Thursday 6 January 2011

CRAWL BACK TO LOVE CH. 29




CHAPTER 29

“Do you like the place?” tanong ni James sa kanya. Matapos nilang mag-usap ng maayos at magkaroon ng kasunduan naroon sila sa bahay nito sa Laguna. He wanted them to stay in his house. Ang katwiran nito mas makakabawi silang mag-ama sa mga panahon na nawala sa kanila kung magkasama sila sa bahay. Mariin niya iyong tinutulan dahil hindi magandang sa iisang bahay sila nakatira. At ang ikinababahala nya ay ang malaman ng publiko ang tungkol sa kanila ni RJ. Maaring makasira sa career nito ang pagpapatira sa kanila sa bahay nito. “The hell with my career!” iyon ang laging sagot nito sa kanya. Mas mahalaga daw si RJ kaysa sa career nito.
“I’m asking you, do you like the place?” muling tanong nito. Pinagmasdan nya ang bahay, maaaliwalas ang paligid at maganda ang kalidad ng mga muwebles. Puro mga antigong kahoy ang karamihang makikita sa loob ng bahay ni James. It’s a two-storey bungalow na may kalakihan.
“Yes, its nice.” Sagot niya. Nasa hardin si RJ at kasalukuyan itong naglalaro. Nilingon nya si James at nakita nyang nakatitig ito sa kanya.
“I prefer if we stay in one room, I mean me and RJ.” Sa kawalan ng sasabihin ay nawika nya.
“Don’t worry I won’t sleep here.” Sagot nito at sinundan ng nakakalokong ngiti. Nailang sya ng hagurin sya ni James mula ulo hanggang paa. “And I will never touch you again, mas malalim ang galit ko sayo kaysa mag-isip ng ano pang bagay.” He said sarcastically before leaving her. Sinundan nya ito ng tingin habang lumalakad patungo sa anak nila. Nakita nya ang totoong ngiti nito na matagal nyang pinanabikan ng lumapit dito si RJ. Ang anak lang yata nya ang masaya sa mga pangyayari.

****
Tapos na ang leave ni James, ang isang linggong bakasyon nito ay nadagdagan ng isa pa dahil sa pagkikita nila. He stayed with them until dinner at pagkatulog ng kanyang anak ay umaalis na rin ito. Kahit kailan ay hindi ito nagpaalam sa kanya kapag umaalis ito. Nasanay na rin sya bigla itong dadating at aalis. Wala pa ring nakakaalam kung nasaan  si James, napabalita nga na kahit si Tricia ay hindi alam kung saan nagbakasyon ang lalaki. Sa mga panahong umuuwi si James ay hindi nito nakakaligtaang magdala ng pasalubong para sa anak. He’s spoiling RJ big time. Hindi na sya tumutol dahil balewala din naman. His son is enjoying the company of his father, kaya kapag magkasama ang dalawa ay umaalis sya. She doesn’t want to stay near James dahil lalong lumalalim ang pag-aasam sa puso nya na maibalik ang lahat. Minsan iniisip nyang sana totoong isa silang masayang pamilya.
“I need to go back in Manila, kailangan ko ng asikasuhin ang dapat ayusin.”nagulat sya ng kausapin sya nito. Kanina napabalita sa isang talk show ang isang blind item na tungkol sa isang sikat na singer na may itinatagong pamilya. Alam nilang dalawa na si James ang tinutukoy noon, ngunit wala syang nakitang ano mang reaction mula dito. Kaya siguro magpapakita na itong muli sa publiko upang linisin ang pangalan nito.
“Pwede bang mag-stay muna kayo ni RJ dito kahit ilang araw na lang.”pakiusap nito sa kanya. Nanibago sya bukod sa kinakausap sya nito, malumanay ang pakikipag-usap nito sa kanya.

“Sure, but my parents are getting worried dahil hindi ko sinasabi kung nasaan kami ni RJ.”
“Just for  few days Devon,” muling wika ni James. Tumango na lang sya at iniiwas ang mga mata dito.  Hindi nya kayang tagalan ang titig ni James, natatakot syang baka mahalata nito na ito pa rin ang laman ng puso nya. Tumayo na si James mula sa sofa at nagpaalam sa kanya.
“I’m going, take care of our son.” Ngayon lang din nito ginamit ang salitang “our son” kaya nakadagdag iyon sa pagtataka ni Devon.
“Sure, ingat.” Tipid na sagot nya. “You’re still beautiful Devon.” Wika nito. She was speechless dahil sa sinabi nito kaya hindi nya namalayang nasa may pintuan na si James ng muli itong magsalita.
“Do you think there’s still hope for us Devon?” tanong nito sa kanya. She doesn’t know what to feel. Mahabang sandaling nakatitig lang sila sa isa’t-isa. Nang hindi na nya makaya ay nagbaba sya ng paningin, narinig na lamang nya ang pagsara ng pinto, tanda na nakaalis na si James.
“Yes James, if you’ll just forgive me.” Mahinang usal nya bilang sagot sa tanong ng lalaki.

****
He’s going back to Manila para ayusin ang mga nakabinbing projects nya. Tatapusin nya lang ang lahat ng kontrata nya at hindi na sya tatanggap ng bago. Marami syang nais gawin kasama ang anak nya kaya ayaw nya ng ano mang makakasagabal sa bonding nilang mag-ama. Aaminin nya sa publiko ang pagkakaroon ng isang anak. He doesn’t want to hide his son from the public, kilalang pamilya ang kinabibilangan ni Devon kaya nasisiguro nyang matatanggap ng mga fans nya ang kanyang anak.
Nagmamaneho sya pabalik sa kanyang condo unit ng maalala nya ang tanong nya kay Devon kanina. Mahal nya pa rin si Devon yun ang nasiguro nya sa mga nakalipas na araw. Ang galit nya dito ay unti-unting nalulusaw dahil sa presensya ni RJ. Gusto nyang magkaliwanagan silang dalawa. May mga pagkakataong lagi nya itong pinagmamasdan kapag hindi ito nakatingin.  Walang ni isa mang babae na nakilala nya sa mundo ng showbiz at music world ang nakapantay sa ganda nito. Kanina umasa syang sasagutin nito ang tanong niya, ngunit ng makita nya ang ekspresyon nito ay napagpasyahan nyang umalis na lang. Hindi nya alam kung meron itong karelasyon sa U.K. Alam na nyang hindi nito napangasawa si Bret bagay na labis nyang ikinatuwa.
“Devon, you’re still my Cookie.” He sighed. He wants to give RJ a complete family, iyon ang iba-bargain nya kay Devon. Ngunit kailangan nya munang ayusin ang mga bagay. Unang-una na si Tricia. As if on cue, sa pag-iisip nya sa babae ay nag-ring ang cellphone nya. Ngayon nya lang binuksan ang cellphone at ito agad ang unang tawag na natanggap nya.
“Hi Trish” salat sa emosyong bati nya.
“James, where the hell have you been?” galit na bungad nito. Hindi nya masyadong maintindihan ang ibang sinasabi ni Tricia dahil napuputol ang linya.
“I cannot understand you clearly, nasan ka? Pupuntahan kita, we need to talk.” Wika niya sa babae. Sinabi nitong nasa bahay ito, “Wait for me there, and don’t tell anyone yet na nandito na ko sa Manila.” Bilin nya sa babae at pinutol ang tawag. Muli nyang ini-off ang cellphone at nagpatuloy sa pagmamaneho. Kakausapin nya si Tricia, alam nyang unfair para dito ang gagawin nyang pag-cancel sa kasal nila ngunit mas unfair para dito ang patuloy na pagkakaroon nila ng kunwaring relasyon. Dahil simula noon, bukas at magpakailanman, iisa lang ang hanap ng puso nya. Maligaw man sya ng paulit-ulit si Devon pa din ang itinitibok ng puso nya.
****
Lasing na lasing na sya, pero wala syang pakialam. Gusto nyang lunurin ang sarili sa alak hanggang sa mamanhid ang buong katawan nya. She don’t want to feel anymore. Simula kagabi ng puntahan sya ni James at kausapin ay nagsimula na syang uminom.
“That jerk!” galit na wika nya at inihagis ang kopita. Tricia stared hard on the shatterd glass, James cancelled their wedding and ended their relationship.
“Ang dahilan mo lang James ay ang walang kwentang babaeng si Devon at ang bastardong batang iyon” wika ni Tricia.
“Hindi pwede James, dahil hindi ako papayag na basta mo na lang akong ibasura.” She inhaled and took her cellphone.
“Kung ang dahilan mo ay dahil sa nalaman mong may anak ka at si Devon, pwes tanggalin ang mga dahilan James.” Wika ni Tricia at tumawa habang nagdi-dial ng numero. Dahil sinaktan sya ni James ng paulit-ulit dahil kay Devon, si Devon ang sasaktan nya.
****

“James pare where have you been?” bungad sa kanya ni Patrick. Pagkagising nya ay sinabi ng kawaksi na nasa baba si Patrick. Kung paano nalaman ng kaibigan ay hindi na nya inalam.
“Sa tabi-tabi man, kamusta?” tanong nya rin dito. Inaya nya itong mag-almusal at doon sila nag- palitan ng kamustahan ay itinanong nya kung nasaan ang ate nya.   
“Iyon ang dahilan kung bakit ako sumugod dito nagbabakasakaling bumalik ka na.” bumuntong-hininga ito. “Your sister’s in the hospital James, she needs you.”
Nagulat sya sa sinabi nito. Nasa ospital ang ate nya habang sya ay nagliliwaliw. Na-guilty sya dahil siya na lamang ang karamay nito simula ng mawala ang kanilang ina. Itinanong nya kay Patrick kung anong nangyari sa ate nya.
“Just come with me James, gusto kang makausap ng ate mo. She’s-” hindi nito naituloy ang sasabihin. Nakita nya ang pamumula ng mata nito kaya kinabahan sya. “Man, huwag mo na akong bitinin, ano ba ang nangyari kay ate?”
“She is dying.”parang bombang sumabog ang balita ni Patrick. His Ate Ann, dying?
“Halika na, hinihintay ka nya sa ospital.” Wika ni Patrick na nakapagpabalik sa wisyo nya. Dali-dali syang nagtungo sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Ang dami nyang tanong sa isipan, bakit nangyari iyon sa ate nya.
Agad na siyang lumulan sa kotse ni Patrick, hinihintay na sya nito sa garahe. Tahimik lamang sila habang biyahe, walang gusting magsalita. Naubusan na rin sya ng itatanong sa kaibigan. Tanging nais nya ay ang makita ang kapatid nya.
Naawa sya sa kapatid ng mabungaran si Ann sa hospital suite nito. Dalawang linggo nya pa lang na hindi nya nakikita ang kapatid ay malaki na agad ang ihinulog ng katawan nito.
“Ate anong nangyayari sayo?” Her sister gave him a dry smile. Bakas sa mukha nito na may iniinda itong sakit.
“Honey, can you stay please?” tanong nito sa kasintahang si Patrick.  Tumango ang kanyang kaibigan at nagsimulang magsalita ang ate nya.
“I’m dying James, may leukemia ako.” Pasimula ng ate nya. Lalo syang nanghina sa kumpirmasyon mula dito. Hindi sya iyakin pero sa pagkakataong iyon ay malayang tumulo ang luha nya. Ang ate nyang naging karamay nya kahit na minsan ay hindi sila nagkakaunawaan ay may malalang sakit.
“We have money ate, kayang-kaya ka pang magamot.”
“Alam kong mayaman ka, pero James kailangan kong tanggapin ang mga posibilidad kapag hindi na ako gumaling.” Sagot ni Ann. “Kaya habang may oras pa ko, hihingi na ako ng tawad sayo.”
“Ate wala kang naging kasalanan sakin, kaya huwag ka ng magsalita.” Tumayo na sya “I’m going to talk with your doctor.” Pinigilan sya ni Patrick na umalis dahil kailangan nya raw makinig kay Ann.
“Malaki ang kasalanan ko James at ngayon pinagbabayaran ko na yun.” Umiiyak na wika ng kanyang kapatid. Muli syang umupo sa gilid nito at hinintay ang sasabihin ni Ann.
“Eight years ago, nagsinungaling akong may sakit akong Leukemia para layuan ka ni Devon. Nakiusap ako sa kanyang pabayaan ka munang makamit ang pangarap mo. Sinabi ko kay Devon na malala na ang sakit ko at ang pag pasok mo lang sa showbiz ang way para maipagamot ako.” He was shocked upon hearing his sister’s revelation. Hindi sya makaimik, hindi nya alam anong mararamdaman nya.
“You see James, it was all my fault kung bakit ka iniwan ni Devon at kung bakit ka nya nasaktan. Walang kasalanan si Devon James, nagsakripisyo sya para sa iyo, para sa akin. Ngayon dahil sa sinabi ko noong may sakit ako ano ang napala ko. Nagkatotoo James, I’m dying because of Leukemia.” Humahagulgol ng wika ni Ann. He just stared at his sister. Parang lumiit ito sa paningin niya. Ang ate nya na iginalang nya noon at akala nyang naging karamay nya ng panahong iniwan siya ni Devon ay ang mismong dahilan kung bakit walong taon ang nawala sa kanila. Ang pagiging makasarili nito ang naging sanhi ng pagkamuhi nya sa babaeng pinakamamahal.
Tumayo sya at diretsong nagtungo sa pinto, narinig nyang tinawag sya ni Patrick ngunit hindi nya ito nilingon. He needs to think, to clear his mind. Bakit sunod-sunod ang rebelasyon sa buhay nya?
Lahat ng galit nya kay Devon ay tuluyan ng nawala dahil sa ipinagtapat ng kapatid nya. Tama ito, nagsakripisyo si Devon para sa kanila, para sa kanya. Masyado syang minahal ni Devon upang makayanan ang walong taong paghihirap nito. He felt like a complete jerk dahil sa mga akusasyon nya sa babae.
He reached the chapel and sat there. He prayed for his sister’s recovery. He will do everything kahit maubos lahat ng pundar nya gumaling lang ang ate nya. Saka na nya iisipin ang galit nya dito, kahit na ito ang dahilan ng mahabang panahong pagdurusa nila ni Devon, hindi maiaalis na kapatid nya ito. Ang kalagayan muna nito ang iintindihin nya.
“Hello,” bungad nya kay Devon. Nais nyang marinig ang tinig nito at makausap na din ang kanyang anak.
“James,” tipid na sagot ng babae. Mahabang sandali ang lumipas bago nya nasabi ang gusto  nyang sabihin dito. “Let’s take baby steps Devon, until we can run again in this race called love.”
Narinig nya ang mahinang hikbi nito, patunay na umiiyak si Devon sa kabilang linya hanggang sa tuluyang maputol ang tawag. He just told her what he feels, ngayong malinaw na ang lahat at wala ng kumplikasyon baka sakaling madugtungan na ang nakaraan. Kahit na gumapang pa sila upang magsimulang muli, gagawin nya.

 ***

“Mama, bakit ka umiiyak?” tanong ni RJ sa kanya. Tumawag si James upang sabihin na hindi ito makakapunta ngayong araw dahil nasa ospital daw si Ann. Nahalata nyang nag-aalala si James para sa kapatid nito. At matapos ipaalam nito sa kanya ang bagay na iyon, hindi nya inasahan ang sumunod na itinanong ni James. She cannot help but cry, hindi na sya nakasagot dahil nagunahan ng magmilibis ang luha sa kanyang mga mata. He asked her the same question, if there’s still hope for us. He told her that he still long for her, and if they can give love another shot.
After so many years, iisa lang ang gusto nyang makasama. Tanging si James lamang, at ngayong nanghihingi ito ng isa pang pagkakataon para sa kanila hindi nya ipagkakait sa sarili ang muling maging masaya.
“Mama?” pukaw sa kanya ni RJ. “I’m sorry baby, hindi kita narinig.”
“Bakit ka po umiiyak?” muling tanong ni RJ. “Nothing, I’m just happy.” Pinahid nya ang mga luha. May pag-asa pa sila ni James,hindi nawala ang pagmamahal nya dito at kanina ipinahiwatig nitong mahal pa rin sya nito.
“You’re Papa said that he can’t make it today. Nasa hospital kasi ang Tita Ann mo.” Ipinaliwanag niya dito ang sinabi ni James na bukas na lang ito babalik.
“Hmm, I’ll pray for Tita Ann, Mama para gumaling na sya.” Wika ng kanyang anak. Tumango na lang sya at iyon din ang kanyang gagawin. Kahit hindi naging maganda ang nangyari sa pagitan nila, umaasa pa rin syang gagaling ang babae.
****
Napagod ang kanyang anak kaya naman maaga itong nakatulog. Namasyal lang sila pagsapit ng hapon upang magpalipas ng oras. Masyadong naaliw ang anak nya sa paligid at parang ayaw na daw nitong umalis ng Pilipinas.  Dahil sa napagod din sya ay ipinasya nyang matulog na. Mag aalas-diyes ng maalimpungatan sya nakaramdam siya ng init. Parang nakapatay ang aircon sa silid kaya naman nagising sya. Nag-aala syang magising ang kanyang anak dahil maalinsangan ang palingid. Bumangon sya at natakot ng may maamoy na usok, nakita nya ang naglalagaglab na apoy mula sa labas ng silid. Nasusunog ang buong bahay at matutupok sila ng buhay na mag-ina. Pagkaisip nya sa anak ay dali-dali nya itong ginising.
“RJ baby wake up! We need to get out of here.”hindi pa ito nagigising ng tuluyan ay  kinarga na nya ito. Panic flooded her being. Umiiyak na sya para sa anak nya na ngayon ay nahihirapan ng huminga. RJ have an asthma kaya bawal dito ang anumang usok.
“God help us please.” Nagtungo nya sa banyo sa loob ng silid at binasa ang isang blanket. Agad nya iyong ibinalot sa anak upang maproteksyunan.
“Baby hold on, lalabas tayo dito.” Wika nya sa umiiyak na anak. Paano sila lalabas sa nagbabagang lugar na yun? Nahihirapan na rin syang huminga, she surrendered and just embrace her son. Bahala na ang Diyos kung anong mangyayari sa kanila.
“I love you baby and your father so much.” She told her son as she succumbed to darkness. 

10 comments:

  1. waaaaaaaaaaah!!!!!!!!

    BITIN QUEEN!!!!!!!! asan na ang kasunod nito???

    ate lav, wag naman ganun...yun na yun eh..bitin pa....heavy drama ang labanan.... :D

    ReplyDelete
  2. 'di ko kinaya ang mga pangyayari!!

    kakabitin naman... :D

    ReplyDelete
  3. huuhuhhuuhhuh,.,.,. next pls,.,. sana maligtas cla

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa


    ANG GANDA ATE LAV NAIYAK AKO....


    BITIN PO :D


    -girlie18

    ReplyDelete
  5. bakit ka ganyan LALAV?

    nadudurog na sana ang puso ko taz biglang may sunog?

    lol

    ReplyDelete
  6. Hanuveh, at the hight of excitement na ang feeling ko dahil sa sunu-sunof na revelations at sa chance of crawling back to love between James & Devon, tumaas pa ng Major-Major dahil sa Sunog!!!

    Humaygawd who will save the Mag-ina???

    My guess, Tito Bret to the rescue...

    Who strated the fire???

    My guess, Tricia is now an arsonist...

    Tama ba ang presumptions ko???

    Dyosang Prof Lav, bitin Queen ka talaga..LOL

    vivian25ish here..: )

    ReplyDelete
  7. pinagtatawanan ako ng kapatid ko nakita nya kasi akong umiiyak!! ok na sana tapos biglang tapos na pala!! bitin na naman!! waaaaahhhhhh!!!

    nakakainis naman c prof! ayoko nmng mamatay cl sa sunog pede ba yung sosyal na way naman... kamusta naman sila sa kabaong nun mukhang roasted lang lol bop


    next chapter na puhleaseeeeee!!

    ReplyDelete
  8. ang harsh naman ni james!!bopbop

    " Sagot nito at sinundan ng nakakalokong ngiti. Nailang sya ng hagurin sya ni James mula ulo hanggang paa. “And I will never touch you again, mas malalim ang galit ko sayo kaysa mag-isip ng ano pang bagay.” He said sarcastically before leaving her. "


    pero yun pala bumigay din!! kakaloka!



    " Walang ni isa mang babae na nakilala nya sa mundo ng showbiz at music world ang nakapantay sa ganda nito. " >>chaar! mas maganda ako noh! di niya lang ako name-meet!!bwahahaha!!



    sabi ni trish "tanggalin ang mga dahilan james"
    feel ko si trish ang nagsimula ng sunog..hihi

    tama ba auntie??


    ay! yang si ate ann na yan..wala na yan pag-asa.. pektusin na yan!!
    wahaha!!
    im sooooo bad! :)

    ReplyDelete
  9. whaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh..
    ang traydorang tricia..
    haixt..amoy ending na..
    geh i'll wait for the next chapter na lng. :DD

    ReplyDelete