Wednesday, 22 September 2010

IF ONLY CHAPTER 4-5

CHAPTER 4

"Shoot!" napabalikwas ng bangon si Devvine at agad na tinungo ang kanyang banyo. Tinanghali sya ng gising at siguradong mahuhuli na sya sa klase. Mayroon pa naman silang finals ngayong araw na ito. 

Huling taon na nya sa kursong ewan nya kung bakit dun nya naisipang mag-shift. Hindi naman magagamit sa kumpanya nila ang kursong Fine Arts diba ngunit dahil mahilig syang gumuhit at parang pagrerebelde na din sa ama, yun ang pinili nya.

Nagmamadali sya sa kanyang pagkilos, kailangan nyang makaabot sa klase. Desidido na syang tapusin ang kanyang pag-aaral ngayong taon at iniisip nya ng pagbigyan ang kanyang ama. Matapos magbihis ay diretso na syang lumabas sa kanyang silid. Sa sasakyan na lamang sya mag-aayos. Nagtungo sya sa kusina at kumuha ng gatas na maiinom. Yun nalang ang aalmusalin nya. Papainom na sya ng gatas ng may marinig syang nagsalita.

"Ang aga mo naman para bukas Ms. Castillanes, kanina pa ako naghihintay sayo." wika ni JP na nakasandal sa kitchen counter at humihigop ng kape.

 Hindi napansin ni Devvine na naroon ang lalaki at anong saklap na umaga, natutulala na naman sya dito. Paano ba naman, mukha itong preskong-presko at gwapo talaga ang hudyo kahit hindi ngumingiti. Muntik nya ng makalimutan nya ng inumin ang gatas kung hindi pa ito nagsalita.

"Talagang ugali mo ang tumitig sa isang lalaki?" bakas ang inis sa salita ni JP. 

"Excuse me? You're really a gentleman no?" pasaring naman ni Devvine. 

"At kung pwede, next time agahan mo ang gising mo. May tao kasi na naghihintay sa inyo mahal na prinsesa" dagdag pa na wika ng binata na salubong ang mga kilay.

"You know what, you are just my bodyguard, learn how to respect me! And besides, my father is paying you to protect me. Not to talk s**t to me. Finish whatever you're doing so we can go. I need to rush. Like you've said, this princess don't know how to wake up early" inis na ring wika ni Devvine sabay talikod.

Nabubwiset sya sa lalaking iyon. Hindi nya alam kung bakit parang laging pasan nito ang daigdig. Madalas kaysa hindi, laging nakakunot ang noo nito at parang laging inis sa kanya. 

Ang alam nya, walang lalaking naiinis sa kanya. Walang lalaking tumatanggi sa ganda nya. Tanging ito lamang, ang JP na yun ang nakapagsalita sa kanya ng ganon. "Hindi lang hambog, napakabastos pa.!" wika niya "pero... hay naku ano ba. Shemay, gwapo talaga ang hudyong iyon." natigilan sya sa naisip. ":No hindi pwede, erase erase erase.. Over my dead and gorgeous body!" paalala nya sa kanyang sarili. Hindi sya pwedeng magka"crush" sa isang lalaking parang nag me-menopause. 

Ipinatawag nya sa isang kawaksi si Manong upang sila ay umalis na at deretcho na sya sa kanyang sasakyan. Nagulat sya ng makitang ang hambog na lalaki ang naroon.

"What are you doing in the driver's seat? Don't tell me may extra job ka, driver ka na din ngayon?" patuyang wika nya. 

"Shut up and just fasten your seatbelt missy, akala ko ba late ka. So better hold on dahil papaliparin ko na po ang inyong sasakyan kamahalan." nangaasar na wika nito. 

"Whatever!" sagot niya at  inirapan nalang ang binata. Nagtataka sya kung paano nito nagagawang magbiro na hindi tumatawa. Masyadong seryoso ang binata, at kapag nakatingin sya sa mga mata nito mayroong misteryong nakabalot sa mga iyon. Bagay na gusto nyang malaman, gusto nyong tuklasin. Ngunit hindi nya gagawin, ititigil nya ang pag-iisip sa lalaking ito na walang ginawa kundi ang inisin at insultuhin sya. 

*****

"Have you heard what happened to Matilda? Gosh, I was like crying when I learned about it." narinig na Devvine na wika ni Patty, ang certified chismosa sa klase nila. Kasalukuyang naghihintay sila sa kanilang professor, dahil ilang minuto na itong late. She wants to go the mall to buy something. Nakikinig lamang sya sa usapan ng mga ito na ang tinutukoy ay ang biktima ng nakaraang kidapping.

Nahintakutan sya ng maalala ang sinapit ng kaawa-awang dalaga, at nagpapasalamat din dahil hindi sa kanya nangyari  yun. Ayaw man nyang magkaroon ng aroganteng bodyguard, ay pumayag na sya kaysa naman malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga magulang nya. 

"Hey, pretty are you free tomorrow night? Can I invite you for dinner?"tanong ng lalaking tumabi kay Devvine.

"Hey there Elmo," bati ni Devvine sa ka-klase at ginantihan nya ito ng isang matamis na ngiti. She is gifted with a beautiful smile. They say when she smile, it seems that a dark room would light up. 

Bago pa ito ulit makasagot ay ini-anunsyo na wala na silang klase.Kaya madali syang tumayo at lumabas na ng silid ngunit sumunod ang binata sa kanya. 

"Hey, wait pretty, is it Ok with you? I mean, have dinner with me tomorrow?" napakamot pa ito sa batok nito. He looked cute, she must admit, pero naman bata pa ito. She is two years older than him at hindi sya pumapatol sa mas bata sa kanya. 

"I don't know, maybe or maybe not. "wika nya habang patuloy na naglalakad. Hindi na lingid sa kanya ang mga tingin ng mga kababaihan na puno ng paninibugho. Paano ba naman ang kasabay nya ngayon ay ang ultimate crush ng campus, si Elmo Locsin. Malapit na sila sa kanyang parking space ng magsalita ulit ito.

"Just a friendly date Devvie, please? I promise you, you won't get bored with me." nakangiting wika nito. 

"Honestly, I don't think it's a good idea to ask her out." seryosong wika ni JP na ikinagulat pareho ni Devvine at Elmo. 

"Hey, I'm talking to him, you don't have the right to." pinutol nito ang kanyang sasabihin.

"Get inside the car quick or you want that hooded man to get you." sadyang hininaan nito ang huling sinabi upang hindi mahalata ng kasama nyang binata.  She surveyed the place and got a glimpse of a hooded man walking away from the school grounds. Kinabahan siyang bigla at nagpaalam na kay Elmo.

"I need to go, maybe some other time perhaps." wika nya at dali-dali ng pumasok sa kanyang sasakyan. Ngayon lang pumasok sa isip nya na seryoso pala talagang mag-alala ang kanyang mga magulang.

"Pwede ba isipin mo na kahit na unibersidad ka pwede ka pa ding maging biktima. At wag kung sino-sino ang kinakausap mo. " patutsada na naman ni JP sa dalaga. Para syang laging nakikipag-usap sa bata. Ngunit pagtyatyagaan nya ang dalaga, maging ang mga lalaking nakapaligid dito.

"Unang araw pa lang ng trabaho mo ang dami mo ng sinasabi, bodyguard ka ba talaga o..."sadyang ibinitin nya ang kanyang sinasabi.

"Oh ano?" nakakunot noong tanong ng binata na tumingin pa sa kanya.

"Wala. Pwede magpahatid sa mall? I need to buy something." wika na lamang ni Devvine.

"Masusunod kamahalan." sagot ni JP ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga, kanina pa ito nag-iisip. Talagang tina-target ang dalaga ng grupong iyon. Kailangan nilang malaman kung sino ang nasa likod ng mga kidnappings na naganap at upang patuloy din na maprotektahan ang pasaway na dalaga sa kanyang tabi maging ang ibang gustong biktimahin ng mga iyon.





CHAPTER 5




Isang linggo mahigit na ganon ang routine nila. Walang araw na hindi sila nagbabangayan. Walang araw na hindi inis sa kanya ang lalaki. Walang araw na hindi nya narinig nya ang mga pasaring nito. Sinabi na nya sa kanyang ama ang bagay na yon ngunit tinawanan lamang sya nito. "Don't be childish iha" iyon ang sabi ng kanyang ama.


Ni minsan na magkasama sila hindi nya pa ito nakitang ngumiti, laging nakasimangot at salubong ang kilay nito. Ewan nya kung bakit mainit ang dugo sa kanya ng lalaki. At naiinis sya dito, ngunit sa kabila ng hindi magandang pakikitungo nito sa kanya, hindi pa rin nya mapigilan ang kanyang sarili na humanga dito. Oo,paghanga lang, yun ang pilit nyang sinasabi sa kanyang sarili. Dahil ang lalaking katulad nito, masyadong seryoso para sa kanya. At ni minsan, hindi nya pa naranasan ang magmahal ng totoo.


Araw ng Sabado, tulad ng nakagawian na ni Devvine at ng kanyang kaibigan na si Betzie kasama ang nobyo nito tutungo sila sa isang lugar na lingid sa kaalaman ng karamihan. Tanging sila lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. Maging ang kanyang magulang ay hindi alam ang isa sa mga sikreto nya. Ayaw nyang ipaalam sa mga ito dahil baka makialam ang mga ito lalo na ang kanyang Mama. Ipinatawag nya si JP sa isang kawaksi at sinabihang hihintayin nya ito sa garahe. 


Tinignan nya ang kanyang relo at napakunot noo dahil sampung minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa din ang magaling na lalaking yun. Muli nya sana itong ipapatawag ng matanawan nya ito.


"What took you so long? Didn't my Dad tell you, I hate lazy people. " nakataas ang kilay na wika nya.


"Paumanhin kamahalan, naliligo ang inyong abang lingkod ng ako ay inyong ipinatawag." paismid na sagot nito.


Noon lamang nya napagmasdan ang itsura ng lalaki, basa pa ang buhok nito at may mga tumutulo pang tubig mula doon. Hindi na naman nya napigilan ang sariling hagurin ito ng tingin. Naamoy nya ang sabon na ginamit nito sa paliligo at napansin nya, lalo itong naging gwapo. 


"Kamahalan, akala ko po ba kayo ay nagmamadali? Tapos na ba kayong ako ay pagmasdan?" seryosong wika nito.


Parang binuhusan ng tubig si Devvine sa sinabi ng lalaki, sobrang kahihiyan na ang inabot nya dito, lagi na lamang syang natutulala.


"I beg your pardon? Me, staring at you? You wish! Tara na at naghihintay na ang mga kaibigan ko." wika nya habang pasakay sa kanyang kotse.


"Saan naman ang tungo ng kamahalan ngayon? Date? Gagawin mo kong chaperone?" tanong ni JP.


"Just drive ok? We're gonna meet my friend and her fiance somewhere. Pero bago yan may dadaanan muna tayo."sagot niya.


For a minute, Devvine thought that she saw JP smile pero nagkamali lang pala sya, hindi pala iyon isang ngiti, nakangisi pala ito. Ngunit anong baliw ng puso nya, lumukso iyon sa simpleng ngisi lamang ng lalaki. Ang sarap mong batukan Devvine, wika nya sa sarili. "Wag mong sabihing, sa kanya ka kauna-unahang maiinlove?" tanong pa nya sa sarili. Napabuntong-hininga na lamang sya. Hindi maganda ang dulot ng presensya ni JP sa kanya, hindi maganda.


*****


JP couldn't stop himself from being amused, masyadong transparent ang dalaga. Noong una ay kinaiinisan nya ito,subalit ngayon isang linggo nya na itong kasama unti-unti nya ng nakilala ang dalaga. Nagulat sya noong nakaraang araw pagkatapos ng klase nito, isinama sya nito sa isang kaibigan. The girl is in the hospital who is undergoing chemotherapy. He saw the compassionate side of Devvine at natutuwa sya, hindi naman pala ito ganon tulad ng iniisip nya. Naputol ang kanyang iniisip ng magsalita ang dalaga.


"Stop ka muna dyan sa shop na yan," wika nito.


Pinagmasdan ni JP ang lugar, nakita nyang isa iyong convinience store. Napansin din nyang may tinawagan ang dalaga at nakangiti pa ito habang nakikipag-usap. Matagal na nyang napansin na maganda ang ngiti nito. Subalit nawala ang pagkaaliw nya at napalitan ng galit ang ano mang nararamdaman nya ng may maalala. Hindi sya pwedeng humanga sa kagaya nito.


"Can you help me? I need to get those boxes inside the trunk." pukaw ng dalaga sa kanya. Sinundan nya ang itinuturo nito at nakita nya ang ilang kahon sa labas ng convinience store. 


"Ano ang mga iyon?" tanong niya.


"Please don't ask, just help me. Thank you in advance." nakangiting wika ng dalaga sa kanya.


Sinundan nya itong bumaba ng kotse at tinulungan ang ibang naroon upang mailagay sa trunk ng sasakyan ang mga kahon na hindi nya alam kung ano ang laman. He heard Devvine talking with someone on the phone saying that they are on their way to the place. Nabwisit na naman sya sa dalaga, sa isip-isip nya, saan na naman kaya at ano ang gagawin ng babaeng ito.


Nakabalik na sila sa sasakyan ay nasa isip pa din nya kung saan pupunta  ang dalaga. Hanggang sa sabihin nito ang direksyon. At ng makarating sila sa lugar na yon, hindi nya inaasahan na doon patungo ang dalaga. Nagkamali ba ng pinuntahan si Devvine o may sapi ito. Dahil sa kanilang harapan nakasulat ang pangalan ng lugar, "LITTLE ANGELS ORPHANAGE." Ang isang Devvine Castillanes, nagtungo sa isang bahay-ampunan at malamang mga pagkain at laruan ang laman ng mga kahon na iyon. Biglang napatingin si JP sa dalaga na maaliwalas na nakatanaw sa lugar. Panibagong karakter naman ngayon ang ipinapakita nito. Ano ano pa ang matutuklasan nya sa isang Devvince Castillanes?


"Let's go, my friends are waiting for us." yaya sa kanya ng dalaga.


Pababa na sana sya ng sasakyan ng hawakan nito ang kanyang braso. 


"Ahm, can I ask you a favor? " tanong nito. 


"Sige ano yun?"


"Please don't tell anyone even my parents about this." wika ng dalaga at bumaba na ito ng sasakyan.


Naguguluhan sya dito, so that means hindi alam ng Ninong at Ninang nya ang ginagawang ito ng dalaga. Wierdo talaga ito. Bumababa na sya at tinulungan na itong ibaba ang mga kahon. 

3 comments:

  1. bakit andito ang mga chiklet admirers ni baby devs? aylabet!

    ReplyDelete
  2. lav...ano man?? may perfect gun na ba para kay bodyguard jp???
    i cant wait to see him in action!!
    may tumblingan bang magaganap???
    pagsuotin mo ng vest si boduguard jp ha! baka madaplisan!!!

    ReplyDelete
  3. hahah..sya pala si bodyguard jp..hahha..

    i love your ff lav..:)

    ReplyDelete