Tuesday, 19 October 2010

IF ONLY BOOK 2 CHAPTERS 24-25

CHAPTER 24

 Ipinatawag nya ang mga dating kasamahan ng kanyang kuya sa isang pagtitipon. They will talk about their plan. Pulidong-pulido ang bawat detalye ng kanilang plano.

"Konting panahon nalang, two birds in one stone." wika niya, humithit siya ng sigarilyo at  nagwika muli, "maipaghihiganti na natin ang kuya at ang iba pa ninyong kasamahan, magkakapera na tayo. " sinundan nya iyon ng tawa.

"Sigurado ka ba sa mga plano mo o puro salita lang yan" tanong sa kanya ng isang kasama.

Matanda sa kanya ang mga ito ngunit wala siyang pakialam. Siya ang nagpaplano, siya ang may alas.

"Kayo," isa-isa nyaing itinuro ang mga ito "mas bata man ako sa inyo ako ang may utak. Kung gusto nyong matuloy ang mga nauna nyong plano" sandali syang tumigil at hinugot ang kanyang baril " sumunod kayo sa akin, wala tao\yong magiging problema."

Iniwan nya ang mga kasamahan at nagtungo sa labas, "Soon, they will fall into my hands." wika nya.

"I can feel that its going to be a great, great show. One wrong move a nd you're all dead." sinundan nya iyon ng nakakalokong tawa.

***

Nasasaktan sya, nag-iisip. Totong mahal nya pa rin si JP at umaasa syang sa pagbabalik nya madugtungan ang naputol nilang pag-iibigan. Nagparaya sya at kahit na masaktan, iniwan nya ito kapalit ng kaligtasan ng binata. Ngunit napakalaking kabayaran ng ginawa nya. Ang habang-buhay na poot ng lalaki sa kanya.

"JP darling, you just don't know how much I miss you. Pero mukhang masaya ka na ngayon with that girl named Devvine." she said then sipped her wine. Lasing na sya alam nya yun, dahil pagdating nya pa lang galing sa bahay ni JP ay nagsimula na syang uminom.

"You, if I'll get a chance,I will take back what is mine." mapait syang ngumiti at unti-unting umagos ang luha sa kanyang mga mata.

She desperately needs JP back in her life, aside from the fact that she still love him, she needs him to support her financially.


****



Inihatid ni JP si Devvine sa hotel na tinutuluyan ng pamilya nito.  Habang nasa daan ay wala silang imik pareho. Sinubukan ni JP na magbukas ng usapan ngunit tango at iling lamang ang isinasagot ni Devvine sa binata.

"What's wrong Devvine?" muling tanong ng binata.

"Nothing, just don't mind me."

"Anong wala? Kanina ka pa tahimik, is it about what happened?"

Napabuntong-hininga si Devvine bago sinagot ang lalaki. "I'm afraid JP." diretsang sagot niya.

Inihinto ni JP ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang mayakap ang dalaga. "You don't have to worry, don't be afraid." JP assured her.

"I don't know I feel so scared, so insecure..." she held back the tears.

JP lifted her chin and looked straight in her eyes "Love, ilang beses ko bang dapat ulitin sayo, wala na syang babalikan. I am yours. " and he gave her a soft kiss.

Devvine gave him a tight hug, pinaandar na ni JP ang sasakyan hanggang marating na nila ang hotel. Tinahak nila ang daan patungo sa kanilang suite. Pagdating nila sinalubong agad sila ng kanyang mga magulang.

"Iha, JP what took you guys so long?" bungad ni Mrs. Castillanes sa kanila.

"Ma, napahaba ang usapan namin. But don't worry we're here, I'm here na." sagot ni Devvine at ginawaran ng halik ang kanyang mga magulang.

"Iho, nagmamadali ka ba? I want us to talk about some important matters." tanong ni Mr. Castillanes kay JP.

"It's ok, ano po ang pag-uusapan natin?"

Iginiya sila ng matandang lalaki sa sofa upang doon mag-usap.

"First, since Devvine already finished her studies, I think its time to ask her to work for our company." huminto sandali ang matanda. "Iha, kailangan na kitang i-train so if the time comes that I need to retire, maayos ka na."

"Whoa, hinay-hinay lang Papa," natatawang sagot ni Devvine.

"Hahaha, I know Iha that you can do it, magiging isang mahusay na Presidente ka ng kumpanya. " bumaling si Mr. Castillanes kay JP.

"And now Iho, let's talk about the ring on my daughter's finger." seryosong wika nito na nakapagpalingon kay Devvine at sa ina nito.

"Papa, wag mo namang takutin si JP."

"No love, it's okey. Dahil sasabihin ko din naman ito sa kanila." JP answered her with a smile.

"Iha, you're father is right, mas magandang habang maaga maayos natin ang lahat ng detalye. " natutuwang wika ng kanyang ina.

"Now, Mr. Palacios tell me, ano ang plano mo sa aming unica hija?" seryoso paring wika ng kanyang ama.

"Sir, Mam, sa inyong presenya, hinihingi ko ang kamay ng inyong dalaga. " JP paused and looked at Devvine "Love, will you marry me?"

"Oh, I--" speechless si Devvine sa nangyayari. Sa harapan ng kanyang mga magulang inalok siya ng lalaking mahal nya ng kasal.

"Perfect iha, Iho I think you will be a wonderful husband like Devvine's father" wika ng ina ni Devvine at tinapunan ng tingin ang esposo.

"It's settled then, one of these days, we will have your engagement party. Hayaan nyong ang inyong Mama ang mag-ayos ng lahat. " wika ni Mr. Castillanes. "I'll leave you now, at ako ay magpapahinga na." paalam pa nito.

"Oh Iha, I'm so happy for you." niyakap sya ng kanyang ina. "Iho, I know you will make my daughter happy. Thank you." wika naman nito kay JP.

Nagpaalam na din ang ginang at naiwang mag-isa ang dalawa. Hinawakan ni JP ang kanyang kamay. "I promise to make you happy, tandaan mo lagi na mahal kita Devvine."


CHAPTER 25

JP gritted his teeth, he felt used again. Papunta sya sa parking lot ng hotel, "When will this stop?" tanong niya sa sarili.

Kapalit ng isang bagay ang pagsang-ayon sa plano ng isang tao. Ngunit mabuti na din yon dahil nabuksan muli ang kanyang puso. Umaasa lamang sya na sa pagdating panahong iyon, maintindihan siya ng babaeng mahal nya.

"Love, when all these ends, hope my love will prevail." lumiko sya pakanan at patungo sa isang intersection. The lights went red indicating him to stop. Inapakan nya ang preno ngunit hindi huminto ang sasakyan. Inulit nya ang pagpreno ngunit ayaw pa din nitong huminto. He can see a headlight coming from the other lane and if he will not stop they will have a collision.

"What the f*ck!" napamura sya dahil malapit na sya sa intersection. And then a loud bang.. Maririnig sa lugar ang banggaan ng mga metal. Napahinto ang paparating na sasakyan na makakabangga sana ni JP at dinaluhan ang nabanggang sasakyan.

JP decided to swerve the car right and bump straight into the stoplight. He felt dizzy because of the impact and he can feel blood coming from his head.

Kahit nahihilo, pinilit nyang tanggalin ang kanyang seatbelt at lumabas sa sasakyan. Marami ng tao sa paligid at may naririnig syang ambulansya  na paparating.

"Pare ayos ka lang?" tanong sa kanya ng isang tinig. Inaninag nya ito sa kanyang nanlalabong mata.

"I'm okey, can you call the police too?" pakiusap nya dito. Narinig nya ang mga tao sa paligid na nagsasabing kailangan nya ng madala sa ospital at narinig nyang nasa malapit na ang ambulansya. Sa lakas ng impact ng pagkabangga nya, mabuti at konting sugat lang ang inabot nya. Masakit lang ang kanyang ulo dahil sa sugat dito.

Habang isinasakay sya sa ambulansya dalawang bagay lang ang nasa isip nya. Una, ang babaeng mahal nya si Devvine Castillanes. Pangalawa, may taong nangelam sa preno ng kanyang sasakyan. Somebody wants him dead, yun ang nasisiguro nya. At bago kainin ng kadilim ang kanyang diwa, mukha ni Devvine ang huli nyang nakita.

******

Nalate ng gising si Devvine,she felt worried.  Napanaginipan nya si JP ng nagdaang gabi at hanggang paggising ay may kaba pa rin sya. Ayaw nyang alalahanin ang kanyang panaginip dahil hindi iyon maganda. Babalik sana syang muli sa pagtulog ng marinig nya ang boses si Maris.

"Dev, gising ka na ba? Please kelangan mong gumising." nagtaka siya dahil nasa himig nito ang pag-aalala. She decided to got up and let her in.

"Good morning Maris, ang aga mong mambulabog." nawala ang kanyang ngiti ng makitang namumula ang mga mata nito. Kinabahan na naman sya sa nakitang kalungkutan sa mukha nito.

"Maris what's wrong?" tanong niya.

"Devvine, si JP...." huminto ito at nakita nya ang munting luha sa mga mata nito. "Si JP? Ano ang nangyari kay JP?"

Hindi nakapagsalita si Maris at tahimik lamang itong lumuha. "Ano ba Maris huwag mo kong iyakan, tell me what happened for pete's sake!" she shouted upang itago ang pag-aalalang nararamdaman nya.

"Naaksidente si JP kagabi pagkagaling nya dito. Nabangga sya." ang huling pangungusap lamang ni Maris ang rumehistro sa inaantok na diwa nya.

"Nabangga? You mean he met an accident? Why?" sunod-sunod na tanong nya.

"Wag ka ng magtanong, go fix yourself at puntahan na natin sya sa ospital." wika ni Maris at itinulak sya papasok sa banyo.

And then it hit her, JP met an accident. He's in the hospital right now and she needs to be with him. She rushed to get herself ready so that she will be there for him. Mabilis syang natapos, at inutusan si Maris na ipahanda ang sasakyan. Her Mom looks worried too upon seeing her.

"Iha, we will follow you later. Do call us kung anong lagay ni JP." paalala ng kanyang ina.

"Yes Ma, we need to go." paalam niya sa ina at nagmamadali ng tinahak ang garahe.

***


Nakarating sila sa Ospital at humahangos na tinahak ni Devvine ang daan papasok sa gusali. She went straight to the information desk to ask about JP's room. Nang malaman ang numero ng silid ng binata ay agad nya iyong tinungo habang ang mga kasamahan ay nagmamadaling humabol sa kanya..
She easily found the room and without any word, she opened the door. Nagulat sya sa nakita, dahil nasa loob ng hospital suite ni JP si Vanne.

Pumasok sya sa loob ng silid at tinanguan lamang si Vanne. Naiilang sya sa presensya ng dalaga ngunit ng balingan nya si JP nalaman nyang tulog ang binata. Pinagmasdan nya ito, maliban sa benda sa ulo at konting galos sa braso, wala ng ibang malalang pinasala ito.

Umupo sya sa tabi nito at hinaplos ang muka ng binata.Gumalaw ang binata at bahagyang dumilit. When JP saw that its Devvine, he immediately got hold of her hand.

"Hi love," nakangiting wika nito. Sumandal ang binata sa headrest ng hospital bed nito. Ang mga mata ay nakatuon pa rin kay Devvine.

"You got me so worried, what happened?"

Sasagot na sana si JP ng magsalita si Vann. "Hi JP, how are you feeling?"wika nito.

Napalingon si JP sa pinagmulan ng tinig. Napakunot-noo sya ng makita ang dalaga. "What are you doing here?"

"I just want to. " naputol ang sasabihin nito ng magsalitang muli si JP.

"Maayos ako" matipid na sagot ng binata.

"JP its ok, she just wanted to see if you're alright." nilingon ni Devvine si Vanne at nakita nya ang madilim na anyo nito.

"I came here as a friend JP, you don't have to be rude. You know that I still care for you." wika ni Vanne walang pakelam sa presenya ni Devvine.


"Thank you for coming over pero sapat na ang presensya ni Devvine para sa akin." diretsang sagot ng binata.


Vanne just stared at him then gave a quick look at Devvine. She sighed and stood up, "I guess it's time for me to leave." paalam ng dalaga.

Bubuksan na sana ni Vanne ang pinto ng muli nitong lingunin ang dalawa. "Devvine, take care of him." wika nito.

"Of course I will, and thank you again for coming." Devvine gave her a shy smile. Tuluyan ng umalis si Vanne at naiwan ang dalawa.

Devvine hugged JP so tight as her tears flow "I am so worried, I thought..."

"Shhh, wag kang umiyak. Maayos ako, maliban sa sugat sa ulo wala ng ibang pinsala sakin. Look," iminuwestra ni JP sa dalaga ang sarili "walang malalang pinsala. "sinundan pa ng tawa ng binata.

"I'm thankful na maayos ka JP. And..." naputol ang sasabihin nya ng may marinig silang katok sa pinto.

Dumating ang mga magulang ni Devvine, sandaling nagkamustahan ang mga ito at hiniling ng ama ng dalaga na samahan niya ang kanyang ina upang bumili ng makakain sa cafeteria. Pagkalabas ng mag-ina, agad na hinarap ni Mr. Palacios si JP.

"What happened Palacios? " iritadong tanong ng matanda.

"Sir, may  nagtanggal ng preno ng sasakyan ko." 

"Yun na nga eh, matagal na kayong nagiimbestiga tungkol jan pero wala pa din kayong lead?" galit na wika nito " Ayokong masira ang mga plano JP." 

Napatiim-bagang ang binata sa tinuran ng ama ni Devvine. "Yes Sir, alam ko. Don't worry hindi masisira ang plano nyo pero hayaan nyo kong gawin ang gusto ko."

"Gawin ang gusto mo? Paano ang gusto ko JP?" nilingon ng matanda ang binata "Last time I've asked you to give my daughter an engagement ring and then you just gave her a good for nothing quality!"

"Yun ang nakayanan ko at sinabi ko na sa inyo, sa gagawin ko hindi ako tatanggap ng isang kusing galing sa inyo. Dahil mahal ko ang anak nyo at papatunayan ko yun. "

"Kapalit ng pagtubos ko sa papalubog nyong kumpanya ang pagtatanggol mo sa aking anak. Ang mapalapit sya sayo upang pagdating ng araw na pwede na syang mamahala sa kompanya, ikaw ang makakatuwang nya bilang asawa. Iyon ang mga kapalit JP, sa tingin mo ba matatanggap lahat ng anak ko yan kapag nalaman nya?" sandaling huminto ang matanda.

"Sa tingin mo ba sapat ang pagmamahal mo upang mawala ang galit nya sa atin kapag nalaman nya ang lahat? Gawin mo ang lahat para mahuli ang mga kriminal and I assure  you, walang magiging hadlang sa lahat ng plano natin. "

"Plano nyo Mr. Castillanes, kayo lang. Alam ko sa puso kong hindi ko niloloko si Devvine. Uulitin ko, gagawin ko ang lahat para maintindihan nya ang lahat ng ito."


They stared at each other for a while,and for a moment nakita ni JP ang exasperation sa mukha ng matanda. Alam nyang para sa kabutihan ng dalaga ang ginawa nito. At dahil sa mahal nya ang kumpanya ng kanyang ama, pumayag syang bumalik sa propesyon na itinakwil nya. Pumayag sya sa lahat ng gusto nito, ang alukin ng kasal ang dalaga, ang maging inspirasyon nito pero ang hindi nya inakala ang mahuhulog at mamahalin nya ng totoo ang babae.

Nagpaalam ang matanda at iniwan si JP na nag-iisip. Ngunit sa isang sulok ng gusaling iyon may isang kaluluwang nagdiriwang....

3 comments:

  1. wahahaha! what an overprotective father!

    ReplyDelete
  2. what da..ang samang tatay..tseee..

    bop bop

    ReplyDelete
  3. may isang kaluluwang nagdidiwang? cnu kea un??
    c patrick o c vanne?
    haixt..tsk ngcmula lng pla sa kasunduan..

    ReplyDelete