Monday, 27 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 22


CHAPTER 22

Manchester, U.K.


“I should be happy for him.” Devon told herself. Maingat nyang pinatay ang TV dahil tapos na ang pinapanood nya. Masakit na din ang mata nya sa kakaiyak, at ubos na ang tissue box sa harapan nya. She watched James concert through special viewing. Alam nya ang lahat ng nangyayari sa binata simula ng araw na lisanin nila ang Pilipinas. Kanina nakita nya si Tricia ng maitutok dito ang camera. Pamilyar na kurot sa puso ang naramdaman nya dahil alam nyang may plano ng magpakasal ang dalawa. Sinubaybayan nya kung paano nakilala sa showbiz at sumikat ng husto ang isang James Roy, ang screen name ni James.

She glanced at a glass cabinet kung saan naroon ang lahat ng collections nya ng albums, cd’s and concerts ni James Roy.  She patiently watched him as he took the big break in showbiz. Masaya sya na napabilang ito sa Youth Oriented show kung saan nakilala ang husay nito sa larangan ng musika. She even have a collection of his movies. At sa bawat eksena ni James sa ibang babae, ilang sugat ang tumatatak sa puso nya. But she accepted the inflictions, because she has none to blame.  She rejoiced with him when he grew into a fine young musician. Every awards he received, she applauded for him. James Roy was born and they said the rest is history. She knew a lot about him, she is his number one fan.

“Eight years, James. I’m so happy you made it that far.” Kausap nya sa larawan nito. “What if we’re still together? Will you be there now?” malungkot na wika nya. Hindi nya na napigilan ang sarili na muling mapaluha kaya hindi nya namalayan ang pagdating ng kasama.

“You’re crying again.” Wika ng bagong dating.

Pinunasan nya ang luha bago sagutin ang lalaki “Nah, I’m fine. Don’t mind me.”

“What’s the matter?” muling tanong ng lalaki. Nilapitan sya nito at niyakap. She hugged him back and gave him a kiss on his cheek.

“I said nothing, you don’t have to be nosy. I’m alright.”

Inilibot nito ang paningin sa paligid at nafocus ang atensyon sa larawan na hawak niya. Kinuha nito ang picture frame at kunot-noong nagtanong.

“Is he making you cry again? Who is him in your life? Why can’t you tell me the reason?” puno ng hinanakit na wika ng lalaki. Hindi sya agad nakaimik, dahil tama ito hindi nya masabi ang dahilan kung bakit sya umiiyak ng dahil dito at kung sino ito sa buhay nya.

“In time, I will explain to you don’t be angry. Just give me time please.” Pakiusap nya sa lalaki.

“You know I love you so much, and my love for you have no comparison. I will understand, I promise.”  Ibinaba ng lalaki ang picture frame sa mesa at humilig sa kanya.  “I don’t want to see you sad anymore.”

“Thank you, you’re my guiding star. As I’ve said, in time you will know. Not now, I’m not yet ready,” sagot nya.  “Do you understand?”

Tumayo ang lalaki sa harapan nya at ipinulupot ang mga kamay sa kanyang leeg.  He kissed her on her cheeks, and all the pain and loneliness subsides.

“I love you Mama, so very much! If I get bigger, I mean older, I won’t let any man make you cry. I will punch them!”nakanguso pang wika ng kanyang anak.  Natawa sya dito dahil akala mo ay malaking tao na kung magsalita.  Sa edad nitong 7 taon, para pa rin itong 5 years old.  Naalala nya ang mga panahong inilagak nila sa ospital. Mahigpit nyang niyakap ang kanyang anak.

“No, baby I love you so much. You are my only treasure, Robert James. Mama will love you forever.” Wika nya sa anak habang kinakalong ito at niyakap sa kanyang dibdib.

“Mama, I know, I may still be young but I can understand you. And, remember, I’m the only man in this world that can love you wholeheartedly.” Muling wika ni RJ bago naghikab. Hapon ng mga oras na iyon kaya nap time na ng kanyang anak. Nakatulog na ito sa kanyang kandungan.Habang hinahaplos ang buhok ng bata, hindi nya mapigilan ang pagdaloy ng kanyang luha. Ang mga alaala  ay naguunahang bumalik kahit na pigilan nya. Napapikit sya at tinanggap ang pagbabalik tanaw ng kanyang diwa…..

****

She cried until there’s no tears to flow. The pain is unbearable,  she knew the scars will stay forever.

“Tama na Devon, makakasama sa baby mo yang ginagawa mo. Please stop crying.” Samo ni Jasmine sa kanya. Kanina pa sya yakap nito at alam nyang nahihirapan din ang pinsan sa kalagayan nya.

“Yes, Jas is right. Please stop crying, it might affect your condition. This is what you want, remember.” Wika ni Bret.

She sobbed and sighed, “Yes, tama kayo. This is what I want, ako ang nagdesisyon nito, pero bakit ganon? Parang hindi ko kaya.”

“Buwisit kasi yang Ann na yan eh! Masyadong kontrabida, kakalbuhin ko yun eh.” Galit na wika ni Jasmine.

“Hey easy mate, you don’t need to be violent because of that girl.”wika ni Bret dito.

“I’m so sorry Ate Jas, Bret. Pati kayo nadamay sa problema ko. I should be strong, it’s for James’ own good.” Pinunasan nya ang mga luha sa kanyang pisngi at inayos ang sarili. Kailangan na nyang umuwi bago dumating ang parents nya.

“Devon, sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mong ito. Naawa ako sa inyo, lalong-lalo na sa magiging pamangkin ko.” Malungkot na wika ni Jasmine. “Hindi pa nga naipapanganak tinanggalan mo ng karapatang magkaroon ng ama.” Dugtong pa nito.

“I know ate Jas, but please let’s not talk about it. We need to find a way on how to tell my parents about my condition. Come on let’s go home.” Pag-aya nya sa dalawa.

“Ok, Jasmine where’s the key, I’ll drive.” Tanong ni Bret.

“Here,” ihinagis ni Jasmine ang susi sa lalaki. Sa kabila ng kalungkutang nararamdaman, napangiti sya dahil parang mas maton pa ang pinsan kaysa sa kaibigan nya.

“I wanted to punch that bastard’s face if you’ll just let me Devon, he doesn’t deserve this sacrifice from you.” Inis na wika ni Bret habang nagmamaneho.

“Will you please stop? I thought you said, I don’t need to be violent?  My cousin doesn’t need you “superhero ego” now.” Ganti dito ni Jasmine.

“I’m sorry.” Hinging paumanhin ni Bret at nagpatuloy na ito sa pagmamaneho hanggang sapitin nila ang kanilang bahay.

****

Nadatnan nilang naroon na ang kanyang mga magulang. Binati nila ang kanyang ama na nakaupo sa sala.

“Dada,” nilapitan nya ito at hinalikan sa pisngi, “where’s Mum? Tanong nya dito. Nakaupo sa magkatabing sofa sina Bret at Jasmine kaya kita nito ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng ama ni Devon.

“What happened to you? Bakit parang umiyak ka ng umiyak?”

“None Dada, I’m not feeling well kasi eh.” Matipid na wika nya sa ama

“You’re not feeling well kaya you’re taking these medicines, ha Devon?” dagundong na wika ng kanyang ina habang papalapit sa kanila at may dala-dalang maliit na plastic bags. She recognized that bag, dahil nakasulat sa plastic ang pangalan ng doctor at ang espesyalidad nito. Iyon ang lalagyan ng mga gamot na nireseta sa kanya ng kanyang OB-GYNE. Mga vitamins para sa kanya at sa kanyang baby.

Napasinghap ang pinsan nya at si Bret naman ay biglang namutla. Dahil  galit at disappointment ang nasa mukha ng kanyang ina.

“Para saan ang mga gamot na yan?” nilapitan ni JP ang asawa at kinuha dito ang plastic. “Dra. Mirasol Tan, OB-GYNE,”basa nito sa malamig na boses.

 Kumuha ang kanyang ama ng isang gamot at kitang-kita nya ang pagtakas ng kulay sa mukha nito “Ferrous sulfate, for you and your baby..” he trailed-off on the last part.

“Baby?!” his father’s voice boomed in the whole house. “What’s the meaning of this Devon?”

“Mum, Dad let me explain please.” Pagmamakaawa nya sa mga magulang.

“No, you listen to us. We thought you’re a responsible child, that you won’t break our trust. Bakit nangyari ito? Alam na ba ni James?” puno ng hinanakit na wika ng kanyang ina. Naroon lamang sya umiiyak habang nakikinig sa kanila.

“Answer your mother, Devon. Alam na ba ni James?” ulit ng kanyang ama.

Tango lang ang naisagot nya.

“So anong problema? Bakit hindi humaharap sa amin ang lalaking yun?” tanong ng kanyang ina.

Nagulat sya ng tumayo ang kanyang ama akmang tutungo sa pintuan. Pinigilan nya ang braso nito para hindi makalayo.

“No Dad, please let me explain first. Hindi mo sya kailangang puntahan.”

“Are you out of your mind? Kailangan kong makausap ang lalaking yun, wala syang isang salita!” tinanggal ng kanyang ama ang kanyang kamay na nakakapit dito. She saw that Jasmine and Bret wanted to help her with his Dad but she  shook her head.

Muli nyang hinarangan ang kanyang ama, “Please Dad, listen to me first. Listen to me!” she shouted. She doesn’t want to shout to her father but she don’t have a choice.

“How dare you shout at your father like that Devon?” galit na wika ng kanyang ama ng balingan sya.

“Stop it JP, let’s hear our daughter’s side first, please calm down. I know you’re angry but please, for our daughter.” Wika ng kanyang ina. Nilapitan sya nito  at niyakap “come on darling, tell us.”

Muli nyang tinignan sina Bret at Jasmine na parehong tumango. She inhaled and exhaled before telling them her decision. Sinabi nya sa mga ito ang napagpasyahan nya, sinabi nya ang mga dahilan kung bakit ganon dapat ang mangyari. Her mother couldn’t help but gasp, puro iling  ang nakikita nya dito habang nangingilid ang mga luha. Her father on the other hand showed no emotion at all.

Tigib sa luha ang kanyang mga mata matapos ipaliwanag sa mga magulang ang sitwasyon. Naroon lang ang kanyang ina, yakap sya at sinasabayan ang kanyang pagluha.

“Baby, why do you have to do that? We can help you, you should’ve told us first.” Wika ng kanyang ina. “Oh my baby, bakit kailangang pagdaanan mo ito?”umiiyak na wika ni Devvine.

“I’m sorry but I cannot accept it Devinne. That’s full of crap! Hindi ako papayag na tapakan na lang ng ganyan ang anak natin, hindi.” Wika ng kanyang ama. Muli itong tumayo at diretsong nagtungo sa pintuan. Hindi sya papayag na kausapin nito si James, at kahit nanghihina na sya, tinakbo nya pa rin ang kanyang ama upang mapigilan ito.

“Please Dad, no I’m begging you.” Muling pigil nya sa ama.

“No baby, you have to understand that I am your father and I don’t want to see you suffer like that.” Kinalas nito ang nakakapit nyang kamay ngunit hindi nya iyon tinanggal. “Be a good girl and let me go.”

“No Dad, No please.” Paulit-ulit nyang wika. Hanggang sa may maramdaman syang matinding sakit sa kanyang puson. She cannot explain the sharp pain she is feeling. Kaya naman kumawala ang daing sa kanyang bibig. Napasigaw siya sa sakit na nararamdaman.

“Ahhhh, it hurts! It’s so painful.” Kung hindi sya malapit sa kanyang ama malamang ay bumagsak na sya sa kanilang marmol na sahig.

“Baby what’s hap-” nahinto ang kanyang ina ng makita ang pulang likidong umaagos sa kanyang hita “Oh my God, JP dalhin natin ang anak natin sa ospital quick! Oh please save our baby.”umiiyak na wika ng kanyang ina.

Sa nanlalabong diwa, naunawaan nya ang sinabi ng ina, nanganganib ang kanyang baby. She can feel the warm liquid coming from her, she reached for her leg to touch it. She saw blood, and she panicked. Hindi pwedeng mawala ang anak nya.

Naramdaman nyang binuhat sya ng kanyang ama at matulin nitong pinatakbo ang sasakyan.
She can hear her mother uttering prayers, while his father cursing himself.

“Hang on my baby, please hang on.”usal nya habang may luhang tumulo sa kanyang mga mata bago tuluyang lamunin ng dilim ang kanyang gunita.

1 comment:

  1. Sabi ko na nga ba eh..malaking gulo ang mangyayari..naku..muntik na palang mag-miscarriage si Devon.

    Waah..Dyosang Lav..nadala na me sa kuweto..

    Anyhoo..I have a feeling na ang mag-kakatuluyan ay si Jasmine & Bret...hehehehe.

    Woohoo, supporting role na pala si Justa. I lurve it.

    Ako kaya kailan??? Gusto ko antagonist role ko..hahaha.

    Okies..next chapter here I come..

    ReplyDelete