Friday, 29 October 2010

CRAWL BACK TO LOVE CH. 1-2


CHAPTER 1


"Mommy, I'm so excited to live in the Philippines. Though I will surely miss the life here in US." wika ng 16 taong gulang na dalaga. Kasalukuyan silang nag-eempake ng mga gamit ng kanyang ina. Her parents told her that after 17 years of living in the States, they decided to return to their country.

"I know dear, you were born and raised here. Alam namin ng Dada mo na mahihirapan kang mag-adjust." her mother answered.

Kahit matagal na silang naninirahan sa ibang bansa at once a year lang umuwi ng Pilipinas, her parents see to it that she learn "Tagalog". She is not one of those Filipino American citizens who forgets about their own language.

"Pero come to think of it Mum, I will have all the time in the world to explore the wonders of the Philippines. Okay lang naman sa inyong maglakwatsa ako minsan diba?" wika nya at niyakap ang kanyang ina.

"Yes baby, and your Dada and I will be glad kapag nagkaroon ka agad ng mga kaibigan." May kumatok sa pinto at nakita nilang sumilip ang kanyang ama.

"Bakit nagda-dramahan kayong mag-ina dyan? What's the matter?" her father asked.

"Nothing Dada, I'm just asking Mum if I can go to the famous places in the Philippines."

"Sure princess pero dapat may kasama kang bodyguard." she rolled her eyes dahil umandar na naman ang pagiging "protector" ng kanyang ama. She knew about her parents love story. Ang lahat ng nangyari sa kanyang ina, ang ginawa ng kanyang ama at ang wagas na pagmamahalan ng mga ito. She is proud of her parents, Jaime Rob Palacios and Devvine Mae Castillanes-Palacios. Lalo na sa kanyang ina na kahit ubod ng yaman ang pamilya ay nanatiling mapagpakumbaba at piniling mamuhay ng simple sa America. Her grandparents are living in down town Los Angeles ilang oras lang mula sa bahay nila. 

"Princess, Bret is downstairs. He wants to talk to you, tutulungan ko ang Mum mo sa pageempake." her Dada said and winked at her. Lumabas sya sa kwarto ng may ngiti, kinikilig sya sa lambingan ng kanyang mga magulang. Napakaganda at gwapo pa din ng mga eto sa kabila ng nadagdag na edad. Saksi sya sa pagmamahalan ng mga ito sa isa't isa. She wants to have someone like her father, a man who can fight for her. 

"Hey Bret, how you doing?" she saw Bret sitting on the porch. He is a 19 year old, Filipino-American. Kaibigan nya since grade school at masasabi nyang ito ang best friend nya. Hindi man magkapareho ang edad nila ngunit they became the best pal in their place. Some of the neighbors said they should be together in the future,she just laughed and told them they are just best friends.

"Hello Devon, looks like all your bags are packed you're ready to go." kanta ni Bret na ikinatawa ni Devon. Her friend really loves music, he taught her how to play the guitar. She already knew how to play the piano because her Mommy wants her to learn Chopin, Beethoven, Debussy and more.

"Yes Bret, we are ready to go. We'll have an early flight tomorrow. I'm very excited to experience life in the Philippines. "

"The way I see it, yup,you're really excited. Nah, you're ecstatic." he said with a smile. "So you'll be celebrating your 17th birthday in the Philippines. I might as well tell you something before you go." Bret looked in Devon's eyes. "Will you find it in your heart to give us a chance to be more than friends?" diretsang wika ni Bret.

Natigilan si Devon, hindi nya akalaing may ibang pagtingin sa kanya ang kaibigan. Dahil para sa kanya, tanging pagtinging kaibigan at kuya ang nararamdaman nya para kay Bret.

"I don't know if your joking on me or something, but Bret" huminto sya sandali at hinarap ito. "I love you, yes, as a friend, as my brother."

"Devon, I've been meaning to tell you about this eversince you turned fifteen. You don't have to answer now, wait for me in the Philippines and I will prove to you what I'm saying."

"Bret, buddy, don't make this hard for me. I'm leaving, let's have a good farewell ok?" wika nya dahil nagsisimula na syang mailang dito. "Come on, give me a goodbye hug, I need to pack some of my stuffs so don't make any drama!"sinundan nya iyon ng tawa.

Ngumiti si Bret at ibinuka ang mga bisig upang mayakap sya. "Forgive me for telling you those words, but I just want you to know that I mean it. Take care Princess Devon, I will surely miss you." Gumanti sya ng yakap kay Bret at nagwika. 

"Me too Bret, I will surely miss you. You'll visit me in the Philippines right? It would be hard for me to adjust and gain new friends but I know, I can do it. Thank you Bret for being my friend, so lucky to have a friend like you."

Bret smiled at her and said his goodbye. She saw the sad look on his face and she is sad too because she will no longer see her bestfriend. But with the help of technology and the internet, they will have ways to communicate with each other. She decided to go back to the room to help her parents finish the packing. Tomorrow they will fly to the Philippines, tomorrow a new chapter of her life will be started. She will study and celebrate her 17th birthday in their own land.

CHAPTER 2

Nasa loob sila ng bakuran nila Patrick, kagagaling lang nila mula sa mga pinapasukan nilang Unibersidad. Kapag araw ng Biyernes ay nagkakasabay-sabay ang kanilang uwian. Tumipa siya sa gitara at nagsimulang kumanta.

"I'm I real, do the words I speak before you make it feel. That the love I lay for you would see no ending.. " awit ni James habang tumutugtog ng gitara. Pagdating sa chorus ng kanta, sabay sabay na nagsiawitan ang mga kaibigan nya.

"The world could die and everything may lie 

Still you shan't cry 'Cause time may pass 

But longer than it'll last I'll be by your side "


Feel na feel ng mga kaibigan nya ang pagkanta. Sina Ivan, Joe, Patrick at ang bestfriend nyang si Ryan ang mga ka-jamming nya. They all love music and at the age of 17 masasabi nyang pangarap nila pare-pareho ang maging sikat sa larangan ng musika. He loves music, he can dance too. Tulad nya si Ryan at Ivan ay marunong din tumugtog ng gitara habang sina Joe at Patrick naman ay magaling sumayaw. Kapag napagtripan nilang partymood sila, pumupunta sila sa garahe nila Ryan para magkalat. Pagkakalat ang tawag ng ate nya sa ginagawa nila, pero para sa kanila kasiyahan na yun. Wika nga ng Mommy ni Ivan, mabuting iyon ang hilig nila kaysa naman sa bisyo tulad ng ibang kabataan.  Natapos nila ang kanta at nagtawanan sa kanilang kalokohan.

"Woah, mga tol ayos na ayos yun ah. Galing mo talaga James, ikaw ang hari ng tipa!" wika ni Joe, sa kanilang magkakaibigan ito ang nakakapagpatawa sa kanila, Joe-ker ang tawag nila dito.

"Yup, dude, that's awesome!" wika ni Ivan, half Pinoy-half Canadian ito. Isang taon pa lamang nila itong nagiging kaibigan dahil bago lamang ang pamilya nito sa Village. Samantalang siya, sina Joe, Patrick at Ryan ay matagal ng magkakaibigan. 

"Oh mga anak, magmeryenda muna kayo." wika ng Mommy ni Patrick. Mabait ang ina ng kaibigan nya kahit lagi silang nakatambay sa bahay ng mga ito. Binibiro nga sila ng ate ni Pat na dun na sila tumira.

"Thank you Tita, " sabay-sabay nilang wika at sabay-sabay ding kumuha ng slice ng cake. Mahilig mag bake ang ina ni Patrick at lagi silang libre sa meryenda kapag naroon sila. 

*****

"Oh my God Mum, this place is awesome! Wow, you've chosen a nice community." naagaw ang kanilang pansin ng isang tinig ng babae. Napagawi ang kanilang tingin sa mga tao sa katapat na bahay nila Patrick. Sa exclusive village na tinitirahan ng kanyang kaibigan, masasabing mayaman ang mga bagong dating. 

"Glad you liked it here princess," wika ng lalaking nahinuha niyang ama ng dalaga.

"I like it? Nah Dada, I love it here." narinig nilang sagot ng dalaga. Nakatalikod ito sa direksyon nila at ang ama nito ang kanilang nakikita. Halata sa mga ito na may kaya sa buhay. Napasulyap sya sa mga kaibigan at nakitang nakatayo ang mga ito habang nagkandahaba ang leeg sa pagsilip sa mga bagong lipat. 

"Pare, you have a new neighbor." wika ni Ivan. 

"Tara mga tol, i-welcome natin sila at ng makilala yung chikababe. Feeling ko talaga maganda yun, likod palang seksi na." wika ni Joe.

"Iho, come on let's welcome them. " aya ng ina ni Patrick sa kanila. Ibinaba nila ang mga kinakain at naguunahang lumabas sa gate ang mga kaibigan nya. Hindi sya ang tipo ng tao na mahilig magpakilala pero sumunod na lamang sya sa mga ito.

"James, dapat nakasmile ka ha. Huwag sad face, panget ka sad face."nakangiting wika sa kanya ni Ryan at inakbayan sya. Si Ryan ang pinakabest friend nya sa lahat dahil kahit na isa itong Koreano, daig pa nito ang isang Pilipino dahil sa pagiging mabait nito at sa eagerness matutong magsalita ng tagalog.

"Hello there, good afternoon!" panimulang bati ni Mrs. Beth Sanchez ang ina ni Patrick. "We understand that you just moved in the Village, we would like to welcome you here."

Nilingon sila ng mag-asawa at nakahanda ang ngiti ng magandang ginang. "Hello, yup bagong lipat kami. We came from LA at salamat sa pagwelcome. " wika nito sa wikang tagalog.

"Yun naman pala Tita eh, nagtatagalog sila. Hello po, ako po si Joe," pakilala ng kaibigan nya.

"Ikaw talagang bata ka nanguna ka pa." sita ng Tita Beth nila kay Joe. "I'm Mrs. Beth Sanchez at katapat namin ang bahay nyo." itinuro ng ginang ang katapat na bahay.

"Oh that's lovely! I'm Mrs. Devvine Palacios but you can call me Dev and this is my husband JP."

"Nice meeting you Mr. and Mrs. Palacios, eto nga pala si Patrick ang aking anak." pakilala ng ina kay Patrick.

Tinawag ng ama ang dalagang busy sa paghahagilap sa loob ng sasakyan. "Devon, princess come here, we have new friends."

Lumapit ang dalaga sa kanila at kitang-kita nya ang pagkatulala ng mga kaibigan nya. "Hi, guys! I'm Devon" wika ng dalaga. Nakangiti ito sa kanila at isa-isa silang tinignan.

"Devon, ang ganda ng name mo. I'm Joe!" kinamayan nito si Joe at gumanti ng bati.

"I'm Lyan, R-y-a-n, Lyan. Chuvachuchu na kita." pakilala naman ni Ryan.

"Haha, what's chuvachuchu Lyan?" nakangiting tanong ni Devon. "Nothing, don't mind him. I'm Ivan." seryosong pakilala naman ni Ivan.  Inilahad nito ang kamay sa dalaga at matamang tinitigan ito. 

"Hey buddy, let go of her hand, its James' turn" narinig nyang wika ni Patrick. Napakamot sa ulo si Ivan at binitiwan ang kamay ng dalaga.

"Ahm, Devon this is James the musician" pakilala ni Patrick sa kanya. Devon looked at him and he was caught off guard by the beauty in front of him. Her beauty is extra-ordinary, her dark skin - stand out. Her smile is exceptional. And he found her bangs cute, in short sa kabuuan napakaganda ng dalaga. 

"Hello James," narinig nyang wika ng dalaga. Nakita nyang nakalahad ang kamay nito, napahiya sya sa sarili dahil nahuli sya ng mga kasama na nakatitig sa dalaga. Tinanggap nya ang kamay ng dalaga at tinignan itong muli. Nakangiti ito sa kanya at parang gusto nyang kumanta ng :

"Then I saw her face, now I'm a believer. Not a trace, of doubt in my mind. I'm inlove now I'm a believer.." napangiti sya sa naisip at nakaramdam ng sakit sa tagiliran. Siniko pala sya ni Joe dahil matagal na nyang hawak ang kamay ni Devon. 

"I'm sorry," hinging paumanhin nya at binitawan na ang kamay ng dalaga. "Nice meeting you Devon, ako si James." muling pakilala nya sa sarili. Kiming ngumiti ang dalaga sa kanya at nakita nyang namumula ang pisngi nito. Hinarap nito ang kanyang mga kaibigan at nagwika. 

"It was nice meeting you all guys, I'm so happy that I met new friends." wika ng dalaga at inalayan na naman sila ng nakakamamatay na ngiti nito.

"Hindi na namin kayo iistorbohin, Mrs. Palacios," paalam ng ina ni Patrick. "If you need help, andoon lang kami sa katapat na bahay. "

"Thank you Beth, nice meeting you din. So pano, ipapasok muna namin tong mga gamit. "

"Sure, babalik na kami sa bahay, boys magpaalam na kayo sa kanila. " utos nito sa kanila.

"Bye Sir, Mam" naunang wika ni Pat na sinundan naman nila. Nagpaalam ang mag-asawa sa kanila. Sabay-sabay silang nagpaalam kay Devon "Bye Devon". Kumaway ang dalaga sa kanila bago ito pumasok sa bahay.

Naghahampasan ang kanyang mga kaibigan habang pabalik sa bahay ni Pat. "Bagay kami diba? Parehas kami ng kulay." wika ni Joe.

"Ambisyoso ka, mas bagay kami. Lilly, she's pretty ako gwapo." wika naman ni Ryan at sinuntok ng mahina si Joe sa braso.

"No dude, we are bagay. We can understand each other. Hahaha" pagmamalaki naman ni Ivan.

"Oi kayo dyan, hindi nyo gayahin si James tahimik lang oh." wika naman ng ina ni Patrick. Nangingiti lamang sya sa gawi ng mga kaibigan nya. Sino nga ba ang hindi mabibihag sa magandang dalaga. Napapikit sya at nakaukit sa kanyang diwa ang matamis na ngiti ni Devon.

Kinuha nyang muli ang gitara at nagsimulang tumipa. Napatingin sa kanya ang  mga kaibigan at nagsimulang tambulin ni Ryan ang mesa. 
"I wanna be a billionaire so freaking bad,
 Buy all of the things I never had

Uh, I wanna be on the cover of Forbes magazine

Smiling next to Oprah and the Queen"


Oh every time I close my eyes

I see my name in shining lights

A different city every night oh
I swear the world better prepare
For when I’m a billionaire


Nagtawanan sila matapos ang kanta. Alam talaga nila ang takbo ng utak ng bawat isa. At alam niya na may mga nagka-crush kay Devon. At isa na sya doon, napakanta tuloy sya ng Billionaire dahil mayaman ang babae kahit abot kamay nya ito, malabong maging malapit silang dalawa.





5 comments:

  1. ayyy bitin,.,.,.,.

    pero kinilig ako sa story

    ReplyDelete
  2. lav, ive been waiting for this!!ang cute!!

    ReplyDelete
  3. ang cute naman continuation pla nung una..

    ReplyDelete
  4. Dear ate Joan Mercy... eto ulit ako oohh.. hahaha... i love the first chapter.. ang una kong reaksyon.. waaaahhh.. mayaman si devon dito at galing US.. pasensya naman nauna kong nabasa eto kesasa if only mo.. sequel pala etooo..

    -nagmamahal Zha @zhamae24 sa twitter zha24 sa pex

    ReplyDelete
  5. at nga pala pahabol.. di ko feel dito si Bret at Devon.. nyahahha

    -nagmamahal Zha @zhamae24 sa twitter zha24 sa pex

    ReplyDelete