Monday, 4 October 2010

IF ONLY BOOK TWO CHAPTERS 14-15

CHAPTER 14 


Nakabalik na ng Manila sina JP at Devvine, they decided to talk with her parents para ipaalam ang relasyon nila and to her surprise her parents didn't argue with her especially her Dad. Tinanggap ng mga ito ng maluwag ang relasyon nya kay JP and without quetions asked, her father welcomed him in their family. Masaya si Devvine dahil walang magiging problema sa kanyang pamilya at mas lalo syang masaya dahil sa unang pagkakataon, natuto syang umibig at handa nyang gawin ang lahat maging masaya lamang si JP sa piling nya. Dahil ayaw nyang isara muli nito ang puso na katulad ng nangyari sa nakaraan nito. Naalala nya ang huli nilang pag-uusap bago sila lumuwas ng Maynila, kasalukuyan silang nagkakape ng madaling araw na yun. Napabalik sya sa nakaraan.

****

Maagang gumising si Devvine ng araw na yun, 5 ng umaga sila aalis kaya naisipan nyang ayain munang mag-almusal si JP. Ipinagtimpla nya ito ng kape, bagay na hindi nya pa ginagawa sa iba tanging sa ama lamang nya. Nakita nya itong pababa ng hagdan at sinalubong nya ito ng may ngiti sa labi.

"Good morning, here.." bati nya dito sabay abot ng tasa ng kape.

"Wow, special coffee na gawa ng kamahalan, ako ay hindi makapaniwala. Naiinom ba to?" pagbibiro ni JP. Inirapan lamang ni Devvine ang lalaki at hinintay itong inumin ang kape.

"Hmm, I think you made a really good coffee, may future ka sa pagtitimpla ng kape."natatawang wika ng binata.

"Thank you, I'm glad you're smiling again." seryosong sagot ni Devvine. Nagtaas ng tingin si JP at sinalubong ang titig ni Devvine. Nabalot ng katahimikan ang paligid, tanging tunog lamang ng hampas ng alon ang maririning at ang pintig ng kanilang mga puso. Ibinaba ni JP ang tasa ng kape at niyakap sya. 

"Thank you for letting me experience this again, you gave me reason to trust any woman again. Salamat Devvine, aking kamahalan." and as he finished what he's saying, his lips descended on hers. They shared sweet kisses in the early morning as the waves continue to kiss the shore. But Devvine broke the kiss because she wanted to ask JP a question that has been bothering her since last night.

"What if she comes back?" she asked while looking into his eyes.  Nakita nya ang pagtiim-bagang ni JP at matagal din ang sandaling lumipas bago ito sumagot. He heaved a sigh and answered her.

"Wala na syang babalikan."  matipid na sagot nito. "Kung tapos ka na umalis na tayo para hindi tayo maabutan ng traffic." pahabol nito at iniwan si Devvine sa lugar na yon.

"Wala na syang babalikan," ulit ni Devvine sa sinabi ni JP, "dahil hindi naman ako papayag na bumalik ka dun."sagot nya sa kanyang sarili. 

******

"Hey," wika ng isang tinig na nakapagpabalik kay Devvine sa kasalukuyan. It's Elmo, at makulit pa din ito hanggang ngayon. Nasa Campus sya ng araw na yun at malapit na nyang matapos ang kolehiyo. Natutuwa ang kanyang ama dahil may inspirasyon daw sya.   At dalawang linggo mula ng makabalik sila mula Batangas, maayos naman ang kanilang relasyon.

 Hinihintay nyang dumating ang kanyang sundo na si Manong dahil wala si JP upang sunduin sya. Isang linggong mawawala ang lalaki dahil mayron itong out of town assignment. Doon sya naabutan ni Elmo.

"Hey Elmo how are you?" tanong niya dito

"I'm fine. Care for a cup of coffee?"aya nito sa kanya.

"No thanks, I'm waiting for my driver."

"Er, about the ." hinto nito at napakamot pa sa batok" about my invitation? Pwede mo bang pagbigyan?"

Hanggang ngayon ay kinukulit pa din sya nito sa dinner date na matagal na nitong hinihiling sa kanya kahit na nakikita nitong sinusundo sya ni JP sa Campus.

"I thought I made it clear na sayo Elmo, we are friends right? And  I already have a boyfriend,hindi magandang nakikipagdate pa ko sa iba." litanya ni Devvine sa lalaki.

"Whoa, so you really changed na talaga? You must be very serious this time, and " sadyang pinutol nito ang sasabihin.

"And what?"

"And you look like a woman in love. Well, I guess I will say goodbye to that dinner date. You won't let me have dinner with you even if its just a friendly date?" pahabol pang tanong ni Elmo.

"Hmm, friendly date, let me think. Maybe, pero I will tell JP first. "

"Ok. That would be fine with me. And if you need a friend, just call me. You know, you are special to me Devvine. " seryosong wika ni Elmo. "I better go now, see yo tomorrow. Bye and take care prettyhead." paalam na ng lalaki.

Nakaalis na si Elmo ng maisipang tawagan ni Devvine si Manong, bakit kaya nagtagal ito. Parating na daw ang matanda medyo naipit lang sa trapiko. Nagpasya syang umupo muna sa isang bench sa lugar na yun ng makatanggap sya ng tawag. Unfamiliar ang numero ng tumatawag naisip nyang si JP iyon kaya naman sinagot nya.

"Hello"

"Devvine, I'm here watching you. Can we talk, is it okey if I go to you." wika ng tinig.

"Who's this?" tanong nya dito ngunit dial tone na lang ang narining nya mula sa kabilang linya.

"It's me," wika ng tinig na nakapagpagulat kay Devvine.

"Holy macaroni!", naisatinig ni Devvine. "Are you trying to give me a heart attack?" galit na wika ni Devvine at nilingon ang lalaking nagsalita. 

"Who do you think you..." naputol ang sasabihin ng dalaga ng makita kung sino ang lalaki.

"Hi, Vinney.. "


CHAPTER 15


"Patrick!" Is that you?" bulalas ni Devvine ng makita ang lalaki, it's Patrick ang kanyang ex-bestfriend turned ex-boyfriend. Si Patrick ang pinakamatagal nyang nakarelasyon noon, dahil nagsimula sila sa pagiging magkaibigan subalit naduwag itong ipaglaban sya, mas pinili nitong lumayo at limutin sya. Wala na syang hinanakit dito dahil simula ng maghiwalay sila, naintindihan nyang hindi naman totoong pagmamahal na para sa lalaki ang ibinigay nya dito, tanging pagmamahal na para sa kapatid lamang at kaibigan. 

"Yes Vinney its me. Long time no see ha."

"How did you know I'm here?" naguguluhang wika ni Devvine. Paano nitong nalaman ang lugar na kinaroonan nya gayong matagal silang hindi nagkita at nagbalitaan.

"I asked some of your friends, they told me that you're studying here and they gave me your number as well. Please don't get mad at them. I just want to see you."

"Oh I see, next time wag mo kong ginugulat. How have you been?" tanong niya dito.

"I'm fine, had a lot of opportunities so I grabbed all. Now I can say that I am worthy to be your partner na."seryosong wika ng lalaki at tumingin ng diretso kay Devvine.

Nailang ang dalaga sa tingin ni Patrick dahil pakiramdam nya merong kakaiba dito. Parang nadagdagan ang ere nito sa katawan nawala na ang pagiging humble nito. At hindi nya nagustuhan ang sinabi nito na para bang hinihintay nyang bumalik ito.

"Excuse me Patrick but I think even if you are a rich man now, you won't still be worthy to be my "partner" because I am very much taken and I am happy with him. " inis na wika ni Devvine.

"I know about that Vinney, and I promised myself, there will come a time na maibabalik natin ang hindi natin natapos. I know I was a coward before, but believe me you've been my inspiration to achieve everything I have now.."

"Well I guess, just go on with your life and.. oh there's Manong, I need to go. Nice seeing you again, Patrick." paalam na nya sa lalaki at mabilis na tinalikuran ito. Ayaw nya na itong kausap, oo magkaibigan sila dati ngunit dahil sa kaduwagan nito kinalimutan nya na din maging ang pagkakaibigan nila.

"I will do everything Devvine to be your friend again, or more than that. " pahabol pa ng lalaki sa kanya. 

"In your dreams Patrick, in your dreams." nakasimangot na wika ni Devvine. Nami-miss nya na si JP, sa araw na yun dalawang lalaki ang kumulit sa kanya ngunit pag kasama nya ang nobyo, walang kahit sino man ang makalapit sa kanya. She decided to call him while inside the car but to no avail, his mobile phone is out of coverage area. Nagpadala na lamang sya ng mensahe dito, ilang araw pa ang hihintayin nya pagbalik ni JP sa Manila.

*****

"Aba at wala ang iyong alalay mahal na prinsesa, may pagkakataon na ko. Pero mas magandang andito ang iyong magaling na tagapagligtas." nakatanaw sya sa papalayong kotse ni Devvine Castillanes. Hinanap nya  ang ibang kasamahan ng kuya nya sa grupong iyon. Sinabi nya sa mga ito ang kanyang plano at lahat ay sumang-ayon. 

"Antayin mo ang regalo ko bukas Devvine, para lang sayo."

Gagawin niya ito para sa kanyang ina at para na rin sa kanyang kapatid. Si Devvine ang magiging susi upang pagbayarin ang taong pumatay sa kuya nya. Magkakapera na sila, maipaghihiganti pa nya ang kapatid.

"Konting tiis nalang at magtatagumpay din kami kuya, ako ang tatapos sa sinimulan mo." nakatingalang wika nya. Para sa kanyang kapatid at ina, alam na nya ang kanyang gagawin. 

2 comments:

  1. oh...si pat ang kontrabida?what?????


    nandito na lahat..lol..asan si ivan?hehe

    ReplyDelete
  2. hala. xa ata ung gustong kumidnap ky dev? pero nahuli n un. haixt..

    ReplyDelete