IF ONLY
(A James-Devon fanfic)
Devon Seron - Devvine Mae Castillanes
James Reid - Jaime Rob Palacios (JP)
CHAPTER 1
Rich, famous, beauty at wild - yan ang taguri kay Devvine Castillanes; ang anak ng isa sa pinakamahusay na businessman sa bansa. A princess in her own right, born with silver spoon on her mouth, both her parents came from wealthy clans. The only child of Mr. Ignacio Castillanes - head of Castillanes Group of Companies and Mrs. Ivanna dela Vega-Castillanes - the daughter of then Ex-Vice President Mr. Carlos dela Vega.
Dahil nag-iisang anak, lumaki na sunod sa layaw at lahat ng gusto nito ay sinusunod ng mga magulang. What's the use of their wealth if they won't give everything to their princess, iyon ang laging sinasabi ng mga ito. Kaya naman lumaki syang sa isang pitik makukuha ang kanyang gusto. Spoiled brat and at her age of 23, she should have finished college and started working in their company to learn the ins and outs before her father retire. But instead she likes to party and shop a lot.
"Princess, why should you finish that course so you can have your diploma now. I need you in the company. You're my only heir, I should be training you now." wika ni Mr. Ignacio Castillanes.
"I told you Papa, I don't wanna work in the company please. " pinatirik pa ni Devvine ang kanyang mga mata ng sagutin nya ang kanyang ama. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal sa pool area ng kanilang mansion. Every weekend doon sila nag aagahan upang makasagap ng sariwang hangin.
"But iha, your father needs you. Kanino pa ba mapupunta ang lahat ng pinaghirapan ng iyong ama kungdi sayo din diba?" wika ni Mrs. Castillanes sa anak. Pinagmasdan nya ito, sa edad nitong 23 mukhang teenager pa rin ito. At maging ang asal ito ay sa isang teenager din. Pinaiiral na naman ng kaniyang anak ang pagiging brat nito.Kailangan matuto na ito sa laban ng buhay. Hindi habang buhay ay malakas sila ng kanyang esposo upang suportahan ang kanilang anak.
"I'm done, can I go now? I need to hurry, Calixt is waiting for me." wika ni Devvine na ang tinutukoy ay ang kanyang recent fling. Yes, fling lang dahil wala syang sineseryoso isa man sa mga ito. Tumayo na sya at paalis na sana ng tawagin sya ng kanyang ama.
"That bastard again? Devvine, how many times will I tell you to stop seeing that guy. Walang mabuting maidudulot sayo yung tao." malumanay na wika ng kanyang ama.
"But father dear, I'm having fun with him, you don't want me to be sad right? Hmm, mother dear? " wika ni Devvine na tumingin at ngumiti pa ng pagkatamis-tamis. Napailing nalang si Mrs. Castillanes habang ang kanyang esposo ay napabuntunghininga.
"Ok, you'll go now, just take care of yourself iha. " wika ng kanyang ina.
Naiwang nakakunot noo ang kanyang ama at halatang may malalim na iniisip. He needs to do something, tumatanda na ang kanyang unica hija subalit wala pa din itong alam kundi magshopping ,gumimik at magpalit ng magpalit ng boyfriend. He gets so worried everytime her daughter gets herself into trouble. Maraming beses na nitong kinailangan ang impluwensya ng kanilang pamilya para makalusot sa mga nagawa nito. The worst she'd ever done was driving under the influence of alcohol. Halos atakihin ang kanyang asawa ng malaman ang nangyari. She got them so worried which lead them to the decision to get her a driver. She fought with the idea but they insisted threatening her to limit her credit card into one.
"I need to do something Vanna, it's time for our daughter to learn things the right way. We need to.. "nabitin ang sasabihin ng ama dahil sa binabasang balita sa pahayagan. Napakunot noo na lamang ito.
"Anong gagawin mo Ignacio? Minsan naiisip ko mali ba tayo ng pagpapalaki sa batang yan."malungkot na wika ng ginang. ""Ignacio, nakikinig ka ba?" tanong niya sa esposo.
"I'm sorry Vanna, take a look at this. " binigay nya sa asawa ang pahayagan.
Napasinghap ang ginang sa kanyang nabasa "Oh my God, what have they done. Where's Devvi? We need to protect her Ignacio." nag-aalalang wika ng ginang.
Ginagap ni Mr. Castillanes ang kamay ng kanyang esposa, "Don't worry dear, I know what to do. Please excuse me, I will just make some phonecalls. Doon lang ako sa study room."
Naiwan si Mrs. Castillanes na bakas pa din ang pag-aalala sa mukha.
*****
Devvine is so pissed, annoyed and irritated. This is what she hates the most, waiting. May sampung minuto ng late si Calixt, ang two weeks companion nya. Nakilala nya ito sa isang bar hopping session nilang magbabarkada. He caught her attention una dahil nandito ang appeal na hinahanap nya sa isang lalaki. Matangkad, gwapo at may magandang katawan na pang model. Pero ayaw nya sa ugali nito. Masyado itong touchy kaya naman laging nyang binabantayan ang kamay nito kapag sila ay magkasama. Inis na sya dito at lalo pa siyang nainis dahil sa pagiging late nito. May usapan silang manonood ng drag racing sa Antipolo subalit wala pa ito hanggang ngayon. Napaarko ang kanyang perfectly-shaped brows ng mamataan itong paparating. Nakangiti pa ang loko, pwes humanda ito sa kanyang gagawin.
"Hi babe, sorry I'm late." nakangiting wika ni Calixt. Akmang hahalikan sya nito ngunit agad syang umiwas.
"Just what the heck do you think you're doing. I don't need a lazy dog like you. You made wait for you for like, ten minutes! How lucky you are." mataray na wika nya. "I'm leaving, we're through. " at dali-dali na niyang tinalikuran ang lalaki.
Hinagip nito ang kanyang bisig at pinigilan sya sa pagsakay sa kanyang kotse. "Wait, are you dumping me?" inis na tanong nito.
"Isn't it clear to you? We are over, as in zilch, nada. Goodbye. "
"So the rumors are true. Kapag ayaw mo na isang tao basta mo nalang itatapon."wika ng lalaki
"Oh please, cut the bull. I don't have to explain anything to you. Let me go before I call the cops. "wika na Devvine at ipiniksi ang kanyang braso. Wala ng nagawa si Calixt kundi hayaang umalis ang dalaga. Baka kung saan pa sya damputin kapag kinulit nya pa ang babae.
"The nerve of that guy!" inis na wika nya habang pasakay sya sa kanyang sasakyan. "Tatang, sa Glorietta na lang po tayo." wika niya kay Tatang Gusting, ang kanyang driver.
"Ok, senorita"
"Tatang naman eh, sabi ko Dev nalang itawag nyo sakin para naman kayong others nyan."sinabayan nya pa ito ng mahinang tawa.
'O sya sige, Dev kung Dev. Doon pa rin ba sa dati?" tanong ng matandang driver.
"Opo".
Taliwas sa akala ng ayaw na ayaw nyang tinatawag syang senorita. Pasaway man sya at sinasabi nilang brat, pero hindi sya pinalaki ng mga magulang na maging matapobre. Siya si Devvine, ang unica hija at tagapagmana ng lahat ng mayroon ang kanyang mga magulang. Napaisip sya bigla at naalala ang usapan nila ng kanyang ama kanina. "Hay, what can I do, I'm not fit to run the company." mahinang usal nya. Ipinasya nyang tawagan ang kanyang best friend na si Betzie upang samahan syang magshopping.
CHAPTER 2
"Grabe ka talaga bestfriend. Ganon ganon na lang ulit. Some habits never change talaga." wika ng bestfriend ni Devvine na si Betzie na ang tinutukoy ay ang pagbasura nya kay Calixt.
"Hay naku, bff, you know na I hate waiting. E na late sya. And besides I'm getting bored with him. Tsaka puro katawan lang yun noh Waley utak, nakakasuya na." brutal na hirit nya at sinabayan pa ng tawa. Playgirl ang taguri sa kanya dahil napapaikot nya daw sa kanyang palad ang mga nakakarelasyon nya, madali nyang pinapalitan kapag nagsawa na sya at kung ano ano pang mga sinasabi ng iba lalo na ang mga babae na may inggit sa kanya. She didn't care about the things other people throw at her. She know that she is just having fun.
"So sino naman ngayon ang target mo? May next in line na ba?" biro ni Betzie.
"Waley pa bff, as in waley. Kalurkey naman ang mga hombre na yan. Kung hindi katawan ko lang habol yung iba naman ay ang aking ganda. Ano bah." itinirik nya pa ang kanyang mata na labas na ikinatawa ng kanyang kaibigan.
Kapag kasama nya ito, nailalabas nya ang side ng personality nya na palabiro. Dahil feeling nya kapag nasa public places sya laging may mga mata at camera na nakatutok sa kanya. Bawat maling galaw nya, kinabukasan ay nasa mga pahayagan na sya. May mga tao talagang kumikita ng salapi dahil sa isang Devvine Castillanes.
Masaya silang nagkwentuhan at pinagusapan nila ang boyfriend nitong si Brenton. Nagbabalak ng magpakasal ang dalawa sa susunod na taon kaya naman magiging busy na ang kanyang kaibigan. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop at nagmemeryenda ng tumunog ang cellphone nya.
"It's my mom."inporma nya kay Betzie at tumango lamang ito.
"Yes Ma?"
"Iha, can you come home early? I mean have dinner with us." wika ng kanyang ina sa kabilang linya.
"Why Ma? Will you cook dinner? That only means today is a special day." wika nya at sinabayan pa ng tawa.
"No Iha, your Papa wants you here for dinner and .. never mind. Will tell you later. Please iha, pagbigyan mo na ang iyong mama."
"Ay ang mama ko naglalambing, OK sige. You know that I love you so I'll be joining you for dinner tonight. " natatawang sagot nya sa kanyang ina at nagpaalam na dito.
Nangingiting hinarap nya si Betzie, "Paano yan , bff, we can't have our girl's nightout tonight. You've heard what my mom asked me." Devvine said rolling her eyes but smiled again.
"No problem bff, minsan lang magrequest si Tita kaya pagbigyan mo na. Hmm, do you think there's a special surprise waiting for you?"
"Ikaw ha, echosera ka talaga. Oopps, I told myself to stop using that word. Kalurkey naman kasi si Mamita eh. " natatawang wika nya na ang tinutukoy ay ang kanyang hair stylist at beauty consultant. Natuto sya ng ibang lengguwahe dito na nakakasanayan na nyang bigkasin kapag nalilimutan nyang hindi nga pala sya "ordinaryong" babae.
"So, paano shall we go? Or you wanna stay here?"tanong niya kay Betzie.
"Nope, I'll walk with you until the carpark. I will call Brenton to meet me somewhere." sagot ni Betzie.
Natutuwa sya dahil malapit ng lumagay sa tahimik ang kanyang kaibigan. She can see that Brenton love her best friend so much. Panatag syang magiging maligaya ang kaibigan sa bagong landas na tatahakin nito. Best friend nya si Betzie simula pa ng high school sila at tinagurian silang "The Unreachable Beauties" dahil bukod sa may angkin silang kagandahan pareho pa silang galing sa mayamang pamilya.
Nakarating sila sa parking area ng mall at nagpaalam na sa isa't-isa. They exchange pleasantries and kissed each others cheeks like the way they used to. Nagulat pa si Manong dahil mabilis daw syang natapos mag malling ngayon.
"Eh nag request po kasi si Mama na umuwi ako and maki dinner sa kanila. Halika na po Manong." wika ni Devinne sa kanyang driver at hindi nya napansin ang isang anino na nagtatago sa isang sasakyan. Isang nilalang na nag-aantay ng pagkakataon upang maisakatuparan ang balak sa dalaga.
********
"Ang tanga mo, matanda lang ang kasama hindi mo pa nagawa ang trabaho mo. "singhal niya sa kasamahan.
"Eh kung ikaw kaya ang nandun, sira ka pala eh. Nakita mong ang daming camera sa parking lot na yun." sagot naman ng lalaki.
"Anak ng, malalagot tayo kay Boss nito eh. Dalawang araw ng inaantay yan. Anong sasabihin natin nito."naiinis na wika nya. Ilang araw ng nauudlot ang balak nila. Kailangan na nya ng pera. Kailangan magawa na nila ang kanilang trabaho upang makuha na nya ang kanyang nais. "Malapit na.. " nakangising wika nya.
CHAPTER 3
Nakarating si Devvine sa kanilang mansion ng mas maaga sa sinabi nya sa kanyang ina.Pagpasok ng kanyang sasakyan sa tarangkahan napansin nya ang isang di-pamilyar na sasakyan.Isa iyong lumang modelo ng Corolla. Mukhang may bisita ang kaniyang ama. Nagpaalam na sya kay Manong at tulad ng dati inabutan nya ito ng limang daang piso. Noong una ay tumatanggi ito ngunit ipinagpilitan at kinulit nya talaga hanggang sa pumayag na itong tanggapin ang bigay nya.
"Sige na Manong magpahinga na po kayo. At tska hinihintay na kayo ni Nanay Linda" biro nya sa matanda."Maligo muna kayo manong ha. " natatawang pahabol nya habang pababa ng sasakyan.
Pumasok na sya sa kanilang tahanan at nakasalubong nya ang isang kawaksi. Sinabi nitong nasa receiving area ang kaniyang mga magulang kaya doon siya dumeretso. Natigilan sya ng akmang papasok na sya sa silid. Naroon nga ang kaniyang mga magulang at may lalaking kausap ang mga ito. She can't help her self but to stare at the man. He looks like his in his late twenties, tahimik nyang sinuri ang kabuuan ng lalaki. Ang matangos na ilong nito, perpektong hugis ng mukha,his brown expressive eyes at ang mga labing parang.. Ipinilig nya ang kanyang ulo sa kapilyahang naisip. Bumaba ang kanyang paningin sa malapad na balikat nito at napansin nya ang magandang pangangatawan nito kahit na nakasuot ang lalaki ng capri jacket. Nang ibalik nya ang paningin sa mukha nito muntik na syang matumba sa kinatatayuan nya.The man caught her red handed, she can feel the blood creeping on her face. Alam nya nararamdaman nya dahil nag-iinit ang kanyang mukha. "Oh my, nakakahiya." she was about to speak when the man spoke.
"Do you know its rude to stare? But anyway, do you like what you see? Pasado ba?" pabirong wika nito ngunit alam ni Devvine, naramdaman nyang may kasamang sarkasmo ang sinabi nito.
Tinaasan na lamang nya ito ng kilay at inirapan. Bumaling sya sa kanyang ama at tinanong kung sino ang lalaki.
"Iha, he is Jaime Rob Palacios. You can call him Jaime or JP like what the others call him. JP this is my daughter, Devvine" pakilala ni Mr. Ignacio sa dalawa.
"I don't care what name I should call him Papa, I want to know who is he and what is he doing here?" nakakunot-noong tanong nya sa ama.
"Iha, we decided to get you a bodyguard." walang ligoy na wika ni Mr. Ignacio.
"Whhhaat?!" gulat na tanong ni Devvine. Sa isip-isip nya, "So this hunk is a bodyguard?"
"Yes Iha, for our peace of mind. " wika ni Mrs. Castillanes. "Here iha, take a look at these." iniabot nito sa anak ang ilang broadsheets at ipinakita dito ang dahilan ng pagkuha nila ng bodyguard.
"Oh my God!", nahihintakutan at gulat na wika ni Devvine. She can't believe what she's reading. Bakit hindi nakakarating sa kanya ang mga balitang yon? Masyado na ba syang busy sa buhay nya at wala na syang panahon na makinig o magbasa ng balita. What she read shocked her.
"Another body of a kidnap victim was found dead inside an abondoned car. Police said that the ransom has been given to the kidnappers. But the kidnappers still killed the daughter of a wealthy businessman who owned a Telecom Company...."
Hindi na nakayanan ni Devvine na ipagpatuloy ang pagbabasa. Kilala nya ang dalagang biktima. Nakasalumuha nya na ito minsang may party syang dinaluhan. Nakakapangilabot at nakakaawa ang sinapit nito sa mga kidnappers. Napatingin sya sa kanyang ama, sa ina at huli sa lalaking nakamasid lamang sa kanya ng walang emosyon.
"Iha, Mr. Palacios is a trained man. I know he can protect you. Inirekomenda sya sa amin ng iyong Ninong Manolo. Magaling ang Agency na pinanggalingan nya and I know and trust him that he won't let anything bad happen to you." Bumaling ito sa lalaki "Right JP?"
"Yes, Sir. I assure you that." magalang na wika nito.
"But Papa, kelangan bang lagi kong kabuntot yang lalaki na yan? As in always?" naiiritang tanong nya. Kanina pa sya naiinis sa lalaki, una parang ito lamang ang lalaki na hindi nagandahan sa kanya. Everytime she meets a new guy she can easily see the admiration in thier eyes. Pero sa lalaking ito, waley. Bokya ang beauty nya kaya idinadaan nya na lamang sa pagtataray.
"Excuse me Ms. Castillanes, bodyguard means someone who guards you. So ibig sabihin kailangan lagi mo akong kasama. As in always." seryosong wika nito at matiim lamang siya nitong pinagmasdan.
"Alright, Ma,Pa for your peace of mind, I will try to bear with this arrogant man." diretsang wika nya.
"Iha, don't be rude." nagulat na wika ni Mrs. Castillanes "JP, please forgive my daughter. Ganyan lang yan pag stressed-out. She can't take in easily the news." hinging paumanhin nito sa lalaki.
"Ayos lang po Mam, I should get used to it." wika nito.
Nagtataka si Devvine kung bakit hinahayaan ng kaniyang ama na pagsalitaan sya ng lalaki ng ganon na lamang. Her father love and adore her so much that he won't let any harsh word hurt her feelings. Pero bakit ngayon pinababayaan lamang nito ang hambong na JP na yun. Naisip nya na lang na personal itong kilala ng kaniyang ama.
"Ma, I'll just freshen up. Call me up when dinner is ready." wika nya sa ina. "See you later Papa," tinapunan lamang nya ng tingin ang lalaking nagngangalang Jaime Rob Palacios. Inaamin nya sa sarili nya, may pinukas ang lalaking ito sa kanyang pagkatao. Si JP na isang bodyguard - magtatanggol sa kanya.
*******
JP can't help but be annoyed. Ang pinakaayaw nya sa babae ay maarte at spoiled. Lahat ng ugaling yun ay na kay Devvine Castillanes. Kilala nya ang babae noon pa man dahil lagi itong laman ng kung ano anong babasahin. Kilala din nya ito dahil sa mga kalokohang nagawa nito. Hindi nito alam na ninong nya ang ama nito, kaya sya ang nilapitan ni Mr. Castillanes upang maging bodyguard ng unica hija ng mga ito.
Ang lalo nyang ikinainis ay ang hayagang pagsuri nito sa kanyang kabuuan. Nakita nya ang paghanga sa magandang mukha nito. Oo hind maitatanggi na maganda ang dalaga.She have this kind of beauty that you won't get tired of looking. Her facial features score a perfect 10. Mula sa magagandang mga mata nito, sa manipis at mapupulang labi, sa matangos na ilong at ang morenang kulay na lalong nagpaangat sa kakaibang ganda nito. Wag ng sabihin ng isama ang magandang katawan nito.
At oo nga pala naiinis din sya sa kanyang sarili. Dahil sa kabila ng pagkasuya niya sa dalaga hindi pa rin nya naiwasang aralin ang bawat galaw at bawat sulok ng mukha nito. Ipinilig niya ang kanyang ulo, walang puwang ang paghanga sa pagkatao nya. Lalo pa sa isang babaeng katulad ni Devvine Castillanes. Ang mga tulad nito ay sakit lamang ng ulo ang dala, sakit ng ulo at paghirap sa buhay nya.
im reading your ff mercyfool..hahah
ReplyDelete