CHAPTER 6
Nang makarating si Devon sa 46th Floor, napagalaman nyang sakop ng buong agency ang buong palapag. DIER Fashion House- iyon ang pangalan na nakasulat paglabas pa lang ng elevator.
"DIER Fashion House, saan ko nga ba nabasa yon? "tanong nya sa kanyang sarili.
"Devon! What took you so long? Kanina pa ko naghihintay dito, my god! " saad ng babae na nakatayo sa reception area.Si Enna Madrigal, ang isa sa pinakakilalang modelo sa buong bansa. Muntik na nyang hindi makilala ang pinsan. Kung dati ay kakulay nya ito na morena ngayon ay kumikinang na sa puti ang balat, ang ilong nito ay alam nyang niretoke dahil lahat ng kapamilya nito ay may hindi katangusang ilong. Ang hindi lamang nag-iba dito ay ang singkit na mga mata nito. Minsan nagtataka sya kung anak ba talaga ito ng Tiyang Meme nya dahil ito lamang ang naiiba ang itsura.
"Pasenya na Enna, medyo hindi ko kabisado ang lugar"hingging paumahin ni Devon kahit na nasisilaw sya sa matingkad na dilaw na suot nito na may glitters pang kasama.
"Ok, next time don't be late, I have a very busy schedule. So.." biglang napahinto ang pinsan nya sa pagsasalita.
"Oh my god, like, he's really here na. Oh my.. James!!!" saad nito at iniwan nalang basta si Devon at sinalubong ang mga bagong dating.
Hindi makapaniwala si Devon, dahil habang papalapit ang lalaking iyon, unti-unti din nyang nakikita ang kunot sa mga noo nito. Sigurado syang natatandaan sya nito.
"Patay, sana hindi nya ko makilala." bulong nya sa kanyang sarili. Hindi niya maiwasang mapamata at suriin ang kabuuan ng lalaki. Sa apat na lumabas sa elevator tanging ito lamang ang bukod tangi.
Isa ay nakakatanda na nahinuha nyang ama nito, dalawa ay mukhang mga bodyguards sa laki ng mga katawan. Ang lalaki ay nakasuot ng black slack at gray longsleeves- turtleneck sweatshirt. Mukha itong adonis at naalala nyang bigla ang larawan nito sa magazine. "Ang gwapo talaga ng hambog na lalaki" saad niya..
"Oh my, James, I am Enna, remember dude, we talked before. I was the one who called you, and I am so happy like we're gonna be partners.."narinig ni Devon na saad ng pinsan nya na nakapagpabalik ng diwa nya. Alam na alam nyang nagpapacute ito dahil panay pilantik ng pilikmatang kulay yellow.
Habang si James ay matamang nakatingin lamang kay Devon. Ang nasa isip ay "what is she doing here? Is she a model too? Is she working in our company? If it is, then I have all the time in the world to get to know her more." naisip nya ngunit hindi pa din inaalis ang pagkakunit ng noo.
"Hello Ms. Madrigal, nice meeting you"bati ni James kay Enna,
"What are you doing here little girl?" tanong ni James kay Devon na nakapagpalingon sa kanya dahil hindi na sya nakatingin dito. Huling-huli nito kanina kung gaano nya ito titigan. Nakakahiya ka na naman Devon, iyon ang sabi nya sa kanyang sarili.
Narinig ni James ang pagtikhim ng kanyang ama, nahuli pa nya ang makahulugang ngiti nito habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Devon at James. Alam ni James na namukhaan ng ama niya ang babaeng tinitigan nya sa hotel kahapon.
"Hello Ms. Madrigal, looking good as always. And who is this pretty girl here?"tanong ni Mr. Malcolm kay Enna na hindi nito nagustuhan na sinabihang maganda ang pinsan. Pero hindi sya pwedeng magpakita ng kagaspangan ng ugali dahil ito ang may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuhan nya.
"Mr. Malcolm, James this is Devon, my second cousin. As in not so related relative. She is my Personal Assistant as in my alalay. "pakilala ni Enna kay Devon.
"Nice to meet you Devon, but wait, how do you pronounce your name? Is it De-von or (Di-vaun)?"tanong ni Mr. Malcolm na nakapagpangiti kay Devon.
"Kahit ano po, I mean which ever you like Sir. Pleased to meet you din po. "nahihiyang sagot ni Devon.
"I like to call you (Di-vaun)Devon, its more feminine. "saad ni James sabay lakad papasok sa main door ng opisina na parang walang pakelam.
"See you around Enna, Devon"paalam din ni Mr. Malcolm at sumunod na pumasok kay James.
"What was that? Bakit parang magkakilala na kayo ni James?" inis na tanong sa kanya ng pinsan nya.
"Hindi kami magkakilala, ngayon ko lang yan nakita at hindi ko nga alam na sikat pala yan. "sagot ni Devon na sinamahan ng inis ang tinig dahil hind nya nagustuhan ang sagot nito.Tama bang ipagdiinan na malayong kamag-anak lamang sya at alalay nito. Hindi nga siya nito tinatawag na ate kahit matanda sya ng dalawang taon dito.
"Oh well, let's go. Marami akong ipapaayos sayo. May photoshoot ako agad mamaya together with James. Our first project together. "saad ni Enna.
Hindi nalang umimik si Devon at sumunod na sa kanyang pinsan.
CHAPTER 7
James couldn't hardly believe his luck. The girl who left him sleepless last night is just around the corner. He remembered how Devon stared at him, he like that. Nagustuhan nya kung paano sya titigan nito. Natutuwa sya dito dahil napaka transparent ng mga galaw nito. Hindi nya maintindihan pero parang matagal na nyang kilala ang babae. At gusto nya talaga ang mga ngiti nito. Parang gusto nya laging makitang masaya si Devon. He'd been in some relationships before so he know if physical attraction lang ang nararamdaman nya. "But I guess its too early to tell" sambit ni James sa sarili.
"Hmm, looks like we have a destiny here. " Mr. Malcolm interrupted his son's thoughts.
"Dad, what are you talking about? Here we go again. " pagmamaang-maangan ni James sa ama.
"Oh well, whatever. Please be prepared because you will have your very first photoshoot here together with Enna and Trixie, one of our top model too. "
"Yes Dad, but can I have a moment to wander around the place first? I need to familirize myself here. " tanong ni James sa ama.
"You want to familirize yourself or you just want to take a look at someone?"nangingiting balik tanong ng ama sa anak.
"The hell I care, whatever Dad" tugon ni James habang papalabas ng pinto.
Nagtungo si James sa opisina ng Filipina-French Fashion Consultant na si Miss. Drea Vuz, Bago pa nya mahawakan ang door knob upang buksan ang pinto ay bumukas na ito at nabunggo sya ng sandamakmak na bulto ng damit pambabae.
"What the heck,..... " natigil ang sasabihin nya ng makita kung sino ang nakabunggo sa kanya.
"I'm sorry Sir, hindi ko po alam na bubuksan nyo ang pinto, paumanhin po"hinging paumanhin ni Devon habang pinupulot lahat ng nabitawang damit. Nagulat na lang sya ng ang dadamputin nyang isang yellow dress ay may nauna ng dumampot kaya ang kamay nito ang kanyang nahawakan. Napatingala si Devon at nakita kung sino ang nakabangga nya. Si James, ang lalaking mayabang pero gwapo.
Bigla ang kanyang pagtayo kaya hind nya agad naisip na matataman ang panga nito ng kanyang ulo. Nag-alala bigla si Devon na maaring sungitan na naman siya nito
"Ouch, the efff.. You just don't know how much it hurts, little girl "saad ni James ngunit hindi naman ininda ang sakit.
"I'm sorry, sorry na po. "hinging paumanhin ni Devon habang hindi magkamayaw sa pagsipat sa nasaktang panga ni James.Hindi nya namalayan na kanina pa nakatitig sa kanya ang lalaki. Hanggang sa hawakan nito ang kanyang kamay upang pigilin sa pagdantay sa nasaktang panga nito.
Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Nais lamang ni Devon na tumitig sa mga mata ng lalaking ito. Dahil kapag nakatitig sya sa mata nito, nalilimutan nya lahat ng bagay sa mundo. Parang masarap mawala sa mga titig nito. Hindi nya maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman. Nakakapanibago, pero masarap sa pakiramdam ang mapalapit sa gwapong nilalang na ito.
"Jaime, oh my Jaime you're here. " wika ng isang tinig na nakapagpahiwalay sa kanila bigla. Hindi malaman ni Devon ang gagawin at alam nya, namumula ang kanyang mukha kahit hindi siya mestiza. Pasimpleng tumingin siya kay James na parang wala namang pakelam sa nangyari. Sandaling tinitigan lamang sya nito sabay talikod
at sinalubong ang nagsalitang si Miss. Drea Vuz, ang kanilang fashion consultant.
"Why didn't you come in? What are you doing here with Enna's PA?" tanong ni Miss Drea kay James at bahagya lang tumingin sa kanya.
"It's none of your business. I just came here to discuss some things with you." sagot ni James sa ginang.
Sinamantala ni Devon ang pagkakataon para damputin ang lahat na nalaglag na damit, at mabilis na tumalikod na upang umalis ng may marinig syang
"Are you sure you're okay? Take care, I'll see you around, Devon."
Hindi makapaniwala si Devon sa kanyang narinig, "Ano nga ang sabi ulit ng hambog na lalaking yun?" tanong niya sa sarili.
"Ah, mag-ingat daw ako? Duh? Anong akala nya sakin tanga!" Kala mo kung sino. " himutok nya habang pabalik kay Enna. Lagot siya dahil alam nyang natagalan siya sa iniutos nito, mabuti na lamang pagdating nya ay busy ang kanyang pinsan sa pagpapamanicure.
Habang nag-aantay ng iuutos ni Enna, si Devon ay walang ginawa kungdi isipin ang lahat ng nangyari at magtanong sa kanyang sarili. "Ano ba ang nangyayari sakin? Bakit ganito? Bakit ko naiisip ang lalaking yun? Ayoko.. Ayoko! Erase, erase, erase... Ayoko!"
"Devon what's your problem? Anong ayaw mo?" tanong ni Enna.
Hindi namalayan ni Devon na nasambit nya ang huling salitang kanyang iniisip. Kaya naman masama ang tingin ng pinsan at ng baklitang manikurista sa kanya.
"Wala, wala.. Naalala ko lang ang ate nagpapasama eh. Napalakas pala ang sabi ko. Pasensya na, patawad. Tuloy nyo lang yan. Don't mind me." palusot ni Devon na umani ng irap sa kanyang maarteng pinsan.
wahahaha!
ReplyDeleteenna at trixie huh?
at little girl ftw!
ganda ng name no enna and trixie. hahaha.
ReplyDeletealam na.