Saturday, 25 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 17-18

CHAPTER 17

Naghapunan muna silang magkakasama bago ang alis ng kanyang mga magulang. Tumawag ang Lola Ivanna nya  at ibinalitang lumulubha ang kalagayan ng kanyang Lolo. Lalong nabalisa ang kanyang ina sa nalaman kaya naman kapansin-pansin dito na wala itong ganang kumain. Ang kanyang ama ay naka-alalay lang sa esposa.
“Iha, call us whenever you want. If you need something for your birthday, you can use your card. And your car will be delivered on Sunday.” Wika ng kanyang ama.
“Don’t bother about that Dada, I’ll be okay.”
“Do whatever you want on your birthday but be responsible. You have our trust. And we are trusting that James will take care of you during our absence.” Pahabol pa ng kanyang ama. Ipinagbigay alam na nya sa nobyo ang nangyari at gagawa daw ito ng paraan upang makaluwas kinabukasan.
“Mum, be strong,”nilapitan nya ang ina at niyakap ito. “I know Lolo can make it. He’s a strong person. God will heal him.”she said to her mother. Her heart is crying when she see the pain and agony in her mother’s face.
Sumapit ang oras na pag-alis ng kanyang mga magulang. Katakot-takot na paalala at mga bilin ang iniwan ng mga ito sa kanya bago sumakay sa naghihintay na taxi.
Before she went to bed, prayed for their safe flight and of course, her Lolo’s total recovery.
****
She received a call from her parents the next day informing her that they arrived in New York already. Her mother also told her that Lolo Ignacio will undergo a bypass operation.
“I love you both din po. Please kiss Lola Vanna for me. I miss them too.” Sagot nya sa kanyang ina bago tuluyang nagpaalam.
It’s a boring day for her. At wala ni isang text message mula kay James. Natapos na ang inis nya dahil don at hindi na lang nya pinapansin dahil baka may dahilan ang binata. She went to the music room to play piano pero distracted sya dahil sa kalagayan ng lolo nya.
Wala syang magawang maganda ngayong araw, at dapat ay excited sya dahil bukas Sunday na. Her 18th birthday, she will become a lady. But unlike some girls who goes gaga over some debut parties, she will spend it alone. Dahil kung wala si James, mag-isa lang talaga sya. Itutulog nya na lang bukas or mag jo-joyride sya gamit ang bagong kotse nya.
Nagulat sya ng mag-ring ang telepono. She hesitantly answered the phone and heard Pat’s mother on the other line.
“Hi Devs, would you mind coming over to help me with somethings?” tanong nito.
“Sure Tita, I’m coming.”
“Thank  you my dear. Just go straight to the kitchen. See you.”paalam nito.
Nagpalit sya ng damit at tinungo ang pinto. Mabuti ding tulungan nya ang ina ni Pat para naman may pagkaabalahan sya ngayong araw.
Pumasok sya sa tahanan ng mga ito at nakita nyang naghahanda ang ginang ng mga iluluto para sa family reunion na dadaluhan ng pamilya kinabukasan. Marami-rami ring ang kailangang gawin at mabuti ay tinawagan sya nito.
“Glad you came Iha, you see off ng maid today at sick leave yung isa. So I’ll be very grateful of your help.”
“Don’t mention it Tita. So how can I help you?” sinabi nito ang kanyang gagawin. She started cutting the vegetables and other ingridients. While Patrick’s mother started cooking. Para lang silang nasa cooking show with a Chef and her assistant. Sinabi nya iyon sa ina ni Pat at natawa lamang ang ginang sa kanya. They had their lunch and started cooking again. Maraming putahe ang iluluto ng ginang dahil sa pamilya nito nakatoka ang foods.
Napagod sila pagkatapos ng lahat but worth it naman dahil masasarap ang putaheng nailuto. Gusto ng ginang na bigyan sya ng bawat isang putahe ngunit tumanggi sya. Tanging yung pasta ang hiningi nya dahil gusto nya iyon.
Matapos mahugasan at mailigpit lahat ng kanilang ginamit, ay pasalampak na naupo sila sa sofa.Muli syang tumayo at nagtimpla ng juice para sa kanila.
“Oh my, Iha imagine me doing all those if you didn’t come. Malamang hindi pa ko tapos ngayon! Thank you talaga.”
“You’re welcome Tita. Kayo pa eh malakas kayo sakin.” Nakangiting wika nya dito. “Uhm, nasan po pala si Patrick?” tanong niya dahil kanina pa nya hindi nakikita ang kaibigan.
“Yung magaling na batang yun, may kakatagpuin daw. Hindi pa nya sabihing may ka date sya.” Himutok  nito.
“E ano naman Tita kung may ka date?” tudyo nya dito.
“Well, okay lang naman, sana ipakilala nya samin ng Papa nya.”
Inubos nya ang laman ng baso at tumayo na. “You better rest Tita, alam kong pagod na pagod kayo. And ako din po uuwi na it’s getting late na.”
“Tama Iha, sorry for keeping you this long.”
“Nah, it’s okay. I can stay if I didn’t know you needed a rest.” Hinalikan nya ito sa pisngi at muling nagpaalam dito.
“Bye Tita, rest now. And thank you for this.” Itinaas nya ang box na naglalaman ng pasta. Naglakad na sya pabalik sa katapat na bahay. Nagtaka sya kung bakit sarado ang ilaw sa kanila.Nagmadali syang naglakad upang marating agad ang kanilang tahanan.
“Manang, bakit po walang ilaw?” tanong agad nya pagkabukas pa lang nya ng pinto.
Walang sumasagot kaya naman kinabahan sya. Naalala nya ang nangyari sa kanyang ina dati kaya naman mabilis syang tumalikod at tatakbo na sana palabas ng may humawak sa bewang nya. Napigilan ang kanyang pagsigaw ng may labing dumapi sa kanyang mga labi.
Her scream was muffled by the kiss, she should feel panic pero taliwas doon ang nararamdaman nya. Her very first kiss, in the dark at alam nya kung kaninong mga labi iyon. The stranger kissed her softly before letting her go.
“Cookie, I missed you.” Narinig nyang wika ni James.
“Monster, you’re a.. real monster” paputol putol na sagot ni Devon.
“Ikaw kasi sisigaw ka pa, yan tuloy may first kiss na tayo ng wala sa oras.”biro nito sa kanya.
“Ano ba kasing pakulo mo at may pa sara-sara ka pa ng ilaw?”galit-galitang wika nya. “Magnanakaw ka!”
“Whoa, peace na Cookie.I just want to surprise you.” Tama nasorpresa nga sya, dahil sa halik nito. Simpleng halik lamang iyon ngunit nakatatak sa puso nya. Ang una.
“Bakit nga?”muling tanong nya.
“Dahil dito.” Wika ni James at kasabay niyon ang pagbukas ng ilaw at ang pag-awit ng “Happy Birthday to you.” Naroon si Patrick at ang ina nito, si Manang at ibang kawaksi at si Mang Kosme ang kanilang driver.
Nakita nya sa mesa ang pasta na iniluto nila ng ina ni Patrick kanina at nahinuha nyang para pala sa kanya iyon. Natawa sya ng makitang “Cookie Monster 18th Birthday” ang cake nya at alam na nya kung sino ang pasimuno nun.
“Happy Birthday Devon!” sabay-sabay na wika ng mga ito.
“Thank you, thank you so much. Pero bakit ang aga po? Bukas pa ah.”
“Iha, kasi bukas wala kami at wala din kayo dito ni James.”sagot ng ina ni Patrick.
“Wala po kami ni James? I don’t understand. Nasan na ba yung Monster nay un.” Nilinga nya si James at nakita nya itong nasa veranda at may kausap sa cellphone.
“Just ask him na lang Devs,” ngiting-ngiting wika ni Pat at iniabot sa kanya ang regalo nito.
“Happy birthday Devon, eto mula sa aming lahat.” Wika ni Manang at iniabot ang regalo.
‘Maraming salamat po.” Niyakap nya isa-isa ang mga ito.
“Oh ano na ang nangyayari? Kainan na!” wika ni James ng makabalik ito. Nagsimula na silang kumain. Doon nila sa veranda napiling mag-usap at para lang silang mga ewan na nakatitig lamang sa isa’t-isa.
“I missed you” sabay na wika nila.
“Hay naku, gaya-gaya ka talaga. Teka sino kausap mo?”
“Ikaw ha, nagiging matanong ka na. Ina-under mo na yata ako eh.”pabirong wika ni James.
“Eh di kung ayaw mong sagutin eh di huwag!”
“Eto naman matampuhin. You will know tomorrow, be ready at around 8 a.m.”
“Bakit saan tayo pupunta?” tanong niya dito.
“Sa birthday gift ko sayo. And stop asking questions missy, dahil I won’t be answering anymore. Basta bukas ha.”
“Okay Sir, wala ng tanong. Salamat James for this.”
“I’m just a part of it, pero lahat kami ang nagplan nito. Kinulit naming ni Patrick sila Manang.”
“Just the same, thank you for always making me happy.”
“You’re always welcome Cookie. You know I will do everything to put a smile on your face.” Sagot ni James.
Masaya nilang itinuloy ang kanilang pagkain. Kulitan at kwentuhan sa mga nangyari noong mga panahong malayo sila sa isa’t-isa. Iniwasan ni Devon na magtanong tungkol kay Tricia dahil alam nyang hindi iyon magugustuhan ni James.
Lumalalim na ang gabi kaya naman napagpasyahan na ng mga bisita ng umalis na. Nagliligpit na rin ang mga kawaksi at si James ay nagpapaalam na.
“I’m going now, basta bukas 8 a.m ha.”
“Opo, excited naman ako!”
“Goodnight my Cookie Princess.” Wika ni James at tuluyan na itong nagpaalam sa kanya.
She had a very long tiring but fun day. Kung nasimulan nya ang araw na puno ng boredom natapos naman itong masaya.  Una dahil sa munting salo-salo at pangalawa dahil sa pagdating ni James. Tanging ang boses ng mga magulang na lamang nya ang gusto nyang marinig. Dahil wala pa ulit tawag ang mga ito.
Nakatulog syang puno ng excitement ang dibdib. Saan sila pupunta bukas? Tanging si James lang ang nakakaalam.

 CHAPTER 18

Alas-siyete pa lang ay nakahanda na si Devon. Gustuhin man nyang maghanda ng gamit ngunit hindi naman nya alam kung saan sila pupunta ni James.
Alas-siyete y medya ng dumating ang binata. Pinagtaasan nya ito ng kilay dahil maaga itong dumating.
“Haha, good morning Cookie. Happy birthday!” Bati nito sa kanya.
“Haha ka dyan! Good morning din Monster.” Ganting bati nya dito. “Bakit ang aga mo pala?”
“Makikikain ng almusal”wika nito.
“Ang aga-aga pagkain agad nasa isip mo.”
“Kidding aside, may hinihintay kasi akong tawag mas mabuting makausap mo din.”And as if on cue, nag ring ang cellphone ng binata.
“Hello” sagot ni James. “Opo, opo,” narinig nyang wika ni James na may kasama pang tango.
Nagtataka sya kung sino ang kausap nito.
“Pangako po.” Muling wika ni James.
Iniabot ng binata ang cellphone sa kanya. Naguguluhang tinanggap niya ang cellphone.
“Hello”.alanganing bati nya.
Narinig nya mula sa kabilang linya ang pag-awit ng mga tao ng “Happy  birthday to you”. Naluha sya ng makilala ang boses ng kanyang ama’t-ina. Nang matapos ang awitin ay isang malakas na “Happy Birthday ang narinig nya.
“Happy Birthday princess from all of us here. From your Lolo and Lola, and the staff and nurses, they’re all wishing you a happy birthday.” Wika ng kanyang ina. Bakas sa tinig nito ang kasiyahan.
“Thank you Mum, I missed you already.” She answered sobbing.
“Oh my baby, please don’t cry. It’s hard for us too, but I have a good news for you.”
James wiped her tears, “What is it Mum?”
“Your Lolo Ignacio is getting better, his operation is successful!”
“Thank Heavens!”
“Yes dear, kaya enjoy your day with James.” Wika naman ng kanyang ama.
“I have no idea where is he taking me Dada,” reklamo nya sa kanyang ama.
Narinig nyang tumawa ito bago nagwika. “Just trust the man to surprise you,” wika nito. Huminto ang kanyang ama at narinig nya ang buntong-hininga nito bago muling nagsalita. “Just remember that we trust both of you, huwag nyong sisirain yun.”
Naguluhan man sya sa sinabi nito ngunit sumagot na lang sya “Yes Dad,”
Nakausap nya rin ang kanyang Lola Vanna na tuwang-tuwang makausap sya. She missed her gorgeous grandmother. Naniniwala syang ang gandang tinatamasa nilang mag-ina ay nagmula kay Donya Ivanna dela Vega-Castillanes.  Iniabot nya kay James ang cellphone dahil kakausapin daw muli ito ng kanyang ama. Nakita nyang seryoso ang nobyo kaya naman medyo lumayo siya. Nang matapos ang pag-uusap ng mga ito ay masayang nilapitan siya ng binata.
“Ready?”
“Yup, pero teka nga lang ha. Saan ba tayo pupunta?”
“Basta,” sagot nito sa kanya at binalingan ang kawaksi na papalabas ng bahay. Dala nito ang kanyang  overnight bag, “salamat ate.” Wika dito ni James.
“Tara na at mahaba pa ang byahe natin.”
 Nagtataka man ay tinanggap nya ang nakalahad na kamay ni James. Mahaba daw ang byahe, may overnight bag sya at higit sa lahat naka-shorts lang ang binata. May pagka-weirdo si James minsan.
Mula sa village ay sumakay sila ng taxi papunta sa isang bus station. Nagkakahinala na sya kung saan sila pupunta ngunit hahayaan nyang si James mismo ang magsabi sa kanya. “Nasugbu, Batangas” iyon ang karatula sa terminal ng bus. Sa mahigit isang taong pamamalagi nya sa Pilipinas ay ngayon lamang sya sasakay ng bus. Ipinararanas ni James ang mga bagay na hindi pa nya nagagawa.
Sumakay sila ng bus at nawili syang pagmasdan ang mga tao sa loob. Nakatingin din ang mga ito sa kanila kaya sinuklian nya ang mga ito ng ngiti. Siniko sya ni James dahil halos lahat ng kalalakihan sa loob ng bus ay nakatuon ang paningin sa kanya. Inakbayan siya nito at iginiya paupo.
“Ano ka ba, hindi ka basta-basta nakikipagngitian at titigan sa loob ng bus.” Sita nito sa kanya. Nahimigan nya ang inis sa boses nito ngunit alam nyang tama ito, ibang lugar nga pala iyon.
Habang nasa byahe ay tahimik syang nakamasid sa kanilang mga dinaraanan. Kahit mainit at maalinsangan ang panahon ay ayos lang sa kanya. Hindi aircon bus ang sinakyan nila dahil ayon kay James, tanghali pa ang luwas ng mga iyon.
“Wow, ang daming tao!” hindi nya napigilang mapabulalas ng mapadaan na sila matataong lugar.
“Shhh, Cookie naman huwag mo namang ipahalata na ignorante ka.” Natatawang bulong ni James sa kanya.
Kinurot nya ito sa tagiliran ngunit mabilis nitong nahuli ang kamay nya. “Tignan mo yun” may itinuro ito sa kanya ngunit paglingon nya wala naman syang nakitang kaaya-aya maliban sa mga bus sa highway.
“Wala namang-”sisitahin nya sana ito ng makita nya ang isang pulang rosas na hawak nito.
“Eto yung tinuturo ko sayo, ang tagal mong tignan kaya kinuha ko na. Para sayo C!” iniabot nito sa kanya ang bulaklak.
“Thank you M.” yun lamang ang nawika nya dahil narinig nila ang pinipigil na tawa ng mga kasama sa bus. Pasimple nyang nilingon ang mga ito at nakita nyang sa kanila nga nakatingin ang mga ito. May pagkaaliw na mababakas sa bawat mata.
“It’s better for you to sleep muna dahil puro bus pa lang ang makikita mo, gigisingin kita pag may maganda ng tanawin.” Wika nito sa kanya at inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito.
Hindi na kailangan magdalawang-salita ni James dahil mabilis siyang nakaidlip. Mainit ang katawan ng binata dagdag pang nakayakap ito sa kanya kaya naman napasarap ang tulog nya. Hindi alam ni Devon kung gaano katagal syang nakatulog , namalayan na lang nya ang banayad na yugyog ni James sa kanyang balikat.
Disoriented na nagmulat sya ng mga mata. Ang gwapong mukha ng binata ang bumungad sa kanya, nakangiti ito at muling itinuro ang bintana. Sinundan nya ng tingin ang gawi na iyon at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, napakaganda ng tanawin. Sa gitna ng haring araw, ang dagat na nadaraanan ay kumikislap sa sinag nito. She put on her sunglasses at muling tinanaw ang paligid.
“Lovely!” wika nya.
Ang mga puno ng niyog ay nagpapataasan, ang mga cottages, nagpapagandahan. Alam nyang nasa Batangas na sila, ngunit hindi niya alam kung saan sila doon.
“Malapit na tayong bumaba,dahil tayong dalawa na lang ang nandito.” Natatawang wika ni James sa kanya.
Tama ito, silang dalawa nalang ang pasahero.
“Manong doon na p o kami sa susunod na cottage.” Wika ni James sa kundoktor.
Huminto ang bus at inalalayan sya nitong bumaba. Outing ang regalo ng binata sa kanya.
Magkahawak-kamay na tinungo nila ang cottage. Isa iyong two-bedroom cottage, natanawan nyang malayo sila sa mga ibang cottages.
“This is my gift to you. Inipon ko ang ginastos ko dito para maging espesyal ang iyong 18th birthday at ang unang taon nating magkakilala.” Wika ni James sa kanya.
Oo nga pala, one year na silang magkakila at ilang araw mula ngayon ay isang taon na din ang kanilang relasyon.
“Thank you so much James, I love you.” Sa tuwa ay nayakap niya ng mahigpit ang nobyo.Ginantihan naman nito ng mas mahigpit na yakap at ramdam nyang nagkakatensyon sa paligid nila.
Kumalas sya sa yakap nito at sinabing nagugutom na sya.
“Magluto tayo, puno ang ref kaya bahala tayo kung ano ang kakainin natin.”
At magkasama nilang inihanda ang kanilang tanghalian.  Harutan at batuhan ang nangyari bago nila natapos lutuin ang pritong itlog at ginisang gulay. 

1 comment:

  1. naiyak naman ako sa simple bday surprises fro devon lalo na yung greetings ng parents nya...

    pero bakit parang kinakabahan ako sa overnight??? hahaha...

    ReplyDelete