Monday 27 December 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 23

CHAPTER 23

Pinahid nya ang kanyang mga luha, ayaw nyang magising muli si RJ kapag narinig sya nitong umiiyak. Kinarga nya ang anak at inilipat ito sa kwarto nilang mag-ina. Pinagmasdan nya ang kanyang anak. Hinaplos ang mukha nito at ginawaran ng halik sa noo.

Naagapan ang muntikan ng pagkawala ng kanyang anak. Mabuti daw at naisugod agad sya sa ospital noong dinugo sya. Kung nahuli sila ng ilang minuto pa, hindi na maisasalba ang kanyang anak. Sising-sisi ang kanyang ama noon dahil sa nangyari ngunit sinabi nya ritong wala itong kasalanan. Kaya naman spoiled na spoiled si RJ sa mga lola at lola nito.

Pagkatapos ng pagka-confine nya sa ospital noon ay inayos ng kanyang mga magulang lahat ng kanyang papeles upang makaalis ng bansa. Sya ang pumili ng bansang pupuntahan nya. At doon sa Manchester, ipinanganak si RJ ng kulang sa buwan dahil naging sakitin sya ng mga panahong ipinagbubuntis nya ito. Ngunit salamat sa MayKapal, naging maayos ang kalagayan ng kanyang anak.

She cried everytime she remembered how small and fragile looking his son was. As a mother, her heart cannot accept the  fact that his son is suffering.  Nang bumuti ang kalagayan ng kanyang anak, ay nagsimula na din nyang itayo ang Music Store business nya. At ngayong 8 years na sila sa UK, siguro ay panahon na para silipin ang bansang kanilang iniwan. Na wala ni isa mang nakakaalam, maliban sa kanyang pamilya kasama na si Bret, na may isang Robert James Castillanes na nabubuhay sa mundo.

Muli nyang pinagmasdan ang kanyang anak, paano nya ba malilimutan ang ama ni RJ kung kamukhang-kamukha nito ang ama? Spitting image ni James ang kanilang anak. At hindi nya alam kung ano ang magaganap kung sakaling magkita ang mga ito.

“I’m sorry  baby, malaki ang kasalanan ni Mama sayo. But it’s for your father’s own good. Look at him now, sikat na sikat na sya. Naabot na nya ang pangarap nya.” Tinabihan nya higaan ang kanyang anak.

“Kung nangyari ang gusto naming mangyari eight years ago, ano ang kinalalagyan ng ama mo ngayon?”

“I’m so sorry baby. You will meet him one day, but not now. I love you.” Mahinang wika nya sa anak bago pumikit. Ngunit sa pagpikit ng kanyang mga mata, ang mukha at ang mga alaala nila ni James ang sumalubong sa kanya.

“James, Monster.”sambit nya habang patuloy na lumuluha.

****

 “Really Mama? We’re going to visit Philippines?” tanong ng kanyang anak sa namimilog na mata.
“Hmmmm, diba sabi ko sayo kailangan mong magsalita ng tagalog.You know Tagalog diba? So it’s better to practice now.” Wika ni Jasmine.
“Tita naman eh. See, marunong ako Tagalog.” Pautal-utal na sagot ng kanyang anak.
“No, not like that. You should practice more big boy. Ok?”
“Yes Tita, I mean opo Tita Jas.” Tatawa-tawang sagot ng kanyang anak.
Kasalukuyang  nagba-bake ng cake ang kanyang anak at si Jasmine. Dinalaw sila ng kanyang Ate Jasmine, at tyempo naman dahil may kailangan syang I-fax na mga dokumento para sa company nila sa Pilipnas. Sa UK na din nakabase ang mga pamilya nito, ngunit ito at ang napangasawa nito kasama ay sa London nakatira. Napangiti sya ng makitang paparating ang asawa ng pinsan. Iniisip nya pa lang ang lalaki ay nandito na habang tulak ang stroller ng 4 na taong-gulang na kambal ng mga ito.
“Hiyea! Uncle Bret, baby Mione, Baby Ronie!” masiglang bati ng kanyang anak at agad na tumakbo upang salubungin ang mga bagong dating.
Si Bret ang asawa ng kanyang Ate Jasmine. Hindi nya inakalang magkakatuluyan ang dalawa dahil sa tagal-tagal na magkasama sila ay away-bati lagi ang dalawa. Masaya sya dahil si Bret ay nakatagpo ng babaeng magmamahal dito. At ganon din sa kanyang pinsan, napigilan ni Bret ang pagpasok ni Jasmine sa AFP.  Hindi naman tumutol sila Tito Ivander at Tita Maris. They are all happy sa naging love story nila Bret at Jasmine. Aso’t pusa ang drama ng dalawa.
“Sinusundo na po namin si Jas.” Birong wika ni Bret. Mahusay na itong magtagalog dahil sa turo ni Jasmine. Sinulyapan nya ang dalawang anghel na mahimbing na natutulog sa strollers.
“Aw, why are they sleeping? How can we play?” wika ng kanyang anak. Naunahan siya nito, yun din ang gusto nyang itanong kay Bret.
“Bakit mo sila isinama?” tanong ni Jas habang hinuhubad ang apron. “RJ, sweetie, we’re done with the cakes. We just have to wait for it ok?” baling nito sa kanyang anak.
“Opo, Tita Jasmine!” sagot ng kanyang anak na ikinatawa nila dahil sa slang na pagbigkas nito sa “opo”.
“Dito na kayo magdinner para naman makapaglaro pa ang mga bata.”
“Sure, I’ll help you. Tara,” aya nito sa kanya. Alam nyang may gusting sabihin ang kanyang pinsan. “Trex, ikaw muna bahala sa mga bata ha!” malambing na wika nito sa asawa. Trex ang nakasanayan nitong itawag kay Bret kapag sinusumpong ito ng ka-sweetan.

****
“Are you sure na gusto mong pumunta sa Pilipinas?” tanong ni Jasmine.
“Yes, nakausap ko ulit si Tita Lawrence,”napailing sya ng maalala ang kapatid ng kanyang ama. “Sabi nya, they really want to see RJ in person.”
Dahil matagal na din silang hindi nagkikita ng Tita Law nya, napagisipan nyang tanggapin ang imbitasyon nito. Nasa America ito at ang Lolo Jaime nya ng panahong umalis sila sa Pilipinas. Apat na taon pa lang din itong nakakabalik sa bansa at wala itong bakanteng panahon na bisitahin sila sa kinaroroonan.
“Handa ka na ba? Paano kung Makita mo sya?” Hindi agad sya nakasagot sa tanong ng pinsan. Paano nga ba? Mangyayari na ba ang kinatatakutan nya?
“Hindi ko alam, I don’t know. I guess I will have to cross the bridge when I get there.” Sagot niya.
“Goodluck Devs, huwag nalang kayo magtatagal doon ha. Kung nandito lang sina Tito JP, I’m sure hindi kayo papayagan ng mga iyon.” Sinundan ni Jasmine ang sinabi ng isang malalim na buntong-hininga.
Tama ito, kung naroon ang kanyang mga magulang ay siguradong hindi sila papayagan. Good thing they’re somewhere in Russia kasama ang Lolo Ignacio at Lola Vanna niya. Nasa one month cruise ang mga ito. Ipapaalam nya rin naman sa ama na pupunta sya sa Tita Lawrence nya.
“Siguro it’s about time na malaman ni RJ kung sino ang ama nya. Bago kami magbakasyon sa Pilipinas sasabihin ko muna sa kanya.” Desidido na syang kausapin ang anak. Bigla syang nilamon ng hindi maipaliwanag na takot. Dahil sa pagalis nila, maaring mabago ang lahat. Ayaw nyang mawala ang anak nya sa kanya kaya kailangang ipaliwanag nya dito ang lahat.
“Kailangan mo ba kami?”tanong ni Jasmine
“Nope, Ate kaya ko na. Tapusin na natin itong pagluluto. Para hindi kayo gabihin.” Pag-iiba nya sa usapan.
Pagkatapos nilang ihain ang iniluto ay nagsalo-salo sila sa isang maingay na hapunan. Nagkukulitan ang magpipinsan at laging ang kanyang anak ang pasimuno. Tuwang-tuwa ito sa kambal na si Mione at Ronie. Bago sumapit ang alas-otso ay nagpaalam na ang mga ito ngunit bago pa tuluyang umalis ay nagbilin pa si Jasmine sa kanya.
“Tell me kung kelan ang lipad nyo, at kung hanggang kailan.”
“Yes, sasabihin ko sayo dahil ikaw muna ang magmanage ng Music Store.” Natatawang wika niya sa pinsan. Alam nya na nag-aalala lamang ang mga ito sa kanila ngunit natitiyak nya, magiging maayos ang lahat. O sana ay maging maayos ang lahat.

12 comments:

  1. salamats pinagbigyan mo kami ;) pero bitin pa rin!!! waaaaaahhhhhh!! kelan lalabas ang next chapters para mapaghandaan?? hahaha...


    excited ako sa reaction ni RJ pagsinabi na ni mommy Devs ang totoo sa kanya?? & mas exciting ang mga reaction ng mga babalikan nila sa pinas like their friends... at pina-exciting ang reaction ni James ciempre!! at sana hindi na umepal ang ate!! hahaha...

    ReplyDelete
  2. nabitin ako.. ate lav.... waaaaahhh ba't ang sakit sa heart.... (T_T)

    ReplyDelete
  3. bakit ganun?? bakit aku naiiyak? waaah. bitiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnn :D

    ReplyDelete
  4. naiyak ako,.,.,. sana hindi matuloy ang binabalak ni james na magpakasal kay tricia

    ReplyDelete
  5. nakaka touch naman ang ff u ate lav :(

    next chapter na po :D

    ReplyDelete
  6. may tanong po ako dba po ang full name ni Devon dyan ay Princess Devon Castillanes Palacios ano naman ung full name ni James dyan Prince James ba ung full name nya dyan? Prince James (M.I.) (Last Name)?

    ReplyDelete
  7. its JAMES ROY RIVERA and PRINCESS DEVON CASTILLANES PALACIOS, :)

    ReplyDelete
  8. tagal konh ng hntay peo bitin p rin............ haissssstttttttt,,,,,,,,,, nxt pls!!!

    ReplyDelete
  9. naloka ako sa chap na toh auntie em!!
    wahahahaha..


    love it!!

    TREX is looooove!!




    kidding aside auntie, excited na kong makabalik sila sa pinas!
    (may ganon??)



    new year mo na ilalabas next chaps nuh?
    sige, wat.com kami!! :)

    ReplyDelete
  10. waaah purple lav next chapter pls ganda hehehehe

    ReplyDelete
  11. LOL..savi ko nga ba eh..JasBret ftw!! Twins pa anak nila..hahahaha.

    Anyhoo..Can't wait to read the next chapter..

    Ang kulit palang bata ni RJ, small but terrible. hehehe. Naku excited to find out what will RJ's reaction be when he finally meets his dad.

    Of all places to go sa Manchester pa talaga si Devon nag-palipas ng panahon. I remember my short vacation there..hehehe.

    ReplyDelete