Friday, 27 August 2010

FAIRYTALE CHAPTER 9-10


CHAPTER 9

      James saw the girl and his heart skip a beat. Its confirmed, he feels something for that girl. Hindi nya alam kung tama ba yun o mali dahil unang-una mukhang inis sa kanya ang dalaga. Pero walang masama kung makikipagkaibigan sya. Alam nyang naiilang ito sa kanya, naalala nya ang nangyari noong nakaraang linggo at hindi nya maiwasang makadama ng inis kay Enna. Pinabayaan lang nito ang pinsan na magutom ng dahil sa pagod. 

Naguguluhan sya sa kanyang sarili, unang-una hindi ang tipo nito ang magugustuhan nya. Ang mga nakaraang karelasyon nya ay yung mga modelo, artista at nagkaroon pa sya ng kasintahan na may lahing dugong bughaw. Kaya naman ipinagtataka nya kung bakit naaattract sya sa simpleng babaeng iyon

"Maybe it's just fascination. Yes, that's it.. "wika ni James sa kanyang sarili. "You're a fool, James, you know yourself so well" wika naman isang bahagi ng isip nya.

"Heck!", nasambit nya na lamang at nagpasintabi sa mga kasama nya sa mesa. Kailangan nyang lumabas at gawin ang dapat nyang gawin  kung hindi ilang araw na naman syang hindi papatulugin ng magandang mangkukulam na yun. "That witch!" sa isip-isip nya. Ganon ang nangyari sa kanya simula ng hindi nya ito nakikita dahil sa out of town photoshoot nya. Ayaw man nya ay patuloy na nagsusumiksik sa isipin nya ang "littlegirl witch" na yun. 

"Laurena, Dad, I'll just go check on something. " paalam niya sa ama at kay Laurena na kapatid nya sa ama. 

"Hey, you're not done eating yet.Where are you going?" tanong ni Laurena sa kapatid.

"Just somewhere" sagot ni James at tuluyan ng umalis. Nagtataka ang kapatid at nagtanong na lang sa ama. 

"Dad, where is he going?" Nagkibit balikat lamang ang ama.

 *******

      Kanina pa nag-aabang si Devon ng masasakyan. Weekend pa naman kaya maraming guest ang nagtutungo sa hotel. Mula hotel magtataxi na lamang sya hanggang sa sakayan ng bus sa kanto. Takot syang lakarin ang daan papunta sa main highway kung saan andun ang sakayan. Kanina pa dapat sya nakasakay ngunit pinauna na nya ang mga foreigner na guest ng hotel sa taxi na kanyang pinara. 

"Naku gagabihin na ako nito, mag-aalala na naman sila nanay. "sambit ni Devon habang patingin-tingin sa kanyang relo. Wala pa ding dumadating na bakanteng taxi hanggang sa mga oras na iyon.

"You know its hard to catch a cab here at this hour" wika ng tinig na nakapagpagulat kay Devon hindi nya napaghandaan na may tatabi sa kanya kaya naman napagkamalan nyang masamang loob ito. Kinabahanan sya bigla.

"Wag po.. wag po, maawa na kayo. Mahirap lang kami, wala kaming pang ransom." sambit ni Devon habang ipinangtatakip sa mukha ang bag na dala ng bigla syang mahimasmasan. Nakilala nya ang boses ng lalaki. Marahil dahil sa inggay ng fountain sa harap ng hotel ay hindi nya ito nakilala. At ang enggot naman nya, may masamang loob ba na english speaking?

"Did I scare you? I'm sorry. But you look funny just awhile ago. I didn't know that you'll be frightened by someone or something. "sinabayan pa nito ng tawa. 

Hindi makapaniwala si Devon na ang lalaking ito ay tumatawa ng ganon. Kanina lamang nya ito nakita na tumawa, sa kanyang nakaw na sandali pa. Pero ngayon, sa harapan nya mismo malayang tumatawa ang animo diyos ng mga griyegong lalaki. Ang sarap sa pandinig ng halakhak nito. Ngunit biglang nawala ang pagkaaliw nya dito ng maalala na may kasama itong magandang babae kanina.

"Naman, pinagtawanan pa ko. No sir, I was just  taking precautions. " sagot ni Devon kay James. 

Napansin nyang hindi na ito tumatawa bagkus nakatitig ng mataman sa kanya. Nawawala na naman sya sa titig ng lalaking ito. Parang naririnig nya ang pintig ng kanyang puso. Dahil alam na nya sa sarili nya, mahal nya ang lalaking ito. Sa kaunaunahang pagkakataon, umiibig ang kanyang puso.  At biglang nagkaroon ng pag-asa ang kanyang puso, dahil may nakita sya sa mga titig ni James. Hindi nya mapigilang hindi umasam na sana si James na ang kanyang prinsipe. 

Nagulat sya ng bigla nitong hawakan ang kanyang kamay at hilain sya papunta sa isang bench sa harap ng hotel. Wala itong pakelam sa tingin ng mga taong kanilang nakakasalubong.Nagtataka kung bakit ang sikat na modelo na si James Reid ay may karay-karay na hindi kilalang babae.  Ang iba ay nakilala ito kahit pa sa gitna ng gabi ay nakasuot ito ng dark shades. Ng makarating sila at makaupo, walang salita ang namagitan sa kanila.

Hanggang basagin ni James ang katahimikan. 

"Do you believe in love at first sight?" tanong ni James kay Devon

Tameme pa rin si Devon dahil parang nag short circuit ang utak nya. Hindi sya makapag-isip. "Shocks, ano ba to." yun ang tanging naiisip nya. 

"There was a time in my life that I got confused because of someone. I didn't know what I truly feel until I saw the hurt look in her eyes upon seeing me with a girl. I remember how she look the first time we met, simple but yet extraordinary. She's in a hurry and accidentally our paths crossed. "

"I remember the day when we were introduced officially and I'm glad I can put a name on the face that keeps bugging my mind. "

"I remember the time when I got so irritated with someone knowing that the girl I care for isn't feeling ok because of selfishness."

"You see, Devon I remember you. You're always in my mind." pagtatapos ni James at tinitigan si Devon ng matiim sa mata na para bang may gustong makita ito.




CHAPTER 10


        Kinakabahan si Devon, kanina pa sya namumula alam nya yun dahil mainit na mainit ang mukha nya. Nangarap sya oo, kasama sa pangarap nya na magkaroon ng isang prinsipe balang araw. Pero hindi nya inaasahan na ang prinsipeng pinapangarap nya ay magsasabi ng ganon sa kanya. 

Nanaginip lang sya, iyon ang kanyang sinabi sa sarili. "Oo panaginip lamang ito" nasambit nya at bahagyang kinurot ang kanyang braso."Tokwa, ang sakit, totoo nga." sa isip-isip nya dahil nasaktan sya sa kanyang ginawa.

Hindi nya alam kung paano sasagutin ang sinabi ni James. Natatakot syang malaman nito na matagal na nya itong iniibig, isang linggo na. Kung magpapakatotoo sya, aaminin nya dito ang nararamdaman nya. Ngunit natatakot sya na maaring hindi ito seryoso sa sinasabi nito at pinaglalaruan lamang sya nito.

"I'm sorry sir pero wala akong panahon sa mga kalokohan nyo. I know I'm just a PA but I don't deserve this from you." nawika ni Devon dahil kailangan nyang gumising. HIndi ang tipo nito ang magkakagusto sa kanya.

"You think I'm kidding you? "No, Devon its true. I left my sister and my father in the middle of our dinner just to follow you" wika ni James at kinuha ang kamay ni Devon. "I don't know what I'm feeling but I like you. " diretsong sabi ni James kay Devon. 

Hindi na matagalan ni Devon ang nangyayari kaya dali-dali nyang binawi ang kanyang kamay at mabilis na tumalikod. Pero bago sya tuluyang makalayo narinig pa nya ang pahabol ni James na "Devon, seriously, come back and. " hindi na nya narinig ang kasunod. Mabuti at hindi na sya nito sinundan. 

Tamang-tama naman na may taxi na walang laman at agad-agad syang sumakay. "Manong dyan lang po sa sakayan ng bus"sabi nya sa driver.

"Hah, anong akala nya sakin madadala sa mga salita nya. Anong akala nya sa kin madaling makuha? Anong akala nya sa sarili nya isang titig lang okay na ang lahat. Anong akala nya?" pag-eemote pa nya at hindi nya namalayang namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

 Naiinis sya sa sarili nya. Kung magpapakatotoo lamang sya, malamang nalaman na din ni James ang nararamdaman nya. Nakita nya sa mga mata nito ang katotoohan sa mga sinasabi nito. Ngunit, para sa sarili nya rin ang kanyang ginawa.

"Walang patutunguhan Devon, alam mo yan. Isa ka lang ordinaryong tao. Siya, si James Reid, ay isang Hari. Ang alipin at Hari ay kailanman hindi magkakatuluyan sa mga nobela lang yun."paalala nya sa kanyang sarili. 


 ******

        "Pakilagay nalang yan dun Devon, bilisan mo naman" wika ni Enna kay Devon. Panibagong photoshoot na naman nito kasama si James at Trixie. Naisip nya si James. Dalawang araw na itong hindi nagpapakita at hindi nya balak alamin kung saan ito nagtungo. Hindi nya alam kung paano nya ito pakikiharapan.

"He's here na. Gosh, I'll do everything just to have him. "wika ni Trixie,

"Oh no, no  no. It'll be me. We are so compatible, there's alot of things that we both like. You should know that by now." wika naman ni Enna.

"May the best gorgeous girl win Enna," sinabayan pa ng tawa ni Trixie at sinundan din ng tawa ni Enna.

Samantalang si Devon ay kinakabahan, parating na ang lalaki at may kakaiba dito. Nakangiti ito sa kanya. Ewan nya kung napansin ng dalawang babae ang ngiti at titig ni James sa kanya. Marahil dahil tumingin ng masama ang pinsan nya sa kanya.

"Hi James, how are you dude? tanong ni Enna kay James at napansin ang kakaibang ngiti nito at parang may itinatago sa likod. 

"Hey, handsome,how's your visit to your relatives?"tanong naman ni Trixie na hindi katulad ni Enna na lantad ang pagpapacute. 

"Just fine" iyon lang ang tanging sagot nya sabay labas ng bulaklak na nakatago sa kanyang likod at ibinigay kay Devon.

"You see I'm serious, I don't care what other people will say so believe in every word that I've said.  For you."  iniabot ni James kay Devon ang bungkos ng white roses. 

Hindi alam ni Devon kung ano ang gagawin, basta na lamang tinanggap ang bulaklak. Alam nya nagulat lahat ng tao sa loob ng silid na yun, partikular na ang pinsan nya dahil huling huli nya ang nagbabagang tingin nito. Naningkit ang singkit na mata nito kaya nasisiguro nyang mawawalan na sya ng trabaho.Hindi lingid sa kaalaman nya ang pagkakagusto ng pinsan kay James. 

"James why are you giving flowers to my PA? For goodness sake, she's just my alalay!" wika ni Enna na hindi nya inaasahan na ganon lang ang tingin nito sa kanya. 

"Gosh, is this some kind of a joke? You're just making fun of her right?" dagdag naman ni Trixie. 

"Why don't you two shut up and just leave her alone." sagot ni James sa dalawang babaeng parehong natameme. Kilala si James Reid bilang isang taong straigt to the point at walang keme sa salita. 

"I don't believe this." wika ni Enna at bumaling kay Devon "siguro nilandi landi mo yang si James no? Wala kang utang na loob, Binigyan kita ng trabaho tapos aakitin mo lang si James" hindi na napigil ang galit ni Enna kay Devon. Sinisira ng pinsan nya ang kanyang plano. Hindi maari yun. 


"Wala naman akong. " naputol ang pagpapaliwanag ni Devon.

 "Wala akong pakelam sa sasabihin mo, wala ka ng trabaho. " bulalas pa ni Enna, hindi na nagulat ang iba sa ipinakitang asal ni Enna dahil alam na nila ang totoong ugali nito. 

"Stop saying bad words to her, she won't be working with you anymore. She'll be working with me anyway. " sagot ni James at hinawakan ang kamay ni Devon at iginaya palabas sa silid na yon. 

"He's a fool, why a PA? " tanong ni Trixie kay Enna. Habang si Enna naman ay nag-iisip kung paano nya maitutuloy ang matagal na nyang plano. Si Trixie kaya pa nyang lamangan, pero si Devon na gusto ni James, kailangan nyang umisip ng ibang paraan.

No comments:

Post a Comment