CHAPTER 10
Nagising si Devvine sa mahinang tapik sa kanyang braso, nagmulat sya ng mata at nabungaran nya si JP na nakatunghay sa kanya. Disoriented, she tried to focus on the face of the man who's staring at her. Napabalikwas ng bangon si Devvine at napatingin sa orasan na nasa bedside table.
"Hey, sleepy head wake up. Kanina pa kita gustong gisingin kaso ang sarap ng tulog mo."nakangiting wika ni JP sa kanya. Ang ganda ng gising nya, napapadalas ang pagngiti nito. Hindi na nito iyon ipinagdadamot sa kanya.
"What, you actually watched me sleep??" hindi makapaniwalang tanong ni Devvine.
Tumawa ito bago sumagot, "Nah, just kidding, kadarating ko lang and Ate asked me to fetch you. May biglang conference call daw sya. It's 8:00 p.m kaya mag dinner na tayo."
Hindi na umimik si Devvine at tanging tango lamang ang naisagot nya. Naalala nya, kagigising nya lang, bakit sya nakikipag-usap dito? Baka may muta pa sya at hindi fresh ang kanyang breath,pasimple nyang sinipat ang kanyang sarili at nakahinga sya ng maluwag dahil disenteng damit naman ang suot nya hindi nga lang nya alam kung kanino, baka sa Ate nito.
"You look funny, what's the matter?" tanong ni JP sa kanya.
Umiling lamang sya at nagsenyas na umalis muna ito. Muli itong tumawa at nagwika "if you like to freshen up, the toilet is there."sabay turo sa isang pintuan. "Pero, dahil nasa kwarto ko pa ikaw, puro male products ang andun. But anyway, may spare toothbrush doon" and he giggled.
Sinimangutan nya ito kahit na alam nyang biro lamang ang tinuran nito. Agad syang bumangon at ng malapit na sya sa pintuan ng bathroom ay narining nyang may sinabi ang lalaki.
"Hindi na kita hihintayin ha, pagbaba mo, you can easily see kung nasan ang dining room." wika nito at tuluyan ng lumabas sa silid.
"Nakakahiya ka talaga Devvine, diba it's your number one rule kapag bagong gising to freshen up first before talking with someone. Hygine first, grrr." kausap nya sa sarili.
"Eh malay ko bang sya ang gigising sakin, kiber na lang noh. What's important is I still look pretty even if I just came from bed." patuloy na pagmo-monologue nya habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Natatawa sya sa kanyang sarili, para na syang baliw, subalit nahinto ang kanyang kasiyahan ng mapansin ang nangingitim na bahagi ng kanyang panga.
Agad nyang binura sa isipan ang mga naganap dahil ayaw nyang matakot, ipinagpatuloy na lamang nya ang ginagawa upang makababa na.Nakakahiyang paghintayin ang magkapatid, dahil bisita lamang sya sa tahanan ng mga ito.
****
Devvine get out of the room and was taken aback because of what she saw. Facing the room door is a window,where she saw a bright moon reflected on the water shore. Nilapitan nya ang bintana at napagalaman nyang isang beach house ang kinaroroonan nya. Kung saan ang eksaktong lugar, iyon ang kanyang itatanong dito. Pinagmasadan muna nya ang karagatan sa gitna ng gabi, full moon ng gabing iyon at napakaraming bituin sa langit. She love the beach, she love swimming. Natatakam sya tuloy lumusong sa dagat at magtampisaw. Maganda na ang lugar sa dilim, paano pa kaya bukas ng umaga,naisip ni Devvine.
"Hey there pretty, anong tinitignan mo dyan? Let's go and have dinner." wika ng isang malamyos na tinig - si Laurence.
"Ate,what is this place, I mean, where?"tanong niya dito.
"We can talk through dinner, come on.." aya nito sa kanya at magkasunod na silang bumaba ng hagdan. Tama si JP, madaling makita ng dining area dahil nasa bungad lamang iyon.
Natanawan nya si JP na nasa komedor na at agad itong tumayo ng makita sila. Nakasimangot ito, kaya naisip nyang masyado nya itong pinaghintay.
"Sorry, I keep you waiting." hinging paumahin nya.
"It's okey" seryosong sagot nito.
"Sorry na, wag ka ng sumimangot dyan at nagiging matanda ka."biro nya dito.
"Walang ano man ito kamahalan, ako ay ngingiti na, eto oh. "matipid syang nginitian nito at ipinaghila sya ng upuan. Nakatingin lamang siya dito at naninibago. Kanina maganda ang mood nito ngayon mukhang nagbago ang ihip ng hangin.
"Children, come on let's eat." wika ni Ate Laurence na nakamasid lamang sa dalawa.
Nagsimula na silang maghapunan at sa pagitan ng pagkain, nalaman nyang siya ay nasa beach house na pag-aari ng pamilya ni JP sa Anilao, Batangas. Excited syang sumapit ang umaga upang makita ang kagandahan ng paligid. Ngunit biglang napalis ang kanyang kasiyahan ng maalala ang kanyang mga magulang. Naisipan nyang itanong kay JP kung kamusta na ang mga ito.
"Did my parents call you up? How are they?" tanong niya kay JP.
"Maayos sila, don't worry. They will call you up soon. " pormal na sagot nito at ipinagpatuloy na nito ang pagkain. Nanininbago sya dito, bakit pakiramdaman nya ang kaharap nya ngayon ay ang JP na nakilala nya sa simula.Tahimik nilang natapos ang hapunan, at agad syang nagpaalam na magpapahinga na. Inihatid sya ni JP sa silid, and Devvine decided to start a conversation with him.
"Gaano naman ako katagal mag-stay dito? Nakakahiya naman sa inyo." wika ni Devvine
"Your father said a couple of days when everything is clear. I'm going, good night Devvine"
"Wait" pigil niya sa lalaki "what's wrong?" tanong niya dito. Nakatalikod na ito sa kanya ng sumagot ito,
"Anong what's wrong? You better rest, kung gusto mong mag swimming bukas you're free to do so."
"Why can't you look at me? Kausap kita diba?" inis na turan ni Devvine.
JP turned and looked at her, Devvine saw something in his eyes that left her speechless. Nilabanan nya ang titig nito at sa mga lumipas na sandali nakatitig lamang sila sa isa't isa. She saw through his eyes the change in JP's emotion, from passion to hatred and Devvine can't help but ask why. JP broke from the trance and turned his back on her. Devvine just let him leave but before he could walk out of the door, he said.
"Don't push it Devvine, its impossible." he left her there, thinking what he meant.
CHAPTER 11
"Siraulo ka" wika ni JP sa sarili. Lumabas sya ng bahay at dumiretso sa kanyang garahe. Tinanggal nya ang takip ng isa sa mga bagay na nalimutan na nya ng dahil sa isang tao. A day ago, he experienced again the feeling of riding a motorbike. And now, he has the urge to drive around just to get away from that place, away from her presence. He loved this motorbike, an old model of Ducati, he ride the bike and without much ado, started the engine and drove away from that place.
Komplikasyon ang dala ni Devvine sa buhay nya, at lalong-lalo na ang sitwasyon. Ayaw man nyang maipit, ngunit wala syang magagawa. Isa pa sa iniisip nya ang tawag na natanggap nya kanina, hindi nya alam kung ano ang pumasok sa isip ng taong yun at ganon ng gustong gawin. Huminto sya sa gilid ng isang kalsada, kahit nasa main road sya tanaw nya ang dagat sa gitna ng gabi. Patuloy syang nag-isip, tinimbang ang mga konsekwensya. Kung pagbibigyan nya ang hiling ng isang tao..
"No,its not even a request, utos iyon." kontra nya sa kanyang sarili. Masyadong komplikado ang sitwasyon, bumalik sya sa propesyon na matagal na nyang inilibing at kinalimutan. Bakit kasi may utang na loob pa.
If he will be honest, he's starting to like Devvine, he cares for her. Pero ayaw nyang magmahal, ayaw na nya. Masyadong malalim ang iniwang sugat sa kanyang pagkatao ng nakaraan. Subalit ngayon, ng dahil sa isang "utos" kailangan nyang sumunod sa daloy....
Napabuntong-hininga na lamang sya at tumanaw sa karimlan.
"But not now, " wika nya sa sarili. He sighed once again and started the bike's engine. Seconds later, he decided to go home.
******
Second day ni Devvine sa rest house ng mga Palacios, at simula pa kaninang paggising nya hindi pa nya nakikita si JP. Kahapon, buong araw syang iniwasan nito. Nakakulong lamang ito sa kuwarto nito habang sya ay lumipat na sa isang guest room. Maraming tanong ang nasa isip nya, bakit bigla na naman itong naging masungit. Kinakausap naman sya nito ngunit kapag tinanatong lamang nya. Naiinis na sya dito, daig pa nito ang matandang dalaga, sala sa init, sala sa lamig.
"Ah, ewan ko sayong lalaki ka. Bakit ba kita iniisip pakelam ko sayo!" wika ni Devvine habang nakahiga sa kama.
"Kung ayaw mong mamansin e di wag!" patuloy na himutok nya. She decided to go out and have a walk in the beach habang hindi pa mataas ang araw. Napakaganda ng lugar, calming ang effect ng hangin at ang asul na karagatan.
Napadaan sya sa komedor at natanawan nya si JP at Ate Laurence na nag-uusap. "So he's here." sandali nya itong pinagmasdan at nagpatuloy na sa paglalakad, hindi sya ang taong nakikinig sa usapan ng may usapan ngunit napahinto sya sa narinig niyang sinabi ng Ate ni JP.
"Let go bro," wika nito. Mukhang personal ang pinaguusapan ng mga ito at wala syang karapatang makinig. So she continue walking and head straight to the beach front.
Tinanaw nya ang karagatan at patuloy na naglakad sa buhanginan. The wind is blowing so her hair is a mess but she didn't care.She likes the warm heat of the sun on her skin and the crystal-like water. Nagmumuni-muni sya ng may tumawag sa kanya.
"Devvine darling is that you?" wika ng isang lalaki.
Nilingon ito ni Devvine at nakita ang isang pamilyar na mukha. Agad sumilay ang ngiti nya para dito.
"Hey Elmo,what a small world. Are you here for a vacation?" tanong ni Devvine sa lalaki.
"Uhuh, for just a week lang. But it will be finished, tomorrow I'm coming back to Manila.How about you?" sandaling pinagmasdan sya nito.
"I'm with some friends,that's their beach house." itinuro nya dito ang bahay ni JP.
The guy just looked at her with the same admiration on his eyes. Elmo is not bad, he is good looking and very charming. Pero mas bata ito sa kanya ng tatlong taon kaya hindi nya in entertain ang pagpapalipad-hangin nito.
"When are you coming back to Manila? Do you remember what I asked you last time? I'm still hoping you will consider." wika nito na ang tinutukoy ay ang hinihiling nitong date.
Bago pa sya makasagot naramdaman nyang may tao sa kanyang likuran,"I'm sorry to interrupt but your father is on the line right now. Gusto kang makausap."narining nyang wika ni JP mula sa kanyang likuran. Binalingan nya ito at nakita nya kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya. She made one back step before talking she just hope she won't stammer.
"Thank you for letting me know. "pormal na wika nya dito.
Binalingan nya si Elmo at nagpaalam na dito."I need to go now, Daddy's waiting. See you in school. "
"No problem, pretty, again, hope you consider."sagot nito at kinindatan pa si Devvine.
Tinawanan lamang ito ni Devvine at sumunod na lumakad kay JP. JP stopped and faced her, "Hanggang dito ay sinusundan ka ng manliligaw mo, you must be very special to him." the sarcasm is evident on his tone.
"It's just coincedence and.. wait a minute, why am I explaining to you" nakakunot-noong sagot nya dito. Nagsukatan sila ng tingin at tangin buntong-hininga lamang ang isinagot nito.
"Just go inside, maybe you need to call back your father now so you can go back to Manila and leave us alone." wika nito bago sya tuluyang iniwan.
Nasaktan na naman sya sa sinabi nito. Minsan hindi nya na talaga ito maintindihan. Bakit may mga oras na pakiramdam nya mahalaga sya dito, bakit may mga sandaling pakiramdam nya pinipigilan nitong ilabas ang nararamdaman. Bakit nararamdaman nya na ang pagmamahal nya rito ay may katugon din. Bakit? Iyon lamang ang tanong ni Devvine.
"There will come a time that you will love me JP, I know, and I believe. "
walang comment?ako mag co-comment..hehehe..
ReplyDeletebkit anu nga ba nangyari kay papa JP??
ReplyDelete