Monday, 30 August 2010

FAIRYTALE CHAPTER 16


CHAPTER 16

Inakay sya palabas ng hotel suite ng lalaking sumundo sa kanya na nakilala nyang si Tish. Kasama din nila si Dianne na papasok sa isang bulwagan. Malaki iyon at madilim ang paligid. 

Tanging mumunting ilaw lamang ang nakikita. Nagulat sya ng magsigalawan ang mga iyon. And she came to know that the little lights flickering in the dark are firefiles. Mga alitaptap iyon. 

Magical, iyon ang una nyang naisip dahil napakaraming alitaptap sa paligid, ang ganda. Naluluha na sya, dahil umaapaw ang emosyon sa puso nya. Nasan na ba si James? tanong nya. Inalalayan sya ni Tish na umupo sa isang tila trono na umpuan. Biglang nagkailaw ang isang panig ng bulwagang iyon, at nakita nya, nakaupo sa isang grand piano ang kanyang prinsipe.

Nagsimula itong tumipa sa piano habang nakatingin at ngumiti sa kanya. Napaka gwapo nito sa suot na Black and White tuxedo. Hindi nya mailarawan ang sayang nararamdaman nya. Everything is new but oh so right. Pakiramdam nya talaga na sya ay isang prinsesa at narito hinaharana ng isang prinsipe. Nagsimula ng umawit si James at anong gulat nya, napakaganda ng tinig nito at mahusay tumugtog ng piano.

I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought
"Hey, you know, this could be something"
'Cause everything you do and words you say
You know that it all takes my breath away
And now I'm left with nothing

So maybe it's true
That I can't live without you
And maybe two is better than one
But there's so much time
To figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking two is better than one

I remember every look upon your face
The way you roll your eyes
The way you taste
You make it hard for breathing
'Cause when I close my eyes and drift away
I think of you and everything's okay
I'm finally now believing

Habang umaawit si James ay nakatitig lamang ito kay Devon. Habang si Devon naman ay hindi na napigilan ang mapaluha. Masaya sya, masayang masaya.
Patuloy na tumipa sa piano at umawit si James

That maybe it's true
That I can't live without you
And maybe two is better than one
But there's so much time
To figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking two is better than one


I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought, "Hey,"

Maybe it's true
That I can't live without you
Maybe two is better than one
But there's so much time
To figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking
I can't live without you
'Cause, baby, two is better than one
But there's so much time
To figure out the rest of my life
But I'll figure it out
When all is said and done
Two is better than one
Two is better than one

Natapos na ang awit ni James ngunit lumuluha pa din si Devon, hindi nya namalayang nasa harapan na nya ang lalaki at mabilis nya itong niyakap. Ginantihan naman ng mas mahigpit pang yakap ni James si Devon at bumulong ng "Happy first month anniversary baby, my princess"



"You are so beautiful" dagdag pa nito.

May kinuha si James sa breast pocket nito at ibinigay kay Devon. Binuksan naman ni Devon ang maliit na kahon at nagulat. Engagement ring ang laman niyon. Inalis ni James ang singsing sa kahon at lumuhod sa harapan ni Devon. 

"I, Robert James Reid, is humbling down before you, Beloved Princess, asking you to marry me and make me the happiest prince in the whole world."

Wala ng maisip na maayos si Devon, nawawala sya sa katinuan. Tanging tango lamang ang kanyang naisagot at naramdaman nyang isinuot ni James ang singsing sa kanyang kamay. Mahigpit na yakap lamang ang isinagot nya dito at nagulat sya sa masigabong palakpakan at kislap ng camera.

Inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid na ngayon ay naiilawan na at nakakita ng mga pamilyar na mukha. Naroon ang kanyang pamilya, ang nanay at tatay nya, maging mga kapatid nya at ang mga kaibigan nyang sina Gracey, Aizelle at Badgie. Hindi nya alam kung paanong mabilis na nakasunod ang mga ito doon.  Nakita nya rin na lumuluha ang kanyang ina gayon din ang mangilan-ngilang bisita. Nakita din nya na nakangiti sa kanya si Mr. Malcolm at si Laurena, walang mababakas na pagtutol sa mga mukha nila. 

"Ladies and gentlemen, may I propose a toast for our newly engaged couple. My son James and my soon-to-be daughter Devon." pahayag ni Mr. Malcolm na sinunod naman ng lahat. 

Ang sumunod ay katakot takot na congratulations at si Devon ay parang nasa isang roller-coaster ride parin dahil hindi pa masyadong nag sisink in sa utak nya ang mga pangyayari. Parang kailan lang, simple lang ang buhay nya, parang kailan lang ng makabangga nya si James sa hotel kung saan sya nagtratrabaho. Naalala nya bigla si Ivan, wala ito doon dahil nasa business trip abroad daw. Sayang hindi nasaksihan ng best friend nya ang kanyang engagement. 

Engagement, parang napakabigat na salita nun, pero yun ang totoo. Siya ay engaged na kay James.

"May I have this dance princess?" aya ni James sa kanya. Kasalukuyang tumutogtog ang "Got to Believe in Magic", naisip nya bagay sa kanya yun dahil naniniwala na sya ngayon sa magic - naniniwala na sya sa isang FAIRYTALE.

May mga photographers din na nandun at sigurado sya lalabas na naman iyon sa mga babasahin. Pero wala na syang pakelam dun, narito sya, sa palasyo ng kanyang prinsipe, kasama nyang nagsasayaw at nakabalatay sa mukha nito ang kaligayahan. Naguumapaw ang saya sa puso nya, sya na isang ordinaryong babae ang papakasalan ni James Reid.  Totoo nga, siya ay isang prinsesa. 

"Mahal kita James mahal na mahal. Salamat sa pag-ibig mo."wika ni Devon.

"No baby, I should be the one thanking you. Thank you for coming into my life. I love you so much" and in the middle of the ballroom, James gave Devon her very first kiss. A very light and brief kiss but touches his heart and soul so much that it made him teary eyed. God, he love this woman so much. He will do his best to always make her happy. She is his princess, and him her prince. 

Nagkakasiyahan ang lahat, madaling nakasundo ng tatay  ni Devon  si Mr. Malcolm kahit may languange barrier ang mga ito. At sa gitna ng kasiyahan,  sa isang panig ng bulwagan, isang pares ng mga mata ang lumuluha ngunit mabilis din iyong napalitan ng poot. "I will do my very best to tear you apart Devon, that I promise. James is made for me. Only for me. He is mine."

FAIRYTALE CHAPTER 14-15


CHAPTER 14

Isang linggo na silang magkasintahan ni James. At isang linggo na rin syang nasa bahay lang. At tama sya, lumabas sa mga peryodiko at telibisyon ang blind item ng isang sikat na modelo na may kasamang hindi kilalang babae at napaka sweet daw ng mga ito. Hindi man ipinakita ng malinaw ang mga larawan ngunit batid nyang sila iyon.

Napag-usapan nila iyon ni James ng bumalik ito ng sumunod na araw sa kanilang tahanan. Ng araw na iyon ay ibang sasakyan ang gamit nito, mas simple,isang SUV.
Ang sinabi lang nito tungkol sa bagay na yun ay wag ng pansinin dahil alam naman nila ang totoo. Sinabi din ng kanyang ina na masanay na daw sya dahil hindi lamang iyon ang lalabas na mga balita dahil sikat ang kanyang nobyo.

Tumunog ang kanyang IPHONE 4G, isang regalo galing dito na kahit anong tanggi nya ay hindi ito pumayag na hindi nya iyon tanggapin. Ibinigay ni James sa kanya yun noong araw na pinagusapan nila ang tungkol sa blind item. 

"By, I'm going to fetch you at around 5 pm. Gonna have dinner with my dad and sister." wika ni James sa kabilang linya.

"Ano?Nakakahiya naman. Wag na lang please" tanggi ni Devon.

"Be ready no more arguments. Gotta go I'm driving. I love you By. " paalam ni James.


"Anak ka talaga ng tatay mo James, nakakainis ka. Grrr.." bulalas ni Devon, anong nakain ng hudyong yon at sya ay isasama sa hapunan kasama ang ama at kapatid nito. Nakilala na nya dati si Mr. Malcolm at si Laurena ang nakita nyang kasama ni James sa hotel noon. 

Bago pa man mag alas singko ay nakahanda na si Devon, simple lang ang suot nya ngunit presentable naman. Gusto syang ayusan ng ate nya ngunit tumanggi sya, ayaw nyang maglagay ng make up sa mukha. Konting pulbos at lipgloss lang ang tanging kolorete nya. Kinse minutos bago mag alas-singko ay dumating si James. Nakangiti na agad ito pagbaba palang ng sasakyan. 

"Hi there pretty, wow, Oh my god, you're wearing a skirt. " bulalas ni James ng makita si Devon. 

Naiilang naman si Devon ngunit sinabihan sya ni James ng "You look good on a skirt, I love it."sabay halik sa pisngi ni Devon.

Nagpaalam na sila sa kanyang pamilya at binagtas na ang daan patungo sa lugar kung saan nila tatagpuin ang mag-ama. Kalat na sa buong bansa ang pagkakaroon ni James ng isang ordinaryong nobya at wala namang pakelam ang lalaki tungkol doon. Marami na rin ang nagtanggkang makapanayam sya ngunit wala syang pinagbibigyan kahit isa. Hahayaan nyang si James ang humarap sa mga iyon. At ngayong gabi nga, nasisiguro nyang marami na namang paparazzi sa tabi tabi.

Nakarating sila sa GREENBELT 5, unang pagkakataon nyang makapasok dun. Nakatanggap ng tawag si James at nalaman nilang nasa isang restaurant na ang ama nito at kapatid. 

Restaurante Pia y Damaso, iyon ang pangalan ng restaurant na kanilang pinasok. Kabado na naman sya, pinagtitinginan sya ng mga tao, lahat ng mga mata ay sa kanila nakatuon pagpasok palang nila. Ang iba ay tingin ng may pagtataka pero mas marami ang tingin na may kahalong inggit at inis galing sa mga babaeng naroon. 

Narating nila ang mesa na ipina reserve ng ama ni James at nakita nya ulit ang magandang babae na kapatid pala ni James. 

"Devon, sweet, how are you?" bati ni Mr. Malcolm kay Devon at bumeso dito. 

"Baby, meet Laurena, my sister. " pakilala naman ni James kay Devon sa kapatid nito.

"So we finally met, how are you dear? James so gaga about you" wika ni Laurena at nag beso din kay Devon. " Oh my god, I love your skin color" dagdag pa nito.

"Good evening sir, nice meeting you Ms. Laurena, thank you." yun lang ang nasambit ni Devon dahil baka mag nosebleed sya dahil mukhang hindi marunong mag tagalog ang dalawa.

"So let's eat. " at tinawag ni Mr. Malcolm ang waiter. 

Maganda ang ambience sa restaurant, at sa pagmamasid nya mukhang Spanish Restaurant iyon. Hinayaan nyang si James ang mag-order ng pagkain sa kanya. James ordered steak and ganon na din ang kay Devon at sinamahan pa nya ito ng chocolate shake. 

The whole dinner went well, maganda ang pakikitungo sa kanya ng ama at kapatid ni Devon. Parang wala ding pakelam ang mga ito sa paligid kahit na panay ang kislap ng mga camera.  At dahil mabait at totoo ang mga kaharap nya, mabilis na nakapag adjust si Devon, kaya naman lumabas ang natural na kakulitan nya. Nagkulitan at nagkulitan sila ni James na parang mga bata. At si James, laging panakaw na kinukhanan ng larawan si Devon at gagawing wallpaper sa cellphone nito. 

Natapos ang kanilang hapunan, at magkasama silang lumabas ng restaurant at inaya sila ng ama ni James na magkape muna. Pagkatapos magkape ay nagpaalam na si James at sinabing ihahatid ang dalaga. Nagpasalamat muli si Devon sa mag-ama at sya na ang kusang nag beso sa mga ito. 

Nang makarating na sila sa bahay nila Devon nagpasalamat sya kay James

"Thank you James sa masayang hapunan, thank you so much. " wika ni Devon at ginawaran ng halik sa pisngi ang nobyo.

"You're welcome and baby, please stop thanking me. You always do that. They like you, my sister in particular, if she don't like someone, she will be frank about it. But I saw how she smile at you. She likes you." wika ni James.

"Inggat ka sa pag-uwi. Drive safely."paalala ni Devon sa nobyo.

Samantala, sa restaurant na pinagkainan nila Devon at ng pamilya ni James, naroon pa rin si Trixie Saldivar. Hindi nila ito napansin kanina dahil nasa tagong lugar ito. May kausap ito sa telepono at mukhang inis ito. 

"Girl, you should have seen them. Gosh, he's crazy. They're going out in public and with his family too! What's so special with that trash.  Hello? Enna are you still there?" tanong ni Trixie kay Enna na kausap nya sa kabilang linya. 

"The nerve of that girl to hang up on me. "himutok ni Trixie ngunit kung kasama lamang nya si Enna malamang na nakita nya ang bagsik at poot na nasa mukha nito. 


CHAPTER 15



Mabilis lumipas ang panahon. Balik eskuwela na si Devon. May mga pagbabagong naganap sa mga taong nakakasalamuha nya. Yung mga dating hindi sya pinapansin at hindi nya kaibigan pilit na inilalapit ang mga sarili sa kanya. Ang iba naman, lalo na ang mga tinatawag na "campus queens" ay hindi itinatago ang inis sa kanya at may ibang nagpaparining din.

Ngunit ang mga kaibigan nya naman ay parang nailang din sa kanya, mabuti na lamang at nakausap nya ng masinsinan ang mga ito kaya nalaman nyang nahihiya na silang kasama si Devon dahil sikat ang boyfriend nya. Natawa na lang si Devon dahil sa kadramahan ng kanyang mga kaibigan. Apat silang magkakaibigan, siya, si Gracey at si Aizelle, ang mga tanging babae sa klase nila at si Badgie, Badger sa totoong buhay ngunit dahil bading ito, mas gusto nitong tawaging Badgie. 

Eksaktong isang buwan na sila ngayon, marami-rami na ring syang mga magagandang pangyayari kasama si James. Marami-rami na ring syang lugar na napuntahan dahil dito. Dahil gusto nitong lagi syang kasama sa mga photoshoot nito, ngunit pag si Enna ang kasama ay hindi sya nito isinasama. Doon sya  nagtataka ngunit ang lagi nitong sagot, "I just don't want her near you. " Naisip nya  na lang pinoprotektahan lang sya ni James. 

Kanina nakatanggap sya ng tawag mula dito, susunduin daw sya at magcecelebrate sila ng first month anniversary nila. 

"Naloko na naman ang isang iyon, susunduin ako dito sa campus, minsan di ko alam ang trip nun eh." himutok nya sa mga kaibigan na tili naman ng tili at pinilit syang samahan habang hinihintay si James upang makilala ng mga ito.

"Sis, itatakwil ka namin pag hindi mo kami pinakilala kay James. " pahayag ni Gracey

"Oo nga, ipakilala mo kami, kailangang masimsim namin ang bango ng kanyang palad kapag nag shakehands kami.."wika naman ni Aizelle

"Hay naku mga sisteret, takot lang yang si Devie dahil kapag nakita ni James ang aking alindog, waley na ang beauty nya at sa akin mapupunta ang hombre." sabi ni Badgie, na pila pilantik pa ang mga mata. 

Tawa sila ng tawa habang naglalakad at may ilan-ilang nagbubulungan habang sila ay dumadaan. Mga inggeterang ampalaya na ang topic ay si Devon, bakit si Devon ang pinili ni James Reid. Tumunog ang IPHONE4G ni Devon, si James ang nasa kabilang linya. Nasa parking lot na daw sya ng campus. Sa may bandang east wing daw. Ikaw na nga ang maging sikat at basta basta ka nalang papasukin ng gwardya sa loob ng campus. 

"Nandito na sya. "mahinang bulong ni Devon. At paimpit na tumili ang kanyang mga kaibigan. Tinungo na nila ang parking lot at hindi na sya nagulat sa nakita. Pinalibutan si James ng mga estudyante. Mabuti na lamang at may mga gwardyang agad rumesponde. Natanaw sya ni James na paparating at sya ay sinalubong nito. Di alintana ang mga flash at tunog ng mga cellphones at cameras.

"For you" iniabot nito sa kanya ang bungkos ng white roses at agad na syang inaya sa sasakyan nito. Ngunit tumikhim bigla si Badgie na ipinaalala kay Devon na dapat sila nitong ipakilala. Nag-aalala naman si Devon dahil dumadami ang mga estudyanteng nagtutungo sa lugar na yon.

"Your friends By? Hello guys, care to have coffee with us? Come on let's get out of this place" paanyaya ni James sa mga kaibigan ni Devon na naschock sa pangyayari. Ngunit kahit shock sila,mabillis pa rin silang sumunod sa sasakyan ni James na lalo pang ikinainis, at ikinainggit ng mga ibang tao roon. 

Maiksi ngunit masaya ang naging meryenda nila kasama ang kanyang mga kaibigan  pumarada lamang sila sa Figarro Coffee Shop at nagtake out nalamang at sa sasakyan sila nagkwentuhan. Nagpaalam naman agad ang kanyang mga kaibigan dahil alam ng mga itong may date pa sila.

***************

"Your friends are so cool By, they're fun to be with." wika ni James habang nasa sasakyan sila. Hindi nya alam kung saan siya nito dadalhin basta ang sabi nito.

 "One month ago, you showed me the way to your simple life, now, let me show you mine." Hindi nya naintindihan kung anong ibig nitong sabihin ngunit tumango na lamang sya. 

Nakatingin lamang sya sa daan at napagtanto nya na nasa Makati sila. "Saan naman kaya ako nito dadalhin"

"Here we are By," wika ni James at ipinasok na ang sasakyan sa driveway ng MANDARIN ORIENTAL HOTEL. Pagpasok pa lang nila ay sinalubong na sila ng isang babae naka power suit at dalawang lalaking mukhang mga Med Rep dahil naka kurbata ang mga ito. 

"Hello James, Hi Ms. Devon, I'm Dianne, secretary ni James" magiliw na pakilala ng babae kay Devon.

"Hello din Ms. Dianne."ganting bati ni Devon.

"Is everything fine Di?" sumagot naman si Dianne "Everything's ready James so I'll take her from here. " wika nito at hinawakan si Devon at iginaya papasok ng elevator.

"Wait, James ano to? San nya ko dadalhin?" 

"Baby, Dianne's gonna take care of you. See you later." paalam ni James at hinalikan sya nito sa pisngi. 

Naiwan si Devon na kasama si Dianne at hinawakan ulit nito ang kanyang braso. "Lika na Devon, wag kang mag-alala, hindi kita kakagatin mabait ako."biro ni Dianne kay Devon. 

Naguguluhan na sya, nagpatianod na lamang sya sa gusto ni Dianne, ipinasok sya nito sa isang malaking suite at nagulat sya sa nakita. May ilang tao sa loob ng silid, may bakla, may babae at may mga make up at iba pang accessories sa tokador ng silid. 

"Devon, sila ang bahalang ayusan ka at lalo pang iangat ang iyong ganda. Trust James to be this specific. " wika ni Dianne

"Teka bakit naman kailangan pa ng mga ganito? Teka tatawagan ko lang si James." pero bago pa nadukot ni Devon ang kanyang cellphone ay naagaw na ito ni Dianne. 

"Hindi pwede, mahigpit nya itong bilin. Please, maatim mo bang mawalan ng trabaho ang lahat ng nasa silid na to? Yun ang babala ni James sa amin dahil alam nyang hindi ka papayag. " wika ni Dianne at walang nagawa si Devon kundi ang sumunod na lamang dahil ayaw nyang mawalan ng trabaho ang iba ng dahil sa hiya nya.

Lumipas ang ilang sandali,at si Devon ay nakaupo lamang sa harap ng salamin. Hindi makapaniwala sa transpormasyong nagaganap sa kanyang itsura. Ang buhok nya ay ginawang kulot ng baklang stylist, nilagyan din sya ng make-up, at ang huli ay ipinasuot sa kanya ang isang off-shoulder black and white mermaid cut gown. Lumapit si Dianne sa kay Devon at may iniabot. Isang box at alam na nya ang nandun. 

"Wow, ang ganda-ganda mo Devon, isa kang tunay na PRINSESA. " puri ni Dianne sa kanya habang isinusuot sa kanyang leeg ang kwintas white pearls na may kasamang hikaw na pearl din. 

Tinitigan ni Devon ang kanyang sarili sa salamin, hindi makapaniwala na sya ang nasa repleksyon ngunit nakita nya ang pamilyar nyang kulay at mga mata. Hinawakan nya ang kanyang mukha upang sipatin kung sya nga talaga iyon. Isang magandang nilalang ang nakikita nya sa salamin. 

Asan na si Devon, wika nya.Isang katok sa pinto ang nakapagbalik sa kanya sa kanyang isip, at pumasok ang isa sa mga lalaki kaninang nakita nya na may dalang isang malaking bungkos ng puting rosas. Iniabot nito iyon sa kanya. Nakita nyang may card iyon at binasa nya ang note galing kay James.

"Baby, tonight I'm inviting you to my castle.
Be with me my PRINCESS.
For you are my refuge, my sanity,
And in your arms, I'll always be.
with love-YOUR PRINCE"

FAIRYTALE CHAPTER 12-13

CHAPTER 12

Pinahinto ni Devon ang sasakyan sa Baywalk, dito nya naisip magpunta. Kahit alam nyang pagkakaguluhan si James dito ay susubukan pa din nyang iparamdan dito ang pagiging normal na tao kahit isang araw lang. 

Gusto nyang papasukin ito sa kanyang mundo, ang tanggapin kung anong klaseng buhay meron sya. Payak at hindi glamoroso hindi katulad ng mundong ginagalawan nito.

"We're here. Pero request ako sayo. Pwede bang magshades ka and cap? " tanong ni Devon kay James.

"Sure By. Wait, why aren't you calling me Baby too? Or By if you like. " 

"Nahihiya ako, James.. " nahihiya pa ding wika ni Devon dahil hanggang ng mga oras na yun hindi pa din pa din malinaw sa kanya kung ano ba sila nito.

"What are we going to do here By? Hmmm, you wanna watch the sunset with me noh?" pangungulit ni James kay Devon.

"Pwede din, pero tara baba na tayo. Gutom na ko eh. " yaya ni Devon kay James


Bago sila bumaba ng sasakyan nito sinipat nya munang mabuti kng makikilala ba ito. 

"Nak ng tokwa, konti lang ang nabago sa kanya, bahala na nga. " sa isip-isip ni Devon parang wala namang kwenta ang pag babalatkayo nito, halata paring iba ito sa karamihan.

Itinuro ni Devon kay James ang isang maliit na kainan sa harap ng Manila Bay. Ordinaryong kainan lamang ito, hindi yung tipong restaurant na pinupuntahan ng iba sa Baywalk.
 Nakakain na sya dati dito, ng minsang mamasyal silang mag-anak. Nagustuhan nya ang lomi at pansit ng kainang iyon. Sana kumakain si James ng mga ganoong pagkain. Dito nya mapapatunayan kung kaya ba sya nitong sabayan sa simpleng nais nya. 

"Dito tayo kakain." sabi ni Devon kay James. 

"Nakakaintindi ka naman ng tagalog diba? "bulong ni Devon dahil ayaw nyang pagtinginan sila ng mga tao. Kanina pa lamang habang binabagtas nila ang daan patungo sa kainan, may ilan-ilan tao na ang tumitingin sa kanila. 

Paano ba naman, isang morenang babae, simple, walang ayos, at isang matangkad na lalaki na halatang may sinasabi ay magkasamang naglalakad at magkahawak-kamay pa. Hindi na nya nagawang hilain ang kanyang kamay dahil ayaw itong bitiwan ni James. Kahit paluin pa nya ito na nakasanayan na nya kapag kinakabahan sya ay ayaw pa din nitong bitiwan ang kanyang kamay. 

"Manang dalawa pong lomi and yung specialty nyong pansit." wika ni Devon sa aleng kumukuha ng order ng mga kakain Nasa mukha nito ang pagtataka marahil dahil sa lalaking kasama ni Devon pero kininditan lamang nya ang ale. 

"Kamusta na neng, hindi mo kasama ang pamilya mo?" tanong ng ale kay Devon. Natatandaan siya nito dahil maingay at puro tawanan silang pamilya ng silang kumain dun. 

"Hindi po. Tsaka po pala Mirinda meron po?" bumaling sya kay James at sana ay maintindihan sya nito. Napansin nyang hindi naman ito naiilang bagkus ay may ngiti sa mga mata nito na tila aliw na aliw sa paligid. "Anong gusto mong drinks?" tanong ni Devon at ginaya ang aksyon na umiinom. 

"Same as yours na lang." sagot ni James sa mahinang tinig. 

Naging masaya ang kanilang maagang hapunan. Kahit kailan hindi sumagi sa isip nya na mapapakain nya ang isang James Reid sa lugar na yun. Nakikita nya, wala itong arte, walang kyime at mukha talagang nag-eenjoy ito sa pagkain. Natawa sya ng bumulong si James sa kanya ng

" Here in the Philippines, Pansit is said to prolong life, right? So I should eat more pansit so I can have longer lifetime with you."

Muntik ng masamid si Devon sa narinig nya. Ano ba tong lalaking to? Bakit nadidiskubre nya ang ka cornihan nito, o kasweetan ba yun na matatawag. 

Dahil sa expression ng kanyang mukha hindi napigilan ni James ang tumawa. Habang si Devon naman ay nakatulala na naman.   Pinalapit sya ni James dahil may ibubulong daw ito sa kanya. 


"You know, during the two days of my absence, I got myself busy with something. Nagpaturo ako ng ilang tagalog words."wika ni James na ikinagulat ni Devon. Nagsalita kasi ito ng isang buong pangungusap na tagalog. 

"Bakit ka naman nag-aral?" tanong dito ni Devon.

"Do you need to ask me why, when in fact you know the answer, By. " sagot naman ni Devon. 

Panibagong kilig na naman para sa kanya, nag-eeffort itong mag-aral ng tagalog para sa kanya. Ano ba ang nagawang kabutihan para biyayaan ng ganitong pagpapalan naitanong nalamang ni Devon sa sarili. 
  
*******
Natapos na silang kumain at hindi pumayag si James na  hindi ito ang magbayad. Natuwa naman ang ale dahil malaki ang ibinayad ni James at hindi na kinuha ang sukli.  Pasado alas singko na, malapit ng gumabi. Naisipan ni Devon na ayain si James na umupo sa isang bench at panoorin ang magandang pagtatapos ng araw.

"Naranasan mo na bang manood ng paglubog ng araw?" tanong ni Devon kay James na sana ay naintindihan nito.

"A lot of times already but I didn't appreciate it at all. Unlike now, I'm watching it with a very special person. "wika ni James at tumingin ulit kay Devon. 

"Wow, ang ganda talaga!"bulalas ni Devon habang pinapanood ang pagpapalit palit ng kulay ng takip silim.

"Yes its beautiful, but compare to you...It's just ordinary. "

Inihilig ni James ang ulo ni Devon sa kanyang dibdib habang patuloy na pinapanood ang ang sunset. Naisip nya na wala sa hinagap na gagawin nya ang mga ganitong bagay, magpaka cheesy at tumambay upang manood ng sunset,

James never thought of this cheesiness before. He have no idea that sunset in Manila is really amazing. James Reid watching the most spectacular sunset he has ever seen. The flickering of the sun's last rays shooting between the moored yachts is a sight to behold. And the presence of the lady who matters to him the most. He's happy no doubt about it. With a simple date, yes it's their very first official date, nobody told him that it would be this wonderful. 

Mas lalo nyang minamahal sa bawat oras si Devon dahil nakikita nya ang kasimplihan nito, hindi ito katulad ng ibang babae na naghahangad ng isang magarbong date sa isang kilalang hotel o restaurant. Kaya naman kakaiba talaga ito sa lahat, his Devon - His. 

Naging masaya ang kanilang pagsasalo sa hapunan dahil masarap itong kausap. Napakabungisngis nito at mas lalo nya itong nakikila. Bubbly Baby, yun ang tawag nya kay Devon. Nalaman nya na ilang linggo na lang at babalik na ito sa eskuwela. Graduating na ito ng Engineering at mag coconcentrate na sa pag-aaral. 

Inalok nya ito ng financial help ngunit mukhang hindi nito iyon nagustuhan. Tumangi agad ito hindi pa man nya tapos ang kanyang sinasabi. Napakasimple talaga, at ang tanging magagawa nya ay suportahan ito at laging mapasaya ito. 

"Mahal kita Devon" wika ni James at hinalikan nya si Devon sa sentido nito. 

Hindi umimik si Devon bagkus ay sumiksik nalang sa yakap ni James pero sa kaibuturan ng puso nya alam nya ang sagot dun ,Mahal nya talaga si James. 

Kislap ng camera ang nakapag alis ng mahikang bumabalot sa kanya. Isa pa ulit kislap at sa isang iglap tumalikod na ang dalawang taong mukhang mga photographer talaga dahil sa uri ng mga gamit na dala nito.

"Hala, may naka kilala sayo. Patay ako neto." kinakabahang wika ni Devon.

"Why? Don't be afraid, I am going to tell the world that you are my girl." sagot naman ni James. Pero si Devon ang nasa isip ay, eto na simula ng gugulo ang buhay ko pero di bale basta kasama ko ang prinsipe ko."

"Kuya bili na po kayo ng bulaklak para makauwi na kami ng kapatid ko."alok ng batang babae na nasa edad 10 at may kasamang batang lalaki na mukhang 5 taong gulang. May mga bitbit silang mga puti at pulang rosas. 

"You like flowers?" tanong ni James kay Devon pero agad din sinundan ng "Why am I asking you? I've given you earlier and I want to give you more."

"Magkano lahat  little girl?" tanong ni James sa wikang tagalog. "P200 na lang po.." sagot ng bata.

"Here, sayo nalang sukli bili candy." abot ni James ng P500 sa dalawang bata na hindi naitago ang katuwaan. "Maraming salamat po kuya, ate" wika ng bata at masayang inakay na ang kapatid.

"For my Bubbly Baby, flowers" abot ni James kay Devon. "Salamat."

Nanatili lang silang naka-upo at pinapanood ang paghalik ng dilim sa huling kislap ng liwanag. Habang unti-unti ng nagsisindihan ang mga lamp post at mga ilaw sa mga yate at light house. 


CHAPTER 13

Nag-aya na si Devon umuwi dahil ayaw nyang abutin pa ng masyadong gabi. Pumayag na din si James at ipinilit na ihahatid nya si Devon kahit tumatanggi ang dalaga. Paano syang hindi tatangi, isang Hummer ang maghahatid sa kanya at paano pa pag nalaman nilang ang sikat na si James Reid ang sakay ng sasakyang iyon.

Pero hindi nagpatalo si James hanggang sa sumuko si Devon at pumayag na din sa gusto ni James. Takutin ba naman syang ihahatid sya o sa Manila Bay sila magpapalipas ng gabi. E di syempre natakot sya kaya naman pumayag na sya.

Binabagtas na nila ang daan kung saan ipinarada ni James ang sasakyan ng may marinig silang kumakanta. May live band pala ulit doon at pwede kang magrequest ng kanta o ikaw mismo ang kakanta. 

Napangiti si James at hinila si Devon patungo roon. "Teka anong gagawin natin dyan," tanong ni Devon.

"You will sing for me."pinal na sabi ni James.

"Teka nga mister inuutusan mo ba ko ha? inis na wika ni Devon. 

"No baby, please don't get angry. I just want to hear you sing. I know you can sing. Alam kong dati nag kakanta ka sa band." wika ni James

"Paanong.. " tanong ni Devon na sinagot naman ni James

 "I know alot about you Devon, please sing for me baby." pagsusumamo pa ni James Hindi nalang nya sinabi na ipinakalap nya talaga lahat ng impormasyon tungkol kay Devon dahil gusto nyang mapalapit at makilala ito ng lubusan. Wala naman syang nakitang pangit sa family background nito at kung meron man wala din syang pakelam. 


May isinulat na si James sa papel at iniabot sa isang babae. Then he made an okay sign. Nakarinig si Devon ng pagsinghap sa paligid dahil ang iba ay nakilala na si James ngunit wala naman ginagawang hakbang upang makalapit dito dahil kahit na sino, hindi basta bastang malalapitan si James Reid dahil sa intimidating na aura nito. 

"Guys let me call Ms Devon, a special request coming from a special someone. "wika ng babaeng emcee na hindi itinago ang pagtaas ng kilay. 

"Go, By sing that song for me please" wika ni James. 

Tumayo na si Devon at hindi alam kung ano ang kantang dapat nyang kantahin. Nagulat sya ng marinig ang panimula ng kantang iyon. Pati ba naman isa sa mga paborito nyang kanta ay alam ni James. Bakit iyon ang gusto nitong ipakanta sa kanya. Nasisiraan na talaga ito. 

Habang nasa entablado na sya hindi nya maiwasang hindi kabahan. Sanay sya sa mga tao, pero sa presensya ng partikular na tao doon sya kinakabahan. 
At nagsimula na syang umawit ng "Banana Pancakes".


Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside...
But baby, you hardly even notice
When I try to show you this
Song is meant to keep ya
From doing what you're supposed to
Like waking up too early
Maybe we can sleep in
I'll make you banana pancakes
Pretend like it's the weekend now

And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside

But just maybe, laka ukulele
Mommy made a baby
Really don't mind the breakfast
'cause you're my little lady
Lady lady love me
'cause I love to lay here lazy
We could close the curtains
Pretend like there's no world outside


Napadako ang tingin nya kay James at nakatitig ito ng mataman sa kanya. Tama ba ang basa nya sa mga mata nito? Paghanga ba iyon? O dahil lang sa ilaw kaya may kislap ang mga mata nito. 


And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside
Ain't no need ain't no need Mmmm MMmmm
Can't you see can't you see
Rain all day
And I don't mind.

The telephone is singing
Ringing it's too early
Don't pick it up
We don't need to we got everything
We need right here
And everything we need is enough
Just so easy
When the whole world fits inside of your arms
Don't really need to pay attention to the alarm
Wake up slow, yeah wake up slow
You hardly even notice
When I try to show you this
Song is meant to keep ya
From doing what your supposed to
Like waking up too early
Maybe we can sleep in
I'll make you banana pancakes
Pretend like it's the weekend now

And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
Ain't no need to go outside
Ain't no need, ain't no need
Rain all day and I really really really don't mind
Can't you see can't you see,
You gotta wake up slow 

Tinapos ni Devon ang kanta at  narinig na nya ang sigawan at palakpakan ng mga taong nandoon.
Dali-daling syang bumaba ngunit bago pa sya tuluyang makababa nasa harapan na nya si James at hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit. "Now we can go home " may ngiti sa labing sabi nito.

"Baby, you were so good up there as if you're in a major concert. You made me so proud." masayang wika ni James kay Devon. 

"Bolero ka. Paborito ko yong kanta buti nalang yun ang napili mo. Bakit nga pala yun ang pinili mo?" tanong ni Devon kay James.

"I just love it, and it's dedicated to you. Soon, I'll make banana pancakes for you" wika ni James at pinaandar na ang sasakyan.

Itinuro ni Devon kay James ang daanan papunta sa kanilang bahay, medyo traffic kaya naman wala silang ginawa kundi ang magkulitan. May itinatago din palang kulit ito. Ang saya ng araw nya, ramdam nya ang pagmamahal at pagkalinga ni James sa kanya. Ang problema nya nalang pano magpapaliwanag sa pamilya kung saan siya nanggaling ng buong maghapon na yon.

"Dito na lang James, wag mo na akong ihatid hanggang loob. Pansinin ang sasakyan mo. " wika ni Devon.

"No, I want to meet your family tonight. If its okay with you."

Wala na namang nagawa si Devon kundi ituro kay James ang paliko sa maliit na subdivision kung saan siya nakatira. Andun ang tricycle ng kanyang ama, ibig sabihin ay andun ito at hindi nagpang gabing byahe.

"Patay ako nito, paano ko to sasabihin sa kanila." mahinang usal ni Devon.

"Don't worry baby, let me handle this." sagot naman ni James.

Windang na si Devon, ang bilis ng mga pangyayari. Mahigit isang linggo pa lang nyang nakilala si James, dalawang araw pa lang ng magtapat ito ng damdamin sa kanya, at ang mga nangyari kanina, at ngayon ay nobyo na nya ito. Siguradong mawiwindang ang pamilya nya.

Bumaba na si Devon sa sasakyan at nakita nyang lumabas sa pintuan ang Ate Darling nya, ang kanilang panganay. Marahil narinig nito na may pumaradang sasakyan. Muntik na itong sumigaw ng malakas kung hindi nya lang naagapan at matakpan ang bibig nito.

"Siyyeettt, Devs bakit mo sya kasama... Ang gwapo sa personal, sya ba yun o kamukha lang nya?"tanong nya sa kapatid.

"Sya yan ate." 

Kung anong reaksyon ng Ate Darling nya ay walang sinabi sa reaksyon ng Ate Dimple at Ate Dhemy nya. Mabuti na lamang at nasaway ito ang mga ito ng kanilang ama.

Naging maayos naman ang pakikitungo ng pamilya nya kay James ngunit hindi maitago sa mukha ng kanyang mga magulang ang pag-aalala. Kasi nga naman, siya ordinaryong tao lang ang kanyang nobyo ay isang kilalang tao. Nangako naman si James sa kanyang ama na iingatan nya ang dalaga at wag mag alala dahil seryoso sya dito. Patunay na ang kanyang hangarin na makilala ang pamilya ng dalaga. 

Dahil gumagabi na nagpaalam na din si James at nangakong magbabalik kinabukasan para puntahan si Devon. Inihatid ni Devon si James sa sasakyan nito at bago tuluyang smakay ang binata ay nagwika ito ng

"It's nice meeting your family By, now I know where did  you get your bubbly personality. Your family is one of a kind. Bye for now,expect me tomorrow. Mahal kita."paalam ni James kay Devon na kahit gusto man nya itong gawaran ng halik ay hindi nya gagawin dahil may respeto sya sa pamilya nitong nakatanaw. 

"Bye, inggat sa byahe, By." sagot ni Devon na sadyang hininaan ang huling kataga ngunit nakita nya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng binata kaya nasisiguro nyang narinig nito iyon. 


Nang gabing iyon bago sya matulog ay pinuntahan sya ng kanyang ina sa kwarto. 

"Anak nakikita kong masaya ka. Pero sana handa ang kalooban mo sa kung ano mang mangyayari. Alam mo ang mga dapat na konsekwensya sa sitwasyon mo ngayon. Anak kita, ayw kitang masasaktan."wika ni Nanay Lyn.

"Opo mudra, alam ko naman po. Handa po ako at salamat sa pag-unawa nyo sa akin. Pati din kay Pudra wag po kayong mag-alala ako po ang bahala sa sarili ko. "

"Tska nay ano ka ba, ayaw mo nun may panibago akong inspirasyon habang nag-aaral ako. If I know nay, kilig na kilig ka tulad nila ate. Crush mo din si James noh" panloloko ni Devon sa ina at kiniliti ito sa tagiliran.

"Maloko ka talaga, ewan ko lang kung hindi makulitan yun sayo. Pero teka anak, anong ginawa mo dun at nabulag sa ganda mo ang isang hombreng katulad nun?" ganting biro din ng ina ni Devon. 

"Kayo nay may pa hombre-hombre pa kayong nalalaman. Tawag na kayo ni tatay at matulog na kayo. Good night nanay kong maganda na aking pinagmanahan ng ganda." sabay yakap sa kanyang ina. 

Lumabas na si Nanay Lyn ng kwarto ni Devon habang si Devon ay pansamantalang napagisipan ang sinabi ng ina. Alam nyang isang malaking desisyon ang kanyang ginawa, ang ibigin si James. Subalit dahil mahal nya ito, handa syang harapin ang bukas kasama nito. At nakatulog syang may ngiti sa labi. 

Sunday, 29 August 2010

FAIRYTALE CHAPTER 11

CHAPTER 11

Dinala ni James si Devon sa sasakyan niya, isang Hummer H3T bagong modelo. Nagpatianod na lamang si Devon sa mga kaganapan dahil hindi pa rin maproseso ng utak nya lahat ng pangyayari. 

"Where are we going? San mo ko dadalhin?" tanong ni Devon ng paandarin  ni James ang sasakyan at naisip nyang tinagalog nya lang ang sinabi nya. Naloloka na talaga sya. 

"Some place that we can talk." sagot ni James

Lugar kung saan pwede silang mag-usap? Meron ba nun? sa isip-isip ni Devon dahil imposible ang sinasabi nito. 
Unang-una alas kuwatro pasado palang ng hapon at sigurado syang makikilala ito ng mga tao. 
Pangalawa, paano sila makakapag-usap kung may mga kamera sa paligid. Hindi na kinakaya ng powers nya ang mga kaganapan. Nasisiguro nya, malalagay sa mga peryodiko ang maganda nyang alindog dahil sa nangyari kanina. Nasisiraan na talaga ng bait ang lalaking ito.

"You're crazy. Bakit ba hindi mo nalang ako pabayaan? Bakit ba pinag-aaksayahan mo ko ng panahon? Bakit ako ang pinag-tritripan mo!" naibulalas nalang ni Devon dahil litong-lito na sya. 

Biglang inihinto ni James ang kanyang sasakyan sa gitna ng daan. Sa laki ng Hummer tawag pansin talaga ito. Nagbusina tuloy ang nasa likuran nito.

"I told you, believe in what I said, I'm serious Devon. Never been this serious all my life. If you won't go  with me, then we'll stay in the middle of this jampacked street." banta pa ni James na may halong ngiti kahit na nakakabingi na ang mga busina sa kanilang likuran.

"Ok, please drive. Ang ingay na nila ang sakit sa tenga. Siraulo ka na! " hininaan nya lang ang huling kataga upang hindi marinig ni James.

"Yes Baby, I'm crazy, really crazy. " sandali sya nitong tinignan at ibinalik din ang paningin sa daanan. 

  Samantalang si Devon ay di mapakali, "tinawag nya kong baby? anong tingin nya sakin si Justin Beiber?" pero sa kaibuturan ng kanyang puso, umuusbong na naman ang pag-asa.Dahil si James Reid, ay narito kasama nya. Sya ang piniling makasama.


Naging mahaba ang katahimikan habang nasa daan sila. Inihinto ni James ang sasakyan sa harap ng isang Korean Restaurant pero bago pa man mabuksan ni James ang pinto nagwika si Devon ng:

"Pwede bang dito nalang tayo mag-usap? "

"Why? Don't you want to eat first? We can talk inside while eating." sagot ni James.

"No, please can we just stay here. Say your piece so I can go home. " pagsusumamo ni Devon.

Napahugot ng buntong-hininga si James, nag-isip sandali at saka nagpasya na sabihin na kay Devon ang gusto nyang malaman nito. 

"I'm not ashame that I'm with you, the hell I care what other people might think. 
I've got a beautiful angel here who taught me how to appreciate little things.
 I'll be proud to show the whole world how Iove got me. 
Yes, Devon I love you." pahayag ni James at ginagap ang kamay ni Devon. 

Hindi na napigilan ni Devon ang mga luhang kanyang kinikimkim at sumabulat na ang kanyang saloobin.

"Hindi ako prinsesa, ordinaryong tao lang ako. Wala akong kaharian at kayamanan. Wala akong pwedeng ipagmalaki kundi ang sarili ko lamang. 
James, wala tong patutunguhan. Hindi pwedeng ang isang tulad mo ay mahalin ang tulad ko. 


Naiintindihan mo ba?"tuloy-tuloy na sabi ni Devon hindi na alintana kung maintindihan man ni James o hindi.

"Yes, you're not a princess, you don't live in a castle. You don't have any treasure in your hand.  


But I don't need  someone who have all the things that I can give. I'm a prince, I fell inlove with a simple girl. Fell hard that I will do everything and anything for her to be my princess. 


It's not impossible Devon, you have to trust me when I say, I do really love you."pahayag ni James habang pinapahid ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata ni Devon. 

"Bakit ako?" tanong ni Devon. 

"Why not you Devon, tell me." sagot naman ni James.

"Why are you crying anyway? Please I don't want to see you cry.  Hush now baby."pagaalo ni James at tuluyan na nya itong niyakap.  

"Sige na Devon, palayain mo na ang nararamdaman mo. Tanggapin mo ang kaligayahang binibigay sayo. " wika ng munting tinig sa isip ni Devon. 

Tama, gusto nya din sumaya. Mahal nya si James at pipilitin nyang maging karapat-dapat para dito. Ginantihan nya ang yakap na kaloob nito at naramdaman nya ang tila pagkagulat nito.

"I'm scared James, please don't hurt me. Wag mo kong paglaruan" pagsamo ni Devon kay James. 


"Mahal kita, pero pinipigil ko ang sarili ko dahil alam kong wala itong kahihinatnan." ayan sa wakas nasabi na din ni Devon ang nasa puso nya. Lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni James kay Devon dahil sa sinabi nito. Hindi nya pa naramdaman sa tanang buhay nya ang pakiramdam habang niyayakap nya si Devon. True love, yun ang nasabi nya sa kanyang sarili. 

"Baby, I promise you with every beat of my heart, I won't hurt you. I'll be your prince, your friend. I'll do everything to make you happy. Thank you for loving me. " madamdaming wika ni James at hindi nakaligtas kay Devon ang namumuong luha sa mga mata nito.

"No James, thank you for loving me. Kahit hindi ako karapat-dapat. "

"You keep on saying you're not worth it. But baby, you're worth all my love. "

"At bakit naman baby? Favorite mo ba si Justin Beiber? Baby baby baby ooohhhh baby baby baby ooohhh" pagaalis tensyon ni Devon

"You're so cute, I love that., Baby because you are my baby that's all " sagot ni James at pinisil pa ang chin ni Devon. 

"Come on baby let's eat."pag-aya ni James na aktong baba na ng pigilan sya ni Devon. 

"Hindi, hindi tayo pwedeng kumain dyan. " sabi nya dahil may naiisip syang ipagawa dito. Kung magagwa talaga nito iyon, talagang mahal nga siya nito.

"Why, where do you like to eat?" tanong ni James.

 "Kahit saan pwede? Tara I'll show you. Drive around, tapos sasabihin ko kung san ka hihinto."pagbibigay instruction nito kay James.

At ang James ay walang nagawa kungdi i-drive ulit ang kanyang Hummer. 

Saturday, 28 August 2010

My life..My secrets - Revealed: MY HEARTS EULOGY

My life..My secrets - Revealed: MY HEARTS EULOGY: "The pain won't stop, there's a hole inside my heart. a knife cut so deep, without bleeding but oh so dying.... tears fell, no its weeping..."

MY HEARTS EULOGY

The pain won't stop, there's a hole inside my heart.

 a knife cut so deep, without bleeding but oh so dying....

tears fell, no its weeping...

wept for the day all the lies began.

sufferings, pain all the things put in vain.

laughter all shallow without happiness

happiness all dry without love

love all dreams shattered

nightmare halted.

Pain - its normal all of us feels pain

Love - pure magic anyone can give

Sufferings, with love and pain....

All obscurity..

All insane...

Madness and passion is not love

The world ended, torn me apart

Heart stops beating

continue breathing.

Sun will shine

waters flow

birds sing

trees grow

but the burial is on going

something that cannot be mended

colors already faded.



My heart in rest 

long suffering's ended

but heart won't live for something insane

now you can hear


MY HEART'S EULOGY. 
                                          
J.M. POBLETE(akosilavender)