Monday, 17 January 2011

CRAWL BACK TO LOVE CH. 31

CHAPTER 31

Naguguluhan si James sa inasal ni Devon, kanina lang naroon na ang pagkakataong tuluyan na silang mabuong muli. Ramdam nya sa puso nyang pareho pa rin sila nararamdaman. Masaya sya kanina dahil nakita nya ang pagmamahal sa mga mata ni Devon. Ngunit bakit bigla itong umalis?

“Why Devon?” buntong-hininga nya. Maraming alaala ang nagbalik kaninang nasa bisig nya ang babae. Mga alaala ng kanilang kabataan, ang kasiyahan ng kanilang unang pagkakaibigan – ang lahat. Si Devon lang ang tanging babaeng nakapagpadama sa kanya ng ganoon. Now he feels like the hole on his chest is starting to mend. Dahil bumabalik na ang mga piraso nitong nadurog noon. The woman who shattered his heart in pieces is the same cure for it to be whole again.

He sighed again and decided to go inside the house. Bukas na lang sila ulit mag-uusap.  Binagtas nya ang daan patungo sa pinto ng mapansin nyang nalaglag pala ni Devon ang jacket na ibinalabal nya dito. Pinulot nya ito at ng muling tumayo ay may nahagip ang kanyang paningin. Parang may tao  o hayop sa paligid dahil narinig nyang gumalaw ang mga damo.

Tinungo nya ang lugar kung saan may narinig syang kaluskos ngunit wala naman syang nakitang kakaiba. Ngunit nararamdaman nyang mayroong ibang tao sa paligid, kung bakit yun ang hindi nya alam.

Nagpatuloy sya sa pagpasok sa bahay at doon sya tumawag sa security post na malapit sa kanyang lugar. It’s better to be safe dahil nasa tahanang iyon ang pinakamahalagang tao sa buhay nya – ang kanyang mag-ina.


****

“Shit! Tanga ka kasi, kung kanina mo pa ginawa sana nasusunog na ngayon ang mga walang kwentang yon!”galit na wika nya sa kausap. Matutulog na dapat sya pagkatapos nyang ubusin ang isang bote ng wine, lasing na sya alam nya. Ngunit nagising ang diwa nya dahil sa sinabi ng kausap.

“Lumayas ka na dyan, at kung masabotahe ka dahil sa kabobohan mo, huwag na huwag mong idadawit ang pangalan ko.Kung hindi malilintikan ang pamilyo mo Kadyo.” Banta ni Tricia sa kausap.

Bulilyaso ang plano nya dahil sa biglang pagsulpot ni James. Hindi naman nya hahayaang pati ito ay madamay sa ipinapagawa nya. Kailangan umisip lang sya ng ibang strategy kung paano mawawala sa landas nya ang mag-ina. Alam nyang malambot ang puso ni Devon at yun ang gagamitin nyang advantage. Hindi na nya kakailanganing gumamit ng dahas pagnagkataon.

“You’re such a clever woman, Trisha, very clever.” Puri nya sa sarili habang tatawa-tawang bumagsak sa kama.

****


Nagising si Devon sa mabangong amoy sa silid. Nagmulat sya ng mata at bumungad sa kanya ang kanyang mag-ama na nakangiting naghihintay sa paggising nya.

“Good morning,” magkasabay na bati nila James at RJ. Lumapit ang anak  nya at ginawaran sya ng halik sa pisngi.

“Mama, Papa cooked a special breakfast for you, I helped him.”pagmamalaking wika ng kanyang anak. Itinuro pa nito ang mesa sa loob ng silid kung saan naroon ang almusal.


“Good morning, handsome men.” Nakangiting tugon nya. “Please excuse me but I think I need to freshen up bago tayo mag-almusal.” Nahihiyang wika nya. Conscious sya kung anong itsura nya ng mga oras na iyon dahil sa presenya ni James sa silid, ngunit ng maalalang hindi na nga pala sya teenager ay bumalik ang wisyo nya. Tumayo sya at tinungo ang banyo na nasa loob ng silid pagkatapos magpasintabi sa mga kasama. Habang nasa loob ng banyo ay rinig ni Devon ang masayang tawanan ng kanyang mag-ama. She sighed, kung magiging selfish lang sya hahayaan nya si James sa piling nilang mag-ina dahil yoon ang gusto ng puso nya. Ngunit nakapagbitiw sya ng pangako kay Tricia. Naiinis din sya kay James dahil sa kabila ng katotohanang magiging ama na ito sa anak nito kay Tricia ay nagagawa pa ng lalaking makipaglapit muli sa kanya.

“You’re matagal Mama,” nakalabing wika ni RJ. “the food is delicious kaya.” Natawa sya sa taglish na pagsasalita nito ngunit nagiging matatas na rin ang bata sa pagsasalita ng tagalog.

“Sorry honey,  but Mama needs to do some essentials first.” Sagot nya sa anak at bahagya pang ginulo ang buhok nito. Nang mapadako ang paningin nya kay James ay nakatitig na naman ang lalaki sa kanya.  Pinagtaasan nya ito ng kilay dahil inis pa rin sya dito.

“Para saan naman yun?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang ginawa nya.  Kibit-balikat lang ang isinagot nya dito at nauna na sa pagtungo sa mesa. Maliit lang ang mesa sa loob ng silid ngunit kasya ang tatlong tao.  Fried rice, egg, cheese omelet at mango juice ang inihanda ni James. Tahimik lang syang kumakain habang nag-uusap ang mag-ama nya. Batay sa pakikinig, nangako si James kay RJ na isasama nito ang anak sa susunod na guesting nito ngunit hindi sya sang-ayon doon.

“What’s wrong Devon?” tanong ni James sa kanya. Nahalata na nitong kanina pa sya walang imik. Malapit na silang matapos kumain ng agahan kaya sinabihan nya ang kanyang anak na maglaro muna. The sooner she’ll talk to James, the lesser her suffering.

“Can we talk?” tumayo sya at tinungo ang bintana. “I can’t let it this way James, you will have a family of your own soon at hindi kami reserba lang ng anak ko.”  Matigas na wika nya.


“Teka, anong ibig mong sabihin?” halata sa mukha ni James ang pagtataka. Hindi alam ni Devon kung nagkukunwari lang ito o sadyang totoo ang inaasal nito.

“Please huwag mo na akong pahirapan ng ganito James, ituon mo na lang kay Tricia at sa magiging anak nyo ang lahat ng oras mo. Babalik na kami sa U.K. sa lalong madaling panahon para hindi na makagulo sa inyo.” Malungkot na wika nya.

“What?! Anong kalokohan yang sinasabi mo Devon?” galit na wika ni James at namalayan nyang nasa likod na nya ito. Ayaw nyang lingunin si James dahil ayaw nyang makita nito ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa kanyang mga mata.

“Ano ang ibig mong sabihin Devon? Magiging anak? Kanino, kay Tricia?” sunod-sunod na tanong nito. Nagulat sya ng marinig ang malakas na halakhak nito. She wiped her tears and faced James. He is really laughing, but his laughter is dry.


“Hindi nakakatawa ang sinabi ko James, why laugh like there’s no tomorrow?” inis na wika nya.
Tinitigan sya ni James ng diretso sa mga mata bago ito nagsalita “Ang nakakatawa ay kung paano ko mabubuntis si Tricia ng wala namang nangyayari sa aming dalawa Devon.”



“How could that be? Nakita ko ang  medical certificate nya, pinakita nya sakin.” Huli na ng maisip nyang hindi nya dapat sinabi iyon dahil nagtanong si James. Wala na syang nagawa kundi ang sabihin dito na nakipagkita si Tricia sa kanya noon at nakiusap na huwag makipagkita kay James.


“So she knew all along na nandito ka sa bansa kaya minamadali nya ko tungkol sa kasal.” Pahayag ni James. “Kaya ba nagbago kang bigla kagabi dahil akala mo na may pangako kang babaliin?  Wala akong pananagutan kay Tricia and I can prove you that.”

Hindi nakaimik si Devon dahil sa pag-iisip. Kung totoo ang sinasabi ni James, ibig sabihin ay niloko lang sya ni Tricia. Makasarili pa rin ito hanggang ngayon. Her cellphone rang and James took it to give to her.


“It’s Tricia,” wika nito habang nakakunot-noo. “Favor please, paki loud speaker para marinig ko.” Bilin nito bago nya sagutin ang tawag. Tulad ng hiling nito , she put the call on speaker mode.

“Hello,” bati niya.

“Devon, meet me again. I really need to talk to you.” Sagot agad ng babae. Wala man lang hello o ano pa man.


“I’m busy Tricia.”

“No, hindi pwede!” sigaw nito. Susunod na namalayan nya ay ang hagulgol ng babae “James’ not answering my call anymore, he doesn’t even visit me Devon!”

Hindi sya sumagot dahil nakita nya ang pagsilay ng sarkastikong ngiti mula kay James.

“Hello, are you still there?” tanong ni Tricia. “Yes, go on.” Sagot nya dito.

“You promised me Devon, kawawa ang magiging baby naming ni James. Meet me again, I really need to talk to you.” Wika nito habang patuloy na umiiyak.


She glanced at James and she saw that he’s clenching his jaw. He nodded, a sign that she needs to agree with Tricia.


She sighed, “Ok saan tayo magkikita?” tanong niya. Sinabi nito ang lugar kung saan sila magkikita at nagpaalam na ito. Katahimikan ang bumalot sa silid matapos ang tawag. Puro kasinungalingan na lang ba ang mangyayari sa pagtigil nila sa Pilipinas?


“I will go with you,” basag ni James sa pananahimik nila “On the second thought, we will go with you.”

“No James, huwag mo ng idamay si RJ.”pakiusap nya.

“Sasama kami ni RJ para sabihin kay Tricia na wala na syang maaasahan sa akin Devon.” Galit na wika nito. “Puro kasinungalingan ang sinabi nya sayo, at kung totoong buntis man sya wala na akong pakialam kung sino ang ama ng anak nya.” Tinalikuran na sya ni James at nagtungo sa pintuan ngunit bago ito tuluyang lumabas ay nagwika ito. “One thing’s for sure , hindi ako ang ama.”

Niloko nga sya ni Tricia dahil nakikita nya ang sinseridad sa mga mata ni James. Hindi iyon marunong magsinungaling kaya naniniwala sya sa sinabi ng lalaki. Relief flooded her, dahil hindi na nya kailangang maguilty pa. Magkakaroon na ng katuparan ang mga hiling nya, na mabuo ang pamilya nila at makapiling muli ang lalaking tanging minahal nya. Ngunit bago yun, kailangan tapusin muna nila ang mga kasinungalingan ni Tricia.


****


She decided that she will go early in their meeting place. Pinili ni Tricia ang tagong bahagi ng restaurant na iyon. Ngunit hindi tulad ng naunang pagkikita nila ni Devon, nakalantad sa madla ang mukha nya. She doesn’t give a damn kung pagkaguluhan or pagtinginan sya. She will just make it quick with Devon. Konting drama at iyak lang, at ipapakita nya lang ang fake certificate na nagsasaad na maselan ang pagbubuntis nya, nasisiguro nyang tapos na ang pananatili ni Devon sa bansa.

She smiled and called the waiter, he asked for a glass of  red wine. “Hmm, after this “soap opera”, I’m sure James will hate her again dahil muli syang iiwan ni Devon.” She silently laughed.

Iniabot sa kanya ng waiter ang kopita na naglalaman ng red wine at nakangiting sumimsim sya doon. Sa lalong madaling panahon dapat magpakasal na sila ni James dahil nahahalata na ngbuwisit na ama ng batang dinadala nya ang pagbubuntis nya. Ayaw nyang mawalan ng career dahil malaking hirap ang dinanas nya makamit lang kung nasaan sya ngayon.

“Yaan ba ang buntis, umiinom ng alak.” Nasamid sya ng marinig ang boses ni James. Namutla sya ng makita ito kasama ni Devon. Napamura siya sa isip ng makita ang galit sa mata ng binata. She angrily looked at Devon ngunit napukaw ang paningin nya ng batang nakahawak dito. Kamukhang-kamukha ni James ang bata kaya nahinuha nyang ito si RJ.


“Ngayon Tricia, sa harapan ko, sabihin mo kay Devon ang gusto mong sabihin.” Utos ni James sa kanya.

She cannot speak, at nararamdaman nyang namumula din ang mukha nya.

“Cat  got your tongue, ha?” tuya ni James sa kanya. “Itutuloy namin ni Devon ang nasayang na mga taon Tricia. Itutuloy ko ang walong taon ko ng planong pagpapakasal sa kanya. At hindi ang kasinungalingan mo ang sisira sa amin ngayon. Wala na akong pakialam kung saan mo hahagilapin ang ama ng batang dinadala mo, o kung talagang buntis ka nga. You almost ruined us Tricia, pasalamat ka at napakabait ni Devon dahil ayaw ka nyang masaktan.” Diretsong wika ni James.  Hinawakan nito sa kamay si Devon at inakay palabas ng restaurant. Pero hindi sya papayag na basta na lang itapon ng ganoon ni James. Nakakaagaw na sila ng atensyon, dahil bukod sa sikat silang pareho ay may kasama pa itong mag-ina.


“Please James, let me explain. Ayaw kong mawala ka please.” Pakiusap nya habang ilang hakbang pa lang ang layo ng mga ito sa kanya.

“I’m sorry Tricia, alam mo sa simula pa lang – ” pinutol nya ang sasabihin nito dahil galit na galit na sya. Kung mawawala si James, mas maganda pang tuluyan na itong mawala sa mundo.


“I rather kill you kaysa mapunta sa babaeng yan!” itinutok niya kay James ang maliit na baril na dala nya. Alam nyang katangahan ang ginagawa nya dahil maraming taong makakakita. Di bale ng mabulok sya sa kulungan basta wala ng James na pakikinabangan si Devon.


“James!” sigaw ni Devon. Umiyak naman ang batang si RJ ng makitang may baril na nakatutok sa ama nito. Akmang kakalabitin na nya ang gatilyo ng makaramdam sya ng hampas sa tagiliran nya.

“Ouch! S-h-i-t!” nabitawan nya ang baril at agad na lumapit si James sa kanya. Kinuha nito ang baril na nalaglag sa sahig habang namimilipit sya sa sakit.

‘Salamat pare, tumawag na kayo ng pulis.” Wika nito sa lalaking nasa likod nya. Nakita nyang isa itong waiter na may dala itong manipis na pamalo. Damn that man, damn all the men in the world. Sila ang sumira sa buhay nya. Si James, ang walang kwentang ama ng dinadala nya at ang hindi kilalang waiter na ito. She is doomed, she can hear the siren from the police car approaching.  Sira na sya, wala na syang kinabukasan. She laughed and looked at them. Pity is written all over Devon and RJ’s faces. Anger and disbelief naman ang kay James. She doesn’t need all of that from them. She laughed again, mas malakas kaysa sa nauna nyang tawa. Tawa lang sya ng tawa hanggang maramdaman nya ang malamig na bagay sa kanyang pulsuhan. Humahalakhak pa rin sya ng maisakay na siya sa police car. Wala na syang magagawa kundi ang tumawa ng tumawa na lang.



****


“Are you okay Devon?” tanong ni James sa kanya. Nakatulog na si RJ sa kakahintay dito at mukhang maayos na din ang lagay ng bata. Nagkaroon ito ng kaunting shock sa  nangyari kanina sa restaurant ngunit dahil sa matalinong bata ang kanyang anak at kinausap nya ito ng masinsinan, nakalimot na din ito sa nangyari. Matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Tricia, nagpaiwan si James sa Manila upang asikasuhin ang pagsasampa ng demanda laban dito.

Kalat na sa buong bansa ang eskandalong ginawa ni Tricia. Ang pagtatangka nito kay James at ang paglitaw ng pangalan nilang mag-ina bilang pamilya ni James. Nakatanggap din sya ng tawag mula sa kanyang mga magulang na hindi na tinapos ang bakasyon upang makapunta ng Pilipinas. Nag-aalala ang mga ito at muli siyang pinilit na bumalik na sa U.K. Ngunit kinausap nya ang kanyang mga magulang at sinabing susubok silang muli ni James.

“I’m fine, nakatulog na ang anak mo.” Tipid na wika nya. Hindi nya alam kung saan na naman sila magsisimula ni James. Wala na si Tricia na tanging hadlang upang mabuo silang muli. Malaya na nyang tatanggapin ang kung ano mang iaalay ni James sa kanya. Ngunit nalulungkot pa rin sya para kay Tricia.

“That’s good, we can now talk properly.” Tinabihan siya nito sa sofa. Gusto nyang malaman ang nangyari kay Tricia. Kahit papano naging  kaibigan nya ito.

“How’s Tricia?” habag ang bumalot sa puso nya ng marinig mula kay James na tawa pa rin ito ng tawa kahit na nasa loob na ito ng kulungan. Kinausap daw ng ama ni Tricia si James na iatras ang demanda laban sa anak at iyon ang pinagiisipan ni James. Baka daw dalhin sa isang mental institution ang babae dahil hindi na normal ang kinikilos nito. James felt guilty kaya isinangguni nito sa kanya na iaatras na lang nito ang demanda. She agreed, gusto din nyang gumaling si Tricia at magkaayos silang lahat balang araw.


“Ngayong malinis na ang pangalan ko Devon, maari ko na bang sabihin sayo ang hindi ko nasabi kagabi?” tanong ni James sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

She directly looked in his eyes, hindi na sya natatakot na Makita nito ang nararamdaman nya. Hindi na nya pipigilan ang sariling muling lumigaya sa piling ni James. Ngayon, hindi na sya papayag na may humadlang pa.

“Yes go ahead Monster.” Sagot niya dito. Nakita nya ang pagliwanag ng mukha ni James ng marinig nito ang salitang walong taon na nitong hindi naririnig.

Niyakap sya ni James ng mahigpit at kinintilan ng halik sa sentido.

“Mahal na mahal kita Devon, hindi iyon nawala. Siguro matagal lang iyong nakatago sa puso ko dahil galit at pait ang pilit kong pinararamdam sa sarili ko.” Huminto ito at tinignan sya “At sa nalalabing panahon ng buhay ko, iaalay ko iyon sa iyo. Let me take away all the pain and the sufferings that I’ve caused you. Let me be the man who will take care of you, let me be the father of my son. Let me love you forever and be my wife Devon.” Madamdaming wika ni James habang isinusuot sa daliri nya ang isang singsing. She cried again and again, dahil muli nyang narinig mula dito ang pagmamahal nito para sa kanya.

“Yes James, at hindi nawala kailanman ang pagmamahal ko sayo.”maiksing tugon nya. Hindi nya masabi ang lahat ng gusto nya dahil nauunahan sya ng kanyang emosyon. After eight long years, here they are staring at each other. Love all written on their face, sapat na iyon upang masabing nakahanda silang muling harapin ang bukas na magkasama. Mas matibay kaysa sa pag-iibigan nila walong taon na ang nakakalipas.

Nang sa wakas ay sakupin ni James ang kanyang mga labi, naguunahang tumulo ang kanyang mga luha. Simpleng halik lang ang ibinigay ni James ngunit ang maramdaman ang mainit na labi nito at ang mahigpit na yakap mula dito, pakiramdam nya napawi ang matagal nyang pagkauhaw dahil sa paglalakbay sa disyerto. Nabura ng simpleng halik na iyon ang lahat ng mga nangyari sa nakalipas na walong taon. Muli’t muli niyang iaalay kay James Roy ang lahat-lahat sa kanya.

“I’m finally HOME, my cookie.” Wika ni James. Napansin nyang namumula din ang mga mata nito. “This is the happiest day of my life Devon, ang muli kang matawag na akin. At alam kong panghabang-buhay  na ito.” Muling sambit ni James habang yakap sya. Ngiti lang ang kanyang isinagot ng bigla silang magulat na dalawa.

“Uy, bati na sila! Yes! We will stay forever as one family na Mama, Papa!” narinig nilang wika ni RJ. Nagising pala ito at hindi nila namalayang malapit na sa kanila. “Thank you Mama,” sabi ni RJ at niyakap sya. “Thank you Papa, my Papa.” Tulad ng ginawa sa kanya ng anak niyakap din nito ang ama.

“And I love you both so much.”dagdag pa ng anak. She didn’t replied dahil naramdaman nya ang muling pagyakap ni James sa kanya habang yakap naman nito sa isang kamay ang anak.

“Yes my son, we are family and we’ll stay forever. Mahal na mahal ko din kayong mag-ina and soon, as in very soon we will get married.”wika ni James.

She couldn’t ask for more, maligaya na sya na ngayon ay kapiling na ng anak niya ang matagal na nawalay na ama nito. Ngunit mas maligaya ang puso nya dahil sa kabila ng mga taon na lumipas ang batang pag-iibigan nila ni James ay sinubok ng tadhana at ngayon ay mas lalong patitibayan ng bukas.

She thanked the Lord for giving her these two precious gifts. Aside from her Lolos and father JP, James and RJ are the most important men in her life. A contented and happy woman, that’s her, Princess Devon Palacios and soon to be Mrs. James Roy Rivera. Everything is perfect!

2 comments:

  1. waah kaloka ka purple lave

    super inlove

    talga ako sa ff
    mo


    ung sayo, ung kay ms bite, ung kay ms elegantly rude lang talga ang fanfic n sinubaybayan ko

    ReplyDelete
  2. hay salamat!
    atleast sinabi ni devon ang bumabagabak sa kanya!hihi
    para malinaw naman sa side ni james... (at mehganon talaga..lolz)


    natawa naman aketch sa nasapit ni tricia, kawawang nilalang!

    auntie, bat parang wala ng balita samin ng hubby ko...?
    ay este! kina jasmine n bret??
    hmmmmm....

    ReplyDelete