Wednesday, 20 October 2010

IF ONLY BOOK 2 CHAPTERS 26-28

CHAPTER 26

Makalipas ang isang araw na pagkaconfine pinayagan ng lumabas ng ospital si JP. Devvine is with him all through his confinement. Her father decided to move the date of their engagement party habang nagpapagaling pa si JP. Konting galos na lang at ang benda sa ulo nito ang palatandaan na naaksidente ito.

"Are you okey JP?" Hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong niya sa binata. Kasalukuyan silang nasa sasakyan at papunta sa bahay ni JP. Kasama si Maris at Jim, ihahatid nila ang binata sa tahanan nito.

"Ano ka ba, I'm fine. I'm strong as a bull so don't worry yourself too much love. " sagot ni JP at hinaplos ang mukha ng dalaga.

She looked in JP's chocolate brown eyes at nawala na naman sya. Malalim ang emosyon ang nababasa nya sa mga mata ng binata at nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso nya. Masyado nyang mahal ang binata at masasaktan sya ng husto kapag nawala ito sa kanya.

"Hoy nagmo-moment na naman kayong dalawa dyan. Lagi nyo nalang nalilumutan na kasama nyo kami noh" kunwaring naiinis na wika ni Maris.

"Sus, kunwari ka pa jan, if I know kileg na kileg ka at naiingit." pambubuska ni Jim kay Maris.

"Alam mo ikaw panira ka talaga eh, bakit ba ikaw pa naging partner ko." iritadong sagot ng dalaga.

"Wag kang magsalita ng tapos Yosoy, baka di mo alam" ibinulong ng binata ang susunod na sasabihin "maging partner mo ko habang buhay."

"Anong sabi mo? Pakiulit nga  yung huli hindi ko nagets." nakakunot-noong tanong ni Maris.

Natawa naman sina JP at Devvine at tumingin kay Jim na napapakamot sa ulo.

"Anak ng, Santos ano ang sinabi mo?" muling tanong ni Maris at binigyan si Jim ng mahinang suntok.

"Wala ang sabi ko pagtyagaan mo na lang akong maging partner"

"Oo nga naman Marisa, pagtyagaan mo na si Jim" natatawang wika ni JP na nasundan ng tawanan ng magkasintahan.

Narating nila ng tahanan ng binata, sandaling nagkwentuhan muna sila bago nagpasyang magpaalam na. Nauna ng  magpaalam sina Jim at Marisa upang mabigyan ng oras ang dalawa.

"I'll go now so you can rest. Please take care JP, drink your meds and wag matigas ang ulo." paalala ni Devvine kay JP.

Niyakap sya ng binata at ginawaran ng magaan na halik "Yes Mam" aniyang sumaludo pa "pag wala na itong nakakainis na benda na to, we will go somewhere. May panibago kong surprise sayo." pagmamalaki ng binata na ang nasa isip ay lugar para sa kanilang magiging pamilya.

"Sige na aalis na ko, I'll call you when I'm already home."

Hinawakan ni JP ang kanyang kamay at hinalikan iyon."Love, thank you for loving me." he sighed "Marami akong bagay na gustong sabihin sayo sa pagdating ng panahon, remember that I love you. Totoong pagmamahal Devvine."

"Hey, mushy ka pala pag may pinsala. " biro ni Devvine.

"Ikaw seryoso ko pinagtawanan mo lang. Tell the Manong to drive safely.  I love  you"

"I love you too, JP."

They shared one passionate kiss before Devvine went out of his door. Inihatid ni JP ng tanaw ang sasakyan ng dalaga.


****

Kadarating lang nila Devvine sa mansion at dumiretso sya sa kanyang kwarto. Ala una pa lang ng tanghali at ipinasya nyang maligo muna. She was about to enter the shower room ng tumunog ang cellphone nya. Unregistered ang numero at nagdalawang isip sya kung sasagutin ba nya iyon o hindi. Dahil sa mga nangyari sa nakaraan ay natatakot na syang sagutin ang mga numerong hindi nakarehistro. She decided not to take the call but the caller is insistent. Napagpasyahan nyang sagutin na lamang ito, wala namang mangyayaring masama dahil nasa loob siya ng kanilang tahanan.

"Hello?"

"Glad you answered Devvine." wika ng babae sa kabilang linya.

"May I know who is this?"

"This is Vanne."

Natigilan si Devvine bakit sya tinawagan ng babaeng ito? "What can I do for you?" magalang na wika ni Devvine

"If  you like to know something about your boyfriend, which I bet you do," mahinhin itong tumawa "meet me somewhere. There are lots of things you should know about your "so-called Superhero."

"Is this some kind of a joke? Or just one of your desperate moves? Please spare me, I don't know you." mataray na wika ni Devvine. Nainis sya sa sinasabi nito, sino ito upang sabihan ng ganon ang nobyo nya?

"No dearie, if this doesn't concerns you, hindi na ko magaaksaya ng panahon para tawagan ka. Meet me tomorrow, I'll let you know of the time and place through sms later. Bye Devvine, I assure you gusto mong malaman ang sasabihin ko." huling wika ni Vanne bago tuluyang pinutol ang linya.

That conversation left her confused and worried at the same time. When she learned that its Vanne, she smelled trouble. Makikipagtagpo sya kay Vanne hindi dahil gusto nyang malaman ang sasabihin nito, kundi upang iparating dito na hinding-hindi nya iiwanan si JP. Upang ipaintindi dito na wala na itong babalikan.


CHAPTER 27

Nagising si Devvine dahil nakarinig sya ng katok. Ginigising sya ng isang kawaksi, nagtataka man ay bumangon na sya. Alas-nuwebe na ng umaga araw ng  Sabado kaya sanay syang gumising ng tanghali na. Binuksan nya ang pinto at nakita si Ana, isa sa mga kawaksi.

"Devvine, sorry kung nagising kita. May bisita ka sa baba, importante daw. " wika nito at nagpaalam na sa kanya.

"Sino naman kaya yun, it's so early!" pabagsak syang muling humiga sa kama. Pipikit na sana sya ng mahagip ng mata nya ang kanyang cellphone. Naalala nya ang kausap kagabi, kinuha nya ito at tinignan kung may mensahe na si Vanne.And there she saw 2 messages, one from JP telling her "I love you princess, good morning". Another is from Vanne, sinabi nitong magkita sila mamayang 1:00 sa Greenbelt. Sandali syang nag-isip at sinagot ang text nito. She is ready to meet her alone at nakahanda din sya sa ano  mang sasabihin nito. She got up and fixed herself before going out of her room. Curious kung sino ang bisita nya sa umaga and then she saw Patrick. Maaliwalas ang mukha ng binata at napansin ni Devvine na bihis na bihis ito.

"Good morning Vinnie," bati ni Patrick "sorry to wake you this early but I just like to say my personal goodbyes to you"

"Goodbye? Why, where are you going?" umupo si Devvine sa harapan nito at hinintay ang sagot ng lalaki.

"I'm going back to US, mas mabuting bumalik na ko doon at ituon ang pansin sa mga negosyo ko." pagak itong tumawa.

"At alam kong hindi ko na madudugtungan ang nakaraan nating sinayang ko Devvine, I can see na masaya ka kay JP at panahon na upang tanggapin ko yun. I wish you the best Vinnie." tumayo ito at niyakap sya.

Ginantihan ni Devvine ang yakap ng binata bilang pamamaalam din dito "Thank you Pat, I hope makahanap ka ng babaeng magmamahal sa iyo. You're a good person Pat, and take care always."

"I will be missing you again but I have to move on, you belong with someone else and what's important is, you are happy." may dinukot ito sa bulsa "Here", iniabot niya kay Devvine ang tarheta."that's my address and telephone number in U.S., if you have time or if you need a friend, just call me."

"Thank you Patrick, mag-iingat ka don ha. I promise to call you some other time. "

"I need to hurry now, baka malate ako sa flight ko. Can you give me one last hug?"hiling nito sa kanya.

"Why not, " they are still hugging when they heard a loud "ehem". Kumalas si Devvine at nakita nyang nakatayo si JP sa gilid nila.

"JP, you're early. Pat is here to say goodbye." defensive na wika ng dalaga dahil sa madilim na anyo ni JP.

"Pare" kinawayan ni Pat si JP, "just dropping by to tell Devvine I'm leaving. So I better hurry to catch  my plane." tumayo na ito at muling nagpaalam sa kanila.

"Have a safe trip pare." pahabol ni JP dito.

Nakaalis na si Patrick at naiwan silang dalawa sa sala. Pihadong tulog pa ang kaniyang mga magulang. Nagpahanda sya ng almusal para sa kanilang dalawa ngunit sinabi ni JP na hindi din ito magtatagal.


"Love, may pupuntahan lang kaming lugar. May nakalap na kaming impormasyon at pupuntahan namin yung tao. I'll be away today, please take care at lagi mong isasama sina Jim at Maris sa mga pupuntahan mo." mahabang wika ni JP.

"Whoa, ang haba nun ah. Ikaw din mag-iingat ka ha. Don't forget to call me." ipinasya nyang wag ng ipaalam dito na tatagpuin nya si Vanne.

"Aalis na din ako Devvine dumaan lang ako para magpaalam sayo. I'll call you later." JP hugged her and gave her the sweetest kiss ever.

"Go, baka hindi kita payagan eh. "pilyang wika ni Devvine. Nakapaskil ang ngiti sa mukha nilang dalawa habang tinatahak ang daan papunta sa Harley ni JP. Inihatid nya ang binata at ng wala na ito, muli syang pumasok sa mansion at bumalik sa kanyang silid.

Humiga syang muli at nag-isip, una si Patrick ang kaibigan nya.  He has been a good friend to her and she hope that he will be happy too. Pangalawa si JP, magkaroon na sana ng lead sa mga pananakot na naganap sa kanila. Ang huli si Vanne, ano ang sasabihin ng babae at kailangan pa nyang makipagkita dito.

****

Tunog ng cellphone ang nakapagpagising sa kanya. Napabalikwas ng bangon si Devvine at sinipat ang oras lagpas 12 na. Naidlip sya at muntik ng hindi makadalo sa usapan nila ni Vanne. Muling nag ring ang cellphone nya, si JP ang tumatawag.

"Hello love, I'm sorry nakatulog ako."

"It's okey, just checking on you.Don't forget to eat lunch ok. " paalala nito. Habang kausap nya ang nobyo ay inihahanda niya ang damit na gagamitin. Ilang sandali na lang at magkikita na sila ni Vanne. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na din si JP sa kanya.Ipinaalala lamang nito na mag-ingat sya at malapit na daw malutas ang misteryo ng mga pananakot sa kanila. 

Naghanda na sya upang umalis ngunit palabas na sya ng matanawan nyang palapit si Jim at Marisa sa kanya. She forgot about them, they need to be with her always. Isasama nya na lang ang mga ito ngunit makikiusap na hayaan syang mag-isa. Kailangang makumbinsi nya ang mga ito.

"Guys I need to go to Greenhills to meet a friend pero I would like to make a request. Medyo confidential ang pag-uusapan namin at private syang tao so pwede bang hintayin nyo na lang ako sa ibang lugar?" wika nya sa mga ito.

Nagkatinginan ang dalawa at paglipas ng ilang sandali walang nagawa ang mga ito kundi ang sumang-ayon sa kanya.

Tinahak na nila ang daan patungo sa lugar, habang nasa byahe ay tinatanong sya ni Maris kung saan sya pupunta ngunit tanging sa isang kaibigan lamang ang tanging sagot nya.

She received an sms from Vanne telling her that she is inside a cafe. Nakita nyang mataman syang pinagmamasdan ni Marisa kaya naman nakaisip sya ng paraan upang makumbinsi ito. Pakunwari syang nagdial at kunwari'y may kausap sya sa telepono.

"Yes, Trish, I'm alone don't worry. Uhuh, malapit na ko jan, wait for me. Hush dear everything will be alright. Ok? Bye for now ,I'm coming." pinindot nya ang off button sa cellphone nya.

"Talagang hindi ka pwedeng samahan ano? Masyadong pribado naman yang friend mo." wika ni Maris kay Devvine.

"Yup, ganon talaga sya. Don't worry magiging maayos lang ako. Wait for me doon sa isang restaurant din" bilin nya pa sa dalawa habang pababa na sa sasakyan.Narining nyang tinawag sya ni Maris 

"Devvine bakit ba nagmamadali ka? "

"Narinig mo naman diba? Nagmamadali na yung friend ko, so i-text mo nalang ako kung nasan kayo. Wag kayong mag-alala walang mangyayaring masama." kinindatan pa nya ang dalawa.

"Lagot kami kay JP kapag nalaman nyang pinabayaan ka naming  mag-isa." pahabol pa ni Jim.

"Kung malalaman nya, You won't tell him right? Dahil siguradong kayong dalawa ang malilintikan" sinundan nya iyon ng tawa at tuluyan ng iniwan ang dalawa. Nang nakatalikod na sya tuluyan ng nabura ang ngiti sa kanyang labi. She felt afraid, confused and excited all at the same time. She took a deep breathe upon seeing the entrance of the cafe. Nakita na sya ni Vanne at kinawayan sya nito.

"Glad you came, have a seat." bati ni Vanne sa kanya habang umiinom ito ng juice. Pinagmasdan nya ang dalaga at nakaramdam na naman sya ng panibugho. Napakaganda talaga nito, ngunit agad din nyang binura ang naiisip dahil siya ang mahal ni JP, siya lamang.

"How are you Vanne? " matipid na tanong nya.

"Oh come on stop the pleasantries, but just to answer your question, I'm fine, perfectly fine."ngumiti ito ng makahulugan.

"What are you gonna tell me? Please make it quick so I don't have to stay longer with you."

"Dearie, it won't take long, I won't talk, all you have to do is listen to this." wika nito sabay about ng isang MP3 player kay Devvine.

"What will I do with that player? You mean you want me to listen to music?" naiiritang sagot ni Devvine. "You ask me to come just for that?" hindi makapaniwalang wika ni Devvine.

"Don't be stupid Ms. Castillanes, hindi lamang music ang pwede mong marinig dyan. Go ahead, listen to it and answer me later." Vanne paused for a while "Do you think JP honestly love you?"

Naguluhan si Devvine sa kausap,ano ang ipaparinig nito sa kanya. May tiwala sya kay JP kaya hindi na dapat nya pagtuunan ng pansin ang sinasabi sa kanya ng kaharap. 

"Or this might interest you more, listen to it so you will know how "good" your father is" Vanne smiled again, 

"My father?" she said irritably "First, it's JP, now my father? What are you playing?" galit na wika na ni Devvine. 

"If I were you, I'll just put the earphones and push the play button. Do it, para matapos na ang usapang ito."

Curiously, she obliged. She pushed the play button and moments later she heard the voices of the two men whom she love the most - her father and JP. 

She looked at Vanne, nagtataka ka sya bakit may recorded conversation ito ng kanyang ama at nobyo. Ngunit nawala ang iniisip nya tungkol sa dalaga ng may bombang sumabog sa pinakikinggan nya. Hindi agad rumehistro sa isip nya ang narinig. She rewind it over and over, umaasang mali ang narinig nya. Ngunit sa bawat pag-ulit ng salita lalong lumalalim ang tarak sa puso at pagkatao nya. Habang patuloy nyang pinakikinggan ang mga palitan ng salita ng dalawang lalaking pinagkakatiwalaan nya ng lubos,patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata.


Minahal nga ba sya ng totoo ni JP? Hindi, dahil isa lamang siyang trabaho para dito gaya ng unang mga panahong magkasama sila. Isa lamang trabaho, means of living. Niloko siya nito, sinaktan kapalit ng kompanya ng pamilya nito. At ang kanyang ama, bakit sa lahat ng tao ito pa ang nanakit sa kanya? She couldn't see the logic in her father's plan. Bakit kelangan pa nitong gumamit ng ibang tao? Ganon na ba kawalang kwenta ang tingin nito sa kanya?


Of all people, bakit ang mga lalaking mahal nya? She was betrayed, hurt and scarred. 


CHAPTER 28

Inalis ni Devvine ang earphones sa kanyang tenga at ibinalik na kay Vanne ang MP3. She don't want to look in her face. Ayaw nyang makita ang pangungutya sa mukha nito. Sa harap nito nawasak ang puso at pagkatao nya. Dapat syang magalit dito dahil sa ginawa nito ngunit mas lamang ang pasalamatan ito. Because of Vanne, she won't be living in a world full of lies anymore. It's time to wake up, she is not lucky. She is lost. 

Without any word, tumayo na sya at iniwan si Vanne. Hindi na kailangan ng salita, malinaw ang mga narinig nya. At hindi pwedeng dayain ang boses ng kanyang ama at ni JP. Narinig nyang tinatawag sya ni Vanne ngunit hindi na sya lumingon.   She needs to get away, malayo sa lugar na yun. 

Nakita nyang palapit sa kanya sina Maris at Jim pero sumulak ang galit nya pagkakita sa dalawa. Alam nyang walang kasalanan at alam ang mga ito ngunit damay na sila sa nararamdaman nya.

"Anong nangyari Vanne?" wika ni Maris. Nilingon nito ang pinanggalingan ni Devvine at nakita nito si Vanne na nakatayo sa entrada ng Cafe.

"Siya ba ang kausap mo?" nakakunot-noong tanong ni Jim.

"Yes, and leave me alone!" tumalikod na sya ngunit sinundan siya ng dalawa. 

"I said leave me alone! Don't follow me!" galit na wika nya. She doesn't care a bit if she is making a scene in the mall. "Narinig nyo diba, wag na wag nyo kong susundan. Kapag sumunod kayo sakin , idedemanda ko kayo!" banta nya sa mga ito at tumakbo palayo sa lugar na iyon.

****

"Habulin mo siya Jim baka anong mangyari dun." utos ni Maris kay Jim.

"Oo, tatawagan ko na din si JP. Alamin mo kung anong nangyari." sagot ni Jim sabay turo sa lugar na kinaroroonan ni Vanne.

Tumango lamang sya at tinanaw ito habang tumatakbo. Tinungo nya ang Cafe at galit na hinarap si Vanne.

"Hoy babae, ano ang ginawa mo kay Devvine?" galit na tanong nya dito sabay ng paghawak nya sa braso ito.

Ipiniksi ni Vanne ang brasong hawak ni Maris bago sumagot "Wala akong ginagawa sa kanya, dapat nga nagpasalamat man lang sya bago nya ko iniwan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"It's none of your business ladyguard, " sinundan nito ng tingin ang lugar na tinakbuhan ni Devvine. 

"Poor girl, a very poor girl." naiiling na wika ni Vanne at tuluyan ng iniwanan si Maris.

"Hoy teka lang babae ka kinakausap pa kita!" wala na syang nagawa kundi ang hayaan itong umalis na. Tatawagan nya si Jim para sumunod dito na hanapin si Devvine. Malilintikan sila kay JP kapag may nangyari dito.

****


Alam nya nailigaw na nya si Jim, malayo na rin ang nalakad nya at ngayon ay nakasakay na sa taxi. She can't help but cry again. Kapag naiisip nya ang dahilan ng pagdating ni JP sa buhay nya, lahat ng pinagsamahan nila ang mga halik at yakap nito, totoo nga ba o kasama sa pagkukunwari? 

She needs someone to talk to, ngunit wala sa bansa si Betzie. Si Patrick na kailangan nya ngayon ay nasa America na. Ayaw nya sa mga kaibigan na sosyal dahil hindi maayos makinig ang mga ito.Naisip nya ang kanyang ina kung may kinalaman din ba ito sa kasinungalingan. Ayaw nya munang umuwi sa mansion habang mataas pa ang emosyon nya. Iisang tao na lamang ang naiisip nyang makikinig sa kanya. Pagbibigyan nya ito sa matagal ng hiling nito ngunit hindi upang makipagdate kundi upang may makausap sya.

She dialed his number on her phone and seconds later, he picked up.

"Hey pretty head, its a miracle. To whom I owe this call from you?" bungad ni Elmo sa kanya.

"Friend, I need someone to talk to. Can we meet? Diba you're asking for a date with me?" pilit nyang pikalma ang kanyang boses.

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya ,"Hello Elmo, are you still there?" muling tanong ni Devvine.

"Sorry about that, hindi lang kasi ako makapaniwala. Sure, hmm, saan mo gustong pumunta?"

"Ikaw ang bahala, I'm on a cab right now tell me the place so I can meet you there."

"Alright," sinabi nito ang pangalan ng lugar " but hey, you don't sound ok. What's the matter?" concerned na tanong ni Elmo.

"I'll tell you later. Salamat sa dahil pupunta ka."

"Oh don't mention it pretty head, you know that I've been waiting for this for a long time diba? I'll better hurry so I can meet you in no time. " paalam nito sa kanya.

She told the driver to bring her to Glorietta ngunit naalala nyang malapit lamang iyon sa pinanggalingan nya. She decided to call Elmo again.

"Hey," bungad nya ng sagutin nito ang tawag "Pwede bang somewhere na medyo malayo like Antipolo?"

"What? Ang layo naman nun. Pero sige kung dun mo gusto, tamang tama we will have an early dinner later. "

"Pwedeng sa Cafe Lupe nalang tayo magkita?" she asked.

"That's a great place, sure. Ingat sa byahe" sagot ni Elmo at muli itong nagpaalam. 

Sinabi nyang muli sa driver ang lugar na pupuntahan nya and after negotiating with him, she's on her way to Antipolo. Her phone kept on ringing, kanina pa maraming tumatawag sa kanya, si JP, ang kanyang mga magulang, si Maris - ngunit ni isa wala syang gustong sagutin sa mga ito. She decided to turn her mobile off pero bago nya gawin yun pinadalhan muna nya ng mensahe si Elmo telling him that she'll turn off her phone and she will just wait for him there. 

Makalipas ang ilang oras narating nya na din ang Antipolo. Papasok na ang taxi sa Service Road na malapit na sa Cafe Lupe. Matapos bayaran ang taxi driver ay agad syang pumasok sa restaurant at pumili ng lugar na tago. She ordered wine to calm her senses. Naisipan nyang habang hinihintay si Elmo ay iiom muna sya, she needed a drink. 

Makalipas ang wala pang kalahating oras ay dumating na ang lalaki. Nakabungad agad ang boyish smile nito paglapit sa kanya. He gave her flowers na nakapagpangiti sa kanya.

"Thank you, you shouldn't have bothered. "

"You're welcome. Wala lang naramdaman ko kasing upset ka." umupo ito sa harapan nya. "What's the matter? May problema ka noh?" sinulyapan nito ang bote ng wine na nasa mesa.

"Nah, just some liars in the world." pagak na tumawa si Devvine. 

"But wait, we should order first. Let's have dinner and later tell me about it. "

"Sure, go ahead and order for me but I don't think I can eat."

"At least you try," pangungumbinsi ni Elmo at tinawag na ang waiter upang ibigay ang kanilang order.

Tahimik lamang silang kumain, si Devvine pilit na kumakain kahit ayaw nya. Nakakahiya kay Elmo dahil inanyayahan nya ito sa lugar na yon. "If you don't want to eat, it's ok" nakangiting wika ng lalaki sa kanya.

"I'm sorry Elmo, wala lang talaga akong gana."

"It's okey, let me finish my dinner" bumulong ito sa kanya "gutom kasi ako" sinundan nito iyon ng tawa.

"Go ahead" matipid na sagot ni Devvine. She looked in the glass wall. May ilan ng bukas na ilaw dahil malapit ng gumabi. She fought back the tears kahit sumasakit na ang lalamunan nya sa pagpipigil na umiyak. 

"I'm done, and you can cry Devvine. Wag mong pigilin." hinawakan ni Elmo ang kamay nya. With the thought that she have a friend with her, tears freely flow from her eyes. She began telling him all she have heard. All the lies, the plans. Until she can cry no more, Elmo just hugged her tight.

"Now tell me, ano ang dapat kong maramdaman?" tanong niya sa binata.

"That's a hard question, knowing that you love and trust them both. Why not ask for explanation? Siguradong mayroong magandang dahilan ang Papa mo." malumanay na sagot ni Elmo.

"I don't know kung maniniwala pa ko sa kanila."

"You have to, kailangan mo silang kausapin. Alamin mo kung ano ang dahilan."

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Devvine took a deep breath. Medyo gumaan ang pakiramdam nya dahil nailabas nya ang hinaing sa isang kaibigan.

"Thanks Elmo, thank you for listening and for being here with me. I guess you are right, dapat ko silang kausapin." tipid na ngiti ang ibinigay nya sa binata.

"That's my girl, oopss hindi nga pala. But anyway, I hope it'll be fixed soon. I don't want to see you crying anymore Devvine." seryosong wika ni Elmo.

"Am I asking too much kung magpapahatid ako sayo?" nahihiyang tanong nya

"Kahit hindi mo sabihin pretty head, ihahatid kita. So tara na?" 

"Yup, again thank you so much Elmo."

"You are welcome. Come on para hindi ka masyadong gabihin." he paid the bills and together they went out of the restaurant. Isang Van ang dalang sasakyan ni Elmo, nagtataka man ay hindi na sya nagtanong.

"Sorry ha sira kasi yung kotse ko so I have no choice but to bring this huge baby." hinging paumanhin nito sa kanya.

"It' ok ano ka ba." Inalalayan ni Elmo si Devvine na sumakay sa passenger's seat.  Nang makasakay na ang binata ay pinatakbo na nito ang sasakyan.

Tahimik si Elmo habang si Devvine ay nakakaramdam ng kaba, kabang hindi nya maipaliwanag. Naisipan nyang magbukas ng usapan.

"You are right Elmo, dapat ko silang kausapin para malaman ko ang lahat. Pagkauwi ko, kakausapin ko agad ang Papa." 

"Yun ay kung makakausap mo pa sya." sagot ni Elmo sa kanya.

Nilingon nya ng binata at nagulat sya sa transpormasyon ng mukha nito. Nawala ang boyish aura nito bagkus ay nakatiim-bagang ito.

"What did you say?" naguguluhang tanong ni Devvine."Paki.. " hindi na naituloy ni Devvine ang sasabihin dahil naramdaman nyang may malamig na bagay na nakatutok sa kanyang sentido. Naramdaman din nyang may kumikilos sa loob ng van at nakita nya sa sidemirror ang isang lalaking may hawik ng baril na nakatutok sa kanya.

"Baril" tanging nausal nya. Muli nyang tinignan si Elmo "what's the meaning of this?"

"Oh prettyhead, this means you are so dead." sagot nito sa kanya sa nang-uuyam na tinig. "Kayo jan, itali nyo ang babaeng yan at patulugin.

"Oo boss" sagot ng dalawang tinig.

"Bitiwan nyo ko ano ba!"palag ni Devvine habang inililipat sya ng isang lalaki sa loob ng van. "Let go of me you smelly fag!" 

"Tatahimik ka o gusto mo na tong matikman?" itinutok nitong muli ang baril sa kanyang ulo.

Wala ng nagawa si Devvine kundi ang manalangin at umiyak. Napakamalas nya ng araw na yon. Another betrayal.

Si Elmo na inakala nyang kaibigan ang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Ano ang balak ng lalaki sa kanya? Ano ang kasalanan nya dito?

How lucky a Devvine Mae Castillanes can get?


Tuesday, 19 October 2010

IF ONLY BOOK 2 CHAPTERS 24-25

CHAPTER 24

 Ipinatawag nya ang mga dating kasamahan ng kanyang kuya sa isang pagtitipon. They will talk about their plan. Pulidong-pulido ang bawat detalye ng kanilang plano.

"Konting panahon nalang, two birds in one stone." wika niya, humithit siya ng sigarilyo at  nagwika muli, "maipaghihiganti na natin ang kuya at ang iba pa ninyong kasamahan, magkakapera na tayo. " sinundan nya iyon ng tawa.

"Sigurado ka ba sa mga plano mo o puro salita lang yan" tanong sa kanya ng isang kasama.

Matanda sa kanya ang mga ito ngunit wala siyang pakialam. Siya ang nagpaplano, siya ang may alas.

"Kayo," isa-isa nyaing itinuro ang mga ito "mas bata man ako sa inyo ako ang may utak. Kung gusto nyong matuloy ang mga nauna nyong plano" sandali syang tumigil at hinugot ang kanyang baril " sumunod kayo sa akin, wala tao\yong magiging problema."

Iniwan nya ang mga kasamahan at nagtungo sa labas, "Soon, they will fall into my hands." wika nya.

"I can feel that its going to be a great, great show. One wrong move a nd you're all dead." sinundan nya iyon ng nakakalokong tawa.

***

Nasasaktan sya, nag-iisip. Totong mahal nya pa rin si JP at umaasa syang sa pagbabalik nya madugtungan ang naputol nilang pag-iibigan. Nagparaya sya at kahit na masaktan, iniwan nya ito kapalit ng kaligtasan ng binata. Ngunit napakalaking kabayaran ng ginawa nya. Ang habang-buhay na poot ng lalaki sa kanya.

"JP darling, you just don't know how much I miss you. Pero mukhang masaya ka na ngayon with that girl named Devvine." she said then sipped her wine. Lasing na sya alam nya yun, dahil pagdating nya pa lang galing sa bahay ni JP ay nagsimula na syang uminom.

"You, if I'll get a chance,I will take back what is mine." mapait syang ngumiti at unti-unting umagos ang luha sa kanyang mga mata.

She desperately needs JP back in her life, aside from the fact that she still love him, she needs him to support her financially.


****



Inihatid ni JP si Devvine sa hotel na tinutuluyan ng pamilya nito.  Habang nasa daan ay wala silang imik pareho. Sinubukan ni JP na magbukas ng usapan ngunit tango at iling lamang ang isinasagot ni Devvine sa binata.

"What's wrong Devvine?" muling tanong ng binata.

"Nothing, just don't mind me."

"Anong wala? Kanina ka pa tahimik, is it about what happened?"

Napabuntong-hininga si Devvine bago sinagot ang lalaki. "I'm afraid JP." diretsang sagot niya.

Inihinto ni JP ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang mayakap ang dalaga. "You don't have to worry, don't be afraid." JP assured her.

"I don't know I feel so scared, so insecure..." she held back the tears.

JP lifted her chin and looked straight in her eyes "Love, ilang beses ko bang dapat ulitin sayo, wala na syang babalikan. I am yours. " and he gave her a soft kiss.

Devvine gave him a tight hug, pinaandar na ni JP ang sasakyan hanggang marating na nila ang hotel. Tinahak nila ang daan patungo sa kanilang suite. Pagdating nila sinalubong agad sila ng kanyang mga magulang.

"Iha, JP what took you guys so long?" bungad ni Mrs. Castillanes sa kanila.

"Ma, napahaba ang usapan namin. But don't worry we're here, I'm here na." sagot ni Devvine at ginawaran ng halik ang kanyang mga magulang.

"Iho, nagmamadali ka ba? I want us to talk about some important matters." tanong ni Mr. Castillanes kay JP.

"It's ok, ano po ang pag-uusapan natin?"

Iginiya sila ng matandang lalaki sa sofa upang doon mag-usap.

"First, since Devvine already finished her studies, I think its time to ask her to work for our company." huminto sandali ang matanda. "Iha, kailangan na kitang i-train so if the time comes that I need to retire, maayos ka na."

"Whoa, hinay-hinay lang Papa," natatawang sagot ni Devvine.

"Hahaha, I know Iha that you can do it, magiging isang mahusay na Presidente ka ng kumpanya. " bumaling si Mr. Castillanes kay JP.

"And now Iho, let's talk about the ring on my daughter's finger." seryosong wika nito na nakapagpalingon kay Devvine at sa ina nito.

"Papa, wag mo namang takutin si JP."

"No love, it's okey. Dahil sasabihin ko din naman ito sa kanila." JP answered her with a smile.

"Iha, you're father is right, mas magandang habang maaga maayos natin ang lahat ng detalye. " natutuwang wika ng kanyang ina.

"Now, Mr. Palacios tell me, ano ang plano mo sa aming unica hija?" seryoso paring wika ng kanyang ama.

"Sir, Mam, sa inyong presenya, hinihingi ko ang kamay ng inyong dalaga. " JP paused and looked at Devvine "Love, will you marry me?"

"Oh, I--" speechless si Devvine sa nangyayari. Sa harapan ng kanyang mga magulang inalok siya ng lalaking mahal nya ng kasal.

"Perfect iha, Iho I think you will be a wonderful husband like Devvine's father" wika ng ina ni Devvine at tinapunan ng tingin ang esposo.

"It's settled then, one of these days, we will have your engagement party. Hayaan nyong ang inyong Mama ang mag-ayos ng lahat. " wika ni Mr. Castillanes. "I'll leave you now, at ako ay magpapahinga na." paalam pa nito.

"Oh Iha, I'm so happy for you." niyakap sya ng kanyang ina. "Iho, I know you will make my daughter happy. Thank you." wika naman nito kay JP.

Nagpaalam na din ang ginang at naiwang mag-isa ang dalawa. Hinawakan ni JP ang kanyang kamay. "I promise to make you happy, tandaan mo lagi na mahal kita Devvine."


CHAPTER 25

JP gritted his teeth, he felt used again. Papunta sya sa parking lot ng hotel, "When will this stop?" tanong niya sa sarili.

Kapalit ng isang bagay ang pagsang-ayon sa plano ng isang tao. Ngunit mabuti na din yon dahil nabuksan muli ang kanyang puso. Umaasa lamang sya na sa pagdating panahong iyon, maintindihan siya ng babaeng mahal nya.

"Love, when all these ends, hope my love will prevail." lumiko sya pakanan at patungo sa isang intersection. The lights went red indicating him to stop. Inapakan nya ang preno ngunit hindi huminto ang sasakyan. Inulit nya ang pagpreno ngunit ayaw pa din nitong huminto. He can see a headlight coming from the other lane and if he will not stop they will have a collision.

"What the f*ck!" napamura sya dahil malapit na sya sa intersection. And then a loud bang.. Maririnig sa lugar ang banggaan ng mga metal. Napahinto ang paparating na sasakyan na makakabangga sana ni JP at dinaluhan ang nabanggang sasakyan.

JP decided to swerve the car right and bump straight into the stoplight. He felt dizzy because of the impact and he can feel blood coming from his head.

Kahit nahihilo, pinilit nyang tanggalin ang kanyang seatbelt at lumabas sa sasakyan. Marami ng tao sa paligid at may naririnig syang ambulansya  na paparating.

"Pare ayos ka lang?" tanong sa kanya ng isang tinig. Inaninag nya ito sa kanyang nanlalabong mata.

"I'm okey, can you call the police too?" pakiusap nya dito. Narinig nya ang mga tao sa paligid na nagsasabing kailangan nya ng madala sa ospital at narinig nyang nasa malapit na ang ambulansya. Sa lakas ng impact ng pagkabangga nya, mabuti at konting sugat lang ang inabot nya. Masakit lang ang kanyang ulo dahil sa sugat dito.

Habang isinasakay sya sa ambulansya dalawang bagay lang ang nasa isip nya. Una, ang babaeng mahal nya si Devvine Castillanes. Pangalawa, may taong nangelam sa preno ng kanyang sasakyan. Somebody wants him dead, yun ang nasisiguro nya. At bago kainin ng kadilim ang kanyang diwa, mukha ni Devvine ang huli nyang nakita.

******

Nalate ng gising si Devvine,she felt worried.  Napanaginipan nya si JP ng nagdaang gabi at hanggang paggising ay may kaba pa rin sya. Ayaw nyang alalahanin ang kanyang panaginip dahil hindi iyon maganda. Babalik sana syang muli sa pagtulog ng marinig nya ang boses si Maris.

"Dev, gising ka na ba? Please kelangan mong gumising." nagtaka siya dahil nasa himig nito ang pag-aalala. She decided to got up and let her in.

"Good morning Maris, ang aga mong mambulabog." nawala ang kanyang ngiti ng makitang namumula ang mga mata nito. Kinabahan na naman sya sa nakitang kalungkutan sa mukha nito.

"Maris what's wrong?" tanong niya.

"Devvine, si JP...." huminto ito at nakita nya ang munting luha sa mga mata nito. "Si JP? Ano ang nangyari kay JP?"

Hindi nakapagsalita si Maris at tahimik lamang itong lumuha. "Ano ba Maris huwag mo kong iyakan, tell me what happened for pete's sake!" she shouted upang itago ang pag-aalalang nararamdaman nya.

"Naaksidente si JP kagabi pagkagaling nya dito. Nabangga sya." ang huling pangungusap lamang ni Maris ang rumehistro sa inaantok na diwa nya.

"Nabangga? You mean he met an accident? Why?" sunod-sunod na tanong nya.

"Wag ka ng magtanong, go fix yourself at puntahan na natin sya sa ospital." wika ni Maris at itinulak sya papasok sa banyo.

And then it hit her, JP met an accident. He's in the hospital right now and she needs to be with him. She rushed to get herself ready so that she will be there for him. Mabilis syang natapos, at inutusan si Maris na ipahanda ang sasakyan. Her Mom looks worried too upon seeing her.

"Iha, we will follow you later. Do call us kung anong lagay ni JP." paalala ng kanyang ina.

"Yes Ma, we need to go." paalam niya sa ina at nagmamadali ng tinahak ang garahe.

***


Nakarating sila sa Ospital at humahangos na tinahak ni Devvine ang daan papasok sa gusali. She went straight to the information desk to ask about JP's room. Nang malaman ang numero ng silid ng binata ay agad nya iyong tinungo habang ang mga kasamahan ay nagmamadaling humabol sa kanya..
She easily found the room and without any word, she opened the door. Nagulat sya sa nakita, dahil nasa loob ng hospital suite ni JP si Vanne.

Pumasok sya sa loob ng silid at tinanguan lamang si Vanne. Naiilang sya sa presensya ng dalaga ngunit ng balingan nya si JP nalaman nyang tulog ang binata. Pinagmasdan nya ito, maliban sa benda sa ulo at konting galos sa braso, wala ng ibang malalang pinasala ito.

Umupo sya sa tabi nito at hinaplos ang muka ng binata.Gumalaw ang binata at bahagyang dumilit. When JP saw that its Devvine, he immediately got hold of her hand.

"Hi love," nakangiting wika nito. Sumandal ang binata sa headrest ng hospital bed nito. Ang mga mata ay nakatuon pa rin kay Devvine.

"You got me so worried, what happened?"

Sasagot na sana si JP ng magsalita si Vann. "Hi JP, how are you feeling?"wika nito.

Napalingon si JP sa pinagmulan ng tinig. Napakunot-noo sya ng makita ang dalaga. "What are you doing here?"

"I just want to. " naputol ang sasabihin nito ng magsalitang muli si JP.

"Maayos ako" matipid na sagot ng binata.

"JP its ok, she just wanted to see if you're alright." nilingon ni Devvine si Vanne at nakita nya ang madilim na anyo nito.

"I came here as a friend JP, you don't have to be rude. You know that I still care for you." wika ni Vanne walang pakelam sa presenya ni Devvine.


"Thank you for coming over pero sapat na ang presensya ni Devvine para sa akin." diretsang sagot ng binata.


Vanne just stared at him then gave a quick look at Devvine. She sighed and stood up, "I guess it's time for me to leave." paalam ng dalaga.

Bubuksan na sana ni Vanne ang pinto ng muli nitong lingunin ang dalawa. "Devvine, take care of him." wika nito.

"Of course I will, and thank you again for coming." Devvine gave her a shy smile. Tuluyan ng umalis si Vanne at naiwan ang dalawa.

Devvine hugged JP so tight as her tears flow "I am so worried, I thought..."

"Shhh, wag kang umiyak. Maayos ako, maliban sa sugat sa ulo wala ng ibang pinsala sakin. Look," iminuwestra ni JP sa dalaga ang sarili "walang malalang pinsala. "sinundan pa ng tawa ng binata.

"I'm thankful na maayos ka JP. And..." naputol ang sasabihin nya ng may marinig silang katok sa pinto.

Dumating ang mga magulang ni Devvine, sandaling nagkamustahan ang mga ito at hiniling ng ama ng dalaga na samahan niya ang kanyang ina upang bumili ng makakain sa cafeteria. Pagkalabas ng mag-ina, agad na hinarap ni Mr. Palacios si JP.

"What happened Palacios? " iritadong tanong ng matanda.

"Sir, may  nagtanggal ng preno ng sasakyan ko." 

"Yun na nga eh, matagal na kayong nagiimbestiga tungkol jan pero wala pa din kayong lead?" galit na wika nito " Ayokong masira ang mga plano JP." 

Napatiim-bagang ang binata sa tinuran ng ama ni Devvine. "Yes Sir, alam ko. Don't worry hindi masisira ang plano nyo pero hayaan nyo kong gawin ang gusto ko."

"Gawin ang gusto mo? Paano ang gusto ko JP?" nilingon ng matanda ang binata "Last time I've asked you to give my daughter an engagement ring and then you just gave her a good for nothing quality!"

"Yun ang nakayanan ko at sinabi ko na sa inyo, sa gagawin ko hindi ako tatanggap ng isang kusing galing sa inyo. Dahil mahal ko ang anak nyo at papatunayan ko yun. "

"Kapalit ng pagtubos ko sa papalubog nyong kumpanya ang pagtatanggol mo sa aking anak. Ang mapalapit sya sayo upang pagdating ng araw na pwede na syang mamahala sa kompanya, ikaw ang makakatuwang nya bilang asawa. Iyon ang mga kapalit JP, sa tingin mo ba matatanggap lahat ng anak ko yan kapag nalaman nya?" sandaling huminto ang matanda.

"Sa tingin mo ba sapat ang pagmamahal mo upang mawala ang galit nya sa atin kapag nalaman nya ang lahat? Gawin mo ang lahat para mahuli ang mga kriminal and I assure  you, walang magiging hadlang sa lahat ng plano natin. "

"Plano nyo Mr. Castillanes, kayo lang. Alam ko sa puso kong hindi ko niloloko si Devvine. Uulitin ko, gagawin ko ang lahat para maintindihan nya ang lahat ng ito."


They stared at each other for a while,and for a moment nakita ni JP ang exasperation sa mukha ng matanda. Alam nyang para sa kabutihan ng dalaga ang ginawa nito. At dahil sa mahal nya ang kumpanya ng kanyang ama, pumayag syang bumalik sa propesyon na itinakwil nya. Pumayag sya sa lahat ng gusto nito, ang alukin ng kasal ang dalaga, ang maging inspirasyon nito pero ang hindi nya inakala ang mahuhulog at mamahalin nya ng totoo ang babae.

Nagpaalam ang matanda at iniwan si JP na nag-iisip. Ngunit sa isang sulok ng gusaling iyon may isang kaluluwang nagdiriwang....