CHAPTER 6
"Best friend, who's that guy? Your new boylet?" tanong ni Betzie kay Devvine sabay baling sa direksyon ni JP.
"No bff, he's the one I'm telling you about, my bodyguard." sagot niya.
"Oh my, he's really "your" bodyguard? My goodness, bff, look at him. he is so.. " hindi naituloy ni Betzie ang sasabihin dahil tumikhin ang fiance nitong si Brenton.
"Honey, what's with the ehem thingy?" natatawang tanong ni Betzie sa nobyo. "Nothing, it's just that." pinutol ni Betzie ang sasabihin nito.
"Don't be jealous honey, I'm just complementing my friend's bodyguard " wika ni Betzie at bumulong sa nobyo "for Devvine" at nagtawanan ang dalawa.
"Hey, you guys are talking as if I'm not here? Duh?, andito kaya aketch" natatawang sagot nya. Naputol ang kanilang tawanan ng may marinig silang mga tinig. Nakita nilang papalapit na ang mga bata sa kanila. She smiled automatically. Mahal nya ang mga batang ito, at masaya sya kapag nakikitang natutuwa ang mga ito.
"Ate Dev, kamusta po kayo." bati ni Fatima,ang siyam na taong bata na unang nakausap ni Devvine. Lumuhod sya upang makapantay dito at agad sya nitong niyakap.
"Okey lang ako angel, ikaw? Kamusta naman ang iyong likod? Hindi na ba sumasakit?" tanong niya sa bata,
"Mabuti naman po , salamat po sa mga gamot. " at hinalikan sya nito sa kanyang pisngi.
"Ate Dev, Ate Bet, sino po sya?" tanong naman ni Enchong ang walong taong gulang na batang lalaki na ang tinutukoy ay si Brenton.
"Siya ang aking mapapangasawa mga bata, siya si Kuya Brenton at nasa kanya ang mga gifts para sa inyong lahat. " pakilala ni Betzie sa nobyo at ng marining ng mga bata ang salitang regalo agad na naglapitan kay Brenton ang mga ito.
Masayang tinanggap ng bawat isa ang kani-kanilang mga regalo at makikita sa mukha ng mga bata ang walang pagsidlan na kagalakan. Devvine felt the same way too. Everytime she go to that place, she feels calm and contented. In the presence of these little angels, she felt she is not alone.
"Mga bata tara na sa hapag kainan,"wika ni Ms. Yena, ang administrator ng bahay ampunan. "Ms. Castillanes, Ms. Barcelona and Mr. Jackman. maraming salamat sa inyo."
"Ate Yena naman, anong Ms. ka dyan." biro ni Devvine sa babae.
"Teka yung kasama mo Devvine ipapatawag ko na din. " inporma nito sa kanya.
"Oo Ate, JP po ang name nya." at sama-sama na silang nagtungo na dining area ng facility. Hawak ni Fatima ang kanyang kamay habang si Enchong at ibang bata ay nauuna ng naglakad.
Masaya silang nagsalo-salo sa tanghalian. JP is sitting opposite her, habang magkatabi ang magnobyo. Napuno ng tawanan ang buong silid dahil sa pagkukulitan ng mga bata. Napatingin sya sa gawi ni JP at nagulat sya, he is staring at her intently na parang may gusto itong mabasa sa kanyang mukha. She was lost in his eyes again, his brown eyes. The trance was broken because one kid poked JP's cheek. Nilingon nito ang bata at ginulo ang buhok niyon. Nakita nyang ngumiti si JP and her heart skip a beat. Totoong ngiti na abot hanggang sa mga mata nito. Bigla itong lumingon sa kanya at nginitian sya. She was motionless for a while dahil hindi nya iyon inaasahan. Tanging tango lamang ang naisagot nya dito, dahil lunod pa sya sa ngiti nito.Parang once in a blue moon lamang gawin iyon ng lalaki kaya naman sinulit na nya.
Matiwasay na natapos ang kanilang tanghalian at nagtungo na sila sa recreation hall ng facility. The children prepared a program for them tulad ng nakagawian ng mga ito bilang pasasalamat sa kanila.
***
Nakamasid lamang si JP sa paligid, nanood sa mga nangyayari at aaminin nya, nakikilala nya ang totoong Devvine Castilannes sa paglipas ng mga oras. Walang kiyeme ang dalaga, hindi pihikan. Iba sa personalidad na ipinapakita nito kapag ang mga taga alta-sosyedad na ang mga kasama. Magaan itong makitungo sa mga bata,naisip nya magiging isang mabuting ina ito.
"Woah, wait a sec man, ano ba ang iniisip mo?" kastigo nya sa kanyang sarili.
Pinapanood nya si Devvine at ang mga bata habang inaawitan ng mga ito ang dalawang dalaga. Naramdaman nyang may tumabi sa kanya, si Brenton ang fiance ng kaibigan ni Devvine na si Betzie. Ipinakilala sa kanya kanina ng dalaga ang magkasintahan at masasabi nyang mababait ang mga ito. Alam nya yun, dahil he's a good judge of a character.
"They really are wonderful brod, the two of them."panimula ni Brenton. Hindi muna sya umimik at hinintay lang itong magsalita
"You know what, it's Dev's idea to go here every month. She's the only one at first and then she encouraged Betzie to go with her. I don't know why she doesn't want her parents to know about this. " nakangiting wika ng lalaki
"How long she'd been doing this brod?" tanong ni JP.
"Almost a year now. She may look like she doesn't give a damn but.." hindi na tinapos ni Brenton ang sinasabi dahil nakita nyang may ibang iniisip ang lalaki.
JP couldn't understand what Brenton is saying because of one reason. He was mesmerized when he saw Devvine strum a guitar. Lalo pa ng marinig nya itong umawit para sa mga bata. She is really good in what she's doing. She have a lovely voice and that gave him goosebumps all over. Hindi nya alam ang bagay na iyon, magaling umawit ang dalaga. Nakatitig lamang sya dito, at mukhang naramdaman nito ang kanyang ginagawa kaya naman napatingin din ito sa kanya. Sandali lang itong natigilan at nginitian sya at nagpatuloy na ulit ito sa pag-awit. Napakasimple ng kanta, napakasimple ng mga nota, "Hawak Kamay", ngunit habang inaawit iyon ng dalaga tumatak sa kanyang isipan ang maganda nitong tinig.
"She's really an angel diba brod? The man she will love is one lucky guy." pukaw ni Brenton sa kanya.
"Maybe, I don't know." yun lang ang tanging naisagot nya dito.
"I'm thankful that we have a friend like her. She is one of a kind. I'll leave you now brod, it's nice meeting you." at kinamayan sya ulit nito. Malugod naman nya iyong tinanggap kahit hindi nya alam kung para saan ang sinabi ng lalaki.
Lumabas sya sa silid at sumadal sa harapang pintuan, ipikit nya ang kanyang mga mata at ang mukha ni Devvine ang nakita nya. Napangiti sya, mukhang unti-unti na nyang nagugustuhan ang dalaga.Subalit kung ano man ang kanyang naramdaman ay bigla ding naputol dahil sa paglitaw ng isang alaala. Alaalang kahit kailan ay mahirap malimutan.
"Letseng pagmamahal. " nasambit niya habang tinutungo ang sasakyan. Doon na lamang sya maghihintay hanggang matapos na ang araw na yon.
****
Ngayon na ang tamang panahon upang magawa nya ang plano nya, matyaga siyang naghihintay sa pagkakataon. Sampu ng mga kasamahan nya alam nya, magtatagumpay sila. Kailangan na nya ng pera, masyado ng nagdedemand ang babaing yun. At dahil gustong-gusto nyo ang babae, gagawin nya ang lahat mapunta lamang sa kanya ang katawan nito. Ipinangako nya sa babae na yun na ibibigay nya ang lahat na nais nito. Kaya naman, si Devvine Castillanes ang sagot sa lahat ng kanyang problema. Nakahanda na sila. Balewala ang pipitsuging bodyguard nito na mukha namang lampa.
"Malapit na, naamoy ko na ang pera, maghanda na kayo.Sabihin sa ating espiya na itawag agad kung saan sila tutungo. Pera mga kasama, pera.."
CHAPTER 7
Patapos na ang araw at nagpaalam na sila sa mga bata. Nauna ng umalis ang magkasintahan habang siya ay tumulong pa sa pag-aasikaso sa mga bata. Masaya si Devvine, another day worth remembering for her. Everytime she's in this place, ang Little Angels Foundation, she feels that she is a responsible person. Nakaka-refresh ang mga bata at dalangin nya na kung saang pamilya man mapupunta ang mga ito ay maging maayos ang kalagayan nila.
Hinanap nya si JP sa loob ng facility ngunit wala ito doon. Ipinasya nyang tawagan ito ng makita nyang mayroon itong mensahe. Sa sasakyan na lamang daw ito maghihintay. Kaya naman pagkatapos magpaalam sa mga bata at kay Ms. Yena nagtungo na sya sa kanyang sasakyan.
Nakita nyang nakasandal si JP sa kotse at ng makita sya agad syang nilapitan upang tulungan sa kanyang mga dala.
"Bakit hindi mo ko tinawag para tulungan ka?" tanong nito.
"It's ok,kaya ko naman hindi yan mabigat." sagot ni Devvine na nakangiti. Naiilang sya, dahil si JP nakatitig sa kanya.
"Hindi ko akalain na magaling kang kumanta." wika ni JP.
Hindi agad sya nakaimik,kung papuri ba yun o insulto sa kanya.
"Don't worry, it's a compliment. You really can sing, I mean it."
"Thank you. " matipid na sagot ni Devvine.
"Come on, gumagabi na baka nag-aalala na ang mga magulang mo." aya ni JP at pinagbuksan sya ng pintuan.
"You know what, you should smile more often. Bumabata kang tignan." wika ni Devvine ng nasa sasakyan na sila.
JP looked at her and smile again, "Bumabata? So that means I'm too old for your eyes? Ganon ba yun?" nakangiting wika ni JP.
"Oh my, is this real? I mean, you really are cracking joke to me?" exagerrated na wika ni Devvine.
Natawa si JP, napuno ang maliit na sasakyang iyon ng halakhak nito. Sa mga sandaling iyon, parang batang nakatitig lamang si Devvine.
"Oh I'm sorry about that. Nakakatawa kasi ang reaction mo. Parang hindi ka makapaniwala talaga. I'm sorry I was a bit rude.."
"A bit rude? No sir, you were very rude." tapos ni Devvine sa sinasabi ni JP.
"I'm sorry about that kamahalan. Maari mo ba akong mapatawad? " nakangiting wika ni JP.
"What's happening? Nauntog ka ba?"
"Friends?" wika ni JP at inilahad ang kamay kay Devvine.
"Ok, friends." iniabot nya ang kamay ni JP and the moment their hands clasped, she felt a strong voltage run through her body. So strong that she immediately let go of his hand. She doesn't know if JP felt the same too, pero hindi nito nito binitawan ang kanyang kamay. Naramdaman na lamang nya ang banayad na pagpisil nito sa kanyang palad. Her heart melted, her senses all alive. Because of his mere touch, she can now say that she is inlove with JP.
"At dahil sa ating bagong pagkakaibigan kamahalan, iniimbitahan kitang magdinner." pag-anyaya ni JP sa dalaga.
Dahil lunod pa sya sa naganap, hindi sya nakasagot. JP snap his finger at nagulat si Devvine.
"Sure, why not. We are friends now diba. " sagot niya.
"Okey, basta ako ang bahala sa place ha. " JP said.
****
Dinala sya ni JP sa isang kainan na malapit sa highway, hindi ganon ka sosyal ang lugar ngunit malinis doon. "Sandy's Garden" ang pangalan ng restaurant. Maraming naggagandahang bulaklak sa paligid na ikinatuwa ni Devvine.
"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ni JP sa dalaga.
"Ahm,since I'm new in this place would you mind ordering for me? I mean, you know their specialties diba?" sagot ng dalaga.
"Ok, no problem." wika ni JP at sinabi sa waiter ang kanilang order.
Habang hinihintay ang kanilang order, nagkwentuhan muna ang dalawa. O mas tamang sabihin, kinuwentuhan muna ni Devvine si JP. Tahimik talaga ang lalaki, tumatawa ito sa mga jokes nya, sumasagot sa mga tanong nya ngunit hindi ito kusang nagkwekwento.
"In time Devvine, malalaman mo din ang sagot sa mga tanong mo" wika niya sa kanyang sarili.
Matiwasay silang kumain at may mga pagkakataong nagkwekwentuhan pa din. Ngunit napansin nya, wala na ang ilangan sa pagitan nilang dalawa. Napansin nyang nakatingin na naman ito sa kanya. Sa araw na iyon, ilang beses na nya itong nahuhuling nakatingin sa kanya.
"Is there something on my face?" tanong ni Devvine kay JP.
"None, ngayon ko lang napansin. You don't wear make up. You don't have make up everytime you go out."sagot ni JP
"So? Aba, mahalig ka ba sa make up?" nagbibirong sagot ni Devvine.
"No, I mean, you are pretty, even without make up. Natural. and " inihinto na ni JP ang sinasabi dahil napansin nyang namumula ang pisngi ng dalaga. Natawa syang bigla.
"Hey, kamahalan, bakit namumula ka dyan."
"Ang bad mo, maniniwala na sana ko sayo bigla kang tumawa. "wika ni Devvine at wala sa loob na nahampas ang balikat ni JP. Ngunit sya ang nasaktan, parang bakal ang balikat nito.
"Aray, ano bang klaseng katawan meron ka. Your shoulder broke my hand." angal niya.
"It's not my fault, kasalanan mo yan. Let me see." kinuha nito ang kanyang kamay at tinignan ang bahaging nasaktan. Nagsimula itong hilutin ang nasaktan nyang kamay ng bigla nya iyong bawiin. Hindi keri ng powers nya, naloloka sya.
"It's okey ano ba. Ang tigas naman kasi ng balikat mo parang adobe." at sinundan nya pa ng tawa upang itago ang pagkailang.
JP just smiled at her and called the waiter to ask for their bill. "Tara na you need to rest. Alam kong pagod ka today."
Palabas na sila ng restaurant ng tinawag ito ng isang staff. May pinapasabi lang daw ang boss nito.Naiwan si Devvine na malapit na sa pintuan. She decided to go out of the restaurant and wait for JP in the car.
Malapit na sya sa pinagparadahan ng kanyang sasakyan ng may biglang tumakip sa ilong at bibig nya. She smelled something that made her feel dizzy. At pagkatapos nun, kadiliman ang bumalot sa pagkatao nya.
lol masyado na ba akong huli para mag comment?hehe
ReplyDelete