Saturday, 25 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 17-18

CHAPTER 17

Naghapunan muna silang magkakasama bago ang alis ng kanyang mga magulang. Tumawag ang Lola Ivanna nya  at ibinalitang lumulubha ang kalagayan ng kanyang Lolo. Lalong nabalisa ang kanyang ina sa nalaman kaya naman kapansin-pansin dito na wala itong ganang kumain. Ang kanyang ama ay naka-alalay lang sa esposa.
“Iha, call us whenever you want. If you need something for your birthday, you can use your card. And your car will be delivered on Sunday.” Wika ng kanyang ama.
“Don’t bother about that Dada, I’ll be okay.”
“Do whatever you want on your birthday but be responsible. You have our trust. And we are trusting that James will take care of you during our absence.” Pahabol pa ng kanyang ama. Ipinagbigay alam na nya sa nobyo ang nangyari at gagawa daw ito ng paraan upang makaluwas kinabukasan.
“Mum, be strong,”nilapitan nya ang ina at niyakap ito. “I know Lolo can make it. He’s a strong person. God will heal him.”she said to her mother. Her heart is crying when she see the pain and agony in her mother’s face.
Sumapit ang oras na pag-alis ng kanyang mga magulang. Katakot-takot na paalala at mga bilin ang iniwan ng mga ito sa kanya bago sumakay sa naghihintay na taxi.
Before she went to bed, prayed for their safe flight and of course, her Lolo’s total recovery.
****
She received a call from her parents the next day informing her that they arrived in New York already. Her mother also told her that Lolo Ignacio will undergo a bypass operation.
“I love you both din po. Please kiss Lola Vanna for me. I miss them too.” Sagot nya sa kanyang ina bago tuluyang nagpaalam.
It’s a boring day for her. At wala ni isang text message mula kay James. Natapos na ang inis nya dahil don at hindi na lang nya pinapansin dahil baka may dahilan ang binata. She went to the music room to play piano pero distracted sya dahil sa kalagayan ng lolo nya.
Wala syang magawang maganda ngayong araw, at dapat ay excited sya dahil bukas Sunday na. Her 18th birthday, she will become a lady. But unlike some girls who goes gaga over some debut parties, she will spend it alone. Dahil kung wala si James, mag-isa lang talaga sya. Itutulog nya na lang bukas or mag jo-joyride sya gamit ang bagong kotse nya.
Nagulat sya ng mag-ring ang telepono. She hesitantly answered the phone and heard Pat’s mother on the other line.
“Hi Devs, would you mind coming over to help me with somethings?” tanong nito.
“Sure Tita, I’m coming.”
“Thank  you my dear. Just go straight to the kitchen. See you.”paalam nito.
Nagpalit sya ng damit at tinungo ang pinto. Mabuti ding tulungan nya ang ina ni Pat para naman may pagkaabalahan sya ngayong araw.
Pumasok sya sa tahanan ng mga ito at nakita nyang naghahanda ang ginang ng mga iluluto para sa family reunion na dadaluhan ng pamilya kinabukasan. Marami-rami ring ang kailangang gawin at mabuti ay tinawagan sya nito.
“Glad you came Iha, you see off ng maid today at sick leave yung isa. So I’ll be very grateful of your help.”
“Don’t mention it Tita. So how can I help you?” sinabi nito ang kanyang gagawin. She started cutting the vegetables and other ingridients. While Patrick’s mother started cooking. Para lang silang nasa cooking show with a Chef and her assistant. Sinabi nya iyon sa ina ni Pat at natawa lamang ang ginang sa kanya. They had their lunch and started cooking again. Maraming putahe ang iluluto ng ginang dahil sa pamilya nito nakatoka ang foods.
Napagod sila pagkatapos ng lahat but worth it naman dahil masasarap ang putaheng nailuto. Gusto ng ginang na bigyan sya ng bawat isang putahe ngunit tumanggi sya. Tanging yung pasta ang hiningi nya dahil gusto nya iyon.
Matapos mahugasan at mailigpit lahat ng kanilang ginamit, ay pasalampak na naupo sila sa sofa.Muli syang tumayo at nagtimpla ng juice para sa kanila.
“Oh my, Iha imagine me doing all those if you didn’t come. Malamang hindi pa ko tapos ngayon! Thank you talaga.”
“You’re welcome Tita. Kayo pa eh malakas kayo sakin.” Nakangiting wika nya dito. “Uhm, nasan po pala si Patrick?” tanong niya dahil kanina pa nya hindi nakikita ang kaibigan.
“Yung magaling na batang yun, may kakatagpuin daw. Hindi pa nya sabihing may ka date sya.” Himutok  nito.
“E ano naman Tita kung may ka date?” tudyo nya dito.
“Well, okay lang naman, sana ipakilala nya samin ng Papa nya.”
Inubos nya ang laman ng baso at tumayo na. “You better rest Tita, alam kong pagod na pagod kayo. And ako din po uuwi na it’s getting late na.”
“Tama Iha, sorry for keeping you this long.”
“Nah, it’s okay. I can stay if I didn’t know you needed a rest.” Hinalikan nya ito sa pisngi at muling nagpaalam dito.
“Bye Tita, rest now. And thank you for this.” Itinaas nya ang box na naglalaman ng pasta. Naglakad na sya pabalik sa katapat na bahay. Nagtaka sya kung bakit sarado ang ilaw sa kanila.Nagmadali syang naglakad upang marating agad ang kanilang tahanan.
“Manang, bakit po walang ilaw?” tanong agad nya pagkabukas pa lang nya ng pinto.
Walang sumasagot kaya naman kinabahan sya. Naalala nya ang nangyari sa kanyang ina dati kaya naman mabilis syang tumalikod at tatakbo na sana palabas ng may humawak sa bewang nya. Napigilan ang kanyang pagsigaw ng may labing dumapi sa kanyang mga labi.
Her scream was muffled by the kiss, she should feel panic pero taliwas doon ang nararamdaman nya. Her very first kiss, in the dark at alam nya kung kaninong mga labi iyon. The stranger kissed her softly before letting her go.
“Cookie, I missed you.” Narinig nyang wika ni James.
“Monster, you’re a.. real monster” paputol putol na sagot ni Devon.
“Ikaw kasi sisigaw ka pa, yan tuloy may first kiss na tayo ng wala sa oras.”biro nito sa kanya.
“Ano ba kasing pakulo mo at may pa sara-sara ka pa ng ilaw?”galit-galitang wika nya. “Magnanakaw ka!”
“Whoa, peace na Cookie.I just want to surprise you.” Tama nasorpresa nga sya, dahil sa halik nito. Simpleng halik lamang iyon ngunit nakatatak sa puso nya. Ang una.
“Bakit nga?”muling tanong nya.
“Dahil dito.” Wika ni James at kasabay niyon ang pagbukas ng ilaw at ang pag-awit ng “Happy Birthday to you.” Naroon si Patrick at ang ina nito, si Manang at ibang kawaksi at si Mang Kosme ang kanilang driver.
Nakita nya sa mesa ang pasta na iniluto nila ng ina ni Patrick kanina at nahinuha nyang para pala sa kanya iyon. Natawa sya ng makitang “Cookie Monster 18th Birthday” ang cake nya at alam na nya kung sino ang pasimuno nun.
“Happy Birthday Devon!” sabay-sabay na wika ng mga ito.
“Thank you, thank you so much. Pero bakit ang aga po? Bukas pa ah.”
“Iha, kasi bukas wala kami at wala din kayo dito ni James.”sagot ng ina ni Patrick.
“Wala po kami ni James? I don’t understand. Nasan na ba yung Monster nay un.” Nilinga nya si James at nakita nya itong nasa veranda at may kausap sa cellphone.
“Just ask him na lang Devs,” ngiting-ngiting wika ni Pat at iniabot sa kanya ang regalo nito.
“Happy birthday Devon, eto mula sa aming lahat.” Wika ni Manang at iniabot ang regalo.
‘Maraming salamat po.” Niyakap nya isa-isa ang mga ito.
“Oh ano na ang nangyayari? Kainan na!” wika ni James ng makabalik ito. Nagsimula na silang kumain. Doon nila sa veranda napiling mag-usap at para lang silang mga ewan na nakatitig lamang sa isa’t-isa.
“I missed you” sabay na wika nila.
“Hay naku, gaya-gaya ka talaga. Teka sino kausap mo?”
“Ikaw ha, nagiging matanong ka na. Ina-under mo na yata ako eh.”pabirong wika ni James.
“Eh di kung ayaw mong sagutin eh di huwag!”
“Eto naman matampuhin. You will know tomorrow, be ready at around 8 a.m.”
“Bakit saan tayo pupunta?” tanong niya dito.
“Sa birthday gift ko sayo. And stop asking questions missy, dahil I won’t be answering anymore. Basta bukas ha.”
“Okay Sir, wala ng tanong. Salamat James for this.”
“I’m just a part of it, pero lahat kami ang nagplan nito. Kinulit naming ni Patrick sila Manang.”
“Just the same, thank you for always making me happy.”
“You’re always welcome Cookie. You know I will do everything to put a smile on your face.” Sagot ni James.
Masaya nilang itinuloy ang kanilang pagkain. Kulitan at kwentuhan sa mga nangyari noong mga panahong malayo sila sa isa’t-isa. Iniwasan ni Devon na magtanong tungkol kay Tricia dahil alam nyang hindi iyon magugustuhan ni James.
Lumalalim na ang gabi kaya naman napagpasyahan na ng mga bisita ng umalis na. Nagliligpit na rin ang mga kawaksi at si James ay nagpapaalam na.
“I’m going now, basta bukas 8 a.m ha.”
“Opo, excited naman ako!”
“Goodnight my Cookie Princess.” Wika ni James at tuluyan na itong nagpaalam sa kanya.
She had a very long tiring but fun day. Kung nasimulan nya ang araw na puno ng boredom natapos naman itong masaya.  Una dahil sa munting salo-salo at pangalawa dahil sa pagdating ni James. Tanging ang boses ng mga magulang na lamang nya ang gusto nyang marinig. Dahil wala pa ulit tawag ang mga ito.
Nakatulog syang puno ng excitement ang dibdib. Saan sila pupunta bukas? Tanging si James lang ang nakakaalam.

 CHAPTER 18

Alas-siyete pa lang ay nakahanda na si Devon. Gustuhin man nyang maghanda ng gamit ngunit hindi naman nya alam kung saan sila pupunta ni James.
Alas-siyete y medya ng dumating ang binata. Pinagtaasan nya ito ng kilay dahil maaga itong dumating.
“Haha, good morning Cookie. Happy birthday!” Bati nito sa kanya.
“Haha ka dyan! Good morning din Monster.” Ganting bati nya dito. “Bakit ang aga mo pala?”
“Makikikain ng almusal”wika nito.
“Ang aga-aga pagkain agad nasa isip mo.”
“Kidding aside, may hinihintay kasi akong tawag mas mabuting makausap mo din.”And as if on cue, nag ring ang cellphone ng binata.
“Hello” sagot ni James. “Opo, opo,” narinig nyang wika ni James na may kasama pang tango.
Nagtataka sya kung sino ang kausap nito.
“Pangako po.” Muling wika ni James.
Iniabot ng binata ang cellphone sa kanya. Naguguluhang tinanggap niya ang cellphone.
“Hello”.alanganing bati nya.
Narinig nya mula sa kabilang linya ang pag-awit ng mga tao ng “Happy  birthday to you”. Naluha sya ng makilala ang boses ng kanyang ama’t-ina. Nang matapos ang awitin ay isang malakas na “Happy Birthday ang narinig nya.
“Happy Birthday princess from all of us here. From your Lolo and Lola, and the staff and nurses, they’re all wishing you a happy birthday.” Wika ng kanyang ina. Bakas sa tinig nito ang kasiyahan.
“Thank you Mum, I missed you already.” She answered sobbing.
“Oh my baby, please don’t cry. It’s hard for us too, but I have a good news for you.”
James wiped her tears, “What is it Mum?”
“Your Lolo Ignacio is getting better, his operation is successful!”
“Thank Heavens!”
“Yes dear, kaya enjoy your day with James.” Wika naman ng kanyang ama.
“I have no idea where is he taking me Dada,” reklamo nya sa kanyang ama.
Narinig nyang tumawa ito bago nagwika. “Just trust the man to surprise you,” wika nito. Huminto ang kanyang ama at narinig nya ang buntong-hininga nito bago muling nagsalita. “Just remember that we trust both of you, huwag nyong sisirain yun.”
Naguluhan man sya sa sinabi nito ngunit sumagot na lang sya “Yes Dad,”
Nakausap nya rin ang kanyang Lola Vanna na tuwang-tuwang makausap sya. She missed her gorgeous grandmother. Naniniwala syang ang gandang tinatamasa nilang mag-ina ay nagmula kay Donya Ivanna dela Vega-Castillanes.  Iniabot nya kay James ang cellphone dahil kakausapin daw muli ito ng kanyang ama. Nakita nyang seryoso ang nobyo kaya naman medyo lumayo siya. Nang matapos ang pag-uusap ng mga ito ay masayang nilapitan siya ng binata.
“Ready?”
“Yup, pero teka nga lang ha. Saan ba tayo pupunta?”
“Basta,” sagot nito sa kanya at binalingan ang kawaksi na papalabas ng bahay. Dala nito ang kanyang  overnight bag, “salamat ate.” Wika dito ni James.
“Tara na at mahaba pa ang byahe natin.”
 Nagtataka man ay tinanggap nya ang nakalahad na kamay ni James. Mahaba daw ang byahe, may overnight bag sya at higit sa lahat naka-shorts lang ang binata. May pagka-weirdo si James minsan.
Mula sa village ay sumakay sila ng taxi papunta sa isang bus station. Nagkakahinala na sya kung saan sila pupunta ngunit hahayaan nyang si James mismo ang magsabi sa kanya. “Nasugbu, Batangas” iyon ang karatula sa terminal ng bus. Sa mahigit isang taong pamamalagi nya sa Pilipinas ay ngayon lamang sya sasakay ng bus. Ipinararanas ni James ang mga bagay na hindi pa nya nagagawa.
Sumakay sila ng bus at nawili syang pagmasdan ang mga tao sa loob. Nakatingin din ang mga ito sa kanila kaya sinuklian nya ang mga ito ng ngiti. Siniko sya ni James dahil halos lahat ng kalalakihan sa loob ng bus ay nakatuon ang paningin sa kanya. Inakbayan siya nito at iginiya paupo.
“Ano ka ba, hindi ka basta-basta nakikipagngitian at titigan sa loob ng bus.” Sita nito sa kanya. Nahimigan nya ang inis sa boses nito ngunit alam nyang tama ito, ibang lugar nga pala iyon.
Habang nasa byahe ay tahimik syang nakamasid sa kanilang mga dinaraanan. Kahit mainit at maalinsangan ang panahon ay ayos lang sa kanya. Hindi aircon bus ang sinakyan nila dahil ayon kay James, tanghali pa ang luwas ng mga iyon.
“Wow, ang daming tao!” hindi nya napigilang mapabulalas ng mapadaan na sila matataong lugar.
“Shhh, Cookie naman huwag mo namang ipahalata na ignorante ka.” Natatawang bulong ni James sa kanya.
Kinurot nya ito sa tagiliran ngunit mabilis nitong nahuli ang kamay nya. “Tignan mo yun” may itinuro ito sa kanya ngunit paglingon nya wala naman syang nakitang kaaya-aya maliban sa mga bus sa highway.
“Wala namang-”sisitahin nya sana ito ng makita nya ang isang pulang rosas na hawak nito.
“Eto yung tinuturo ko sayo, ang tagal mong tignan kaya kinuha ko na. Para sayo C!” iniabot nito sa kanya ang bulaklak.
“Thank you M.” yun lamang ang nawika nya dahil narinig nila ang pinipigil na tawa ng mga kasama sa bus. Pasimple nyang nilingon ang mga ito at nakita nyang sa kanila nga nakatingin ang mga ito. May pagkaaliw na mababakas sa bawat mata.
“It’s better for you to sleep muna dahil puro bus pa lang ang makikita mo, gigisingin kita pag may maganda ng tanawin.” Wika nito sa kanya at inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito.
Hindi na kailangan magdalawang-salita ni James dahil mabilis siyang nakaidlip. Mainit ang katawan ng binata dagdag pang nakayakap ito sa kanya kaya naman napasarap ang tulog nya. Hindi alam ni Devon kung gaano katagal syang nakatulog , namalayan na lang nya ang banayad na yugyog ni James sa kanyang balikat.
Disoriented na nagmulat sya ng mga mata. Ang gwapong mukha ng binata ang bumungad sa kanya, nakangiti ito at muling itinuro ang bintana. Sinundan nya ng tingin ang gawi na iyon at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, napakaganda ng tanawin. Sa gitna ng haring araw, ang dagat na nadaraanan ay kumikislap sa sinag nito. She put on her sunglasses at muling tinanaw ang paligid.
“Lovely!” wika nya.
Ang mga puno ng niyog ay nagpapataasan, ang mga cottages, nagpapagandahan. Alam nyang nasa Batangas na sila, ngunit hindi niya alam kung saan sila doon.
“Malapit na tayong bumaba,dahil tayong dalawa na lang ang nandito.” Natatawang wika ni James sa kanya.
Tama ito, silang dalawa nalang ang pasahero.
“Manong doon na p o kami sa susunod na cottage.” Wika ni James sa kundoktor.
Huminto ang bus at inalalayan sya nitong bumaba. Outing ang regalo ng binata sa kanya.
Magkahawak-kamay na tinungo nila ang cottage. Isa iyong two-bedroom cottage, natanawan nyang malayo sila sa mga ibang cottages.
“This is my gift to you. Inipon ko ang ginastos ko dito para maging espesyal ang iyong 18th birthday at ang unang taon nating magkakilala.” Wika ni James sa kanya.
Oo nga pala, one year na silang magkakila at ilang araw mula ngayon ay isang taon na din ang kanilang relasyon.
“Thank you so much James, I love you.” Sa tuwa ay nayakap niya ng mahigpit ang nobyo.Ginantihan naman nito ng mas mahigpit na yakap at ramdam nyang nagkakatensyon sa paligid nila.
Kumalas sya sa yakap nito at sinabing nagugutom na sya.
“Magluto tayo, puno ang ref kaya bahala tayo kung ano ang kakainin natin.”
At magkasama nilang inihanda ang kanilang tanghalian.  Harutan at batuhan ang nangyari bago nila natapos lutuin ang pritong itlog at ginisang gulay. 

CRAWL BACK TO LOVE CH. 15-16


CHAPTER 15
Mabilis lumipas ang panahon, at maayos ang takbo ng relasyon nila James at Devon. Kahit minsan ay nagkakatampuhan sila naayos din nila agad iyon. May pagkakataon na nagiging seloso si James lalo na kapag nagpupunta si Bret sa kanila. Bret knew already that they are “On”. She felt bad for him, but she hoped that he will move on. Everyweek ay nagkikita silang magpinsan, minsan may sleepover ito sa kanila at vice versa. And once a month ay may family bonding sila sa isang lugar na pinagusapan. She is enjoying her stay in the Philippines so much that she has no regrets ng sumama syang mag settle sa bansa.
She found good friends sa katauhan nila Joe, Patrick, Ivan, at Fretzie. Busy na din ang mga kaibigan nila sa kani-kanilang pag-aaral at going strong pa rin ang relasyon ni Ivan at Fretzie. Si Ryan ay matagal ng bumalik sa Korea at si Tricia naman ay galit pa din sa kanya ng dahil kay James. And as usual, ang Ate Ann ni James ay ganon pa din ang pakikitungo sa kanya. She tried her best to win her heart, but she failed desperately. She cannot change the way Ann treats her. Yun lamang ang ikinalulungkot nya dahil ang lahat ay perfect na.
Isa pang good news ay ang pagkakapili sa kanila ni James upang maging part ng isang show sa TV. Mayroon palang talent scout sa mga audience noong nakaraang play nila at nagustuhan nito ang kanilang boses at arte. Ipinakita daw nito ang clips ng play nila sa management at nagustuhan daw sila. Isa iyong youth-oriented show na singing and dancing ang forte. They auditioned already at hinihintay nila kung makukuha sila o hindi. On going pa lang ang project at marami pa daw inaayos ang management. Pero ang mapabilang at mapili ay isa ng karangalan para sa kanila ni James. What more kung makakasali pa sila doon.
****
Kasalukuyan syang nagba-bake ng cookies ng ipagbigay alam ni Manang nandoon si James.
“Wow, ang bango naman nyan Cookie. Ano yan”tanong ni James.
Hindi na sya nagulat dahil madalas naman itong nagpupunta sa kanila. Ginawaran sya nito ng halik sa pisngi tulad ng nakagawian nito. Sino bang maniniwala na sa loob ng ilang buwang relasyon nila ay tanging halik sa pisngi pa lang ang ibinibigay nito sa kanya.
“Tulad ng sinabi mo Monster, I’m making cookies.” Sagot niya. “Here, have some. May mga luto na.” iniabot nya kay James ang tray ng mga chocolate cookies. Favorite ng binata ang mga iyon.
“Ikaw talaga love mo ko, alam mo namang ayaw na ayaw ko nito eh.” Biro nito sa kanya.
“Bakit ka nga pala biglang napasugod?”tanong niya sa nobyo.
Tinapos muna ni James ang pagkain sa cookies bago sumagot. “Magpapaalam.” tipid na sagot nito.
“Magpapaalam? Bakit? What do you mean?” she curiously asked.
“Ipinasok ako ni Ate  ng summer job sa isang tindahan. Ang masaklap malayo, kaya kailangan kong mag stay-in.”
Hindi agad nakasagot si Devon. Pinagmasdan nya lamang ang binata. Nasaksihan nya ang pagbabago sa pisikal na anyo nito. Now that he is 18, mas lalong naging gwapo at matikas ito. At minsan may takot sya na baka makakita o maagaw ito ng iba. Simple lang ang naging selebrasyon nila ng kaarawan ng binata. Ipinagbake nya ito ng CM cake na ikinatuwa nito.
“Kelan naman yun mag-uumpisa?”
“Bukas aalis na ko, more than a month lang naman, I’ll be back in time of your debut.” Sagot ni James.
“I won’t be having a party, all I want is to spend that day with you.”seryosong wika ni Devon.
“I promise I will make that day special, and sana pumayag ang parents mo.”pabulong na wika ni James.
“Are you saying something?” tanong ni Devon
“Wala po, sabi ko may time pa kong mag-ipon para sa birthday mo.”ginulo nito ang kanyang buhok.
“Hey, ano ba buhok ko na naman ang nakita mo.”kunwa’y galit na wika ni Devon.
“E I love to smell your hair and to make it gulo.” Maarteng wika ni James na ikinahagalpak ng tawa ni Devon.
Napuno ng kanilang mga halakhak ang kusina, tinutulungan sya nitong iligpit ang mga ginamit nya. Her parents are in a business meeting and she will be meeting them for dinner.
HInawakan ni James ang kamay nya at tumingin ng matiim sa kanya.
“Seriously, I will definitely miss you. Pero wala na kong magagawa ipinasok ako ni Ate ng hindi ko alam.” Exasperated na wika ng binata.
“No, its ok. Hindi kita pipigilan dahil ayaw kong madagdagan ang galit ni Ate Ann sa kin.” Nakangiting sagot nya sa binata. “I will miss you din siyempre, my day ain’t complete without seeing my Monster.”
“Sus, Cookie naman eh. Basta yung mga suitors mo huwag mo ng papansinin habang wala ako.”
“Syempre naman noh. Wait, I need to freshen up. Nakakahiya naman sayo at mukha na kong gusgusin.” Akmang lalayo na si Devon kay James ng hatakin sya pabalik ng binata.
“Girl you’re amazing, Just the way you are.”Kanta ni James sa kanya.


“May cellphone naman tayo kaya makakapag-communicate pa din sa isa’t isa. Ingat ka dun ha.”
“Tama, para hindi tayo malungkot masyado. Sure, mag-iingat ako for you. I love you.”
“Same to you.” Biro ni Devon.
Nagpaalam na ang binata sa kanya dahil kailangan pa nitong ayusin ang mga gamit nito. She will be sad but she have to bear a month without him.

CHAPTER 16
Two weeks na simula ng umalis si James at hindi ito nakakalimot magpadala ng sms o tumawag sa kanya. She missed Monster already pero matagal-tagal pa bago nya ito ulit makita. Dahil school break, sila Fretzie at |Tricia ay nasa Davao to spend their vacation. Ganon din ang iba pa nilang kaibigan. Tanging si Patrick lang ang lagi nyang kasama ngayon dahil hindi umalis ang pamilya nito. She and Pat enrolled in a Taekwando class sa loob ng village. Ipinaalam nya iyon kay James at natuwa naman ito dahil may pagkakaka-abalahan siya habang bakasyon.
Kagagaling lang nila ni Pat sa taekwando class ng tumunog ang cellphone nya. It’s James.
“Hello Monster, how are you?” bungad nya dito.
“Akin na nga yan! Ano ba,” napakunot-noo sya ng marinig ang boses ni James sa background.
“Hi Devon, andito kami ni Ate Ann sa work ni James.”narinig nyang wika ng isang babae.
“May I know who’s this?”mataray na tanong nya. Kinain agad sya ng selos, bakit may kasamang babae si James!
“Si Tricia to ano ka ba, didn’t you know that sa Davao ang summer job ni James? Dito sa plantation namin.”pagmamalaki ni Tricia. “And you know what-”naputol ang sasabihin nito ng pumalit ang boses ni James.
“Hey Cookie, don’t listen to that brat! Let me explain bago ka magreact dyan.” Pauna ni James sa kanya.
She inhaled and exhaled, Patrick asked her if she is ok. She just nodded.
“Ok, explain. Now!”
“Hindi ko akalaing sa Davao ang summer job na to, nagalit ako kay ate akala mo ba. Ang layo-layo nito sa Manila.” Huminto si James “Devon, are you still there?” tanong nito.
“Go on.”
“At ang lalong ikinagalit ko, sa plantation nila Tricia nya ko ipinasok! Nagulat ako ng makita ko sila ni Fretzie kanina. You can ask Fretz if you like dahil hindi din nya alam. Cookie?” malumanay na tawag nya kay Devon.
“Okey, I believe you. Just let me talk to Fretzie.Bye.” she hang up on him and dialed Fretzie’s number. At kinumpirma ng kanyang kaibigan ang sinabi ng binata. Ann and Tricia can be so mean sometimes.
Talagang gagawin ng ate ni James na mapalapit si Tricia sa kapatid nito. Yun naman ang hindi nya papayagan. Dahil malaki ang tiwala nya kay James, at alam nyang kaibigan lang ang tingin nito kay Tricia.
****
“Okay ka lang ba talaga Devs?” muling tanong ni Pat sa kanya.
“Yes, I’m ok now. I just can’t believe that Ate Ann can do such thing.” Sinabi nya dito ang dahilan ng pagkainis nya kanina.
“Whoa, that is totally out of.., I don’t  know. Kakaiba talaga ang ate ni James.
“Well, what can I do. Basta ang mahalaga James is faithful to me, alam ko yun.”
“Tama, kaya smile ka na dyan. Sparing na lang tayo mamaya.”
“Game ako dyan, kaso baka mabugbog ka na naman.”natatawang wika nya dahil ng huling mag sparring sila ay napuruhan nya ata ito. Grabe nga daw bigat ng kamao nya.
“Your birthday is coming again, so what’s your plan?”
“Wala, since you won’t be here during that day dahil alam kong may family reunion kayong dadaluhan at wala din ang ibang friends, so walang plano.”
“Oo nga noh, wala kaming lahat sa 18th birthday mo pero alam kong okay lang dahil mas importante sa yo na kasama si James.”tudyo nito sa kanya.
“Yun ang hindi ko na sigurado ngayon. Baka pigilan sya ng ate nyang lumuwas ng Manila.”malungkot na wika ni Devon.
“Don’t be sad, I know James will find a way to be here on your special day.”
“Thanks Pat, you’re really a darling friend. At dahil dyan, I’m inviting you for a snack.”
“Wow, yan ang gusto ko. Free snacks. Jeez, I miss those guys.”
“I second the motion, ang tahimik without them noh.” Sagot nya. Sabay nilang tinahak ang daan patungo sa bahay nila Devon. Naghanda sya ng meryenda napagpasyahan nilang doon sila sa labas kakain. After they ate their snacks, they continue with their sparring. Dumating ang ama ng dalaga at nakisala ito sa kanila. Tatawa-tawang nanood lamang si Pat habang nagpapa-“gulpi” si Tito JP kay Devon. Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na si Patrick at umuwi na ito. Masaya namang natapos ang araw ni Devon at pansamantalang nalimutan ang pag-uusap nila ni James kanina.
****
Tanghaling nagising si Devon dahil napuyat sya sa kakaisip ng paraan kung paanong mapapaamo ang Ate Ann ni James. Ilang gabi na rin nyang pinag-iisipan at pinagpaplanuhan ang gagawin. Girls can be best friends when it comes to fashion, clothes, shoes and accessories pero malamang tanggihan lamang sya ni Ann kapag inaya nya itong mag-shopping.
Ang good news ay one of these days ay babalik na si James. Ilang araw na lang din naman at birthday na nya. She’ll be 18, of legal age and will be driving her own car by then.
She lazily got up, took a quick shower and went out of her room. She passed by her parents’ room and heard her mother crying. Nabahala sya dahil hindi basta umiiyak ang kanyang ina. She knocked and even without answer, she entered the room.
“Mum, Dad, what’s the matter? Why are you crying Mum?” nilapitan nya ang ina na yakap ni JP.
Hindi umimik ang kanyang mga magulang, nanatili lamang sa pagluha ang kanyang ina.
“Dad, what’s happening? Please answer me, I don’t want to see Mum crying like that.” Paki-usap nya sa ama.
JP let out a sigh and said “Iha, your Lolo Ignacio is in the ICU right now.  He had a heart attack..”
Hindi sya agad nakapagsalita ng malaman ang dahilan ng pagluha ng kanyang ina. Ang kanyang Lolo Ignacio, ang ama ng Mummy nya ay nasa ospital ngayon.
“So we will pack our luggages and fly to New York to be with Papa.” Inporma ng kanyang ama.
“I will pack my things too.”
“No Iha, kami lang ng Dada mo. We have no time to fix your documents and I really need to see my father now.” Wika ng kanyang ina. Nilapitan siya nito at niyakap.
“We are sorry that we won’t be here for your debut princess. This happened unexpectedly.”dagdag pa ng kanyang ina.
“No Mum, its okay. I know and I understand what you’re feeling right now. I’ll help you pack your things.” Naiintindihan nya ang kanyang ina. Kahit sya ang nasa kalagayan nito ay agad din syang lilipad para makapiling ang magulang.
Lumipas ang kanilang oras sa paghahanda ng dadalhin ng kanyang mga magulang, her father is busy talking with someone. Their documents are fixed, at sinabi ng kanyang ina na kapag hindi bumuti ang kanyang lolo ay pasusunurin sya doon.


CRAWL BACK TO LOVE CH. 13-14

CHAPTER 13

“What was that? What are you doing outside in the middle of the night with him?”sunod-sunod na tanong ni Bret sa kanya.
“We’re talking and why are you sooooooo angry?” naiinis na sagot nya dito. She doesn’t like the way he asked her as if he’s her boyfriend.
“Tita called me to check on you and seems you’re doing fine. What’s that?” tanong nito ng makita ang Cookie Monster stuffed toy na bigay ni James.
“A stuffed toy, duh?” sagot nya dito.
“I know it’s a freaking baby toy, I mean where the hell it came from?”
“You know what, this is a gift from a special person so if you will just piss me off, just go.”inis na sagot nya at tinalikuran ito.
 She is totally pissed off with his attitude. She knew he’s jealous upon seeing her with James. But what can she do, Bret is just a brother to her. It cannot be changed, and she hope in the near future he will accept that. Because James is the only one for her.
Narinig nya ang pag-andar ng sasakyan nito, senyales na umalis na din ito. Wala syang pakialam kung magsumbong ito sa mga magulang nya dahil sigurado syang bukas ay pupunta si James sa bahay nila.
“Manang meet Cookie Monster.” Iniharap nya sa matanda ang regalo mula kay James at ipinakilala ito.
“Wow, ano nga ba yan?” tatawa-tawang sagot nito.
“Regalo galing kay Monster. Kakain na po ako.”
Ipinaghanda sya nito ng hapunan. She ate the most delicious dinner in her life kahit wala ang kanyang mga magulang.

*****
“Saan ka na naman galing?” bungad ni ng Ate Ann pagkadating nya.
“Kay Cookie, este kay Devon. Ibinigay ko lang yung regalo ko.”
“Ano ba James, ilang beses na kitang kinausap. Bakit hindi ka nakikinig sakin?” himutok ng ate nya.
Oo, ilang beses na sya nitong kinausap simula ng sabihin nya na gusto nya si Devon. Kesyo wala daw mabuting idudulot ang babae sa kanya dahil sa antas ng pamumuhay nila. Masyado daw mataas ang pangarap nya at kahit kailan ay hindi tutugunin ng dalaga ang pagmamahal nya. Nagkamali ang ate nya, dahil nadama nya na mahal din sya ni Devon. Tanging pormalidad na lamang at ang pakikipag-usap nya sa mga magulang nito ang kulang para masabing opisyal na sila.
“Dahil alam kong may pag-asa ate. Sorry ate pero, Kami na ni Devon. Girlfriend ko na sya.” Pagmamalaki nya sa kapatid.
“Ano? Hindi pwede James, bata ka pa para magka-girlfriend. Ang pag-aaral mo ang atupagin mo. Hindi tayo mayaman kaya walang puwang sa pag-aaral mo ang distraksyon!” galit na wika ng kapatid nya.
“Hindi magiging distraksyon si Devon ate, inspirasyon pa nga eh.Patawarin mo ko pero susuwayin kita ngayon. Pagbigyan mo nako.”
“Pagbigyan? Alam mo ba ang sinasabi mo ha? Nagpapakahirap ako para matustusan ang pangangailangan mo tapos ito lang ang igaganti mo?”
“Ate naman, bakit ba galit na galit ka?”naiiritang tanong nya dito. Oo, naiintindihan nya ang sentimyento nito. Ang hindi nya maintindihan ay kung bakit galit na galit ito ngayon sa kanya.
“Sinong hindi magagalit sa ginawa mo? Alam mong ayaw na ayaw ko sa babaeng yun at yun pa ang napili mong maging girlfriend! Bakit hindi na lamang sya.” Turo nito sa likuran nya.
Nilingon nya itinuro ng kanyang ate at nakita nya si Tricia na umiiyak.
“What James? Is it true? Kayo na ni Devon?”
Napabuntong-hininga sya dahil sa inis. Eto ang dalawang babaeng kinaiinisan nya ngayong gabi, magkasama. Alam na alam nya na inirereto sya ng Ate Ann nya kay Tricia. At ilang beses na din nyang ipinaliwanag sa ate nya na walang puwang sa puso nya ang batang si Tricia.
“Ewan ko sa inyong dalawa.” Tinalikuran nya ang dalawa at mabilis na lumabas ng bahay.
“Hoy James bumalik ka nga dito,” narinig nyang tawag ng kanyang ate. Magpapalipas muna sya, ayaw nyang matabunan ng inis ang kaligayahang kanina’y nadarama nya. He will think of happy thoughts, sweet memories na nangyari kanina habang kausap nya si Devon.

****
Maagang nagising si Devon kinabukasan upang ipaghanda ng almusal ang mga magulang nya. She knows how to cook, her Mum see to it that she will learn.  Afternoon shift ang klase nya kaya may time pa sya. Natulog syang may ngiti sa labi at kayakap si CM.
She cooked ham and cheese omelette, special fried rice and sausage rolls. Napakaganda ng gising nya kaya inspired syang magluto.
“Hmmm, looks like an angel’s cooking our breakfast.” Narinig nyang wika ng kanyang ama.
“Good morning Dada, I miss you.”  Niyakap nya ang ama at ginawaran ng halik sa pisngi. “Where’s Mum?”
“She’s doing some morning stuff and gonna be here for a short while.What’s for breakfast sweety?”
“Here, your Majesty.” Biro nya sa ama at inilahad ang kamay sa mga pagkaing niluto nya. Nakita nya ang kagalakan sa mukha nito gayun din sa kanyang ina ng lumapit ito sa kanila.
“To what or whom do we owe this special breakfast?” tanong ng kanyang ina.
Niyakap at ginawaran nya rin ito ng halik bago sumagot. “Nah, Mum Dad I just missed you last night kaya here. Enjoy your breakfast your Majesties.”
Iginiya nya ang mga magulang sa hapag-kainan at sya na rin ang nagsilbi sa mga ito. Masaya silang nagsalo sa agahan at puro papuri ang natanggap nya mula sa mga magulang.
Sumapit ang oras ng kanyang pagpasok sa unibersidad, nagpaalam sya sa mga magulang at sumakay na sa kotse upang ihatid ng kanilang driver. Nakaguhit lamang ang ngiti sa kanyang labi dahil makikita nya si M sa unibersidad.

CHAPTER 14
Exempted sa klase ang mga kasali sa play. Ang play na pinag-auditionan nila James at Devon na parehas silang natanggap at lead role pa. Ang “Romeo and Juliet, La Musicale”. Silang dalawa ang main cast habang ang iba kabilang na ang dalagang si Jasmine Castillanes ay mga supporting roles. Isang buwan na lang ang kanilang preparation bago ang naturang pagtatanghal kaya naman puspusan ang kanilang ensayo at voicing lessons. Mabuti na lamang at si James ang kanyang kapareha kaya naman komportable sya sa pagganap.
“Nakakadala ang istorya nila Romeo and Juliet, buti nalang at pamilyar na tayo dun” wika niya kay James.
“Yup, at buti nalang ikaw si Juliet. Pero sa totoong buhay hindi mangyayari satin ang istorya nilang dalawa, Cookie.”
“Sira ka talaga.” Sagot niya dito. May sasabihin pa sana sya ng marinig nya ang –
“Excuse me” wika ni Jasmine Castillanes. Nakaharang nga naman sila sa daraanan nito kaya binigyan nila ito ng puwang. Maraming beses na nyang gusto itong makausap at maging kaibigan kaya lang ay na-iintimidate talaga sya dito. Di bale mahaba pa naman ang taon  nila sa unibersidad kaya may pagkakataon pa sya.
****
Araw ng pagtatanghal,sa loob ng pinakamalaking auditorium ng unibersidad kasalukuyang itinatanghal ang “Romeo and Juliet, La Musicale”. Jam-packed ang buong paligid. Kabilang sa mga manood ang mga Deans, Board of Directors ng University. Ang mga magulang ng mga gumaganap, ang mga press people at lingid sa kaalaman ng iba, may mga talent scouts din sa mga manonood.
“I’m so proud of our baby JP.” Bulong ni Mrs. Palacios sa asawa.
“She is more like you, she got that talent from you.” Kinintilan nya ng halik sa sentido si Devvine. Totoo ang sinabi nya, sa kanyang esposa nakuha ni Devon lahat ng talentong ipinapakita nito ngayon.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid ng mapadako sa huling parte ang play. Ang parteng kung saan ay mamamatay na ang mga bida. Sobs can be heard all over the place. Damang-dama ang emosyon sa mga nagsisiganap. Devvine heard someone said, “Those kids are really amazing.” At napuno ng pagmamalaki ang kanyang puso dahil ang anak nya ay nandun sa taas ng entablado, nagtatanghal.
Masigabong palakpakan ang namayani sa loob ng auditorium ng matapos ang play. Ipinakikilala na ang mga nagsipagganap. Napako ang tingin nya sa dalagang nagngangalang “Jasmine Castillanes”, napatingin sya sa kanyang asawa at alam nyang pareho sila ng iniisip. Hindi nya masyadong  napansin ang dalaga kanina dahil tutok ang atensyon nya kay James at Devon.
Si James, naisip nyang bigla. Naalala nya ang araw na kinausap silang mag-asawa ng binata. Bilib sya sa tapang nito na harapin ang kanyang asawa. Hindi lingid dito ang uri ng trabaho ni JP Palacios dati.  Kinausap sila nito tungkol sa kanilang anak na si Devon. Ramdam nya ang espesyal na pagtingin ng dalawa sa isa’t-isa nung simula pa lang at lalong tumibay iyon noong kaarawan ni Devon.
Niligawan nito ang kanilang anak sa kanilang tahanan at ipinakita ang respeto nito sa kanila kahit medyo tutol ang kanyang asawa. Ngunit sa huli ay napapayag na din ito kapalit ng pangako ng dalawa lalo na ng kanilang anak na tatapusin muna ang pag-aaral bago ang ano pa man. Obidiently, the kids promised. And she is happy to see her daughter perform really well with her boyfriend.
Nang tawagin na ang pangalan nila James at Devon ay hindi nya napigilang mapaluha. Nilapitan nilang mag-asawa ang dalawa, they extended their congratulations to the whole cast.
“Oh my God Iha, we are so proud of you. And to you too James. Congratulations.” Wika niya.
“Congratulations, Princess.” Iniabot ni JP ang bouquet sa anak “Congrats, pare”biro naman nit okay James.
“Thank you po.” Sabay na wika ng dalawa.
Pasimpleng nilibot ni Devvine ang paningin sa paligid hanggang makita ang kanina pang hinahanap ng mga mata nya.
“Wait, I think I know her.” Wika nya sa kanyang anak.
“Si Jasmine Mum?” tango na lamang ang isinagot nito at mabilis na nilapitan ang dalaga kasama ang mga magulang nito na nakatalikod sa kanya. Malakas ang kutob nyang sila nga iyon.
“Ivander cousin, Marisa is that you?” siguradong tanong niya. Napalingon ang mga ito sa kanya at kitang-kita nya ang pagkagulat ng mga ito. Narinig nya ang boses ng kanyang asawa at nalaman nyang nakalapit na din ang mga ito sa kanila.
“Yosoy! Castillanes!” wika ni JP.
“OWEMGI! I can’t believe it.” Wika naman ni Maris na nakatitig pa din sa kanila.
“Sabi ko na nga ba!” magkasabay na wika ni Maris at Devvine.
Tahimik lamang na nakamasid ang mga bata sa kanila at kung hindi pa sila nagpapansin ay hindi sila maaalala ng mga ito.
“Oh my princess sorry bout that. We are just happy to see your Tito Ivander and Tita Maris. What a twist of fate.”
 “Tito and Tita Mum? That means Jasmine is my cousin.” Nakangiting wika ni Devon habang nakatingin kay Jasmine.
“Yes Iha and it’s not Jasmine. It’s Ate Jasmine.” Sagot ni Maris
“Mama, di mo naman kailangan ipangalandakang ate diba?” nakangusong sagot nito sa ina.
“Well, it’s the truth  iha. Hello there Devon, I’m your Tito Ivander, or simply Uncle Ivan,  your Mum’s cousin.” Pakilala ni Ivan sa dalaga.
Masayang usapan ang sumunod, ipinakilala nila si James at nakisali na din ang binata sa tawanan.
Pasimpleng lumayo ang mga bata sa kanila dahil ang topic ng usapan nila ay ang mga nakaraan. They remembered a departed friend, and they knew he is happy wherever he is right now. Many years had passed since that happened, but his death is still remembered.
****
“I can’t believe this, kaya pala magaan ang loob ko sayo. You’re my ate cousin!” excited na wika ni Devon.
“Hoy Cookie baka naman matakot sayo si Jasmine nyan.” Biro ni James sa dalaga.
“Monster ka talaga, bakit naman matatakot e I’m so happy nga to know that we are relatives.”
“Ok lang. Nahihiya lang akong kausapin si Devon, actually matagal ko ng alam na pinsan ko sya.”
“What ate naman, bakit di mo sinabi. Didn’t you know that I’ve tried talking to you, kaso naiintimidate kasi ako sayo.” Pag-amin ni Devon.
“Whoa, si Princess Devon Castillanes-Palacios naintimidate? Nagpapatawa ka C!”pang-aasar ni James kay Devon.
“Hep hep, stop your lambingan na at baka hindi ko na kayanin yang ka “Cookie Monsteran” nyo.” Awat ni Jasmine sa kanila.
Muli silang tinawag para sa picture taking at konting conversation sa mga director at producer ng play. Sabay-sabay nilang nilisan ang lugar at nagtungo sa isang restaurant upang i-celebrate ang tagumpay ng kanilang play. She just feel sad for James dahil hindi dinaluhan ng ate nya ang pagtatanghal nila.  

CRAWL BACK TO LOVE CH. 11-12

CHAPTER 11

Natapos ang kaarawan ni Devon ng matiwasay. Masayang-masaya ang dalaga dahil naganap ang lahat ayon sa plano nilang magkakaibigan. She thanked her friends again by sending a thank you  SMS. At masaya din sya dahil dumating si Bret sa special day nya. Napahinto sya sa pagtipa ng piano ng maalala ang ilang mga kaganapan nang araw na iyon. Three days na ang nakakalipas simula ng kaarawan nya ngunit hindi pa din nya nakikita si James. Maging ng nagpadala sya ng mensahe ay hindi sumagot ang binata. Bret asked her if James is her boyfriend or if he’s courting her. She hesitantly answered, because she doesn’t know what to say. Lunod pa ang puso nya sa mga salitang binigkas ng binata.

Bigla syang napatayo ng maalalang hindi pa nga pala nya nabubuksan ang regalo nito sa kanya. She opened her drawer and saw the little thing there. Tinanggal nya ang kulay rosas na ribbon at balot nito at tuluyan nyang napagmasdan ang kulay asul na notebook.

“To you Devon” basa nya sa nakasulat sa harapan ng notebook. “Ano kaya to?” Binuklat nya ang notebook at napakunot ang noo sa unang pahina nito.

Sulat kamay ni James ang naroon, binabati sya ng maligayang kaarawan. Sumunod nyang tinignan ang sumunod na pahina ngunit walang nakasulat doon. Binuklat nya ang iba pang pahinga at may nakita na naman syang sulat. Napakunot-noo sya sa nakitang sulat. Dahil sa loob ng maliit na notebook na iyon isinulat ni James ang nararamdaman nya para sa dalaga a pamamagitin ng isang awitin na nilikha ng binata para lamang sa kanya.

“Devon,

“This is my simple gift for you. The Melody in my Heart.-James”

Melody in my heart


I am waiting for the sun to rise again
Cause I'm anticipating to see your face
Did you know how my heart beats
When you are with me
Ohh Baby I can hardly breathe


Refrain:
Then you glance my way
My heart skip a beat
Then you look at me
My heart melts with it
Then you flash me those smile
Ohh girl even bugs would die

Chorus:
If my song can make you smile
Then I'll sing at the top of my lungs
If my song can make you happy
Then I'll sing it to you
Whenever wherever
I'll sing it to you
Whenever wherever
Cause my girl I'm secretly
In love with you

Secretly, I look your way
While you're busy telling me your day
I know I'm just a friend
But I'm willing to be the king of your heart
The king of your heart

Chorus:
If my song can make you smile
Then I'll sing at the top of my lungs
If my song can make you happy
Then I'll sing it to you
Whenever wherever
I'll sing it to you
Whenever wherever
Cause my girl I'm secretly
In love with you

Bridge;
So I pick up my guitar,
Play the melody of my heart
Sing the song I made for you
Hope that it will reach you
Hear it wholeheartedly
Cause it's the only way
I say I love you, I love you
It's the only way I say
I love you


She couldn’t stop herself from crying. Nadala sya sa napakagandang lyrics ng kanta. Damang-dama ng puso nya ang sinseridad ng binata. Mahal nya din ito ngunit paano sila magkakaliwanagan kung ayaw nitong magpakita sa kanya. Paulit-ulit nyang binasa ang awit, sinubukang tipahin sa gitara at ikinakabisa ang bawat letrang nakasulat doon hanggang sa makatulugan nya ang ginagawa.

****

Nagulat sya ng mag-ring ang cellphone nya, ang kanyang ina ang tumatawag.  Kasalukuyang nasa party ito at ang kanyang ama. Naiwan syang mag-isa sa bahay kasama ang mga kawaksi. Napatingin sya sa orasan at nakita nyang alas-siyete pasado pa lamang ng gabi.

“Yes Mommy?” bungad niya sa ina.

“How are you Iha? Ok lang ba ang baby ko?” tanong nito sa kanya

“Yes Mum, I’m fine. How’s the party, bet you’re having fun.”

“Iyon nga ang dahilan iha, baka umagahin kami ng Dada mo dito. Can you manage on your own?”nag-aalalang tanong ng kanyang ina. 

“ Mum, I’m fine. I'm 17 now so I can take care of myself. You don’t have to worry.” Reklamo niya sa ina.

“Don’t be pissed iha, I’m just worried.” Tugon ng kanyang ina ng mahimigan nito ang inis sa boses nya.
“I’m sorry Mum.” Hinging paumanhin nya “Just enjoy the night and kiss Dad for me. Take care.” They exchanged goodbyes and hang up.
“Devs, iha kumain ka na ng dinner.” Wika sa kanya ni Manang, ang kanilang kusinera.
“Mamaya na lang po Manang, magpapahangin lang ako sandali sa labas.”paalam nya dito. She grabbed her guitar, the lyrics of the song and went outside their house. She sat on the porch and will try to play again the song until she memorized every chords and lyrics.

CHAPTER 12

Tumingala si Devon sa langit at nakita nyang maraming bituin. She loved the starry night, kahit na noong bata pa sya. Mas gaganahan syang tumugtog dahil sa ganda ng kalangitan. She started strumming the guitar, played the beginning of the song and started to sing.
“I am waiting for the sun to rise again
Cause I'm anticipating to see your face
Did you know how my heart beats
When you are with me
Ohh Baby I can hardly breathe”

Huminto sya at muling kinapa ang gitara. Nakangiting muling tinugtog ang mga sumunod na liriko.

“Then you glance my way
My heart skip a beat
Then you-”
Napahinto sya sa pag-awit ng may marinig na pamilyar na tinig na sumasabay sa kanya. She looked at him as he walks towards her. Inakyat nito ang bakod upang makalapit sa kanya. Her heart melted upon seeing him. She felt nervous and excited at the same time. She missed him a lot. Their eyes met and he smiled. Inilahad nito ang kamay at iniabot ni Devon ang gitara sa binata.
Itinuloy ni James ang pagtugtog at pagkanta na matamang nakatingin kay Devon.
“Then you look at me
My heart melts with it
Then you flash me those smile
Ohh girl even bugs would die”

He  paused and flashed her a smile.

“If my song can make you smile
Then I'll sing at the top of my lungs
If my song can make you happy
Then I'll sing it to you
Whenever wherever
I'll sing it to you
Whenever wherever
Cause my girl I'm secretly
In love with you”

Matamang nakikinig at nakatingin lamang si Devon kay James. Samo’t-saring emosyon ang nararamdaman ng kanyang batang puso.

“Secretly, I look your way
While you're busy telling me your day
I know I'm just a friend
But I'm willing to be the king of your heart
The king of your heart”

At the Bridge part, James looked at her intently. She can see the sincerity in his eyes. The emotions, the truthfulness and the love James feel for her.

“So I pick up my guitar,
Play the melody of my heart
Sing the song I made for you
Hope that it will reach you
Hear it wholeheartedly
Cause it's the only way
I say I love you, I love you
It's the only way I say
I love you”

Silence followed after James finished singing. They just sit there staring at each other under a starry night. They don’t need words anymore, their hearts understood each other. James took Devon’s hand and held it tightly. Two young hearts savoring the sweetness of young true love.

*****
“I don’t know what to say James.” Basag ni Devon sa matagal na katahimikan.
“I will talk to Tito JP and Tita Devvine-”pinutol ni Devon ang kanyang sasabihin.
“What? I don’t think it’s a good idea. Malamang pagalitan tayo nila.” Sagot nito at nanlalaki pa ang mga mata. He found her cute when she act like that.
Inakbayan nya ito at saka sumagot “Silly, mas lalo silang magagalit kapag hindi nila nalalaman ang nangyayari. Lalo na sakin, baka gulpihin ako ng iyong ama.” Natatawang wika nya. Kahit tumanggi pa si Devon, kakausapin nya ang mga magulang nito. At liligawan nya ang dalaga sa tahanan nito. Ipapakita nya sa mga magulang ni Devon na tapat ang hangarin nya sa dalaga.
“Jeez, ano ba tong pinasok ko. Baka nga magulpi ako ng wala sa oras.” Biro nya sa dalaga.
Napahagalpak ito sa tawa at nahampas sya sa balikat. “Oopps sorry.” Hinging-paumanhin ng dalaga.
“May isa pa kong gift sayo, since “official” na tayo-”pinutol na naman nito ang kanyang sasabihin.
“Official? Kelan? Nanligaw ka na ba? Sinagot na ba kita?” nakataas-kilay na wika nito.
He stared at her, and Devon forgive him, all he wanted to do on that moment is to give her a kiss. Ipinilig nya ang kanyang ulo upang maiwaksi ang naiisip. For Pete’s sake, they are just 17!
“Ok, hahaha. Kukunin ko na ang isa ko pang regalo sayo.” Paalam nya dito at akmang aakyatin nya ulit ang bakod ng tawagin siya ng dalaga.
“Hoy, you can use the main gate if you like.” Pang-aasar nito sa kanya. Nalimutan nya nga na pwede naman palang gamitin ang gate palabas. Natatawa sya sa sarili habang papalabas. Dinampot nya ang paper bag na may lamang malambot na bagay. Favorite nya yun at sana magustuhan ng dalaga.
“Here” iniabot nya dito ang paper bag.
Binuksan nito iyon at hinango sa loob ang isang Cookie Monster stuffed toy. “Wow, I love this! Thank you James.” Wika ng dalaga.
“Hug lang pwede ng kasama ng thank you.” Pasimpleng wika nya.
Tatawa-tawang sumunod ang dalaga. She hugged her and whispered “Thank you”again. 

“This is Cookie Monster. You’ll be my Cookie” seryosong wika nya sa dalaga.
“And you’re my Monster.” Dugtong naman ng dalaga.
Napuno ng kanilang halakhak ang lugar. Hanggang sa mapagpasyahan nitong ayain siyang maghapunan ngunit tumanggi siya. Maya-maya ay magpapaalam na din sya at kailangan na nyang umuwi.
Inihatid sya ni Devon sa labas ng biglang dumating naman si Bret sakay ng kotse nito.
“Hey Bret, what are you doing here?”
“No, what are you doing here with him?” nakakunot-noong tanong nito.
“Hello Kuya Bret, I’m going na din.” Wika nya kay Bret na idiniin nya ang salitang kuya, “Bye Cookie.”paalam nya kay Devon at kinindatan ito.
“Bye Monster.” Natatawang wika sagot ng dalaga.
Naglakad na sya palayo sa mga ito. Masaya sya dahil ang araw na ito ay itatak nya sa lahat ng kalendaryo.  She is his Cookie, and he is her Monster.
Pakanta-kanta sya ng “C is for Cookie, Cookie, Cookie Monster” habang papalabas ng Village. Baliw na ata talaga ang isang James na tulad nya.
(Credits to Luisa/louise(@andaminglouise) for the song MELODY IN MY HEART. Her original composition. Thank  you for lending your wonderful song to me. ^_^)