CHAPTER 29
"S**t! S**t!!!" napamura si JP. Nawawala si Devvine. Napakarami nyang iniisip at nakadagdag pa ang pagkawala ng dalaga. Kanina ng makatanggap sya ng tawag mula kay Maris na tinakasan sila nito, nagsimula na syang kabahan. Maging ang mga magulang ng dalaga ay nag-aalala na ng lubusan. Nagpadala na sya ng backup at medical assistance sa mansion. Nakausap nya ang ama ni Devvine at tinanggap nya ang galit nito. He understood the outburst of a worried father and he promised him that they will do everything para mahanap at mailigtas si Devvine.
Umalis lamang sya at ipinagkatiwala sa iba ang dalaga, ganito na ang nangyari. Galing siya sa interrogation. Nahuli nila ang isang nakatakas na kumidnap kay Devvine noon. Hindi sila tumigil hangga't hindi nila iyon napakanta. Maraming impormasyon silang nakalap muli dito at ikinagulat nya ang nalaman, ang lahat ng pananakot ay planado ng iiisang tao. Isang taong hindi nya akalaing makakagawa ng ganon. At mula sa lalaki, nalaman din nila kung saan ang hide-out ng mga ito. Napagdesisyunan nilang ilihim muna sa iba na alam na nila ang hideout ng mga kidnappers. Mas makakabuti na yon upang hindi mabulilyaso ang rescue operation nila. May dalawang tao na ipinadala upang magmatyag sa lugar at kanina nakompirma nga na nandoon ang grupo ni Elmo.
"Damn you Elmo!"
Naalala nya ang inosenteng mukha ni Elmo at sumulak ang galit nya. Ayon sa nahuli nila, si Elmo ang pasimuno sa lahat ng pananakot kay Devvine, si Elmo din ang nag-utos na tanggalan ng preno ang sasakyan nya. Dahil sa pagpapahirap nila dito inaamin din nito ang plano na kidnappin si Devvine. Naghihintay lamang ang mga ito ng tamang pagkakataon na maisagawa ang mga plano.
At ngayong nakakita ang mga ito ng pagkakataon, nasisiguro siyang hawak na ni Elmo si Devvine. Nagalit sya kina Jim and Maris dahil pinabayaan ng mga ito ang dalaga. Ngunit mas lalo syang nagalit ng malaman kung sino ang huling kausap ni Devvine.
Sakay ng motorsiklo patungo siya sa bahay ng taong labis na kinamumuhian nya. Nalaman nya mula kina Maris at Jim ang naabutang eksena ng mga ito.
Bago nya tuluyang asikasuhin ang kaso ni Devvine ay makikipagtuos muna sya kay Vanne. He don't want to be called "ungentleman", pero kailangan nyang kausapin ang babae. Bumaba sya sa motorsiklo at pinindot ang doorbell ng paulit-ulit.
"I'm coming, stop buzzing!" narinig nyang wika ni Vanne mula sa loob. Binuksan nito ang pinto at nakita nya agn gulat na rumehistro sa mukha nito. Anger is evident on his face and he can't contain his rage.
Pumasok sya sa bahay nito at hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga.
"Anong ginawa mo kay Devvine, ano!" galit na wika nya.
"What are you talking about?"
"Wag ka ng magmaang-maangan Vanne! Alam mo bang nawawala si Devvine ngayon, alam mo ba yun" diniinan nya ang balikat ng babae wala syang pakelam kahit masaktan ito.
"Ano ba JP nasasaktan ako! Let me go!"
"Now tell me, ano ang ginawa o sinabi mo kay Devvine?"
Tinitigan ni Vanne si JP at nakita nito ang balasik sa mga mata nya. He can see that the woman is afraid kaya nasisiguro nyang sasabihin nito sa kanya ang lahat.
"Sabihin mo ang nangyari Vanne, I have nothing to lose. "
Tinanggal nito ang kanyang mga kamay sa balikat nito at lumakad papunta sa sala. Kinuha nito ang MP3 player at pinindot ang play button. Binalot ng kanyang tinig at ni Mr. Castillanes ang lugar. Naririnig nya ang usapan nilang dalawa noong nakaraang araw sa loob ng hospital suite nya. Ang paglabas ng mga lihim nila ni Mr. Castillanes, ang pagtubos nito sa kumpanya ng kanyang ama kapalit ng paglapit kay Devvine. Lahat ng iyon ay nalaman ng dalaga dahil sa taong ito.
"I'm sorry JP, pabalik ako sa room mo dahil may nakalimutan akong sabihin sayo. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nyo."
"Hindi mo sinasadya? Pero bakit ine-record mo?!" nakatiim-bagang na wika nya. "Bakit?"
"Dahil gusto kong bumalik ka sakin,:" lumuluhang wika ni Vanne "Dahil gusto kong layuan ka ni Devvine at bumalik ka na sa akin. Kailangan kita JP,"
Hinarap nyang muli ang babae "Hinding-hindi na ako magiging iyo Marianne Vanessa, hinding-hindi na." tinalikuran nya ang babae
"JP, please..."
Muli niyang nilingon ang babae, "I won't forgive you if something bad happens to Devvine, hinding-hindi na kita makakayang patawarin pa." tuluyan na nyang nilisan ang babae. Iniwan nya itong lumuluha, hindi nya akalain magagawa nito ang ganon upang makuha lamang ang gusto nito.
Pasakay na sya ng motorsiklo ng tumunog ang cellphone nya. "Hello" bungad nya
"Iho, tumawag na sila at nagde-demand na makausap ka." wika ng tinig ni Mr. Castillanes.
"Pabalik na ko jan Mr. Castillanes" pinatakbo na nya ang motorsiklo.
Habang nasa daan ay inulit-ulit nya sa isipan ang mga impormasyong nakalap nila. Si Elmo ay kapatid ni Romeo Canlas sa ina, isa sa mga lalaking unang kumidnap kay Devvine. The man whom he killed with a clean shot. Ayon sa witness nila, ginawa ng lalaking maplano ang lahat, ang hanapin ang dating kasamahan ng kuya nito at magplano ng lahat ng pananakot. He cannot believe how an innocent looking boy can do such things. Revenge, yun lamang ang tanging alam nyang dahilan. Siguradong nasaktan si Devvine ng malaman ang pagtra-traydor ng kaibigan nito.
"Hintayin mo ko love, ? Oh God please, don't let anything happen to her."he uttered a short prayer. He is not the type of person who prays regularly but this time, he will. His ability or their ability is not enough, they need guidance from the Creator, he thought.
Malapit na sya sa mansion ng mga Castillanes, nakakalat pa rin sa lugar ang mga mobile cars at ginamit na din ni Mr. Castillanes ang lahat ng koneksyon nito. Dumating ang Chief ng PNP upang tulungan silang ma-rescue si Devvine. But they need to know first the demands of the kidnappers. Papasok na sya sa mansion ng salubungin sya ni Jim at Maris kasama ang pinsang sundalo ni Devvine na si Ivander na bumalik ng Manila para sa kaso ng pinsan. Tanging ang mga ito, sina Jim, Maris at Ivander at ang Chief ng PNP ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon. Tatawag mamaya si Elmo at nasisiguro nyang makakatunog ito kapag ipinaalam nya sa lahat na may mga tao na sa lokasyon ng mga kidnappers.
"JP,tatawag daw ulit at kakausapin ka. Kamusta na kaya si Devvine?." wika ni Maris. Buntong-hininga lamang ang naisagot nya sa babae.
"Kamusta dito? Wala bang kakaibang nangyari?" tanong niya.
"Nothing serious naman, the cops are all over the place so the family is safe here." sagot sa kanya ni Ivander.
Tinahak nila ang daan sa sala kung saan naroon ang ibang kapulisan, detectives at ang ama ng dalaga. Ayon kay Maris, kinailangang turukan ng pampakalma at patulugin ang ina ni Devvine dahil nag-hysteria ito kanina.
Napatayo si Mr. Castillanes pagkakita kay JP. Ang mga mata ng naroon ay natuon sa kanya.
"JP where have you been? He is looking for you, demanded to have a word with you." wika ng matanda.
"Palacios, kapag tumawag ulit ang mga kidnappers, do your best para mapahaba ang usapan. We will trace their location at pag-alam na natin, we will take further actions" bilin sa kanya ni Chief Angeles, sinenyasan siya nito na tumango na lamang.
Tango lamang ang naisagot nya dito dahil napuno ng tensyon ang lugar.Tumunog ang telepono at sa hudyat ng isang lalaki ay sinagot ni JP ang tawag.
"Hello."
"So you're there at last." wika ng lalaki sa kabilang linya.
"Asan si Devvine, huwag na huwag kang magkakamaling kantiin siya. Sa impyerno kayo magkikita ng kuya mo!"
"Alam mo na pala ang relasyon ko sa taong pinatay mo Palacios, at tatapusin ko ang sinimulan nya"
"Ano ang demand nyo?" tanong ni JP.
"Glad you asked, P500 Million at ikaw JP. Ikaw mismo ang magdadala sa pera, walang iba. Walang mga pulis at lalong lalo ng wala kang dalang baril." sandaling huminto si Elmo. "Kapag isa sa mga bilin ko ay hindi nasunod, wala ng Devvine na babalik sa inyo."
"Hayop ka, huwag na huwag mo syang sasaktan. Papatayin kita!" galit na wika ni JP.
"Kaya bilisan nyo, sasabihin ko sayo ang lugar at oras bukas. Hintayin mo ang tawag ko, hindi ako tanga Palacios, alam kong may nakakarinig ng usapang ito."
Napatingin si JP sa mga tao sa paligid, tama si Elmo rinig sa buong bahay ang tinig nito.
"Masama akong magalit Palacios, sundin mo lahat ng sinabi ko. Tsk tsk.. baka hindi ko na mapigilan ang mga kasama kong tikman ang mahal mo."narinig pa niya ang nakakalokong tawa ni Elmo bago nito tuluyang pinatay ang linya.
He is in rage, galit na galit sya sa lalaking yun. Nangako sya sa sariling oras na makaharap nya ito, mayroon man syang baril man o wala - gagawin nya ang lahat para mailigtas si Devvine mula dito. Oras na sumapit ang madaling araw, e-de deploy na ang mga units para i-rescue si Devvine. Tulad ng gusto ni Elmo, sya ang magdadala sa sarili nya, ngunit walang kasamang P500 Milyon. Hindi pa alam ng grupo nito na nahuli ang isa sa mga kasamahan. Wala lang papalpak sa mga napag-usapan nilang strategies, magiging maayos ang rescue operation.
***
She woke up with a headache, unti-unti nyang idinilat ang mga mata. Akala nya isang panaginip lamang ang naganap kanina, ngunit napatunayan nyang hindi. Nasa isang mabahong lugar sya at napapalibutan ng mga armadong kalalakihan. Nakaupo sya sa isang kahoy na upuan at naramdaman nyang nananakit ang mga braso at paa nya dahil sa pagkakatali. Iginala nya ang kanyang paningin sa lugar. Tanging iisang mukha lamang ang kilala nya sa mga kalalakihang nakatunghay sa kanya. Si Elmo, ang akala nya ay kaibigan nya.
"What have I done to deserve this from you Elmo?" lumuluhang tanong nya dito. Nilapitan sya ng lalaki at itinaas ang kanyang mukha.
"Ikaw, hmmm wala pero ang magaling mong nobyo malaki. Pero dahil ikaw ang susi at ang aming alas, we need you here princess"
"Please let me go Elmo, I'm sure Papa will give you money." nagmamakaawang wika nya.
"I know marami kayong pera prettyhead, pero hindi sapat yun." tumayo ito at hinarap ang mga kasamahan."Kayo diyan para kayong mga hayop na naglalaway, huwag na huwag nyong pagtatangkaan ito," itinuro sya ng lalaki. "dahil akin yan." nakakalokong ngumiti sa kanya ang lalaki habang hinahagod ang kanyang kabuuan.
Lalong nahintakutan si Devvine sa nakitang pagnanasa sa mukha ni Elmo. Malayong-malayo sa Elmong nakilala nya dati. Nasaan na ang mga magliligtas sa kanya? Nasaan na si JP? Si JP nga ba ang magliligtas sa kanya? Isasantabi muna nya ang lahat ng nangyari at mananalangin na mailigtas sya mula sa kamay ng mga masasamang tao na dumukot sa kanya.
my gawddddddddd kawawa naman c devinne
ReplyDeletewhaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh..
ReplyDelete