Thursday, 7 October 2010

IF ONLY BOOK TWO CHAPTERS 21-23


CHAPTER  21


Araw ng Sabado, excited si Devvine dahil ngayon ang official date nila ni JP. Nagulat sya kahapon ng sunduin sya nito at ipaalam na maghanda sya kinabukasan dahil lalabas daw sila. For the first time, JP asked her out, yung totoong date. Her happiness is overflowing and she is so excited to know where JP will be taking her. Kanina tumawag ang lalaki at sinabing magsuot sya ng jeans at ng preskong damit. She asked him why not a formal dress, ngunit ang tanging sagot lamang ng lalaki ay "suprise".

"Aba at may pa-surprise-surprise na ngayon ang aking bodyguard." natatawang wika ni Devvine kay Marisa. Nasa kanyang silid silang dalawa. Nakabantay ang dalaga sa kanya kaya minsan naiilang na sya na parang nagiging PA na nya ito. Ngunit iyon daw ang bilin ni JP dito, ang lagi syang samahan.

"Ang sweet nga ng boyfriend mo eh, ayaw ko na tinatanggap ko na ang aking pagkasawi." exagerrated na wika nito at pakunwaring nagpahid ng luha.

Natawa si Devvine sa babae,naging mabuting kaibigan nya ito sa pagdaan ng mga araw dahil marami silang pagkakatulad. Napunuan nito ang pangungulila nya kay Betzie na ngayon ay nasa US para sa honeymoon nito at ni Brenton. Naalala nya ang kasal ng dalawa na hindi nya nadaluhan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay. Siya pa naman ang Maid of Honor ng kaibigan ngunit naintindihan naman ng mga ito na may dahilan kung bakit hindi sya nakadalo.

"Oh my golly gulay, may isang hombre na nakasakay sa motorsiklo. " wika ni Maris na nakatanaw sa may bintana."Teka," pahabol nito at pakunwaring pinunasan ang bibig. 

"Sira ka  at talagang naglaway ka sa kanya ha." tinabihan nya ito sa bintana at  nakita nya ang kanyang nobyo na ipinaparada  ang black Harley nito. Tiningnan nya ang katabi at natawa na naman sya dito.

"Hoy, kung makatingin ka parang ayaw mo na kong tirahan nyan ha." biro niya dito. 

"Ito naman, hanggang tingin na nga lang ako no, isinuko ko na ang aking pagsintang purorot sa iyong tagapagtanggol" nakairap na sagot ni Maris. 

"Alam mo ikaw, nagtatataka talaga ko sayo, kung di kita kilala iisipin kong bodyguard ka ba talaga? Mas bagay sayong maging artista"

"Talaga? Artistahin ba ang ganda ko?" pakunwaring kumaway pa ang dalaga.

"Oo. artista, komedyante. Ka-loveteam mo si Jim." nakangiting wika nya sa dalaga na napasimangot pagkarinig sa pangalan ng ka-partner.

Inirapan muna sya nito bago sumagot "Andun na eh, feel na feel ko ng artista eh. Tapos sabay banat mo ng komedyante pala! Akala ko pa naman kahanay  nila Devon Seron na magagandang artista at ang ka-loveteam ko ay mga tipong James Reid. Langya naman Devvine, bakit si Jim pa napili mong ipareha sa kin. "

Tawa ng tawa si Devvine dahil sa kakulitan ng dalaga, naputol ang kanyang sasabihin ng makarinig sila ng katok sa may pinto. Pinagbuksan ni Marisa ang bagong dating na walang iba kundi si JP. Napakagwapo nito sa suot na long sleeves blue checkered polo na nakatupi sa may siko nito, kupas na maong at rubber shoes. Bumata itong tignan dahil sa sapin sa paa, parang naging binatilyo ang tingin nya dito. Sumikdo ang puso nya ng makitang nakangiti ito habang sinusuri ang kabuuan nya. Her clothes matched his, naka lavender checkered longsleeves din sya na nakatupi din sa may siko, jeans at rubber shoes. Para silang nag-usap sa kanilang mga isusuot. Nakatali ang mahaba nyang buhok at wala ni isang kolorete sa mukha. Tanging ang divers watch lamang ang kanyang aksesorya. 

"Sana man lang sinabi nyong gusto nyong magsarilinan muna diba?" agaw ni Maris sa eksena ng dalawa.

"Oh, sorry Yosoy, magandang umaga sayo magandang binibini." nakangiting bati ni JP kay Maris.

Bahagyang namula ang dalaga at nanlalaki ang matang sumagot "Ti-tinawag mo kong magandang binibini Sir? Ako ba yun?" turo pa nito sa sarili.

"Malapit na kong mabaliw sayo Marisa kanina ka pa, " pakunwaring hinila ni Devvine ang buhok ni Maris. 

"Hahaha, sige sige ako ay lalabas na para magkamoment na kayo. " 

"No need dahil lalabas na din naman kami, so let's go." baling ni JP kay Devvine." And Marisa, off mo ngayon so magdate na din kayo ni.." binitin pa ni JP ang sasabihin. 

"Ewan ko sa inyong dalawa," nakangusong sagot ni Maris. "Dev,enjoy your day ha." baling nya kay Devvine at binulungan pa ang dalaga "I-kiss mo nalang ako ha, wag mong masyadong simsimin ang alindog nya baka sakaling may pagkakataon pa ko." 

"Luka-luka ka talaga" naiiling na sagot ni Devvine. "Ano daw yun?" nagtatakang tanong ni JP.

"Wala" "Nothing" magkasabay na sagot ni Devvine at Marisa. 

Nagpaalam na sila sa mga magulang ni Devvine na nasa poolside at dumeretso na sa kinapaparadahan ng motorsiklo.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya habang sinusuotan siya ng helmet at inaalalayan pasakay  ni JP.

"You will know later" sagot nito ng nakasakay na din sa motorsiklo. "Hold on tight love, kapit ka lang." iginiya nito ang kanyang mga braso payakap sa bewang nito.  Exciting ang unang date nila, she have no idea kung saan sila pupunta. Mukhang road trip muna ang mangyayari. Naaliw syang pagmasdan ang kapaligiran, ang hangin na dumadampi sa kanyang katawan. 

"Love" mahinang usal niya, ilang beses na nyang naririnig na tinawag sya ni JP ng ganon. Masarap sa pakiramdam, masarap sa pandinig. 

Maayos ang pagpapatakbo ng binata sa motorsiklo, swabeng-swabe at makalipas ang ilang oras narating nila ang kanilang destinasyon. Nasa Tagaytay sila, sa isang mataas na talampas. Nalalatagan ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak ang berdeng kapaligiran. Samyo ang sariwang simoy ng hangin at hindi napigilan ni Devvine ang langhapin ito. Inalalayan sya pababa ni JP at maingat nitong tinanggal ang kanyang helmet at isinunod naman tanggalin ang suot nito.

"Wow, this place is lovely."wika ni Devvine habang nakatanaw sa magandang kapaligiran sa ibaba ng talampas. 

"I'm glad you like it." 


Humarap si Devvine sa binata "No JP,I don't like this, I love this." sagot ni Devvine at idinipa ang mga braso sa hangin. Tumakbo siya na parang bata at binuyo ang nobyo na habulan siya. Minutes later, the two run and run like children. They laugh freely at masaya silang nagkulitan. 

"Stop," hinihingal na wika ni Devvine. "I'm tired and sweaty. " natatawang wika ni Devvine.

"Mabuti naman at huminto ka na. Hindi mo man lang napansin ang dako roon." itinuro ni JP ang lugar kung saan may malaking puno ng Narra. Sinundan ni Devvine ang direksyon ni JP at nakita nyang may duyan sa ilalim ng puno, at may nakalatag na carpet doon. Nahinuha nyang pagkain ang nandoon dahil may natatanaw syang  picnik basket.

Hinarap nya si JP at kinintilan ng halik sa may pisngi "Thank you for all these, " wika niya.

"Aw come on, wag ka ngang magdrama" sagot ni JP at kinudlitan ang kanyang ilong "let's eat, I prepared the food for you." pahabol ni JP at hinawakan ang palad ni Devvine.

Magkahawak-kamay na tinungo nila ang lugar. Sa saliw ng hangin at huni ng mga ibon, masaya silang nagsalo sa tanghalian.

 CHAPTER 22


"Wow, I didn't know you can actually cook. I'm so full." hindi makapaniwalang wika ni Devvine. JP cooked a special lunch for them. Baked chicken in basil, pasty ala raviolli and cheese. For their desert, he bought some cheesy cheesecake, because he knows she loves cheese. Kumpleto rekados ang dala ng binata , and after eating their lunch they decided to sit in the hammock while sipping their wines. 

"Nalaman mo na ang secret ko, huwag mong ipagkakalat ha."biro ni JP kay Devvine.

"Ano ka bakit ko naman ipagkakalat, baka may mang-agaw pa sayo." 

"This is my gift for your graduation love, and this." iniabot ni JP kay Devvine ang munting kahita. 

Devvine's eyes widen, she opened the box and saw a diamong ring. Hindi kalakihan ang bato ngunit sapat na yun upang malaman niya ng gustong ipahiwatig ng lalaki.

Kinuha ni JP ang singsing mula sa kahon at maingat na isinuot sa kanyang palasingsingan.Hinalikan nito ang kanyang kamay at hinaplos ang kanyang mukha.

"JP, I.." speechless si Devvine kaya naman tinitigan nya lamang ang singsing. Napakarami  na nyang nakitang singsing,madami na din ang nagregalo sa kanya. Ngunit iba ang singsing na nakasuot sa kanya, galing iyon sa lalaking mahal nya.

"I am yours love, what ever comes in our way, remember that I love you Devvine Mae Castillanes." 

Devvine finally heard it. JP loves her, tama ang nararamdaman nya. Mahal din sya ng binata. Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan at niyakap nya ng mahigpit ang binata. 

"Cheers to your coming graduation and for our future family" wika ni JP at itinaas ang kopita. Pinagpingki nila ang mga kopita at sabay na sumimsim ng wine. 

Their eyes met, JP took the glass from Devvine's hand and put it down. He touched Devvine's face while she looked back. Unti-unting lumapit ang mukha ni JP sa naghihintay na labi ng dalaga. And then he is kissing her, a kind of kiss full of passion and intensity. She kissed him back with the same intensity. Ibang-iba ang halik na pinagsasaluhan nila ni JP kaysa sa mga naunang halik na iginawad nito sa kanya. Mas may lalim, mas may apoy may halong paghahangad. Naramdaman na lamang nyang nakahiga na sya sa may duyan at ang halik ni JP ay gumagapang sa kanyang leeg habang abala ang mga kamay nito sa pagkalas ng mga butones ng kanyang blusa. 

She feel hot all over, she doesn't know why JP can ignite the fire in her. No one has ever dared to touch her, wala syang pinayagan kahit sino sa mga nakarelasyon nya. Ngunit iba ngayon, mahal nya si JP and she is willing to surrender all to him. Napaigtad sya ng maramdaman ang mainit na labi nito sa kanyang dibdib, tuluyang nakalas na nito ang mga butones ng kanyang blusa at hindi nya mapigilang masambit ang pangalan nito. 

*****

JP lost control, hindi nya inaasahan na ang simpleng halik na iginawad nya sa dalaga ay magbubunga ng kanyang kapangahasan. Sapat na ang pagtawag nito sa kanyang pangalan upang ihinto niya  ang ginagawa. Para syang binuhusan ng malamig na tubig dahil nawala sya sa kanyang sarili. Napakalakas ng emosyon sa pagitan nila ng dalaga. Nakita nyang namumula ang mukha nito at isinasara ang nakabukas na blusa. Tinulungan nya itong isara ang lahat ng butones at mahigpit nyang niyakap ang dalaga.

"I won't say sorry dahil gusto ko ang nangyari Devvine, pero humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ko nakontrol ang sarili ko."

Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga. Ipinagpatuloy nya ang sasabihin "I respect you kaya hindi ko itutuloy ang gusto kong gawin. It will be special when the time comes na I will claim you legally as mine Devvine."

Kumalas sa pagkakayakap ang dalaga at tinignan syang diretso sa mata "Thank you for respecting me. "iyon lamang ang naisagot ni Devvine.

"At hindi ko itatapon ang tiwala ng mga magulang mo sa akin. I respect them too as much as I respect you." ginawaran nya ng mabilis na halik ang dalaga. 

"Idol talaga kita Mr. Bodyguard," nakangiting sumaludo sa kanya ang dalaga. "Ituloy na natin ang inuman." tatawa-tawang wika nito.

"Nope, missy. We have to go now, nakalimutan mo bang may final rehearsals kayo ngayon para sa graduation mo." paalala niya dito. Napagkasunduan nilang pagkatapos ng kanilang date ay sasamahan nya ito sa CCP kung saan gaganapin ang pagtatapos nito.

"Shoot, oo nga noh, pero mamaya pa naman yun. Let's enjoy the scenery muna.Ang ganda talaga dito."pangungulit nito sa kanya. Masaya sya dahil nagustuhan nito ang lugar. Sa totoo lang, may bahay sya malapit sa lugar na yun. Bahay na binili nya para sana , nahinto ang kanyang pag-iisip ng maalala ang pag-uusap nila ni Vanne.  Ang babaeng minahal nya ng labis noon, ngayon ay bumabalik. May puwang pa ba ito sa puso nya, wala na. Dahil narito sa bisig nya ang babaeng mas minamahal nya kahit maikli pa lang na panahon ang pinagsamahan nila.     

*****

Matiwasay na nairaos ang pagtatapos ni Devvine. Her parents are so proud of her, dahil natapos na nya ang kanyang kurso. Her friends told her na napakaguwapo ng inspirasyon nya. JP came with them, at hindi niya maiwasang makaramdam ng pagmamalaki dahil walang babae ang hindi napapatingin dito. Pagkatapos ng ceremony ay malugod na nagtungo si Devvine sa lugar ng kaniyang pamilya. Nakangiting sinalubong siya ng kanyang mga magulang at ni JP. 

"Congratulations iha, we are so proud of you. " niyakap sya ng kanyang ina.

"At last iha, may diploma ka na."  nagbibirong wika naman ng kanyang ama.

"Here it is Mama,Papa, my diploma as promised. " nakangiting iniabot ni Devvine ang diploma sa mga magulang. Hinarap nya ang nobyo na nakamasid lamang sa  kanila. "Well aren't you gonna congratulate me or something?" nakataas-kilay na wika ni Devvine na nakapagpangiti kay JP.

"Congratulations kamahalan, hindi ka na pasaway at nakatapos ka na din ng kolehiyo." 

"Ang guwapo at mabait kasi ang inspirasyon ko, syempre para din sa inyo Ma, Pa." niyakap nya ang mga magulang.

Napansin ng kanyang ama ang singsing na suot nya.

"Iha, where did you get that ring? " nakakunot-noong tanong ni Mr. Castillanes.

"Pa, can't you see, JP gave me a ring already. We are engaged, or that's what I thought." biro ni Devvine.

"Oh, iho, this is so nice. Hmm, let's talk about the details later. Let's go celebrate my daughter's graduation. We made reservation in a hotel. Let's go iha." yaya ni Mrs. Castillanes sa kanila.

Dahil inagaw ng kanyang ina ang atensyon ni Devvine, hindi nito nakita ang palitan ng makahulugang tingin ng kanyang ama at ni JP. Kay Mr. Castillanes nanunuri at nagtatanong tingin, habang kay JP naman ay blangko lamang.

"We'll talk later Palacios." mahinang wika ng ama ni Devvine na nakaabot lamang sa pandinig ni JP. Tanging tango lamang ang isinagot ng binata.


CHAPTER 23

Pagkatapos ng kanilang selebrasyon ay umuwi na ang pamilya. Si Devvine ay kasama ni JP sa sasakyan nito habang ang mga magulang ay sa sariling sasakyan. Kasunod nila ang isang back-up car na ang lulan ay mga de kalibreng bodyguards. 

Nag ring ang cellphone ni Devviine, si Elmo ang tumatawag. 

"It's Elmo" pagbibigay alam nya kay JP. "Go ahead," sagot naman ng binata.

"Hello,"

"Hi prettyhead, just want to congratulate you. Happy graduation." masayang wika nito sa kabilang linya.

"Thanks man, its nice of you to call me. "

"Pwede ba kitang ma-itreet minsan as my gift  for your graduation. Friendly date lang" 

Napaismid si JP pagkarining sa tinuran ng lalaki,nakaa-speakerphone sya upang marinig ng nobyo ang paguusap nila ng lalaki.

"Kung friendly date na may kasamang mga kaibigan, why not?" sagot ni Devvine at tinignan ang reaksyon ni JP. Napakibit-balikat lamang ang lalaki at patuloy na nagmaneho. 

"Alright, with your friends sige, mas mabuti na yun kaysa hindi diba. So I'll hang up na and congratulations again. Call me whenever you're available." pahabol pa ng lalaki bago tuluyang pinatay ang linya. 

"Makulit talaga ang totoy na yun." seryosong wika ni JP.

"Don't tell me threaten ka sa totoy na yun Mr. Bodyguard." nang-iinis na wika ni Devvine.

"HIndi ako threaten, nagse..."hindi naituloy ni JP ang sinasabi dahil natanawan nito ang nagkalat na bagay sa harapan ng kanilang mansion.Nagkalat ang iba't-ibang uri ng bulaklak at korona ng patay na may bahid ng dugo. 

"Stay here and call your parents to stay in their car too. " bilin ni JP kay Devvine at mabilis itong bumaba kasunod ng iba na nasa isang sasakyan. Nakita ni Devvine na bumaba ng sasakyan ang kanyang ama at nagtungo sa sasakyan ng lalaki.

"Iha, we need to go check in somewhere, until they clean up this mess" madilim ang mukhang wika ng kanyang ama. "Come on", aya nito sa kanya.

Lumipat sya ng sasakyan at ng makita ni JP na nasa loob na sya ay agad sya nitong nilapitan, "I'll call you later, kasunod nyo sina Maris at Jim kasama ng mga bodyguards ng iyong mga magulang." mabilis siya nitong hinalikan sa labi "Take care, and rest ok." pahabol pa nito sa kanya.

"Mag-iingat ka din, I will wait for your call." sagot niya sa lalaki. Bago sila tuluyang umalis nakita nyang may kausap ito sa telepono. Naramdaman nyang niyakap sya ng kanyang ina at ginantihan nya ito ng yakap.

"Everything will be alright soon, princess. Matatapos din ito at pagbabayaran ng mga taong may sala ang ginagawa nila sayo. " wika ni Mr. Castillanes.

****

Nakausap na ni JP ang mga saksi, ayon sa mga ito may humintong delivery truck sa harapan ng mansion at ihinagis ang mga bulaklak. Hindi nakuha ang plate number ng truck at ngayon ang mga guwardiya papasok sa ekslusibong village na iyon ang kanilang tinatanong. How can they allow a vehicle to pass by them without inspecting it? Nanganganib mawalan ng trabaho ang mga nakaduty ng araw na iyon. Ang tanging matinong sagot lamang na nakuha nila ay may permit daw na dala ang mga iyon at magdedeliver ng furniture sa isang tahanan sa village. 

Matiim na nag-iisip si JP. Una ang patay na aso, sumunod ang sasakyan ni Devvine at ngayon mga bulaklak na nababalot sa dugo. Nakit nya kanina ang poot sa mukha ng ama ng dalaga at alam nya ang iniisip nito. Kaya  naman pinakilos na nya  ang kanyang mga tao upang tignan at pag-aralan ang lahat na posibilidad. 

Nasa malalim syang pag-iisip ng makatanggap ng tawag mula kay Jaime Palacios, ang kanyang ama.

"Yes, Pa? I'm busy tatawagan na lang kita mamaya." bungad nya dito.

"Narito ako sa bahay mo at may babaeng naghahanap sayo dito. Yung nanloko sayo." bakas sa tinig nito ang iritasyon.

"Ask her to leave Papa, mamaya pa ko uuwi at may inaasikaso akong kaso."

"Kaso? So talagang bumalik ka na sa serbisyo mo ha. Ayusin mo muna ang kompanya Jaime Rob bago ka tuluyang bumalik sa pahamak na propesyon na yan. "

"Mag-usap tayo mamaya Papa, and by the way, baka matuwa ka pa sa malalaman mo, kinukumusta ka pala ni Ninong Ignacio Castillanes." iyon lamang ang kanyang sinabi at binabaan na ng telepono ang ama.

Bakit ba sunod-sunod ang mga dapat nyang intindihin.. At si Vanne, ano ang hindi nito maintindihan na wala na itong babalikan? Ipinasya nyang umuwi muna upang makausap ng sarilinan ang kanyang ama. Marami itong dapat malaman dahil matagal din itong namalagi sa Cebu, ang lugar kung saan nakatayo ang kanilang pinagkakakitaan.  Tinawag nya ang  mga kasamahan at ipinaalam sa mga ito na aalis muna sya.

Nakarating sya sa kanyang bahay sa Ortigas at napansin nya ang isang sasakyan na nakaparada  malapit sa kanyang bahay. Narito pa din ang babae at hinihintay sya. Alas siyete na ng gabi ng tignan nya ang kanyang relo. Uunahin na nyang kausapin ang babae bago ang kanyang ama, pagkababa nya ng sasakyan nakitang nyang pababa na din ito.

"Ano pa bang kailangan mo?Sige, I believe in everything you've said. Masaya ka na ba doon?" malamig na wika ni JP. Napansin nyang umaambon at wala syang choice kundi papasukin ang babae sa kanyang tahanan. Binuksan nya ang pinto at tinawag ang kanyang ama ngunit wala ito doon. Nakita nyang nag-iwan ito ng note na nagsasabing pumunta ito sa isang kaibigan. Nakita nyang nakapasok na si Vanne sa loob at nakaupo na ito sa sofa.

"Thank you for letting me in." wika ng babae.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Kung inaakala mong tatanggapin kitang muli, nagkakamali ka. Masyadong malalim ang naiwan mong sugat sa pagkatao ko. "

"I have explained everything to you, and I know you believed me. I just want another chance. I still love you JP, I really do." lumuluhang wika ng babae.

Nilapitan nya ito at pinagmasdan "Sa tingin mo ba ganon na lamang kadali na basta ka nalang babalik at maghahangad ng isang bagay na hindi ko na maibibigay."

"Sa tingin mo ba tanga ako na basta ka nalang tatanggapin dahil sinabi mong mahal mo pa din ako? I'm sorry, pero iba noon Marianne, iba ngayon."

"May minamahal na ko and I won't leave her because of a selfish woman like you. You don't own me, and to make it clear. I don't love you anymore. Wala na." mabilis nya itong tinalikuran.

Nagulat sya ng yakapin sya nito patalikod "I will do everything para mahalin mo ako ulit, alam kong may puwang pa din ako sa puso mo. Give me another chance." samo ng babae sa kanya. He removed her arms on his waist at sasagot na sana sya ng may mag doorbell, iniwanan nya ang babae at binuksan ang pinto upang magulat kung sino ang kanyang napagbuksan.

"Devvine? What are you doing here?" gulat na wika niya, binalingan nya si Jim at Marisa na kasama ng dalaga"Bakit hinayaan nyong lumabas ng hotel si Devvine?" galit na wika niya.

"Whoa, why are you so angry? Ako ang namilit sa kanila, wag mo silang pagalitan. Hindi ka ba natutuwang makita ako? I'm paying you a visit." nakangiting wika ni Devvine ngunit agad na napalis ng makitang may babae sa likuran ni JP. 

"Who's she?" tanong ni Devvine kay JP. Napalingon si JP at nakitang nakatayo sa likuran ni si Vanne. 

"Come in love, I'll introduce you to her. Kayong dalawa, check the place kung may nakasunod sa inyo." utos niya sa mga kasama. 

Inakay nya papasok sa loob si Devvine at inakbayan ito sa harapan ni Vanne. "Since you are here,this may help you see things. " wika niya kay Vanne. Binalingan nya ang kanyang nobya at ipinakilala ang dalawa.

"Love, meet Marianne Vanessa Chen, Vanne meet my fiance, Devvine Mae Castillanes." pakilala niya sa dalawa.

Nakita nya ng lungkot sa mata ni Vanne, tinitigan lamang sya nito at dali-dali itong umalis  ni hindi man lang sinuklian ang pagbati ni Devvine.  Sinundan ng tingin ng kanyang nobya ang paalis na babae at sa nagtatanong na mga mata bumaling sa kanya.

"Don't mind her, she went here to talk to me. " 

"She is so damn pretty, " tanging naisagot ni Devvine.

"No love, mas maganda ka sa loob at labas" he hugged her  at sana sa simpleng yakap na iyon maramdaman nito ang pagmamahal nya. 

****

Devvine got the surprise of her life, finally she met "the" Marianne Vanessa, ang babaeng nanakit kay JP at ang babaeng minahal at halos sambahin nito dati. Never in her entire life that she got so insecure with someone, ngayon lang. Dahil pagkakita nya sa babae, nahiling nya na sana kasingputi sya nito. Alam nyang masama ang maghangad at makaramdam ng inggit, ngunit iyon ang naramdaman nya. Masyado syang na-insecure sa ganda ng dalaga. Totoo ang sabi ni Laurence, napakaganda nito ngunit wala syang makitang pagkakapareha nila tulad ng sinabi ng magkapatid. Natakot sya sa kaisipang nagbalik ito ngunit mas nangangamba sya kung ano ang epekto ng pagdating nitong muli sa buhay ni JP.  Niyakap nya ng mahigpit ang nobyo.

"I love you JP please always remember that.. "

"And I love you more Devvine, yun din ang tandaan mo." sagot ni JP sa kanya. Dapat ba syang makapante? May tiwala sya sa pagmamahal ng lalaki sa kanya, ngunit kay Vanne, mukhang hind dapat pagkatiwalaan ang dalaga. 

IF ONLY BOOK TWO CHAPTERS 18-20


CHAPTER 18


Nasa coffee shop na si Devvine kasama sina Maris at Jim ng matanawan nya ang sasakyan ni JP na paparating. Her heart is filled with excitement and adoration as the man alighted from the car. JP looked so formidable but yet so handsome. She felt proud looking how the girls inside the coffee shop stared at her man, yes her man. She waved at him and when JP saw them, he gave her a dry smile. He looked so tired and worried, she thought maybe he had lots of work today. 

"Hello Mr. B, how are you?" bati ni Devvine sa kay JP, nginitian nya ito.

"Hey there kamahalan, I'm fine , just tired." ganting bati ni JP at kinitilan sya ng halik sa sentido. Binalingan ng binata ang mga kasama at binati "Santos, Yosoy, kamusta?" wika ni JP. Nakita ni Devvine ang pamumula ni Maris at napangiti sya ng lihim.

"Sir, maayos naman. Kayo?" sagot ni Jim Santos,"Hoy, Maris tinatanong ka ni Sir, wag kang basta tumunganga dyan."pang-aasar pa nito kay Maris.

"Hi Sir Palacios, ahm, ka-kamusta Sir?" nauutal na bati ng dalaga.

"Ayos lang Yosoy, kamusta ang iyong trabaho? Hindi ba kayo pinapahirapan ng aking kamahalan?" tanong nito ngunit ang mga mata ay nakatuon kay Devvine. She couldn't believe the intensity she is seeing in his eyes. Their eyes met as if they have a silent agreement. Minutes passed, they just stared and smiled at each other until a loud "ehem" broke the magic. 

Laughters followed and Marisa started the conversation.

"Grabe naman kayo Sir, parang wala na kami dito kung titigan nyo si Devvine. Hello, andito kaya kami noh." kwelang wika ni Marisa.

"Oo nga Sir tsaka sinasaktan nyo ng harapan ang puso ng isa dyan." pang-aasar naman ni Jim kay Maris. Sinipa nito ang lalaki na napabulalas ng malakas na "Aray!"

"Jim anong problema?"tanong ni Devvine habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina Jim at Maris.

"Wala, walang problema yang lalaking yan." nanunulis ang ngusong sagot ni Maris.

"Kayong dalawa, umayos kayo."seryosong wika ni JP na nakapagpatameme sa dalawa.

"Sorry po Sir" magkasabay na wika ng dalawa. 

Nagkatinginan naman sina JP at Devvine at sabay na humalakhak. Their laughters echoed in that small place, unmindful of the stares coming from other people.

"Nagbibiro lang ako, don't mind me." wika ni JP sa dalawang kasamahan. "So aking kamahalan, ano ang iyong gustong kainin?"baling ni JP kay Devvine.

JP got up and go straight to the counter, he ordered 3 cups of coffee and a cup of chocolate drink for Devvine; some croisants and blue berry cheese cake. Masayang kwentuhan ang sumunod and Devvine thought, she is lucky seeing JP in his old self again. Kahit na minsan nahuhuli nya itong parang may malalim na iniisip, ngunit sa huli ay tatawa na naman ito. JP caught her looking at him and he smiled. Hinawakan nito ang kanyang mukha at nananitilingnakatitig sa kanya. 

"What's the matter?" she asked him.

"Nothing, I just want to memorize your face so even if I sleep, I can only see you." nakangiting wika ng lalaki.

"Waaahhhhhhh, ano ba ang cheesy nyo Sir. Grabeh.." naibulalas ni Maris sabay takip sa bibig nito, namula na naman ang dalaga dahil napatingin dito ang mga tao.

"Ikaw Maris ha kanina ka pa, panira ka ng moment nila. Selos ka lang eh." naka-kunot-noong wika ni Jim na sa isip ay kung ako na lang sana ang iyong minahal. 

"Hala, nagsisimula na naman kayong dalawa, mamaya kayo ang magkatuluyan nyan." tatawa-tawang wika ni Devvine.

At katulad noong una nyang binuyo ang dalawa tumataginting na "ewwww" na naman ang nakuha nyang sagot. Maya-maya pa ay nag-aya na si JP na umalis na sila sa lugar na yon. Sa sasakyan ng nobyo sya sasakay at ang dalawang bodyguards ay sa kanyang sasakyan. Malapit na sila sa pinto ng coffeeshop ng may nakita silang humahangos na staff mula sa labasan. 

Nang makita sila nito nilapitan sila at nagwika "Sir, sa inyo po ba yung gray na SUV? May ano po kasi sa .." 

"What happened? Sige titignan namin." wika ni JP at humahangos na tinungo nila ang sasakyan.  Malayo pa  lang ay nakita na nila ang ilang tao na nakapalibot sa paligid ng SUV. JP shooed them away and what they saw made Devvine hold on to JP tightly. Her car is a total mess. There's two big black candle on top of the car, with 2 miniature coffins. Devvine's hair stood up upon seeing it. While JP and the two bodyguards get a hold of their guns. The gray paint is covered with blood and the words "Next time, its your blood" is written on each side of the car's body.

JP noticed that Devvine's face is ashen and she is shaking so he hugged her tight and ordered his officers to call the police. 

"Kayo na muna ang bahala dito, ihahatid ko lang si Devvine.  I'll be making calls later to assist you. Tawagan nyo ko kapag nagkaproblema." bilin nya sa dalawa "And tell those people to never touch anything in the scene. "

"Yes Sir" panabay na sagot nila Jim at Maris. 

"Let's go love, I'll bring you home. " akay niya kay Devvine na nakakapit pa din sa kanya. 

"Who's doing this JP? I don't know anyone who have the intention in doing this to me." Devvine can't help but cry.

JP take her in his arms and said "I promise you, no one can harm you as long as I am here. Malalaman natin kung sino ang may gawa ng lahat ng ito love, calm down."

Nakatulog si Devvine habang bumibyahe at nagising na lamang sya ng nasa mansion na sila. JP wanted to carry her inside the house dahil maputla daw sya. But Devvine insisted that she  is feeling better. Nang makarating sa mansion nakita nilang may bisitang naghihintay sa kanya, si Patrick Sandoval.


CHAPTER 19


"Iha, are you alright?" nag-aalalang salubong ni Mrs. Castillanes sa anak. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkabalisa gayon din ang esposo nito. 

"JP, do you think it's getting serious?" baling naman ni Mr. Castillanes kay JP.

"What's happening? Care to tell me?" singit naman ni Patrick.

"Oh Iha, I forgot, Patrick is here, kanina pa yan naghihintay sinabi ko ng wag ka ng hintayin dahil kasama mo ang nobyo mo." sadyang idiniin ng ginang ang salitang nobyo. 

"So, you are Devvine's current fling?" nasa himig nito ang pagbibiro ngunit hindi iyon nagustuhan ni JP.

"Yes and no, I am her boyfriend and if you don't mind, I would like to talk to my girlfriend's parents privately, excuse us. " seryosong sagot ni JP. 

"Wait, Devvine, can we talk? I mean, anong nangyayari? I need to know, I am your bestfriend diba."

"Please Pat, not now, ask JP when can I talk to you.  And thanks for the flowers, hindi ka na sana nag-abala. " sagot ni Devvine at sinulyapan ang bouquet ng tulips sa maliit na mesa. 

"JP iho, can we talk in the study room now?    Halika, iha sumunod nalang kayo ng iyong ina" wika ni Mr. Castillanes at inakay si JP papunta sa study room. 

"Your father still doesn't like me Devvine, and Tita, I really want to talk to Devvine kahit sandali lang." hinging permiso nito sa kanyang ina.

"I think you really came in a wrong time iho, my daughter is tired can't you see?" 

Nakasandal si Devvine sa sofa habang nakapikit ngunit nagwika ito "Pat, please go. I don't want to talk to you anymore. Not now. " 

"Alright, kanina nyo pa ko pinagtatabuyan. Sige, aalis nako. Bye Devvine at sana give me some time to talk to you. Aalis na po ako Mrs. Castillanes." paalam ni Patrick at tuluyan na itong umalis. 

"I still don't like him iha, nagtataka ako kung bakit mo nagustuhan yon." 

"Ma, its all water under the bridge now.  Don't worry yourself too much. Patrick was a friend," 

Napailing na lamang ang ginang. "How are you Iha? Ayos ka lang ba? Baka you need to go to the States so we won't worry too much for your safety." wika ni Mrs. Castillanes habang hinahagod ang mahabang buhok ni Devvine. 

"No, Ma, malapit na ang graduation and I want to finish this semester.  I know JP can take care of me, and he promised me he will protect me no matter what, so kampante lang ako. And Papa trusts him so much." sagot ni Devvine sa ina.

"At nagpapasalamat din ako sa kanya. Come on iha, sumunod na tayo sa study room."

******

Pauwi na si JP sakay siya ng kanyang kotse. Nakabalik na sa mansion sina Maris at Jim kaya ang mga ito ang magbabantay sa pamilya. Secured naman ang tahanan ng mga Castillanes ngunit mas gusto nyang may bantay pa din ang dalaga. Sino ang gumagawa ng lahat ng ito at ano ang motibo? Bakit pakiramdam nya para sa kanilang dalawa ni Devvine ang panganib? May hinala ng nabubuo sa kanyang isip at ang lahat ng mga tao na kanyang nakikitang nakakasalamuha ni Devvine ay pinaiimbestigahan na nya. Maging ang lalaking nagngangalang Patrick, dumating ito sa kasagsagan ng mga kaganapan at hindi nya inaalis ang posibilidad na may kinalaman ito sa mga nangyayari. 


Malapit na sya sa kanyang bahay sa Ortigas, ng makatanggap sya ng tawag.Hindi kilalang numero ang tumatawag at inisip nya muna kung sasagutin ba iyon o hindi. He made up his mind and pick up the call.

"Hello" sagot nya sa tawag, ngunit lumipas ang ilang minuto ay walang sumagot sa kabilang linya. Papatayin nya na sana ang kanyang cellphone ng may marinig syang nagsalita

"JP, honey I miss you." wika ng babae sa kabilang linya. 

Naihinto na ni JP ang sasakyan sa harap ng kanyang bahay ng sumagot syang muli.

"Sorry you got the wrong number." and he disconnected the call. 

"Why all of a sudden that woman  comes back? Is this fate's sick joke? " tanong ni JP sa sarili. He get out of the car, head straight to the door and opened it. Papasok na sya sa pinto ng magulat sya ng may magsalita sa likod nya, alarmed, he held out his gun and point to that someone only to be annoyed upon learning who startled him, its Marianne Vannesa Chen.




CHAPTER 20


"JP, please put down your gun. " nakataas-kamay na wika ni Vanne. 


Ibinaba ni JP ang hawak na baril at ibinalik sa lagayan. Isinara nyang muli ang pintuan at hinarap ang babae. "What the hell are you doing in my house?" madilim ang mukhang wika nya.


"Can we talk? I really need to talk to you. If you would just listen to me." naluluhang wika ng babae. Pinagmasdan ito ni JP at masasabi nyang sa loob ng maraming taon na hindi sila nagkita, walang nagbago sa pisikal na anyo ng babae mukhang lalo pa itong gumanda. Prominente pa din ang bahagyang singkit na mata nito at ang malaporselana nitong kutis at kulay ay lumulutang sa gitna ng dilim. 


"Wala akong panahong makipag-usap sayo. Umaalis ka na bago pa mawala ang respeto ko sayo."wika ni JP at tinalikuran ang babae. 


"Please listen to me, I need to tell you a lot of things, sana makinig ka."  naiiyak na wika ni Vanne.


Hindi na umiimik si JP at akmang papasok ng muli sa binuksan nyang pinto ng hawakan ni Vanne ang braso ng lalaki, "Kausapin mo ko ng malaman mo ang totoo." 


"Wala na kong dapat malaman, nagawa mo na diba? Tapos na, kinalimutan ko na yun at lalong kinalimutan na kita." nakatiim-bagang na wika ni JP.


"You don't understand, I made a sacrifice and I have suffered for the past years JP." umiiyak ng wika ng babae.


"Anong kasinungalingan ang sasabihin mo ngayon? What do you want from me?" 


"I just want to talk to you, for you to hear me out. Believe me JP, sa nagdaang taon, wala akong gustong gawin kundi ang makausap ka." patuloy na pagluha ang babae.


JP swear he is beginning to lose his temper. He have so many things to think about at hindi na kailangan pang dumagdag ng isang nakaraan. Pagbibigyan nya ba ang babaeng kausapin sya o hahayaan na lamang ito?


"I'm giving you 2 minutes to talk and then leave me alone." maatoridad na wika ni JP.


"But JP, two minutes? Hindi yun sapat. Madami akong gustong.."


"Your two minutes starts now, better talk or just leave." 


Huminga ng malalim si Vanne bago nagwika..


"First, I'm sorry for all the troubles I've caused you. I'm sorry JP, matagal ko ng pinagsisihan ang pagurong sa kasal natin" Vanne sobbed and paused for a while. Nakatalikod si JP sa dalaga, nakikinig lamang sya dito. 


"I did not cheat on you." patuloy ng babae. Napatid ang pagtitimpi ni JP at di nya maiwasang sumagot sa babae.


"You didn't cheat on me? How could you say that? Hindi ba panloloko ang ginawa mo sa akin?" nangangalit na wika ni JP. Bakas sa mukha ng binata ang galit at iritasyon sa kausap.


"I did not, not ever.. believe me." Vanne said still crying. 


"Anong tawag mo sa ginawa mo? Hindi ba malinaw na panloloko yun? Stay away from me, umalis ka na." pagtataboy nya sa dalaga.


"I saved you JP, ako ang kapalit ng buhay mo." wika ni Vanne na nakapagpahinto kay JP. 


"Anong kasinungalingan ang sinasabi mo?You don't have to make stories Marianne Vanessa, papatawarin kita kung yun lang ang gusto mo.


"He threatened me that he will kill you, he has a lot of influence and experience than you JP. He wanted me, kapalit  ng buhay mo. Sasama ako sa kanya o ipapapatay ka nya. " diretsong wika ni Vanne.


"I loved you so much that I rather sacrifice my happiness than to see you die. I chose to be with him and jilt you on our wedding day, than risk your life. You see, I've done all that because I love you so much." lumuluhang pahayag ni Vanne.


"I don't believe you,  wag ka ng magsinungaling. Dahil kahit anong gawin mo,hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa buhay ko." 


"I know you won't believe me, so I have some evidences for you. Kinausap ko sya ng maayos na palayain nya ko.He is dying at ang hiniling ko ay gumawa sya ng sulat para sayo. Kabayaran nya na sa ginawa nya sa akin at sayo. Please take this." iniabot ni Vanne kay JP ang isang brown envelope. 


"I guess I have to go now, salamat sa oras. Maniwala ka man o hindi, totoo ang sinasabi ko sayo." paalam ng babae .


Huminto itong muli at nagwika "Mahal pa din kita JP, hindi yun nawala." sumakay na ito sa kanyang kotse at tuluyan na nitong nilisan ang lugar ni JP.


***


Hawak ni JP ang envelope mula kay Vanne. Ginulo nitong lalo ang isip nya. Bakit sa dinami-dami ng panahon pa bumalik si Vanne dala ang rebelasyon nito. Binuksan nya ang envelope at nakita ang isang sulat , kilala nya ang sulat kamay na yon at ang tatak na nakalagda sa ibaba ng sulat. Nagtagis ang kanyang mga bagang ng mabasa ang kabuuan ng sulat. Napakahabang taon ang lumipas bakit ngayon lamang ipinaalam sa kanya. Napakahabang taon syang namuhay sa kawalan ngunit ang dahilan lamang pala ay kasinungalingan.


Hindi nagsisinungaling si Vanne ng sinabi nitong tinakot ito upang iwanan sya. Mas pinili ng dalagang umalis kaysa mapahamak sya. Ngunit galit pa din sya dito dahil hindi nito nagawang ipaalam sa kanya ang totoo. Kinapa nya ang sarili kung may natitira pa bang pagmamahal dito.Tanging awa at simpatya lamang ang kanyang naramdaman. Saglit na sumagi sa kanyang isipan ang mukha ni Devvine, nakangiti ito sa kanya at sandaling gumaan ang kanyang pakiramdam.  Ngunit bumalik ang agam-agam sa kanyang isipan, ano na ang mangyayari sa pagkatuklas nya ng isang pangyayari sa nakaraan.


At sinabi ni Vanne na mahal pa din siya nito, ano ang isasagot nya sa dalaga? Dali-dali syang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang motorsiklo.  Lumabas sya sa kanyang bahay at mabilis na sumakay sa itim na motorsiklo. Sa mga panahong kailangan nyang mag-isip, tanging paglilibot sa kamaynilaan ang kanyang naging sandalan. Malaya sya kapag nakasakay sya sa motorsiklo, malaya syang makakapag-isip. Kung bakit ba naman sabay-sabay ang mga rebelasyon sa kanya. Ngunit iisa lang ang napatunayan nya, mahal nya si Devvine Castillanes yun ang nasisiguro nya. 

Monday, 4 October 2010

IF ONLY BOOK TWO CHAPTERS 16-17


CHAPTER 16

Malapit na ang kanilang graduation, tatlong linggo na lang at matatapos na nya ang kaniyang kurso. Sisimulan na nyang mag-training sa kanilang kompanya. In the past weeks, she saw the different aura of her father.It seems that he is always happy, at hindi na nito sinisita ang mga ginagawa nya. Sinabi nito sa kanyang malaki ang naitulong ni JP sa pagbabago ng lifestyle nya dahil hindi na daw sya mahilig gumimik at magparty. Aminado sya sa sarili na ganon nga ang nangyayari dahil mas gusto nyang kasama ito kaysa sa kanyang mga barkada. Araw ng dating ni JP galing sa Cebu kung saan nagkaroon ito ng special assignment. At tulad ng dati pagkatapos ng klase, hinihintay nya itong dumating ng nakita nyang palapit sa kanya si Miranda, ang isa nyang kaklase at may dalang kahon.

"Devinne, here may nagpapabigay sayo. Iaabot ko daw, babae din ang nag-abot sa akin, ipinabigay din sa kanya para ibigay sakin. Ang weird." wika ng babae at iniabot sa kanya ang box.

"What's this? ang laki naman nito." Tinignan nya kung may card na kasama, nakita nyang may nakasulat sa kahon,"this is my special gift for you, I hope you enjoy this. Love,your secret admirer" iyon ang nakasulat sa kahon.

Dala ng kuryosidad, binuksan nya ang kahon at tinignan ang nasa loob niyon. Sandaling hindi sya nakakilos bago sya sumigaw ng malakas. Dahil sa takot at pagkagulat naihagis nya ang kahon at bumagsak sa sahig ang laman niyon. 

Miranda, her classmate let out a scream too upon seeing the mutilated dog. The dog's blood still dripping from the cut body parts. Devvine is shaking and she felt someone hugged her. 

"Shhh, hush now Devvine, everything will be alright." wika ng tinig.

Devvine looked at the man who is holding here, it's Elmo. "Elmo, there's a dead dog, someone gave it to me" putol-putol na wika niya.

"Will you let go of my girlfriend?" narinig nyang wika ni JP, dumating na ito at naabutan syang yakap ni Elmo.

"I'm sorry pare,I'm just trying to pacifiy her. " paliwanag ni Elmo kay JP. 

"Thank you but I'm here now, let your hands off her." malumanay na wika ni JP at hinila si Devvine palayo dito. "What happened?" tanong niya sa dalaga habang yakap ito.

"I don't know, someone gave me that package, a gift from someone." humihikbing wika ni Devvine, dahil pagkayakap sa kanya ni JP mabilis na umalpas ang emosyon nya.

"Shh, don't cry love, we will fix this. Would you stay in the car first? Aayusin ko lang ito?" inakay sya ng lalaki sa kotse nito at binigyan sya ng bottled water.

"Calm down okey, akong bahala. Stay here ok." paalam nito sa kanya pagkatapos syang gawaran ng halik sa noo. 

Napapikit sya ngunit agad ding napadilat dahil nakita nya sa gunita ang itsura ng asong iyon. She felt sick and wanted to vomit  ngunit pinigilan nya. JP wanted her to calm down, and she will try kahit pa nanginginig pa din sya sa takot. Who ever gave her that package, may masamang balak sa kanya. 

****

JP made some phonecalls first before questioning Miranda, ang babaeng nag-abot kay Devvine ng box. She said some girl gave her the package too and asked her to give to Devvine. Ipinadescribe nya sa dalaga ang babaeng yun at malugod namang ginawa ng babae.  Sinabihan nyang wag gagalawin ang aso sa lugar nito at inaantay nila ngayon ang pagdating ng mga pulis. He already called Devvine's parents and they are very worried about their daughter. He told them not to and he will take care of this. 

Kanina pag dating nya hindi nya nagustuhan ang nakita. Si Elmo yakap si Devvine, muntik na nya itong masapak kundi lamang sa sitwasyon. Nagselos sya, totoong selos na matagal na nyang hindi nararamdaman. Gusto nyang siya lang ang yayakap sa babae, ang sasandalan nito sa oras ng kagipitan, ang magtatanggol dito. 

"Malala ka na Jaime Rob Palacios" wika nya sa sarili. Subalit nahinto ang kanyang ginagawang pag-iisip ng may mapansin sa takip ng kahon. Nabasa nya ang sinasabing maikling sulat ng nagpadala niyon. Ngunit mukhang may nakaligtaan na pansinin si Devvine, hindi nito nakita ang karugtong na "See you in H.." ayon ang karugtong niyon na mas maliit ang pagkakasulat. 

"Sino naman ang gagawa nito? " tanong nya sa sarili. 

May panibagong banta na naman sa buhay ng dalaga at nasisiguro nyang hindi iyon titigil hangga't hindi ito napapahamak. They have to think of ways on how to protect her at may naisip na syang paraan.

"I will protect you no matter what Devvine, even if you'll hate me after all these. " napabuntong-hininga na wika ni JP habang pabalik sa sasakyan.

CHAPTER 17


Three days after that incident, Devvine is back in school again. Ngunit taliwas sa inaasahan ng lahat, hindi si JP ang kasama ni Devvine as her bodyguard. May iba itong itinalaga sa kanya dahil tulad ng napagusapan nila, iba ang strategy nila ngayon upang mas madaling mahuli ang nanakot sa dalaga. Sumang-ayon ang mga magulang nya sa plano ng lalaki at dinagdagan din ang kanyang bantay. Maliban sa kanyang bagong "bodyguard" at pinalitan din ang driver nya kapag hindi si JP ang susundo sa kanya. Natatandaan nya ng makilala nya ang bagong tagapagtanggol nya. Muntik na syang humagalpak ng tawa at tanungin kung nagbibiro lamang ba sila, ngunit ng makita nya ang baril sa tagiliran nito, na-convinced na din syang kaya syang ipagtanggol nito. 

"Ms. Castillanes, aantayin pa ba natin si Palacios o aalis na tayo?"tanong ng kanyang bagong bodyguard habang nasa loob sila ng sasakyan. Katatapos lamang ng kanyang klase at pauwi na sila. Maayos ang araw na yon at walang kakaibang naganap. Inaantay nya ang sagot ni JP kung hihintayin pa ba nila ito o hindi na.

"Ang kulit mo ha sinabi ng Devvine lang ang itawag mo sa akin. Ilang beses ko ng sinabi sayo" wika nya dito.

"Nakakahiya naman kasi boss ka namin, diba Santos?"baling nito driver/bodyguard. 

"Ako okey lang na tawagin kong Devvine si Madam, diba Devvine?"nakangiting wika ni Jim. Binalingan nito ang kasamahan, "ikaw ano bang masama kung tawagin natin sa pangalan ang magandang binibini na ito"

"Ewan ko sayo Santos, sige na nga Devvine na. Ayos na ba yun Devvine?" tanong sa kanya ng bodyguard. Natutuwa  sya dito at unang pagkikita pa lamang nya alam nyang makakasundo nya ang babae, oo babae ang kanyang bagong bodyguard. Ang pangalan ng kanyang bagong tagapagtanggol ay Marisa ngunit sabi nito Maris nalang daw ang itawag sa kanya. 

"Oo naman Maris ano ka ba? Dapat nga tawag ko sayo ay ate eh. " natatawang tanong ni Devvine. Naputol ang kanilang pagtatawanan ng magring ang kanyang cellphone. Si JP ang tumatawag.

"Hello Mr. Bodyguard," pagbati niya dito.

"Hello Kamahalan, I'm sorry hindi na ko makakarating dyan, we should meet nalang sa isang coffee shop. May aayusin lang akong importanteng bagay"bakas ang iritasyon sa boses ng lalaki.

"It's  okey, don't worry about me. I will be fine with this couple." sabay baling kina Jim at Marisa na parehong napasimangot sa terminong ginamit nya.

"I know they can handle situations but can I talk to Marisa please" 

"Sure wait " paalam ni Devvine, "Marisa, kakausapin ka daw ni JP." 

"Bakit daw?" tanong nito,hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng mukha ng dalaga. Alam nyang  may crush ito kay JP ngunit ewan nya ngunit balewala iyon sa kanya. Kaibigan na nya kasi si Marisa at magaan ang loob nya dito. Nakamasid lamang sya dito habang kausap si JP. Tanging "yes sir", "no sir"at "okey sir" lang ang narinig nya mula dito. Sinulyapan nya naman si Jim at huling-huli nya itong nakatingin kay Maris. Mukhang may namumuong pagtingin sa mga ito, natatawa sya sa naisip. Ibinalik na sa kanya ni Maris ang cellphone at nagpaalam na si JP sa kanya. 

"Kamahalan, see you later. I promise to make it up to you. Ingat kayo."

"Okey, see you later. I miss you my bodyguard." sandali syang tumigil at idinugtong ang "I love you". Hinintay nyang magsalita si JP mula sa kabilang linya. Dahil ni minsan hindi pa nya narining na sinambit ng lalaki ang mga katagang iyon.

"Devvine, I miss you too and just let your instinct tell you what I feel. Bye for now." paalam nito.

Natigilan si Devvine at inisip ang sinabi ng lalaki,"just let my instinct tell me what he feels, then I feel that You love me too Jaime Rob" wika nya sa kanyang isip. 

"Come on guys, let's go. We'll be meeting him in a coffee shop. Tara na love birds.." tatawa-tawang wika niya na nakaani ng tumataginting na "eewww" mula sa dalawa.

***

Naiinis si JP, ipinatawag sya ng taong iyon upang sabihin sa kanya na ihanda na nya ang sarili dahil nalalapit na daw ang katuparan ng kanilang plano. Natutuwa pa ang taong iyon sa mga nagaganap at planado na ang mga susunod na mangyayari. Nagagalit sya sa sarili nya kung bakit nagiging kasangkapan sya ng mga plano nito ngunit kapag naiisip nya ang mukhang iyon ay kumakalma ang kanyang emosyon. 

Palabas na sya sa restaurant kung saan sila nag-usap ng taong iyon ng tawagin sya nitong muli,at hindi nya nakitang may makakasalubong syang isang babae. Nabanggan nya ito ngunit mabilis nyang nahagip sa braso upang hindi ito matumba. 

"I'm sorry Miss, it's my fault hope you are ok." wika ni JP at hinintay mag-angat ng mukha ang babaeng nakabanga. Ngunit bakit parang pamilyar sa kanya ang bulto na babae. And without any warning, he saw a pair of chinky brown eyes. 

"JP, I can't believe its you." wika ng babae. 

JP just stood there looking blankly at her. Sobrang malas ba nya sa araw na yun at dalawang masamang balita ang nalaman nya, una mula sa taong dahilan kung bakit sya andun, pangalawa nasa harapan nya ang babaeng dahilan ng pagkasira nya dati. Bakit sa dinami-dami pa ng makakabangga, si Marianne Vannesa Chen pa ang nakatagpo nya. Tinalikuran nya ang babae at dali-daling lumabas sa restaurant.

"JP wait, please talk to me." lakad-takbo ang babae sa paghabol sa kanya. Ngunit hindi nya ito nilingon, sumakay sya sa kanyang sasakyan at walang lingon-likod na nilisan ang lugar na yun. He wanted to drive fast away from that place at para makasama na nya si Devvine, his Devvine. 

IF ONLY BOOK TWO CHAPTERS 14-15

CHAPTER 14 


Nakabalik na ng Manila sina JP at Devvine, they decided to talk with her parents para ipaalam ang relasyon nila and to her surprise her parents didn't argue with her especially her Dad. Tinanggap ng mga ito ng maluwag ang relasyon nya kay JP and without quetions asked, her father welcomed him in their family. Masaya si Devvine dahil walang magiging problema sa kanyang pamilya at mas lalo syang masaya dahil sa unang pagkakataon, natuto syang umibig at handa nyang gawin ang lahat maging masaya lamang si JP sa piling nya. Dahil ayaw nyang isara muli nito ang puso na katulad ng nangyari sa nakaraan nito. Naalala nya ang huli nilang pag-uusap bago sila lumuwas ng Maynila, kasalukuyan silang nagkakape ng madaling araw na yun. Napabalik sya sa nakaraan.

****

Maagang gumising si Devvine ng araw na yun, 5 ng umaga sila aalis kaya naisipan nyang ayain munang mag-almusal si JP. Ipinagtimpla nya ito ng kape, bagay na hindi nya pa ginagawa sa iba tanging sa ama lamang nya. Nakita nya itong pababa ng hagdan at sinalubong nya ito ng may ngiti sa labi.

"Good morning, here.." bati nya dito sabay abot ng tasa ng kape.

"Wow, special coffee na gawa ng kamahalan, ako ay hindi makapaniwala. Naiinom ba to?" pagbibiro ni JP. Inirapan lamang ni Devvine ang lalaki at hinintay itong inumin ang kape.

"Hmm, I think you made a really good coffee, may future ka sa pagtitimpla ng kape."natatawang wika ng binata.

"Thank you, I'm glad you're smiling again." seryosong sagot ni Devvine. Nagtaas ng tingin si JP at sinalubong ang titig ni Devvine. Nabalot ng katahimikan ang paligid, tanging tunog lamang ng hampas ng alon ang maririning at ang pintig ng kanilang mga puso. Ibinaba ni JP ang tasa ng kape at niyakap sya. 

"Thank you for letting me experience this again, you gave me reason to trust any woman again. Salamat Devvine, aking kamahalan." and as he finished what he's saying, his lips descended on hers. They shared sweet kisses in the early morning as the waves continue to kiss the shore. But Devvine broke the kiss because she wanted to ask JP a question that has been bothering her since last night.

"What if she comes back?" she asked while looking into his eyes.  Nakita nya ang pagtiim-bagang ni JP at matagal din ang sandaling lumipas bago ito sumagot. He heaved a sigh and answered her.

"Wala na syang babalikan."  matipid na sagot nito. "Kung tapos ka na umalis na tayo para hindi tayo maabutan ng traffic." pahabol nito at iniwan si Devvine sa lugar na yon.

"Wala na syang babalikan," ulit ni Devvine sa sinabi ni JP, "dahil hindi naman ako papayag na bumalik ka dun."sagot nya sa kanyang sarili. 

******

"Hey," wika ng isang tinig na nakapagpabalik kay Devvine sa kasalukuyan. It's Elmo, at makulit pa din ito hanggang ngayon. Nasa Campus sya ng araw na yun at malapit na nyang matapos ang kolehiyo. Natutuwa ang kanyang ama dahil may inspirasyon daw sya.   At dalawang linggo mula ng makabalik sila mula Batangas, maayos naman ang kanilang relasyon.

 Hinihintay nyang dumating ang kanyang sundo na si Manong dahil wala si JP upang sunduin sya. Isang linggong mawawala ang lalaki dahil mayron itong out of town assignment. Doon sya naabutan ni Elmo.

"Hey Elmo how are you?" tanong niya dito

"I'm fine. Care for a cup of coffee?"aya nito sa kanya.

"No thanks, I'm waiting for my driver."

"Er, about the ." hinto nito at napakamot pa sa batok" about my invitation? Pwede mo bang pagbigyan?"

Hanggang ngayon ay kinukulit pa din sya nito sa dinner date na matagal na nitong hinihiling sa kanya kahit na nakikita nitong sinusundo sya ni JP sa Campus.

"I thought I made it clear na sayo Elmo, we are friends right? And  I already have a boyfriend,hindi magandang nakikipagdate pa ko sa iba." litanya ni Devvine sa lalaki.

"Whoa, so you really changed na talaga? You must be very serious this time, and " sadyang pinutol nito ang sasabihin.

"And what?"

"And you look like a woman in love. Well, I guess I will say goodbye to that dinner date. You won't let me have dinner with you even if its just a friendly date?" pahabol pang tanong ni Elmo.

"Hmm, friendly date, let me think. Maybe, pero I will tell JP first. "

"Ok. That would be fine with me. And if you need a friend, just call me. You know, you are special to me Devvine. " seryosong wika ni Elmo. "I better go now, see yo tomorrow. Bye and take care prettyhead." paalam na ng lalaki.

Nakaalis na si Elmo ng maisipang tawagan ni Devvine si Manong, bakit kaya nagtagal ito. Parating na daw ang matanda medyo naipit lang sa trapiko. Nagpasya syang umupo muna sa isang bench sa lugar na yun ng makatanggap sya ng tawag. Unfamiliar ang numero ng tumatawag naisip nyang si JP iyon kaya naman sinagot nya.

"Hello"

"Devvine, I'm here watching you. Can we talk, is it okey if I go to you." wika ng tinig.

"Who's this?" tanong nya dito ngunit dial tone na lang ang narining nya mula sa kabilang linya.

"It's me," wika ng tinig na nakapagpagulat kay Devvine.

"Holy macaroni!", naisatinig ni Devvine. "Are you trying to give me a heart attack?" galit na wika ni Devvine at nilingon ang lalaking nagsalita. 

"Who do you think you..." naputol ang sasabihin ng dalaga ng makita kung sino ang lalaki.

"Hi, Vinney.. "


CHAPTER 15


"Patrick!" Is that you?" bulalas ni Devvine ng makita ang lalaki, it's Patrick ang kanyang ex-bestfriend turned ex-boyfriend. Si Patrick ang pinakamatagal nyang nakarelasyon noon, dahil nagsimula sila sa pagiging magkaibigan subalit naduwag itong ipaglaban sya, mas pinili nitong lumayo at limutin sya. Wala na syang hinanakit dito dahil simula ng maghiwalay sila, naintindihan nyang hindi naman totoong pagmamahal na para sa lalaki ang ibinigay nya dito, tanging pagmamahal na para sa kapatid lamang at kaibigan. 

"Yes Vinney its me. Long time no see ha."

"How did you know I'm here?" naguguluhang wika ni Devvine. Paano nitong nalaman ang lugar na kinaroonan nya gayong matagal silang hindi nagkita at nagbalitaan.

"I asked some of your friends, they told me that you're studying here and they gave me your number as well. Please don't get mad at them. I just want to see you."

"Oh I see, next time wag mo kong ginugulat. How have you been?" tanong niya dito.

"I'm fine, had a lot of opportunities so I grabbed all. Now I can say that I am worthy to be your partner na."seryosong wika ng lalaki at tumingin ng diretso kay Devvine.

Nailang ang dalaga sa tingin ni Patrick dahil pakiramdam nya merong kakaiba dito. Parang nadagdagan ang ere nito sa katawan nawala na ang pagiging humble nito. At hindi nya nagustuhan ang sinabi nito na para bang hinihintay nyang bumalik ito.

"Excuse me Patrick but I think even if you are a rich man now, you won't still be worthy to be my "partner" because I am very much taken and I am happy with him. " inis na wika ni Devvine.

"I know about that Vinney, and I promised myself, there will come a time na maibabalik natin ang hindi natin natapos. I know I was a coward before, but believe me you've been my inspiration to achieve everything I have now.."

"Well I guess, just go on with your life and.. oh there's Manong, I need to go. Nice seeing you again, Patrick." paalam na nya sa lalaki at mabilis na tinalikuran ito. Ayaw nya na itong kausap, oo magkaibigan sila dati ngunit dahil sa kaduwagan nito kinalimutan nya na din maging ang pagkakaibigan nila.

"I will do everything Devvine to be your friend again, or more than that. " pahabol pa ng lalaki sa kanya. 

"In your dreams Patrick, in your dreams." nakasimangot na wika ni Devvine. Nami-miss nya na si JP, sa araw na yun dalawang lalaki ang kumulit sa kanya ngunit pag kasama nya ang nobyo, walang kahit sino man ang makalapit sa kanya. She decided to call him while inside the car but to no avail, his mobile phone is out of coverage area. Nagpadala na lamang sya ng mensahe dito, ilang araw pa ang hihintayin nya pagbalik ni JP sa Manila.

*****

"Aba at wala ang iyong alalay mahal na prinsesa, may pagkakataon na ko. Pero mas magandang andito ang iyong magaling na tagapagligtas." nakatanaw sya sa papalayong kotse ni Devvine Castillanes. Hinanap nya  ang ibang kasamahan ng kuya nya sa grupong iyon. Sinabi nya sa mga ito ang kanyang plano at lahat ay sumang-ayon. 

"Antayin mo ang regalo ko bukas Devvine, para lang sayo."

Gagawin niya ito para sa kanyang ina at para na rin sa kanyang kapatid. Si Devvine ang magiging susi upang pagbayarin ang taong pumatay sa kuya nya. Magkakapera na sila, maipaghihiganti pa nya ang kapatid.

"Konting tiis nalang at magtatagumpay din kami kuya, ako ang tatapos sa sinimulan mo." nakatingalang wika nya. Para sa kanyang kapatid at ina, alam na nya ang kanyang gagawin.