Friday, 15 July 2011

JSPI SERIES B1 - CAMAE in I WILL BE HERE

CAMAE

IN

I WILL BE HERE

NAME:                        CARLA MAY NATIVIDAD
AGE:                           22 YEARS OLD
FAVORITE COLOR:   BLUE
MOTTO:                      Everything happens for a reason.


“I will be here, if you feel like being quite. If you need to speak your mind, I will listen. ‘Cause I will be here.”


“Carla! Carla! Carlaaaa…” sigaw ng kanyang ina. Tinakpan nya ang kanyang tenga upang hindi nya marinig ang sigaw nito. Alam na alam na nya ang ibig sabihin ng tono ng kanyang ina kaya’t inihanda nya na ang kanyang sarili sa mangyayari.  Napailing sya sa sarili at bumuntong-hininga.

“So, ikaw na naman Carla May Natividad, ikaw na naman as usual.” Malungkot na wika nya bago tumayo sa pagkakaupo nya sa gilid ng kanyang kama. Sa edad na 22, parang hindi pang kabataan ang nangyari sa buhay nya. Napatingin sya sa family picture na nasa bedside table nya. She held back the tears as she looked at the happy faces on that photograph. Years ago, they were like that. The photo was taken when she was still 7 years old. Bakas sa batang mukha nya ang kasiyahan, nasa musmos na mga mata nya ang kinang at ang pakiramdam na nagmamahalang pamilya.

“Kuya, Papa…. “ ang pagpipigil nya sa pag-iyak ay nauwi na sa mahihinang paghikbi. Tahimik lang syang lumuha habang patuloy sa pagsigaw ang kanyang ina. Sanay na sanay na sya, sa loob ng nakalipas na 14 na taon ay ilang beses ng nangyari ang magaganap kapag lumabas sya sa kanyang kwarto.

Naagaw ang pansin nya ng mag ring ang cellphone nya. Binalewala nya lang iyon, hindi mahalaga kung sino ang tumatawag. Ngunit patuloy ang pagring ng kanyang cellphone kaya napilitan na syang sagutin ito.
“Thank goodness, akala ko ano na nangyari sayo.” Bungad agad ng nasa kabilang linya.

“Ayos lang ako, ayos pa ako.” Tipid na sagot nya.

“Dinig na dinig sa buong baranggay ang sigaw ni Tita Marina, nagtatago ka na naman ba?”

“No, binibigyan ko lang ng oras ang sarili ko. Lalabas na sana ko nung tumawag ka.” Sagot niya.

“Listen Cams, alam mo na ang gagawin mo kapag natapos ang pagkanta ng nanay mo ha.” Biro pa ng kausap. Napangiti siya sa terminong ginamit ni Jake. Alam na alam talaga ng best friend nya kung paano siya mapapangiti. Kababata nya ito at sabay na silang lumaki. Matanda lang si Jake ng dalawang taon sa kanya at ang kuya talaga niya ang kasing-edad nito. Somehow, Jake’s presence in her life lessened the loneliness she feels.  He is her bestfriend, her protector.

“I know, kaya ihanda mo na yung first aid kit ha.” Ganting biro nya.

“Hahaha, lagi namang nakahanda yun. Marinig ko pa lang ang ganoong tono ng nanay mo aba’y inilabas ko na agad.” Sagot nito sa kanya. Narinig nyang bumuntong-hininga ang kaibigan. “Cams tulad ng dati, be strong.” Huling wika nito bago pinutol ang tawag.

“Oo, tulad ng dati.” Malungkot na wika nya bago lumabas ng kanyang silid. “Brace yourself.” Wika pa nya sa sarili. Ganoon lang ang buhay nya. Nasa bahay lang sya lagi at gustuhin man nyang maghanap ng tarabaho ay hindi sya pinapayagan ng nanay nya. Hindi nya alam kung kasama iyon sa parusang ibinibigay nito sa kanya pero simula ng makatapos sya ng kolehiyo at sa tuwing magbabalak syang maghanap ng trabaho ay laging sampal ang nakukuha nyang sagot mula sa kanyang ina. Nangilid na naman ang luha sa kanyang mga mata, nagpapasalamat na lang sya dahil may nakahanda ng educational plan ang kanyang ama para sa kanilang magkapatid. Marahil kung wala, lumaki na syang mangmang. Siguro alam ng kanyang ama ang mangyayari kaya pinaghandaan na nito iyon.

Mabuti na lamang at nadiskubre nyang may talent sya pagsusulat ng mga nobela. Si Jake ang nagpursige sa kanyang ipadala sa mga publishing house ang kanyang mga gawa. Sa simula ay walang tumatanggap ng mga gawa nya ngunit dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan nya mas lumalim ang kanyang pagsusulat. Doon siya humuhugot ng inspirasyon at may isang Jake na patuloy na itinataas ang confidence nya. Si Jake din ang tagahatid ng kanyang mga nobela at ang lalaki na din ang kumukuha ng tseke nya. Hindi iyon alam ng kanyang ina, kaya nag-iingat silang dalawa na huwag makahalata ito. Ang lahat ng nakukuha nyang bayad mula sa kanyang mga libro ay idinedeposito ng kaibigan nya sa bangko. Natigil na ang pagbabalik-tanaw nya ng makitang nakatalikod sa kanya ang kanyang ina. Humihithit na naman ito ng sigarilyo base sa usok na nakikita nya. Pinunansan nya ang luhang di nya namalayan na tumulo na pala bago lakas loob na hinarap ang kanyang ina.

****

“Mama,” bungad nya. Mabilis syang umilag dahil pagtalikod nito ay kasabay ng paghagis ng hawak nitong kopita. Kung hindi sya nakaiwas panibagong sugat na naman iyon sa kanyang pagkatao.

“Anong katangahan ang pinaggagawa mo at sinira mo yung mamahaling damit ng anak ko!” galit na wika ng kanyang ina habang lumalapit ito sa kanya. “Hindi mo ba alam kung gaano kamahal yun ha!” hinawakan nito ng mariin ang kanyang baba. “Siguro inggit na inggit ka kay Leslie sa magagandang damit nya. Well, my daughter deserves all those things hindi katulad mo na malas sa buhay ko!”itinulak sya nito kaya naman napaupo sya sa sahig. Kaya nyang tanggapin ang lahat ng pananakit nito sa kanya pero ang ipamukha sa kanya na mas mahal nito ang anak sa pangalawang asawa ay ang mas masakit tanggapin. She used to be her mother’s darling, lahat ng gusto nya noong bata pa sya ay ibinibigay ng mga ito. Until that fateful day happened, her life was changed.

Patuloy lang sya sa pag-iyak kaya’t hindi nya namalayan ang paglapit ng kapatid na si Leslie.

“Serves you right, ang tanga-tanga mo kasing maglaba. Kakapiranggot na dress lang hindi mo pa naayos ang paglalaba.Tanga!” nagmamalaki na wika ng kanyang 18 anyos na kapatid. Hindi sya ginagalang nito, ni hindi nga sya tinatawag na ate. At narinig nya minsan mula sa bibig mismo ng kanyang ina, na huwag na huwag daw sya nitong tatawaging ate.
“Les, leave your ate alone.” Wika ng Tito Alexis nya, ang asawa ng kanyang ina.
“Dad, pinagtatanggol mo na naman yan?” inis na sagot nito.
“I said leave Carla alone, go to your Mom.” Utos nito sa anak. Nagdadabog na umalis naman ang kanyang kapatid. “Are you okay?” tanong nito.
TInignan nya muna ang asawa ng kanyang ina. Mabait ito sa kanya bagay na lalong ikinaiinis ng kanyang ina kaya siya na ang umiiwas dito. Ayaw na nyang madagdagan pa ang galit ng nanay nya sa kanya.
“Opo, lalabas po muna ako.” Paalam nya dito at dali-daling umalis sa lugar na yon.
Patakbo syang lumabas ng gate nila at nakita nyang naroon na si Jake, nakasandal sa motorsiklo nito. Walang salitang inakay sya nito pasakay sa motor, bago ito sumakay at pinaandar ang motor. Nakalapat ang likod nya sa dibdib nito habang tinatangay ng hangin ang buhok nya. Tatlong bahay lang ang pagitan nila kaya naman mabilis silang nakarating sa tahanan ng mga ito.
“Cams!” bungad agad sa kanya ni Britanny, ang kapatid ni Jake. Tulad nya ay isa rin itong writer ng mga romance novels habang nag-aaral ng kolehiyo. Isa si Britanny sa pinakabatang writer sa edad na 20. Parehons sa JSPI o Jaevon Scribes Publishing Inc. sila nagpapasa ng mga nobela.  Kung si Jake ang lalaking bestfriend nya, si Tanny naman ang girlfriend nya.  Pagpasok pa lang nila ay niyakap na sya ni Tanny maging ni Tita Bethlehem, ang ina ng dalawa. Hindi na naman napigil ang luha nya dahil kapag naroon sya sa tahanan ng mga Castillo ay nakakaramdam sya ng pagmamahal.
“Okay ka lang ba iha?”bakas sa mukha ng ginang ang pag-aalala.
“Okay lang yan My, huwag kang mag-alala. Look, wala syang tama ngayon.” Nagbibirong wika ni Jake. Napangiti na naman sya sa simpleng banat nito. “Oh ayan, nagpadeliver pa ko para sa comfort food mo ha!” hirit pa ng lalaki bago inabot sa kanya ang chocolate sundae at French fries mula sa isang fast food chain. She felt good knowing that there are people who love her and make her feel special. Thankful sya dahil sa pamilyang ito, nararanasan nya paano mahalin.
“Thank you po Tita Beth, Tan.” Ganting yakap nya sa mga ito.
“Aba bakit ang poging tulad ko wala man lang thank you?” kunwa’y nagtatampong wika ng binata.
Tuluyan na syang natawa dahil sa kakulitan nito. Jake is simply the best, kaya naman mahal nya ito. Bigla syang natigilan sa reyalisasyon. Mahal nya si Jake oo bilang isang kapatid at kaibigan, tanging doon lang. Ngunit bakit sa puso nya, umaasam sya ng iba? Ipinilig nya ang kanyang ulo malaki na ang problemang kinakaharap nya saan nanggaling ang isiping iyon?
“Hoy, natulala ka na naman dyan. Huwag mo na munang isipin yun, tunaw na yang ice cream mo oh” turo ni Jake sa hawak nyang sundae.
“Salamat ha.” Tanging nasambit nya at iniiwas ang paningin dito.
“So, may drama na naman pala at as usual sayo ang takbo ng musmos na ito.” Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita at kitang-kita nya ang palitan ng tingin ng mag-inang Tanny at Tita Beth. Hindi din nakaligtas sa paningin nya ang pag-irap ng kaibigan.  Alam nyang inis na inis ito sa babaeng dumating, si Calsey isa sa mga kababata din nila. Napakaganda ng babae at kasing edad din ito ni Jake. Napagkakasunduan nilang magkaibigan na banggitin ang letrang l sa pangalan nito kaya ang tawag nila sa babae ay C-a-l-s-ey kahit na silent L lang dapat. Bagay na lalong ikinais ng maarteng babae.
“Hi Cas, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jake sa dalaga. Parehong practicing doctor na sina Jake at Cassandra sa parehong ospital.
“Just dropping by to give Tita Beth this cake. I baked it hope you like it Tita.” Maarteng wika ng dalaga sabay abot sa isang maliit na box sa ginang. Huling-huli  nya ang panggagaya ni Tanny dito pati na ang maarteng pagbuka ng bibig ni Cas. Hindi nya napigilang matawa ng mahina bagay na ikinataas ng kilay ni Calsey.  Nabanggit ni Britanny sa kanya na malaki ang inis sa kanya ni Calsey dahil kay Jake. Wika nga ni Tanny, feelingerang girlfriend ng kuya nya ang dalaga.  Kahit sya ay nagtataka din kung bakit hindi pa ligawan ni Jake ang dalaga dahil halata namang may gusto si Calsey sa binata.
“Thank you Iha hindi ka na sana nag-abala pa.” pilit na ngiti ni Tita Beth. “It’s okay Tita, basta para sa magandang ina ni Jake.” Pagmamalaking wika pa ni Calsey.
“Cams, tara sa kwarto ko. I’m sure hindi lulubayan ng isa dyan si Kuya.” Parinig ni Tanny bago sya hilain papasok sa kwarto nito. Narinig nya pang sumigaw si Jake ng “I’m coming” ngunit hindi nya na iyon sinagot. Nalilito sya dahil ngayon lang sya nakaramdam ng selos kay Calsey. Naiingit din sya sa dalaga dahil isa itong propesyonal na doctor bukod sa maganda ito.  Kahit kailan ay hindi sila naging close ng dalaga dahil laging diretso kay Jake ang tingin nito kapag magkakasama sila.
“Ang arte talaga,” naka-ingos na wika ni Tanny. “Yaan mo na yun, parang hindi ka na nasanay sa araw-araw na pagpunta nun dito.” Sagot nya sa kaibigan.
“Eh kasi naman kulang na lang eh sabihin ng harapan ni Kuya sa kanya na wala syang pag-asa. Pasalamat sya gentleman ang kapatid ko.” Tumalikod ito sa kanya. “Kung bakit kasi, hindi na lang kayo ni Kuya ang magkatuluyan eh.” Mahinang wika nito.
“Ano kamo Tan?” tanong nya dahil hindi nya narinig ang sinabi ng kaibigan.
“Wala, sabi ko kamusta na ang bagong book mo? Congratulations pala, nasa Top 5 best selling ka ulit.”pagbati nito sa kanya.
“Haha, kala mo sya hindi kasama sa Top 5, congrats sa tin.” Isa din sa best seller ang mga gawa ng kanyang kaibigan kaya proud sya dito na sa kabila ng pag-aaral at pagiging bata ay nakakagawa ang dalaga ng mga obra.
“Ano na, may kasunod na ba ang Best Seller na Ace of Hearts mo?” muling tanong nito.
“Yep, tinatapos ko na yung Moment of Truth.” Tipid na wika nya. Napalingon sya sa larawang nasa mesa ni Tanny. Kuha iyon noong graduation nya. Si Tanny, Tita Beth at Jake ang dumalo sa lahat ng pagtatapos nya. Hindi na naman nya naiwasang malungkot.
“Hey, nag e-emote ka na naman dyan.” Kalabit sa kanya ni Jake. Hindi nya namalayang pumasok ito sa silid. “Hoy Taling, bakit pinababayaan mong malungkot itong si Cam.” Sita nito sa kapatid.
“Wala po akong kasalanan Kuya.” Napapitik bigla ang dalaga. “Kuya, pwedeng magtanong?”
“Siguraduhin mo lang na  matino yang tanong mo.”
“Promise Kuya, at Cams pwede ka din sumagot ha.” Kindat ng kaibigan sa kanya.
“Go ahead make my day.”nakangiting sagot ni Jake bago tumabi sa kanya. Gawain na nitong kunin ang kamay nya at bigyan sya ng hand massage. Ngunit bakit naiilang na sya ngayon dito. Hindi naman pansin ng lalaki ang pagkaasiwa nya at patuloy ito sa pagmamasahe sa palad nya.
“Kuya, type mo ba si Calsey?” diretsong tanong ni Tanny.
“Eh di sana kung type ko niligawan ko na noon pa.” sagot ni Jake ng hindi tumitingin sa kapatid. Nakatuon lamang ang paningin nito sa palad nya
“Eh sinong type mo?” muling tanong ni Tanny.
“Secret.” Tipid na sagot ni Jake. Nakikinig lamang sya sa pag-uusap ng magkapatid.
“Pero may mahal ka na ba?” patuloy na tanong ng dalaga.
“Oo.” Binitiwan ng lalaki ang kanyang kamay at tumayo ito. May munting kirot sa puso nya ng sabihin ni Jake na may minamahal na ito. Selos na naman ba? Pero wala syang karapatan. Kapatid ang turing niya dito maging ito sa kanya.
“Bakit ba tanong ka ng tanong?” wika ni Jake. “Wala lang, Cams magugustuhan mo ba si Kuya bilang boyfriend?” tanong naman ng kaibigan sa kanya na ikinagulat nya. Hindi sya makaimik dahil sa mga oras na yun ay  naguguluhan na sya.
“Hoy Cams, sagutin mo yung tanong ko.” Pangungulit pa ni Britanny.
Nagulat na lang sya ng hawakan ni Jake ang kamay nya at akayin sya palabas. Mabuti na lang at iniiwas sya nito sa isang sitwasyon ngunit nakatulong ba talaga ang pag-iiwas nito sa kanya sa tanong ni Tanny o mas lalong nakagulo?
“Hoy bumalik kayo dito!”narinig nyang sigaw ni Tanny. “Uy, magtatanan na kayo?” pahabol pa nito.
“Baliw!” ganting sagot ni Jake dito habang pasakay sila sa kotse. Hindi nya alam kung saan sya dadalhin nito,at gumagabi na din. Siguradong katakot-takot na mura na naman ang aabutin nya sa kanyang ina.

****
“Saan tayo pupunta? Pagabi na baka I-lock na naman yung pinto namin.”
“Basta, doon na din tayo magdinner. Kalimutan mo ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Gusto ko maging masaya ka.” Seryosong wika ni Jake.
Tahimik na binaybay nila ang daan at napagtanto nyang sa Roxas Boulevard ang daan nila. Manila Bay Boardwalk doon ang tungo nila nasisiguro nya. Napangiti siya dahil kilalang-kilala talaga siya ng binata.
“Nakita ko yung smile mo ha, tama ka. Doon nga,”sinulyapan sya nito ng tingin. “For dinner, you have to guess.”
“Hmmm, espesyal ba o kanto lang?” natatawang wika nya.
“Espesyal na kanto.” Sagot naman ng binata na bakas ang amusement sa boses.
“Fishballs!” sabay na wika nila na ikinatawa nilang pareho.
Ipinarada nito ang sasakyan sa isang bakanteng parkeng space. Tamang-tama lang ang dating nila, papalubog na ang haring araw. “Ang ganda talaga ng sunset,nakaka-kalma.” Wika nya habang nakatanaw sa pagsabog ng liwanag ng papalubog na araw.
“I know, look, I want you to be happy. This time, ayokong umiiyak ka kaya mag-enjoy ka habang narito tayo. Ask me whatever you want to buy, or eat or drink. Sagot ko lahat.” Nakangiting wika ni Jake.
Napakaswerte ng magiging girlfriend ng binata. Bukod sa gwapo ito ay napakabait pa. Kaiinggitan nya ang sinasabing minamahal nito.
“Uy sakto may fishballs,” hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya sa fishball stand. “Manong eat all you can kami ha, and then sabihin mo sa kin magkano lahat.” Wika ni Jake sa tindero.
Para silang mga bata na nag unahan sa pagkuha ng fishballs. Simple lang talaga ang gusto nya sa buhay, at simpleng mga bagay din ang nakakapagpasaya sa kanya.
“Yum,yum ang sarap!” masayang wika nya. “Manong, the best ang sauce nyo ha.” Puri niya sa tindero.
‘Hoy, don’t talk when your mouth is full nga.” Kunwa’y sita ni Jake sa kanya.
“Tse, eh masarap eh. Inggit ka.” Tumatawang sagot niya. Tawa sya ng tawa kaya hindi nya namalayan ang paglapit ng kamay nito sa kanyang labi. Pinunasan ng mga daliri nito ang sauce na naiwan sa gilid ng bibig nya.  Huli na ng napatingin siya kay Jake kaya hindi nya nakita ang pagbabago ng expression ng mga mata nito. “Para kang bata kumain oh, ilang taon ka na ba at parang kailangan mo pa ng bib.” Biro ng lalaki sa kanya.
Irap lang ang isinagot nya dito dahil naging eratiko ang pintig ng puso nya. Bakit ngayon pa nabubuksan ang kamalayan nya sa mga katangian ni Jake. Masyadong wrong timing.
“Tara doon.” Hila nito sa kanya matapos mabayaran ang fishball vendor.  Kalat na ang kadiliman sa paligid, puno na ng nagkikislapang ilaw ang buong lungsod. Inalalayan sya ni Jake na makaupo sa isang bench na nakaharap sa Manila Bay. Tumingala sya sa langit at pinagmasdan ang pagpapaligsahan sa kislap ng mga bituin.
“Sometimes, I wish that I’m a star. Andun lang sa taas, kumikislap.” Wika nya. “Malaya lang silang lumalabas sa gabi, na kahit may ulan paglabas nila andun pa rin yung kinang.”
Narinig nyang bumuntunghininga ang lalaki. “Sabi ko walang emo ngayon, pero bakit nagda-drama ka dyan?” inakbayan sya nito at inihilig ang ulo nya sa balikat nito.
“I can’t help it. Kasalanan ko ba talaga ang nangyari sa pamilya namin Jake?” tanong nya sa binata habang patuloy sa pagdaloy ang luha nya.
“No, hindi mo kasalanan yun”
“Pero bakit patuloy akong pinaparusahan ni Mama?” ang munting iyak ay nauwi na sa hagulgol at naramdaman nyang yakap yakap na sya ni Jake.
“Shhhh, walang may kasalanan ng nangyari Carla.  Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam.”  Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. Ramdam na ramdam nya ang pagkakalapit nilang dalawa at napapanatag sya sa presensya ng lalaki.
Ilang sandali pang nakayakap lang ito sa kanya habang ibinubuhos nya ang lahat ng kanyang luha. Kumalas sya sa pagkakayakap nito at tinignan ito ng diretso.
“Ang swerte ng magiging girlfriend mo.” Wika nya.
Napangiti ang lalaki sabay punas sa kanyang mga mata. “Bakit mo naman nasabi yun?”
“Eh kasi pinabayaan mo kong basain ng luha at sipon yang mamahaling polo mo.” Nangi-ngiting wika nya.
Natawa ang lalaki at muling hinaplos ang kanyang buhok. “That’s my girl,ganyan nga. Pagkatapos mo magdrama magpakaloko ka na ulit.”
Inayos nya ang sarili at tuwid na umupo. “Kidding aside, kapag nagka-girlfriend ka na hindi mo na ko masasamahan ng ganito. Kokonti na din ang time mo para sa bestfriend mo dahil sigurado hindi yun papayag na nakabuntot ako sa inyo.”
“Teka nga, bakit parang tinutuloy mo ang tanong ni Britanny kanina?”
“Wala lang, napaisip lang ako. May possibility na ganon diba?”hindi agad tumugon anglalaki kaya naman sinundan nya pa ng isang tanong. “Si Calsey wala bang pag-asang maging kayo?”
She heard him sigh once more before answering. “You’ve heard me earlier Carla May, nasabi ko na kay Tanny na wala dahil may mahal na ako.”
Hindi sya umimik dahil andon na naman ang munting kirot sa puso nya. Matagal na ba syang inlove sa best friend nya at ngayon lang iyon rumerihistro sa isip nya?
“Mahal kita.”napalingon sya sa sinabi ni Jake. Tama ba ang dinig nya sa sinabi nito?

“Yes, tama ang dinig mo Carla May. Mahal kita.” Hinawakan nito ang kanyang kamay at tumitig sa kanya. “You’ve grown before my eyes, and every year palaki-ng palaki ang pagmamahal ko sayo. At first sabi ko mahal kita tulad ng pagmamahal ko sa kapatid ko. Pero when you turned 18, doon ko naconfirm na mahal kita bilang isang babae at naiinis ako kapag sasabihin mo sakin na mahal mo ko bilang kapatid mo.” Mahabang litany ng lalaki. Nakatingin lamang sya dito,hindi alam ang sasabihin.

“Gusto kong lagi kang masaya, at kapag nasasaktan ka mas doble ang sakit na nararamdaman ko alam mo ba? Minamahal kita na hindi ako umaasang mamahalin mo din ako, just being there for you makes me happy. I will be with you no matter what, mahalin mo ako ng higit pa sa kapatid o hindi, hinding-hindi magbabago ang pakikitungo ko sayo. Mahal na mahal kita Camae, kaya lahat ng pagpipigil sa sarili ko ay ginawa ko para malaman mo ang nararamdaman mo. But I’m sorry, I can’t take it anymore, I know it’s not the right time but let me tell you again, I love you.”

Hindi nya namalayang umiiyak na naman pala sya. Hindi nya alam ang sasabihin kay Jake ngunit kung magpapakatotoo sya sa sarili aaminin nya ditong ngayon lang nya narealize na mahal din nya ito.

“I’m not expecting you to answer, I will court you Cams. And in time, I will marry you para magkaroon na ako ng karapatan na alisin ka sa impyernong bahay na yun.” Hinawakan nito ang kamay nya. “Let’s go home, and I want you to rest. Huwag ka munang mag-isip ng kahit ano ngayon gabi basta magpahinga ka lang.” wika nito habang pinagbubuksan sya ng pinto ng kotse.

Tahimik lang ang byahe nila pabalik sa kanilang bahay. Wala ni isa man ang nagsasalita kaya nabibingi na si Camae sa katahimikan. Mahal sya ni Jake, iyon ang pinakamalaking rebelasyon na nangyari ngayong araw sa kanya. Tama ito, hindi sya mag-iisip ngayon gabi. Matutulog lang sya, ipapahinga nya ang pagod nyang isipan.

****

“Ginabi ka na naman ng uwi?” bungad sa kanya ng kanyang ina. Nasa mesa ito at kasalukuyang nag-aalmusal kasama ng pangalawang pamilya nito. “Sino na namang kasama mo? Yang bestfriend mo kunong si Jake? Mamaya magugulat nalang kami dito na buntis ka na pala.” Nakataas ang kilay na wika ng kanyang ina.
“As if we care Mommy.” Maarteng wika ng kapatid nyang si Leslie. “Pakiabot nga sakin yung bread.” Utos pa nito sa kanya.
“Leslie andyan lang sa harap mo yung tinapay kunin mo.” Sita dito ng padrasto nya.
“Hayaan mo si Camae ang magbigay kay Leslie, trabaho naman nya yan.” Gatong pa ng kanyang ina.
Iniaabot nya na lang ang tinapay sa kapatid, sa tuwing sabay-sabay silang nag-aalmusal ay ramdam na ramdam nya ang malamig na pagtrato ng kanyang ina at kapatid kaya mabilis nyang inubos ang kanyang kape at nagpasintabi bago tumayo. Sakto namang tumunog ang doorbell nila at bumungad sa kanya ang isang bouquet ng red roses.
“Good morning love,” bati sa kanya ni Jake. “for you.” Inabot nito ang bulaklak. Mukhang seryoso talaga ang lalaki sa sinabing manliligaw ito. “Idinaan ko lang yan bago ako pumunta ng ospital. Take care and I’ll get in touch.” Wika ng lalaki at dali-dali ng nagpaalam.  Saktong pag-alis ni Jake ay dumaan naman si Calsey sa harap ng bahay nila. Bakas sa mukha ng dalaga ang poot sa kanya. Ikinibit nya na lang ang balikat at sinagot ang nagiingay na telepono.
“Ayyyyyyyyy!” matinis na sigaw ni Britanny sa kabilang linya. Inilayo nya ang kanyang cellphone dahil masakit sa tenga ang tili nito.
“Ano ba ang sakit ha.”
“Eh pano ba yan bestfriend, opisyal ng nanliligaw si Kuya sa iyo! Sabi ko na nga ba mahal ka non eh! Sagutin mo na agad si Kuya, para matupad na yung matagal ko ng pangarap na maging real sister na kita.” Mahabang pahayag ni Tanny.
“Ewan ko Tan, naguguluhan pa ko. Hindi-” naputol ang sasabihin nya ng marinig nya ang sigaw ng kanyang ina. Tinatawag sya nito. Dali dali syang nagpaalam kay Tanny bago pumasok sa loob.
“Aba may nagkamaling bigyan ka ng bulaklak?” nakataas-kilay na wika ni Leslie. “Galing ba yan dun sa bestfriend kuno mo?”nakaingos na tanong nito.
Hindi nya pinansin ang kapatid at diretso sya kung nasaan ang kanyang ina. “Bakit po?” tanong niya dito.
“Off ni Manang Lupe kaya bahala ka dito sa bahay, aalis kami.” Yun lamang ang sinabi nito at bigla syang iniwan. Eton a naman, katulong na naman ang papel nya tuwing Linggo. Okay lang sa kanya as long as wala ang mga ito sa bahay.
Masigla nyang ginawa ang lahat ng gawaing bahay dahil may panibagong pinagkukunan sya ng lakas. Masaya sya yon ang nasisiguro nya sa kabila ng hindi magandang pakikitungo ng pamilya nya sa kanya.Andyan si Jake, mahal sya ng lalaki at lagi sya nitong pinasasaya. Tama si Tanny, dapat hindi nya na patagalin ang pagsagot kay Jake.
****
Lumipas ang mga araw at hindi nakakalimot si Jake na padalhan sya ng mga bulaklak kapag busy ito. At kapag oras na ito, lagi syang ipinapasyal ng binata. Jake showed her the different meaning of love. And everyday, her love for him grew more and more. She planned to finally make their relationship official later. Manood sila ng concert ng isang sikat na banda, treat daw ng binata iyon para sa kanya.
Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ng kaniyang ina sa kanya at maging ng kapatid. At napansin nyang pati ang padrasto nya ay nag-iiba na ng ugali. Minsan nahuhuli nyang nakatingin ito sa kanya at bigla syang kikilabutan sa ngisi nito.  Pero hindi nya na binibigyan ng puwang na paiyakin sya ng kanyang pamilya. Lalo pa ngayong may Jake na laging andyan para sa kanya. Damang-dama nya ang pagmamahal sa kanya ng lalaki. Kaya naman ngayong gabi ay sasagutin nya na ito. Wala syang magiging problema sa side ni Jake dahil simula ng malaman ng Tita Beth na nililigawan na sya ng binata ay mas kinagiliwan s yang ginang.
Tumunog ang message alert ng cellphone nya at nagulat sya ng makitang may  text si Calsey sa kanya.
“Meet me, important. ASAP.- Calsey” yon ang laman ng message ng dalaga.
Naguluhan sya kung bakit gusto nitong makausap sya. Matagal na rin naman nyang hindi nakikita ang dalaga simula ng kumalat sa lugar nila na opisyal ng nanliligaw si Jake sa kaniya.
She decided to call Calsey to ask what her business is. Sinabi nitong sandali lang daw silang mag-uusap dahil lilipad na ito sa States para doon mag practice ng medesina.
Sinabi ng dalaga na kung pwede magpunta sya sa bahay ng mga ito. Tinignan nya ang oras at dahil may panahon pa sya bago sya sunduin ni Jake ay pumayag na sya. Tinungo nya ang tahanan ni Calsey at nakita nyang hinihintay na sya ng dalaga.
“Thank you for coming, I just have a feeling na I should tell you what I know to save you from further misery.” Agad na bungad ng dalaga. Naguluhan sya sa sinabi nito kaya sumunod na lang sya ng igiya siya nito papunta sa garden.
“You see Carla May, Jake is just fulfilling a dead kid’s wish.” Diretsong wika ng dalaga.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Years ago, bago Matthew, your brother, and Jake made a promise. You might say na usapang musmos lang yun pero sa tingin ko tumatak iyon sa isipan ni Jake.”
“Bakit hindi mo na lang diretsuhin?” bigla syang nalungkot ng marinig ang pangalan ng Kuya Matthew nya.
“Oh, mukhang nagmamadali ka, may date ba kayo ng Knight in Shining armor mo?” hinagod sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Andon ako ng piliting mangako ni Matthew si Jake na kung magkakalayo-layo kayong pamilya ay aalagaan, mamahalin at pakakasalan ka ni Jake sa tamang panahon. Imagine how can a 9 year old kid made someone promise to do those things?” natatawang wika ni Calsey.
Naguluhan si Camae sa sinasabi ng dalaga. Ang kuya nya pinilit si Jake na mangako na bantayan at alagaan sya? Kaya ba ngayon nagpahayag ng pagmamahal si Jake dahil ngayon na ang tamang pagkakataon na tuparin ang pangako sa yumao nyang kapatid?
“You’re clever, you know. Tama ka, now is the time to fulfill your brother’s wish. Jake promised Matthew that he will take care of you and eventually you will be his wife. Maybe Matthew felt he will not live that long, kaya ginawa nya yun. Pity Camae, nagpapanggap si Jake na mahal ka nya para tuparin lang ang ipinangako nya sa kapatid mo. How pathetic can you get? Nahulog ka sa ganong klaseng pambobola?” nanunuyang wika pa ni Calsey.
“No, you’re lying.” Tanging nasambit nya. “No my dear girl, hindi ako nagsisinungaling. Go ahead ask him, I’m sure natatandaan nya yun lahat. I need to prepare myself before we leave. Thanks for dropping by, goodluck.” Pagtataboy ng dalaga sa kanya. Wala sa loob na lumabas sya sa bakuran nila Calsey at bumalik sa kanilang bahay. Diretso sya sa kanyang kwarto at masagana na namang dumaloy ang kanyang luha. Kinuha nya ang larawan ng Kuya Matthew nya “Kuya, totoo ba yun? Dahil lang sa iyo kaya ako minamahal ni Jake?”
“Hey anong problema?” tanong ni Jake sa kanya. Dumating pala ito ng hindi nya namamalayan.
Tinignan nya ito ng blangkong ekspresyon. Alam nyang mali ang maghinanakit agad sa lalaki, she have to ask him first before jumping into conclusions. “Tell me, kaya mo ba ko nililigawan at sinasabi mong mahal mo ko ay dahil sa pangako mo kay Kuya noon?” direstong wika nya. Kunot-noong lumapit sa kanya ang binata.
“Saan mo naman nakuha yan?”
“Just answer me, may pinag-usapan ba kayo ni Kuya dati?”
“For goodness sake, Camae! Nine years old lang kami ng kapatid mo ng mangyari yun. You think seseryosohin ko yun?”
“So it’s true, may usapan nga kayo ni Kuya.” Kumalas sya sa pagkakayakap nito. “Mahal mo ko dahil tinutupad mo ang pangako mo sa kanya,hindi mo ko minamahal ng totoo.” Lumuluhang wika nya.
“How could you say that when all I want is to make you happy? When I say I love you, I mean it. Matagal na kitang mahal and jeez, Carla May!” huminto ito at iniharap sya “ilang taon na ang nakakalipas tingin mo maaalala ko pa yun?” bakas ang hinanakit sa mukha ng binata.
“All along I thought, mahal mo na din ako. Pero ngayon may doubts ka? Hindi pa ba sapat lahat ng ipinakita ko sayo? Mahal na mahal kita, hindi mo ba ramdam na totoo ako?” huling wika ng lalaki bago sya iniwanan. Alam nyang nasaktan nya si Jake ngunit gusto lamang nyang makasiguro. Mukhang nagalit na sa kanya si Jake, itinaboy ba nya ang kaisa-isang taong nagmamahal sa kanya.Umiyak lang sya ng umiyak hanggang makatulog sya. Sana hindi nalang sya nakipag-usap kay Calsey, hindi na sana nagulo ang utak nya.
****
Naramdaman nyang may humahawak sa hita nya. Ang natatandaan nya suot nya ang bestidang bigay ni Tita Beth sa kanya. Pero bakit pakiramdam nya may ibang tao syang kasama. Nagising ang diwa nya ng maramdamang may humaplos ulit sa kanyang hita. Nahihintakutan syang bumangon upang mawindang ng makita ang kanyang padrasto na nasa loob ng kanyang silid.
“Ano pong ginagawa nyo dito?” takot na tanong nya.
“Wala, maglalaro lang tayo.” Inilabas nito ang hawak na patalim. “Kapag hindi ka pumayag, papatayin ko ang nanay mo. Matagal na kong nabwibwisit sa nanay mo akala mo ba, kaya balewala sakin kung patayin ko sya.” Wika ng lalaki. Kitang-kita nya ang pamumula ng mga mata nito. Sisigaw na sana sya ng takpan nito ang kanyang bibig. Tangkang hihilain nito ang damit nya ng bumukas ang kanyang pinto.
“Alexis! Anong ginagawa mo sa kwarto ng babaeng yan?” galit na wika ng kanyang ina. “Mama, tulungan mo ko, pinagtatangkaan nya ako.” Umiiyak na wika nya sa ina.
“Marina,yang malandi mong anak ilang araw na akong inaakit. Kanina iniwan nyang bukas ang pinto nya para sumunod ako.” Pagsisinungaling ng lalaki.
“Hindi totoo yan, Mama, nagising akong nandito na sya  sa loob ng kwarto ko. Pinag-” hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil malutong na sampal ang ibinigay ng kanyang ina sa kanya.
“Malandi kang babae ka. Hindi ka lang malas sa buhay ko, ikaw na nga ang dahilan ng pagkawala ni Joaquin ngayon aagawin mo pa si Alexis!” galit nag alit na wika ng kanyang ina. Kinaladkad sya nito palabas ng kwarto nya.
“Nang dahil sa kalikutan mo nawala si Joaquin at Matthew! Nang dahil sayo, namatay ang mag-ama ko. Isa kang salot, kung hindi ka nila hinanap noong nawala ka di sana buhay pa sila ngayon! Kung hindi dahil sa pagiging gala mo, hindi sila maaksidente at buhay pa sana hanggang ngayon ang anak ko at asawa!” galit na galit na wika ng kanyang ina. Iyak lang sya ng iyak, wala syang karamay walang tutulong sa kanya kapag sinaktan sya ng kanyang ina. Sana narito si Jake para ipagtanggol sya.
“Alam mo ba pinagsisihan ko ang pag-aampon namin sayo! Kung hindi ka napulot ni Joaquin Masaya sana ang buhay namin.” Natigagal sya sa narinig mula sa ina. “Oo, hindi kita anak! Hindi ka naming kadugo kaya wala akong pakelam sayo!” muli sya nitong nilapitan at sinampal ng malakas. “Nararapat lang sayo ang lahat ng naranasan mo dahil malas ka, malas ka sa buhay ko. Lumayas ka!”  pagtataboy sa kanya ng kanyang ina. Ipinagtulakan pa sya nito palabas ng bahay at nagkukumpulan na ang mga tao sa paligid nya.
Hindi mailarawan ni Camae ang nararamdaman nya. Namanhid na yata ang buong pagkatao nya. Winasak ng kinilala nyang ina ang natitirang piraso ng buhay nya. Hindi siya anak nito kaya ganon na lamang ang pagtrato sa kaniya.
Naramdaman nyang may nagbuhat sa kanya. Hinang-hina sya para alamin kung sino ang taong iyon pero hindi nya na kailangan pang manghula. Kilalang-kilala nya ang amoy ng lalaki. “Jake..” mahinang usal nya.
Buhat sya ng lalaki hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga ito. Naramdaman nya na lamang na nakahiga na sya sa kama at may nagpupunas sa mukha nya.  Marahang halik sa kanyang labi ang nakapagpamulat sa kanya.
“Mahal na mahal kita Camae at hinding-hindi na ko papayag na may mangyari pang ganito sayo. Pakakasalan kita sa ayaw at sa gusto mo. I want you to spend your life with me. And I will make everyday special para mahalin mo rin ako. Matutunan mo din akong mahalin, love.” Madamdaming pahayag ni Jake.
“Shh, I’m sorry kung pinagdudahan ko ang pagmamahal mo. Hindi ko lang kasi makakaya kapag niloko mo ko, o pinasa lang. Dahil mahal kita eh, takot akong masaktan.” Pag-amin nya dito.
“Love, tingin mo ba magagawa pa kitang saktan sa kabila ng lahat ng sakit na naranasan mo sa buhay mo? I promised myself that, I rather hurt myself for not having you than to hurt you. Hinding-hindi kita sasaktan. I will always be here for you my girl.” Muling wika ni Jake at ginawaran sya ng halik sa noo.
“Thank you for always being here.” Napahinto sya sa naalala. Muli na naman ang pagtulo ng luha nya. “Hindi niya ako anak kaya ganon sya. Kaya hindi nya ko pinaniwalaan ng sabihin kong pinagtangkaan ako ng lalaking yun.” Humahagulgol na wika nya.
“Hush, let’s leave them all behind. You will start your life again, with me. I will help you to put back the pieces of your life again. With me, with my family, with our own family Camae. Marry me love.”
She looked at his eyes. Funny how his stares can melt all the pain in her heart. She love this man who love her more than she could ever think of. And yes, she is more than willing to be his wife. She knew, he will never leave her and she can feel his unconditional love.
“Yes, I will marry you Jake.” Nakangitng sagot nya. Sa kabila ng pumutok na labi nya, mababakas ang ngiti. Oras na magpakasal na sila,muli syang mabubuo. “Thank you for being here with me.” Wika nya sa lalaki at ginawaran ito ng masuyong halik.
“I will be here for you, until eternity love.” Sagot ni Jake.
Panatag na ang kalooban ni Camae sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na pinagdaanan nya. Hindi medaling maka-moveon sa nangyari sa kinilala nyang pamilya pero sa tulong ng lalaking nagmamahal sa kanya, alam nya na ang paghilom ay mabilis na mangyayari.
Love can heal all wounds.

THE END. 

****

Ang istorya ng buhay ni Tanny, coming up. :D

JSPI SERIES B1 - ROJUDENXY in CRAZY INLOVE

ROJUDENXY

IN

CRAZY INLOVE

REAL NAME: EMMANUEL SANCHEZ
AGE: 29
FAVORITE COLOR: BLACK
MOTTO: KUNG AYAW MO,  HUWAG MO. *wink*

Love moves in mysterious way, its always so surprising how love appears over the horizon.”


“Hoy, gumising ka na nga! Mala-late na naman ako dahil sayo eh.” Wika ni Michigan habang niyuyogyog ang ate nyang si Em.  “Ate!,” haklit nito sa kumot ng dalaga. “Gosh, I wish I have a place of my own”. Mahinang wika ni Michi habang tutop ang noo. Hindi iyon nakaligtas sa nagigising ng kaisipan ni Em.

“Ang arte mo talagang bata ka, “ pupungas-pungas na bumangon sya sa higaan. “e di maghanap ka ng work mo ng makabili ka din ng bahay mo.” Naiiritang bumangon na si Emmanuel, Em a mga kaibigan at kakilala, dumiretso sya sa banyo upang ayusin ang sarili. Mamaya na sila magtutuos ng kapatid nya.

Dalawa na lamang silang natitirang magkaramay sa mundo. Their parents died nine years ago. She was just 20 years old that time and Michigan was 11 years old. Their life story can sell if somebody would write about it. Mahirap ang pinagdaanan nilang magkapatid at daig pa ang telenovela sa dami ng kontrabida sa buhay nila. They didn’t know that their parents had that huge amount of savings in the bank. At dahil mga bata pa sila ni Michi, hindi pa nila alam ang kalakaran sa buhay.

And so came their so-called relatives. At first, they took care of them and treated them good because of their inheritance. Pero habang tumatagal ay nag-iiba ang pakikitungo ng mga ito sa kanila. Ang Tito Freddy at Tita Mandy nila ang tumatayong guardian nilang magkapatid. Pinsan ng kanilang ama ang Tito Freddy at dahil parehas na nag-iisang anak ang kanilang mga magulang, walang nagawa ang DSWD kundi ipagkatiwala sila sa tanging malalapit na kamag-anak nila. Hindi naging madali ang buhay nilang magkapatid sa piling ng mga kamag-anak. She strived hard to earn her own money and to support her sister. How ironic, their parents left them with a big amount of money enough for them to live a lifetime.  Pero pinagpapasasaan ng mga gahaman nilang kamag-anak. She studied hard to get scholarships, while she worked at night. Umalis sya sa sariling bahay nila para makapagtrabaho at makapag-aral ng maayos. Habang si Michigan ay nanatili sa lugar na yon. 

She promised her sister that she will return to fetch her when she had enough money to raise her.
At dahil sa pagpupursige nya, nakatapos sya ng pag-aaral sa sariling pagsisikap at ngayon isa na syang professional freelance Interior Designer. Nakabili na sya ng bahay at nakuha na nya ulit ang kapatid nya at ngayon ay graduating na si Michigan sa kursong Engineering. Bukod sa pagiging ID, lingid sa kaalaman ng kapatid nya ay isa rin syang writer ng mga romance novels na pinupublish sa buong bansa. Her novel “Don’t Pretend” was chosen as Best Novel of 2009 and all her books are sold out.

Naputol ang pagbabalik tanaw nya ng may maalala, “Homaygulay! Ngayon ang deadline ko!” dali-dali syang lumabas ng banyo  at binuksan ang laptop nya. She scanned her files and clicked on a title. Relieved, she 
printed the document. Akala nya hindi nya natapos ang pag proof read sa novel nya.

“Ang tagal mo naman ate eh.” Wika ni Michi na papalit sa printer.

“Hep, hep, huwag mong lalapitan yan” pigil nya dito. Ayaw nyang malaman nito ang sideline nya.

“Sus, para titignan lang kung ano yang pi-print mo. “nakaingos na wika nito. “Ate my class starts at 10:20, 9:45 na, may balak ka bang ihatid ako o wala?” mataray na wika ng kanyang kapatid.

“Teka nga lang, wait for me outside. I’ll be there in  a minute.” Sagot nya habang sinusuklay ang kanyang bobcat na buhok. She want her hair short, kaya kapag lagpas batok na ang buhok nya ay pinapagupit nya na ito. Nagmadali na sya magbihis at kinuha ang na-print ng nobela. She took her keys and headed outside the door.
“Okay tara na. Sorry kulit, dahil gabi na ko natulog may tinapos akong design.” Wika nya sa kapatid ng makasakay na sila sa kotse. “Fasten your seatbelt kid, lilipad na tayo.” Biro nya pa dito.
Ingos lang ang isinagot ng kapatid nya. Sanay na sanay na ito sa mga kabaliwang linya nya. Mas gusto nyang inihahatid ang kapatid sa unibersidad kaysa hayaan itong bumiyahe. Hindi nya alam, pero mas panatag sya kung ganon ang gagawin nya. Paranoid na yata siya ngunit mas mabuti ng nag-iingat.  “Si Michigan nalang ang natitira sa akin.” Iyon ang laging wika nya sa sarili.

*****

JSPI  (Jaevon Scribes Publications, Inc.) BUILDING

Matapos maihatid ni Em ang kapatid sa unibersidad ay nagtungo sya sa Publication house, ang JSPI. Ang JSPI o Jaevon Scribes Publications Inc.  ay pag-aari ng isang ex-matinee idol at singer na si James Roy Rivera at ng asawa nitong si Princess Devon Castillanes-Palacios Rivera na galing sa isang mayamang angkan. Pero ang pinakaboss nila dito ay ang anak nitong si RJ Rivera.
“Hello Ate Em.” Bati sa kanya ng isa ring writer na si Britanny. “Una na po ako, may pasok pa sa school.” Paalam nito. Napangiti sya, nag-aaral si Britanny habang nagsusulat ng mga nobela.
Nagpatuloy sya sa paglalakad patungo sa opisina ni Marisse, ang kaniyang editor, ng mag-ring ang cellphone nya. Yumuko sya upang kapaanin iyon sa kanyang bag kaya hindi nya napansin ang paparating na nilalang na hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga kahon. Huli na ang lahat ng mag-angat sya ng tingin..
“Aray!” wika ni Em habang sapo ang balakang. Pagkabangga sa kanya ng lalaki ay tuloy-tuloy syang bumagsak sa sahig. Malas pa dahil nabagsakan sya ng isa o dalawang kahon na dala-dala nito.
“Anak ng tinapa naman oh,” hindi malaman ni Em kung ano ang unang hahawakan sa sumasakit na katawan. Nagulat sya ng may humaplos sa gilid ng labi nya. Napatingin sya sa nakabunggong lalaki. At nanlalaki ang mga mata na tinabig ang kamay nito mula sa kanyang labi.
“Ang engot-engot mo talaga hindi mo ba ko nakitang parating?” inis na wika nya sa lalaki “Dapat tumi.. Aray” naputol ang sasabihin nya ng kumirot na naman ang kanyang balakang.
“Ayos ka lang?” bakas sa mukha ng lalaki ang pag-aalala. Gusto siyang alalayan nito pero mas makakabuti sa kaligtasan ng lalaki kung may ilang espasyo silang pagitan.
“Obvious ba, tanong ka pa kung okay ako. Palibhasa hindi ikaw ang natumba at nabagsakan ng mga pesteng kahon na yan!” nakataas ang kilay na wika nya.
“Excuse me Madam Emmanuel,” natatawang wika ng lalaki “ikaw dapat ang tumitingin sa dinadaanan mo. Hindi mo ba nakita na padating ako, isang kaawa-awang lalaking nahihirapan sa pagbubuhat ng mga kahon na yun?” nagpapaawang wika ng lalaki.
“Ah ganon, kasalanan ko? Sorry ha, kasalanan ko eh.” Galit na wika nya. Matagal na syang inis sa lalaking ito. Kaya nagpapasalamat sya na hindi nya ito nakikita kapag nagsusubmit sya ng nobela maliban na lamang kung kukuha sya ng tseke nya.  Si John Vincent o JV ay nagtatrabaho sa Accounting Department ng Publications.  At masyadong hambog ang lalaki para sa kanya.
Nakaramdam na naman sya ng kirot sa balakang kaya naman nanatili lang syang nakaupo sa sahig. Nagulat sya ng umupo ang lalaki sa tabi nya. Naglabas si JV ng panyo at muling pinunasan ang labi nya.
“Sorry, pumutok pa ang labi mo dahil sa mga pasaway na kahon na yun.” Bumuntong-hininga ito at huli na ng mahulaan nya ang gagawin nito. JV scooped her up and carried her like a baby.
“Teka, ano ba, ibaba mo nga ko.” Sigaw nya hindi sya makapagpumiglas dahil kumikirot pa rin ang katawan nya.
“No, I need to bring you to the hospital or a clinic maybe. Hangga’t hindi ka umaayos, hindi din ako mapapalagay.” Wika ni JV habang nakatingin sa kanyang mga mata. Em looked away, ang makipagtitigan sa tsokolateng mga mata nito ang pinakahuli nyang gagawin sa buhay nya.
“Okay, dalhin mo ko sa ospital hindi na ko magpapakipot dahil malala yata ang bagsak ko pero,” pigil nya  sa paglalakad ni JV, “pwedeng dadalhin ko muna kay Marisse yung gawa ko dahil deadline ko na ngayon.”
“Ako na lang,” dire-diretso ang binata sa kotse nya. “hintayin mo na lang ako dito sa kotse mo okay. I’ll be back just before you think of me.” Nakangiting wika nito sabay kindat pa sa kanya bago ito tuluyang umalis.
“Feelingero talaga, pasalamat ka talaga at hindi ako makakilos ng maayos kundi uumbagin kita talagang lalaki ka.” Naiinis na wika nya.
“Anong sabi mo? Narinig ko yun ha.” Nagulat si Em ng pagdilat ng mga mata nya ay mukha ni JV ang nakita nya. Napalunok sya dahil masyadong malapit ang mukha nito sa kanya. Nakaidlip ba sya at hindi nya namalayang binuksan nito ang pintuan ng kotse. Hindi rin, dahil kakasabi pa lang nya na uumbagin nya ang lalaki ng bigla itong sumulpot.
“Pwedeng lumayo ka?” mahinang wika nya.
“Ano kamo?” sagot ni JV na inilapit pa ang mukha sa kanya.
Akmang itutulak nya na ito ng tatawa-tawang lumayo ang lalaki. “Bakit ka takot?” nakangising wika ni JV.
“Hambog ka talaga, mawala lang tong nararamdaman ko dahil sa katangahan mo reresbakan kita.” Banta nya nito.
“Oooh,  I’m shaking. Nakakatakot.” Pang-aasar pa ng lalaki.
Inirapan nya ito at pumikit. This man is starting to shake her being, he is getting into her nerves. Matagal na silang magkakilala, pero hindi sila matatawag na magkaibigan. This is the very first time that they become this close. A closeness that make her uneasy.
*****

Nakatutok ang mata nya sa kalye pero hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Amused talaga sya sa babaeng katabi. Kahit na alam nyang hindi sya ang may kasalanan ay guilty pa rin sya sa inabot nitong pinsala. Matagal na syang naghihintay ng tamang pagkakataon para makalapit sa dalaga. He has been inlove with her the very first time he laid his eyes on her.  Alam nyang inis ito sa kanya at hindi maganda ang reputasyon nya para dito. Para lang syang tanga, iniinis ito sa ilang pagkakataong nagkikita sila.
Minsan kapag kukuha si Em ng paycheck nito, iinisin muna nya ang dalaga bago nya iabot ang tseke na para dito. In that way, mas mahabang pagkakataon nya masisilayan ang mukha nito. Kahit na dagdag inis na naman ng dalaga iyon para sa kanya.
His friend said that he is crazy, siguro nga dahil sa isang taong pagta-trabaho nya sa JSPI ay ganon na din kahaba ang panahong minamahal nya si Em. Tamang pagkakataon lang ang hinihiling nya para ipakita dito ang tunay na sya. Maybe what happened was a blessing in disguise. He saw a chance to show Emmanuel that he is a great person and not that chauvinistic pig that she thought he was. Mahal nya si Em, at gagawin nya ang lahat para makita at maramdaman nito iyon. Emmanuel is a great person, tough on the outside but he knew she needs somebody to share her life with. At sya yun, si JV. Napangiti sya sa pag-asang nakikita nya.
“You’re really happy na ganito ang nangyari sa akin?” napukaw ang diwa nya sa sinabi ni Em.
“Hindi, bakit mo naman nasabi yun? Guilty nga ko o kahit walang kasalanan.”
“Eh bakit ngumigiti ka?” kunot-noong wika ng dalaga. Napabuntong-hininga sya. Hindi ba nito alam na ang pagtataray nito ang nakakapagpalambot ng puso nya.
“Wala may naalala lang ako. Ayun na yung ospital kaya please be calm na okay?” seryosong wika nya sa dalaga.
Natahimik ito habang pumapasok sila sa parking lot ng ospital. Bumababa sya sa kotse at binuksan ang passenger’s seat. Hindi nya na binigyan ng pagkakataon ang dalagang tumanggi dahil muli nya itong binuhat. For a moment, he stared at her confused face. Kita nya ang pagkalito sa mga mata ng dalaga. He cleared his throat and said “pwedeng magpagan ka ng konti ha ang bigat mo kasi eh.”
Nawala ang confusion sa mukha ni Em at napalitan iyon ng inis.” Eh di ibaba mo nalang ako, sino ba kasi nagsabing buhatin mo ko?”
Hindi na nya pinansin ang sinasabi nito, basta masaya sya habang nasa bisig nya ang dalaga. Dinala nya si Em sa emergency room at doon nilapatan ng lunas ang dalaga. Mukhang matindi ang pagkabugbog ng balakang nito kaya kailangan daw itong iconfine para maobserbahan kung mamamaga o hindi. He took care of everything, from her room to the medicines that she needs.
“O pano ba yan, kelangan mong ma-confine.” Wika nya.
“Hindi pwede, ayoko pwede bang sa bahay na lang ako. Walang kasama ang kapatid ko, marami pa kong-” hindi na naituloy ni Em ang sasabihin dahil tinakpan ng kanyang hintuturo ang bibig ng dalaga.
“Kung gusto mo agad gumaling please lang huwag ng matigas ang ulo. Be a good girl and rest.” Marahan nya itong inihiga sa hospital bed. Wala ng nagawa ang dalaga kundi sumunod na lamang. Nakita nyang pumikit ito, mukhang umeepekto na ang gamot na ipinainom dito ng doctor. He asked the doctor to give her something that will calm her.  He watched her drift to sleep, pinagsawa nya ang kanyang mga mata sa kagandahang nasa kanyang harapan. He touched her face and she stirred, so he moved away. Narinig nyang nag riring ang cellphone ng dalaga kaya sinagot nya ito. It was Michigan her sister, she told the kid to come over to be with her sister. He gave her the name of the hospital and asked her to bring some few things for Em. Before night pa daw makakarating ang dalaga kaya sya na muna ang magbabantay kay Em. Okay lang sa kanya, mas gusto pa nga nya iyon. He wouldn’t exchange this moment to anything in this world.
****
She felt weird as if somebody is staring at her. Nagmulat ng mata si Em at ang nakatunghay na mukha na naman ni JV ang nasilayan nya. Tatlong beses ng nangyayari ngayong araw na ito ang ganong eksena. She was lost for a moment, disoriented pa ata sya dahil nakipagtitigan sya sa binata. Muli syang napapikit at sa muling pagdilat nya wala na ang lalaki sa harapan nya.
“How are you feeling?” tanong nito at inabot sa kanya ang isang box ng pagkain. “Kumain ka na muna, past lunch na. Mamaya pupunta si Michigan dito pagkatapos daw ng klase nya.” Mahabang paliwanag ng lalaki. Hindi sya agad nakaimik dahil pag-aalala ba ang nabanaag nya sa boses nito? Sa kalahating araw na magkasama sila, parang ibang JV ang nakikita nya o mali lang talaga ang pagkakakilala nya lalaki at agad nyang hinusgahan ito.
“Miss matunaw naman po ako” nakangiting wika ni JV. “Grabe makatitig, parang may gusto ka na sakin nyan eh.”
“Eh parang multo yung nakikita ko, mabait ka ba talaga o nagpapanggap ka lang ngayon?” hindi nya alam kung bakit iyon ang nawika nya.
“Ouch! Mabait naman talaga ko, hindi ko lang alam kung bakit basag ang imahe ko sayo. Bakit inis ka sa akin? Siguro crush mo ko noh.” Muling pang-aasar ni JV sa kanya. Pero hindi katulad ng nauna, hindi sya nainis dito.
Napangiti sya bago sumagot “Ewan ko,” tumingin sya sa lalaki “Marami ba kayong ipinainom na gamot sakin at parang high ang feeling ko?  Naging angel ka sa paningin ko eh.” Natatawang wika nya.  Epekto siguro ng mga gamot kaya nag-iiba ang tingin nya sa lalaki.
“Aba malay ko, doctor ba ko?” pagtataray kunwari ni JV. “Kidding aside, mabait naman talaga ko at ngayon nakita mo na ang kabaitan ko diba. Anong masasabi mo?” itinaas-baba pa ng lalaki ang mga kilay nito bagay na ikinatawa ni Em. Hanggang ang pagtawa nya ay nauwi sa ngiwi,
“Anak ng tokwa, ang sakit.” Sapo niya sa kaliwang parte ng balakang. Agad na nasa tabi nya si JV at hinawakan din ang kanyang balakang. Napatingin siya sa kamay nito sa kanyang balakang, parang may kuryenteng dumaloy mula rito patungo sa kanyang balat. Kakaibang pakiramdam, hindi pa sya nakaramdam ng ganoon. At aaminin nya, si JV ang kauna-unahang lalaking nakalapit sa kanya ng ganon. In her age, wala pa syang nagiging boyfriend, kaya matandang dalaga ang tawag sa kanya ni Michigan.
“Shit,” mahinang usal nya. Ano ba ang nangyayari sa kanya na hindi nya maipaliwanag. Inalis nya ang paningin sa kamay nito sa kanyang balakang at mas nagulat sya sa emosyong nakita nya sa mga mata nito. Alam na alam nya iyon dahil nagsusulat sya ng mga lovestories kahit na hindi pa sya nainlove sa buong buhay nya. Iisang emosyon ang nasa mga mata ni JV at yun lang ang nababasa nya. Could it be that he was inlove with her for a very long time now? Nakita nya ang pagiiba ng tingin nito, mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang labi. Napalunok siya at ipinikit na lamang ang kanyang mga mata habang pababa ang ulo nito sa kanya.
The moment their lips met, she felt something strange, as if she is finally home. It was a sweet brief kiss. Nanatili lang nakapikit ang mga mata nya, natatakot syang dumilat at harapin ang lalaki.
“You know Emmanuel, I’ve been inlove with this girl for more than a year now. Simula ng Makita ko sya unang araw pa lang ng pagta-trabaho ko sa JSPI, love at first sight ang nangyari.” Panimula ni JV na nakapagpamulat sa kanya. Napamura sya sa sarili ng may maramdamang kirot sa kanyang puso, mas makirot kaysa sa sakit sa kanyang balakang.
“First time I saw her, she was with her co-writers. Andun sila sa cafeteria, they were all beautiful pero siya ang nakapukaw sa atensyon ko. Alam mo ba kung anong suot nya?” natatawang wika ni JV. Hindi nya ito sinagot dahil wala na syang ganang makinig sa kwento nito. Balik sa dati ang tingin nya dito, isang hambog na lalaki. Pagkatapos sya nitong halikan, ngayon naman ay sinasabi nito sa kanya ang tungkol sa babaeng mahal nito.Kung nakakatayo lang talaga sya, she will walk out of that room after giving him some of her “killer punch”.
Parang balewala kay JV kung hindi na sya interesado nagpatuloy pa rin ito.
“She was wearing a black shirt paired with a black jeans. All black lady, with black nails.” Patuloy ni JV na nakatingin sa kaniya. Naguluhan sya, bigla syang napatingin sa black nails nya na paborito nyang  ilagay sa kanyang kuko. She love black, halos lahat ng damit nya ay black. Could it be?
“She has this cute bobcat hair, stand out sa mga kasama nyang mahahaba ang buhok.  And she didn’t have any make up at all and yet, she took my breath away. From that day on, lagi akong naghihintay ng pagkakataon na makita sya kahit na once in a blue moon lang sya pumupunta dito.”patuloy ni JV na muling nakalapit na sa kanya. Iniangat nito ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga mata.
“I used to tease her, kahit na alam kong inis na inis sya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero ginagawa ko lang inisin siya para mas matagal ko syang makasama at makita. Ganon ko sya kamahal” JV stared in her eyes. “That’s how much I love you Emmanuel, I’ve been inlove with you for ages.” Pahayag ni JV.
Hindi makaimik  si  Em sa rebelasyon ni JV. How could it be? Ayaw nyang magmahal hindi pa sya handa. At lalong lalo na, hindi sa isang tulad ni John Vincent Manalastas.  Sigurado sya kapag binigyan nya ito ng pag-asang pumasok sa buhay nya, ay iibahin nito ang lahat ng nakasanayan nya. Natatakot sya, hindi sya handa. Pero bakit sa isang bahagi ng isip nya sinasabing sumugal sya, na bigyan nya ng pagkakataon ang binata lalo pa at naalala nya ang halik na pinagsaluhan nila. Pero hindi, masyado syang maraming iniisip para dumagdag pa ang pagkakaroon ng relasyon kay JV.
“No, I don’t believe you.” Pag-iwas nya ng tingin dito.
“I have all time in the world to show you how much you mean to me Em, if only you will let me.” Wika ni JV habang hawak ang kanyang kamay.
Binawi nya ang kanyang kamay at tinignan ng diretso sa mata ang binata. “Yun nga, hindi kita bibigyan ng pagkakataon. I don’t need someone like you in my life. Please go.” Wika nya at nagtalukbong ng kumot. Natatakot syang makita ng lalaki ang emosyon sa kanyang mga mata.
“Kung sana bibigyan mo ko ng pagkakataon, I will take care of you. I know you’re tough but that doesn’t mean na hindi na kita pwedeng tratuhing prinsesa.”
“Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ko kailangan ng mag-aalaga sa kin dahil kaya ko ang sarili ko. Now please, leave. I want to rest. Salamat sa pagdadala mo sa kin dito.” Muli syang  bumalik sa ilalim ng kumot. Hinihintay na bumukas ang pinto at  lumabas ang lalaking nagpagulo sa isip nya.
****
He sighed, mali yata ang diskarte nya. Pero nasaktan sya sa hindi paniniwala ni Em na totoo ang mga sinasabi nya. He turned to leave but looked at her direction for the last time. Hindi sya susuko, but for now he will give her some time.
“Yaan mo muna yang si ate, siraulo yan eh.” Nagulat sya ng may magsalita paglabas nya ng pinto. She saw a young lady with the same eyes like Em. Nahinuha nyang ito si Michigan.
“Yes that’s  me, I’m Michigan, Michi for short. And you are Kuya?”
“JV, I’m your Kuya JV.” Napangiti sya sa sinabi dahil parang inangkin na nyang magiging sila ni Em.
“As I was saying, nagpapakipot lang yan si Ate. Hindi nya kasi alam yung feeling ng may nagmamahal. Wala pa yang nagiging boyfriend eversince kasi nakatuon ang pansin nya sa akin.” Nakikinig lamang sya sa dalaga.
“Pero, as long as she discovers the wonders of love at makita nyang hindi nya na ko dapat alalahanin bibigay din yan.” Hinarap sya nito “Gaano mo naman kamahal si ate?”
“I love her enough to do silly things because of her.”
“Ah okay, give me your number I’ll let you know kung apektado sya sa paghihiwalay kuno nyo.” Ibinigay nya sa dalaga ang number nya at hiningi nya rin ang kay Michigan. Mas magandang may komunikasyon sila para alam nya kung ano ang nangyayari kay Em.
“Please take care of her ha. Tawagan mo ko kung ano mang mangyari. Thank you Michi.” Wika nya kay Michi bago tuluyang nagpaalam.
****
“Ate, kamusta ka na?” tanong ni Michi sa kanya. Ilang minuto makalipas ng pag-alis ni JV ay dumating ito. “Nasaan na yung tumawag sa akin?”
“Maayos na ko at paki ayos ang bill para makauwi na ko ayaw ko ng tumigil dito noh.”
“Okay, pero nasaan na yung nakausap ko kanina? Tatalakan ko sana kasi hindi nag-iingat.”
“Wala na, umalis na.”
“Bakit? Inaway mo na naman ata eh.” Tinitigan siya ng kapatid.
Iniiwas niya ang paningin dito. “Hindi, basta umalis na tapos, huwag ka ng makulit. Gawin mo yung inuutos ko sayo pwede?”
“Okay, as you wish.” Sagot ng kapatid nya at muli itong lumabas sa silid.
Napabuntong-hininga sya. Ilang minuto pa lang na hindi nya kasama si JV ay nami-miss na nya ang binata. Para syang timang, pagkatapos nyang palayasin ay hinahanap-hanap naman nya ito ngayon.
Ngayon lang sya naduwag sa buong buhay nya.  Maraming lalaki na ang nagtangkang ligawan sya pero mukhang hindi kaya ng mga ito ang strong personality nya.  Hindi pa rin sya makapaniwala na matagal na syang minamahal ni JV. Kaya pala may mga 
pagkakataong nahuhuhuli nya itong nakatingin sa kanya.
“Hoy, kanina pa ko andito ate, hindi mo ko pinapansin. Masyadong malalim iniisip mo.” 
Nagulat pa sya ng marinig ang kapatid.
“Ano na? Makakalabas na ba ko dito?”
“Sus, iwas tanong eh no. Oo, pwede na daw. Pero iche-check ka pa daw ulit. Ihahanda ko na yung mga gamit mo. Pero bayad na yung bill.”
“May pera kang dala?” tanong nya.
“Wala, hindi naman ako nagbayad yung nagdala daw sayo dito.”
“Sige ayusin mo na mga gamit. I want my bed.” Muling sagot nya. Naiisip nya pa din si JV, nasaktan ba ang binata sa mga sinabi nya? Hanggang sa makalabas na sila ng ospital at makauwi ng bahay ay si JV ang iniisip nya.
****
 Napapatingin sya sa cellphone nya, umaasang tatawag o mag tetext ang binata pero dahil sa baliw nga sya nakalimutan nyang hindi naman alam ng lalaki ang number nya. Napasigaw nalang sya sa frustration na nararamdaman, tama ang kapatid nya sira na ata ang ulo nya.
“Hoy ate, dalawang araw ka ng lukring lukringan ang drama baka kala mo hindi ko napapansin.”
“Wala kang pakelam, doon ka nga sa kwarto mo.” Sigaw nya sa kapatid.
“Para ka kasing timang, in love ka ba?” tanong nito.
“Sabi ko doon ka na sa kwarto mo, babatuhin na kita dyan.”
“Uy, si ate mukhang inlove na. It’s a miracle!” wika nito at isinara ang pintuan nya bago tamaan ng inihagis niyang unan.
“In love, ako?” humarap sya sa salamin sa loob ng banyo. “Ako, inlove? You gotta be kidding me?” kausap nya sa sarili.
“Oo, Emmanuel hindi ka inlove, at bakit agad ka maiinlove sa lalaking yun? Tignan mo nga hindi na nagparamdam sayo. Yun ba ang sinasabi nyang mahal na mahal ka nya? Duh, nasan sya ngayon?”
“Eh tanga ka din kasi, andoon na nga nagconfess na ng undying love for you pinalayas mo pa tsk.” Kontra naman nya sa kanyang sarili.
“Oh hindi! I’m getting crazy!” mahina nyang sinabunutan ang sarili. “Shucks, mahal ko yata yung ungas na yun.”
“Sigurado ka?”
“Oo, mahal ko pala si JV.” Sagot nya sa nagtanong. Napamulagat sya ng tumagos sa kanyang kamalayan na may nagtanong sa kanya. Napatingin sya sa salamin  at nanlaki ang mga mata ng may makitang nakatayo sa likuran nya. Natatakpan ang mukha nito ng isang bungkos ng rosas pero alam na alam nya kung sino iyon.
“Narinig mo yung sinabi Kuya JV ha, Mahal ka ng baliw kong ate. Yan ikaw mismo nakarinig.” Nawala ang pagkagulat nya sa sinabi ng kapatid.
“Oh diba effective yung strategy ko, sabi ko sayo marerealize nya din agad na mahal ka nya.” Patuloy pa nito na ikinakunot ng noo nya.
“Anong ibig mong sabihin Michigan?” tanong nya sa kapatid
“Wala, out na ko. Babush!” nagmamadaling wika nito. Hahabulin nya sana ito ngunit hinarangan ni JV ang kanyang daan. Napatitig sya sa lalaki, napakagwapo talaga ng ungas na lalaki. Nakangiti ito sa kanya at iniabot ang bulaklak.
“Narinig ko yung sinabi mo wala ng bawian. Sinabi mo mahal mo na ako, idedemanda kita kapag binawi mo pa.”
“May magagawa pa ba ko eh pinilit nyo kong sumagot.” Palusot nya.
“Weh, kitang kita yung pagkawindang mo eh. Baka hindi mo alam, nag rereport sa akin si Michigan. You’ve been a mess since I left you in the hospital. Ipinagkanulo ka ng kapatid mo kapalit ng Macbook.” Natatawang wika nito.
“Walanghiya, nabili mo ko dahil sa Macbook?” kunwang nanlalaking mga matang wika nya.
Wala na syang lusot, inamin na nya sa sarili nyang mahal na nya si JV. Handa na rin syang sumugal, subukan ang buhay na may ibang nagmamahal, nag aalaga.
Hinawakan ni JV ang kanyang kamay at iniharap sya dito, “Buti na lang, may kapatid na makulit ang mahal kong baliw. Kung hindi, mahihirapan akong mapaamo ang isang tigreng tulad mo. Mahal na mahal kita Emmanuel, at araw-araw kong uulit-ulitin yun sayo.”
“Oo na, narinig mo na diba. Hindi mo na kailangang bolahin pa ako. Mahal din kita John Vincent,handa na kitang mahalin pero sana hindi ka magsawa sa mga kabaliwan ko.” Natatawang wika ni Em
“No, not in my life. Reading-ready yata ako. Pero come to think of it, tama na naman yata si Michigan, mas baliw ako dahil nagmamahal ako sa isang Emmanuel Sanchez.” Niyakap sya ng lalaki at gumanti rin sya ng mas mahigpit na yakap. She knew that from this day on, her life would never be the same again. She have  JV in her life, together they will savor their moments together. And she believed in her heart, that JV is the man 
for her. The one who will stand her craziness. Indeed, she is crazy in love with the man.


THE END.

**** 
Ang kwento ng buhay ng writer na si Camae susunod na. JSPI SERIES.