Ang Sapatos
Isang karaniwang araw sa isang kilalang unibersidad sa Maynila, naglalakad ang isang estudyante at ang kanyang propesor na kilala bilang mabait at maunawain sa kanyang mga estudyante. Ang propesor ay istrikto sa klase ngunit pasensyoso at matulungin sa mga estudyanteng kanyang tinuturuan. Habang naglalakad ang dalawa, napansin nilang may isang pares ng lumang sapatos sa kanilang daraanan. Sa hindi kalayuan naroon ang tagapaglinis ng unibersidad. Iniwan nito ang sapatos sa lugar na yun at naging abala sa pagbubungkal ng lupa para sa mga karagdagang halaman na ilalagay sa unibersidad. Hindi sila napansin nito at patuloy lamang ito sa ginagawa. Nang may naisip na kapilyuhan ang estudyante.
"Sir, naisip kong biruin si Manong. Itatago ko ang sapatos nya. Tapos magkubli tayo at hintayin natin na bumalik si Manong at hanapin ang kanyang sapatos. Siguradong mahihilo yun sa kakahanap. "natatawang wika ng estudyante.
Sa halip na ngumiti, seryosong ang propesor ng sagutin nito ang estudyante.
"Hindi natin dapat pinasasaya ang ating mga sarili kapalit ng paghihirap ng ating kapwa. Ikaw, lumaki ka sa yaman. Hindi mo dapat ginagamit ang estado mo sa buhay upang kutyain ang mga taong mahirap. Bakit hindi nalang iba ang gawin natin?"
"Lagyan mo ng pera ang bawat sapatos na iyan at magtayo tayo. Hintayin natin ang kanyang reaksyon kapag nalaman niya na may laman ang kanyang lumang sapatos."
Natigilan ang estudyante at nag-isip. Noong una ay ayaw sana nito ngunit sinunod din ang kanyang propesor. Hinugot niya ang kanyang wallet at walang anumang nilagyan ng tig-isandaang piso ang bawat sapatos.
Nagkubli ang dalawa sa isang makapal na halamanan na malapit sa kinaroroonan ng sapatos. Ilang sandali pa ay bumalik na ang tagapaglinis. Pagkatapos nitong ligpitin ang mga ginamit, isinuot nito ang kanang sapatos ng may maramdamang siyang tila matigas na bagay na nakasuksok sa loob. Tinanggal nyang muli ang ito at tinignan.
Laking gulat ng janitor ng makitang isandaang piso ang naroon. Binaligtad niya ang papel at sinuring mabuti kung totoong pera nga ang kanyang hawak. Inilagay nya ang pera sa kanyang bulsa at sinimulang isuot ang natitirang sapatos, ngunit sa kanyang katuwaan nalaman nyang may isandaang piso din dun.
Tumayo ang janitor at lumingon-lingon upang tingnankung meron bang tao sa malapit. Kinuha nito sa bulsa ang unang isandaang piso at hinawakan ang ngayo'y dalawang daang piso na. Napuno ng emosyon ang damdamin nito at di mapigilang mapaluha. Lumuhod ito at nanalangin.
"Panginoon, sadyang napakabuti po Ninyo. Nasa inyo lahat ng papuri. Maraming salamat po sa biyayang inyong ibinigay. Hindi ko na po alam ang aking gagawin. Hindi ko alam kung san ko kukunina ng perang ipambibili ng gamot ng aking bunsong may sakit. Kayo na po ang bahala sa taong nagbigay ng biyaya sa akin. Pagpalain Nyo po siya. Amen."
Sa hindi kalayuan, pinigilan man ng estudyante ngunit naiyak pa rin ito. Napuno din ng kagalakan ang kanyang puso . Madali niyang pinahid ang luha sa kanyang mga mata upang hindi mapansin ng propesor.
"Hindi ba mas masarap ang pakiramdam mo ngayong nakatulong ka kaysa kung pinaglaruan mo ang kanyang sitwasyon?"
Hindi man nakasagot ang estudyante ngunit alam niyang ang aral na natutunan niya ngayon ay higit na mahalaga, magagamit niya iyon bilang panuntunan sa buhay.

No comments:
Post a Comment