Tuesday, 28 September 2010

IF ONLY CHAPTERS 8-9


CHAPTER 8

Naiinis si JP, tinawag sya ng staff  dahil lamang sa isang pagkakamali. Palabas na sya ng restaurant ng matanawan nya ang nagyayari sa kabilang panig ng kalsada.  Kahit madilim ang kalsada, napansin pa din nya ang isang pigura na karga ng isang lalaki. His intinct took over and he know that something is wrong. Idagdag pang wala sa Devvine sa labas ng restaurant. He pulled out his gun, a Browning 9 millimeter Hi-Power, and put a silencer on it.  Mabilis syang tumakbo sa kabilang kalsada at hinintay na maisakay muna si Devvine sa kotse bago inasinta ang hita ng isa sa dalawang lalaking kumuha kay Devvine. He is a sharp shooter so he can hit the man on the right spot. Bago nya mapaputok ang baril, nakita nya sa sulok ng kanyang mga mata ang dalawang anino sa dilim. 

JP fired his gun and suddenly the man's lying on the floor holding his wounded leg. The man tried to fire back to the unseen enemy . But again, JP fired another shot that unarmed the man. Minutes later, another body lying on the floor, the other man's leg is bleeding furiously. Isa pang putok na tumama sa baril ng pangalawang lalaki.Hindi galing kay JP ang bala na nagpabagsak sa isa. Alam nya kung kanino iyon galing Ang isa sa mga anino ay mabilis na nilapitan ang dalawang duguang lalaki at agad na pinosasan. 

The other man ran towards him at may inihagis na susi sa kanya. Alam na nya ang gagawin habang nakatanaw sa papalayong sasakyan kung saan lulan ang walang malay na si Devvine. Bago sya tuluyang umalis, binilinan nya muna ang mga lalaki.

"You know what to do,clean this mess. At pakantahin ang dalawang yan." wika ni JP. Tumango ang dalawang lalaki at wala na syang inaksayang sandali.

Mabilis syang lumulan sa isang itim na Harley Davidson. May pinindot syang button at lumabas ang GPS tracking device ng motorsiklo. The other men managed to put a tracking device on the getaway car at iyon ang sinusundan ni JP. His location is not far from the car. Madali nya yung mahahabol kung gugustuhin nya ngunit dahil sa busy street dumaan ang kotse hihintayin muna nyang makalayo ito sa maraming tao. 

Desperado na talaga ang grupo ng mga kidnapper at sa mataong lugar pa dumale ang mga ito. At talagang ang puntirya ay isang Castillanes. Alam nila na malaki ang makukuha nilang salapi kung nagiisang tagapagmana ang kanilang kikidnappin. Napatiim-bagang si JP at sinisi ang sarili. He blamed himself for being careless kahit na alam nyang hindi sila nawawalan ng backup. Mr. Castillanes see to it na hindi lamang isa ang nagbabantay sa unica hija nito. Nakita nyang maayos na ang takbo ng kotseng kanyang sinusundan at pinaandar na nya ng matulin ang motorsiklo. He is used to driving motorbikes, before he owned a pair of this kind. He loved driving motorbikes. Lumiko sya sa nilikuan ng kotse at nakita nyang papunta sa Antipolo ang lugar na tinatahak ng kidnapper. He keep his distance ngunit mukhang nakahalata ang driver, ang tanging sakay ng kotse maliban kay Devvine. Mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan at nanatili sa gilid ng highway.

Nahagip ng paningin nya ang isang makislap na bagay, nahulaan nya dulo iyon ng baril. The man is trying to shoot him while not looking. Putok ng baril ang narinig sa lugar na yun, at isa pa, at isa pa. Iniwasan lamang ni JP ang mga iyon habang patuloy na nagmamaneho ng motorsiklo. He glided with the  motorbike, the wind blowing on his face everytime he turn to avoid the shots. Then he decided to fire a shot not on the man but on the tires, sinipat nya muna ang lugar na hihintuan ng sasakyan kung hindi ba iyon delikado. Hindi nya nalilimutan na sakay niyon si Devvine, kailangan nyang maging maiingat.

Pinatamaan nya ang dalawang likurang gulong ng sasakyan at huminto ito. He knows what will happen next, he somehow anticipated it. Walang tatakbuhan ang lalaki, dead end ang pinasok nitong kalye. Just him and his gun, against the man who have Devvine as a human shield. Wala pa ring malay ang dalaga at napuno ng galit ang kalooban nya. He is afraid not of the man but of the situation. He fear for Devvine. Ngayon lamang sya natakot ng ganito sa kabila ng mga karanasan nya. The man get out of the car dragging the unconcious Devvine in one arm, the other hand with the gun is pointing  on Devvine's head.  JP wanted to finish him off right there and then but he will not jeoperdize the situation. Devvine's life is more important so he carefully plan what he will do. He alighted from the motorbike and carefully hide on a big dump can. Nakikita nya mula sa kanyang lugar ang ginagawa ng lalaki.Palinga-linga ito at itinutok kung saan saan ang baril. He even heard him shout something.. 

"Alam ko may tao dyan, paalisin mo ko o papatayin ko tong babaeng to. Hindi na nga ko magkakapera, mapapahamak pa ko dahil dito."sigaw ng lalaki. 

Napahugot ng hininga si JP, signos iyon na naiinip na sya. He count from one to ten, and at ten he rolled over, aimed for a clear shot and fired on the man's leg, the man fired back but  missed. Nakaluhod na ang lalaki at ganon na din ang ayos ni Devvine, naisip ni JP na masyadong malakas ang ginamit na chloroform dito kaya hindi pa ito nagigising. Hindi pa din nito binibitawan si Devvine at may ilang sandaling nabasa ni JP ang gagawin nito.  At kailangan nyang maunahan ang lalaki bago mahuli ang lahat.

One, two, three, he fired. Before the man can shoot Devvine on the head, his bullet landed on the man's head, right in the middle of his eyes. Tuluyang bumagsak angduguang  lalaki kasama si Devvine. Agad na nilapitan ito ni JP to make sure he is dead. He took the man's gun and carry Devvine as cars approach the scene. 

****

Tatlong sasakyan ang dumating, isa na ang sasakyan ni Devvine. Linapitan ni JP ang sasakyan ng dalaga at maingat itong inilapag doon. He needs to talk to the men. 

"Chief, what happened to the two kidnappers? Kumanta na ba?" tanong ni JP sa isang mataas na opisyal.

"Yes, infact papunta na ang mga tao ngayon sa hideout nila. And this guy, " itinuro nito ang nakahandusay na lalaki "sya ang second man nila. You  have decapitated the gang, at ngayon mahuhuli na sila lahat. Congratulations Palacios. "kinamayan sya nito na tinanggap nya naman.

Sasagot sana sya ng mag ring ang kanyang telepono - ang ama ni Devvine. "Everything is okey, don't worry." pambungad nya dito.

Mataman lang syang nakikinig dito at sinabi nyang maayos ang kalagayan ni Devvine. "What? You really want me to do that? Are you kidding me Mr. Castillanes?" sagot niya sa kanyang ninong. 

"Yes Jaime Rob Palacios, I know you won't say no to me and besides I trust you. " sagot ni Mr. Castillanes sa kabilang linya.

"Okey, ninong, I'll do it but just a couple days only. " wika niya at nagpaalam na rin ito.

Hinarap nyang muli ang mga miyembro ng TASK FORCE KNIGHT at ipinaliwanag ang gustong mangyari ni Mr. Castillanes. Sumang-ayon naman ang mga ito upang hindi mabulabog ang kanilang operasyon. Minutes later, some men are talking to the telephone making some arrangements. A van arrived and took away the body of the kidnapper as the team survey and mark the scene. Nakita ni JP ang dalawang lalaki kanina at nilapitan nya ang mga ito.

"Madrigal, Castillo" bati nya sa dalawang lalaki na tinugon naman ng mga ito.

"Malinis na ba ang naiwan doon,kamusta na ang mga tao?" tanong niya.

"Oo, na-neutralize na ang lugar. At nakausap na din ang mga nakasaksi. " sagot ni Madrigal.

"Sir, hindi nyo na ba kailangan dalhin sa ospital si Ms. Castillanes?" tanong naman ni Castillo.

"Hindi na, bilin ni Mr. Castillanes na dalhin ko ang anak niya sa ibang lugar. Aalis na ako at tawagan nyo nalang ako sa ano mang development." wika niya ngunit ng may biglang maalala.

"Castillo, send me the report tomorrow. I want some information about that guy. Thank you"  pahabol ni JP sa dalawa at tinungo ang iba pang kasamahan upang magpaalam.

Sumakay na sya sa kotse ni Devvine at sinulyapan ang dalaga. Narumihan ang mukha nito at may galos ang makinis na braso nito. Napansin din nya ang pasa sa may pisngi nito, nakaramdam sya ng galit sa lalaking iyon. Mabuti na lamang at naunahan nya ito, kung hindi isusumpa nya ang kanyang sarili kung may nangyaring masama kay Devvine.

Maingat na hinaplos nya ang mukha nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa magandang mukha nito. "Kahit na marungis, litaw pa din ang ganda ng prinsesa." sa isip-isip ni JP. Agad nyang pinalis ang isiping iyon, at naging abala na sa pagmamaneho. Ayon sa ama nito, dalhin daw nya si Devvine sa kanyang bahay, of all places bakit sa bahay pa niya. Napailing na lamang siya dahil sa napag-usapan nila ng kanyang Ninong.


CHAPTER 9

She is tired, she's been running for a longer time now. And suddenly she bumped into someone. Nakatakip ang mukha ng lalaki at agad nitong tinakpan ang kanyang bibig. Devvine is so scared that she wanted to scream for help...and suddenly another man came and held out a gun.. she is crying. She managed to remove the hand on her mouth and shouted "No" as the man shoot her...

"Noooo!!!" sigaw ni Devvine at bigla syang napabangon. Hinihingal sya, nanginginig. Nakaramdam sya ng kaba ng may humawak sa braso nya.

"No please.. " sigaw ulit nya.

"Devvine please calm down," wika ng isang tinig.

Napadilat si Devvine at sa nanlalabong mga mata dahil sa luha, inaninag nya ang taong tumawag sa kanya. She saw a lovely woman with a worried look on her face. Tinabihan sya nito sa kama at niyakap sya.

"Shh, hush now darling, everything's alright. You are safe here." wika nito.

Naguguluhan si Devvine, wala naman sigurong kidnapper na magandang babae at mukhang may breeding. Inilibot nya ang kanyang paningin at napansin nya ang dominant gray sa paligid. Dark blue ang hinihigaan nyang kama at blue din ang mga unan. Nasisiguro nyang lalaki ang may ari ng silid na iyon. Kumalas sya sa pagkakayakap ng babae at tinanong ito.

"Who are you? Where am I?" sunod sunod na tanong ni Devvine, ngunit bago pa sya masagot ng babae humahangos na pumasok si JP sa silid at agad syang nilapitan.

"What happened?" tanong nito sa kanya at agad syang niyakap. Nakaramdam ng kaligtasan si Devvine sa bisig ni JP. Hindi pa man nya alam ang totoong kwento, nasisiguro nya, ito ang kanyang tagapagligtas.

Sandaling ninamnam nya muna ang yakap nito at bahagya itong itinulak. She needs to know everything dahil ang tanging natatandaan nya lang ay may lumapit sa kanya at tinakpan ang kanyang ilong. Pagkatapos nun ay wala na.

"Ano ang nangyari JP?" tanong niya at napansin nyang may mga galos sya sa kamay at braso."Where did I get these?"

"Hinay hinay lang ang tanong. Wait, are you feeling okey now? I mean, wala bang masakit sayo?" worried na tanong ni JP.

"I'm perfectly fine, except for these nasty cuts and I bet I have bruises too." nakangiti ng wika nya.  "Please tell me what happened." 

"I'll leave the two of you muna, magluluto na ko ng ating hapunan. Take care Devvine." paalam ng babae.

"Teka lang po ate," pigil ni Devvine dito. "I'm Devvine, and you are?" tanong niya dito.

"Tignan mo tong lalaking to, hoy Jaime Rob si Devvine pa ang nagtatanong imbes na ipakilala mo ako sa kanya." nakataas ang kilay na baling ng babae kay JP.

"Paumanhin naman mga kamahalaan, Devvine meet my sister, my Ate Laurence, ate you already know Devvine." pakilala ni JP sa dalawa.

"Ah, you are his ate. Hello Ate Laurence. Pwede din ba kitang tawaging ate? Sige na please, wala akong ate eh." pangungulit ni Devvine kay Laurence

"Of course, kakaiba kang bata ka. Sa lahat ng nakidnap parang ikaw ang mabilis nakalimot. Sige na at magluluto na ko. See you later guys." paalam nito at tuluyan ng lumabas sa silid.

"Ang ganda ng ate mo bakit hindi ka nagmana sa kanya?" biro ni Devvine kay JP.

Tumawa ito ng mahina at sandali syang tinitigan bago nagsalita "Mukhang maayos na ang lagay mo nakakapagsalita ka na ng ganyan."

"Maayos naman talaga, now tell me everything. Pero pwede ba ko makahingi ng broadsheet or any tabloids?"

"Wala ka din namang mababasa dun tungkol sa nangyari." at sinimulan nyang isalaysay dito ang mga dapat lang nitong malaman. Matamang nakinig si Devvine at kanina pa sya may gustong itanong dito,

"Your father wanted to hide what happened in the press people. Sumang ayon kami para hindi mabulilyaso ang operasyon. Kaya malawakang news black out ang nangyari sa kaso mo to protect you and your family. Ang tanging mababasa mo lang sa mga balita ay ang pagkahuli ng mga grupo ng kidnap for ranson gang na yun." pagtatapos nito.

"Nag-alala ka ba sa akin?" diretsang tanong ni Devvine ng matapos magkwento si JP.

"Of course, I am your bodyguard, my job is to protect you. Kaya natural lang na mag-alala ako, baka mawalan pa ako ng trabaho kapag may nangyari sayo." tatawa-tawang wika ni JP at nakita nito ang pagbabago ng mukha ni Devvine.

"Ah, so I am just a "job"hindi nya maiwasang hindi masaktan sa sinabi nito. Pero wala naman syang karapatang masaktan, bakit ano ba ang meron sila? Hindi nga ba at nagsisimula pa lang ang kanilang pagiging magkaibigan?

Nagulat sya ng pinisil nito ang kanyang ilong "Hey, cheer up ang bilis magbago ng mood mo. Binibiro lang kita," wika ni JP.

Nang hindi umimik ang dalaga ay nagpatuloy ito. "I was never afraid before, sugod lang ako ng sugod pero ng ikaw ang nasa kalagayan na yun, hindi mo lang alam ang pag-aalalang naramdaman ko. You see, I also care for you because you are my friend diba, hindi lang isang trabaho" wika ni JP.

Sa isipan ni Devvine, "anak ng tokwa't kalabasa, okey na sana eh, biglang "friend", buhay nga naman. " Pero okey na yun sa kanya at least, nawala na ang pader na nakaharang sa pagitan nila. Naisipan nya ulit itong tanungin.

"Yung lalaking, ano, I mean the man, is he, did you.." paputol putol na tanong ni Devvine.

"Yes, I did. He was about to..." napahinto si JP dahil ayaw nya ng maalala ang eksenang muntik ng barilin ng kidnaper si Devvine sa ulo.

"About to what?" 

"Nothing, ang importante ligtas ka na at maayos na ang lagay mo. Aalis na ko so you can still rest" tumayo na ito at akmang bubuksan na ang pinto ng may pahabol si Devvine.

"This is your room right?" tanong niya kay JP na tanging tango lamang ang naisagot.

"Thank you so much, really thank you."wika niya at nginitian ito, 

"You're welcome, tatawagin ka nalang ulit ni Ate kapag kakain na."sagot ni JP at nilisan na nito ang silid.

Muling siyang humiga at niyakap ang isang asul na unan. Ewan nya kung ano ang dahilan kung bakit nasa bahay sya ni JP at wala sa kanilang mansion, pero kahit ano pa man nagpapasalamat sya dahil ligtas sya. Nakaramdam sya ng antok at bago agawin ng antok ang diwa nya, nag-usal sya ng panalangin ng pasasalama sa Maykapal.

3 comments: