Saturday 25 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 19


CHAPTER 19

Natapos nila ang kanilang tanghalian at nagpasyang magpahinga muna. Mamayang hapon na lang sila lalangoy dahil nalaman nya mula kay James na overnight sila doon. Ipinaalam din nito sa kanya na bago ito gumawa ng ganoong hakbang ay ipinagpaalam muna nito sa kanyang magulang ang gagawin.
Sa una ay hindi pumayag ang mga ito lalo na ang kanyang ama, ngunit dahil sa nangyari sa lolo nya at kinailangan lumipad ng kanyang magulang sa New York ay napapayag na rin ang mga ito. Now she know kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ama. At alam nyang alam din ni James yun, pinagkatiwalaan silang magpag-isa. They are responsible persons na nasa tamang edad na kaya alam nila ang tama at mali.
Muli siyang nakaidlip sa dapyo ng sariwang hangin. Katok sa pinto ang nakapagpagising sa kanya. She glanced in her watch and learned that it’s past 4 already.
Pupungas-pungas na binuksan nya ang pinto at tumambad sa kanya ang hubad-barong James.
“Holy macaroni!” muli syang tumalikod dahil bigla syang nahiya sa nakita. Tanging shorts lamang ang suot nito.
“Ang OA mo Cookie ha, come on. Magpalit ka na ng swimsuit para makalangoy na tayo.”hila nito sa kanya.
“Nabigla lang ako sorry naman, hmm. Macho ka pala Monster. Wait for me and I’ll just change.” Muli niyang isinara ang pinto. Naghagilap sya sa kanyang overnight bag at nakita ang kanyang one piece swimsuit. Isinuot niya iyon at nagsuot pa sya ulit ng maiksing shorts. Hindi nya kayang magswimsuit sa harapan ni James.
“I’m ready,”
Nilingon siya ni James at nakita nya ang paghanga sa mga mata nito. “You’re definitely not a baby anymore Devon, you’re now a lady. My lady.” Seryosong wika ni James habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Nakipagtitigan sya dito ng ilang Segundo bago tumakbo papuntang dagat, “habulin mo ko kung kaya mo!”
“Aba gusto mo pala ng karera ha, andyan na ko.” Natatawang wika ni James.
Para silang mga bata na naghabulan sa buhanginan, kahit ng nasa tubig na sila ay para pa rin silang mga paslit na nagsabuyan ng tubig. Hanggang sa magpagpasyahan nilang sisirin ang dagat. They’re both great swimmers nalaman niya iyon ng minsang nagkasabay-sabay silang magbabarkada sa isang swimming gala.
Inubos nila ang araw sa paglangoy hanggang sa inabot sila ng dapit-hapon. Nakaupo lamang sila sa buhanginan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
“Thank you again for making me happy. Words are not enough to show you how happy I am.”
“Romantic, isn’t it?” tanong nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang sunset.
“Yes, another reason why this day is so special. My birthday, Lolo’s recovery, this outing, the sunset and of course you James Monster.”nilingon niya ito at nakita nyang nakatitig din ito sa kanya.
Love and passion is evident in his eyes, she knew he wanted to kiss her. At iyon din ang gusto nyang mangyari, ang maramdaman muli ang halik ni James. Kaya ng unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya ay ipinikit nya ang kanyang mga mata.
When his lips touched hers, she felt calmness. James gave her a sweet soft kiss and stared at her.
“I love you so much Devon, ang Makita kang Masaya ay kayamanan para sa akin.”
“Mahal na mahal din kita James, maraming salamat sa pagmamahal mo.”tugon niya dito.
Tumayo ito at inalalayan siya papunta muli sa karagatan. Isang oras pa silang nagbabad bago tuluyang umahon.
****
He needs to control his emotions, nagbitiw siya ng pangako sa mga magulang ng dalaga kaya tutuparan niya iyon. God help him, but all he want to do is kiss Devon senselessly until they ran out of breath.
Pinagmasdan nya ang dalaga habang papalapit sa kanya. Sinadya nyang mauna dito upang lumayo kahit sandal. Their closeness is not giving him any good. Alam nyang maaring mangyari ang ganito ngunit hindi nya inakalang ganito ang intensidad. He watched her walk gracefully towards her. At lalong hindi nakatulog ang basang damit panligo nito.
“Anak ng..” mura niya sa sarili. Saktong nakalapit na ang dalaga sa kanya ng bigla nyang gawin iyon. “It’s now or never, bahala na si Batman.” Wika nya sa sarili.
He touched her nape and held her there, he kissed her with so much fire. James knew he caught her off guard so he gently lay her on  the shore without breaking the kiss. Devon followed his lead and is kissing him the way he wanted it to be.
His hand roamed all over her body as she willingly accepts all his touch and kisses. He doesn’t know who let out a moan, but with the way things are going, there’s no turning back.
He pulled her up and carried her to the cottage. As he lay her on the bed, his eyes pleading with love and desire, Devon nodded.
“Are you sure?”
“Yes James.”That’s it, all his control went out of th window. He kissed her with so much ardor as he started to undress her.
In that small cottage, under the dark moonlight, they shared one passionate night. Unmindful of the consequences their actions might bring. All they know is that their love knows no boundaries.
****
Devon woke up feeling sore all over. She blushed when she remembered what happened last night. And as she started remembering, guilt flooded her being and tears fell from her eyes.
Hinanap ng mga mata nya si James ngunit wala ito sa tabi nya. Napansin nyang punong-puno ng mga talulot ng rosas ang paligid simula sa kanyang kinahihigaan hanggang sa sahig ng cottage. Naalala nya ang kanyang mga magulang, parang hindi nya kayang humarap sa mga ito dahil sa nangyari sa kanila ni James. Napaluha na naman sya ng maalala ang mga ito, wala syang pinagsisisihan sa naganap ngunit hindi nya kayang magalit ang mga magulang sa kanya.
“Hindi ko ihihingi ng tawad ang isang napakagandang pangyayari.” Narinig nyang wika ni James habang papalapit sa kanya tangan ang isang bungkos ng puting mga rosas.
Iniabot nito sa kanya ang mga iyon at ginawaran siya ng halik sa labi. Hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito at muling lumuha.
“I’m just scared James, I don’t regret it either. It’s just that, my parents won’t be happy.” Pautal-utal na wika ni Devon.
“I know, mas lalo na sa akin dahil pinagkatiwalaan nila ako. Sinira ko ang pangako ko sa kanila Devon dahil sa pagmamahal ko sayo.” Masuyo nitong hinaplos ang kanyang buhok. “Nakahanda ako sa ano mang mangyayari, handa akong harapin ang galit nila. Kahit bata pa tayo,nakahanda ako Cookie.”
Pinanghawakan ni Devon ang salita ni James, tahimik nilang inayos ang kanilang mga gamit upang maghanda na pabalik sa Manila. Napansin nyang naging mas lalong caring at sweet ang nobyo sa kanya. Marahil dahil mas malalim na ang antas ng kanilang relasyon.  Kung handa ang binata, handa na din syang suungin ang ano mang kabayaran ng nagawa nila.
****
Five  days simula ng makabalik sila sa Manila ay dumating naman ang kaniyang mga magulang. Hindi niya alam kung dahil lang bas a guilty sya o paranoid lang, madalas kasi siyang pag-aralan ng kanyang ama. At sa oras na nahuhuli nya ito sa ginagawa tinatanong nya ito kung bakit. Tanging “wala” lang ang laging sagot nito.
Nakadalaw na din ulit si James sa kanila ng sunduin sya nito upang sabay silang mag-enroll sa padating na school year. Second year na sila sa pasukan, at pinababalik sila ng dean sa susunod ngayong araw upang ipaalam sa kanila ang resulta ng audition nila sa isang TV show.
“Mum, Dad, we’re going na po.”paalam niya sa kanyang mga magulang.
“Alis na po kami Tito, Tita.” Segunda naman ni James.
“Ingat kayo sa byahe ha. Iha, drive carefully.” Paalala ng kanyang ina.
Magkasabay nilang tinungo ang kanyang silver Toyota Camaro at tahimik na bumiyahe patungong university.
Binasag ni James ang katahimikang matagal na namayani sa kanila.
“Are you okay Cookie? Parang tahimik ka ngayon.”
“I’m alright, masama lang siguro ang gising ko. I feel like I’m going to be sick or something. Kaya dalian lang natin ang makipag-usap so I can sleep again.” Iritableng wika ni Devon.
“Alright, drive carefully para di ka mapagod.” Nag-aalalang wika ni James.
Nakarating sila sa office ng dean at ng Makita pa lang sila ay malaki na ang ngiti nito.
“Congratulations Devon and James, pasado kayo sa auditions. You’ll be part of the Youth-oriented show “Let’s Shout!”, we are so proud of you” pagbibigay alam nito sa kanila.
“Is it for real? As in Sir?” tanong ni Devon.
“Yes my dear, part na kayo ng show. Less than a month pa naman bago mag start ang klase. You’ll have plenty of time to talk with the management.” Wika muli ni Mr. Mana
Ilang sandali pa silang nagtagal sa opisina ng dean bago tuluyang magpaalam. Devon wants to go home para ipaalam na sa kanyang mga magulang ang goodnews. James started sending SMS to their friends at sunod sunod na congratulatory replies ang natanggap nila.
Indeed, they are happy. Dream come true para sa kanila iyon, lalo na kay James na magkakaroon ng mas magandang opportunity. Masaya nilang nilisan ang unibersidad at napagpasyahan munang dumaan sa isang Fast food chain dahil nagugutom na si Devon. 

No comments:

Post a Comment