Thursday, 26 August 2010

FAIRYTALE CHAPTER 1-5

FAIRYTALE


CHAPTER 1

"Late na naman ako, anak ng sampung tokwang instik!" bulalas ni Devon habang papasok sa entrance ng isang hotel kung saan sya ay part-time bell-girl.
Oo, bellgirl ang napasukan nya dahil malakas ang backer nya,ikaw ba namang maging kaibigan ang anak ng may-ari ng hotel. Bihira lang ang nakakapsok na bellgirl dahil sa pangkaraniwang hotel puro bellboy ang mkikita.Baka nga sa hotel lang na yun merong bellgirl. .

"Naman kasi si Ate Dhemy eh, sakin pa nagpatulong na magpakulot, alam na may pasok pa ko. "kausap pa rin ni Devon sa kanyang sarili, habang lakad takbo papunta sa quarters ng mga chambermaids dahil dun din sya magpaplit ng uniform.

Siya si Devon May Seron,simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Bunso sa apat na magkakapatid na puro babae. Sa katotohanan, kaya naman silang buhayin pa ng Tatay Sonny at Nanay Lyn nya pero mas gusto nya ang magbanat ng buto sa sariling paraan. Habang nagaaral sya sa umaga, trabaho naman sa gabi sa hotel ang inaatupag nya. Kaya naman natatawag syang curacha ng mga kaibigan nya.Mabuti nalang at bakasyon mahaba ang oras nya sa kanyang trabaho. At kanina tinawagan sya ng second cousin nyang si Enna, isang kilalang fashion model at inalok syang maging personal assistant nito.

"Hmmm, swerte na din yun at least kung PA madami akong makikitang taartits.. Mga fafalicious na models, mga hunks na tulad ng bf ni Ate Biteme na si Mr.T. "ngingiti-ngiting naisip ni devon.

Sa kanyang pagmu-muni muni ng mga kaganapan at patuloy na pag da-day dream hindi nya namalayang may kasalubong na pala sya habang paliko sa pasilyo papunta sa chambermaid's quarter...

"What the.... ! Watch where you're going little girl!"bulalas ng lalaking nakabangga ni devon. at kung hindi dahil sa maagap na pagkabig nito sa kanya. malamang nahalikan na nya ang carpeted na sahig ng hotel.

"Sorry po sir, I'm so sor......."naputol ang kanyang sasabihin ng mapatingin sa lalaking nakayapos sa kanyang baywang.



 "Ano ba itech? Kalorkey ang gwapo naman nya. Tao ba to o isang anghel na pinadala sa earth ni Lord para sagipin ako sa aking pagkalugmok.?"kausap nya sa kanyang sarili. "Umayos ka nga Devon oh, nakita mo nakayapos sayo gustong gusto mo naman.."biglang bulong ng matinong bahagi ng utak nya....at dun nya narealize ang posisyon nila. Masyado silang malapit as in too close. 


Nakayapos ang lalaki sa kanyang maliit na baywang at sya ay nakakapit sa balikat nito. 


Naamoy nya ang bango ng hininga nito pati na ang aftershave na ginamit nito. "Parang kagagaling lang sa mahabang paligo. Hmmm ang bango" sa isip isip ni Devon pero naalalang kelangan na nyang lumayo.


"Teka lang Mister,pwede bang bitiwan mo na ko.. manyak ka ah.. gusto mong suntukan na lang oh.. " paghahamon nya pa habang mabilis na kumakalas sa yapos ng lalaking drop dead handsome. 



"Hindi naman ako disabled para hindi mabalanse yung pagbagsak ko noh, gusto mo lang akong chansingan. Ano.. suntukan nalang. " galit-galitang sabi nya habang inuumang ang kamao pero deep inside kilig na kilig..

"Are you okay little girl?" tanong ng lalaki habang matamang nakatingin lang sa kanya..

"Aysus, ingles spokening pala to. Hindi ba nya narinig sinabi ko? Ano ba to? Sayang gwapo nga bingi naman.. " malakas na sabi ni devon.

"I know what you said.. I can understand tagalog little girl. And besides I am........" naputol ang sasabihin ng lalaki dahil..

"Teka nga,teka muna, wait mag eenglish ako para maintindihan mo.. You keep on calling me little girl! Do I look like a little girl? Hello?" (with matching rolleyes.)

"Akala mo ba bata ako? I'm not a teen anymore, medyo mukha lang kasi baby face ako eh.. sabi nga nila......." ngiting -ngiting kwento ni devon hanggang putulin ng lalaki ang sinasabi nya.

"I'm sorry but I need to go now, next time watch where you're going.. Don't always daydream, you look foolish. "wika ng lalaki sabay ismid.

Napatanga lamang si Devon sa sinabi ng lalaki,feeling nya napahiya sya dahil kanina pa nya kausap ang lalaki mukhang enggot lang pala ang tingin nito sa kanya.

"Ang yabang mo, hambog ka.. kala mo kung sino kang gwapo.. "sigaw ni devon sa lalaki habang patuloy itong nglalakad..

"Ms. Seron, you know so well that its a major rule not to talk without respect to our guests right? saad ni Ms. Jarina ang kanilang maganda pero ubod ng sungit na supervisor. "Hindi porke kaibigan mo ang anak ni Mr. Dorschner e pwede ka ng umasta ng ganyan. You should be working by now.. "


"Opo, Ms. Jarina. Sorry po, eto na nga po oh pupunta na dun, eto na .. But wait, smile naman jan and everything.. Baka hindi ka na makapag-asawa. Peace!"sabay takbo dahil masama na ang tingin ni Ms.Jarina.


CHAPTER 2


"Ano ba ate,ako na naman nakita mo. Puputahan ko si Enna bukas start ako ng work sa kanya bilang PA. Iba nalang isama mo. " Kausap ni devon ang ate Dimples nya habang naghahanda sa paguwi.

Tapos na naman ang shift nya bilang bellgirl. 5:00-9:00 lang ibinigay sa kanya dahil hindi naman sya regular employee.

"Oo ate,hindi naman ako nagdadahilan no.. tska.... , pambihirang ate to pinatayan ako ng telepono. Ano ba! Ako ang bunso diba.. ako!"himutok nya habang papalabas na ng pinto.

"Hello there buddy, " napalingon si devon sa tumawag sa kanya. alam nya na kung sino ang tumatawg sa kanya ng ganon. Si Ivan, ang kaibigan nyang nagpasok sa kanya sa trabaho. ang best man, nya. best man dahil pinakabest sa lahat ng lalaking nakilala nya aside from her father.

"Buddy Eyven, hello." Eyven ang nakagawian na nyang tawag dito dahil ginaya nya kung paano ito bumigkas ng tagalog.

"What's up?You seem in a hurry, anything new?"tanong ni Ivan.
"Wala naman gusto ko lang umuwi at makapagpahinga na dahil may bonggang-bonggang career move ako bukas.."biglang natigilan si devon.
Hindi pa nga pala alam ni Ivan ang gagawin nyang pagpapalit ng trabaho.

"Oooppsss.. sorry buddy nakalimutan kong sabihin sayo. kinukuha ako ng 2nd cousin ko na fashion model na maging PA nya. so sinunggaban ko na. Pero favor naman please.. " sabay kapit sa braso nito, balewala sa kanya yun dahil matagal na silang close. highschool pa lang magkaibigan na sila at lagi syang tinutulungan ni Ivan, best friend.. Kuya - iyon si Ivan sa kanya.

Ginulo ni Ivan ang buhok ni devon bago nagsalita,

"What are you gonna ask me this time? Hmmm.. Sometimes I feel that you've been using me for a long time.."nagdra-dramang sabi nito na ikinatawa ng malakas ni Devon at mahampas sa ng malakas sa balikat si Ivan. "Ouch, see.. you're hitting me na. Grabeh.. " sabay tawa.

"Ano kasi, pwede bang Friday night,Saturday to Sunday ang shift ko?

Kahit PA ako ng pinsan ko hihilingin ko na off ko sa kanya ang sat and sun. Sige na alam mo naman kelangan kong magpakayaman bago magpasukan.

Graduating na ko, marami ng kelangan ayusin, marami ng projects. thesis.. marami ng dapat bilihin.Maatim mo bang mapariwara ako kung sakaling maghahanap ako ng ibang trabaho.," tigil nya dahil alam nyang tinatablan na si Ivan ng drama nya dahil sinamahan pa nya ng pagpahid ng imaginary tears nya.

"Ok,Ok! I'll just ask Ms. Jarina to arrange it. You don't have to make drama because you know I can't say no to you, buddy. "

"Thanks you're the best Kuya Eyven. Kailangan ko ng tumakbo at matulog ng Major Major. But wait, sino mas maganda samin ni Venus Raj? Wag mo ng sagutin dahil alam kong ako ang isasagot mo.. Hahaha, Major major bye-bye.. " sabay lakad habang si Ivan ay iiling-iling na nakatanaw sa dalagang kanyang tinatangi.



CHAPTER 3


"Are you listening son?" tanong ni Mr. Malcolm sa anak na parang nakatulala habang may tinatanaw.. Hinihintay nila ang valet na kumuha ng kotse nila ng mapansin nyang hindi nakikinig ang anak sa usapan.

"There she goes again, she's so clumsy..Why can't she just walk slowly so she won't bump into someone." sabi ni James habang nakatanaw sa babaeng muntik na naman makabunggo dahil sa pagmamadali. Mukhang katakot-takot na sorry pa ang ginawa bago muling nakalabas sa hotel na yun.

"Hey, Robert James I keep blabbing here and you're not even listening to me. " sabay tingin sa direksyon ng tinitignan ng anak.

"Hmmm, there goes my answer. What a beauty. Reminds me of your mom, dark skinned filipina beauty. " sabay tawa ng mahina.

"What are you talking about Dad? " tanong ni James sa ama kahit alam naman nya kung ano ang ibig sabihin nito.

"You keep staring at the girl for quite long time now, and you're denying it. Come on son, I'm your father, I know you."

"Oh heck, I just don't care about the girl so please,drop it Dad. Let's talk about my career here. I have a great career in Australia and all of a sudden

you asked me to be the top model in your company? Don't you have anybody else in mind? Bret's your top model right?"

"Bret still do some modeling but he's been busy preparing for his wedding with actress Fretzie. So we can't bother him knowing that his hands are tied. ."

"Oh well, since you're my father and i love you , I'll do it. " sinabi ni james sa kanyang ama.

"That's my son, I'm so proud to be your father James, you've made me so proud with your achievements in Australia."

"Aw Dad, drop the theatricals.. Come on ,we have to go home.." binuksan ni james ang pinto sa may driver's seat at hinintay ang ama na makasakay bago pinaandar ang kanyang SUV.

Habang nagmamaneho walang laman ang utak nya kungdi ang "little girl with beautiful eyes , nice forehead, nice back, nice skin color, nice teeth but what attracted him most is her beautiful smile. It seems like angels sang when he saw the "little girl's" smile. Then came the text message from an annoying sender. "Hey, James, how yah doin? Can't wait 2 meet u n person. CU tom.^__^". 





CHAPTER 4


Nag-eemote si Devon habang naghahanda sa kanyang pupuntahan.
Ngayon ang araw ng pagkikita nila ng 2nd cousin na si Enna. Malayo na din ang narating nito, dati ay kalaro nya lamang sa masikip na eskenita ang pinsan nyang iyon.

Sino ang magaakala na si Enna Madrigal ay ang kanyang pinsang patpatin, uhugin at nakatira lamang sa isang barong-barong sa Caloocan.
Sa totoo lang, medyo naiingit sya sa kanyang pinsan.

Medyo lang as in konting konti lang dahil hindi nya naman pinangarap maging modelo. Natutuwa lang sya sa maalwan na nitong pamumuhay. Sinabi nya sa sariling balang araw, magiging sikat din siya .

Isang sikat na Engineer na magtatayo ng pinakamaganda at mataas na gusali sa pilipinas. Isang taon na lamang ang bubunuin nya at puspusang review para maging isang ganap ng inhinyera na sya.

Maraming nagtatanong sa kanya kung bakit iyon ang kursong kinuha nya, kung saan bihira lamang ang babae. Ang laging nyang sagot, marami ng babaeng doctor, model, nurse, teacher, dentista at kung ano ano pa,pero bibihira lang ang babaeng Engineer.Gusto nyang itayo ang bandera ng mga babae sa larangang iyon.


"Tama Devon, magiging sikat ka din.. Sikat pa sa mga sikat.. Ikaw ang magtatayo ng Eiffel Tower/Petronas Twin Tower/Empire State Building sa Pilipinas, bwahahahhaah" kausap ni Devon sa sarili habang nakaharap sa salamin.


"Bwahahahaha... bwahahaha... I'm so excited and I just can't hide it.. I'm about to lose control and I think I like it.. I'm so excit........Aray!!!"napatigil siya sa pagkanta dahil binatukan sya ng Ate Dhemy nya.

"Ate naman eh. nakita mong nag-eemote ako dito, panggulo ka. ! Ano na naman kelangan mo?" pasimangot na sabi ni Devon sa ate nya.

"Kurutin kita jan eh. Emote emote ka pang nalalaman. Sabi ni Father bilisan mo na at isasabay ka nila ni Mother papunta sa sakayan. " sabi na Ate Dhemy nya habang pinapasadahan ng tingin si Devon.

"Wala ka bang ibang damit at yan na naman ang suot mo? Ayusin mo nga ang sarili mo, Fashion House ang pupuntahan mo"

"Ate anong masama sa suot at itsura ko? " tinignan nya ang kanyang damit, blue blouse and black pants - ang usual get up. Ang kanyang buhok ay nakapusod lang at nakaside ang kanyang bangs. Ganon lamang siya manamit, simple. At hindi din sya sanay maglagay ng kolorete sa mukha.

"Devon, babae ka,dapat lagi kang maganda. Paano ka maliligawan nyan e mas maton ka pa ata dun sa matador sa palengke.
Umayos ka ng kilos, baka sabihin nila na may lalaking anak si Father at Mother. "

Habang naglilitanya ang ate ni Devon sya ay hindi nakakinig, nagpatuloy ang pag-eemote nya sa salamin . "Tama, anong design ang maganda sa building na itatayo ko?Hmmm tama. "

"Bahala ka nga. ayaw mo na namang makinig , bilisan mo nagaantay na sila Mother and Father dear." paala ng Ate nya bago umalis.

"Devon, babae ka, dapat lagi kang maganda...blah bla blah.. , E ano naman kung ganito ang ayos ko." saad ni Devon na nakaharap ulit sa salamin.

"Partida pa yan oh, yun oh, walang make up pero maganda. Hahaha. Ang ganda mo talaga Devon, isa kang dyosang anghel. " paikot ikot na sabi ni Devon. as usual nangangarap na naman.

"Devon ano ba bilis na.. "narining nyang sigaw ng kanyang ina.."Opo, coming up na. Wag high blood ang wrinkles dadami, kukulubot ang fez.. " wika nya sa kanyang ina ng makalapit na sabay halik sa pisngi nito at niyakap naman ang kanyang ama.

"Dhemy ikaw muna ang bahala dito" wika ni Nanay Lyn sa anak. "Opo".

"Bye ate dear. Wish me luck at pag natuwa ako sayo hahanapan kita na fafalicious hunkalicous jowa dun. "

"Sira.. puro ka kalokohan. Inggat kayo Father and Mother. " paalam ni Dhemy habang papaalis na ang mga magulang at kapatid.

Natutuwa sya sa kanyang bunsong kapatid. Sa kabila ng sitwasyon nila sa buhay, hindi nawawala ang bubbly personality nito.

Napakasipag din, sinabi na nyang sya na ang bahala sa pag-aaral ni Devon pero lagi itong tumatanggi. Kaya mahal nya ang kanyang bunsong kapatid, sampu ng kanyang pamilya.



CHAPTER 5

Kasalukuyang nakasakay si Devon sa MRT papunta sa Buendia Makati, doon ang opisina ng Fashion Agency ni Enna kung saan sila magkikita.
Excited na sya, panibagong trabaho, panibagong pakikipagsapalaran. "Ano kaya ang buhay ng isang PA ng isang sikat na personalidad?" mahinang naiusal ni Devon.

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni dahil may nahagip ang kanyang mata.
Isang babae ang may hawak ng isang Fashion Magazine, ang nakatawag sa pansin nya ay ang cover ng babasahin.
Halos sumakit ang batok nya sa pagsipat sa binabasa ng babae dahil dalawang tao ang pagitan nila. Napansin ng babae ang kanyang ginagawa kaya naman nagwika ito

"Miss gusto mo munang hiramin, baka maputol na ang leeg mo nyan. O hiramin mo muna, sa Buendia naman ako baba. Ang gwapo no? " tanong ng babae sabay abot ng Magazine kay Devon.

"Anak ng hilong talong, aba biruin mo yun sikat pala ang hambog na lalaking yun." napalakas ang pagkakasabi nya kaya napatingin ang mga tao sa kanya maging ang babaeng nagpahiram sa kanya.

Binuksan nya ang pahina kung saan featured ang lalaki. At sya ay nawindang, napamata at hindi makapaniwala.
"Robert James Reid, a Filipino-Australian model, son of Mr. Malcolm Reid, the owner of DIER Fashion House, has settled in the country for good. News said that he will be the top model for his father's company.

James, as what the others call him, grew up on a farm outside of Echuca, Victoria, Australia, as the youngest of three brothers. At the age of eighteen, James moved to Melbourne, Victoria to play football and study project management at RMIT University. However, his football career was cut short by a broken leg. He began modelling in 2007, when James was approached in a Melbourne gym by Matthew Anderson, a booker from Chadwick Model Management, with an offer to join the agency. James later rose to prominence as the star of Calvin Klein's "Crave" advertising campaign First male model to sign a six figure deal to represent Calvin Klein exclusively.

An avid barefooter, James claims to go barefoot almost exclusively. He made an infamous barefoot appearance on the The Sharon Osbourne Show and is often seen and photographed in bare feet, or at most, wearing flip flops.

So girls out there, watch out for Mr. Robert James Reid. More on page.. 25-28.


"Miss tapos ka na ba? Bababa na kasi ako." napatigil si Devon sa pagbabasa. "Ay pasenya na ate. Salamat.Bababa na din pala ako." sabay abot ng magazine sa babae.

"San ka pupunta sa Makati? Baka isang building lang tayo. Ako nga pala si 
Rubylyn. " pagpapakilala ng babae.

"Ako si Devon, sa may Pacific Star Building ang punta ko."

"Wow malapit lang pala, ako sa Equitable Tower nagwowork. Sige nice meeting you, teka alam mo ba kung saan yun?

"Hehehe, ayun nga ang hindi ko pa alam,hindi kasi ako pamilyar sa Makati. Saan ba ko sasa.. " naputol ang sasabihin nya ng mag ring ang pinakamamahal ng cellphone 3310 vintage with blue backlight.

"Hello? "

"Where are you? You're supposed to be here moments ago? Don't keep me waiting. Be quick. " patuloy na salita ng nasa kabilang linya hanggang sa mawala na ito

"Naku, patay kelangan ko ng magmadali, baka bigla akong mawalan ng kumikitang kabuhayan. Rubylyn, saan ang sakayan papuntang Pacific Star?" tanong ni Devon sa bagong kakilala.

"Halika na sabay ka na sakin mag taxi tayo. "yaya ng babae at tinawag si Devon para makasakay na.

Habang nasa daan nagkwentuhan ang dalawa. Nalaman nya na matanda si Rubylyn sa kanya ng 2 taon at fresh graduate lamang ito.Nagtratrabaho bilang Accounting Staff.

"That's the building. Inggat ka. And hope to see you again. Grabe ka nakakaloka kang kausap. Bye bye. " paalam ni Rubylyn kay Devon.

"Maraming salamat ateng, Yung bilin ko sayo ha. Pag aralan mabuti ang mga heavenly bodies." sabay tawa.

"Inggat ka and don't forget to smile everyday, everyday OK?"

Pagbaba ni Devon sa taxi ang una nyang napansin ay ang fountain at maraming flags sa harap ng gusali. Ang problema anong floor nga pala sya pupunta. Ang magaling na pinsan, hindi man lang sinabi kung saan.

Naisipan nyang magpadala ng text message at sana ay matanggap agad. Katatapos lang nyang pindutin ang send button ng mag ring ang kanyang telepono.

"Where are you? I'm losing my patience."

"Andito na ko sa baba ng... "

"Go up quick here in 46th Floor. "

"Okay.. "nawala na naman bigla sa linya ang kanyang kausap. "Okay , bye bye, hah, wala man lang paalam."

3 comments:

  1. sino si rubylyn ditey, ate lav? si ilovejade22 o si astig2?

    wahahaha! dalawa kasi sila :p

    ReplyDelete
  2. ahhh..

    si kontrabidang ruby pala

    haha!

    ReplyDelete