Monday, 30 August 2010

FAIRYTALE CHAPTER 12-13

CHAPTER 12

Pinahinto ni Devon ang sasakyan sa Baywalk, dito nya naisip magpunta. Kahit alam nyang pagkakaguluhan si James dito ay susubukan pa din nyang iparamdan dito ang pagiging normal na tao kahit isang araw lang. 

Gusto nyang papasukin ito sa kanyang mundo, ang tanggapin kung anong klaseng buhay meron sya. Payak at hindi glamoroso hindi katulad ng mundong ginagalawan nito.

"We're here. Pero request ako sayo. Pwede bang magshades ka and cap? " tanong ni Devon kay James.

"Sure By. Wait, why aren't you calling me Baby too? Or By if you like. " 

"Nahihiya ako, James.. " nahihiya pa ding wika ni Devon dahil hanggang ng mga oras na yun hindi pa din pa din malinaw sa kanya kung ano ba sila nito.

"What are we going to do here By? Hmmm, you wanna watch the sunset with me noh?" pangungulit ni James kay Devon.

"Pwede din, pero tara baba na tayo. Gutom na ko eh. " yaya ni Devon kay James


Bago sila bumaba ng sasakyan nito sinipat nya munang mabuti kng makikilala ba ito. 

"Nak ng tokwa, konti lang ang nabago sa kanya, bahala na nga. " sa isip-isip ni Devon parang wala namang kwenta ang pag babalatkayo nito, halata paring iba ito sa karamihan.

Itinuro ni Devon kay James ang isang maliit na kainan sa harap ng Manila Bay. Ordinaryong kainan lamang ito, hindi yung tipong restaurant na pinupuntahan ng iba sa Baywalk.
 Nakakain na sya dati dito, ng minsang mamasyal silang mag-anak. Nagustuhan nya ang lomi at pansit ng kainang iyon. Sana kumakain si James ng mga ganoong pagkain. Dito nya mapapatunayan kung kaya ba sya nitong sabayan sa simpleng nais nya. 

"Dito tayo kakain." sabi ni Devon kay James. 

"Nakakaintindi ka naman ng tagalog diba? "bulong ni Devon dahil ayaw nyang pagtinginan sila ng mga tao. Kanina pa lamang habang binabagtas nila ang daan patungo sa kainan, may ilan-ilan tao na ang tumitingin sa kanila. 

Paano ba naman, isang morenang babae, simple, walang ayos, at isang matangkad na lalaki na halatang may sinasabi ay magkasamang naglalakad at magkahawak-kamay pa. Hindi na nya nagawang hilain ang kanyang kamay dahil ayaw itong bitiwan ni James. Kahit paluin pa nya ito na nakasanayan na nya kapag kinakabahan sya ay ayaw pa din nitong bitiwan ang kanyang kamay. 

"Manang dalawa pong lomi and yung specialty nyong pansit." wika ni Devon sa aleng kumukuha ng order ng mga kakain Nasa mukha nito ang pagtataka marahil dahil sa lalaking kasama ni Devon pero kininditan lamang nya ang ale. 

"Kamusta na neng, hindi mo kasama ang pamilya mo?" tanong ng ale kay Devon. Natatandaan siya nito dahil maingay at puro tawanan silang pamilya ng silang kumain dun. 

"Hindi po. Tsaka po pala Mirinda meron po?" bumaling sya kay James at sana ay maintindihan sya nito. Napansin nyang hindi naman ito naiilang bagkus ay may ngiti sa mga mata nito na tila aliw na aliw sa paligid. "Anong gusto mong drinks?" tanong ni Devon at ginaya ang aksyon na umiinom. 

"Same as yours na lang." sagot ni James sa mahinang tinig. 

Naging masaya ang kanilang maagang hapunan. Kahit kailan hindi sumagi sa isip nya na mapapakain nya ang isang James Reid sa lugar na yun. Nakikita nya, wala itong arte, walang kyime at mukha talagang nag-eenjoy ito sa pagkain. Natawa sya ng bumulong si James sa kanya ng

" Here in the Philippines, Pansit is said to prolong life, right? So I should eat more pansit so I can have longer lifetime with you."

Muntik ng masamid si Devon sa narinig nya. Ano ba tong lalaking to? Bakit nadidiskubre nya ang ka cornihan nito, o kasweetan ba yun na matatawag. 

Dahil sa expression ng kanyang mukha hindi napigilan ni James ang tumawa. Habang si Devon naman ay nakatulala na naman.   Pinalapit sya ni James dahil may ibubulong daw ito sa kanya. 


"You know, during the two days of my absence, I got myself busy with something. Nagpaturo ako ng ilang tagalog words."wika ni James na ikinagulat ni Devon. Nagsalita kasi ito ng isang buong pangungusap na tagalog. 

"Bakit ka naman nag-aral?" tanong dito ni Devon.

"Do you need to ask me why, when in fact you know the answer, By. " sagot naman ni Devon. 

Panibagong kilig na naman para sa kanya, nag-eeffort itong mag-aral ng tagalog para sa kanya. Ano ba ang nagawang kabutihan para biyayaan ng ganitong pagpapalan naitanong nalamang ni Devon sa sarili. 
  
*******
Natapos na silang kumain at hindi pumayag si James na  hindi ito ang magbayad. Natuwa naman ang ale dahil malaki ang ibinayad ni James at hindi na kinuha ang sukli.  Pasado alas singko na, malapit ng gumabi. Naisipan ni Devon na ayain si James na umupo sa isang bench at panoorin ang magandang pagtatapos ng araw.

"Naranasan mo na bang manood ng paglubog ng araw?" tanong ni Devon kay James na sana ay naintindihan nito.

"A lot of times already but I didn't appreciate it at all. Unlike now, I'm watching it with a very special person. "wika ni James at tumingin ulit kay Devon. 

"Wow, ang ganda talaga!"bulalas ni Devon habang pinapanood ang pagpapalit palit ng kulay ng takip silim.

"Yes its beautiful, but compare to you...It's just ordinary. "

Inihilig ni James ang ulo ni Devon sa kanyang dibdib habang patuloy na pinapanood ang ang sunset. Naisip nya na wala sa hinagap na gagawin nya ang mga ganitong bagay, magpaka cheesy at tumambay upang manood ng sunset,

James never thought of this cheesiness before. He have no idea that sunset in Manila is really amazing. James Reid watching the most spectacular sunset he has ever seen. The flickering of the sun's last rays shooting between the moored yachts is a sight to behold. And the presence of the lady who matters to him the most. He's happy no doubt about it. With a simple date, yes it's their very first official date, nobody told him that it would be this wonderful. 

Mas lalo nyang minamahal sa bawat oras si Devon dahil nakikita nya ang kasimplihan nito, hindi ito katulad ng ibang babae na naghahangad ng isang magarbong date sa isang kilalang hotel o restaurant. Kaya naman kakaiba talaga ito sa lahat, his Devon - His. 

Naging masaya ang kanilang pagsasalo sa hapunan dahil masarap itong kausap. Napakabungisngis nito at mas lalo nya itong nakikila. Bubbly Baby, yun ang tawag nya kay Devon. Nalaman nya na ilang linggo na lang at babalik na ito sa eskuwela. Graduating na ito ng Engineering at mag coconcentrate na sa pag-aaral. 

Inalok nya ito ng financial help ngunit mukhang hindi nito iyon nagustuhan. Tumangi agad ito hindi pa man nya tapos ang kanyang sinasabi. Napakasimple talaga, at ang tanging magagawa nya ay suportahan ito at laging mapasaya ito. 

"Mahal kita Devon" wika ni James at hinalikan nya si Devon sa sentido nito. 

Hindi umimik si Devon bagkus ay sumiksik nalang sa yakap ni James pero sa kaibuturan ng puso nya alam nya ang sagot dun ,Mahal nya talaga si James. 

Kislap ng camera ang nakapag alis ng mahikang bumabalot sa kanya. Isa pa ulit kislap at sa isang iglap tumalikod na ang dalawang taong mukhang mga photographer talaga dahil sa uri ng mga gamit na dala nito.

"Hala, may naka kilala sayo. Patay ako neto." kinakabahang wika ni Devon.

"Why? Don't be afraid, I am going to tell the world that you are my girl." sagot naman ni James. Pero si Devon ang nasa isip ay, eto na simula ng gugulo ang buhay ko pero di bale basta kasama ko ang prinsipe ko."

"Kuya bili na po kayo ng bulaklak para makauwi na kami ng kapatid ko."alok ng batang babae na nasa edad 10 at may kasamang batang lalaki na mukhang 5 taong gulang. May mga bitbit silang mga puti at pulang rosas. 

"You like flowers?" tanong ni James kay Devon pero agad din sinundan ng "Why am I asking you? I've given you earlier and I want to give you more."

"Magkano lahat  little girl?" tanong ni James sa wikang tagalog. "P200 na lang po.." sagot ng bata.

"Here, sayo nalang sukli bili candy." abot ni James ng P500 sa dalawang bata na hindi naitago ang katuwaan. "Maraming salamat po kuya, ate" wika ng bata at masayang inakay na ang kapatid.

"For my Bubbly Baby, flowers" abot ni James kay Devon. "Salamat."

Nanatili lang silang naka-upo at pinapanood ang paghalik ng dilim sa huling kislap ng liwanag. Habang unti-unti ng nagsisindihan ang mga lamp post at mga ilaw sa mga yate at light house. 


CHAPTER 13

Nag-aya na si Devon umuwi dahil ayaw nyang abutin pa ng masyadong gabi. Pumayag na din si James at ipinilit na ihahatid nya si Devon kahit tumatanggi ang dalaga. Paano syang hindi tatangi, isang Hummer ang maghahatid sa kanya at paano pa pag nalaman nilang ang sikat na si James Reid ang sakay ng sasakyang iyon.

Pero hindi nagpatalo si James hanggang sa sumuko si Devon at pumayag na din sa gusto ni James. Takutin ba naman syang ihahatid sya o sa Manila Bay sila magpapalipas ng gabi. E di syempre natakot sya kaya naman pumayag na sya.

Binabagtas na nila ang daan kung saan ipinarada ni James ang sasakyan ng may marinig silang kumakanta. May live band pala ulit doon at pwede kang magrequest ng kanta o ikaw mismo ang kakanta. 

Napangiti si James at hinila si Devon patungo roon. "Teka anong gagawin natin dyan," tanong ni Devon.

"You will sing for me."pinal na sabi ni James.

"Teka nga mister inuutusan mo ba ko ha? inis na wika ni Devon. 

"No baby, please don't get angry. I just want to hear you sing. I know you can sing. Alam kong dati nag kakanta ka sa band." wika ni James

"Paanong.. " tanong ni Devon na sinagot naman ni James

 "I know alot about you Devon, please sing for me baby." pagsusumamo pa ni James Hindi nalang nya sinabi na ipinakalap nya talaga lahat ng impormasyon tungkol kay Devon dahil gusto nyang mapalapit at makilala ito ng lubusan. Wala naman syang nakitang pangit sa family background nito at kung meron man wala din syang pakelam. 


May isinulat na si James sa papel at iniabot sa isang babae. Then he made an okay sign. Nakarinig si Devon ng pagsinghap sa paligid dahil ang iba ay nakilala na si James ngunit wala naman ginagawang hakbang upang makalapit dito dahil kahit na sino, hindi basta bastang malalapitan si James Reid dahil sa intimidating na aura nito. 

"Guys let me call Ms Devon, a special request coming from a special someone. "wika ng babaeng emcee na hindi itinago ang pagtaas ng kilay. 

"Go, By sing that song for me please" wika ni James. 

Tumayo na si Devon at hindi alam kung ano ang kantang dapat nyang kantahin. Nagulat sya ng marinig ang panimula ng kantang iyon. Pati ba naman isa sa mga paborito nyang kanta ay alam ni James. Bakit iyon ang gusto nitong ipakanta sa kanya. Nasisiraan na talaga ito. 

Habang nasa entablado na sya hindi nya maiwasang hindi kabahan. Sanay sya sa mga tao, pero sa presensya ng partikular na tao doon sya kinakabahan. 
At nagsimula na syang umawit ng "Banana Pancakes".


Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside...
But baby, you hardly even notice
When I try to show you this
Song is meant to keep ya
From doing what you're supposed to
Like waking up too early
Maybe we can sleep in
I'll make you banana pancakes
Pretend like it's the weekend now

And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside

But just maybe, laka ukulele
Mommy made a baby
Really don't mind the breakfast
'cause you're my little lady
Lady lady love me
'cause I love to lay here lazy
We could close the curtains
Pretend like there's no world outside


Napadako ang tingin nya kay James at nakatitig ito ng mataman sa kanya. Tama ba ang basa nya sa mga mata nito? Paghanga ba iyon? O dahil lang sa ilaw kaya may kislap ang mga mata nito. 


And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside
Ain't no need ain't no need Mmmm MMmmm
Can't you see can't you see
Rain all day
And I don't mind.

The telephone is singing
Ringing it's too early
Don't pick it up
We don't need to we got everything
We need right here
And everything we need is enough
Just so easy
When the whole world fits inside of your arms
Don't really need to pay attention to the alarm
Wake up slow, yeah wake up slow
You hardly even notice
When I try to show you this
Song is meant to keep ya
From doing what your supposed to
Like waking up too early
Maybe we can sleep in
I'll make you banana pancakes
Pretend like it's the weekend now

And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside
Ain't no need, ain't no need
Rain all day and I really really really don't mind
Can't you see can't you see,
You gotta wake up slow 

Tinapos ni Devon ang kanta at  narinig na nya ang sigawan at palakpakan ng mga taong nandoon.
Dali-daling syang bumaba ngunit bago pa sya tuluyang makababa nasa harapan na nya si James at hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit. "Now we can go home " may ngiti sa labing sabi nito.

"Baby, you were so good up there as if you're in a major concert. You made me so proud." masayang wika ni James kay Devon. 

"Bolero ka. Paborito ko yong kanta buti nalang yun ang napili mo. Bakit nga pala yun ang pinili mo?" tanong ni Devon kay James.

"I just love it, and it's dedicated to you. Soon, I'll make banana pancakes for you" wika ni James at pinaandar na ang sasakyan.

Itinuro ni Devon kay James ang daanan papunta sa kanilang bahay, medyo traffic kaya naman wala silang ginawa kundi ang magkulitan. May itinatago din palang kulit ito. Ang saya ng araw nya, ramdam nya ang pagmamahal at pagkalinga ni James sa kanya. Ang problema nya nalang pano magpapaliwanag sa pamilya kung saan siya nanggaling ng buong maghapon na yon.

"Dito na lang James, wag mo na akong ihatid hanggang loob. Pansinin ang sasakyan mo. " wika ni Devon.

"No, I want to meet your family tonight. If its okay with you."

Wala na namang nagawa si Devon kundi ituro kay James ang paliko sa maliit na subdivision kung saan siya nakatira. Andun ang tricycle ng kanyang ama, ibig sabihin ay andun ito at hindi nagpang gabing byahe.

"Patay ako nito, paano ko to sasabihin sa kanila." mahinang usal ni Devon.

"Don't worry baby, let me handle this." sagot naman ni James.

Windang na si Devon, ang bilis ng mga pangyayari. Mahigit isang linggo pa lang nyang nakilala si James, dalawang araw pa lang ng magtapat ito ng damdamin sa kanya, at ang mga nangyari kanina, at ngayon ay nobyo na nya ito. Siguradong mawiwindang ang pamilya nya.

Bumaba na si Devon sa sasakyan at nakita nyang lumabas sa pintuan ang Ate Darling nya, ang kanilang panganay. Marahil narinig nito na may pumaradang sasakyan. Muntik na itong sumigaw ng malakas kung hindi nya lang naagapan at matakpan ang bibig nito.

"Siyyeettt, Devs bakit mo sya kasama... Ang gwapo sa personal, sya ba yun o kamukha lang nya?"tanong nya sa kapatid.

"Sya yan ate." 

Kung anong reaksyon ng Ate Darling nya ay walang sinabi sa reaksyon ng Ate Dimple at Ate Dhemy nya. Mabuti na lamang at nasaway ito ang mga ito ng kanilang ama.

Naging maayos naman ang pakikitungo ng pamilya nya kay James ngunit hindi maitago sa mukha ng kanyang mga magulang ang pag-aalala. Kasi nga naman, siya ordinaryong tao lang ang kanyang nobyo ay isang kilalang tao. Nangako naman si James sa kanyang ama na iingatan nya ang dalaga at wag mag alala dahil seryoso sya dito. Patunay na ang kanyang hangarin na makilala ang pamilya ng dalaga. 

Dahil gumagabi na nagpaalam na din si James at nangakong magbabalik kinabukasan para puntahan si Devon. Inihatid ni Devon si James sa sasakyan nito at bago tuluyang smakay ang binata ay nagwika ito ng

"It's nice meeting your family By, now I know where did  you get your bubbly personality. Your family is one of a kind. Bye for now,expect me tomorrow. Mahal kita."paalam ni James kay Devon na kahit gusto man nya itong gawaran ng halik ay hindi nya gagawin dahil may respeto sya sa pamilya nitong nakatanaw. 

"Bye, inggat sa byahe, By." sagot ni Devon na sadyang hininaan ang huling kataga ngunit nakita nya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng binata kaya nasisiguro nyang narinig nito iyon. 


Nang gabing iyon bago sya matulog ay pinuntahan sya ng kanyang ina sa kwarto. 

"Anak nakikita kong masaya ka. Pero sana handa ang kalooban mo sa kung ano mang mangyayari. Alam mo ang mga dapat na konsekwensya sa sitwasyon mo ngayon. Anak kita, ayw kitang masasaktan."wika ni Nanay Lyn.

"Opo mudra, alam ko naman po. Handa po ako at salamat sa pag-unawa nyo sa akin. Pati din kay Pudra wag po kayong mag-alala ako po ang bahala sa sarili ko. "

"Tska nay ano ka ba, ayaw mo nun may panibago akong inspirasyon habang nag-aaral ako. If I know nay, kilig na kilig ka tulad nila ate. Crush mo din si James noh" panloloko ni Devon sa ina at kiniliti ito sa tagiliran.

"Maloko ka talaga, ewan ko lang kung hindi makulitan yun sayo. Pero teka anak, anong ginawa mo dun at nabulag sa ganda mo ang isang hombreng katulad nun?" ganting biro din ng ina ni Devon. 

"Kayo nay may pa hombre-hombre pa kayong nalalaman. Tawag na kayo ni tatay at matulog na kayo. Good night nanay kong maganda na aking pinagmanahan ng ganda." sabay yakap sa kanyang ina. 

Lumabas na si Nanay Lyn ng kwarto ni Devon habang si Devon ay pansamantalang napagisipan ang sinabi ng ina. Alam nyang isang malaking desisyon ang kanyang ginawa, ang ibigin si James. Subalit dahil mahal nya ito, handa syang harapin ang bukas kasama nito. At nakatulog syang may ngiti sa labi. 

No comments:

Post a Comment