Monday, 27 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 23

CHAPTER 23

Pinahid nya ang kanyang mga luha, ayaw nyang magising muli si RJ kapag narinig sya nitong umiiyak. Kinarga nya ang anak at inilipat ito sa kwarto nilang mag-ina. Pinagmasdan nya ang kanyang anak. Hinaplos ang mukha nito at ginawaran ng halik sa noo.

Naagapan ang muntikan ng pagkawala ng kanyang anak. Mabuti daw at naisugod agad sya sa ospital noong dinugo sya. Kung nahuli sila ng ilang minuto pa, hindi na maisasalba ang kanyang anak. Sising-sisi ang kanyang ama noon dahil sa nangyari ngunit sinabi nya ritong wala itong kasalanan. Kaya naman spoiled na spoiled si RJ sa mga lola at lola nito.

Pagkatapos ng pagka-confine nya sa ospital noon ay inayos ng kanyang mga magulang lahat ng kanyang papeles upang makaalis ng bansa. Sya ang pumili ng bansang pupuntahan nya. At doon sa Manchester, ipinanganak si RJ ng kulang sa buwan dahil naging sakitin sya ng mga panahong ipinagbubuntis nya ito. Ngunit salamat sa MayKapal, naging maayos ang kalagayan ng kanyang anak.

She cried everytime she remembered how small and fragile looking his son was. As a mother, her heart cannot accept the  fact that his son is suffering.  Nang bumuti ang kalagayan ng kanyang anak, ay nagsimula na din nyang itayo ang Music Store business nya. At ngayong 8 years na sila sa UK, siguro ay panahon na para silipin ang bansang kanilang iniwan. Na wala ni isa mang nakakaalam, maliban sa kanyang pamilya kasama na si Bret, na may isang Robert James Castillanes na nabubuhay sa mundo.

Muli nyang pinagmasdan ang kanyang anak, paano nya ba malilimutan ang ama ni RJ kung kamukhang-kamukha nito ang ama? Spitting image ni James ang kanilang anak. At hindi nya alam kung ano ang magaganap kung sakaling magkita ang mga ito.

“I’m sorry  baby, malaki ang kasalanan ni Mama sayo. But it’s for your father’s own good. Look at him now, sikat na sikat na sya. Naabot na nya ang pangarap nya.” Tinabihan nya higaan ang kanyang anak.

“Kung nangyari ang gusto naming mangyari eight years ago, ano ang kinalalagyan ng ama mo ngayon?”

“I’m so sorry baby. You will meet him one day, but not now. I love you.” Mahinang wika nya sa anak bago pumikit. Ngunit sa pagpikit ng kanyang mga mata, ang mukha at ang mga alaala nila ni James ang sumalubong sa kanya.

“James, Monster.”sambit nya habang patuloy na lumuluha.

****

 “Really Mama? We’re going to visit Philippines?” tanong ng kanyang anak sa namimilog na mata.
“Hmmmm, diba sabi ko sayo kailangan mong magsalita ng tagalog.You know Tagalog diba? So it’s better to practice now.” Wika ni Jasmine.
“Tita naman eh. See, marunong ako Tagalog.” Pautal-utal na sagot ng kanyang anak.
“No, not like that. You should practice more big boy. Ok?”
“Yes Tita, I mean opo Tita Jas.” Tatawa-tawang sagot ng kanyang anak.
Kasalukuyang  nagba-bake ng cake ang kanyang anak at si Jasmine. Dinalaw sila ng kanyang Ate Jasmine, at tyempo naman dahil may kailangan syang I-fax na mga dokumento para sa company nila sa Pilipnas. Sa UK na din nakabase ang mga pamilya nito, ngunit ito at ang napangasawa nito kasama ay sa London nakatira. Napangiti sya ng makitang paparating ang asawa ng pinsan. Iniisip nya pa lang ang lalaki ay nandito na habang tulak ang stroller ng 4 na taong-gulang na kambal ng mga ito.
“Hiyea! Uncle Bret, baby Mione, Baby Ronie!” masiglang bati ng kanyang anak at agad na tumakbo upang salubungin ang mga bagong dating.
Si Bret ang asawa ng kanyang Ate Jasmine. Hindi nya inakalang magkakatuluyan ang dalawa dahil sa tagal-tagal na magkasama sila ay away-bati lagi ang dalawa. Masaya sya dahil si Bret ay nakatagpo ng babaeng magmamahal dito. At ganon din sa kanyang pinsan, napigilan ni Bret ang pagpasok ni Jasmine sa AFP.  Hindi naman tumutol sila Tito Ivander at Tita Maris. They are all happy sa naging love story nila Bret at Jasmine. Aso’t pusa ang drama ng dalawa.
“Sinusundo na po namin si Jas.” Birong wika ni Bret. Mahusay na itong magtagalog dahil sa turo ni Jasmine. Sinulyapan nya ang dalawang anghel na mahimbing na natutulog sa strollers.
“Aw, why are they sleeping? How can we play?” wika ng kanyang anak. Naunahan siya nito, yun din ang gusto nyang itanong kay Bret.
“Bakit mo sila isinama?” tanong ni Jas habang hinuhubad ang apron. “RJ, sweetie, we’re done with the cakes. We just have to wait for it ok?” baling nito sa kanyang anak.
“Opo, Tita Jasmine!” sagot ng kanyang anak na ikinatawa nila dahil sa slang na pagbigkas nito sa “opo”.
“Dito na kayo magdinner para naman makapaglaro pa ang mga bata.”
“Sure, I’ll help you. Tara,” aya nito sa kanya. Alam nyang may gusting sabihin ang kanyang pinsan. “Trex, ikaw muna bahala sa mga bata ha!” malambing na wika nito sa asawa. Trex ang nakasanayan nitong itawag kay Bret kapag sinusumpong ito ng ka-sweetan.

****
“Are you sure na gusto mong pumunta sa Pilipinas?” tanong ni Jasmine.
“Yes, nakausap ko ulit si Tita Lawrence,”napailing sya ng maalala ang kapatid ng kanyang ama. “Sabi nya, they really want to see RJ in person.”
Dahil matagal na din silang hindi nagkikita ng Tita Law nya, napagisipan nyang tanggapin ang imbitasyon nito. Nasa America ito at ang Lolo Jaime nya ng panahong umalis sila sa Pilipinas. Apat na taon pa lang din itong nakakabalik sa bansa at wala itong bakanteng panahon na bisitahin sila sa kinaroroonan.
“Handa ka na ba? Paano kung Makita mo sya?” Hindi agad sya nakasagot sa tanong ng pinsan. Paano nga ba? Mangyayari na ba ang kinatatakutan nya?
“Hindi ko alam, I don’t know. I guess I will have to cross the bridge when I get there.” Sagot niya.
“Goodluck Devs, huwag nalang kayo magtatagal doon ha. Kung nandito lang sina Tito JP, I’m sure hindi kayo papayagan ng mga iyon.” Sinundan ni Jasmine ang sinabi ng isang malalim na buntong-hininga.
Tama ito, kung naroon ang kanyang mga magulang ay siguradong hindi sila papayagan. Good thing they’re somewhere in Russia kasama ang Lolo Ignacio at Lola Vanna niya. Nasa one month cruise ang mga ito. Ipapaalam nya rin naman sa ama na pupunta sya sa Tita Lawrence nya.
“Siguro it’s about time na malaman ni RJ kung sino ang ama nya. Bago kami magbakasyon sa Pilipinas sasabihin ko muna sa kanya.” Desidido na syang kausapin ang anak. Bigla syang nilamon ng hindi maipaliwanag na takot. Dahil sa pagalis nila, maaring mabago ang lahat. Ayaw nyang mawala ang anak nya sa kanya kaya kailangang ipaliwanag nya dito ang lahat.
“Kailangan mo ba kami?”tanong ni Jasmine
“Nope, Ate kaya ko na. Tapusin na natin itong pagluluto. Para hindi kayo gabihin.” Pag-iiba nya sa usapan.
Pagkatapos nilang ihain ang iniluto ay nagsalo-salo sila sa isang maingay na hapunan. Nagkukulitan ang magpipinsan at laging ang kanyang anak ang pasimuno. Tuwang-tuwa ito sa kambal na si Mione at Ronie. Bago sumapit ang alas-otso ay nagpaalam na ang mga ito ngunit bago pa tuluyang umalis ay nagbilin pa si Jasmine sa kanya.
“Tell me kung kelan ang lipad nyo, at kung hanggang kailan.”
“Yes, sasabihin ko sayo dahil ikaw muna ang magmanage ng Music Store.” Natatawang wika niya sa pinsan. Alam nya na nag-aalala lamang ang mga ito sa kanila ngunit natitiyak nya, magiging maayos ang lahat. O sana ay maging maayos ang lahat.

CRAWL BACK TO LOVE CH. 22


CHAPTER 22

Manchester, U.K.


“I should be happy for him.” Devon told herself. Maingat nyang pinatay ang TV dahil tapos na ang pinapanood nya. Masakit na din ang mata nya sa kakaiyak, at ubos na ang tissue box sa harapan nya. She watched James concert through special viewing. Alam nya ang lahat ng nangyayari sa binata simula ng araw na lisanin nila ang Pilipinas. Kanina nakita nya si Tricia ng maitutok dito ang camera. Pamilyar na kurot sa puso ang naramdaman nya dahil alam nyang may plano ng magpakasal ang dalawa. Sinubaybayan nya kung paano nakilala sa showbiz at sumikat ng husto ang isang James Roy, ang screen name ni James.

She glanced at a glass cabinet kung saan naroon ang lahat ng collections nya ng albums, cd’s and concerts ni James Roy.  She patiently watched him as he took the big break in showbiz. Masaya sya na napabilang ito sa Youth Oriented show kung saan nakilala ang husay nito sa larangan ng musika. She even have a collection of his movies. At sa bawat eksena ni James sa ibang babae, ilang sugat ang tumatatak sa puso nya. But she accepted the inflictions, because she has none to blame.  She rejoiced with him when he grew into a fine young musician. Every awards he received, she applauded for him. James Roy was born and they said the rest is history. She knew a lot about him, she is his number one fan.

“Eight years, James. I’m so happy you made it that far.” Kausap nya sa larawan nito. “What if we’re still together? Will you be there now?” malungkot na wika nya. Hindi nya na napigilan ang sarili na muling mapaluha kaya hindi nya namalayan ang pagdating ng kasama.

“You’re crying again.” Wika ng bagong dating.

Pinunasan nya ang luha bago sagutin ang lalaki “Nah, I’m fine. Don’t mind me.”

“What’s the matter?” muling tanong ng lalaki. Nilapitan sya nito at niyakap. She hugged him back and gave him a kiss on his cheek.

“I said nothing, you don’t have to be nosy. I’m alright.”

Inilibot nito ang paningin sa paligid at nafocus ang atensyon sa larawan na hawak niya. Kinuha nito ang picture frame at kunot-noong nagtanong.

“Is he making you cry again? Who is him in your life? Why can’t you tell me the reason?” puno ng hinanakit na wika ng lalaki. Hindi sya agad nakaimik, dahil tama ito hindi nya masabi ang dahilan kung bakit sya umiiyak ng dahil dito at kung sino ito sa buhay nya.

“In time, I will explain to you don’t be angry. Just give me time please.” Pakiusap nya sa lalaki.

“You know I love you so much, and my love for you have no comparison. I will understand, I promise.”  Ibinaba ng lalaki ang picture frame sa mesa at humilig sa kanya.  “I don’t want to see you sad anymore.”

“Thank you, you’re my guiding star. As I’ve said, in time you will know. Not now, I’m not yet ready,” sagot nya.  “Do you understand?”

Tumayo ang lalaki sa harapan nya at ipinulupot ang mga kamay sa kanyang leeg.  He kissed her on her cheeks, and all the pain and loneliness subsides.

“I love you Mama, so very much! If I get bigger, I mean older, I won’t let any man make you cry. I will punch them!”nakanguso pang wika ng kanyang anak.  Natawa sya dito dahil akala mo ay malaking tao na kung magsalita.  Sa edad nitong 7 taon, para pa rin itong 5 years old.  Naalala nya ang mga panahong inilagak nila sa ospital. Mahigpit nyang niyakap ang kanyang anak.

“No, baby I love you so much. You are my only treasure, Robert James. Mama will love you forever.” Wika nya sa anak habang kinakalong ito at niyakap sa kanyang dibdib.

“Mama, I know, I may still be young but I can understand you. And, remember, I’m the only man in this world that can love you wholeheartedly.” Muling wika ni RJ bago naghikab. Hapon ng mga oras na iyon kaya nap time na ng kanyang anak. Nakatulog na ito sa kanyang kandungan.Habang hinahaplos ang buhok ng bata, hindi nya mapigilan ang pagdaloy ng kanyang luha. Ang mga alaala  ay naguunahang bumalik kahit na pigilan nya. Napapikit sya at tinanggap ang pagbabalik tanaw ng kanyang diwa…..

****

She cried until there’s no tears to flow. The pain is unbearable,  she knew the scars will stay forever.

“Tama na Devon, makakasama sa baby mo yang ginagawa mo. Please stop crying.” Samo ni Jasmine sa kanya. Kanina pa sya yakap nito at alam nyang nahihirapan din ang pinsan sa kalagayan nya.

“Yes, Jas is right. Please stop crying, it might affect your condition. This is what you want, remember.” Wika ni Bret.

She sobbed and sighed, “Yes, tama kayo. This is what I want, ako ang nagdesisyon nito, pero bakit ganon? Parang hindi ko kaya.”

“Buwisit kasi yang Ann na yan eh! Masyadong kontrabida, kakalbuhin ko yun eh.” Galit na wika ni Jasmine.

“Hey easy mate, you don’t need to be violent because of that girl.”wika ni Bret dito.

“I’m so sorry Ate Jas, Bret. Pati kayo nadamay sa problema ko. I should be strong, it’s for James’ own good.” Pinunasan nya ang mga luha sa kanyang pisngi at inayos ang sarili. Kailangan na nyang umuwi bago dumating ang parents nya.

“Devon, sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mong ito. Naawa ako sa inyo, lalong-lalo na sa magiging pamangkin ko.” Malungkot na wika ni Jasmine. “Hindi pa nga naipapanganak tinanggalan mo ng karapatang magkaroon ng ama.” Dugtong pa nito.

“I know ate Jas, but please let’s not talk about it. We need to find a way on how to tell my parents about my condition. Come on let’s go home.” Pag-aya nya sa dalawa.

“Ok, Jasmine where’s the key, I’ll drive.” Tanong ni Bret.

“Here,” ihinagis ni Jasmine ang susi sa lalaki. Sa kabila ng kalungkutang nararamdaman, napangiti sya dahil parang mas maton pa ang pinsan kaysa sa kaibigan nya.

“I wanted to punch that bastard’s face if you’ll just let me Devon, he doesn’t deserve this sacrifice from you.” Inis na wika ni Bret habang nagmamaneho.

“Will you please stop? I thought you said, I don’t need to be violent?  My cousin doesn’t need you “superhero ego” now.” Ganti dito ni Jasmine.

“I’m sorry.” Hinging paumanhin ni Bret at nagpatuloy na ito sa pagmamaneho hanggang sapitin nila ang kanilang bahay.

****

Nadatnan nilang naroon na ang kanyang mga magulang. Binati nila ang kanyang ama na nakaupo sa sala.

“Dada,” nilapitan nya ito at hinalikan sa pisngi, “where’s Mum? Tanong nya dito. Nakaupo sa magkatabing sofa sina Bret at Jasmine kaya kita nito ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng ama ni Devon.

“What happened to you? Bakit parang umiyak ka ng umiyak?”

“None Dada, I’m not feeling well kasi eh.” Matipid na wika nya sa ama

“You’re not feeling well kaya you’re taking these medicines, ha Devon?” dagundong na wika ng kanyang ina habang papalapit sa kanila at may dala-dalang maliit na plastic bags. She recognized that bag, dahil nakasulat sa plastic ang pangalan ng doctor at ang espesyalidad nito. Iyon ang lalagyan ng mga gamot na nireseta sa kanya ng kanyang OB-GYNE. Mga vitamins para sa kanya at sa kanyang baby.

Napasinghap ang pinsan nya at si Bret naman ay biglang namutla. Dahil  galit at disappointment ang nasa mukha ng kanyang ina.

“Para saan ang mga gamot na yan?” nilapitan ni JP ang asawa at kinuha dito ang plastic. “Dra. Mirasol Tan, OB-GYNE,”basa nito sa malamig na boses.

 Kumuha ang kanyang ama ng isang gamot at kitang-kita nya ang pagtakas ng kulay sa mukha nito “Ferrous sulfate, for you and your baby..” he trailed-off on the last part.

“Baby?!” his father’s voice boomed in the whole house. “What’s the meaning of this Devon?”

“Mum, Dad let me explain please.” Pagmamakaawa nya sa mga magulang.

“No, you listen to us. We thought you’re a responsible child, that you won’t break our trust. Bakit nangyari ito? Alam na ba ni James?” puno ng hinanakit na wika ng kanyang ina. Naroon lamang sya umiiyak habang nakikinig sa kanila.

“Answer your mother, Devon. Alam na ba ni James?” ulit ng kanyang ama.

Tango lang ang naisagot nya.

“So anong problema? Bakit hindi humaharap sa amin ang lalaking yun?” tanong ng kanyang ina.

Nagulat sya ng tumayo ang kanyang ama akmang tutungo sa pintuan. Pinigilan nya ang braso nito para hindi makalayo.

“No Dad, please let me explain first. Hindi mo sya kailangang puntahan.”

“Are you out of your mind? Kailangan kong makausap ang lalaking yun, wala syang isang salita!” tinanggal ng kanyang ama ang kanyang kamay na nakakapit dito. She saw that Jasmine and Bret wanted to help her with his Dad but she  shook her head.

Muli nyang hinarangan ang kanyang ama, “Please Dad, listen to me first. Listen to me!” she shouted. She doesn’t want to shout to her father but she don’t have a choice.

“How dare you shout at your father like that Devon?” galit na wika ng kanyang ama ng balingan sya.

“Stop it JP, let’s hear our daughter’s side first, please calm down. I know you’re angry but please, for our daughter.” Wika ng kanyang ina. Nilapitan sya nito  at niyakap “come on darling, tell us.”

Muli nyang tinignan sina Bret at Jasmine na parehong tumango. She inhaled and exhaled before telling them her decision. Sinabi nya sa mga ito ang napagpasyahan nya, sinabi nya ang mga dahilan kung bakit ganon dapat ang mangyari. Her mother couldn’t help but gasp, puro iling  ang nakikita nya dito habang nangingilid ang mga luha. Her father on the other hand showed no emotion at all.

Tigib sa luha ang kanyang mga mata matapos ipaliwanag sa mga magulang ang sitwasyon. Naroon lang ang kanyang ina, yakap sya at sinasabayan ang kanyang pagluha.

“Baby, why do you have to do that? We can help you, you should’ve told us first.” Wika ng kanyang ina. “Oh my baby, bakit kailangang pagdaanan mo ito?”umiiyak na wika ni Devvine.

“I’m sorry but I cannot accept it Devinne. That’s full of crap! Hindi ako papayag na tapakan na lang ng ganyan ang anak natin, hindi.” Wika ng kanyang ama. Muli itong tumayo at diretsong nagtungo sa pintuan. Hindi sya papayag na kausapin nito si James, at kahit nanghihina na sya, tinakbo nya pa rin ang kanyang ama upang mapigilan ito.

“Please Dad, no I’m begging you.” Muling pigil nya sa ama.

“No baby, you have to understand that I am your father and I don’t want to see you suffer like that.” Kinalas nito ang nakakapit nyang kamay ngunit hindi nya iyon tinanggal. “Be a good girl and let me go.”

“No Dad, No please.” Paulit-ulit nyang wika. Hanggang sa may maramdaman syang matinding sakit sa kanyang puson. She cannot explain the sharp pain she is feeling. Kaya naman kumawala ang daing sa kanyang bibig. Napasigaw siya sa sakit na nararamdaman.

“Ahhhh, it hurts! It’s so painful.” Kung hindi sya malapit sa kanyang ama malamang ay bumagsak na sya sa kanilang marmol na sahig.

“Baby what’s hap-” nahinto ang kanyang ina ng makita ang pulang likidong umaagos sa kanyang hita “Oh my God, JP dalhin natin ang anak natin sa ospital quick! Oh please save our baby.”umiiyak na wika ng kanyang ina.

Sa nanlalabong diwa, naunawaan nya ang sinabi ng ina, nanganganib ang kanyang baby. She can feel the warm liquid coming from her, she reached for her leg to touch it. She saw blood, and she panicked. Hindi pwedeng mawala ang anak nya.

Naramdaman nyang binuhat sya ng kanyang ama at matulin nitong pinatakbo ang sasakyan.
She can hear her mother uttering prayers, while his father cursing himself.

“Hang on my baby, please hang on.”usal nya habang may luhang tumulo sa kanyang mga mata bago tuluyang lamunin ng dilim ang kanyang gunita.

CRAWL BACK TO LOVE CH. 21

CHAPTER 21
EIGHT YEARS LATER..

The Araneta Coliseum is filled with fans, friends and media of the well-known singer. All the tickets had been sold out and the people are patiently waiting for the show to start. The lights went off as a sign that it will start soon. Four, three, two, one…
The man came out of the backstage carrying a guitar. He is wearing a blue-checkered polo, his hair tousled and his eyes twinkled with pride upon seeing his supporters. His fans, he thought.
“Good evening ladies and gentlemen!” he greeted. The crowd cheer, the ladies gasp with delight as they giggle and stare at the handsome man.
The man surveyed the place again, waving to the people especially the girls. He’s happy to see his supporters. This is his 5th major concert since he became a solo singer.
“Thank  you for coming tonight, you guys never fails to support me that’s why I love you KEHRBEARS, JAMESTERS, and to everybody, thank you.” He paused, strummed his guitar and spoke again “Let’s start rocking tonight!”
The crowd broke into an applause again as James started to sing his first song.
You left me with goodbye and open arms
You were always invinsible in my eyes
The only thing against us now is time..
The show went on, with some guest performers James have time to have a short break. His concert is coming to an end. He only have one song left. All the songs he sang tonight are included in his new album, MELODY IN MY HEART. Ironically, years ago he wrote a song similar to that title. But now, it’s far different  from that rubbish song. He wrote all the songs in this album that came from his heart. All, especially the last song.
Anger flooded his entire being again when he remembered “that woman”. He could not believe that he still feels the same pain like before. Maybe because of the loss of his innocent child. He shook his head to break the flow of the memories, it wouldn’t bring any good to him.
“Sigurado ka bang kakantahin mo pa yun?” his thoughts were cut when he heard his sister’s voice. Ate Ann has been his Manager  ever since he became a solo artist. When he joined the Youth Oriented show, “Let’s Shout”, he’s under the management of Mr. Mana. The show went on for two years and aside from that he has some performances in a Sunday noontime program.
“Yes, that’s the finale, Ate. Bakit mo naman naitanong?”he asked habang nagpapalit ng polo.
“I’m just making sure that you’re ok, James. Nga pala, Trish has arrived,  I’ve reserved a seat for her so makikita mo sya na katabi ko.”   
“Okay, whatever. I need to go out to finish this concert.” He said. Lumabas sya sa kanyang dressing room at nagtungo muli sa entablado. He thanked all the guest performers for gracing his concert. 
Nilapitan nya ang grand piano na nasa gitna ng stage. He chose to play the piano for his finale. Before starting, he thanked the audience again, all his supporters and sponsors and the guest performers.
“This concert won’t be a success without you guys, thank you so much. Kung hindi dahil sa suporta nyo, walang James Roy ngayon.” Ngumiti sya sa camera and the girls can’t help themselves but to swoon to that handsome face on the big screen.
“And for my last performance for tonight, I’ll give you this song.” He paused and sighed.
“I wrote this song years ago, because this is simply the melody in my heart. Hope you’ll like it. This is for you.” Nagsimula syang tugtugin ang piano. The sad intro filled the whole place.
“Oh I was perfect for the circus
If she dared me I’ll do it
Love make you stupid.

I gave it up
But I guess it was not enough
Coz she never seems satisfied”

Tahimik ang buong paligid na parang tumatanim sa kanilang puso ang bawat katagang inaawit ni James.

“I know I’m not perfect
But at the end of the day
Who is?
She wanted someone that’s perfect
Okay, But can you tell me who is?”

Hulog na hulog sa pagtugtog at pagkanta si James kaya hindi nya namamalayan ang reaction ng mga tao sa awitin nya. Some of them are crying, while others are holding back their tears. As if they knew the story behind that song, as if they can feel his pain.

“She’s at the bar
Just above the stars
A rocket couldn’t reach it
But I kept of reaching

She watched me try
Atleast a thousand times
If she loved me she’d stop me
But no”

Dumiin ang pagtipa nya sa piano, and the cold expression in his eyes were back again. His face is emotionless but his voice is full of it. Good thing the audience cannot see that he’s gritting his teeth while singing the second part. Angry, he continued singing.

“I know I’m not perfect
But at the end of the day
Who is?
She wanted someone that’s perfect
Okay, But can you tell me who is?”

I saw something worth my future
So wrong, so wrong
In my mind I would find a reason
But I guess I wasn’t wrong

I know I’m not perfect
But at the end of the day
Who is?
She wanted someone that’s perfect
Okay, But can you tell me who is?”

Natapos ang kanyang kanta at masigabong palakpakan ang kanyang inani. Tumayo na sya at nagbow sa lahat.

“Goodnight everyone! Thank you again. Please don’t forget to buy “Melody in my Heart.” It’s now out in the market.” James said then he walks back to backstage.

****

“Congratulations Honey!” the woman hugged and kissed him on the lips. Flashes of the cameras followed, as the woman willingly pose for the media.

“Hey, kamusta ang show mo?” tanong niya dito.

“Well its one hell of a show! Madaming tao.” Answered the woman.

“Excuse me, James Roy and Trish, pwede ba kayong ma-interview together?” tanong ng isang showbiz reporter.

“Sure!” singit ng Ate Ann nya kahit hindi pa sya sumasagot. Napailing na lamang si James, pagbibigyan nya na lang ang interview ng makauwi na sya at makatulog.

“Ok, but make it quick.”malamig na wika nya.

“Why honey? Are you taking me out for late dinner kaya gusto mong bilisan ang interview?” tanong ni Trish. The woman had been his companion, and eventually his girlfriend and now his fiancĂ©e. Sa nakalipas na taon, si Tricia at ang Ate Ann nya ang naging karamay nya. Ito ang nagtyaga sa kanya at tumulong din sa kanila. Ngayon,  isa na itong sikat na modelo. Every man dreams to be with her, yun ang laging sinasabi nito sa kanya. But he doesn’t care a bit kahit na malapit na ang kanilang kasal.  Tricia grew up before his very eye dahil ito ang laging kasama ng ate nya.

“Hey, I’m asking you” pukaw ni Tricia sa kanya.

Nagkibit-lamang sya ng balikat at inutusan ang press na simulan na ang interview.  

Nagsimula na ang interview at hindi nya naiwasan ang paghihikab. He apologized for his behavior but what can he do, he’s tired to the bone.

“Last question na lang James Roy and Trish, when will the wedding bells ring?” nakangiting tanong ng baklang gossip writer.

Tricia looked at him expectedly, he gave her a dry smile. He will answer that question, dahil naisip nyang ibigay kay Tricia ang gusto nito.

“Soon, we’ll start the wedding preparations next week. Before this year ends, the wedding will push through. Come on, it’s just February!” naiiling na wika nya.

“Oh my God, as in for real? Honey, I’m so happy!” wika ni Tricia at niyakap sya ng mahigpit. Kislap na naman ng camera ang sumunod at sigurado syang mga mukha nila ang nakalagay sa mga gossip magazines.

Natapos na ang interview at nagpaalam sya sa ate nya at kay Tricia na gusto nyang mapag-isa. Walang nagawa ang mga ito ng lisanin nya ang lugar, gusto nyang mapagisa. He needs a drink so he went to “Papa Bear’s”, a private bar na pag-aari ni Joe. Doon pwede nyang gawin ang lahat ng walang camerang nakasunod. Gusto nyang huminga at mag-isip.

“Bakit masakit pa rin hanggang ngayon?” tanong nya sa sarili.

Saturday, 25 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 20

CHAPTER 20
The news brought happiness to everyone. Lalo na sa pamilya ni James, pinagmalaki na ng ate Ann nito na magiging artista na ang kapatid. Sa parte naman  ni Devon, proud ang mga magulang nya at ang pamilya ng Uncle Ivander nya. Nakadalo na sila sa mga meetings, brainstormings at workshops at nakilala na din nila ang ibang mga makakasama kabilang na ang ilan sa mga sikat na teen stars.
Three days before their contract signing, kasalukuyang nasa mall sina Devon at Jasmine ng makaramdam ng pagkahilo ang dalaga. Madalas syang maramdam ng ganon, walang pinipiling oras. Muntik na syang matumba kung hindi sya nahawakan ni Jasmine.
“Hey cousin, are you okay?” tanong nito.
“I don’t think I’m okay ate, weird pero lagi nalang akong nahihilo at ngayon I-” nasapo ni Devon ang kanyang bibig.
“Oh no, anong nangyayari sayo. Let’s run to the washroom.” Inalalayan sya nito sa isang bakanteng washroom. Doon inilabas nya ang lahat ng nasa sikmura nya. Para syang nauupos at pawis na pawis sya ng matapos. Hindi nya pansin ang matamang tingin ng pinsan sa kanya.
“Are you pregnant Devon?” diretsang tanong ni Jasmine sa pinsan.
Hindi agad nakaimik si Devon at kitang-kita ni Jasmine ang muling pagtakas ng kulay sa mga mata ng pinsan. Hanggang sa tumulo ang luha ng dalaga.
“Si James diba? Paano?” tanong nito. Wala ng nagawa si Devon kundi ang ilahad dito ang mga pangyayari. Naiiling na lamang si Jasmine dahil kahit ito ay hindi alam ang gagawin.
“There’s one way to find out, but we have to be careful. Hindi ordinaryo  ang pamilya natin.” Tinulungan sya nitong ayusin ang sarili at inalalayan syang lumabas sa washroom. Tinungo nila ang isang hindi mataong restaurant.
“Wait for me here, may gagawin lang ako. Basta dito ka lang, mag-order ka nalang kung gusto mo. Just stay here.” Bilin nito sa kanya bago tuluyang umalis. Tulad ng bilin nito, umorder  sya ng chocolate cake at mango juice. She’s craving for chocolates at napapansin nyang lumalakas nga syang kumain. She might be pregnant, but she need to confirm it before informing James.
Matagal ding nawala ang kanyang pinsan, naubos na nya ang kanyang order ng matanawan niyang papalapit na ito sa kanya.
“Sorry natagalan, nahirapan akong maghanap ng kukutsabahin. Here.” Pasimpleng inabot nito sa kanya ang isang paperbag ng sikat na boutique. Sa loob niyon nakita nya ang mga maliliit na kahon na may iba’t-ibang pangalan. Pregnancy test kit iyon.
“So wash room ulit tayo. Gamitin mo ang lahat na yan. Tara na.”
Sunod-sunuran lamang sya sa pinsan. Ginawa nya ang sinabi nito at bawat resulta na mga kit ay lalo syang kinakabahan. Iisa ang resulta, POSITIVE. She is pregnant with James’s child. She is happy but sad at the same time. Ano na ang mangyayari? Paano tatanggapin ng mga magulang niya ang balita.

****
“Ate promise me na wala ka munang pagsasabihan.” Pakiusap nya sa pinsan. Matagal bago ito tumanggo.
“Sasamahan kita kay James ngayon, he needs to know ASAP.”
“Pero, andun ang ate nya.”
“I don’t care kahit andun ang mahaderang kapatid nya. Basta kailangan malaman na ni James yan.”
“Okay, tara na.”yaya na niya sa pinsan. Tama ito dapat malaman na ni James ngayon.
Nakarating na sila sa basement parking, ngunit ng akmang sasakay na siya sa driver’s seat inagaw ni Jasmine sa kanya ang susi.
“I won’t let you drive in your condition. Hop in, I’m driving.” Maatoridad na wika nito sa kanya. Masyado syang nanghihina para makipagtalo pa kaya hinayaan nalang nya itong gawin ang gusto. Ituturo nya nalang kung saan ang direksyon nila James. Dahil malayo pa ang byahe ay napagpasyahan nyang umidlip muna.
“Hey wake up.” Gising sa kanya ni Jasmine. “Tanghaling tapat bakit ka umuungol dyan?”
“I had a nightmare ate, my baby, si James, ako. It’s terrible.” Napaluha sya ng maalala ang bangungot. They’re just starting their family when tragedies happened at hindi na nya kayang alalahanin pa ang mga iyon. Dala siguro ng matinding pag-iisip kaya nakapanaginip sya ng ganoon.
“Shhh, tama na yan, hindi yan makabubuti sayo. Malapit na tayo sa inyo, saan ang kila James.” Noon lamang nya napansing malapit na nga sila, itinuro nya ang daan patungo sa bahay nila James. Malayo pa lang ay tanaw na nya ang ate nitong may kausap sa labas.
Ihinto ni Jasmine ang kotse sa mismong harapan ni Ann at ng kausap nito. “Hi, si James?” bati ng kanyang pinsan.
“Eh sino ka naman?” tanong nito bago silipin ang loob ng sasakyan. Nang Makita siya ay agad na tinaasan siya nito ng kilay. “Wala si James, umalis.” Tipid na wika nito.
“Umalis? Eh sino yun?” umismid ang kanyang pinsan sabay turo sa may pintuan kung saan nakatayo si James.
“Ate naman bakit hindi mo sila papasukin.Hi Cookie, Hi Jasmine. Napasugod kayo?” tanong ni James at napakunot-noo ito ng mapagmasdan ang kanyang pamumutla.
“Cookie are you okay?”nag-aalalang tanong ni James kay Devon.
“Monster we need to talk, now.”
“Doon na lang tayo sa loob, Jas tara.” Aya ni James sa kanyang pinsan.
“No, I’ll stay here baka hindi ko matantya yang ate mo.”
Iginiya siya ni James papasok sa bahay ng mga ito habang nakasunod naman si Ann sa kanila. Tinignan nya si James at pasimpleng sinenyasan ito na kung maari ay silang dalawa lang ang mag-usap. Tumango ang binata bilang pahiwatig na naintindihan sya nito.
“Ate doon kami sa kwarto ko at huwag na huwag kang kakatok.” Hinila sya nito  papasok sa silid at hindi na hinintay ang sasabihin ng kapatid.
“Anong problema?”  tanong ni James habang yakap sya. Kinuha ni Devon sa loob ng bag ang mga kit at ibinigay iyon kay James. Nakita nya ang iba’t-ibang reaksyon sa mukha ng binata. Una ang pagkabigla at pamumutla, nasundan iyon ng pagkalito at ang nakikita nya ngayon ay kagalakan.
“Yessss!!!!”sigaw ni James na ikinagulat ni Devon.
Muli siya nitong niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na sinambit ang kanyang pangalan.
“Teka lang James, ano ang gagawin natin?”
“Ano pa eh di pakakasalan kita kahit saang simbahan. Bubuo tayo ng pamilya natin, magiging Masaya tayo. Maghahanap ako ng trabaho at haharapin ko ang mga magulang mo kahit gulpihin at itali pa ko ni Tito JP.”
“Akala mo ba ganon kadali yun? Paano ang dapat ay career mo?” naalala nyang excited si James sa pagsisimula ng show nay un.
“Hindi na mahalaga yun, ang importante ay kayo ng magiging baby natin. Kayo Devon.” Seryosong wika ni James. Bahala na, naiwika ni Devon. Ang tanging problema nila ngayon ay kung paano sasabihin sa kanyang mga magulang ang lahat.
****
Hindi nila alam na nagpupuyos sa galit ang ate Ann ni James sa kabilang silid. Dinig na dinig nito ang pag-uusap ng dalawa. Narinig nyang buntis ang babaeng yun at ang kanyang kapatid ang itinuturong ama. Malay ba nya kung sa kapatid nya nga iyon, sa dami ng kaibigang lalaki ng babaeng yun.
“Hindi ako papayag na sirain mo ang magandang bukas na naghihintay kay James, gagawa ako ng paraan.”
Ipinangako nya sa sariling hindi nya hahayaang mawala ang oportunidad ng kapatid. Narinig nyang naka-alis na ang babae. Kailangan nyang mag-isip bago makausap ng dalawa ang mga magulang ni Devon.
****
Kinabukasan nakatangap si Devon ng text message mula sa isang unfamiliar number. Binuksan nya ang mensahe at nagulat ng makitang sa Ate Ann ni James iyon galing. Humihiling sa kanya na magkita sila sa isang lugar. Nagtataka man ay tinawagan nya ito.
“Hello, ate saan po tayo magkikita?”bungad nya dito ng sumagot.
“Sa Fast food shop sa labas ng Village, para makapagbonding naman tayo.” Sagot nito na ikinagulat niya. Marahil ay sinabi na ni James dito  ang kanyang kalagayan at mag-uumpisa na itong bumait sa kanya. Pumayag syang makipagkita dito kaya mabilis syang nagpaalam sa mga magulang.
Sakay ng kanyang kotse ay tinungo nya ang naturang fast food shop. She went straight inside and learned that Ate Ann is there waiting for her. The woman is seated in a far corner na hindi agad mapapansin ng tao kung hindi ka galing sa entrance.Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng Makita ang malamig na ekspresyon nito.
“Hindi ako makikipagplastikan sayo, eto.” Inihagis nito sa mesa isang bungkos ng gamot.
“Ano po ito?”
“Gamot diba? Alam kong buntis ka Devon kaya iyan ang dapat na inumin mo para mawala ang bata sa tiyan mo.”malamig na wika ni Ann.
Nanayo lahat ng balahibo ni Devon sa narinig mula sa babae, hindi nya akalaing pati sa walang malay na bata ay malaki na ang galit nito.
“Ano ang kasalanan ko sayo bakit hindi mo ko matanggap para kay James at pati ang baby na pamangkin mo ay idadamay mo pa. How could you?” puno ng hinanakit na wika niya.
Mabuti na lamang at walang tao sa lugar na yon kaya walang nakakarinig ng usapan nila. The woman let out a smirk before answering. “Gusto mong matanggap kita? Pwes gawin mo ang sinasabi ko.”
“I can’t do that over my dead body,”matigas na wika nya.
Nakita nya ang pagbabago sa anyo ni Ann. Mula sa matigas ay napalitan iyon ng ibang emosyon. At mas nagulat sya sa mga sumunod na nangyari. Sa mga sinabi nito, sa ginawa nito.
Ginulo nito ang isip nya, mas lalong nawalan ng direksyon ang mga planong balak nilang tahakin. Kung wala ang Ate Ann ni James, malamang hindi ganito kalaki ang magiging problema nila. Bumuntong-hininga sya bago sinagot ang kausap - “Pangako”
 at agad na tumayo at nilisan ang lugar na yon. Tama naman ang babae, nagiging makasarili sya. Kung mahal nya si James, hihilingin nyang maging maayos ang buhay nito.

****
She’s waiting for James in their favorite hangout. Sa Teen’s Corner, pinadalhan nya ito ng text message kung pwedeng katagpuin sya doon. She made a decision na alam nyang ikagagalit nito.
“Hey Cookie, bakit gabi ka na nagtext, makakasama sa baby natin yan.” Wika agad ni James habang lumalapit sa pwesto nya.
“Don’t act as if you’re really happy James.” Seryosong sagot nya. Nakita nya ang pagkabigla sa mukha ng binata.
“Hey, what’s happening?” tanong nito.
“I’m sorry, hindi ko pa kayang magkaroon ng pamilya James. Hindi pa ko handa.”diretsong wika ni Devon.
“Teka lang ha, hindi kita maintindihan.” Naiinis ng sagot ni James.
“Ok, let’s put it this way. Wala ka ng obligasyon sakin James. I got rid of the baby.” Walang gatol na wika ni Devon habang diretsong nakatingin kay James.
“Anak ng pu---!” napamura si James at nakita nya ang galit na bumalatay sa mukha nito. “Ipina-abort mo ang anak ko? Paano mong nagawa yun? Paano?” hinawakan sya nito ng madiin sa balikat at niyugyog.
“I told you already, hindi pa ko handa. At sigurado akong wala kaming patutunguhan kung ipagpapatuloy natin yan sa ngayon. Anong  bukas ba ang maibibigay mo sa amin ha James? Wala pa diba?” patuyang wika ni Devon.
“Sabihin mo sakin na joke lang ang lahat ng ito, Cookie please.” Samo ni James.
“No, this ain’t a joke. The baby is gone, and I’ll be marrying him in the near future.” Turo ni Devon sa lugar kung saan nakatayo si Bret.
Galit na lamang ang nasa mukha ni James, at nagpapasalamat sya dahil hindi ito nananakit ng babae. Dahil kung nagkataoon baka nasapak na sya nito.
“We’re going” tinalikuran nya ito ngunit nilingon ulit ng may maalala “one more thing, don’t let that opportunity pass you by. Sayang yun, makakatulong yun para umangat ka. Good luck James and thank you for everything.”
“You’re a damn bi*ch!” galit na wika ni James. Malugod na tinanggap ni Devon ang sinabi ng binata dahil ayaw na nya ng argumento.
Tinalikuran na nya ang lalaki dahil ilang sandali nalang ay babagsak na ang luha sa kanyang mga mata. Agad syang nilapitan ni Bret at inakay palayo sa lugar na yon. Sapo ang kanyang impis na tiyan, paulit-ulit nyang inusal ang mga katagang “I’m sorry, Baby”
Nasa di kalayuan ang kanyang sasakyan na minaneho ni Jasmine. Sa tulong ng dalawa, naisagawa nya ang plano. At sa harapan ng dalawa, umiyak sya na parang wala ng bukas. Iniyakan nya ang pagkawasak ng puso nya at ang pagkasira ng kinabukasan ng walang muwang na bata. Iniyakan nya ang tuluyang pagkadurog ng Cookie Monster na kahit kailang ay hindi na muli pang mabubuo. Patawarin sya ni James, ngunit para dito ang kanyang ginawa. 
****

Kung may emosyon pang mas matindi sa galit iyon ang nararamdaman ni James. Galit na galit sya sa babaeng inakala nyang minahal sya. Sa taong handa nyang pag-alayan ng lahat. Sa pagkadamay ng isang buhay na walang muwang. Pagkaisip sa magiging anak nil asana ay nasuntok ni James ang isang rock bench. Kahit madurog ang kamao nya balewala iyon sa sakit na nararamdaman nya.
Ipinangako nya sa sariling iaangat ang buhay para ipamukha sa babaeng iyon na malayo ang mararating ng isang katulad nya.