Friday, 22 October 2010

IF ONLY BOOK 2 - EPILOGUE

EPILOGUE

Three years later


Tatlong taon na ang nakakalipas pagkatapos ng insidenteng iyon. Pangyayaring nag-iwan ng pilat sa puso nya. Hindi nawawala ang poot nya sa ibang tao kapag naiisip nya ang nangyari sa babaeng mahal nya. Lumikha ng malaking balita ang pagkidnap at ang nangyari kay Devvine. Matagal na naging laman ng bawat balita, sa telebisyon, radyo o pahayagan man. Maraming pamilya ang nakamit ang hustisya dahil sa muling pagkahuli at pagkapaslang sa mga lalaking dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga  kapamilya. Ang Operation Heiress na isinagawa nila ay naging matagumpay, maliban sa mga pangyayari na nagdulot ng sakit lalo na sa pamilya ng dalaga.

Napadaan sya sa isang flower shop at naisipan nyang bumili ng bulaklak. Napakarami ng nangyari sa paglipas ng mahigit dalawang taon. Sakay ng kanyang Ducati, papasok na sya sa entrada ng isang exclusive cemetry. Nang malapit na sya sa puntod ng taong pakay nya, natanawan nyang may dalawang tao na nauna sa kanyang dumalaw doon. They saw him and the woman waved at him while the man nodded.  Nilapitan nya ang mga ito at binati. Inilapag nya ang mga bulaklak sa marmol na lapida.

"Akala ko ba may flight ka ngayon?" tanong sa kanya ni Maris.

"Oo nga pare, baka mahuli ka nyan." dugtong naman ni Ivander habang nakaakbay sa asawa. Mahigit isang taon matapos ang insidente ay nagpakasal ang dalawa. Hiniling ni Ivander kay Maris na tumigil na ito sa serbisyo at maging isang maybahay lamang. Natutuwa syang makitang masaya ang dalawa at sa nalalapit na paglabas ng panganay ng mga ito, natitiyak nyang lalo pang magiging masaya ang mga kaibigan nya.

"It's ok, hindi ko makakalimutan ang araw na to. Tatlong taon na..." tumingin sya sa langit at umusal ng panalangin.

"Oo nga tatlong taon na, hanggang ngayon hindi pa din nawawala ang pasasalamat ko sa kanya." wika ni Maris kasabay ng pagtulo ng luha.

"Shhhh, honey huwag ka ng umiyak. Baka makasama sa baby, ayaw din nyang may mangyari sa inyo ng baby natin nasisiguro ko yon."pag-aalo ni Ivander sa asawa.

Tinignan muli ni JP ang lapida, binasa nya ang nakasulat doon "Jimuel Santos ".

"Pare, its been three years since you bravely fought with us. Salamat Jim"

"Thank you Jim, hinding-hindi kami magsasawa sa pasasalamat sayo." wika ni Maris. Malaki ang utang na loob ni Maris kay Jim. Ang balang tumama sa ulo ni Jim ay para kay Maris. Alam ng mga kidnappers na naka-bullet proof vest sila kaya sa ulo ang puntirya ng mga ito. Prinotektahan ni Jim si Maris gamit ang sariling katawan nito. Hindi lingid sa kanya ang pagtingin ng lalaki kay Maris, na hanggang sa huli kahit buhay nito ay iniaalay para sa babaeng minamahal.

Napagpasyahan nilang sabay-sabay ng umalis dahil makulimlim na ang langit.

"Anong oras ang flight mo?" tanong ni Ivander sa kanya.

"Mamayang 9:00 p.m, dadaanan ko lang yung hand-carry ko sa hotel diretso na ko sa airport."

"Have a safe flight pare" wika ni Ivander sa kanya.

They exchange goodbyes at ng pasakay na ang mga ito sa kotse may sinabi pa si Maris sa kanya.

"Ikamusta mo nalang kami  kay Devon." pahabol ni Maris sa kanya.

Napangiti sya pagkarinig sa pangalan na iyon."Sure!" sagot nya. Nagmakaalis na ang dalawa, pinaandar nya na ang motorsiklo. Kailangan na nyang magmadali. He have a flight to catch, flight back to Devon.

***

After a long,tiring flight, he arrived in the Los Angeles International Airport (LAX). Pagkatapos ng mga kailangan gawin sa loob ng airport, lumabas na si JP at inilibot ang paningin sa maaraw na kapaligiran. Paniguradong may jetlag na naman sya. He hailed a cab and asked the driver to bring him in Alamitos Heights located in downtown Long Beach. Napapikit sya pagandar ng cab ngunit may ngiti sa labi. Naalala nya si Devon, ang kanyang si Devon.

Makalipas ang ilang sandali narating na nila ang kanilang tahanan. Dalawang taon na din siyang nakatira sa bahay na iyon. Isang two-storey house na may veranda na natatanaw ang dagat. Tahimik ang kabahayaan at walang nakapansin sa pagdating nya. Napakataas ng araw dahil kalagitnaan ng summer sa U.S. Inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid. Hinahanap ng mga mata ang kanyang minamahal. Nakarinig sya ng isang tinig na may kausap sa telepono. Napagawi sya sa may veranda, then he saw her. The most beautiful woman he had ever laid his eyes on. Nakatalikod ito sa gawi nya, inililipad ng hangin ang mahabang buhok nito gayon din ang blue summer dress na suot nito. Kahit nakatalikod hindi maitatangi na napakaganda ng babae. Nanatili lamang syang nakatayo roon at pinagmamasdan ito. 

"Yes dear, he's coming back today. He doesn't want me to pick him up." narinig nyang wika nito, Tumawa ito sa sagot ng kausap.

"Nah, you know him. He's like that. The rascal is fine, a little monster but an angel. Sure Vanne," muling wika nito. Humarap ito sa gawi nya at kitant-kita nya ang panlalaki ng mga mata nito at pagkunot ng noo. Nakasandal sya sa gilid ng sliding door, nagkibit balikat lamang sya dito. He gave her his most sweet smile. After the surprised look, she smiled back. Nagpaalam ito sa kausap na nalaman nyang si Vanne.

"Vanne honey, he is here. This man is full of surprise. Bye for now, take care and drop by here soon. Tell Pat I said hello." paalam nito sa kausap. Call it fate, Patrick met Vanne in the States when Vanne decided to have a vacation with a relative after the blood transfusion. Hindi maiwasang sumagi sa isip nya ng muntik ng mawala si Devvine sa kanya.

***
"Love, Oh Lord, please... malapit na tayo. " yakap-yakap nya ang dalaga habang patuloy na umaagos agn luha nya. Hindi nya makakayanan ang mawala si Devvine sa kanya, hinding-hindi sya papayag.

Natanawan nyang malapit na ang ospital at nabunutan sya ng tinik ng malamang humihinga pa ang dalaga. Agad na itinakbo ang dalaga sa emergency room ngunit anong panlulumo nya ng malamang walang mahanap na dugo para sa dalaga. Type AB- ito, isang uri ng dugo na mahirap hanapin. Ginawa ng mga doctor ang lahat upang malapatan ng lunas ang dalaga. Hindi pwedeng magdonate ng dugo ang ina nitong kapareho nito ng blood type due to medical reasons. Alalang-alala na ang lahat dahil nagbigay ng taning ang doctor after two hours kapag hindi pa nasalinan ng dugo ang dalaga ay ihanda na daw nila ang sarili sa mangyayari. Then she came, sa una ay galit ang nanaig sa kanya pagkakita kay Marianne Vannesa Chen ngunit sa dala nitong balita isinantabi muna nya ang anumang nararamdaman para sa dalaga.

Nalaman nito ang nangyari at agad na pumunta sa ospital. Vanne have the same blood type as Devvine, she is willing to donate her own blood as a sign of remorse and to help Devvine. Tinanggap nila ang tulong nito, mas mahalaga ang buhay ni Devvine sa ngayon.

The transfusion was successful, Devvine was declared safe. They are thankful to Vanne and JP decided to forgive her. Malaki ang utang na loob nila sa dalaga. And as they say, the rest is history. Naging mabuting magkaibigan ang dalawang babae hanggang sa magbakasyon sa States si Vanne.

***

Pitik sa ilong ang nakapagpabalik sa kanyang diwa."Hoy Mr. Palacios, saan naglalakbay ang diwa mo?" tanong ng kanyang asawa.

"Wala naman Mrs. Palacios,  Naalala ko lang ang nangyari three years ago." sagot niya at nakita nya ang paghaplos nito sa malaking pilat sa leeg nito.

"It's all over darling, we have moved on. And I am thankful for another chance in my life. Let us not waste our lives looking back to those nightmares." hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"I'm sorry love. You are right, we have moved on." kinintilan nya ito ng halik at tulad ng nakasanayan nya, dinampian nya rin ng halik ang pilat sa leeg nito. Her parents tried to convince her to undergo a medical surgery but she don't want to remove the reminder of her friends' bravery. Okey lang sa kanya na hindi nito iyon tanggalin, nothing will change. Devvine will still be the most beautiful woman in his life - before. Until another one came.

They looked at each other and moments later they are savoring each other's lips. A kind of kiss that tells them how much they miss each other. His wife, his Mrs. Devvine Mae Castillanes Palacios. 

Nang makalabas si Devvine sa ospital makalipas ang mahigit tatlong linggo, nakapag-usap na ng sarilinan ang mag-ama. Mr. Castillanes cried to her daughter to forgive him, that he just want what's best for Devvine. Dahil mabuting tao ang kanyang asawa, she forgave them. She believed in their explanations. And most important, she believed that he love her. And six months after the incident, they decided to get married and moved to the United States to forget what happened in the Philippines.  His in-laws come to visit them during the winter seasons.  At sa mga panahong iyon hindi nila kailangang problemahin ang kanilang little "angel monster". Speaking of the angel, naputol ang matamis na halikan nila ng makarinig sila ng matinis na tili.  Napalingon sila sa maliit na nilalang na kamukhang-kamukha ng kanyang asawa. Tanging ang kanyang tsokolateng mga mata ang nakuha nito sa kanya, ang lahat maging ang kulay ay sa ina nito. Napakaganda ng batang babaeng kanyang minamasdan.

"Oh my God, Dada is that you?" wika ng matinis na tinig ng dalawang taong gulang na batang babae.

"Yes princess, Dada's back. Go give Dada your sweetest kiss." Devvine asked their daughter.

JP opened his arm to carry Devon, ang kanilang anak na si Princess Devon Castillanes Palacios   - ang kanilang kaligayahan. JP let his daughter kiss him as Devvine watch them. 

If only he can live for a very long time, yung tipong hindi nya iiwan ang mga ito, he will protect them sa lahat ng mananakit sa mga ito.  He put his arms around Devvine's shoulder habang ang isang kamay ay karga ang kanilang anak na si Devon, together they watch the sun shining so brightly as the wind blows. Nothing and no one can tear their family apart, yun ang pinangako ni JP sa kaniyang sarili.

Kinintalan nya ng halik sa sentido ang kanyang asawa "I love you kamahalan" 

"I love you more Mr. Bodyguard." sagot ni Devvine sa kanya. 

"Dada, Mama, I love  you both." their little Devon said as she hug both her parents with her little arms. 



THE END.....


(Thank you for reading.. God Bless you all. ^_^ LAVLAVLAV)

9 comments:

  1. woderful story... iba't ibang emotion ang mararamdaman while reading it!!!
    congrats...
    keep it up... sulat ka pa ng marami 'coz you have tha talent to write...

    ReplyDelete
  2. thank you po. btw. ahahaha sa pex po kayo?
    ano nemsung nyo dun?
    MARAMING SALAMAT PO ULIT SA PAGBABASA.

    ReplyDelete
  3. waaaahhh!!grabe ang iyak ko dito!!

    affected ako sa pagkamatay ni jim!!

    ReplyDelete
  4. @ate jaki si maris kasi lol...

    @bbylyn
    @reaadon
    @ate jaki
    @lpermelona


    MARAMING-MARAMING SALAMAT. ^_^

    ReplyDelete
  5. aww..ganda ng ending..sad baket mo pinatay si santos?

    bop bop bop

    ReplyDelete
  6. lav makita mo pa kaya comment ko?lol

    ReplyDelete
  7. takte!!naiyak naman akodun kay santos at maris!!!!

    at ang haaawt ni Bodyguard JP ha... :)

    i so love the flow of the story..lahat na yata ng klase ng story eh andito na. :)

    grabe ang thrill ate lav. :)
    bow na talaga ako sayo. :) kaya ilabas mo na ang CBTL. :)

    pero talaga 3hours kong binasa FF mo. :) saka yung fairytale bah yun...

    ang H moh!!! parang totoo ang mga pangyayari...

    super intense ng action at love story...hahaha..yun lang..kilig.com ako!

    ReplyDelete