Friday, 22 October 2010

IF ONLY BOOK 2 CHAPTER 31

CHAPTER 31

"Ano ibababa nyo ba ang mga baril nyo o papanoorin nyong maubusan ng dugo si Devvine.?" muling tanong sa kanila ni Elmo.

Tinignan ni JP si Devvine, matagal na naghinang ang kanilang mga paningin. Nais ni JP na maiparating kay Devvine na hindi nya ito pababayaan. Nakikita nyang naghihirap na ang dalaga at hindi na nya matagalang makita ang dugong umaagos sa leeg nito. Nilibot nya ang mga mata sa paligid, nadaanan ng kanyang paningin ang ilang mga anino sa dilim. Itinaas nya ang kanyang kamay upang iparating sa mga na under control niya ang sitwasyon.

"Ibaba nyo ang mga baril nyo," utos nya sa mga kasamahan.

"Pero JP," tutol ni Maris at ni Ivander. Mabilis namang ibinaba nila Night at Wind ang kanilang mga baril gayon din si Cordova.

"Do it, ibaba nyo mga baril nyo." muling utos nya sa dalawa.

"Ikaw hindi mo ba ibaba ang baril mo o talagang walang  halaga sayo ang babaeng ito tulad ng kinuwento nya sakin?" nakangising wika ni Elmo.

Tinignan ni JP si Elmo, pagkatapos ay ang nakatagilid na mukha ni Devvine. Muli nyang sinulyapan ang nakadiin na patalim sa leeg nito. Nasisiguro syang magiiwan iyon ng malaking peklat sa dalaga. Ibininalik nyang muli ang tingin sa lalaki. Naalala nya ang kapatid nito, gagawin ba nyang muli ang ginawa nya sa kuya nito?

"Kung iniisip mong gawin ang ginawa mo sa kuya ko, sorry pero hindi ko yun pahihintulutan." wika nito at itinago ang mukha sa likod ni Devvine.

Napamura sa sarili si JP, alam na nito ang strategy na gagamitin nya. He needs to think, madali lang nilang mahuhuli ang lalaki dahil merong mga pulis sa likod nito. Ngunit hindi nila ipagsasapalaran ang kaligtasan ni Devvine. Kailangang makuha muna nila si Devvine bago idisarma ang lalaki.

"Love" tawag nya kay Devvine. "Sandali nalang. Please hold on. I love you." 

Devvine just looked at him, with her weak body she gave him a nod. Yun lang ang tanging hudyat upang lumapit sya sa lugar ng mga ito. Ihinagis nya ang dalang baril habang patuloy na naglalakad.

"Sinabi ko bang lumapit ka ha,"sigaw ni Elmo sa kanya. Idiniin nito ang hawak na patalim ngunit dahil sa mahina ng katawan ay hindi na nagawang umaray ni Devvine. Patuloy syang lumakad palapit sa mga ito, sa bawat hakbang nya ay ang pagbaon ng patalim sa leeg ng dalaga ngunit kailangan nyang tiisin iyon. Malapit na, ilang hakbang nalang. Nakita ni Elmo na wala syang balak huminto kaya hinugot nito ang baril sa tagiliran.

Ngunit bago pa iyon mapaputok ni Elmo ay mabilis na nahugot ni JP mula sa likod ng pantalon nito ang isa pang baril at agad na pinatamaan ang kamay ni Elmo na may hawak na baril. Tumilapon ang baril nito mula sa duguang  kamay nito. 

"Hayop ka papatayin ko tong si Devvine!" akmang ibabaon nito ang patalim sa leeg ni Devvine ng makita ni JP na nasa likuran na ni Elmo si Maris. Tinanguan niya ang babae at kasabay ng salita ni Maris ay ang paghila nya kay Devvine palayo kay Elmo.Mabilis ang mga pangyayari at bago pa makagawa ng hakbang ang lalaki ay umalingawngaw sa paligid ang tinig ni Maris. 

"Para kay Jim" kasabay niyon ay ang putok galing sa baril ng babae. Bumulagta ang duguang katawan ni Elmo, sa puso ang tama nito. Habang niyakap naman ni Ivander ang nanginginig na katawan ni Maris. "You did it, Maris. Jim will be proud of you." 

Narinig sa paligid ang tunog ng mga sirena at ambulansya. Maging ang media ay nasa paligid na rin ng lugar.  Pinangko nya ang namumutlang si Devvine, pinagmasdan nya ito habang pilit na nilalabanan ang antok. 

"Please love, hold on. Please, huwag kang matutulog." samo ni JP kay Devvine.

"Kami na ang bahala dito JP, go bring her to the hospital." wika ni Chief Angeles. Inilibot nya ang mata sa madugong paligid. Natapos na ang operasyon ngunit mas mahalagang maitakbo sa ospital ang dalaga. Si Devvine na unti-unting nauupos sa bisig nya.

Tinakbo nya ang daan patungo sa nagaabang na ambulansya. Hindi alintana ang kislap ng mga camera at ang mga reporter sa paligid. Isinakay nila sa ambulansya ang dalaga at kinabitan ang dalaga ng oxygen tube, nilapatan din ng paunang lunas ng mga medical aides ang sugat sa leeg ni Devvine. Ngunit kailangang madala agad ito sa ospital. Masyadong maraming dugo ang nawala dito at kinkailangan itong masalinan ng dugo. JP made the necessary transactions sa isang ospital para maihanda ang lahat ng kailangan ng dalaga.

Hawak nya ang kamay ni Devvine ng maramdaman nyang humigpit ang hawak nito. "Love, kapit lang."

Pilit na tinanggal ng dalaga ang oxygen tube sa bibig nito at nagpumilit magsalita. "Shh, huwag ka ng magsalita Devvine, marami pa tayong oras para mag-usap." saway ni JP kay Devvine.

Umiling ang dalaga habang tumutulo ang luha nito, pilit na binigkas ang mga katagang "Did... you ever.... love me, ....JP?" pautal-utal na wika ni Devvine.

"Yes love, mahal kita, mahal na mahal  na mahal. I'm sorry kung nasaktan kita, in all the lies the only truth is my love for you." madamdaming sagot ni JP.

Humugot ng hininga si Devvine at nahihirapang nagsalita "Ako... minahal kita at........" muling humugot ng hininga ang dalaga.

"Tama na Devvine, huwag ka ng magsalita." pigil ni JP dito, hindi nya namalayang lumuluha na pala sya. Minsan lamang syang umiyak, ngunit ngayon nasa bisig nya ang babaeng mahal nya - duguan at halos hindi na makapagsalita - masaganang umagos ang kanyang luha.  "Ipahinga mo ang isip mo love, malapit na tayo sa..." nahinto ang sinasabi nya ng ilagay ni Devvine ang hintuturo nito sa labi nya.

"Ikaw ang tumahimik,...." nakita nyang ngumiti ang dalaga. "Huwag kang.. umiyak Mr. Body..guard." pinahid nito ang kanyang mga luha. "Mahal kita JP.. mahal na mahal. Hindi ko alam kung... ano ang dahilan nyo ni Papa." humugot ulit ang dalaga ng hininga. "pero, I forgive you.. please tell Papa na pinapatawad ko sya at..."

"Love, tama na please." muling pagsama ni JP kay Devvine. Kitang-kita nya ang paghihirap nito at nahihirapan  syang makita ang kalagayan ng dalaga.

"Mahal na mahal ko sila ni Mama, and JP...... Mahal na mahal kita." ipinikit ng dalaga ang mga mata nito. And for a second JP thought she will open her eyes again. Pero makalipas ang ilang sandali ay hindi na muling dumilat ang dalaga.

"Devvine, love, Devvine!" sigaw ni JP. "Bilisan nyo, bilisan nyo naman.!" utos nya sa driver ng ambulansya.

"Love, Oh Lord, please... malapit na tayo. " yakap-yakap nya ang dalaga habang patuloy na umaagos agn luha nya. Hindi nya makakayanan ang mawala si Devvine sa kanya, hinding-hindi sya papayag.

3 comments:

  1. Goshhhhhhhhhhhhh...I'm crying na!

    ReplyDelete
  2. aww...fighting!!

    hindi mamamatay si devs..lol

    ReplyDelete
  3. waaah..grbe ang moment uh??
    ano mangyayari!!
    sana di xa namatay..

    ReplyDelete