Tuesday, 2 November 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 6-7

CHAPTER 6

Sinundan nila ng tingin ang mga papalayong dalaga. Sinumpong na naman si Tricia ng pagka-isip bata nito.

“Fretz, kami ng bahala kay Devon sa harap lang ng bahay nila Patrick ang bahay nila. Kami na ang maghahatid sa kanya.” Narinig  nyang pahabol ni Joe ilang hakbang pa lang ang layo ng dalawang dalaga samantalang tuluyan ng nakalabas ng Hangout si Tricia. Nilingon sila ng dalawa at huminto ang mga ito.

“Oo nga Fretz, go follow your sister. “ wika ni Ivan ng makalapit na sila.

“Are you sure na ihahatid nyo si Devon, nakakahiya kay Tita Devvine kung hindi ko sya ihahatid pabalik sa kanila.” Nahihiyang wika ni Fretzie

“No girl, I’ll be fine you don’t have to worry. Yung sister mo muna ang sundan mo. I’m sure walang mangyayari sakin kasi I have five bodyguards oh.” Biro ni Devon.

Napagpasyahan nilang sabay-sabay na silang umalis sa kanilang tambayan. Ihahatid na muna nila si Fretzie dahil mauuna ang bahay ng mga ito. Nauunang maglakad sina Devon at Fretzie kasabay sina Ivan at  Joe. Naririnig nya ang masaganang tawa ni Devon sa bawat joke ni Joe. Habang parang may sariling mundo naman sina Ivan at Fretzie. Napatingin siya kina Ryan at Patrick na may mga makahulugang ngiti sa labi. Alam nila ang pagkakagusto ng mga ito sa isa’t-isa kahit na parehong mahiyain ang dalawa.

“One down” wala sa loob na nabulalas nya.

“Dude anong one down?” nakakunot-noong tanong ni Pat. Napabunghalit naman ng tawa si Ryan. Malamang nakita nitong namumula ang mukha nya, bihira siyang magblush pero ngayon ramdam nya dahil mainit ang pisngi nya. “Shocks dude, you’re blushing.” Tudyo pa ni Ryan.

“One down, meaning hindi na kasama si Ivan sa mga karibal mo kay Devon.” Pahayag ni Patrick, isa iyong pahayag at hindi tanong naparang nakakasigurado ang kaibigan nya.

“Hindi iyon!” napalakas na wika nya kaya napalingon ang mga nasa harapan nila. “What’s the matter dude?” tanong ni Ivan.Nagtatakang nakatingin naman si Devon sa kanya.

“Ayan dude nakatingin sayo oh, “bulong ni Ryan at patuloy na asar nito sa kanya.

“Wala, he’s just telling us “some story”, diba James?” sagot ni Patrick.
“Yes, ituloy nyo lang ang paglalakad. I’m fine.” Sagot nya.
“Are you sure you’re alright  James?” tanong ni Devon sa kanya. Hindi agad sya nakasagot dahil sa nakitang concern sa mukha ng dalaga.

“I’m fine Devon, “ matipid na sagot nya. “Tara lakad na tayo.” Aya nya sa mga ito. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang marating nila ang bahay nila Fretzie. Natanawan nilang nakaupo sa veranda si Tricia. Nagpaalam  na sa kanila si Fretzie at nagpatuloy silang maglakad. Nauuna pa rin sila Ivan,Joe at Devon sa kanila. 

Isang araw pa lang nyang nakikilala ang dalaga ngunit nakuha na nito agad ang loob nya. Hindi sya basta basta medaling makipagkaibigan dahil sabi nga ng mga kaibigan nya may pagkasuplado daw sya. Pakiramdam nya kasi matagal na silang magkakilala ng dalaga, at nakita din nyang madaling pakisamahan ito. Na kahit na laki ito sa Amerika ay hindi ito mapili sa magiging kaibigan. Malapit na sila sa bahay nila Devon ng matanawan nya ang pamilyar na bulto ng isang tao. Nakahalukipkip at nakatayo ito sa harap ng bahay nila Patrick at kausap ang ina ng kaibigan.

“Dude, sinusundo ka na naman ng ate mo.” Wika ni Ryan sa kanya.

Tama ito sinusundo na naman sya ng ate nya. Pasado alas-singko na ng hapon kaya naman pinuntahan na sya nito sa bahay ng kaibigan nya. Hindi pa sila ganap na nakakalapit ng magsalita ito ang Ate Ann nya.

“James, diba sabi ko sayo na huwag kang magpapagabi. “ salubong sa kanila ng ate nya. Minsan naiinis sya dito dahil kahit kaharap ang mga barkada nya ay pinagagalitan siya nito.

“Hi Ate Ann!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan nya. “Hi kayo dyan.” Sagot ng ate nya. “Sino sya?” tanong nito ng mapansin si Devon.

“Ate meet Devon, our new friend. Kalilipat lang nila dito. Devon, si Ate Ann ko” pakilala niya  sa dalawa. Kilala ang ate nya bilang isnabera sa mga taong ayaw nito at napansin nyang balewala dito ang pagpapakilala nya kay Devon. Hinawakan nito ang kamay nya at banayad syang hinatak.

“Halika na James, tatawag daw si Mama mamaya at kakausapin ka.” Aya ni James sa kanya.

“Ok ate,” sang-ayon nya dito. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan at kay Tita Beth na iiling-iling lang sa inasal ng ate nya. Huli syang nagpaalam kay Devon.

“Bye Devon, nice meeting you.” Paalam nya dito. 

“Ano ba James halika na.” muling tawag sa kanya ng ate nya.

“Bye James nice meeting you too.” Nagtatakang wika ni Devon. Marahil ay nasa isip nito kung bakit naglalakad sila palabas ng Village. Sinulyapan nyang muli ang mga naiwang kaibigan at ang dalagang bagong kakilala. Nasisiguro nya, hindi siya nito patutulugin. Nakaukit sa isip nya ang magandang mukha nito at ang napakatamis na ngiti ng dalaga.  


CHAPTER 7

One month had passed since they moved in the villa. One month na din ng makilala nya ang mga bagong kaibigan. They had time to hangout in their house and play some games in the clubhouse. Mabait ang magkapatid na Fretzie at Tricia kahit na madalas sumpungin ng tantrums ang huli. At ang grupo naman ng mga kalalakihan ay laging may dalang bagong musika. 

Nakapag-enroll na rin sya sa tulong ng impluwensya ng kaniyang ama. Bachelor in Arts ang kinuha nyang kurso Major in Music dahil iyon ang hilig nya. Hindi nakialam ang kanyang mga magulang sa ano mang gusto niyang kurso. 

Naging busy sya sa loob ng isang buwan dahil sa mga kailangang habulin sa kanyang pag-aaral. At nagulat siya isang araw ng makita si James sa loob ng unibersidad na pinapasukan nya. She learned that he is also studying in the same University through scholarship. Nalaman na nya mula kay Fretzie na hindi doon nakatira ang binata at hindi katulad nilang “maykaya” ang pamilya. Balewala naman sa kanya yun dahil hindi sya tumitingin sa estado ng buhay. Mabait sa kanya ang lalaki at tinulungan siya nitong mag-adjust sa bagong surrounding nya. 

Araw ng Biyernes at kausap nya ang kaniyang ina habang nag-aalmusal. One month na lang bago ang kanyang ika 17 na kaarawan. She is turning 17 next month and she doesn’t have any plan on how will she celebrate her special day.

“Dear, what would you like to do on your birthday? Any plan?” tanong ng kaniyang ina.

“None Mum, ikaw may idea ka ba? We only have at least a month to prepare for it.”

“Since it’s the first for us to celebrate your birthday here in the Philippines, why not..” bitin sa kanya ng kanyang ina.

“Mum, umayos ka ha, make sure magugustuhan ko ang idea mo.” Wika niya dito.

Natawa ang kanyang ina  “Honey, since you like music I mean singing and dancing, why not let’s do a mini-concert for your birthday.” Napatingin sya sa kanyang ina, hindi sya makapaniwala sa idea nito.

“Don’t look at me as if I became an alien dear, you see,” nilapitan sya nito at hinawakan ang kanyang balikat. “we can invite your friends and they can be a part of the concert too. Nakita kong you all love music, they can sing and dance too. That boy James can play the guitar and before I saw you with your girlfriends dancing in your room.”  Mahabang litanya ng kanyang ina. 

Naalala nya ang sinasabi nito ng minsang nagpatugtog sila ng “Telephone” sa kanyang kwarto. Nagkatuwaan silang magsayawan and they had fun. Doon nya nalaman na ang mahiyaing si Fretzie ay may talent sa pagsayaw. 

“Mum, are you sure about this? How about Dada, papayag kaya sya?”

“Devon princess, you’re Dada loves you so much at I’m sure hindi yun tututol. At kung tumutol man sya, si Mommy na ang bahala dun.” Sagot nito sabay kindat. 

Honestly, she is excited about the idea. She liked it actually and she started imagining how they will rock and roll on her birthday. “Okay Mum, we only have a month. No need for invitations let’s make it an open party.”wika nya sa ina.

“Sigurado ka iha, open party? Meaning the whole village will see your “pagkakalat?” pang-aasar ng kanyang ina. 

“Mum, I bet gustong-gusto mo yun noh, yung nakikita ng iba kung gaano kaganda at katalented ang inyong prinsesa.” Ganting biro nya dito.

Excited na talaga sya, tumayo sya at nagpaalam sa ina. She went to her room to send an sms to her friends. She will meet them in the hangout and she will tell them about her birthday plans. At isa pa,she missed James. Dalawang araw na nya itong hindi nakikita dahil nagpart-time daw ito sa trabaho ni Ate Ann. Naalala nya na naman ang masungit na ate ng binata pero in time, she know Ate Ann will like her soon.

*****
“OMG, girl are you serious?” exaggerated na wika ni Tricia. Nanlalaki ang mata nito ng ipaalam nya ang plano sa kanyang kaarawan. 

"Ano guys  are you in? Birthday gift nyo na lang sakin ang participation nyo."isa-isa nyang tinignan ang mga ito. Alam nyang her friends will never let her down.

 Nagulat sya ng may umakbay sa kanya. She saw James smiling at her. Sa nakalipas na buwan ay lalong naging  malapit silang magkakaibigan. Lalo na si James, dahil kada araw ay mas lalong napapalapit ang lalaki sa kanya. Comfortable sila sa isa't isa, "boksingero't boksingera" ang tawag ng mga kaibigan nya sa kanilang dalawa dahil kapag nagkukulitan sila ay hind naiiwasan ang hampasan, kurutan at minsan ay may duguan ng nangyari ng aksidenteng makalmot nito ang kamay nya. 

"Sure Miss tutulungan ka namin at baka maagaw pa namin ang spotlight sayo sa araw ng birthday mo." wika nito sa kanya. 

Siniko nya ito at inalis ang pagkakaakbay sa kanya. "Alam mo ikaw, mas magandang tahimik ka nalang, kaysa ganyan, lumalabas pagkahambog mo noh. "biro nya sa lalaki.

Iniikot nito ang mata at nagwika ng " I don't really keh" naghagalpakan sila dahil sa tuwing gagawin ni James iyon ay may kasamang irap. Tawa siya ng tawa gayon din ang mga kaibigan nya kaya hindi nya nahalatang nakatitig lamang si James sa kanya. Ng mapansin nya ang ginagawa ng binata ay nawala ang ngiti sa labi. Minsan naiisip nyang may espesyal na pagtingin ang binata sa kanya dahil sa mga emosyong nababasa nya sa mga mata nito. Ngunit ayaw nyang mag-assume, maganda ang samahan nila at naiintindihan nila ang isa't isa.

"Eherrrmmmmmmmmmmm.... " narinig niyang wika nila Joe, Patrick at Ryan habang si Ivan ay ngiting-ngiti lamang. 

"Pwede namang hindi magtitigan diba? Pwede yun diba?" pangungulit ni Joe sa kanila.

"Shut up Joe-ker!" ganti nya dito.

Pumalakpak si Tricia at kinuha ang atensyon nila. "Guys, Devon we need to plan na diba? Konti lang time natin to prepare. Any idea guys?" nakataas ang kilay na wika nito. Sa loob ng mga araw na kasama nya ang magkapatid na Tricia at Fretzie ay alam nya na ang ugali ng mga ito. At alam nyang naiinis na naman si Tricia sa kanya dahil kay James sa simpleng kadahilanang may gusto ito sa binata.

Lumipas ang maghapon na nagplano sila ng gagawin. Nang mga ipapalabas nila sa birthday mini-concert niya. Nagustuhan nya ang suggestion ni Tricia na sasayaw silang lahat. Pasimple syang tumingin kay James at nahuli nya ang makahulugang ngiti nito.

Monday, 1 November 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 5

CHAPTER 5

"Wait up guys, anong initiation?" muli niyang tanong. Binalingan nya si Fretzie. Ngumiti ito sa kanya at tumingin sa mga kasamahan. 

"Uhm, Devon we have this so called "welcome initiation". Parang talent portion, showcase any talent that you have." paliwanag ni Fretzie sa kanya.

"Showcase my talent" - ulit ni Devon sa isip. Madali lang naman yun sa kanya. She can play the guitar pero nahihiya syang gawin iyon sa harapan ng ibang tao. She played alone or with Bret, mas gusto nyang walang audience. Subalit dahil nga my recital ang piano class nya dati, sanay na syang magperform sa harap ng mga tao. 

"Come on Devon, you can do it." pursige ni Ivan sa kanya.

"Yeah, Devon, lilly, you can." ulit naman ni Ryan.

She exhaled and asked James "Can I borrow your guitar?"

He stared at her for a while and handed her his guitar. Nahawakan nya ang kamay nito ng abutin nya ang gitara.

For a moment, she savored the feeling of being close to him. Never in her entire 16 years of existence that this thing happen to her. Kinikilig sya, natural lang sa kabataang tulad nya. Ngunit inilagay nya sa isip na masyado pang maaga para sabihing may gusto sya sa binata. Ni minsan kahit ng nasa America pa sila wala pa siyang nagiging boyfriend dahil ayaw nya. She don't entertain suitors too, because of the simple fact that she doesn't want to fall in love at her young age. Pero ngayon, mukhang mababali nya ang sinabi nyang iyon dahil sa presensya ni James, mukhang magkakatotoo ang love at first sight. "No", she said to herself, "crush at first sight lang no."

She stepped forward and took another breath, 

"This song is dedicated to my new found friends, this is for you guys."

She started to strum the guitar, then she paused. Nakita nya ang anticipation sa mukha ng mga kasama. James smiled at her and she smiled back. She strum the intro of the song and started to sing.

When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart

And I watched
As he tried to reassemble it

And my momma swore that
She would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist

But darling,
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception

Nakarinig sya ng "woah" at "wootoot" mula sa mga binata. Ipinagpatuloy nya ang pagkanta. 

Maybe I know, somewhere
Deep in my soul
That love never lasts
And we've got to find other ways

To make it alone
Keep a straight face

And I've always lived like this
Keeping a comfortable, distance
And up until now
I had sworn to myself that I'm
Content with loneliness
Because none of it was ever worth the risk

Well, You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception

I've got a tight grip on reality
But I can't
Let go of what's in front of me here
I know you're leaving
In the morning, when you wake up
Leave me with some kind of proof it's not a dream

Ohh---


Tumingin sya sa direksyon ni James, titig na titig sa kanya ang binata. She like how he stares at her. Nakakataba sa kanyang puso ang mga sulyap at ngiti mula rito. Tinapos nya ang kanta na tanging nakatitig lamang kay James. Hindi alintana ang nakakunot na si Tricia at ang pagpalit-palit ng tingin ng mga kaibigan kay James at sa kanya.

You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception

You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception

And I'm on my way to believing
Oh, And I'm on my way to believing.....


Tinapos nya ang pagtutog at pag-awit. Her new friends broke into an applause. She shyly looked at them and thanked them.

"Wow, that was the best!" wika ni Ivan. Nakatitig ito sa kanya. "Ang galing-galing mo Devon." 

"Idol" wika naman ni Joe nakipag-apir kay Ryan.

"Thanks guys, I'm glad you liked it." kiming wika nya.

"San ka natutong mag gitara? Wow, ang galing." wika naman ni James habang inaabot nya dito ang gitara nito.

"A friend taught me how to play." bumalik sya sa tabi nila Fretzie at Tricia.

"Ang galing mo girl, would you mind if you teach me some chords?" tanong ni Fretzie sa kanya.

"Oh sure, my pleasure." Napansin nyang iba na naman ang mood ni Tricia. Inaya na sila nitong umuwi at nauna na itong umalis sa kanila.

"Please excuse my sister, alam nyo naman yan. Ihahatid ko na si Devon sa bahay nila" hinging paumanhin ni Fretzie sa inasal ng kapatid nito. 

CRAWL BACK TO LOVE CH. 3-4

CHAPTER 3

"Looks like my baby gained some admirers, huh" pabirong wika ng kanyang ina. Inirapan nya ito, ganon ang lambingan nilang mag-ina.

"Mum, they're just being friendly noh. And they're funny too. " sagot nya habang inilalabas sa kanyang maleta ang mga personal na gamit nya. Mas gusto niyang siya ang nag-aayos ng mga gamit nya kahit na may mga househelp sila. Ipinamulat sa kanya ng ina na ang mga simpleng bagay  na kaya niyang gawin ay huwag ng iutos kay Manang Lucy, ang matandang katulong ng kanyang ina sa pagpapalaki sa kanya.

"Come over here sweetie," tawag ng kanyang ina. Nakasilip ito sa may bintana, ang kwarto nya ay nakatanaw sa  kalsada. Lumapit sya sa ina at sinundan ang tinitignan nito.

"Wow, they're having fun!" naibulalas nya dahil nakita nya ang mga bagong kakilalang sina James, Joe, Patrick, Ivan at Ryan na nagkakatahan sa saliw ng gitara ni James. Si James, aaminin nyang sa limang nakilala si James ang nagmarka sa kanya. He's brown eyes and shy smile, mukhang matipid din itong magsalita. Ngunit sa batang puso nya, umaasa syang magiging mahaba ang pagkakaibigan nila. She is hoping too that she will meet new girl friends in the Village.

"Sa nakikita ko, mukhang mababait na bata ang mga iyan at mukhang magkakapareho kayo ng hilig. I think it will be easy for you to adjust in this place. Maybe later, you will meet a new bestfriend here.

"Mum, I only have one bestfriend, si Bret diba." napangiti sya ng maalala ang kaibigan. They will chat tomorrow kapag naayos na lahat ng mga gamit nila.

"Do you like your new room? Ikaw nalang ang bahalang maglagay ng decors na gusto mo baby." wika ng kanyang ina.

"Mummy, you don't have to tell me. You know, I like doing things my way." pagmamalaki nya sa kanyang ina. Niyakap siya nito at gumanti sya ng yakap. Mahal na mahal nya ang kanyang ina dahil napakabait at maunawain nito. "I love you Mum, love love love you" wika nya.

"I love  you more sweetie."

"Kayong dalawa talaga ang hilig nyong mag-moment. " nagulat silang mag-ina ng marinig ang tinig ng kanyang ama. Nakasandal ito sa may pinto at may dalang tray ng juice. "Dada, ikaw naman ang hilig mong umeksena. " nilapitan nya ito at kinuha mula dito ang mga dala. Akmang kukuha sya ng baso ng tumunog ang doorbell nila. "I'll get it." wika nya at iniwan na ang kanyang mga magulang.

*****

Binuksan nya ang pinto at bahagyang nagulat sa napagbuksan.

"Hello, on behalf of the "Teens Corner Committee" we would like to welcome you in the Village." nakangiting wika ng isang maputi at may katangkarang dalaga. May dala itong isang box ng maliit na cake na may nakalagay na "Welcome".

"And we would like to welcome you in the group too." dagdag naman ng isang sweet looking na dalaga. Parehong maganda ang dalawa at mapuputi ang kutis.

"Thank you, please come in." pinaupo nya ang mga ito at nakita nyang prim and proper ang kilos ng dalawang dalaga.

"I'm Fretzie and this is my sister Tricia."pakilala ng sweet looking na dalaga. Magkapatid pala ang dalawa mas matanda si Fretzie ng dalawang taon kaysa sa 14 year old na kapatid nito.

"We are just three blocks away from  here. The pink gate, that's our house." nakangiting wika naman ni Tricia.

"It's so nice of you guys to come over and welcome me. By the way, my name's Devon." pakilala nya sa sarili.

"Wow, I like your name. Hollywood ang style nya and it suits you, you're pretty like us." biro ni Tricia sa kanya. Sa dalawang magkapatid, napansin nyang si Tricia ang palakwento at ang ate nitong si Fretzie ay tahimik at pangiti-ngiti lamang.

"Magagalit ba ang parents mo kung aayain ka namin sa hangout ng mga teens dito?" tanong sa kanya ni Fretzie.

"No girls, we won't mind. Sure, go ahead. " narinig nyang sagot ng kanyang ina. Napalingon sila sa direksyon ng kanyang ina. pababa ito mula sa hagdan.

"Good afternoon Tita." wika ni Tricia, hindi nya napigilang mapataas ang kilay dahil sa itinawag nito sa kanyang ina. Napatingin sya kay Fretzie at nakita nyang nakangiti ito sa kanya. Sinuklian nya ito ng ngiti kahit alam nyang nakita nito ang kanyang ginawa. Kinindatan lamang siya nito.

"Hi girls, I'm Devvine, Devon's Mum. And your names lovely girls?" tanong ng kanyang ina.

Mum, she's Fretzie and this lovely girl here is Tricia." pakilala nya sa kanyang ina.

"Okay lang po bang isama si Devon sa hangout ng mga teens Mrs. Devvine?" tanong ni Fretzie sa ina.

"Dear, ano bang Mrs. Devvine, call me Tita tulad ng kapatid mo. And yes, It's fine. Thank you girls."

"Thanks Mum," pasasalamat nya sa ina. Hinalikan nya ito sa pisngi at sumunod na sa magkapatid pagkatapos magpaalam sa kanyang ina.

Palabas na sila ng gate nila ng tumili si Tricia, "OMG, he's here!" wika nito.

"Ano ka ba mahiya ka nga kay Devon." sita ni Fretzie sa kapatid.

"Sinong he?" sinundan nya ang tinitignan ni Tricia at nakita nyang sa bahay nila Patrick ito nakatingin.

"Hi Devon!" narinig nyang sabay-sabay na wika ng mga naroon maliban kay James na nakatitig lamang sa kanya.

"You know them already?" nakasimangot na wika ni Tricia.

"Yes, I met them earlier." sagot nya dito. Kinawayan nya ang mga binata at ibinalik ang atensyon sa magkapatid. Nakita nyang kiming nakangiti lamang si Fretzie habang si Tricia ay parang nawala sa mood.

"Come on, puntahan natin sila isama natin sa hangout."wika ni Tricia at nauna ng naglakad papunta sa bahay nila Patrick.


CHAPTER 4

Nakita ni James na papunta sa direksyon nila ang tatlong dalaga sa pangunguna ni Tricia. Napasimangot sya ng makitang ngiting-ngiti ito sa kanya. Siguradong kukulitin na naman sya ng makulit na kapatid ng Presidente ng Teens Corner Committee na si Fretzue. Napansin nyang nagtitinginan sina Joe at Ivan, alam nya na ang nasa isip ng mga ito. Nang malapit na ang mga ito sa bahay nila Patrick, tumayo na ang mga kaibigan nya, hinatak sya ni Patrick dahil alam nitong hindi sya sasama sa kanila. Nauuna sila Joe at Ivan at saktong nakalapit na sila sa mga dalaga ay bumanat na ang dalawa. Sabi na nga ba nya iyon ang gagawin nila Ivan at Joe. 
Nilapitan ni Ivan si Fretzie at nagsimulang kumanta:


Beautiful girls all over the world
i could be chasing but my time would be wasted


lumapit naman ito kay Tricia:


they got nothin' on you baby

nothin' on you baby



at ang huling nilapitan ay si Devon, hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga at iniikot ito.


they might say hi and i might say hey
but you shouldn't worry about what they say

cause they got nothin' on you baby
nothin' on you baby



Napangiti siya ng bumanat ng rap si Joe. Sa kanilang barkada ito ang rapper. 


not not not nothin' on you babe
not not nothin' on you
i know you feel where i'm coming from
regardless of the things in my past that i've done
most of it really was for the hell of the fun
on the carousel so around i spun (spun)
with no directions just tryna get some (some)
tryna chase skirts, living in the summer sun (sun)
this is how i lost more than i had ever won (won)
and honestly i ended up with none


Nakita nyang umiindak ang mga dalaga, si Fretzie na kilala sa pagiging mahiyain ay tumatango-tango sa musika. Habang si Tricia ay sumasayaw kasama si Ivan. Sila ni Patrick ay nakatitig lamang sa nakangiting si Devon. 


there's no much nonsense
it's on my conscience
i'm thinking baby i should get it out
and i don't wanna sound redundant
but i was wondering if there was something that you wanna know
(that you wanna know)
but never mind that we should let it go (we should let it go)
cause we don't wanna be a t.v episode (t.v episode)
and all the bad thoughts just let them go (go, go, go, go)


Patuloy ang production number ng dalawa nyang kaibigan at nagsecond voice lang sila ni Patrick. 


beautiful girls all over the world
i could be chasing but my time would be wasted
they got nothin' on you baby
nothing on you baby
they might say hi and i might say hey
but you shouldn't worry about what they say
cause they got nothin' on you baby
nothin' on you baby

not not not nothin' on you babe
not not nothin' on you


Natapos ang kanta at naunang pumalakpak si Devon. "Wow! You guys are... well what can I say," huminto ito at tinignan silang lahat "Awesome and Cool dude!" wika nito sa american accent. 

"You're right Devon, our group is the coolest. Right James?" pagmamalaki ni Tricia at kumapit pa sa braso nya. 


"Teka san nga pala kayo pupunta at isasama nyo pa si Devon?" tanong ni Joe na pasimpleng pumagitna sa kanila ni Tricia. Nakita nya pa ang pag-irap dito ng dalaga at ang nakakalokong ngiti ni Joe. Hindi lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaibigan ang pagkakagusto ng dalaga sa kanya. Pero para sa kanya tanging kaibigan lamang ang turing nya dito. Napasimangot siya ng maalala ang ate Ann nya, dahil gusto nito si Tricia.

"Isasama namin sya sa hangout natin, gusto nyo ding sumama?" sagot ni Tricia. Si Devon at Fretzie ay nakamasid lamang sa mga kaganapan. Hindi nya maiwasang hindi tumititig sa dalaga. Napakaganda talaga nito at sa maikling oras na nakilala nya ito, sapul na sapul ang puso nya. Napatingin ang dalaga sa kanya at nagtagpo ang kanilang tingin. Naputol ang mala mahika na sandali nila ng akbayan sya ni Ryan.

"Dude, tara sama tayo sa kanila."Aya ni Ryan. Napagpasyahan nilang samahan ang mga ito sa hangout ng mga miyembro ng Teens Corner, isang organisasyon sa loob ng village na iyon. 

Kahit hindi sya nakatira sa lugar ay kabilang sya sa committee dahil sa mga kaibigan nya. Hindi sya galing sa may kayang pamilya tulad ng mga kaibigan nya. Simple lang ang buhay nila, ulila na sila sa ama at ang kanilang ina ay nagtatrabaho bilang OFW sa Singapore. Tanging ang ate nya at tiyahin ang kasama nya sa bahay. Ang ate Ann  nya ay 18 taong gulang, working student ito dahil ito ang tumutustos sa sariling pag-aaral. Nakatira sila  sa hanay ng mga apartment sa gilid ng Executive Village. Akala ng iba ay kabilang siya sa mariwasang pamilya dahil ang mga kaibigan nya ay pawang may kaya. Nahinto sya sa pagmumuni-muni ng makitang narating na nila ang tambayan.


Isa iyong covered park na nilagyan nila ng stage at mga benches. Inayos ng mga kababaihan iyon ayun sa gusto ng mga ito at may lugar na panlalaki ang disenyo.

"Wow, ang ganda, ang daming bulaklak at may stage pa." wika ni Devon. 

"Madalas kasing magdaos dito ng mga birtdays ng youth, kaya may stage at kung may ibang activities na gagawin." sagot ni Fretzie.

"At dahil bago ka sa aming group, my initiation dito eh." wika nya kay Devon na ikinagulat ng dalaga. Napasigaw ng "woohhhh" ang mga kaibigan nya habang nanlalaki ang mata ni Devon.

"Anong initiation?" tanong nito.