Sunday 29 August 2010

FAIRYTALE CHAPTER 11

CHAPTER 11

Dinala ni James si Devon sa sasakyan niya, isang Hummer H3T bagong modelo. Nagpatianod na lamang si Devon sa mga kaganapan dahil hindi pa rin maproseso ng utak nya lahat ng pangyayari. 

"Where are we going? San mo ko dadalhin?" tanong ni Devon ng paandarin  ni James ang sasakyan at naisip nyang tinagalog nya lang ang sinabi nya. Naloloka na talaga sya. 

"Some place that we can talk." sagot ni James

Lugar kung saan pwede silang mag-usap? Meron ba nun? sa isip-isip ni Devon dahil imposible ang sinasabi nito. 
Unang-una alas kuwatro pasado palang ng hapon at sigurado syang makikilala ito ng mga tao. 
Pangalawa, paano sila makakapag-usap kung may mga kamera sa paligid. Hindi na kinakaya ng powers nya ang mga kaganapan. Nasisiguro nya, malalagay sa mga peryodiko ang maganda nyang alindog dahil sa nangyari kanina. Nasisiraan na talaga ng bait ang lalaking ito.

"You're crazy. Bakit ba hindi mo nalang ako pabayaan? Bakit ba pinag-aaksayahan mo ko ng panahon? Bakit ako ang pinag-tritripan mo!" naibulalas nalang ni Devon dahil litong-lito na sya. 

Biglang inihinto ni James ang kanyang sasakyan sa gitna ng daan. Sa laki ng Hummer tawag pansin talaga ito. Nagbusina tuloy ang nasa likuran nito.

"I told you, believe in what I said, I'm serious Devon. Never been this serious all my life. If you won't go  with me, then we'll stay in the middle of this jampacked street." banta pa ni James na may halong ngiti kahit na nakakabingi na ang mga busina sa kanilang likuran.

"Ok, please drive. Ang ingay na nila ang sakit sa tenga. Siraulo ka na! " hininaan nya lang ang huling kataga upang hindi marinig ni James.

"Yes Baby, I'm crazy, really crazy. " sandali sya nitong tinignan at ibinalik din ang paningin sa daanan. 

  Samantalang si Devon ay di mapakali, "tinawag nya kong baby? anong tingin nya sakin si Justin Beiber?" pero sa kaibuturan ng kanyang puso, umuusbong na naman ang pag-asa.Dahil si James Reid, ay narito kasama nya. Sya ang piniling makasama.


Naging mahaba ang katahimikan habang nasa daan sila. Inihinto ni James ang sasakyan sa harap ng isang Korean Restaurant pero bago pa man mabuksan ni James ang pinto nagwika si Devon ng:

"Pwede bang dito nalang tayo mag-usap? "

"Why? Don't you want to eat first? We can talk inside while eating." sagot ni James.

"No, please can we just stay here. Say your piece so I can go home. " pagsusumamo ni Devon.

Napahugot ng buntong-hininga si James, nag-isip sandali at saka nagpasya na sabihin na kay Devon ang gusto nyang malaman nito. 

"I'm not ashame that I'm with you, the hell I care what other people might think. 
I've got a beautiful angel here who taught me how to appreciate little things.
 I'll be proud to show the whole world how Iove got me. 
Yes, Devon I love you." pahayag ni James at ginagap ang kamay ni Devon. 

Hindi na napigilan ni Devon ang mga luhang kanyang kinikimkim at sumabulat na ang kanyang saloobin.

"Hindi ako prinsesa, ordinaryong tao lang ako. Wala akong kaharian at kayamanan. Wala akong pwedeng ipagmalaki kundi ang sarili ko lamang. 
James, wala tong patutunguhan. Hindi pwedeng ang isang tulad mo ay mahalin ang tulad ko. 


Naiintindihan mo ba?"tuloy-tuloy na sabi ni Devon hindi na alintana kung maintindihan man ni James o hindi.

"Yes, you're not a princess, you don't live in a castle. You don't have any treasure in your hand.  


But I don't need  someone who have all the things that I can give. I'm a prince, I fell inlove with a simple girl. Fell hard that I will do everything and anything for her to be my princess. 


It's not impossible Devon, you have to trust me when I say, I do really love you."pahayag ni James habang pinapahid ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata ni Devon. 

"Bakit ako?" tanong ni Devon. 

"Why not you Devon, tell me." sagot naman ni James.

"Why are you crying anyway? Please I don't want to see you cry.  Hush now baby."pagaalo ni James at tuluyan na nya itong niyakap.  

"Sige na Devon, palayain mo na ang nararamdaman mo. Tanggapin mo ang kaligayahang binibigay sayo. " wika ng munting tinig sa isip ni Devon. 

Tama, gusto nya din sumaya. Mahal nya si James at pipilitin nyang maging karapat-dapat para dito. Ginantihan nya ang yakap na kaloob nito at naramdaman nya ang tila pagkagulat nito.

"I'm scared James, please don't hurt me. Wag mo kong paglaruan" pagsamo ni Devon kay James. 


"Mahal kita, pero pinipigil ko ang sarili ko dahil alam kong wala itong kahihinatnan." ayan sa wakas nasabi na din ni Devon ang nasa puso nya. Lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni James kay Devon dahil sa sinabi nito. Hindi nya pa naramdaman sa tanang buhay nya ang pakiramdam habang niyayakap nya si Devon. True love, yun ang nasabi nya sa kanyang sarili. 

"Baby, I promise you with every beat of my heart, I won't hurt you. I'll be your prince, your friend. I'll do everything to make you happy. Thank you for loving me. " madamdaming wika ni James at hindi nakaligtas kay Devon ang namumuong luha sa mga mata nito.

"No James, thank you for loving me. Kahit hindi ako karapat-dapat. "

"You keep on saying you're not worth it. But baby, you're worth all my love. "

"At bakit naman baby? Favorite mo ba si Justin Beiber? Baby baby baby ooohhhh baby baby baby ooohhh" pagaalis tensyon ni Devon

"You're so cute, I love that., Baby because you are my baby that's all " sagot ni James at pinisil pa ang chin ni Devon. 

"Come on baby let's eat."pag-aya ni James na aktong baba na ng pigilan sya ni Devon. 

"Hindi, hindi tayo pwedeng kumain dyan. " sabi nya dahil may naiisip syang ipagawa dito. Kung magagwa talaga nito iyon, talagang mahal nga siya nito.

"Why, where do you like to eat?" tanong ni James.

 "Kahit saan pwede? Tara I'll show you. Drive around, tapos sasabihin ko kung san ka hihinto."pagbibigay instruction nito kay James.

At ang James ay walang nagawa kungdi i-drive ulit ang kanyang Hummer. 

No comments:

Post a Comment