Saturday 25 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 20

CHAPTER 20
The news brought happiness to everyone. Lalo na sa pamilya ni James, pinagmalaki na ng ate Ann nito na magiging artista na ang kapatid. Sa parte naman  ni Devon, proud ang mga magulang nya at ang pamilya ng Uncle Ivander nya. Nakadalo na sila sa mga meetings, brainstormings at workshops at nakilala na din nila ang ibang mga makakasama kabilang na ang ilan sa mga sikat na teen stars.
Three days before their contract signing, kasalukuyang nasa mall sina Devon at Jasmine ng makaramdam ng pagkahilo ang dalaga. Madalas syang maramdam ng ganon, walang pinipiling oras. Muntik na syang matumba kung hindi sya nahawakan ni Jasmine.
“Hey cousin, are you okay?” tanong nito.
“I don’t think I’m okay ate, weird pero lagi nalang akong nahihilo at ngayon I-” nasapo ni Devon ang kanyang bibig.
“Oh no, anong nangyayari sayo. Let’s run to the washroom.” Inalalayan sya nito sa isang bakanteng washroom. Doon inilabas nya ang lahat ng nasa sikmura nya. Para syang nauupos at pawis na pawis sya ng matapos. Hindi nya pansin ang matamang tingin ng pinsan sa kanya.
“Are you pregnant Devon?” diretsang tanong ni Jasmine sa pinsan.
Hindi agad nakaimik si Devon at kitang-kita ni Jasmine ang muling pagtakas ng kulay sa mga mata ng pinsan. Hanggang sa tumulo ang luha ng dalaga.
“Si James diba? Paano?” tanong nito. Wala ng nagawa si Devon kundi ang ilahad dito ang mga pangyayari. Naiiling na lamang si Jasmine dahil kahit ito ay hindi alam ang gagawin.
“There’s one way to find out, but we have to be careful. Hindi ordinaryo  ang pamilya natin.” Tinulungan sya nitong ayusin ang sarili at inalalayan syang lumabas sa washroom. Tinungo nila ang isang hindi mataong restaurant.
“Wait for me here, may gagawin lang ako. Basta dito ka lang, mag-order ka nalang kung gusto mo. Just stay here.” Bilin nito sa kanya bago tuluyang umalis. Tulad ng bilin nito, umorder  sya ng chocolate cake at mango juice. She’s craving for chocolates at napapansin nyang lumalakas nga syang kumain. She might be pregnant, but she need to confirm it before informing James.
Matagal ding nawala ang kanyang pinsan, naubos na nya ang kanyang order ng matanawan niyang papalapit na ito sa kanya.
“Sorry natagalan, nahirapan akong maghanap ng kukutsabahin. Here.” Pasimpleng inabot nito sa kanya ang isang paperbag ng sikat na boutique. Sa loob niyon nakita nya ang mga maliliit na kahon na may iba’t-ibang pangalan. Pregnancy test kit iyon.
“So wash room ulit tayo. Gamitin mo ang lahat na yan. Tara na.”
Sunod-sunuran lamang sya sa pinsan. Ginawa nya ang sinabi nito at bawat resulta na mga kit ay lalo syang kinakabahan. Iisa ang resulta, POSITIVE. She is pregnant with James’s child. She is happy but sad at the same time. Ano na ang mangyayari? Paano tatanggapin ng mga magulang niya ang balita.

****
“Ate promise me na wala ka munang pagsasabihan.” Pakiusap nya sa pinsan. Matagal bago ito tumanggo.
“Sasamahan kita kay James ngayon, he needs to know ASAP.”
“Pero, andun ang ate nya.”
“I don’t care kahit andun ang mahaderang kapatid nya. Basta kailangan malaman na ni James yan.”
“Okay, tara na.”yaya na niya sa pinsan. Tama ito dapat malaman na ni James ngayon.
Nakarating na sila sa basement parking, ngunit ng akmang sasakay na siya sa driver’s seat inagaw ni Jasmine sa kanya ang susi.
“I won’t let you drive in your condition. Hop in, I’m driving.” Maatoridad na wika nito sa kanya. Masyado syang nanghihina para makipagtalo pa kaya hinayaan nalang nya itong gawin ang gusto. Ituturo nya nalang kung saan ang direksyon nila James. Dahil malayo pa ang byahe ay napagpasyahan nyang umidlip muna.
“Hey wake up.” Gising sa kanya ni Jasmine. “Tanghaling tapat bakit ka umuungol dyan?”
“I had a nightmare ate, my baby, si James, ako. It’s terrible.” Napaluha sya ng maalala ang bangungot. They’re just starting their family when tragedies happened at hindi na nya kayang alalahanin pa ang mga iyon. Dala siguro ng matinding pag-iisip kaya nakapanaginip sya ng ganoon.
“Shhh, tama na yan, hindi yan makabubuti sayo. Malapit na tayo sa inyo, saan ang kila James.” Noon lamang nya napansing malapit na nga sila, itinuro nya ang daan patungo sa bahay nila James. Malayo pa lang ay tanaw na nya ang ate nitong may kausap sa labas.
Ihinto ni Jasmine ang kotse sa mismong harapan ni Ann at ng kausap nito. “Hi, si James?” bati ng kanyang pinsan.
“Eh sino ka naman?” tanong nito bago silipin ang loob ng sasakyan. Nang Makita siya ay agad na tinaasan siya nito ng kilay. “Wala si James, umalis.” Tipid na wika nito.
“Umalis? Eh sino yun?” umismid ang kanyang pinsan sabay turo sa may pintuan kung saan nakatayo si James.
“Ate naman bakit hindi mo sila papasukin.Hi Cookie, Hi Jasmine. Napasugod kayo?” tanong ni James at napakunot-noo ito ng mapagmasdan ang kanyang pamumutla.
“Cookie are you okay?”nag-aalalang tanong ni James kay Devon.
“Monster we need to talk, now.”
“Doon na lang tayo sa loob, Jas tara.” Aya ni James sa kanyang pinsan.
“No, I’ll stay here baka hindi ko matantya yang ate mo.”
Iginiya siya ni James papasok sa bahay ng mga ito habang nakasunod naman si Ann sa kanila. Tinignan nya si James at pasimpleng sinenyasan ito na kung maari ay silang dalawa lang ang mag-usap. Tumango ang binata bilang pahiwatig na naintindihan sya nito.
“Ate doon kami sa kwarto ko at huwag na huwag kang kakatok.” Hinila sya nito  papasok sa silid at hindi na hinintay ang sasabihin ng kapatid.
“Anong problema?”  tanong ni James habang yakap sya. Kinuha ni Devon sa loob ng bag ang mga kit at ibinigay iyon kay James. Nakita nya ang iba’t-ibang reaksyon sa mukha ng binata. Una ang pagkabigla at pamumutla, nasundan iyon ng pagkalito at ang nakikita nya ngayon ay kagalakan.
“Yessss!!!!”sigaw ni James na ikinagulat ni Devon.
Muli siya nitong niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na sinambit ang kanyang pangalan.
“Teka lang James, ano ang gagawin natin?”
“Ano pa eh di pakakasalan kita kahit saang simbahan. Bubuo tayo ng pamilya natin, magiging Masaya tayo. Maghahanap ako ng trabaho at haharapin ko ang mga magulang mo kahit gulpihin at itali pa ko ni Tito JP.”
“Akala mo ba ganon kadali yun? Paano ang dapat ay career mo?” naalala nyang excited si James sa pagsisimula ng show nay un.
“Hindi na mahalaga yun, ang importante ay kayo ng magiging baby natin. Kayo Devon.” Seryosong wika ni James. Bahala na, naiwika ni Devon. Ang tanging problema nila ngayon ay kung paano sasabihin sa kanyang mga magulang ang lahat.
****
Hindi nila alam na nagpupuyos sa galit ang ate Ann ni James sa kabilang silid. Dinig na dinig nito ang pag-uusap ng dalawa. Narinig nyang buntis ang babaeng yun at ang kanyang kapatid ang itinuturong ama. Malay ba nya kung sa kapatid nya nga iyon, sa dami ng kaibigang lalaki ng babaeng yun.
“Hindi ako papayag na sirain mo ang magandang bukas na naghihintay kay James, gagawa ako ng paraan.”
Ipinangako nya sa sariling hindi nya hahayaang mawala ang oportunidad ng kapatid. Narinig nyang naka-alis na ang babae. Kailangan nyang mag-isip bago makausap ng dalawa ang mga magulang ni Devon.
****
Kinabukasan nakatangap si Devon ng text message mula sa isang unfamiliar number. Binuksan nya ang mensahe at nagulat ng makitang sa Ate Ann ni James iyon galing. Humihiling sa kanya na magkita sila sa isang lugar. Nagtataka man ay tinawagan nya ito.
“Hello, ate saan po tayo magkikita?”bungad nya dito ng sumagot.
“Sa Fast food shop sa labas ng Village, para makapagbonding naman tayo.” Sagot nito na ikinagulat niya. Marahil ay sinabi na ni James dito  ang kanyang kalagayan at mag-uumpisa na itong bumait sa kanya. Pumayag syang makipagkita dito kaya mabilis syang nagpaalam sa mga magulang.
Sakay ng kanyang kotse ay tinungo nya ang naturang fast food shop. She went straight inside and learned that Ate Ann is there waiting for her. The woman is seated in a far corner na hindi agad mapapansin ng tao kung hindi ka galing sa entrance.Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng Makita ang malamig na ekspresyon nito.
“Hindi ako makikipagplastikan sayo, eto.” Inihagis nito sa mesa isang bungkos ng gamot.
“Ano po ito?”
“Gamot diba? Alam kong buntis ka Devon kaya iyan ang dapat na inumin mo para mawala ang bata sa tiyan mo.”malamig na wika ni Ann.
Nanayo lahat ng balahibo ni Devon sa narinig mula sa babae, hindi nya akalaing pati sa walang malay na bata ay malaki na ang galit nito.
“Ano ang kasalanan ko sayo bakit hindi mo ko matanggap para kay James at pati ang baby na pamangkin mo ay idadamay mo pa. How could you?” puno ng hinanakit na wika niya.
Mabuti na lamang at walang tao sa lugar na yon kaya walang nakakarinig ng usapan nila. The woman let out a smirk before answering. “Gusto mong matanggap kita? Pwes gawin mo ang sinasabi ko.”
“I can’t do that over my dead body,”matigas na wika nya.
Nakita nya ang pagbabago sa anyo ni Ann. Mula sa matigas ay napalitan iyon ng ibang emosyon. At mas nagulat sya sa mga sumunod na nangyari. Sa mga sinabi nito, sa ginawa nito.
Ginulo nito ang isip nya, mas lalong nawalan ng direksyon ang mga planong balak nilang tahakin. Kung wala ang Ate Ann ni James, malamang hindi ganito kalaki ang magiging problema nila. Bumuntong-hininga sya bago sinagot ang kausap - “Pangako”
 at agad na tumayo at nilisan ang lugar na yon. Tama naman ang babae, nagiging makasarili sya. Kung mahal nya si James, hihilingin nyang maging maayos ang buhay nito.

****
She’s waiting for James in their favorite hangout. Sa Teen’s Corner, pinadalhan nya ito ng text message kung pwedeng katagpuin sya doon. She made a decision na alam nyang ikagagalit nito.
“Hey Cookie, bakit gabi ka na nagtext, makakasama sa baby natin yan.” Wika agad ni James habang lumalapit sa pwesto nya.
“Don’t act as if you’re really happy James.” Seryosong sagot nya. Nakita nya ang pagkabigla sa mukha ng binata.
“Hey, what’s happening?” tanong nito.
“I’m sorry, hindi ko pa kayang magkaroon ng pamilya James. Hindi pa ko handa.”diretsong wika ni Devon.
“Teka lang ha, hindi kita maintindihan.” Naiinis ng sagot ni James.
“Ok, let’s put it this way. Wala ka ng obligasyon sakin James. I got rid of the baby.” Walang gatol na wika ni Devon habang diretsong nakatingin kay James.
“Anak ng pu---!” napamura si James at nakita nya ang galit na bumalatay sa mukha nito. “Ipina-abort mo ang anak ko? Paano mong nagawa yun? Paano?” hinawakan sya nito ng madiin sa balikat at niyugyog.
“I told you already, hindi pa ko handa. At sigurado akong wala kaming patutunguhan kung ipagpapatuloy natin yan sa ngayon. Anong  bukas ba ang maibibigay mo sa amin ha James? Wala pa diba?” patuyang wika ni Devon.
“Sabihin mo sakin na joke lang ang lahat ng ito, Cookie please.” Samo ni James.
“No, this ain’t a joke. The baby is gone, and I’ll be marrying him in the near future.” Turo ni Devon sa lugar kung saan nakatayo si Bret.
Galit na lamang ang nasa mukha ni James, at nagpapasalamat sya dahil hindi ito nananakit ng babae. Dahil kung nagkataoon baka nasapak na sya nito.
“We’re going” tinalikuran nya ito ngunit nilingon ulit ng may maalala “one more thing, don’t let that opportunity pass you by. Sayang yun, makakatulong yun para umangat ka. Good luck James and thank you for everything.”
“You’re a damn bi*ch!” galit na wika ni James. Malugod na tinanggap ni Devon ang sinabi ng binata dahil ayaw na nya ng argumento.
Tinalikuran na nya ang lalaki dahil ilang sandali nalang ay babagsak na ang luha sa kanyang mga mata. Agad syang nilapitan ni Bret at inakay palayo sa lugar na yon. Sapo ang kanyang impis na tiyan, paulit-ulit nyang inusal ang mga katagang “I’m sorry, Baby”
Nasa di kalayuan ang kanyang sasakyan na minaneho ni Jasmine. Sa tulong ng dalawa, naisagawa nya ang plano. At sa harapan ng dalawa, umiyak sya na parang wala ng bukas. Iniyakan nya ang pagkawasak ng puso nya at ang pagkasira ng kinabukasan ng walang muwang na bata. Iniyakan nya ang tuluyang pagkadurog ng Cookie Monster na kahit kailang ay hindi na muli pang mabubuo. Patawarin sya ni James, ngunit para dito ang kanyang ginawa. 
****

Kung may emosyon pang mas matindi sa galit iyon ang nararamdaman ni James. Galit na galit sya sa babaeng inakala nyang minahal sya. Sa taong handa nyang pag-alayan ng lahat. Sa pagkadamay ng isang buhay na walang muwang. Pagkaisip sa magiging anak nil asana ay nasuntok ni James ang isang rock bench. Kahit madurog ang kamao nya balewala iyon sa sakit na nararamdaman nya.
Ipinangako nya sa sariling iaangat ang buhay para ipamukha sa babaeng iyon na malayo ang mararating ng isang katulad nya.

8 comments:

  1. OH MAY GASSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. i'm so sad for them... haisst kahit ate na ang role kontrabida pa din!! hahaha...

    nice story talaga!! love it...

    ReplyDelete
  3. naiyak ako sa chapter na'to..i can feel their pain.. waaah! can't wait for the next chapter :)

    ReplyDelete
  4. hhuhuhuhuhuh naiyak ako,.,. pero james para rin naman sayu yun,.,.,.

    ReplyDelete
  5. nu ba yan ? IYAK.COM ! na fefeel ko ang galit ni James !

    ReplyDelete
  6. my gawd!! uhbers pls.... let's have a happy ending.. plssss...

    ReplyDelete
  7. Huhuhu..:-( This is going to be very dramatic..

    Dyosang Lav..kantahan at sayawan ulit puwede???

    : )

    Can't wait to read he next chapter..: )

    ReplyDelete
  8. Lalav, eto nnman pinapaiyak mo nnman ako...waaaaaaaaaahhhh

    ibang klase ka talga mixed emotion ako lagi sa storyline mo...

    great job!

    ReplyDelete