Thursday, 7 October 2010

IF ONLY BOOK TWO CHAPTERS 18-20


CHAPTER 18


Nasa coffee shop na si Devvine kasama sina Maris at Jim ng matanawan nya ang sasakyan ni JP na paparating. Her heart is filled with excitement and adoration as the man alighted from the car. JP looked so formidable but yet so handsome. She felt proud looking how the girls inside the coffee shop stared at her man, yes her man. She waved at him and when JP saw them, he gave her a dry smile. He looked so tired and worried, she thought maybe he had lots of work today. 

"Hello Mr. B, how are you?" bati ni Devvine sa kay JP, nginitian nya ito.

"Hey there kamahalan, I'm fine , just tired." ganting bati ni JP at kinitilan sya ng halik sa sentido. Binalingan ng binata ang mga kasama at binati "Santos, Yosoy, kamusta?" wika ni JP. Nakita ni Devvine ang pamumula ni Maris at napangiti sya ng lihim.

"Sir, maayos naman. Kayo?" sagot ni Jim Santos,"Hoy, Maris tinatanong ka ni Sir, wag kang basta tumunganga dyan."pang-aasar pa nito kay Maris.

"Hi Sir Palacios, ahm, ka-kamusta Sir?" nauutal na bati ng dalaga.

"Ayos lang Yosoy, kamusta ang iyong trabaho? Hindi ba kayo pinapahirapan ng aking kamahalan?" tanong nito ngunit ang mga mata ay nakatuon kay Devvine. She couldn't believe the intensity she is seeing in his eyes. Their eyes met as if they have a silent agreement. Minutes passed, they just stared and smiled at each other until a loud "ehem" broke the magic. 

Laughters followed and Marisa started the conversation.

"Grabe naman kayo Sir, parang wala na kami dito kung titigan nyo si Devvine. Hello, andito kaya kami noh." kwelang wika ni Marisa.

"Oo nga Sir tsaka sinasaktan nyo ng harapan ang puso ng isa dyan." pang-aasar naman ni Jim kay Maris. Sinipa nito ang lalaki na napabulalas ng malakas na "Aray!"

"Jim anong problema?"tanong ni Devvine habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina Jim at Maris.

"Wala, walang problema yang lalaking yan." nanunulis ang ngusong sagot ni Maris.

"Kayong dalawa, umayos kayo."seryosong wika ni JP na nakapagpatameme sa dalawa.

"Sorry po Sir" magkasabay na wika ng dalawa. 

Nagkatinginan naman sina JP at Devvine at sabay na humalakhak. Their laughters echoed in that small place, unmindful of the stares coming from other people.

"Nagbibiro lang ako, don't mind me." wika ni JP sa dalawang kasamahan. "So aking kamahalan, ano ang iyong gustong kainin?"baling ni JP kay Devvine.

JP got up and go straight to the counter, he ordered 3 cups of coffee and a cup of chocolate drink for Devvine; some croisants and blue berry cheese cake. Masayang kwentuhan ang sumunod and Devvine thought, she is lucky seeing JP in his old self again. Kahit na minsan nahuhuli nya itong parang may malalim na iniisip, ngunit sa huli ay tatawa na naman ito. JP caught her looking at him and he smiled. Hinawakan nito ang kanyang mukha at nananitilingnakatitig sa kanya. 

"What's the matter?" she asked him.

"Nothing, I just want to memorize your face so even if I sleep, I can only see you." nakangiting wika ng lalaki.

"Waaahhhhhhh, ano ba ang cheesy nyo Sir. Grabeh.." naibulalas ni Maris sabay takip sa bibig nito, namula na naman ang dalaga dahil napatingin dito ang mga tao.

"Ikaw Maris ha kanina ka pa, panira ka ng moment nila. Selos ka lang eh." naka-kunot-noong wika ni Jim na sa isip ay kung ako na lang sana ang iyong minahal. 

"Hala, nagsisimula na naman kayong dalawa, mamaya kayo ang magkatuluyan nyan." tatawa-tawang wika ni Devvine.

At katulad noong una nyang binuyo ang dalawa tumataginting na "ewwww" na naman ang nakuha nyang sagot. Maya-maya pa ay nag-aya na si JP na umalis na sila sa lugar na yon. Sa sasakyan ng nobyo sya sasakay at ang dalawang bodyguards ay sa kanyang sasakyan. Malapit na sila sa pinto ng coffeeshop ng may nakita silang humahangos na staff mula sa labasan. 

Nang makita sila nito nilapitan sila at nagwika "Sir, sa inyo po ba yung gray na SUV? May ano po kasi sa .." 

"What happened? Sige titignan namin." wika ni JP at humahangos na tinungo nila ang sasakyan.  Malayo pa  lang ay nakita na nila ang ilang tao na nakapalibot sa paligid ng SUV. JP shooed them away and what they saw made Devvine hold on to JP tightly. Her car is a total mess. There's two big black candle on top of the car, with 2 miniature coffins. Devvine's hair stood up upon seeing it. While JP and the two bodyguards get a hold of their guns. The gray paint is covered with blood and the words "Next time, its your blood" is written on each side of the car's body.

JP noticed that Devvine's face is ashen and she is shaking so he hugged her tight and ordered his officers to call the police. 

"Kayo na muna ang bahala dito, ihahatid ko lang si Devvine.  I'll be making calls later to assist you. Tawagan nyo ko kapag nagkaproblema." bilin nya sa dalawa "And tell those people to never touch anything in the scene. "

"Yes Sir" panabay na sagot nila Jim at Maris. 

"Let's go love, I'll bring you home. " akay niya kay Devvine na nakakapit pa din sa kanya. 

"Who's doing this JP? I don't know anyone who have the intention in doing this to me." Devvine can't help but cry.

JP take her in his arms and said "I promise you, no one can harm you as long as I am here. Malalaman natin kung sino ang may gawa ng lahat ng ito love, calm down."

Nakatulog si Devvine habang bumibyahe at nagising na lamang sya ng nasa mansion na sila. JP wanted to carry her inside the house dahil maputla daw sya. But Devvine insisted that she  is feeling better. Nang makarating sa mansion nakita nilang may bisitang naghihintay sa kanya, si Patrick Sandoval.


CHAPTER 19


"Iha, are you alright?" nag-aalalang salubong ni Mrs. Castillanes sa anak. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkabalisa gayon din ang esposo nito. 

"JP, do you think it's getting serious?" baling naman ni Mr. Castillanes kay JP.

"What's happening? Care to tell me?" singit naman ni Patrick.

"Oh Iha, I forgot, Patrick is here, kanina pa yan naghihintay sinabi ko ng wag ka ng hintayin dahil kasama mo ang nobyo mo." sadyang idiniin ng ginang ang salitang nobyo. 

"So, you are Devvine's current fling?" nasa himig nito ang pagbibiro ngunit hindi iyon nagustuhan ni JP.

"Yes and no, I am her boyfriend and if you don't mind, I would like to talk to my girlfriend's parents privately, excuse us. " seryosong sagot ni JP. 

"Wait, Devvine, can we talk? I mean, anong nangyayari? I need to know, I am your bestfriend diba."

"Please Pat, not now, ask JP when can I talk to you.  And thanks for the flowers, hindi ka na sana nag-abala. " sagot ni Devvine at sinulyapan ang bouquet ng tulips sa maliit na mesa. 

"JP iho, can we talk in the study room now?    Halika, iha sumunod nalang kayo ng iyong ina" wika ni Mr. Castillanes at inakay si JP papunta sa study room. 

"Your father still doesn't like me Devvine, and Tita, I really want to talk to Devvine kahit sandali lang." hinging permiso nito sa kanyang ina.

"I think you really came in a wrong time iho, my daughter is tired can't you see?" 

Nakasandal si Devvine sa sofa habang nakapikit ngunit nagwika ito "Pat, please go. I don't want to talk to you anymore. Not now. " 

"Alright, kanina nyo pa ko pinagtatabuyan. Sige, aalis nako. Bye Devvine at sana give me some time to talk to you. Aalis na po ako Mrs. Castillanes." paalam ni Patrick at tuluyan na itong umalis. 

"I still don't like him iha, nagtataka ako kung bakit mo nagustuhan yon." 

"Ma, its all water under the bridge now.  Don't worry yourself too much. Patrick was a friend," 

Napailing na lamang ang ginang. "How are you Iha? Ayos ka lang ba? Baka you need to go to the States so we won't worry too much for your safety." wika ni Mrs. Castillanes habang hinahagod ang mahabang buhok ni Devvine. 

"No, Ma, malapit na ang graduation and I want to finish this semester.  I know JP can take care of me, and he promised me he will protect me no matter what, so kampante lang ako. And Papa trusts him so much." sagot ni Devvine sa ina.

"At nagpapasalamat din ako sa kanya. Come on iha, sumunod na tayo sa study room."

******

Pauwi na si JP sakay siya ng kanyang kotse. Nakabalik na sa mansion sina Maris at Jim kaya ang mga ito ang magbabantay sa pamilya. Secured naman ang tahanan ng mga Castillanes ngunit mas gusto nyang may bantay pa din ang dalaga. Sino ang gumagawa ng lahat ng ito at ano ang motibo? Bakit pakiramdam nya para sa kanilang dalawa ni Devvine ang panganib? May hinala ng nabubuo sa kanyang isip at ang lahat ng mga tao na kanyang nakikitang nakakasalamuha ni Devvine ay pinaiimbestigahan na nya. Maging ang lalaking nagngangalang Patrick, dumating ito sa kasagsagan ng mga kaganapan at hindi nya inaalis ang posibilidad na may kinalaman ito sa mga nangyayari. 


Malapit na sya sa kanyang bahay sa Ortigas, ng makatanggap sya ng tawag.Hindi kilalang numero ang tumatawag at inisip nya muna kung sasagutin ba iyon o hindi. He made up his mind and pick up the call.

"Hello" sagot nya sa tawag, ngunit lumipas ang ilang minuto ay walang sumagot sa kabilang linya. Papatayin nya na sana ang kanyang cellphone ng may marinig syang nagsalita

"JP, honey I miss you." wika ng babae sa kabilang linya. 

Naihinto na ni JP ang sasakyan sa harap ng kanyang bahay ng sumagot syang muli.

"Sorry you got the wrong number." and he disconnected the call. 

"Why all of a sudden that woman  comes back? Is this fate's sick joke? " tanong ni JP sa sarili. He get out of the car, head straight to the door and opened it. Papasok na sya sa pinto ng magulat sya ng may magsalita sa likod nya, alarmed, he held out his gun and point to that someone only to be annoyed upon learning who startled him, its Marianne Vannesa Chen.




CHAPTER 20


"JP, please put down your gun. " nakataas-kamay na wika ni Vanne. 


Ibinaba ni JP ang hawak na baril at ibinalik sa lagayan. Isinara nyang muli ang pintuan at hinarap ang babae. "What the hell are you doing in my house?" madilim ang mukhang wika nya.


"Can we talk? I really need to talk to you. If you would just listen to me." naluluhang wika ng babae. Pinagmasdan ito ni JP at masasabi nyang sa loob ng maraming taon na hindi sila nagkita, walang nagbago sa pisikal na anyo ng babae mukhang lalo pa itong gumanda. Prominente pa din ang bahagyang singkit na mata nito at ang malaporselana nitong kutis at kulay ay lumulutang sa gitna ng dilim. 


"Wala akong panahong makipag-usap sayo. Umaalis ka na bago pa mawala ang respeto ko sayo."wika ni JP at tinalikuran ang babae. 


"Please listen to me, I need to tell you a lot of things, sana makinig ka."  naiiyak na wika ni Vanne.


Hindi na umiimik si JP at akmang papasok ng muli sa binuksan nyang pinto ng hawakan ni Vanne ang braso ng lalaki, "Kausapin mo ko ng malaman mo ang totoo." 


"Wala na kong dapat malaman, nagawa mo na diba? Tapos na, kinalimutan ko na yun at lalong kinalimutan na kita." nakatiim-bagang na wika ni JP.


"You don't understand, I made a sacrifice and I have suffered for the past years JP." umiiyak ng wika ng babae.


"Anong kasinungalingan ang sasabihin mo ngayon? What do you want from me?" 


"I just want to talk to you, for you to hear me out. Believe me JP, sa nagdaang taon, wala akong gustong gawin kundi ang makausap ka." patuloy na pagluha ang babae.


JP swear he is beginning to lose his temper. He have so many things to think about at hindi na kailangan pang dumagdag ng isang nakaraan. Pagbibigyan nya ba ang babaeng kausapin sya o hahayaan na lamang ito?


"I'm giving you 2 minutes to talk and then leave me alone." maatoridad na wika ni JP.


"But JP, two minutes? Hindi yun sapat. Madami akong gustong.."


"Your two minutes starts now, better talk or just leave." 


Huminga ng malalim si Vanne bago nagwika..


"First, I'm sorry for all the troubles I've caused you. I'm sorry JP, matagal ko ng pinagsisihan ang pagurong sa kasal natin" Vanne sobbed and paused for a while. Nakatalikod si JP sa dalaga, nakikinig lamang sya dito. 


"I did not cheat on you." patuloy ng babae. Napatid ang pagtitimpi ni JP at di nya maiwasang sumagot sa babae.


"You didn't cheat on me? How could you say that? Hindi ba panloloko ang ginawa mo sa akin?" nangangalit na wika ni JP. Bakas sa mukha ng binata ang galit at iritasyon sa kausap.


"I did not, not ever.. believe me." Vanne said still crying. 


"Anong tawag mo sa ginawa mo? Hindi ba malinaw na panloloko yun? Stay away from me, umalis ka na." pagtataboy nya sa dalaga.


"I saved you JP, ako ang kapalit ng buhay mo." wika ni Vanne na nakapagpahinto kay JP. 


"Anong kasinungalingan ang sinasabi mo?You don't have to make stories Marianne Vanessa, papatawarin kita kung yun lang ang gusto mo.


"He threatened me that he will kill you, he has a lot of influence and experience than you JP. He wanted me, kapalit  ng buhay mo. Sasama ako sa kanya o ipapapatay ka nya. " diretsong wika ni Vanne.


"I loved you so much that I rather sacrifice my happiness than to see you die. I chose to be with him and jilt you on our wedding day, than risk your life. You see, I've done all that because I love you so much." lumuluhang pahayag ni Vanne.


"I don't believe you,  wag ka ng magsinungaling. Dahil kahit anong gawin mo,hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa buhay ko." 


"I know you won't believe me, so I have some evidences for you. Kinausap ko sya ng maayos na palayain nya ko.He is dying at ang hiniling ko ay gumawa sya ng sulat para sayo. Kabayaran nya na sa ginawa nya sa akin at sayo. Please take this." iniabot ni Vanne kay JP ang isang brown envelope. 


"I guess I have to go now, salamat sa oras. Maniwala ka man o hindi, totoo ang sinasabi ko sayo." paalam ng babae .


Huminto itong muli at nagwika "Mahal pa din kita JP, hindi yun nawala." sumakay na ito sa kanyang kotse at tuluyan na nitong nilisan ang lugar ni JP.


***


Hawak ni JP ang envelope mula kay Vanne. Ginulo nitong lalo ang isip nya. Bakit sa dinami-dami ng panahon pa bumalik si Vanne dala ang rebelasyon nito. Binuksan nya ang envelope at nakita ang isang sulat , kilala nya ang sulat kamay na yon at ang tatak na nakalagda sa ibaba ng sulat. Nagtagis ang kanyang mga bagang ng mabasa ang kabuuan ng sulat. Napakahabang taon ang lumipas bakit ngayon lamang ipinaalam sa kanya. Napakahabang taon syang namuhay sa kawalan ngunit ang dahilan lamang pala ay kasinungalingan.


Hindi nagsisinungaling si Vanne ng sinabi nitong tinakot ito upang iwanan sya. Mas pinili ng dalagang umalis kaysa mapahamak sya. Ngunit galit pa din sya dito dahil hindi nito nagawang ipaalam sa kanya ang totoo. Kinapa nya ang sarili kung may natitira pa bang pagmamahal dito.Tanging awa at simpatya lamang ang kanyang naramdaman. Saglit na sumagi sa kanyang isipan ang mukha ni Devvine, nakangiti ito sa kanya at sandaling gumaan ang kanyang pakiramdam.  Ngunit bumalik ang agam-agam sa kanyang isipan, ano na ang mangyayari sa pagkatuklas nya ng isang pangyayari sa nakaraan.


At sinabi ni Vanne na mahal pa din siya nito, ano ang isasagot nya sa dalaga? Dali-dali syang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang motorsiklo.  Lumabas sya sa kanyang bahay at mabilis na sumakay sa itim na motorsiklo. Sa mga panahong kailangan nyang mag-isip, tanging paglilibot sa kamaynilaan ang kanyang naging sandalan. Malaya sya kapag nakasakay sya sa motorsiklo, malaya syang makakapag-isip. Kung bakit ba naman sabay-sabay ang mga rebelasyon sa kanya. Ngunit iisa lang ang napatunayan nya, mahal nya si Devvine Castillanes yun ang nasisiguro nya. 

2 comments: