalaga.

"Ahm, Devon this is James the musician" pakilala ni Patrick sa kanya. Devon looked at him and he was caught off guard by the beauty in front of him. Her beauty is extra-ordinary, her dark skin - stand out. Her smile is exceptional. And he found her bangs cute, in short sa kabuuan napakaganda ng dalaga. 

"Hello James," narinig nyang wika ng dalaga. Nakita nyang nakalahad ang kamay nito, napahiya sya sa sarili dahil nahuli sya ng mga kasama na nakatitig sa dalaga. Tinanggap nya ang kamay ng dalaga at tinignan itong muli. Nakangiti ito sa kanya at parang gusto nyang kumanta ng :

"Then I saw her face, now I'm a believer. Not a trace, of doubt in my mind. I'm inlove now I'm a believer.." napangiti sya sa naisip at nakaramdam ng sakit sa tagiliran. Siniko pala sya ni Joe dahil matagal na nyang hawak ang kamay ni Devon. 

"I'm sorry," hinging paumanhin nya at binitawan na ang kamay ng dalaga. "Nice meeting you Devon, ako si James." muling pakilala nya sa sarili. Kiming ngumiti ang dalaga sa kanya at nakita nyang namumula ang pisngi nito. Hinarap nito ang kanyang mga kaibigan at nagwika. 

"It was nice meeting you all guys, I'm so happy that I met new friends." wika ng dalaga at inalayan na naman sila ng nakakamamatay na ngiti nito.

"Hindi na namin kayo iistorbohin, Mrs. Palacios," paalam ng ina ni Patrick. "If you need help, andoon lang kami sa katapat na bahay. "

"Thank you Beth, nice meeting you din. So pano, ipapasok muna namin tong mga gamit. "

"Sure, babalik na kami sa bahay, boys magpaalam na kayo sa kanila. " utos nito sa kanila.

"Bye Sir, Mam" naunang wika ni Pat na sinundan naman nila. Nagpaalam ang mag-asawa sa kanila. Sabay-sabay silang nagpaalam kay Devon "Bye Devon". Kumaway ang dalaga sa kanila bago ito pumasok sa bahay.

Naghahampasan ang kanyang mga kaibigan habang pabalik sa bahay ni Pat. "Bagay kami diba? Parehas kami ng kulay." wika ni Joe.

"Ambisyoso ka, mas bagay kami. Lilly, she's pretty ako gwapo." wika naman ni Ryan at sinuntok ng mahina si Joe sa braso.

"No dude, we are bagay. We can understand each other. Hahaha" pagmamalaki naman ni Ivan.

"Oi kayo dyan, hindi nyo gayahin si James tahimik lang oh." wika naman ng ina ni Patrick. Nangingiti lamang sya sa gawi ng mga kaibigan nya. Sino nga ba ang hindi mabibihag sa magandang dalaga. Napapikit sya at nakaukit sa kanyang diwa ang matamis na ngiti ni Devon.

Kinuha nyang muli ang gitara at nagsimulang tumipa. Napatingin sa kanya ang  mga kaibigan at nagsimulang tambulin ni Ryan ang mesa. 
"I wanna be a billionaire so freaking bad,
 Buy all of the things I never had

Uh, I wanna be on the cover of Forbes magazine

Smiling next to Oprah and the Queen"


Oh every time I close my eyes

I see my name in shining lights

A different city every night oh
I swear the world better prepare
For when I’m a billionaire


Nagtawanan sila matapos ang kanta. Alam talaga nila ang takbo ng utak ng bawat isa. At alam niya na may mga nagka-crush kay Devon. At isa na sya doon, napakanta tuloy sya ng Billionaire dahil mayaman ang babae kahit abot kamay nya ito, malabong maging malapit silang dalawa.





Friday 22 October 2010

CRAWL BACK TO LOVE

CRAWL BACK TO LOVE
(A JAMES REID-DEVON SERON Fanfic)

SYNOPSIS:


Why did I change the pace
Hearts were never meant to race
I always felt the need for space
But now I can't reach your face
So where 
Are you standing now
Are you in the crowd of my faults
Love, can you see my hand?
I need one more chance
We can still have it all...



Young love, first love, best friends.
Iyon sina James and Devon.
At 17 they share a lot of things in common.
They share on passion, one love.
Musika..

But their story is not a bed of roses.
Mayaman sya, maraming may gusto.
Siya isang ordinaryong tao na nagnanais maabot ang pangarap.

Papayag ba si Devon na igive-up si James para sa kapakanan ng lalaki.
At si James, tanging poot lamang ba ang marararamdaman para sa babaeng minamahal?

When will they "Crawl back to love?"




IF ONLY BOOK 2 - EPILOGUE

EPILOGUE

Three years later


Tatlong taon na ang nakakalipas pagkatapos ng insidenteng iyon. Pangyayaring nag-iwan ng pilat sa puso nya. Hindi nawawala ang poot nya sa ibang tao kapag naiisip nya ang nangyari sa babaeng mahal nya. Lumikha ng malaking balita ang pagkidnap at ang nangyari kay Devvine. Matagal na naging laman ng bawat balita, sa telebisyon, radyo o pahayagan man. Maraming pamilya ang nakamit ang hustisya dahil sa muling pagkahuli at pagkapaslang sa mga lalaking dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga  kapamilya. Ang Operation Heiress na isinagawa nila ay naging matagumpay, maliban sa mga pangyayari na nagdulot ng sakit lalo na sa pamilya ng dalaga.

Napadaan sya sa isang flower shop at naisipan nyang bumili ng bulaklak. Napakarami ng nangyari sa paglipas ng mahigit dalawang taon. Sakay ng kanyang Ducati, papasok na sya sa entrada ng isang exclusive cemetry. Nang malapit na sya sa puntod ng taong pakay nya, natanawan nyang may dalawang tao na nauna sa kanyang dumalaw doon. They saw him and the woman waved at him while the man nodded.  Nilapitan nya ang mga ito at binati. Inilapag nya ang mga bulaklak sa marmol na lapida.

"Akala ko ba may flight ka ngayon?" tanong sa kanya ni Maris.

"Oo nga pare, baka mahuli ka nyan." dugtong naman ni Ivander habang nakaakbay sa asawa. Mahigit isang taon matapos ang insidente ay nagpakasal ang dalawa. Hiniling ni Ivander kay Maris na tumigil na ito sa serbisyo at maging isang maybahay lamang. Natutuwa syang makitang masaya ang dalawa at sa nalalapit na paglabas ng panganay ng mga ito, natitiyak nyang lalo pang magiging masaya ang mga kaibigan nya.

"It's ok, hindi ko makakalimutan ang araw na to. Tatlong taon na..." tumingin sya sa langit at umusal ng panalangin.

"Oo nga tatlong taon na, hanggang ngayon hindi pa din nawawala ang pasasalamat ko sa kanya." wika ni Maris kasabay ng pagtulo ng luha.

"Shhhh, honey huwag ka ng umiyak. Baka makasama sa baby, ayaw din nyang may mangyari sa inyo ng baby natin nasisiguro ko yon."pag-aalo ni Ivander sa asawa.

Tinignan muli ni JP ang lapida, binasa nya ang nakasulat doon "Jimuel Santos ".

"Pare, its been three years since you bravely fought with us. Salamat Jim"

"Thank you Jim, hinding-hindi kami magsasawa sa pasasalamat sayo." wika ni Maris. Malaki ang utang na loob ni Maris kay Jim. Ang balang tumama sa ulo ni Jim ay para kay Maris. Alam ng mga kidnappers na naka-bullet proof vest sila kaya sa ulo ang puntirya ng mga ito. Prinotektahan ni Jim si Maris gamit ang sariling katawan nito. Hindi lingid sa kanya ang pagtingin ng lalaki kay Maris, na hanggang sa huli kahit buhay nito ay iniaalay para sa babaeng minamahal.

Napagpasyahan nilang sabay-sabay ng umalis dahil makulimlim na ang langit.

"Anong oras ang flight mo?" tanong ni Ivander sa kanya.

"Mamayang 9:00 p.m, dadaanan ko lang yung hand-carry ko sa hotel diretso na ko sa airport."

"Have a safe flight pare" wika ni Ivander sa kanya.

They exchange goodbyes at ng pasakay na ang mga ito sa kotse may sinabi pa si Maris sa kanya.

"Ikamusta mo nalang kami  kay Devon." pahabol ni Maris sa kanya.

Napangiti sya pagkarinig sa pangalan na iyon."Sure!" sagot nya. Nagmakaalis na ang dalawa, pinaandar nya na ang motorsiklo. Kailangan na nyang magmadali. He have a flight to catch, flight back to Devon.

***

After a long,tiring flight, he arrived in the Los Angeles International Airport (LAX). Pagkatapos ng mga kailangan gawin sa loob ng airport, lumabas na si JP at inilibot ang paningin sa maaraw na kapaligiran. Paniguradong may jetlag na naman sya. He hailed a cab and asked the driver to bring him in Alamitos Heights located in downtown Long Beach. Napapikit sya pagandar ng cab ngunit may ngiti sa labi. Naalala nya si Devon, ang kanyang si Devon.

Makalipas ang ilang sandali narating na nila ang kanilang tahanan. Dalawang taon na din siyang nakatira sa bahay na iyon. Isang two-storey house na may veranda na natatanaw ang dagat. Tahimik ang kabahayaan at walang nakapansin sa pagdating nya. Napakataas ng araw dahil kalagitnaan ng summer sa U.S. Inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid. Hinahanap ng mga mata ang kanyang minamahal. Nakarinig sya ng isang tinig na may kausap sa telepono. Napagawi sya sa may veranda, then he saw her. The most beautiful woman he had ever laid his eyes on. Nakatalikod ito sa gawi nya, inililipad ng hangin ang mahabang buhok nito gayon din ang blue summer dress na suot nito. Kahit nakatalikod hindi maitatangi na napakaganda ng babae. Nanatili lamang syang nakatayo roon at pinagmamasdan ito. 

"Yes dear, he's coming back today. He doesn't want me to pick him up." narinig nyang wika nito, Tumawa ito sa sagot ng kausap.

"Nah, you know him. He's like that. The rascal is fine, a little monster but an angel. Sure Vanne," muling wika nito. Humarap ito sa gawi nya at kitant-kita nya ang panlalaki ng mga mata nito at pagkunot ng noo. Nakasandal sya sa gilid ng sliding door, nagkibit balikat lamang sya dito. He gave her his most sweet smile. After the surprised look, she smiled back. Nagpaalam ito sa kausap na nalaman nyang si Vanne.

"Vanne honey, he is here. This man is full of surprise. Bye for now, take care and drop by here soon. Tell Pat I said hello." paalam nito sa kausap. Call it fate, Patrick met Vanne in the States when Vanne decided to have a vacation with a relative after the blood transfusion. Hindi maiwasang sumagi sa isip nya ng muntik ng mawala si Devvine sa kanya.

***
"Love, Oh Lord, please... malapit na tayo. " yakap-yakap nya ang dalaga habang patuloy na umaagos agn luha nya. Hindi nya makakayanan ang mawala si Devvine sa kanya, hinding-hindi sya papayag.

Natanawan nyang malapit na ang ospital at nabunutan sya ng tinik ng malamang humihinga pa ang dalaga. Agad na itinakbo ang dalaga sa emergency room ngunit anong panlulumo nya ng malamang walang mahanap na dugo para sa dalaga. Type AB- ito, isang uri ng dugo na mahirap hanapin. Ginawa ng mga doctor ang lahat upang malapatan ng lunas ang dalaga. Hindi pwedeng magdonate ng dugo ang ina nitong kapareho nito ng blood type due to medical reasons. Alalang-alala na ang lahat dahil nagbigay ng taning ang doctor after two hours kapag hindi pa nasalinan ng dugo ang dalaga ay ihanda na daw nila ang sarili sa mangyayari. Then she came, sa una ay galit ang nanaig sa kanya pagkakita kay Marianne Vannesa Chen ngunit sa dala nitong balita isinantabi muna nya ang anumang nararamdaman para sa dalaga.

Nalaman nito ang nangyari at agad na pumunta sa ospital. Vanne have the same blood type as Devvine, she is willing to donate her own blood as a sign of remorse and to help Devvine. Tinanggap nila ang tulong nito, mas mahalaga ang buhay ni Devvine sa ngayon.

The transfusion was successful, Devvine was declared safe. They are thankful to Vanne and JP decided to forgive her. Malaki ang utang na loob nila sa dalaga. And as they say, the rest is history. Naging mabuting magkaibigan ang dalawang babae hanggang sa magbakasyon sa States si Vanne.

***

Pitik sa ilong ang nakapagpabalik sa kanyang diwa."Hoy Mr. Palacios, saan naglalakbay ang diwa mo?" tanong ng kanyang asawa.

"Wala naman Mrs. Palacios,  Naalala ko lang ang nangyari three years ago." sagot niya at nakita nya ang paghaplos nito sa malaking pilat sa leeg nito.

"It's all over darling, we have moved on. And I am thankful for another chance in my life. Let us not waste our lives looking back to those nightmares." hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"I'm sorry love. You are right, we have moved on." kinintilan nya ito ng halik at tulad ng nakasanayan nya, dinampian nya rin ng halik ang pilat sa leeg nito. Her parents tried to convince her to undergo a medical surgery but she don't want to remove the reminder of her friends' bravery. Okey lang sa kanya na hindi nito iyon tanggalin, nothing will change. Devvine will still be the most beautiful woman in his life - before. Until another one came.

They looked at each other and moments later they are savoring each other's lips. A kind of kiss that tells them how much they miss each other. His wife, his Mrs. Devvine Mae Castillanes Palacios. 

Nang makalabas si Devvine sa ospital makalipas ang mahigit tatlong linggo, nakapag-usap na ng sarilinan ang mag-ama. Mr. Castillanes cried to her daughter to forgive him, that he just want what's best for Devvine. Dahil mabuting tao ang kanyang asawa, she forgave them. She believed in their explanations. And most important, she believed that he love her. And six months after the incident, they decided to get married and moved to the United States to forget what happened in the Philippines.  His in-laws come to visit them during the winter seasons.  At sa mga panahong iyon hindi nila kailangang problemahin ang kanilang little "angel monster". Speaking of the angel, naputol ang matamis na halikan nila ng makarinig sila ng matinis na tili.  Napalingon sila sa maliit na nilalang na kamukhang-kamukha ng kanyang asawa. Tanging ang kanyang tsokolateng mga mata ang nakuha nito sa kanya, ang lahat maging ang kulay ay sa ina nito. Napakaganda ng batang babaeng kanyang minamasdan.

"Oh my God, Dada is that you?" wika ng matinis na tinig ng dalawang taong gulang na batang babae.

"Yes princess, Dada's back. Go give Dada your sweetest kiss." Devvine asked their daughter.

JP opened his arm to carry Devon, ang kanilang anak na si Princess Devon Castillanes Palacios   - ang kanilang kaligayahan. JP let his daughter kiss him as Devvine watch them. 

If only he can live for a very long time, yung tipong hindi nya iiwan ang mga ito, he will protect them sa lahat ng mananakit sa mga ito.  He put his arms around Devvine's shoulder habang ang isang kamay ay karga ang kanilang anak na si Devon, together they watch the sun shining so brightly as the wind blows. Nothing and no one can tear their family apart, yun ang pinangako ni JP sa kaniyang sarili.

Kinintalan nya ng halik sa sentido ang kanyang asawa "I love you kamahalan" 

"I love you more Mr. Bodyguard." sagot ni Devvine sa kanya. 

"Dada, Mama, I love  you both." their little Devon said as she hug both her parents with her little arms. 



THE END.....


(Thank you for reading.. God Bless you all. ^_^ LAVLAVLAV)

IF ONLY BOOK 2 CHAPTER 31

CHAPTER 31

"Ano ibababa nyo ba ang mga baril nyo o papanoorin nyong maubusan ng dugo si Devvine.?" muling tanong sa kanila ni Elmo.

Tinignan ni JP si Devvine, matagal na naghinang ang kanilang mga paningin. Nais ni JP na maiparating kay Devvine na hindi nya ito pababayaan. Nakikita nyang naghihirap na ang dalaga at hindi na nya matagalang makita ang dugong umaagos sa leeg nito. Nilibot nya ang mga mata sa paligid, nadaanan ng kanyang paningin ang ilang mga anino sa dilim. Itinaas nya ang kanyang kamay upang iparating sa mga na under control niya ang sitwasyon.

"Ibaba nyo ang mga baril nyo," utos nya sa mga kasamahan.

"Pero JP," tutol ni Maris at ni Ivander. Mabilis namang ibinaba nila Night at Wind ang kanilang mga baril gayon din si Cordova.

"Do it, ibaba nyo mga baril nyo." muling utos nya sa dalawa.

"Ikaw hindi mo ba ibaba ang baril mo o talagang walang  halaga sayo ang babaeng ito tulad ng kinuwento nya sakin?" nakangising wika ni Elmo.

Tinignan ni JP si Elmo, pagkatapos ay ang nakatagilid na mukha ni Devvine. Muli nyang sinulyapan ang nakadiin na patalim sa leeg nito. Nasisiguro syang magiiwan iyon ng malaking peklat sa dalaga. Ibininalik nyang muli ang tingin sa lalaki. Naalala nya ang kapatid nito, gagawin ba nyang muli ang ginawa nya sa kuya nito?

"Kung iniisip mong gawin ang ginawa mo sa kuya ko, sorry pero hindi ko yun pahihintulutan." wika nito at itinago ang mukha sa likod ni Devvine.

Napamura sa sarili si JP, alam na nito ang strategy na gagamitin nya. He needs to think, madali lang nilang mahuhuli ang lalaki dahil merong mga pulis sa likod nito. Ngunit hindi nila ipagsasapalaran ang kaligtasan ni Devvine. Kailangang makuha muna nila si Devvine bago idisarma ang lalaki.

"Love" tawag nya kay Devvine. "Sandali nalang. Please hold on. I love you." 

Devvine just looked at him, with her weak body she gave him a nod. Yun lang ang tanging hudyat upang lumapit sya sa lugar ng mga ito. Ihinagis nya ang dalang baril habang patuloy na naglalakad.

"Sinabi ko bang lumapit ka ha,"sigaw ni Elmo sa kanya. Idiniin nito ang hawak na patalim ngunit dahil sa mahina ng katawan ay hindi na nagawang umaray ni Devvine. Patuloy syang lumakad palapit sa mga ito, sa bawat hakbang nya ay ang pagbaon ng patalim sa leeg ng dalaga ngunit kailangan nyang tiisin iyon. Malapit na, ilang hakbang nalang. Nakita ni Elmo na wala syang balak huminto kaya hinugot nito ang baril sa tagiliran.

Ngunit bago pa iyon mapaputok ni Elmo ay mabilis na nahugot ni JP mula sa likod ng pantalon nito ang isa pang baril at agad na pinatamaan ang kamay ni Elmo na may hawak na baril. Tumilapon ang baril nito mula sa duguang  kamay nito. 

"Hayop ka papatayin ko tong si Devvine!" akmang ibabaon nito ang patalim sa leeg ni Devvine ng makita ni JP na nasa likuran na ni Elmo si Maris. Tinanguan niya ang babae at kasabay ng salita ni Maris ay ang paghila nya kay Devvine palayo kay Elmo.Mabilis ang mga pangyayari at bago pa makagawa ng hakbang ang lalaki ay umalingawngaw sa paligid ang tinig ni Maris. 

"Para kay Jim" kasabay niyon ay ang putok galing sa baril ng babae. Bumulagta ang duguang katawan ni Elmo, sa puso ang tama nito. Habang niyakap naman ni Ivander ang nanginginig na katawan ni Maris. "You did it, Maris. Jim will be proud of you." 

Narinig sa paligid ang tunog ng mga sirena at ambulansya. Maging ang media ay nasa paligid na rin ng lugar.  Pinangko nya ang namumutlang si Devvine, pinagmasdan nya ito habang pilit na nilalabanan ang antok. 

"Please love, hold on. Please, huwag kang matutulog." samo ni JP kay Devvine.

"Kami na ang bahala dito JP, go bring her to the hospital." wika ni Chief Angeles. Inilibot nya ang mata sa madugong paligid. Natapos na ang operasyon ngunit mas mahalagang maitakbo sa ospital ang dalaga. Si Devvine na unti-unting nauupos sa bisig nya.

Tinakbo nya ang daan patungo sa nagaabang na ambulansya. Hindi alintana ang kislap ng mga camera at ang mga reporter sa paligid. Isinakay nila sa ambulansya ang dalaga at kinabitan ang dalaga ng oxygen tube, nilapatan din ng paunang lunas ng mga medical aides ang sugat sa leeg ni Devvine. Ngunit kailangang madala agad ito sa ospital. Masyadong maraming dugo ang nawala dito at kinkailangan itong masalinan ng dugo. JP made the necessary transactions sa isang ospital para maihanda ang lahat ng kailangan ng dalaga.

Hawak nya ang kamay ni Devvine ng maramdaman nyang humigpit ang hawak nito. "Love, kapit lang."

Pilit na tinanggal ng dalaga ang oxygen tube sa bibig nito at nagpumilit magsalita. "Shh, huwag ka ng magsalita Devvine, marami pa tayong oras para mag-usap." saway ni JP kay Devvine.

Umiling ang dalaga habang tumutulo ang luha nito, pilit na binigkas ang mga katagang "Did... you ever.... love me, ....JP?" pautal-utal na wika ni Devvine.

"Yes love, mahal kita, mahal na mahal  na mahal. I'm sorry kung nasaktan kita, in all the lies the only truth is my love for you." madamdaming sagot ni JP.

Humugot ng hininga si Devvine at nahihirapang nagsalita "Ako... minahal kita at........" muling humugot ng hininga ang dalaga.

"Tama na Devvine, huwag ka ng magsalita." pigil ni JP dito, hindi nya namalayang lumuluha na pala sya. Minsan lamang syang umiyak, ngunit ngayon nasa bisig nya ang babaeng mahal nya - duguan at halos hindi na makapagsalita - masaganang umagos ang kanyang luha.  "Ipahinga mo ang isip mo love, malapit na tayo sa..." nahinto ang sinasabi nya ng ilagay ni Devvine ang hintuturo nito sa labi nya.

"Ikaw ang tumahimik,...." nakita nyang ngumiti ang dalaga. "Huwag kang.. umiyak Mr. Body..guard." pinahid nito ang kanyang mga luha. "Mahal kita JP.. mahal na mahal. Hindi ko alam kung... ano ang dahilan nyo ni Papa." humugot ulit ang dalaga ng hininga. "pero, I forgive you.. please tell Papa na pinapatawad ko sya at..."

"Love, tama na please." muling pagsama ni JP kay Devvine. Kitang-kita nya ang paghihirap nito at nahihirapan  syang makita ang kalagayan ng dalaga.

"Mahal na mahal ko sila ni Mama, and JP...... Mahal na mahal kita." ipinikit ng dalaga ang mga mata nito. And for a second JP thought she will open her eyes again. Pero makalipas ang ilang sandali ay hindi na muling dumilat ang dalaga.

"Devvine, love, Devvine!" sigaw ni JP. "Bilisan nyo, bilisan nyo naman.!" utos nya sa driver ng ambulansya.

"Love, Oh Lord, please... malapit na tayo. " yakap-yakap nya ang dalaga habang patuloy na umaagos agn luha nya. Hindi nya makakayanan ang mawala si Devvine sa kanya, hinding-hindi sya papayag.

Thursday 21 October 2010

IF ONLY BOOK 2 CHAPTER 30


CHAPTER 30



Nakatanggap ng tawag si JP,the scene is clear. Tahimik na daw sa paligid ng lumang talyer kung saan nag kakampo ang grupo ni Elmo. Ayon sa dalawang nakabantay mayroong anim na kasama si Elmo, ang dalawa ay nakabantay sa likod at harap ng talyer. Sumatotal pitong katao na pawang mga armado ang kailangan nilang harapin. 

1:00 a.m.

Nasa loob sila ng isang itim na van, dalawang kanto ang layo mula sa lumang talyer. Dahil impluwensya ng pamilya Castillanes, high end ang mga gamit nila. Ang van ay hindi ordinaryong sasayan, sa loob niyon ay mag pahabang mesa kung saan nakalatag ang blue print ng lugar. Yun lamang ang hinihintay nila upang maisagawa na ang rescue operation. 

They are studying each and every curve, dead ends, at mga posibleng lusutan ng mga kidnappers. Mayroon ding LCD monitor sa mesa, mga headphones at isang laptop. Kausap nila gamit ang video call sina Jim, dalawang miyembro ng SWAT at ang dalawang special agents na nauna ng nagtungo sa lugar. Nakapwesto ang mga ito sa kabilang bahagi ng lugar, dalawang kanto matapos ang talyer. Siya, si Maris, si Ivander at tatlong pulis ang magkakasama.

"Konting ayos na lang dito sa gadget at ayos na ang huling bahagi ng plano." wika ni Jim sa kabilang linya.

"Make sure all of you are wearing your vest, at laging ikabit ang mga earphones. Kamusta ang ibang units?" tanong ni Chief Angeles kay JP.

"Lahat ay naka stand by Sir, the last time I checked, all are in their proper positions. Alam na nila kung kelan sila dapat pumasok."

"Thats good" humarap ito sa monitor "Kamusta ang development ng "eye"?" tanong nito.

Isang lalaking matangkad at moreno ang pumalit sa pwesto ni Jim sa harap ng monitor. 

"Sir" sumaludo ito kay Chief Angeles "Agent Night reporting, the "eye" is now functioning." wika nito habang nagta-type sa katabing laptop. "Palacios, turn on the laptop and do as I say."

Sinunod niya ang mga sinabi nito, binuksan ang laptop, at in-encode ang mga salita at numerong sinabi nito. 

"Then hit "activate", hintayin mong lumabas ang word na activated and voila" patuloy ni Agent Night.

Nagawang lagyan ni Night ng hidden camera ang isa sa mga butas sa talyer ng hindi ito namamalayan. He can be the night, the darkness kaya ang bansag dito ay "Night". Habang ang isa pang special agent ay si Agent Wind, sing bilis ng hangin at matalas ang isip. Kabaligtaran naman ito ni Night dahil sa maputi at medyo maliit itong lalaki. Ngunit si Wind ay isa sa mga sharp-shooter sa Task Force na kinabibilangan ng dalawa.

Matapos pindutin ni JP ang "activate" button at lumabas ang "activated" sa monitor ng laptop, agad nilang nakita ang loob ng talyer. 

"You can see the whole place, gamitin mo ang arrow keys to navigate the whole place." narinig niyang wika ni Night.

Sinunod nya ang sinabi nito. He surveyed the whole place, may isang lalaking nakabantay sa gate ng talyer, ang isa ay nasa likod. Pinindot nya ang left arrow at nakita nyang natutulog ang dalawang lalaki habang nakataas ang mga paa nito sa mesa. Nang sa kanan naman ang pindutin ni JP, nakita nya ang hinahanap nya. Si Devvine na nakatali ang kamay at paa habag nakaupo sa isang kahoy na upuan. Umaahon na naman ang galit sa kanyang pagkatao ng makita ang kaawa-awang itsura ng dalaga. Hindi napigilan ni Maris ang mapasinghap at mausal ang pangalan ni Devvine. At sa tabi ni Devvine naroon ang lalaking isinumpa nya ng paulit-ulit. Gising ito at nakatunghay lamang sa natutulog na si Devvine. Nakita nilang nilapitan ito ng dalawa pang lalaki at may sinabi ang mga ito. Narinig nilang nagpaalam ang mga itong iidlip muna. Tango lamang ang isinagot ni Elmo sa mga ito.

Nagpupuyos ang kalooban ni JP. Elmo is touching Devvine's face while saying "Kung ako na lang ang minahal mo noong una pa lang sana hindi mo na dinadanas lahat ng ito." 

Tumalikod si JP sa mga kasama, kailangan nyang mailabas ang galit na nararamdaman nya ngunit hindi tamang masira ang konsentrasyon niya. Mas mahalagang mailigtas si Devvine


"Palacios, ngayong alam na natin ang lokasyon ng bawat isa, it's time to plan our final action." basag ni Chief Angeles sa katahimikan. "At 1:55, Operation Heiress will take place. Do you copy everyone?" muling tanong ni Chief.

Sabay sabay na narinig ang "Sir Yes, Sir mula sa grupo nila JP at sa grupo nila Jim sa kabilang linya. All is settled, tanging oras na lamang ang hinihintay nila. "Devvine love, here I come."

****

2:00 a.m.

Nagising si Devvine dahil naramdaman nyang may nakatunghay sa kanya. Nagmulat sya ng mata at nakita nya si Elmo.Agad na inilayo nya ang mukha nya dito dahil animo hahalikan sya. 

"Ang arte mo naman, mamamatay ka rin naman bakit di ka pa pumayag na halikan ko?" nakakalokong wika nito sa kanya.

"I rather die than to be kissed by you."

"Kung gugustuhin ko Devvine kanina ko pa nagawa yun sayo. Wala kang kalaban-laban, mahina ka."

"Demonyo ka talaga!" galit na wika nya.

"Talagang ginagalit mo kong babae ka" hinugot nito ang baril at itinutok sa pisngi nya "sayang naman ang mukha mo at katawan kung lupa lang ang makikinabang sayo."

"Please Elmo, don't!" sigaw ni Devvine ng itayo sya nito sa upuan. 

"Kahit sumigaw ka walang makakarinig sayo, mamaya magsasama kayo ng JP mo sa hukay na nakahanda para sa inyo." itinulak sya nito, dahilan upang mapahiga sya. Nawalan sya ng balanse dahil nakatali pa rin ang kamay at paa nya. She wanted to punch or kick him pero anong magagawa nya. Dinaluhong sya nito at hinalikan sa leeg habang patuloy syang nagpupumiglas.

"No, Elmo please, maawa ka.. Huwag!!!" patuloy na pagmamakaawa nya habang lumuluha. Akmang huhubaran na sya nito ng may marinig silang kalabog na galing sa likod. 

Tumayo si Elmo at ginising ang kasamahan. "Hoy kayo, tignan nyo kung anong nangyari sa likod. Kadyo, doon ka sa harapan samahan mo si Baldo." utos nito sa isa. "At ikaw, pasalamat ka at kailangang tignan kung ano yun, if not, you could have been mine at this very moment." wika nito sa kanya.

Devvine sighed and uttered a short prayer. Ano kaya ang nangyayari sa paligid nya. Nabuhayan sya ng pag-asa ng maisip na baka may dumating upang tulungan sya. Until she heard a gun shot.


****

Operation Heiress is now on going, malinis nilang napalibutan ang lugar. Sa tulong ni Night at Wind ang mga bantay sa likod at labas ay nagawa na nilang patumbahin. Pulido at tahimik ang bawat kilos nila, ang lahat ay nakapwesto na. May mga ibang naiwan sa van upang magbigay ng karagdagang ulat sa mga nagaganap sa paligid. Kasama sya sa grupo na nasa likod na bahagi ng talyer, si Marisa, Jim, Ivander at isa pang miyembro ng SWAT ang nasa harapan.  Akmang papasukin na nila ang likod na bahagi ng umalingawngaw ang putok  sa paligid.

Narinig nya sa kanyang earphone na sumigaw si Maris. "Jim, Oh my God, Jim!" hysterical na wika ni Maris. 

"Yosoy anong nangyari, come in Yosoy." wika ni Chief Angeles.

"One man down Chief, Santos is down." narinig nilang wika ng isang tinig.

"Sh*t!" napamura si JP. Anong nangyari bakit nabaril si Jim. "All units come in, prepare for deploying. Delta one come in.." narinig ni JP na utos ni Chief. 

Sinenyasan nya ang mga kasamang mag-ingat. Isa pang putok ng baril,at isa pa. Napuno ang paligid ng palitan ng mga putok. "Two of their man down" inporma ng isang kasamahan.

"Good, now move team. 


***

"Damn it!" bulyaw ni Elmo. Bakit natunton ng mga ito ang hideout nila. Masyado syang nakapante. Hindi nya naisip na maaaring matunton siya. "Kayo, barilin nyo lahat ng makikita sa paligid!" utos nya sa mga ito.

Lumakad sya patungo kay Devvine. Hinding-hindi sya makakanti kung hawak nya ang babae. "Halika dito," hinatak nya patayo ang babae.

"Ano ba nasasaktan ako."

"Tumahimik ka baka tuluyan na kita Devvine." itinutok nya rito ang baril.

Magkamatayan man, isasama nya sa impyerno ang isa kina Devvine at JP.

Hinding hindi sya basta susuko, habang hawak nya si Devvine malaki ang tsansa nya. 

"They are coming right? You're evil plan didn't succeed." nakakalokong ngumiti sa kanya si Devvine. 

"Tignan natin mamaya kung makakangiti ka pa Ms. Castillanes. Tayo!" 

Alam na nya ang gagawin nya.

***

"All units report,"

"Sir, tatlo na sa tao natin ang sugatan. Sa kanila, two down at nasakote natin ang dalawa pa ."

"Mayroon pang tatlo sa loob kabilang ang mastermind." wika ni Ivander.

"Sa akin si Elmo," wika ni JP. 

"Team pasukin na ang talyer, nakapalibot na sa buong lugar ang mga backups. Good luck." wika ni Chief Angeles.

Mula sa likod at harap ng talyer anim na tao ang pumasok sa loob, si JP, si Maris, si Ivander ang dalawang special agents, Night at Wind at si Cordova ang head ng SWAT team. 

Putok ng baril ang sumalubong sa kanila ngunit mabilis nila iyong nailagan.


"Make a clean shot, wag nyong tatamaan si Devvine!" narinig nyang sigaw ni Ivander.

"Magtago lang kayo dyan ako ng bahala dito. " utos sa kanila ni Wind. Nakita nilang pumuwesto ito sa isang malaking drum. Isang putok, bagsak ang nasa kanan ni Elmo. Pangalawang putok, sapol sa puso ang isa.

"Elmo wala ka ng kasama, sumuko ka na lang kung ayaw mong matulad sa mga yan na malamig ng bangkay!" wika ni JP kay Elmo.

"Mauuna munang mamatay itong babaeng to bago ako. Tignan mo nga kung sino ang unang mauubusan ng dugo sa amin."


Nag-angat ng ulo si JP habang si Wind ay nakaback-up sa kanya.  Ang luhaang mukha ni Devvine ang agad bumungad sa kanila. Maging ang patalim na nakatutok sa dumudugong leeg nito. Dahil nakatago si Elmo sa katawan ni Devvine habang ang kamay na may hawak na patalim ay nakadiin sa leeg ng dalaga.

"Devvine" sigaw ni JP "Hayop ka Elmo papatayin kita!" itinutok nya dito ang kanyang baril ngunit nagulat sya sa sigaw ni Devvine.

"Aray! " pain is so evident in Devvine's face. Lalong nadagdagan ang dugo sa leeg ng dalaga. Kitang-kita ni JP ang paghihirap ng dalaga at lalong nadadagdagan ang galit nya.

"Ibaba nyo lahat ng baril nyo o lalaslasin ko ng tuluyan ang magandang leeg ni Ms. Castillanes?"