Thursday, 21 October 2010

IF ONLY BOOK 2 CHAPTER 30


CHAPTER 30



Nakatanggap ng tawag si JP,the scene is clear. Tahimik na daw sa paligid ng lumang talyer kung saan nag kakampo ang grupo ni Elmo. Ayon sa dalawang nakabantay mayroong anim na kasama si Elmo, ang dalawa ay nakabantay sa likod at harap ng talyer. Sumatotal pitong katao na pawang mga armado ang kailangan nilang harapin. 

1:00 a.m.

Nasa loob sila ng isang itim na van, dalawang kanto ang layo mula sa lumang talyer. Dahil impluwensya ng pamilya Castillanes, high end ang mga gamit nila. Ang van ay hindi ordinaryong sasayan, sa loob niyon ay mag pahabang mesa kung saan nakalatag ang blue print ng lugar. Yun lamang ang hinihintay nila upang maisagawa na ang rescue operation. 

They are studying each and every curve, dead ends, at mga posibleng lusutan ng mga kidnappers. Mayroon ding LCD monitor sa mesa, mga headphones at isang laptop. Kausap nila gamit ang video call sina Jim, dalawang miyembro ng SWAT at ang dalawang special agents na nauna ng nagtungo sa lugar. Nakapwesto ang mga ito sa kabilang bahagi ng lugar, dalawang kanto matapos ang talyer. Siya, si Maris, si Ivander at tatlong pulis ang magkakasama.

"Konting ayos na lang dito sa gadget at ayos na ang huling bahagi ng plano." wika ni Jim sa kabilang linya.

"Make sure all of you are wearing your vest, at laging ikabit ang mga earphones. Kamusta ang ibang units?" tanong ni Chief Angeles kay JP.

"Lahat ay naka stand by Sir, the last time I checked, all are in their proper positions. Alam na nila kung kelan sila dapat pumasok."

"Thats good" humarap ito sa monitor "Kamusta ang development ng "eye"?" tanong nito.

Isang lalaking matangkad at moreno ang pumalit sa pwesto ni Jim sa harap ng monitor. 

"Sir" sumaludo ito kay Chief Angeles "Agent Night reporting, the "eye" is now functioning." wika nito habang nagta-type sa katabing laptop. "Palacios, turn on the laptop and do as I say."

Sinunod niya ang mga sinabi nito, binuksan ang laptop, at in-encode ang mga salita at numerong sinabi nito. 

"Then hit "activate", hintayin mong lumabas ang word na activated and voila" patuloy ni Agent Night.

Nagawang lagyan ni Night ng hidden camera ang isa sa mga butas sa talyer ng hindi ito namamalayan. He can be the night, the darkness kaya ang bansag dito ay "Night". Habang ang isa pang special agent ay si Agent Wind, sing bilis ng hangin at matalas ang isip. Kabaligtaran naman ito ni Night dahil sa maputi at medyo maliit itong lalaki. Ngunit si Wind ay isa sa mga sharp-shooter sa Task Force na kinabibilangan ng dalawa.

Matapos pindutin ni JP ang "activate" button at lumabas ang "activated" sa monitor ng laptop, agad nilang nakita ang loob ng talyer. 

"You can see the whole place, gamitin mo ang arrow keys to navigate the whole place." narinig niyang wika ni Night.

Sinunod nya ang sinabi nito. He surveyed the whole place, may isang lalaking nakabantay sa gate ng talyer, ang isa ay nasa likod. Pinindot nya ang left arrow at nakita nyang natutulog ang dalawang lalaki habang nakataas ang mga paa nito sa mesa. Nang sa kanan naman ang pindutin ni JP, nakita nya ang hinahanap nya. Si Devvine na nakatali ang kamay at paa habag nakaupo sa isang kahoy na upuan. Umaahon na naman ang galit sa kanyang pagkatao ng makita ang kaawa-awang itsura ng dalaga. Hindi napigilan ni Maris ang mapasinghap at mausal ang pangalan ni Devvine. At sa tabi ni Devvine naroon ang lalaking isinumpa nya ng paulit-ulit. Gising ito at nakatunghay lamang sa natutulog na si Devvine. Nakita nilang nilapitan ito ng dalawa pang lalaki at may sinabi ang mga ito. Narinig nilang nagpaalam ang mga itong iidlip muna. Tango lamang ang isinagot ni Elmo sa mga ito.

Nagpupuyos ang kalooban ni JP. Elmo is touching Devvine's face while saying "Kung ako na lang ang minahal mo noong una pa lang sana hindi mo na dinadanas lahat ng ito." 

Tumalikod si JP sa mga kasama, kailangan nyang mailabas ang galit na nararamdaman nya ngunit hindi tamang masira ang konsentrasyon niya. Mas mahalagang mailigtas si Devvine


"Palacios, ngayong alam na natin ang lokasyon ng bawat isa, it's time to plan our final action." basag ni Chief Angeles sa katahimikan. "At 1:55, Operation Heiress will take place. Do you copy everyone?" muling tanong ni Chief.

Sabay sabay na narinig ang "Sir Yes, Sir mula sa grupo nila JP at sa grupo nila Jim sa kabilang linya. All is settled, tanging oras na lamang ang hinihintay nila. "Devvine love, here I come."

****

2:00 a.m.

Nagising si Devvine dahil naramdaman nyang may nakatunghay sa kanya. Nagmulat sya ng mata at nakita nya si Elmo.Agad na inilayo nya ang mukha nya dito dahil animo hahalikan sya. 

"Ang arte mo naman, mamamatay ka rin naman bakit di ka pa pumayag na halikan ko?" nakakalokong wika nito sa kanya.

"I rather die than to be kissed by you."

"Kung gugustuhin ko Devvine kanina ko pa nagawa yun sayo. Wala kang kalaban-laban, mahina ka."

"Demonyo ka talaga!" galit na wika nya.

"Talagang ginagalit mo kong babae ka" hinugot nito ang baril at itinutok sa pisngi nya "sayang naman ang mukha mo at katawan kung lupa lang ang makikinabang sayo."

"Please Elmo, don't!" sigaw ni Devvine ng itayo sya nito sa upuan. 

"Kahit sumigaw ka walang makakarinig sayo, mamaya magsasama kayo ng JP mo sa hukay na nakahanda para sa inyo." itinulak sya nito, dahilan upang mapahiga sya. Nawalan sya ng balanse dahil nakatali pa rin ang kamay at paa nya. She wanted to punch or kick him pero anong magagawa nya. Dinaluhong sya nito at hinalikan sa leeg habang patuloy syang nagpupumiglas.

"No, Elmo please, maawa ka.. Huwag!!!" patuloy na pagmamakaawa nya habang lumuluha. Akmang huhubaran na sya nito ng may marinig silang kalabog na galing sa likod. 

Tumayo si Elmo at ginising ang kasamahan. "Hoy kayo, tignan nyo kung anong nangyari sa likod. Kadyo, doon ka sa harapan samahan mo si Baldo." utos nito sa isa. "At ikaw, pasalamat ka at kailangang tignan kung ano yun, if not, you could have been mine at this very moment." wika nito sa kanya.

Devvine sighed and uttered a short prayer. Ano kaya ang nangyayari sa paligid nya. Nabuhayan sya ng pag-asa ng maisip na baka may dumating upang tulungan sya. Until she heard a gun shot.


****

Operation Heiress is now on going, malinis nilang napalibutan ang lugar. Sa tulong ni Night at Wind ang mga bantay sa likod at labas ay nagawa na nilang patumbahin. Pulido at tahimik ang bawat kilos nila, ang lahat ay nakapwesto na. May mga ibang naiwan sa van upang magbigay ng karagdagang ulat sa mga nagaganap sa paligid. Kasama sya sa grupo na nasa likod na bahagi ng talyer, si Marisa, Jim, Ivander at isa pang miyembro ng SWAT ang nasa harapan.  Akmang papasukin na nila ang likod na bahagi ng umalingawngaw ang putok  sa paligid.

Narinig nya sa kanyang earphone na sumigaw si Maris. "Jim, Oh my God, Jim!" hysterical na wika ni Maris. 

"Yosoy anong nangyari, come in Yosoy." wika ni Chief Angeles.

"One man down Chief, Santos is down." narinig nilang wika ng isang tinig.

"Sh*t!" napamura si JP. Anong nangyari bakit nabaril si Jim. "All units come in, prepare for deploying. Delta one come in.." narinig ni JP na utos ni Chief. 

Sinenyasan nya ang mga kasamang mag-ingat. Isa pang putok ng baril,at isa pa. Napuno ang paligid ng palitan ng mga putok. "Two of their man down" inporma ng isang kasamahan.

"Good, now move team. 


***

"Damn it!" bulyaw ni Elmo. Bakit natunton ng mga ito ang hideout nila. Masyado syang nakapante. Hindi nya naisip na maaaring matunton siya. "Kayo, barilin nyo lahat ng makikita sa paligid!" utos nya sa mga ito.

Lumakad sya patungo kay Devvine. Hinding-hindi sya makakanti kung hawak nya ang babae. "Halika dito," hinatak nya patayo ang babae.

"Ano ba nasasaktan ako."

"Tumahimik ka baka tuluyan na kita Devvine." itinutok nya rito ang baril.

Magkamatayan man, isasama nya sa impyerno ang isa kina Devvine at JP.

Hinding hindi sya basta susuko, habang hawak nya si Devvine malaki ang tsansa nya. 

"They are coming right? You're evil plan didn't succeed." nakakalokong ngumiti sa kanya si Devvine. 

"Tignan natin mamaya kung makakangiti ka pa Ms. Castillanes. Tayo!" 

Alam na nya ang gagawin nya.

***

"All units report,"

"Sir, tatlo na sa tao natin ang sugatan. Sa kanila, two down at nasakote natin ang dalawa pa ."

"Mayroon pang tatlo sa loob kabilang ang mastermind." wika ni Ivander.

"Sa akin si Elmo," wika ni JP. 

"Team pasukin na ang talyer, nakapalibot na sa buong lugar ang mga backups. Good luck." wika ni Chief Angeles.

Mula sa likod at harap ng talyer anim na tao ang pumasok sa loob, si JP, si Maris, si Ivander ang dalawang special agents, Night at Wind at si Cordova ang head ng SWAT team. 

Putok ng baril ang sumalubong sa kanila ngunit mabilis nila iyong nailagan.


"Make a clean shot, wag nyong tatamaan si Devvine!" narinig nyang sigaw ni Ivander.

"Magtago lang kayo dyan ako ng bahala dito. " utos sa kanila ni Wind. Nakita nilang pumuwesto ito sa isang malaking drum. Isang putok, bagsak ang nasa kanan ni Elmo. Pangalawang putok, sapol sa puso ang isa.

"Elmo wala ka ng kasama, sumuko ka na lang kung ayaw mong matulad sa mga yan na malamig ng bangkay!" wika ni JP kay Elmo.

"Mauuna munang mamatay itong babaeng to bago ako. Tignan mo nga kung sino ang unang mauubusan ng dugo sa amin."


Nag-angat ng ulo si JP habang si Wind ay nakaback-up sa kanya.  Ang luhaang mukha ni Devvine ang agad bumungad sa kanila. Maging ang patalim na nakatutok sa dumudugong leeg nito. Dahil nakatago si Elmo sa katawan ni Devvine habang ang kamay na may hawak na patalim ay nakadiin sa leeg ng dalaga.

"Devvine" sigaw ni JP "Hayop ka Elmo papatayin kita!" itinutok nya dito ang kanyang baril ngunit nagulat sya sa sigaw ni Devvine.

"Aray! " pain is so evident in Devvine's face. Lalong nadagdagan ang dugo sa leeg ng dalaga. Kitang-kita ni JP ang paghihirap ng dalaga at lalong nadadagdagan ang galit nya.

"Ibaba nyo lahat ng baril nyo o lalaslasin ko ng tuluyan ang magandang leeg ni Ms. Castillanes?"



1 comment: