CHAPTER 13
“What was that? What are you doing outside in the middle of the night with him?”sunod-sunod na tanong ni Bret sa kanya.
“We’re talking and why are you sooooooo angry?” naiinis na sagot nya dito. She doesn’t like the way he asked her as if he’s her boyfriend.
“Tita called me to check on you and seems you’re doing fine. What’s that?” tanong nito ng makita ang Cookie Monster stuffed toy na bigay ni James.
“A stuffed toy, duh?” sagot nya dito.
“I know it’s a freaking baby toy, I mean where the hell it came from?”
“You know what, this is a gift from a special person so if you will just piss me off, just go.”inis na sagot nya at tinalikuran ito.
She is totally pissed off with his attitude. She knew he’s jealous upon seeing her with James. But what can she do, Bret is just a brother to her. It cannot be changed, and she hope in the near future he will accept that. Because James is the only one for her.
Narinig nya ang pag-andar ng sasakyan nito, senyales na umalis na din ito. Wala syang pakialam kung magsumbong ito sa mga magulang nya dahil sigurado syang bukas ay pupunta si James sa bahay nila.
“Manang meet Cookie Monster.” Iniharap nya sa matanda ang regalo mula kay James at ipinakilala ito.
“Wow, ano nga ba yan?” tatawa-tawang sagot nito.
“Regalo galing kay Monster. Kakain na po ako.”
Ipinaghanda sya nito ng hapunan. She ate the most delicious dinner in her life kahit wala ang kanyang mga magulang.
*****
“Saan ka na naman galing?” bungad ni ng Ate Ann pagkadating nya.
“Kay Cookie, este kay Devon. Ibinigay ko lang yung regalo ko.”
“Ano ba James, ilang beses na kitang kinausap. Bakit hindi ka nakikinig sakin?” himutok ng ate nya.
Oo, ilang beses na sya nitong kinausap simula ng sabihin nya na gusto nya si Devon. Kesyo wala daw mabuting idudulot ang babae sa kanya dahil sa antas ng pamumuhay nila. Masyado daw mataas ang pangarap nya at kahit kailan ay hindi tutugunin ng dalaga ang pagmamahal nya. Nagkamali ang ate nya, dahil nadama nya na mahal din sya ni Devon. Tanging pormalidad na lamang at ang pakikipag-usap nya sa mga magulang nito ang kulang para masabing opisyal na sila.
“Dahil alam kong may pag-asa ate. Sorry ate pero, Kami na ni Devon. Girlfriend ko na sya.” Pagmamalaki nya sa kapatid.
“Ano? Hindi pwede James, bata ka pa para magka-girlfriend. Ang pag-aaral mo ang atupagin mo. Hindi tayo mayaman kaya walang puwang sa pag-aaral mo ang distraksyon!” galit na wika ng kapatid nya.
“Hindi magiging distraksyon si Devon ate, inspirasyon pa nga eh.Patawarin mo ko pero susuwayin kita ngayon. Pagbigyan mo nako.”
“Pagbigyan? Alam mo ba ang sinasabi mo ha? Nagpapakahirap ako para matustusan ang pangangailangan mo tapos ito lang ang igaganti mo?”
“Ate naman, bakit ba galit na galit ka?”naiiritang tanong nya dito. Oo, naiintindihan nya ang sentimyento nito. Ang hindi nya maintindihan ay kung bakit galit na galit ito ngayon sa kanya.
“Sinong hindi magagalit sa ginawa mo? Alam mong ayaw na ayaw ko sa babaeng yun at yun pa ang napili mong maging girlfriend! Bakit hindi na lamang sya.” Turo nito sa likuran nya.
Nilingon nya itinuro ng kanyang ate at nakita nya si Tricia na umiiyak.
“What James? Is it true? Kayo na ni Devon?”
Napabuntong-hininga sya dahil sa inis. Eto ang dalawang babaeng kinaiinisan nya ngayong gabi, magkasama. Alam na alam nya na inirereto sya ng Ate Ann nya kay Tricia. At ilang beses na din nyang ipinaliwanag sa ate nya na walang puwang sa puso nya ang batang si Tricia.
“Ewan ko sa inyong dalawa.” Tinalikuran nya ang dalawa at mabilis na lumabas ng bahay.
“Hoy James bumalik ka nga dito,” narinig nyang tawag ng kanyang ate. Magpapalipas muna sya, ayaw nyang matabunan ng inis ang kaligayahang kanina’y nadarama nya. He will think of happy thoughts, sweet memories na nangyari kanina habang kausap nya si Devon.
****
Maagang nagising si Devon kinabukasan upang ipaghanda ng almusal ang mga magulang nya. She knows how to cook, her Mum see to it that she will learn. Afternoon shift ang klase nya kaya may time pa sya. Natulog syang may ngiti sa labi at kayakap si CM.
She cooked ham and cheese omelette, special fried rice and sausage rolls. Napakaganda ng gising nya kaya inspired syang magluto.
“Hmmm, looks like an angel’s cooking our breakfast.” Narinig nyang wika ng kanyang ama.
“Good morning Dada, I miss you.” Niyakap nya ang ama at ginawaran ng halik sa pisngi. “Where’s Mum?”
“She’s doing some morning stuff and gonna be here for a short while.What’s for breakfast sweety?”
“Here, your Majesty.” Biro nya sa ama at inilahad ang kamay sa mga pagkaing niluto nya. Nakita nya ang kagalakan sa mukha nito gayun din sa kanyang ina ng lumapit ito sa kanila.
“To what or whom do we owe this special breakfast?” tanong ng kanyang ina.
Niyakap at ginawaran nya rin ito ng halik bago sumagot. “Nah, Mum Dad I just missed you last night kaya here. Enjoy your breakfast your Majesties.”
Iginiya nya ang mga magulang sa hapag-kainan at sya na rin ang nagsilbi sa mga ito. Masaya silang nagsalo sa agahan at puro papuri ang natanggap nya mula sa mga magulang.
Sumapit ang oras ng kanyang pagpasok sa unibersidad, nagpaalam sya sa mga magulang at sumakay na sa kotse upang ihatid ng kanilang driver. Nakaguhit lamang ang ngiti sa kanyang labi dahil makikita nya si M sa unibersidad.
CHAPTER 14
Exempted sa klase ang mga kasali sa play. Ang play na pinag-auditionan nila James at Devon na parehas silang natanggap at lead role pa. Ang “Romeo and Juliet, La Musicale”. Silang dalawa ang main cast habang ang iba kabilang na ang dalagang si Jasmine Castillanes ay mga supporting roles. Isang buwan na lang ang kanilang preparation bago ang naturang pagtatanghal kaya naman puspusan ang kanilang ensayo at voicing lessons. Mabuti na lamang at si James ang kanyang kapareha kaya naman komportable sya sa pagganap.
“Nakakadala ang istorya nila Romeo and Juliet, buti nalang at pamilyar na tayo dun” wika niya kay James.
“Yup, at buti nalang ikaw si Juliet. Pero sa totoong buhay hindi mangyayari satin ang istorya nilang dalawa, Cookie.”
“Sira ka talaga.” Sagot niya dito. May sasabihin pa sana sya ng marinig nya ang –
“Excuse me” wika ni Jasmine Castillanes. Nakaharang nga naman sila sa daraanan nito kaya binigyan nila ito ng puwang. Maraming beses na nyang gusto itong makausap at maging kaibigan kaya lang ay na-iintimidate talaga sya dito. Di bale mahaba pa naman ang taon nila sa unibersidad kaya may pagkakataon pa sya.
****
Araw ng pagtatanghal,sa loob ng pinakamalaking auditorium ng unibersidad kasalukuyang itinatanghal ang “Romeo and Juliet, La Musicale”. Jam-packed ang buong paligid. Kabilang sa mga manood ang mga Deans, Board of Directors ng University. Ang mga magulang ng mga gumaganap, ang mga press people at lingid sa kaalaman ng iba, may mga talent scouts din sa mga manonood.
Araw ng pagtatanghal,sa loob ng pinakamalaking auditorium ng unibersidad kasalukuyang itinatanghal ang “Romeo and Juliet, La Musicale”. Jam-packed ang buong paligid. Kabilang sa mga manood ang mga Deans, Board of Directors ng University. Ang mga magulang ng mga gumaganap, ang mga press people at lingid sa kaalaman ng iba, may mga talent scouts din sa mga manonood.
“I’m so proud of our baby JP.” Bulong ni Mrs. Palacios sa asawa.
“She is more like you, she got that talent from you.” Kinintilan nya ng halik sa sentido si Devvine. Totoo ang sinabi nya, sa kanyang esposa nakuha ni Devon lahat ng talentong ipinapakita nito ngayon.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid ng mapadako sa huling parte ang play. Ang parteng kung saan ay mamamatay na ang mga bida. Sobs can be heard all over the place. Damang-dama ang emosyon sa mga nagsisiganap. Devvine heard someone said, “Those kids are really amazing.” At napuno ng pagmamalaki ang kanyang puso dahil ang anak nya ay nandun sa taas ng entablado, nagtatanghal.
Masigabong palakpakan ang namayani sa loob ng auditorium ng matapos ang play. Ipinakikilala na ang mga nagsipagganap. Napako ang tingin nya sa dalagang nagngangalang “Jasmine Castillanes”, napatingin sya sa kanyang asawa at alam nyang pareho sila ng iniisip. Hindi nya masyadong napansin ang dalaga kanina dahil tutok ang atensyon nya kay James at Devon.
Si James, naisip nyang bigla. Naalala nya ang araw na kinausap silang mag-asawa ng binata. Bilib sya sa tapang nito na harapin ang kanyang asawa. Hindi lingid dito ang uri ng trabaho ni JP Palacios dati. Kinausap sila nito tungkol sa kanilang anak na si Devon. Ramdam nya ang espesyal na pagtingin ng dalawa sa isa’t-isa nung simula pa lang at lalong tumibay iyon noong kaarawan ni Devon.
Niligawan nito ang kanilang anak sa kanilang tahanan at ipinakita ang respeto nito sa kanila kahit medyo tutol ang kanyang asawa. Ngunit sa huli ay napapayag na din ito kapalit ng pangako ng dalawa lalo na ng kanilang anak na tatapusin muna ang pag-aaral bago ang ano pa man. Obidiently, the kids promised. And she is happy to see her daughter perform really well with her boyfriend.
Nang tawagin na ang pangalan nila James at Devon ay hindi nya napigilang mapaluha. Nilapitan nilang mag-asawa ang dalawa, they extended their congratulations to the whole cast.
“Oh my God Iha, we are so proud of you. And to you too James. Congratulations.” Wika niya.
“Congratulations, Princess.” Iniabot ni JP ang bouquet sa anak “Congrats, pare”biro naman nit okay James.
“Thank you po.” Sabay na wika ng dalawa.
Pasimpleng nilibot ni Devvine ang paningin sa paligid hanggang makita ang kanina pang hinahanap ng mga mata nya.
“Wait, I think I know her.” Wika nya sa kanyang anak.
“Si Jasmine Mum?” tango na lamang ang isinagot nito at mabilis na nilapitan ang dalaga kasama ang mga magulang nito na nakatalikod sa kanya. Malakas ang kutob nyang sila nga iyon.
“Ivander cousin, Marisa is that you?” siguradong tanong niya. Napalingon ang mga ito sa kanya at kitang-kita nya ang pagkagulat ng mga ito. Narinig nya ang boses ng kanyang asawa at nalaman nyang nakalapit na din ang mga ito sa kanila.
“Yosoy! Castillanes!” wika ni JP.
“OWEMGI! I can’t believe it.” Wika naman ni Maris na nakatitig pa din sa kanila.
“Sabi ko na nga ba!” magkasabay na wika ni Maris at Devvine.
Tahimik lamang na nakamasid ang mga bata sa kanila at kung hindi pa sila nagpapansin ay hindi sila maaalala ng mga ito.
“Oh my princess sorry bout that. We are just happy to see your Tito Ivander and Tita Maris. What a twist of fate.”
“Tito and Tita Mum? That means Jasmine is my cousin.” Nakangiting wika ni Devon habang nakatingin kay Jasmine.
“Yes Iha and it’s not Jasmine. It’s Ate Jasmine.” Sagot ni Maris
“Mama, di mo naman kailangan ipangalandakang ate diba?” nakangusong sagot nito sa ina.
“Well, it’s the truth iha. Hello there Devon, I’m your Tito Ivander, or simply Uncle Ivan, your Mum’s cousin.” Pakilala ni Ivan sa dalaga.
Masayang usapan ang sumunod, ipinakilala nila si James at nakisali na din ang binata sa tawanan.
Pasimpleng lumayo ang mga bata sa kanila dahil ang topic ng usapan nila ay ang mga nakaraan. They remembered a departed friend, and they knew he is happy wherever he is right now. Many years had passed since that happened, but his death is still remembered.
****
“I can’t believe this, kaya pala magaan ang loob ko sayo. You’re my ate cousin!” excited na wika ni Devon.
“Hoy Cookie baka naman matakot sayo si Jasmine nyan.” Biro ni James sa dalaga.
“Monster ka talaga, bakit naman matatakot e I’m so happy nga to know that we are relatives.”
“Ok lang. Nahihiya lang akong kausapin si Devon, actually matagal ko ng alam na pinsan ko sya.”
“What ate naman, bakit di mo sinabi. Didn’t you know that I’ve tried talking to you, kaso naiintimidate kasi ako sayo.” Pag-amin ni Devon.
“Whoa, si Princess Devon Castillanes-Palacios naintimidate? Nagpapatawa ka C!”pang-aasar ni James kay Devon.
“Hep hep, stop your lambingan na at baka hindi ko na kayanin yang ka “Cookie Monsteran” nyo.” Awat ni Jasmine sa kanila.
Muli silang tinawag para sa picture taking at konting conversation sa mga director at producer ng play. Sabay-sabay nilang nilisan ang lugar at nagtungo sa isang restaurant upang i-celebrate ang tagumpay ng kanilang play. She just feel sad for James dahil hindi dinaluhan ng ate nya ang pagtatanghal nila.
No comments:
Post a Comment