Wednesday, 29 September 2010

IF ONLY BOOK TWO

Nagsisimula ng umusbong at lumago ang pagmamahalan ni Devvine at JP.
Ngunit hanggang saan ang kasiyahan na nararamdaman ni Devvine kung ang nakaraan ay magbalik?
Nakaraang magiging dahilan upang subukin ang pagmamahalan nila.

Paano haharapin ni Devvine ang lahat kapag nalaman nya na ang kaligayahang kanyang tinamasa
ay nababalot lamang pala sa kasinungalingan.

At sa bagong panganib na nakaamba kay Devvine, maililigtas ba sya ng taong dahilan ng kanyang pagkapahamak?

Mga lihim, mga katanungan, panganib.

Malalampasan ba ng pagmamahalan nila ang lahat ng pagsubok?

If only she could turn back time, she will wish not to meet JP anymore.

IF ONLY CHAPTERS 12-13

CHAPTER 12

Last day ni Devvine sa Batangas at mamayang gabi, ihahatid na sya ni JP sa kanilang mansion. Nakausap na nya ang kanyang ama at ayon dito maaari na syang bumalik ng Manila. And everything is back to normal again, she will continue studying and will no longer need a bodyguard ayon sa kanyang ama. Ibig sabihin, hindi na nya makakasama si JP sa halos araw-araw.  Nakaupo sya veranda at malungkot na nakatanaw karagatan. Naputol  ang kanyang pagmumuni-muni ng makita nyang umahon si JP mula sa dagat.

Napalunok bigla si Devvine, animo nakita nya ang Greek God na si Poesaidon. Nakalantad ang matipunong dibdib nito, at nakasuot ng swimming shorts. The water is dripping from his hair, the sunrays emphasizes his wet body, he looks immaculate while walking out of the sea. She greedily take in everything that she is seeing.His body is well-built at mula sa malayo, nakikita ni Devvine ang abs nito. Weakness nya sa isang lalaki ang may magandang abs.Everything is his body is perfect. Nakita nyang ipinagpag nito ang tubig mula sa buhok nito at umupo sa pampang. Kahit na nakaupo na ito, hindi pa din maalis ang mga mata ni Devvine dito. She is totally smitten by this man. Will she  let herself fall deeply into him or she needs to learn to forget him. She let out a heavy sigh.

"Ang lalim nun ah." wika ni Laurence sa kanya. Napabaling dito ang kanyang paningin at namula sya ng makita ang pilyang ngiti nito.

"Ate,"yung lamang ang nasambit nya. Nahihiya sya dito, malamang nakita nito ang pagtitig nya sa kapatid nito.

"You like him, don't you" diretsang tanong nito."I can see it in your eyes Devvine, and I'm happy about it." patuloy nito.

"I don't know what to feel, he's avoiding me. I don't know... " 

"Listen, I'll tell you something. I think you should know about this dahil ikaw pa lang ulit ang babaeng nakalapit ng husto sa kanya pagkatapos ng mahabang panahon."

"What do you mean?" she asked her. 

"Come with me. " sagot ni Laurence.

Dinala sya nito sa kwarto nito at nagsimula na itong magkwento. 

"JP is not like that before. Masayahing tao yan, mapagmahal, kakaiba sa seryosong persona nya ngayon. Until Marianne," 

Devvine felt a twinge of pain in her heart upon hearing that name. Parang alam na nya ang dahilan, isang babae.

Nagpatuloy ng kwento si Laurence "Marianne is beautiful infact may hawig kayo, mabait din naman ito and my brother loved her so much. By that time, JP is part of a Special Task Force. Ianne wanted him to be a top officer pero mas gusto ni JP na sa mga special mission sya. Nakita ko kung gaano minahal ng kapatid ko si Ianne, sinunod nya lahat ng gusto nito. She even asked him to stop riding motorbikes and buy a car sa simpleng dahilan na ayaw nyang sumakay doon.

"JP always wanted to make her happy, so he obliged. He tried everything just to keep her satisfied. They prepared everything for their wedding, lahat lahat at may date na. He made sure that everything is perfect for her taste. But the wedding didn't take place, and to cut the story short, Ianne jilted my brother on the day of their wedding. " Laurence stop for a while and look at her.

"You can just imagine how hurt my brother was, at ang mas nakadagdag ng sugat nya ay ang malamang ipinagpalit siya ni Ianne sa isang Police Officer. Sobrang kahihiyan ang idinulot ng babaeng yon sa aking kapatid at sa aming pamilya. And from that day on, JP resigned from his job, went to the States and when he came back here, he is totally different. That happened three years ago, at sa loob ng panahon na yun,walang babaeng minahal ang aking kapatid" pagtatapos ni Laurence.

Nakaramdam ng galit si Devvine sa babaing nagngangalang Mariaane, bakit nito nagawang saktan si JP? She felt the pain for JP. 
Iyon pala ang dahilan, JP somewhat became a woman-hater. His mystery was totally unvieled to her by his sister. Ngunit hindi nya alam kung bakit nito sinabi iyon sa kanya.

"You're probably wondering why I told you all those things, simply because I know he like you. He cares for you Devvine." hinarap sya nito at hinawakan ang kanyang kamay "and I know you like my brother."she stated looking straight in her eyes.

"I will be very happy if I see him live again, to know that he is loving again, Devvine."

"Ate, you're brother doesn't like me, nagkamali ka lang ng akala." 

"He likes you, the time he brought you here, natuwa ako sa nakitang emosyon sa mukha nya. He cares for you, alot.

"I don't know what to say.."

"Talk to him bago kayo bumalik sa Manila." suhestiyon ni Laurence. Sa isip ni Devvine, "bakit ako ang kakausap sa kanya?"

"I don't want love pass him by again, I love my brother very much and I know him more than anybody else, trust me." pahabol pa nito bago sila tuluyang lumabas sa silid nito. 

***
Hindi nagawang kausapin ni Devvine si JP dahil agad itong umalis may importante daw itong pupuntahan. Tinawagan nya ang kanyang ama at ipinaalam dito na ayaw nyang bumiyahe ng gabi kaya pumayag itong bukas ng umaga sila babalik sa Manila. Palabas sya ng bahay upang maglakad-lakad sana sa dalampasigan ng matanawan nyang nasa veranda.

Nilapitan nya ito upang ipaalam na hindi matutuloy ang pag-alis nila mamayang hating gabi.

"Bukas na lang tayo lumuwas ng Manila, talked with Dad already." panimula nya.

JP is sipping a cup of coffee and looked at her. "Okey, so you better sleep early kung bukas tayo aalis. We have to leave at 5 a.m." akmang tatayo ito ng hawakan nya ang braso nito.

"Can we talk? Why are you avoiding me? I thought we're friends already." wika niya dito.

JP just let out a sigh, sip the coffee and faced the sea before talking. "I'm not avoiding you"

"Liar, I can feel that you're pushing me away- again." hurt is evident on her voice.

"Why are you acting as if I have an obligation to you?" diretsang wika ni JP.

Nagulat sya sa tanong nito, tama ba ang ate nito na importante din sya dito, o nagpadala lang sya sa ilusyon nya.

"I'm sorry I didn't mean to hurt your feelings, you just don't know me." wika ni JP.

"Why don't you open up a little so I can get to know you more?" tanong ni Devvine.

"Walang kwenta ang buhay ko Ms. Castillanes kaya wala akong maikwekwento sayo. Anyway, it's getting late, we need to rest now." pagsasara nito sa kanilang usapan. Tumayo na ito ngunit bago ito tuluyang umalis ay nagwika si Devvine

"Do you still love her? Are you still waiting for her?Will you just let your life be miserable because of someone?" sunod-sunod na tanong ni Devvine.  Huminto ang lalaki at nilingon sya, nakita ni Devvine ang poot sa mga mata nito. She was scared for a moment but she told herself, she have to be brave. She wants to know what he really feels so she can move on. 

"Sino ang nagsabi sayo nyan?" tanong ni JP. "So my sister told you about that." lumapit ito sa kanya at dahil nakaupo pa din sya. lumuhod si JP sa kanyang harapan bakas pa din sa madilim nitong mukha ang poot. 

"What do you want? So we can get this over and done with." wika nito.

CHAPTER 13

JP said that to hide his anger, he is pissed with her sister. Bakit nito sinabi kay Devvine ang bagay na yon. And now, he doesn't like the pity he saw in Devvine's eyes. Bakit pinapahirap ng babaeng ito ang sitwasyon. Kanina lumuwas sya dahil ipinatawag sya ng taong yun at inulit sa kanya ang plano nito. Madali lang naman ang gagawin nya, yun nga lang ayaw nya ng kasinungalingan. 

"When will you give yourself a chance to love again?" tanong sa kanya ni Devvine na nakapagbalik sa kanyang gunita. Nakatingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. And he saw something in her eyes, alam nyang mahal sya ng dalaga subalit hindi nya pa naitatanong sa sarili kung handa na ba syang magmahal muli. Malaki ang pagkakatulad ng pisikal na anyo ni Devvine sa babaeng dahilan ng kanyang pagkasira. Ang tanging ipinagkaiba ng mga ito ay ang kulay, maputi si Marianne at morena naman si Devvine. Maging ang ibang ugali ni Marianne ay meron si Devvine kaya naman ginawa nya ang lahat upang pigilan ang sariling mahulog dito. T-an-ga lang ang lalaking hindi magmamahal sa isang Devvine Castillanes. 

At sya ay isang tan-ga, he tried his very best not to notice her, but she is beautiful inside out napatunayan nya yun. Espesyal sa puso nya ang dalaga ngunit hindi nya alam kung matatawag na ba iyon na pagmamahal. He have to make everything clear with her, kahit pabor pa sa kanya ang sitwasyon.

"I don't intend to fall in love again especially with.." pinutol ni Devvine ang kanyang sasabihin.

"I'm not like her,don't judge me because you see her in me. Let go, let your heart beat again.... fall in love again."wika ni Devvine kay JP. 

Pinagmasdan niya ang dalaga at may nagsimula syang magtanong dito "Did you ever fall in love before, yung totoong pagmamahal?"

"Not yet until you."diretsang wika ni Devvine. JP let out an exasperrated sigh, he told himself he should let his emotion guide him. If truth be told, he just want to hug and kiss Devvine. 

"Devvine, I cannot promise you anything, I don't know.. All I know is that you are special to me. You managed to put a smile on my face. Nagawa mo din akong matakot ng mga panahong nasa panganib ka, ang alam ko lang gusto kong nakikitang tumatawa ka. Sa maikling panahon na nagkasama tayo, you never fail to amuse me,you never fail to make me smile. Just to let you know, I can never fall in love with someone who can't make me smile.If this is love, I don't know," 

Devvine touched his face and smiled at him. "You just have to try again,be happy and don't dwell on the past. Life is too short to just waste it.Hindi ko inasahan na sa isang katulad mo ako makakaranas magmahal ng totoo. This is not me, you know that JP."

"Let's take it slow, baka magbago pa ang isip mo. " wika niya at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Under the moonlight, her face is ethereal. This woman is giving him a chance to love again and he will be happy to accept it. Sa kabila ng mga konsekwensya, sa mga kasinungalingan, handa na syang magmahal muli. 

He caressed her face again and she closed her eyes. He lower his head and as his lips touched hers, he felt a strong feeling of being home. They are hugging each other, JP gently savor the taste of her sweet lips, Devvine kissed him back with love and passion. And under the moonlight, she totally surrendered her heart to him. On the other hand, he welcomed the feeling of loving again..

"Thank you for coming into my life" he said to her.

"No, thank you Sir. I promise you,I will never leave you, never." Devvine said to him and he saw the love on her eyes. 

He will take a chance to love again, everything will be perfect. If only he can change everything from the day he met Devvine Castillanes. If only. Magkahawak-kamay na nilisan nila ang veranda. Inihatid niya ito sa guestroom at nagpasyang wag na pumasok doon. The feeling is so strong, he doesn't know if he can stop himself. 

"Good night kamahalan, be ready at 4 a.m tomorrow." bilin nya dito.

"Yes sir," sumaludo pa ang dalaga sa kanya. Natawa sya sa ginawa nito dahil para itong bata. 

"Good night Mr. Bodyguard." wika nito at hinalikan sya sa pisngi ngunit bumaling sya kaya naman sa labi nya bumagsak ang halik nito. It should only be a smack, but minutes later she is leaning on the door while he is kissing her passionately. But before he can do something that will make the situation more complex, he managed to  break the kiss. 

"I'm sorry Devvine, I.."

"No need to say sorry." she said, her cheeks flushed. 

"Please get inside, bago ako tuluyang makalimot." hiling nya dito. 

Tumango lamang ang dalaga at agad na itong pumasok sa silid. Dumeretso naman sya sa bar area upang kumuha ng maiinom.He needed that to calm his senses and to help him think. Pabor na pabor sa sitwasyon ang nangyayari sa kanila ni Devvine, ngunit hindi sya handa sa magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ang lahat. Lalong-lalo na ang sakit na mararamdaman nito.


**** 

Pinagmamasdan nya lang ang kanyang ina. Lasing na naman ito, simula ng mapatay ang kuya nya lagi na lamang ganon ito. Ang kuya nyang tanging paborito nito. Kahit minsan hindi nya naramdaman na minahal sya nito. Tanging ang nakatatandang kapatid lamang niya ang nakikita nito.

"Ma, tama na yan. " inagaw nya dito ang hawak nitong alak.

"Letse ka tigilan mo ko umalis ka dito." bulyaw nito sa kanya. "Wala kang silbi, wala kang kwenta, ibalik mo ang kuya mo" patuloy na sigaw nito habang umiiyak.

"Ma,wala na si kuya, kasalanan nya kung bakit sya napatay."

"Hindi nya kasalanan, kasalanan ng mga taong yun. Kasalanan nila." inihagis nito ang basong hawak nito sa sahig. Nagkalat ang piraso ng bubog at likido sa paligid. 

"Ma, andito pa ko, may anak pa kayo hindi lang si kuya ang anak nyo." mahinahong wika niya sa ina.

"Gusto mong maging anak kita?" nanlilisik ang mga matang baling nito sa kanya. "Ipaghiganti mo ang kuya mo, ipaghiganti mo. Matatanggap kitang anak kapag nagawa mo yun. At isa pa, gusto ko ng maraming pera. Ipinangako yun ng kuya mo sa akin."

"Hindi ko magagawa yun, wag mo kong itulad kay kuya na.." nahinto ang kanyang sasabihin ng makitang ihahagis sa kanya ng ina ang boteng hawak nito. Mabilis nya yung nailagan habang ang kanyang ina ay patuloy sa pagsigaw. 

"Kung hindi mo gagawin yun, wag mong asahang tatanggapin kita." iniwan na siya nito at susuray suray na pumasok sa silid nito.

Naiwan syang nag-iisip, malaki din ang galit nya sa mga taong dahilan ng kamatayan ng kanyang kapatid. Ang kuya nya lang ang tanging nagmamahal sa kanya, ang kaisa-isang tao na nagpapahalaga sa kanya. Ngayong wala na ito, ang kanilang ina na lang ang naiwan sa kanya. Gagawin nya ang lahat para matanggap sya nito, gagawin nya...

IF ONLY CHAPTERS 10-11

CHAPTER 10

Nagising si Devvine sa mahinang tapik sa kanyang braso, nagmulat sya ng mata at nabungaran nya si JP na nakatunghay sa kanya. Disoriented, she tried to focus on the face of the man who's staring at her. Napabalikwas ng bangon si Devvine at napatingin sa orasan na nasa bedside table.

"Hey, sleepy head wake up. Kanina pa kita gustong gisingin kaso ang sarap ng tulog mo."nakangiting wika ni JP sa kanya. Ang ganda ng gising nya, napapadalas ang pagngiti nito. Hindi na nito iyon ipinagdadamot sa kanya.

"What, you actually watched me sleep??" hindi makapaniwalang tanong ni Devvine.

Tumawa ito bago sumagot, "Nah, just kidding, kadarating ko lang and Ate asked me to fetch you. May biglang conference call daw sya. It's 8:00 p.m kaya mag dinner na tayo."

Hindi na umimik si Devvine at tanging tango lamang ang naisagot nya. Naalala nya, kagigising nya lang, bakit sya nakikipag-usap dito? Baka may muta pa sya at hindi fresh ang kanyang breath,pasimple nyang sinipat ang kanyang sarili at nakahinga sya ng maluwag dahil disenteng damit naman ang suot nya hindi nga lang nya alam kung kanino, baka sa Ate nito.

"You look funny, what's the matter?" tanong ni JP sa kanya.

Umiling lamang sya at nagsenyas na umalis muna ito. Muli itong tumawa at nagwika "if you like to freshen up, the toilet is there."sabay turo sa isang pintuan. "Pero, dahil nasa kwarto ko pa ikaw, puro male products ang andun. But anyway, may spare toothbrush doon" and he giggled. 

Sinimangutan nya ito kahit na alam nyang biro lamang ang tinuran nito. Agad syang bumangon at ng malapit na sya sa pintuan ng bathroom ay narining nyang may sinabi ang lalaki.

"Hindi na kita hihintayin ha, pagbaba mo, you can easily see kung nasan ang dining room." wika nito at tuluyan ng lumabas sa silid.


"Nakakahiya ka talaga Devvine, diba it's your number one rule kapag bagong gising to freshen up first before talking with someone. Hygine first, grrr." kausap nya sa sarili. 

"Eh malay ko bang sya ang gigising sakin, kiber na lang noh. What's important is I still look pretty even if I just came from bed." patuloy na pagmo-monologue nya habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Natatawa sya sa kanyang sarili, para na syang baliw, subalit nahinto ang kanyang kasiyahan ng mapansin ang nangingitim na bahagi ng kanyang panga. 

Agad nyang binura sa isipan ang mga naganap dahil ayaw nyang matakot, ipinagpatuloy na lamang nya ang ginagawa upang makababa na.Nakakahiyang paghintayin ang magkapatid, dahil bisita lamang sya sa tahanan ng mga ito.


****

Devvine get out of the room and was taken aback because of what she saw. Facing the room door is a window,where she saw a bright moon reflected on the water shore. Nilapitan nya ang bintana at napagalaman nyang isang beach house ang kinaroroonan nya. Kung saan ang eksaktong lugar, iyon ang kanyang itatanong dito. Pinagmasadan muna nya ang karagatan sa gitna ng gabi, full moon ng gabing iyon at napakaraming bituin sa langit. She love the beach, she love swimming. Natatakam sya tuloy lumusong sa dagat at magtampisaw. Maganda na ang lugar sa dilim, paano pa kaya bukas ng umaga,naisip ni Devvine.

"Hey there pretty, anong tinitignan mo dyan? Let's go and have dinner." wika ng isang malamyos na tinig - si Laurence.

"Ate,what is this place, I mean, where?"tanong niya dito.

"We can talk through dinner, come on.." aya nito sa kanya at magkasunod na silang bumaba ng hagdan. Tama si JP, madaling makita ng dining area dahil nasa bungad lamang iyon. 

Natanawan nya si JP na nasa komedor na at agad itong tumayo ng makita sila. Nakasimangot ito, kaya naisip nyang masyado nya itong pinaghintay.

"Sorry, I keep you waiting." hinging paumahin nya. 

"It's okey" seryosong sagot nito.

"Sorry na, wag ka ng sumimangot dyan at nagiging matanda ka."biro nya dito.

"Walang ano man ito kamahalan, ako ay ngingiti na, eto oh. "matipid syang nginitian nito at ipinaghila sya ng upuan. Nakatingin lamang siya dito at naninibago. Kanina maganda ang mood nito ngayon mukhang nagbago ang ihip ng hangin. 

"Children, come on let's eat." wika ni Ate Laurence na nakamasid lamang sa dalawa.

Nagsimula na silang maghapunan at sa pagitan ng pagkain, nalaman nyang siya ay nasa beach house na pag-aari ng pamilya ni JP sa Anilao, Batangas. Excited syang sumapit ang umaga upang makita ang kagandahan ng paligid. Ngunit biglang napalis ang kanyang kasiyahan ng maalala ang kanyang mga magulang. Naisipan nyang itanong kay JP kung kamusta na ang mga ito.

"Did my parents call you up? How are they?" tanong niya kay JP.

"Maayos sila, don't worry. They will call you up soon. " pormal na sagot nito at ipinagpatuloy na nito ang pagkain. Nanininbago sya dito, bakit pakiramdaman nya ang kaharap nya ngayon ay ang JP na nakilala nya sa simula.Tahimik nilang natapos ang hapunan, at agad syang nagpaalam na magpapahinga na. Inihatid sya ni JP sa silid, and Devvine decided to start a conversation with him.

"Gaano naman ako katagal mag-stay dito? Nakakahiya naman sa inyo." wika ni Devvine 

"Your father said a couple of days when everything is clear. I'm going, good night Devvine"

"Wait" pigil niya sa lalaki "what's wrong?" tanong niya dito. Nakatalikod na ito sa kanya ng sumagot ito, 

"Anong what's wrong? You better rest, kung gusto mong mag swimming bukas you're free to do so." 

"Why can't you look at me? Kausap kita diba?" inis na turan ni Devvine.

JP turned and looked at her, Devvine saw something in his eyes that left her speechless. Nilabanan nya ang titig nito at sa mga lumipas na sandali nakatitig lamang sila sa isa't isa. She saw through his eyes the change in JP's emotion, from passion to hatred and Devvine can't help but ask why. JP broke from the trance and turned his back on her. Devvine just let him leave but before he could walk out of the door, he said. 

"Don't push it Devvine, its impossible." he left her there, thinking what he meant. 

CHAPTER 11

"Siraulo ka" wika ni JP sa sarili. Lumabas sya ng bahay at dumiretso sa kanyang garahe. Tinanggal nya ang takip ng isa sa mga bagay na nalimutan na nya ng dahil sa isang tao. A day ago, he experienced again the feeling of riding a motorbike. And now, he has the urge to drive around just to get away from that place, away from her presence. He loved this motorbike, an old model of Ducati, he ride the bike and without much ado, started the engine and drove away from that place. 

Komplikasyon ang dala ni Devvine sa buhay nya, at lalong-lalo na ang sitwasyon. Ayaw man nyang maipit, ngunit wala syang magagawa. Isa pa sa iniisip nya ang tawag na natanggap nya kanina, hindi nya alam kung ano ang pumasok sa isip ng taong yun at ganon ng gustong gawin. Huminto sya sa gilid ng isang kalsada, kahit nasa main road sya tanaw nya ang dagat sa gitna ng gabi. Patuloy syang nag-isip, tinimbang ang mga konsekwensya. Kung pagbibigyan nya ang hiling ng isang tao..

"No,its not even a request, utos iyon." kontra nya sa kanyang sarili.  Masyadong komplikado ang sitwasyon, bumalik sya sa propesyon na matagal na nyang inilibing at kinalimutan. Bakit kasi may utang na loob pa. 

If he will be honest, he's starting to like Devvine, he cares for her. Pero ayaw nyang magmahal, ayaw na nya. Masyadong malalim ang iniwang sugat sa kanyang pagkatao ng nakaraan. Subalit ngayon, ng dahil sa isang "utos" kailangan nyang sumunod sa daloy....

Napabuntong-hininga na lamang sya at tumanaw sa karimlan. 

"But not now, " wika nya sa sarili. He sighed once again and started the bike's engine. Seconds later, he decided to go home. 

******
Second day ni Devvine sa rest house ng mga Palacios, at simula pa kaninang paggising nya hindi pa nya nakikita si JP. Kahapon, buong araw syang iniwasan nito. Nakakulong lamang ito sa kuwarto nito habang sya ay lumipat na sa isang guest room. Maraming tanong ang nasa isip nya, bakit bigla na naman itong naging masungit. Kinakausap naman sya nito ngunit kapag tinanatong lamang nya. Naiinis na sya dito, daig pa nito ang matandang dalaga, sala sa init, sala sa lamig. 

"Ah, ewan ko sayong lalaki ka. Bakit ba kita iniisip pakelam ko sayo!" wika ni Devvine habang nakahiga sa kama. 

"Kung ayaw mong mamansin e di wag!" patuloy na himutok nya. She decided to go out and have a walk in the beach habang hindi pa mataas ang araw. Napakaganda ng lugar, calming ang effect ng hangin at ang asul na karagatan. 

Napadaan sya sa komedor at natanawan nya si JP at Ate Laurence na nag-uusap. "So he's here." sandali nya itong pinagmasdan at nagpatuloy na sa paglalakad, hindi sya ang taong nakikinig sa usapan ng may usapan ngunit napahinto sya sa narinig niyang sinabi ng Ate ni JP.

"Let go bro," wika nito. Mukhang personal ang pinaguusapan ng mga ito at wala syang karapatang makinig. So she continue walking and head straight to the beach front. 

Tinanaw nya ang karagatan at patuloy na naglakad sa buhanginan. The wind is blowing so her hair is a mess but she didn't care.She likes the warm heat of the sun on her skin and the crystal-like water. Nagmumuni-muni sya ng may tumawag sa kanya.

"Devvine darling is that you?" wika ng isang lalaki.

Nilingon ito ni Devvine at nakita ang isang pamilyar na mukha. Agad sumilay ang ngiti nya para dito. 

"Hey Elmo,what a small world. Are you here for a vacation?" tanong ni Devvine sa lalaki.

"Uhuh, for just a week lang. But it will be finished, tomorrow I'm coming back to Manila.How about you?" sandaling pinagmasdan sya nito.

"I'm with some friends,that's their beach house." itinuro nya dito ang bahay ni JP. 

The guy just looked at her with the same admiration on his eyes. Elmo is not bad, he is good looking and very charming. Pero mas bata ito sa kanya ng tatlong taon kaya hindi nya in entertain ang pagpapalipad-hangin nito.

"When are you coming back to Manila? Do you remember what I asked you last time? I'm still hoping you will consider." wika nito na ang tinutukoy ay ang hinihiling nitong date.

Bago pa sya makasagot naramdaman nyang may tao sa kanyang likuran,"I'm sorry to interrupt but your father is on the line right now. Gusto kang makausap."narining nyang wika ni JP mula sa kanyang likuran. Binalingan nya ito at nakita nya kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya. She made one back step before talking she just hope she won't stammer.

"Thank you for letting me know. "pormal na wika nya dito. 

Binalingan nya si Elmo at nagpaalam na dito."I need to go now, Daddy's waiting. See you in school. "

"No problem, pretty, again, hope you consider."sagot nito at kinindatan pa si Devvine. 

Tinawanan lamang ito ni Devvine at sumunod na lumakad kay JP. JP stopped and faced her, "Hanggang dito ay sinusundan ka ng manliligaw mo, you must be very special to him." the sarcasm is evident on his tone. 

"It's just coincedence and.. wait a minute, why am I explaining to you" nakakunot-noong sagot nya dito. Nagsukatan sila ng tingin at tangin buntong-hininga lamang ang isinagot nito. 

"Just go inside, maybe you need to call back your father now so you can go back to Manila and leave us alone." wika nito bago sya tuluyang iniwan.

Nasaktan na naman sya sa sinabi nito. Minsan hindi nya na talaga ito maintindihan. Bakit may mga oras na pakiramdam nya mahalaga sya dito, bakit may mga sandaling pakiramdam nya pinipigilan nitong ilabas ang nararamdaman. Bakit nararamdaman nya na ang pagmamahal nya rito ay may katugon din. Bakit? Iyon lamang ang tanong ni Devvine. 

"There will come a time that you will love me JP, I know, and I believe. "

Tuesday, 28 September 2010

IF ONLY CHAPTERS 8-9


CHAPTER 8

Naiinis si JP, tinawag sya ng staff  dahil lamang sa isang pagkakamali. Palabas na sya ng restaurant ng matanawan nya ang nagyayari sa kabilang panig ng kalsada.  Kahit madilim ang kalsada, napansin pa din nya ang isang pigura na karga ng isang lalaki. His intinct took over and he know that something is wrong. Idagdag pang wala sa Devvine sa labas ng restaurant. He pulled out his gun, a Browning 9 millimeter Hi-Power, and put a silencer on it.  Mabilis syang tumakbo sa kabilang kalsada at hinintay na maisakay muna si Devvine sa kotse bago inasinta ang hita ng isa sa dalawang lalaking kumuha kay Devvine. He is a sharp shooter so he can hit the man on the right spot. Bago nya mapaputok ang baril, nakita nya sa sulok ng kanyang mga mata ang dalawang anino sa dilim. 

JP fired his gun and suddenly the man's lying on the floor holding his wounded leg. The man tried to fire back to the unseen enemy . But again, JP fired another shot that unarmed the man. Minutes later, another body lying on the floor, the other man's leg is bleeding furiously. Isa pang putok na tumama sa baril ng pangalawang lalaki.Hindi galing kay JP ang bala na nagpabagsak sa isa. Alam nya kung kanino iyon galing Ang isa sa mga anino ay mabilis na nilapitan ang dalawang duguang lalaki at agad na pinosasan. 

The other man ran towards him at may inihagis na susi sa kanya. Alam na nya ang gagawin habang nakatanaw sa papalayong sasakyan kung saan lulan ang walang malay na si Devvine. Bago sya tuluyang umalis, binilinan nya muna ang mga lalaki.

"You know what to do,clean this mess. At pakantahin ang dalawang yan." wika ni JP. Tumango ang dalawang lalaki at wala na syang inaksayang sandali.

Mabilis syang lumulan sa isang itim na Harley Davidson. May pinindot syang button at lumabas ang GPS tracking device ng motorsiklo. The other men managed to put a tracking device on the getaway car at iyon ang sinusundan ni JP. His location is not far from the car. Madali nya yung mahahabol kung gugustuhin nya ngunit dahil sa busy street dumaan ang kotse hihintayin muna nyang makalayo ito sa maraming tao. 

Desperado na talaga ang grupo ng mga kidnapper at sa mataong lugar pa dumale ang mga ito. At talagang ang puntirya ay isang Castillanes. Alam nila na malaki ang makukuha nilang salapi kung nagiisang tagapagmana ang kanilang kikidnappin. Napatiim-bagang si JP at sinisi ang sarili. He blamed himself for being careless kahit na alam nyang hindi sila nawawalan ng backup. Mr. Castillanes see to it na hindi lamang isa ang nagbabantay sa unica hija nito. Nakita nyang maayos na ang takbo ng kotseng kanyang sinusundan at pinaandar na nya ng matulin ang motorsiklo. He is used to driving motorbikes, before he owned a pair of this kind. He loved driving motorbikes. Lumiko sya sa nilikuan ng kotse at nakita nyang papunta sa Antipolo ang lugar na tinatahak ng kidnapper. He keep his distance ngunit mukhang nakahalata ang driver, ang tanging sakay ng kotse maliban kay Devvine. Mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan at nanatili sa gilid ng highway.

Nahagip ng paningin nya ang isang makislap na bagay, nahulaan nya dulo iyon ng baril. The man is trying to shoot him while not looking. Putok ng baril ang narinig sa lugar na yun, at isa pa, at isa pa. Iniwasan lamang ni JP ang mga iyon habang patuloy na nagmamaneho ng motorsiklo. He glided with the  motorbike, the wind blowing on his face everytime he turn to avoid the shots. Then he decided to fire a shot not on the man but on the tires, sinipat nya muna ang lugar na hihintuan ng sasakyan kung hindi ba iyon delikado. Hindi nya nalilimutan na sakay niyon si Devvine, kailangan nyang maging maiingat.

Pinatamaan nya ang dalawang likurang gulong ng sasakyan at huminto ito. He knows what will happen next, he somehow anticipated it. Walang tatakbuhan ang lalaki, dead end ang pinasok nitong kalye. Just him and his gun, against the man who have Devvine as a human shield. Wala pa ring malay ang dalaga at napuno ng galit ang kalooban nya. He is afraid not of the man but of the situation. He fear for Devvine. Ngayon lamang sya natakot ng ganito sa kabila ng mga karanasan nya. The man get out of the car dragging the unconcious Devvine in one arm, the other hand with the gun is pointing  on Devvine's head.  JP wanted to finish him off right there and then but he will not jeoperdize the situation. Devvine's life is more important so he carefully plan what he will do. He alighted from the motorbike and carefully hide on a big dump can. Nakikita nya mula sa kanyang lugar ang ginagawa ng lalaki.Palinga-linga ito at itinutok kung saan saan ang baril. He even heard him shout something.. 

"Alam ko may tao dyan, paalisin mo ko o papatayin ko tong babaeng to. Hindi na nga ko magkakapera, mapapahamak pa ko dahil dito."sigaw ng lalaki. 

Napahugot ng hininga si JP, signos iyon na naiinip na sya. He count from one to ten, and at ten he rolled over, aimed for a clear shot and fired on the man's leg, the man fired back but  missed. Nakaluhod na ang lalaki at ganon na din ang ayos ni Devvine, naisip ni JP na masyadong malakas ang ginamit na chloroform dito kaya hindi pa ito nagigising. Hindi pa din nito binibitawan si Devvine at may ilang sandaling nabasa ni JP ang gagawin nito.  At kailangan nyang maunahan ang lalaki bago mahuli ang lahat.

One, two, three, he fired. Before the man can shoot Devvine on the head, his bullet landed on the man's head, right in the middle of his eyes. Tuluyang bumagsak angduguang  lalaki kasama si Devvine. Agad na nilapitan ito ni JP to make sure he is dead. He took the man's gun and carry Devvine as cars approach the scene. 

****

Tatlong sasakyan ang dumating, isa na ang sasakyan ni Devvine. Linapitan ni JP ang sasakyan ng dalaga at maingat itong inilapag doon. He needs to talk to the men. 

"Chief, what happened to the two kidnappers? Kumanta na ba?" tanong ni JP sa isang mataas na opisyal.

"Yes, infact papunta na ang mga tao ngayon sa hideout nila. And this guy, " itinuro nito ang nakahandusay na lalaki "sya ang second man nila. You  have decapitated the gang, at ngayon mahuhuli na sila lahat. Congratulations Palacios. "kinamayan sya nito na tinanggap nya naman.

Sasagot sana sya ng mag ring ang kanyang telepono - ang ama ni Devvine. "Everything is okey, don't worry." pambungad nya dito.

Mataman lang syang nakikinig dito at sinabi nyang maayos ang kalagayan ni Devvine. "What? You really want me to do that? Are you kidding me Mr. Castillanes?" sagot niya sa kanyang ninong. 

"Yes Jaime Rob Palacios, I know you won't say no to me and besides I trust you. " sagot ni Mr. Castillanes sa kabilang linya.

"Okey, ninong, I'll do it but just a couple days only. " wika niya at nagpaalam na rin ito.

Hinarap nyang muli ang mga miyembro ng TASK FORCE KNIGHT at ipinaliwanag ang gustong mangyari ni Mr. Castillanes. Sumang-ayon naman ang mga ito upang hindi mabulabog ang kanilang operasyon. Minutes later, some men are talking to the telephone making some arrangements. A van arrived and took away the body of the kidnapper as the team survey and mark the scene. Nakita ni JP ang dalawang lalaki kanina at nilapitan nya ang mga ito.

"Madrigal, Castillo" bati nya sa dalawang lalaki na tinugon naman ng mga ito.

"Malinis na ba ang naiwan doon,kamusta na ang mga tao?" tanong niya.

"Oo, na-neutralize na ang lugar. At nakausap na din ang mga nakasaksi. " sagot ni Madrigal.

"Sir, hindi nyo na ba kailangan dalhin sa ospital si Ms. Castillanes?" tanong naman ni Castillo.

"Hindi na, bilin ni Mr. Castillanes na dalhin ko ang anak niya sa ibang lugar. Aalis na ako at tawagan nyo nalang ako sa ano mang development." wika niya ngunit ng may biglang maalala.

"Castillo, send me the report tomorrow. I want some information about that guy. Thank you"  pahabol ni JP sa dalawa at tinungo ang iba pang kasamahan upang magpaalam.

Sumakay na sya sa kotse ni Devvine at sinulyapan ang dalaga. Narumihan ang mukha nito at may galos ang makinis na braso nito. Napansin din nya ang pasa sa may pisngi nito, nakaramdam sya ng galit sa lalaking iyon. Mabuti na lamang at naunahan nya ito, kung hindi isusumpa nya ang kanyang sarili kung may nangyaring masama kay Devvine.

Maingat na hinaplos nya ang mukha nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa magandang mukha nito. "Kahit na marungis, litaw pa din ang ganda ng prinsesa." sa isip-isip ni JP. Agad nyang pinalis ang isiping iyon, at naging abala na sa pagmamaneho. Ayon sa ama nito, dalhin daw nya si Devvine sa kanyang bahay, of all places bakit sa bahay pa niya. Napailing na lamang siya dahil sa napag-usapan nila ng kanyang Ninong.


CHAPTER 9

She is tired, she's been running for a longer time now. And suddenly she bumped into someone. Nakatakip ang mukha ng lalaki at agad nitong tinakpan ang kanyang bibig. Devvine is so scared that she wanted to scream for help...and suddenly another man came and held out a gun.. she is crying. She managed to remove the hand on her mouth and shouted "No" as the man shoot her...

"Noooo!!!" sigaw ni Devvine at bigla syang napabangon. Hinihingal sya, nanginginig. Nakaramdam sya ng kaba ng may humawak sa braso nya.

"No please.. " sigaw ulit nya.

"Devvine please calm down," wika ng isang tinig.

Napadilat si Devvine at sa nanlalabong mga mata dahil sa luha, inaninag nya ang taong tumawag sa kanya. She saw a lovely woman with a worried look on her face. Tinabihan sya nito sa kama at niyakap sya.

"Shh, hush now darling, everything's alright. You are safe here." wika nito.

Naguguluhan si Devvine, wala naman sigurong kidnapper na magandang babae at mukhang may breeding. Inilibot nya ang kanyang paningin at napansin nya ang dominant gray sa paligid. Dark blue ang hinihigaan nyang kama at blue din ang mga unan. Nasisiguro nyang lalaki ang may ari ng silid na iyon. Kumalas sya sa pagkakayakap ng babae at tinanong ito.

"Who are you? Where am I?" sunod sunod na tanong ni Devvine, ngunit bago pa sya masagot ng babae humahangos na pumasok si JP sa silid at agad syang nilapitan.

"What happened?" tanong nito sa kanya at agad syang niyakap. Nakaramdam ng kaligtasan si Devvine sa bisig ni JP. Hindi pa man nya alam ang totoong kwento, nasisiguro nya, ito ang kanyang tagapagligtas.

Sandaling ninamnam nya muna ang yakap nito at bahagya itong itinulak. She needs to know everything dahil ang tanging natatandaan nya lang ay may lumapit sa kanya at tinakpan ang kanyang ilong. Pagkatapos nun ay wala na.

"Ano ang nangyari JP?" tanong niya at napansin nyang may mga galos sya sa kamay at braso."Where did I get these?"

"Hinay hinay lang ang tanong. Wait, are you feeling okey now? I mean, wala bang masakit sayo?" worried na tanong ni JP.

"I'm perfectly fine, except for these nasty cuts and I bet I have bruises too." nakangiti ng wika nya.  "Please tell me what happened." 

"I'll leave the two of you muna, magluluto na ko ng ating hapunan. Take care Devvine." paalam ng babae.

"Teka lang po ate," pigil ni Devvine dito. "I'm Devvine, and you are?" tanong niya dito.

"Tignan mo tong lalaking to, hoy Jaime Rob si Devvine pa ang nagtatanong imbes na ipakilala mo ako sa kanya." nakataas ang kilay na baling ng babae kay JP.

"Paumanhin naman mga kamahalaan, Devvine meet my sister, my Ate Laurence, ate you already know Devvine." pakilala ni JP sa dalawa.

"Ah, you are his ate. Hello Ate Laurence. Pwede din ba kitang tawaging ate? Sige na please, wala akong ate eh." pangungulit ni Devvine kay Laurence

"Of course, kakaiba kang bata ka. Sa lahat ng nakidnap parang ikaw ang mabilis nakalimot. Sige na at magluluto na ko. See you later guys." paalam nito at tuluyan ng lumabas sa silid.

"Ang ganda ng ate mo bakit hindi ka nagmana sa kanya?" biro ni Devvine kay JP.

Tumawa ito ng mahina at sandali syang tinitigan bago nagsalita "Mukhang maayos na ang lagay mo nakakapagsalita ka na ng ganyan."

"Maayos naman talaga, now tell me everything. Pero pwede ba ko makahingi ng broadsheet or any tabloids?"

"Wala ka din namang mababasa dun tungkol sa nangyari." at sinimulan nyang isalaysay dito ang mga dapat lang nitong malaman. Matamang nakinig si Devvine at kanina pa sya may gustong itanong dito,

"Your father wanted to hide what happened in the press people. Sumang ayon kami para hindi mabulilyaso ang operasyon. Kaya malawakang news black out ang nangyari sa kaso mo to protect you and your family. Ang tanging mababasa mo lang sa mga balita ay ang pagkahuli ng mga grupo ng kidnap for ranson gang na yun." pagtatapos nito.

"Nag-alala ka ba sa akin?" diretsang tanong ni Devvine ng matapos magkwento si JP.

"Of course, I am your bodyguard, my job is to protect you. Kaya natural lang na mag-alala ako, baka mawalan pa ako ng trabaho kapag may nangyari sayo." tatawa-tawang wika ni JP at nakita nito ang pagbabago ng mukha ni Devvine.

"Ah, so I am just a "job"hindi nya maiwasang hindi masaktan sa sinabi nito. Pero wala naman syang karapatang masaktan, bakit ano ba ang meron sila? Hindi nga ba at nagsisimula pa lang ang kanilang pagiging magkaibigan?

Nagulat sya ng pinisil nito ang kanyang ilong "Hey, cheer up ang bilis magbago ng mood mo. Binibiro lang kita," wika ni JP.

Nang hindi umimik ang dalaga ay nagpatuloy ito. "I was never afraid before, sugod lang ako ng sugod pero ng ikaw ang nasa kalagayan na yun, hindi mo lang alam ang pag-aalalang naramdaman ko. You see, I also care for you because you are my friend diba, hindi lang isang trabaho" wika ni JP.

Sa isipan ni Devvine, "anak ng tokwa't kalabasa, okey na sana eh, biglang "friend", buhay nga naman. " Pero okey na yun sa kanya at least, nawala na ang pader na nakaharang sa pagitan nila. Naisipan nya ulit itong tanungin.

"Yung lalaking, ano, I mean the man, is he, did you.." paputol putol na tanong ni Devvine.

"Yes, I did. He was about to..." napahinto si JP dahil ayaw nya ng maalala ang eksenang muntik ng barilin ng kidnaper si Devvine sa ulo.

"About to what?" 

"Nothing, ang importante ligtas ka na at maayos na ang lagay mo. Aalis na ko so you can still rest" tumayo na ito at akmang bubuksan na ang pinto ng may pahabol si Devvine.

"This is your room right?" tanong niya kay JP na tanging tango lamang ang naisagot.

"Thank you so much, really thank you."wika niya at nginitian ito, 

"You're welcome, tatawagin ka nalang ulit ni Ate kapag kakain na."sagot ni JP at nilisan na nito ang silid.

Muling siyang humiga at niyakap ang isang asul na unan. Ewan nya kung ano ang dahilan kung bakit nasa bahay sya ni JP at wala sa kanilang mansion, pero kahit ano pa man nagpapasalamat sya dahil ligtas sya. Nakaramdam sya ng antok at bago agawin ng antok ang diwa nya, nag-usal sya ng panalangin ng pasasalama sa Maykapal.

IF ONLY 6-7

CHAPTER 6

"Best friend, who's that guy? Your new boylet?" tanong ni Betzie kay Devvine sabay baling sa direksyon ni JP.

"No bff, he's the one I'm telling you about, my bodyguard." sagot niya.

"Oh my, he's really "your" bodyguard? My goodness, bff, look at him. he is so.. " hindi naituloy ni Betzie ang sasabihin dahil tumikhin ang fiance nitong si Brenton. 

"Honey, what's with the ehem thingy?" natatawang tanong ni Betzie sa nobyo. "Nothing, it's just that." pinutol ni Betzie ang sasabihin nito.

"Don't be jealous honey, I'm just complementing my friend's bodyguard " wika ni Betzie at bumulong sa nobyo "for Devvine" at nagtawanan ang dalawa.

"Hey, you guys are talking as if I'm not here? Duh?, andito kaya aketch" natatawang sagot nya. Naputol ang kanilang tawanan ng may marinig silang mga tinig. Nakita nilang papalapit na ang mga bata sa kanila.  She smiled automatically. Mahal nya ang mga batang ito, at masaya sya kapag nakikitang natutuwa ang mga ito.

"Ate Dev, kamusta po kayo." bati ni Fatima,ang siyam na taong bata na unang nakausap ni Devvine. Lumuhod sya upang makapantay dito at agad sya nitong niyakap.

"Okey lang ako angel, ikaw? Kamusta naman ang iyong likod? Hindi na ba sumasakit?" tanong niya sa bata, 

"Mabuti naman po , salamat po sa mga gamot. " at hinalikan sya nito sa kanyang pisngi.

"Ate Dev, Ate Bet, sino po sya?" tanong naman ni Enchong ang walong taong gulang na batang lalaki na ang tinutukoy ay si Brenton.

"Siya ang aking mapapangasawa mga bata, siya si Kuya Brenton at nasa kanya ang mga gifts para sa inyong lahat. " pakilala ni Betzie sa nobyo at ng marining ng mga bata ang salitang regalo agad na naglapitan kay Brenton ang mga ito. 

Masayang tinanggap ng bawat isa ang kani-kanilang mga regalo at makikita sa mukha ng mga bata ang walang pagsidlan na kagalakan. Devvine felt the same way too. Everytime she go to that place, she feels calm and contented. In the presence of these little angels,  she felt she is not alone.

"Mga bata tara na sa hapag kainan,"wika ni Ms. Yena, ang administrator ng bahay ampunan. "Ms. Castillanes, Ms. Barcelona and Mr. Jackman. maraming salamat sa inyo." 

"Ate Yena naman, anong Ms. ka dyan." biro ni Devvine sa babae.

"Teka yung kasama mo Devvine ipapatawag ko na din. " inporma nito sa kanya.

"Oo Ate, JP po ang name nya." at sama-sama na silang nagtungo na dining area ng facility. Hawak ni Fatima ang kanyang kamay habang si Enchong at ibang bata ay nauuna ng naglakad.

Masaya silang nagsalo-salo sa tanghalian. JP is sitting opposite her, habang magkatabi ang magnobyo. Napuno ng tawanan ang buong silid dahil sa pagkukulitan ng mga bata. Napatingin sya sa gawi ni JP at nagulat sya, he is staring at her intently na parang may gusto itong mabasa sa kanyang mukha. She was lost in his eyes again, his brown eyes. The trance was broken because one kid poked JP's cheek. Nilingon nito ang bata at ginulo ang buhok niyon. Nakita nyang ngumiti si JP and her heart skip a beat. Totoong ngiti  na abot hanggang sa mga mata nito. Bigla itong lumingon sa kanya at nginitian sya. She was motionless for a while dahil hindi nya iyon inaasahan. Tanging tango lamang ang naisagot nya dito, dahil lunod pa sya sa ngiti nito.Parang once in a blue moon lamang gawin iyon ng lalaki kaya naman sinulit na nya. 

Matiwasay na natapos ang kanilang tanghalian at nagtungo na sila sa recreation hall ng facility. The children prepared a program for them tulad ng nakagawian ng mga ito bilang pasasalamat sa kanila. 

***

Nakamasid lamang si JP sa paligid, nanood sa mga nangyayari at aaminin nya, nakikilala nya ang totoong Devvine Castilannes sa paglipas ng mga oras. Walang kiyeme ang dalaga, hindi pihikan. Iba sa personalidad na ipinapakita nito kapag ang mga taga alta-sosyedad na ang mga kasama. Magaan itong makitungo sa mga bata,naisip nya magiging isang mabuting ina ito.

"Woah, wait a sec man, ano ba ang iniisip mo?" kastigo nya sa kanyang sarili.

Pinapanood nya si Devvine at ang mga bata habang inaawitan ng mga ito ang dalawang dalaga. Naramdaman nyang may tumabi sa kanya, si Brenton ang fiance ng kaibigan ni Devvine na si Betzie. Ipinakilala sa kanya kanina ng dalaga ang magkasintahan at masasabi nyang mababait ang mga ito. Alam nya yun, dahil he's a good judge of a character.

"They really are wonderful brod, the two of them."panimula ni Brenton. Hindi muna sya umimik at hinintay lang itong magsalita

"You know what, it's Dev's idea to go here every month. She's the only one at first and then she encouraged Betzie to go with her. I don't know why she doesn't want her parents to know about this. " nakangiting wika ng lalaki

"How long she'd been doing this brod?" tanong ni JP.

"Almost a year now. She may look like she doesn't give a damn but.." hindi na tinapos ni Brenton ang sinasabi dahil nakita nyang may ibang iniisip ang lalaki.

JP couldn't understand what Brenton is saying because of one reason. He was mesmerized when he saw Devvine strum a guitar. Lalo pa ng marinig nya itong umawit para sa mga bata. She is really good in what she's doing. She have a lovely voice and that gave him goosebumps all over. Hindi nya alam ang bagay na iyon, magaling umawit ang dalaga. Nakatitig lamang sya dito, at mukhang naramdaman nito ang kanyang ginagawa kaya naman napatingin din ito sa kanya. Sandali lang itong natigilan at nginitian sya at nagpatuloy na ulit ito sa pag-awit. Napakasimple ng kanta, napakasimple ng mga nota, "Hawak Kamay", ngunit habang inaawit iyon ng dalaga tumatak sa kanyang isipan ang maganda nitong tinig. 

"She's really an angel diba brod? The man she will love is one lucky guy." pukaw ni Brenton sa kanya.

"Maybe, I don't know." yun  lang ang tanging naisagot nya dito.

"I'm thankful that we have a friend like her. She is one of a kind. I'll leave you now brod, it's nice meeting you." at kinamayan sya ulit nito. Malugod naman nya iyong tinanggap kahit hindi nya alam kung para saan ang sinabi ng lalaki.

Lumabas sya sa silid at sumadal sa harapang pintuan, ipikit nya ang kanyang mga mata at ang mukha ni Devvine ang nakita nya. Napangiti sya, mukhang unti-unti na nyang nagugustuhan ang dalaga.Subalit kung ano man ang kanyang naramdaman ay bigla ding naputol dahil sa paglitaw ng isang alaala. Alaalang kahit kailan ay mahirap malimutan. 

"Letseng pagmamahal. " nasambit niya habang tinutungo ang sasakyan. Doon na lamang sya maghihintay hanggang matapos na ang araw na yon. 

****

Ngayon na ang tamang panahon upang magawa nya ang plano nya, matyaga siyang naghihintay sa pagkakataon. Sampu ng mga kasamahan nya alam nya, magtatagumpay sila. Kailangan na nya ng pera, masyado ng nagdedemand ang babaing yun. At dahil gustong-gusto nyo ang babae, gagawin nya ang lahat mapunta lamang sa kanya ang katawan nito. Ipinangako nya sa babae na yun na ibibigay nya ang lahat na nais nito. Kaya naman, si Devvine Castillanes ang sagot sa lahat ng kanyang problema. Nakahanda na sila. Balewala ang pipitsuging bodyguard nito na mukha namang lampa.

"Malapit na, naamoy ko na ang pera, maghanda na kayo.Sabihin sa ating espiya na itawag agad kung saan sila tutungo. Pera mga kasama, pera.." 


CHAPTER 7

Patapos na ang araw at nagpaalam na sila sa mga bata. Nauna ng umalis ang magkasintahan habang siya ay tumulong pa sa pag-aasikaso sa mga bata. Masaya si Devvine, another day worth remembering for her. Everytime she's in this place, ang Little Angels Foundation, she feels that she is a responsible person. Nakaka-refresh ang mga bata at dalangin nya na kung saang pamilya man mapupunta ang mga ito ay maging maayos ang kalagayan nila.

Hinanap nya si JP sa loob ng facility ngunit wala ito doon. Ipinasya nyang tawagan ito ng makita nyang mayroon itong mensahe. Sa sasakyan na lamang daw ito maghihintay. Kaya naman pagkatapos magpaalam sa mga bata at kay Ms. Yena nagtungo na sya sa kanyang sasakyan.

Nakita nyang nakasandal si JP sa kotse at ng makita sya agad syang nilapitan upang tulungan sa kanyang mga dala. 

"Bakit hindi mo ko tinawag para tulungan ka?" tanong nito.

"It's ok,kaya ko naman hindi yan mabigat." sagot ni Devvine na nakangiti. Naiilang sya, dahil si JP nakatitig sa kanya.

"Hindi ko akalain na magaling kang kumanta." wika ni JP.

Hindi agad sya nakaimik,kung papuri ba yun o insulto sa kanya.

"Don't worry, it's a compliment. You really can sing, I mean it." 

"Thank you. " matipid na sagot ni Devvine.

"Come on, gumagabi na baka nag-aalala na ang mga magulang mo." aya ni JP at pinagbuksan sya ng pintuan. 

"You know what, you should smile more often. Bumabata kang tignan." wika ni Devvine ng nasa sasakyan na sila.

JP looked at her and smile again, "Bumabata? So that means I'm too old for your eyes? Ganon ba yun?" nakangiting wika ni JP.

"Oh my, is this real? I mean, you really are cracking joke to me?" exagerrated na wika ni Devvine.

Natawa si JP, napuno ang maliit na sasakyang iyon ng halakhak nito. Sa mga sandaling iyon, parang batang nakatitig lamang si Devvine.

"Oh I'm sorry about that. Nakakatawa kasi ang reaction mo. Parang hindi ka makapaniwala talaga. I'm sorry I was a bit rude.."

"A bit rude? No sir, you were very rude." tapos ni Devvine sa sinasabi ni JP.

"I'm sorry about that kamahalan. Maari mo ba akong mapatawad? " nakangiting wika ni JP.

"What's happening? Nauntog ka ba?" 

"Friends?" wika ni JP at inilahad ang kamay kay Devvine.

"Ok, friends." iniabot nya ang kamay ni JP and the moment their hands clasped, she felt a strong voltage run through her body. So strong that she immediately let go of his hand. She doesn't know if JP felt the same too, pero hindi nito nito binitawan ang kanyang kamay. Naramdaman na lamang nya ang banayad na pagpisil nito sa kanyang palad. Her heart melted, her senses all alive. Because of his mere touch, she can now say that she is inlove with JP. 

"At dahil sa ating bagong pagkakaibigan kamahalan, iniimbitahan kitang magdinner." pag-anyaya ni JP sa dalaga.

Dahil lunod pa sya sa naganap, hindi sya nakasagot. JP snap his finger at nagulat si Devvine.

"Sure, why not. We are friends now diba. " sagot niya.

"Okey, basta ako ang bahala sa place ha. " JP said.

****

Dinala sya ni JP sa isang kainan na malapit sa highway, hindi ganon ka sosyal ang lugar ngunit malinis doon. "Sandy's Garden" ang pangalan ng restaurant. Maraming naggagandahang bulaklak sa paligid na ikinatuwa ni Devvine. 

"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ni JP sa dalaga.

"Ahm,since I'm new in this place would you mind ordering for me? I mean, you know their specialties diba?" sagot ng dalaga.

"Ok, no problem." wika ni JP at sinabi sa waiter ang kanilang order.

Habang hinihintay ang kanilang order, nagkwentuhan muna ang dalawa. O mas tamang sabihin, kinuwentuhan muna ni Devvine si JP. Tahimik talaga ang lalaki, tumatawa ito sa mga jokes nya, sumasagot sa mga tanong nya ngunit hindi ito kusang nagkwekwento. 

"In time Devvine, malalaman mo din ang sagot sa mga tanong mo" wika niya sa kanyang sarili.

Matiwasay silang kumain at may mga pagkakataong nagkwekwentuhan pa din. Ngunit napansin nya, wala na ang ilangan sa pagitan nilang dalawa. Napansin nyang nakatingin na naman ito sa kanya. Sa araw na iyon, ilang beses na nya itong nahuhuling nakatingin sa kanya.

"Is there something on my face?" tanong ni Devvine kay JP.

"None, ngayon ko lang napansin. You don't wear make up. You don't have make up everytime you go out."sagot ni JP

"So? Aba, mahalig ka ba sa make up?" nagbibirong sagot ni Devvine.

"No, I mean, you are pretty, even without make up. Natural. and " inihinto na ni JP ang sinasabi dahil napansin nyang namumula ang pisngi ng dalaga. Natawa syang bigla.

"Hey, kamahalan, bakit namumula ka dyan."

"Ang bad mo, maniniwala na sana ko sayo bigla kang tumawa. "wika ni Devvine at wala sa loob na nahampas ang balikat ni JP. Ngunit sya ang nasaktan, parang bakal ang balikat nito. 

"Aray, ano bang klaseng katawan meron ka. Your shoulder broke my hand." angal niya.

"It's not my fault, kasalanan mo yan. Let me see." kinuha nito ang kanyang kamay at tinignan ang bahaging nasaktan. Nagsimula itong hilutin ang nasaktan nyang kamay ng bigla nya iyong bawiin. Hindi keri ng powers nya, naloloka sya. 

"It's okey ano ba. Ang tigas naman kasi ng balikat mo parang adobe." at sinundan nya pa ng tawa upang itago ang pagkailang. 

JP just smiled at her and called the waiter to ask for their bill. "Tara na you need to rest. Alam kong pagod ka today."

Palabas na sila ng restaurant ng tinawag ito ng isang staff. May pinapasabi lang daw ang boss nito.Naiwan si Devvine na malapit na sa pintuan. She decided to go out of the restaurant and wait for JP in the car. 

Malapit na sya sa pinagparadahan ng kanyang sasakyan ng may biglang tumakip sa ilong at bibig nya. She smelled something that made her feel dizzy. At pagkatapos nun, kadiliman ang bumalot sa pagkatao nya.