Thursday 26 August 2010

FAIRYTALE CHAPTER 8

FAIRYTALE 




CHAPTER 8


Isang linggo ng nagtratrabaho si Devon sa pinsan bilang PA, medyo minsan may sumpong ang pinsan nya at sya ang pinagbubuntungan. Mabuti at may nakilala syang mabait din na PA, si Tinay, ang PA ng super snob na model na si Trixie. 
Si Trixie Saldivar ay isang Filipina-Spanish kaya naman napakaganda nito at matangkad. Mas na starstruck pa nga siya dito kaysa sa pinsan nya. Nakita nya si Trixie isang linggo na ang nakakaraan dahil kasama ito sa photoshoot ng pinsan nya at ni James. Bigla syang natigilan ng maalala ang nangyari ng araw na yun. 




        Nakasandal si Devon sa upuan at nakapatong ang kamay sa noo, gutom na gutom na sya at pagod na. Bakit hindi man lang sya sabihan ng pinsan na kumain muna. Nahilo sya dahil sa utos dito utos doon ang pinsan nya. Hindi man lang naalalang hindi pa sya kumakain simula ng nagkita sila. 
Kanina pagdating nila sa silid kung saan gaganapin ang photoshoot  nito agad na inutusan syang paghiwalayin ang lahat ng damit na dala nya. Inutusan ayusin ang make up kit at lahat ng pang kolorete nito. Feel na feel nito na gawin talaga syang alalay. Kaya naman ngayon, halos hindi na sya makatayo sa hilo, magpapahinga nalang sya. 


"What are you doing here? " tanong ng isang tinig na kahit hindi sya magmulat ng mata ay kilala nya dahil sa kakaibang accent nito. 


"Nagpapahinga lang po Sir." may kahalong inis na sagot nya na hindi pa din nagmumulat ng mata. Ganon sya pag gutom, iritado.


Nagulat sya ng tanggalin ni James ang kamay nya na nakapatong sa ulo nya, pero mas nagulat sya ng makita na nakatayo ito malapit na malapit sa kanya kaya hindi na sya nakaimik.




"You look pale, have you eaten yet? No, I don't think so. I didn't see you eat anything. " sagot nito sa sariling tanong.


 Si Devon ay hindi pa din makapagsalita. Nahihiya sya sa kausap. Bakit ba pinagkakaabalahan sya ng oras nito. Hindi ba't  may photoshoot na nagaganap? Napapikit na lang sya ulit dahil nahihilo na naman sya. Naiinis sya sa sarili, dapat kanina pa sya kumilos at naghanap ng makakain pero nangangamba sya na baka bigla syang hanapin ng pinsan. Pagmulat nya wala na ang lalaki sa harapan nya.


Laking gulat nya ng makita itong parating at may dalang tray ng pagkain, hot chocolate, croissants, muffins and cheeseburger ayon ang laman ng tray. 


"Here, eat this. " inilapag ni James ang tray sa katabing maliit na table ni Devon sabay talikod ngunit pinigilan sya ni Devon. 


"Why?" yun lang ang nasambit ni Devon dahil hindi pa din sya makapaniwala.


Nagkibit balikat lang si James "Just eat.. " at tuluyan na itong umalis.
******


    "Hoy, Buddy, kanina pa kita kinakausap" pukaw ni Ivan sa pagbabalik tanaw ni Devon, napangiti sya dahil pilit itong nagtatagalog. Hindi nya namalayang kanina pa pala sya nakatulala at iniisip ang nangyari. Sa totoo lang, ilang gabi din syang hindi pinatulog ng pangyayaring yun. 


Ilang araw din nyang naiisip ang mukha ng sikat na modelo na yon. Napatunayan nya kung gaano kasikat ito. Kung gaanong maraming babae ang nagkakandarapa dito kabilang na ang mga sikat na personalidad sa bansa. Kaya naman nagtataka sya kung bakit pinagukulan sya nito ng pansin.


 Aaminin nya na, nagkakaroon na sya ng munting pagtingin dito, pero hanggang kaya nyang pigilin gagawin nya dahil alam nyang walang patutunguhan iyon. Isa lamang kahangalan. 


"Buddy, I'm starting to get embarras here, hey, you seem so near yet so far. What are you thinking?" muling tanong ni Ivan kay Devon. Sabado, araw ng trabaho nya sa hotel. Inilipat na sya nito ng department dahil daw masyado na syang mapapagod kapag patuloy pa syang naging bellgirl. Kasalukuyan syang part-time Room Service Wait Staff, tagadala ng mga room service na pagkain. 


"Wala naman Eyven, may naalala lang ako. Kamusta na pala ang iyong irog?" tanong ni Devon na ang tinutukoy ang babaeng nililigawan nito. Hindi pa nya nakikita ang babaeng yon, sabi ni Ivan ipapakilala nya kapag sinagot na sya nito. 


"Buddy, don't be so tsimosa. I'll introduce her to you sooner. " sagot ni Ivan pero sa isip ay wala naman talaga dahil Ikaw ang babaeng gusto kong ligawan. Napabuntong-hininga na lamang siya sa naisip. 


"Uy, mukhang seryoso ka na talaga dun ha. Ang lalim ng buntong-hininga mo. So deep man, cannot reach." tatawa-tawang sagot ni Devon. Hanggang matigil ang usapan nila dahil tumunog ang celllphone nito. 


"Sir, you have an important call in your office. The client needs to talk to you urgently. " narinig niyang wika ni Ms. Raeny ang secretary ni Ivan, sa kabilang linya.


"Ok, I'll be there. " sagot ni Ivan, "I'm going buddy. Inggat sa pag-uwi". paalam ni Ivan kay Devon habang papalabas ito sa pinto ng canteen. 
Naisipan nyang kumain muna bago umuwi at sinamahan siya nito.  Natutuwa sya sa kaibigan, walang arte kahit na mayaman. Nakikisalumuha sa ibang tao. 


"So feeling nya, close sila ni Sir. Ivan?" wika ng isang babae sa kabilang mesa.


"Oo nga, sipsip masyado, akala mo kung sino" sagot naman ng isa. 


Hindi nalang sana papansinin ni Devon ang mga iyon pero gumana ang pagiging pang-asar nya.


"Psst. Kayong dalawa, sigurado akong kain kayo ng kain ng ampalaya. 
Kasi ang papait ng mga mukha nyo, pati salita nyo mapait.Hahahaha." sagot ni Devon at sinamahan pa ng tawa. 


Tumayo na sya at paalis na sana ng maisipan nyang magpahabol pa.


"Bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari sari. 
singkamas at talong sigarilias at mani, sitaw,bataw, patani. 
Kundol patola, upo't kalabasa at saka meron pa
labanos mustasa, sibuyas kamatis bawang at luya
sa paligid ligid ay puno ng.... " ibinitin nya pa ang huling sasabihin nya.


"Ay puno ng.ampalaya... " feel na feel nya ang pagkanta at nagbow pa sya sa ibang kasamahan nilang tawa ng tawa sa kanyang ginawa. 


Tumalikod na sya para hindi na nya makita ang namumulang mukha ng mga echoserang palaka na yun. 


"Hay ang sarap ng life,"nawika nya habang pabalik na sa Kitchen area. 


"Psst, Dev, alam mo bang nandito ulit sa hotel ang sikat na model na si James Reid, totoo nakita ng isa nating waitress. Dito ata mag di-dinner. Muntik na daw malaglag ang panty nya."kwento ni Lizzeth sa kanya, ang isa sa mga chef ng hotel. Mabait ito kaya kasundo nya. 


"So, nandito na naman ang lalaking yun. " bulong ni Devon sa sarili, ilang araw na din nyang hindi ito nakikita dahil may sarili itong photoshoot out of town. 


"Ate Zeth, uuwi na po ako ha. Bukas na lang po ulit.Thank you po ulit dun sa pabaon. Magugustuhan yun ng aking familia." paalam ni Devon kay Ms. Lizzeth.


"Walang anuman, inggat sa pag-uwi. Daan ka sa resto, makikita mo si fafa James.  "pahabol pa  ni Ms. Lizzeth.


Sa loob-loob ni Devon, "hindi ko na po kelangan dumaan dun dahil nakita ko na po sya sa personal". Aaminin nya, namimiss nyang makita ito. Ang munting pagtingin nya ay nadevelop na sa pag-ibig. Pero dapat nyang supilin yun, hindi tama. Walang patutunguhan. 


Papalabas na sya ng pinto ng hotel ng mahagip ng paningin nya ang RestoBar ng hotel, at nakita nya ang lalaking laman ng isip nya. Nakaupo malapit sa glass panel kaya kitang-kita nya kung paano ito makipag-usap sa kasamang magandang babae. Kitang kita nya rin ang pagtawa nito na kahit kailan ay hindi pa nya nasisilayan. May munting kurot sa puso syang naramdaman hindi maitatanggi yun. 


Napatagal ang pagtitig nya kaya naman parang naramdaman ni James na may nakatingin sa kanya, nagtama ang kanilang mga mata pero agad syang umiwas at itinuloy na ang paglabas. 


"Hangal ka kasi, ngayon nasasaktan ka nakita mo lang may kasamang babae. Sino ba nagsabi sayo na pwedeng maging totoo ang pangarap ha?" sita nya sa kanyang sarili.

1 comment:

  1. aheytchu ate lav haha!

    bakit di ko naisip ang mga ganitong aydiyas

    ang talino mo ^_^

    ReplyDelete