CHAPTER 15
Mabilis lumipas ang panahon, at maayos ang takbo ng relasyon nila James at Devon. Kahit minsan ay nagkakatampuhan sila naayos din nila agad iyon. May pagkakataon na nagiging seloso si James lalo na kapag nagpupunta si Bret sa kanila. Bret knew already that they are “On”. She felt bad for him, but she hoped that he will move on. Everyweek ay nagkikita silang magpinsan, minsan may sleepover ito sa kanila at vice versa. And once a month ay may family bonding sila sa isang lugar na pinagusapan. She is enjoying her stay in the Philippines so much that she has no regrets ng sumama syang mag settle sa bansa.
She found good friends sa katauhan nila Joe, Patrick, Ivan, at Fretzie. Busy na din ang mga kaibigan nila sa kani-kanilang pag-aaral at going strong pa rin ang relasyon ni Ivan at Fretzie. Si Ryan ay matagal ng bumalik sa Korea at si Tricia naman ay galit pa din sa kanya ng dahil kay James. And as usual, ang Ate Ann ni James ay ganon pa din ang pakikitungo sa kanya. She tried her best to win her heart, but she failed desperately. She cannot change the way Ann treats her. Yun lamang ang ikinalulungkot nya dahil ang lahat ay perfect na.
Isa pang good news ay ang pagkakapili sa kanila ni James upang maging part ng isang show sa TV. Mayroon palang talent scout sa mga audience noong nakaraang play nila at nagustuhan nito ang kanilang boses at arte. Ipinakita daw nito ang clips ng play nila sa management at nagustuhan daw sila. Isa iyong youth-oriented show na singing and dancing ang forte. They auditioned already at hinihintay nila kung makukuha sila o hindi. On going pa lang ang project at marami pa daw inaayos ang management. Pero ang mapabilang at mapili ay isa ng karangalan para sa kanila ni James. What more kung makakasali pa sila doon.
****
Kasalukuyan syang nagba-bake ng cookies ng ipagbigay alam ni Manang nandoon si James.
“Wow, ang bango naman nyan Cookie. Ano yan”tanong ni James.
Hindi na sya nagulat dahil madalas naman itong nagpupunta sa kanila. Ginawaran sya nito ng halik sa pisngi tulad ng nakagawian nito. Sino bang maniniwala na sa loob ng ilang buwang relasyon nila ay tanging halik sa pisngi pa lang ang ibinibigay nito sa kanya.
“Tulad ng sinabi mo Monster, I’m making cookies.” Sagot niya. “Here, have some. May mga luto na.” iniabot nya kay James ang tray ng mga chocolate cookies. Favorite ng binata ang mga iyon.
“Ikaw talaga love mo ko, alam mo namang ayaw na ayaw ko nito eh.” Biro nito sa kanya.
“Bakit ka nga pala biglang napasugod?”tanong niya sa nobyo.
Tinapos muna ni James ang pagkain sa cookies bago sumagot. “Magpapaalam.” tipid na sagot nito.
“Magpapaalam? Bakit? What do you mean?” she curiously asked.
“Ipinasok ako ni Ate ng summer job sa isang tindahan. Ang masaklap malayo, kaya kailangan kong mag stay-in.”
Hindi agad nakasagot si Devon. Pinagmasdan nya lamang ang binata. Nasaksihan nya ang pagbabago sa pisikal na anyo nito. Now that he is 18, mas lalong naging gwapo at matikas ito. At minsan may takot sya na baka makakita o maagaw ito ng iba. Simple lang ang naging selebrasyon nila ng kaarawan ng binata. Ipinagbake nya ito ng CM cake na ikinatuwa nito.
“Kelan naman yun mag-uumpisa?”
“Bukas aalis na ko, more than a month lang naman, I’ll be back in time of your debut.” Sagot ni James.
“I won’t be having a party, all I want is to spend that day with you.”seryosong wika ni Devon.
“I promise I will make that day special, and sana pumayag ang parents mo.”pabulong na wika ni James.
“Are you saying something?” tanong ni Devon
“Wala po, sabi ko may time pa kong mag-ipon para sa birthday mo.”ginulo nito ang kanyang buhok.
“Hey, ano ba buhok ko na naman ang nakita mo.”kunwa’y galit na wika ni Devon.
“E I love to smell your hair and to make it gulo.” Maarteng wika ni James na ikinahagalpak ng tawa ni Devon.
Napuno ng kanilang mga halakhak ang kusina, tinutulungan sya nitong iligpit ang mga ginamit nya. Her parents are in a business meeting and she will be meeting them for dinner.
HInawakan ni James ang kamay nya at tumingin ng matiim sa kanya.
“Seriously, I will definitely miss you. Pero wala na kong magagawa ipinasok ako ni Ate ng hindi ko alam.” Exasperated na wika ng binata.
“No, its ok. Hindi kita pipigilan dahil ayaw kong madagdagan ang galit ni Ate Ann sa kin.” Nakangiting sagot nya sa binata. “I will miss you din siyempre, my day ain’t complete without seeing my Monster.”
“Sus, Cookie naman eh. Basta yung mga suitors mo huwag mo ng papansinin habang wala ako.”
“Syempre naman noh. Wait, I need to freshen up. Nakakahiya naman sayo at mukha na kong gusgusin.” Akmang lalayo na si Devon kay James ng hatakin sya pabalik ng binata.
“Girl you’re amazing, Just the way you are.”Kanta ni James sa kanya.
“May cellphone naman tayo kaya makakapag-communicate pa din sa isa’t isa. Ingat ka dun ha.”
“Tama, para hindi tayo malungkot masyado. Sure, mag-iingat ako for you. I love you.”
“Same to you.” Biro ni Devon.
Nagpaalam na ang binata sa kanya dahil kailangan pa nitong ayusin ang mga gamit nito. She will be sad but she have to bear a month without him.
CHAPTER 16
Two weeks na simula ng umalis si James at hindi ito nakakalimot magpadala ng sms o tumawag sa kanya. She missed Monster already pero matagal-tagal pa bago nya ito ulit makita. Dahil school break, sila Fretzie at |Tricia ay nasa Davao to spend their vacation. Ganon din ang iba pa nilang kaibigan. Tanging si Patrick lang ang lagi nyang kasama ngayon dahil hindi umalis ang pamilya nito. She and Pat enrolled in a Taekwando class sa loob ng village. Ipinaalam nya iyon kay James at natuwa naman ito dahil may pagkakaka-abalahan siya habang bakasyon.
Kagagaling lang nila ni Pat sa taekwando class ng tumunog ang cellphone nya. It’s James.
“Hello Monster, how are you?” bungad nya dito.
“Akin na nga yan! Ano ba,” napakunot-noo sya ng marinig ang boses ni James sa background.
“Hi Devon, andito kami ni Ate Ann sa work ni James.”narinig nyang wika ng isang babae.
“May I know who’s this?”mataray na tanong nya. Kinain agad sya ng selos, bakit may kasamang babae si James!
“Si Tricia to ano ka ba, didn’t you know that sa Davao ang summer job ni James? Dito sa plantation namin.”pagmamalaki ni Tricia. “And you know what-”naputol ang sasabihin nito ng pumalit ang boses ni James.
“Hey Cookie, don’t listen to that brat! Let me explain bago ka magreact dyan.” Pauna ni James sa kanya.
She inhaled and exhaled, Patrick asked her if she is ok. She just nodded.
“Ok, explain. Now!”
“Hindi ko akalaing sa Davao ang summer job na to, nagalit ako kay ate akala mo ba. Ang layo-layo nito sa Manila.” Huminto si James “Devon, are you still there?” tanong nito.
“Go on.”
“At ang lalong ikinagalit ko, sa plantation nila Tricia nya ko ipinasok! Nagulat ako ng makita ko sila ni Fretzie kanina. You can ask Fretz if you like dahil hindi din nya alam. Cookie?” malumanay na tawag nya kay Devon.
“Okey, I believe you. Just let me talk to Fretzie.Bye.” she hang up on him and dialed Fretzie’s number. At kinumpirma ng kanyang kaibigan ang sinabi ng binata. Ann and Tricia can be so mean sometimes.
Talagang gagawin ng ate ni James na mapalapit si Tricia sa kapatid nito. Yun naman ang hindi nya papayagan. Dahil malaki ang tiwala nya kay James, at alam nyang kaibigan lang ang tingin nito kay Tricia.
****
“Okay ka lang ba talaga Devs?” muling tanong ni Pat sa kanya.
“Yes, I’m ok now. I just can’t believe that Ate Ann can do such thing.” Sinabi nya dito ang dahilan ng pagkainis nya kanina.
“Whoa, that is totally out of.., I don’t know. Kakaiba talaga ang ate ni James.
“Well, what can I do. Basta ang mahalaga James is faithful to me, alam ko yun.”
“Tama, kaya smile ka na dyan. Sparing na lang tayo mamaya.”
“Game ako dyan, kaso baka mabugbog ka na naman.”natatawang wika nya dahil ng huling mag sparring sila ay napuruhan nya ata ito. Grabe nga daw bigat ng kamao nya.
“Your birthday is coming again, so what’s your plan?”
“Wala, since you won’t be here during that day dahil alam kong may family reunion kayong dadaluhan at wala din ang ibang friends, so walang plano.”
“Oo nga noh, wala kaming lahat sa 18th birthday mo pero alam kong okay lang dahil mas importante sa yo na kasama si James.”tudyo nito sa kanya.
“Yun ang hindi ko na sigurado ngayon. Baka pigilan sya ng ate nyang lumuwas ng Manila.”malungkot na wika ni Devon.
“Don’t be sad, I know James will find a way to be here on your special day.”
“Thanks Pat, you’re really a darling friend. At dahil dyan, I’m inviting you for a snack.”
“Wow, yan ang gusto ko. Free snacks. Jeez, I miss those guys.”
“I second the motion, ang tahimik without them noh.” Sagot nya. Sabay nilang tinahak ang daan patungo sa bahay nila Devon. Naghanda sya ng meryenda napagpasyahan nilang doon sila sa labas kakain. After they ate their snacks, they continue with their sparring. Dumating ang ama ng dalaga at nakisala ito sa kanila. Tatawa-tawang nanood lamang si Pat habang nagpapa-“gulpi” si Tito JP kay Devon. Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na si Patrick at umuwi na ito. Masaya namang natapos ang araw ni Devon at pansamantalang nalimutan ang pag-uusap nila ni James kanina.
****
Tanghaling nagising si Devon dahil napuyat sya sa kakaisip ng paraan kung paanong mapapaamo ang Ate Ann ni James. Ilang gabi na rin nyang pinag-iisipan at pinagpaplanuhan ang gagawin. Girls can be best friends when it comes to fashion, clothes, shoes and accessories pero malamang tanggihan lamang sya ni Ann kapag inaya nya itong mag-shopping.
Ang good news ay one of these days ay babalik na si James. Ilang araw na lang din naman at birthday na nya. She’ll be 18, of legal age and will be driving her own car by then.
She lazily got up, took a quick shower and went out of her room. She passed by her parents’ room and heard her mother crying. Nabahala sya dahil hindi basta umiiyak ang kanyang ina. She knocked and even without answer, she entered the room.
“Mum, Dad, what’s the matter? Why are you crying Mum?” nilapitan nya ang ina na yakap ni JP.
Hindi umimik ang kanyang mga magulang, nanatili lamang sa pagluha ang kanyang ina.
“Dad, what’s happening? Please answer me, I don’t want to see Mum crying like that.” Paki-usap nya sa ama.
JP let out a sigh and said “Iha, your Lolo Ignacio is in the ICU right now. He had a heart attack..”
Hindi sya agad nakapagsalita ng malaman ang dahilan ng pagluha ng kanyang ina. Ang kanyang Lolo Ignacio, ang ama ng Mummy nya ay nasa ospital ngayon.
“So we will pack our luggages and fly to New York to be with Papa.” Inporma ng kanyang ama.
“I will pack my things too.”
“No Iha, kami lang ng Dada mo. We have no time to fix your documents and I really need to see my father now.” Wika ng kanyang ina. Nilapitan siya nito at niyakap.
“We are sorry that we won’t be here for your debut princess. This happened unexpectedly.”dagdag pa ng kanyang ina.
“No Mum, its okay. I know and I understand what you’re feeling right now. I’ll help you pack your things.” Naiintindihan nya ang kanyang ina. Kahit sya ang nasa kalagayan nito ay agad din syang lilipad para makapiling ang magulang.
Lumipas ang kanilang oras sa paghahanda ng dadalhin ng kanyang mga magulang, her father is busy talking with someone. Their documents are fixed, at sinabi ng kanyang ina na kapag hindi bumuti ang kanyang lolo ay pasusunurin sya doon.
No comments:
Post a Comment