Wednesday 29 September 2010

IF ONLY CHAPTERS 12-13

CHAPTER 12

Last day ni Devvine sa Batangas at mamayang gabi, ihahatid na sya ni JP sa kanilang mansion. Nakausap na nya ang kanyang ama at ayon dito maaari na syang bumalik ng Manila. And everything is back to normal again, she will continue studying and will no longer need a bodyguard ayon sa kanyang ama. Ibig sabihin, hindi na nya makakasama si JP sa halos araw-araw.  Nakaupo sya veranda at malungkot na nakatanaw karagatan. Naputol  ang kanyang pagmumuni-muni ng makita nyang umahon si JP mula sa dagat.

Napalunok bigla si Devvine, animo nakita nya ang Greek God na si Poesaidon. Nakalantad ang matipunong dibdib nito, at nakasuot ng swimming shorts. The water is dripping from his hair, the sunrays emphasizes his wet body, he looks immaculate while walking out of the sea. She greedily take in everything that she is seeing.His body is well-built at mula sa malayo, nakikita ni Devvine ang abs nito. Weakness nya sa isang lalaki ang may magandang abs.Everything is his body is perfect. Nakita nyang ipinagpag nito ang tubig mula sa buhok nito at umupo sa pampang. Kahit na nakaupo na ito, hindi pa din maalis ang mga mata ni Devvine dito. She is totally smitten by this man. Will she  let herself fall deeply into him or she needs to learn to forget him. She let out a heavy sigh.

"Ang lalim nun ah." wika ni Laurence sa kanya. Napabaling dito ang kanyang paningin at namula sya ng makita ang pilyang ngiti nito.

"Ate,"yung lamang ang nasambit nya. Nahihiya sya dito, malamang nakita nito ang pagtitig nya sa kapatid nito.

"You like him, don't you" diretsang tanong nito."I can see it in your eyes Devvine, and I'm happy about it." patuloy nito.

"I don't know what to feel, he's avoiding me. I don't know... " 

"Listen, I'll tell you something. I think you should know about this dahil ikaw pa lang ulit ang babaeng nakalapit ng husto sa kanya pagkatapos ng mahabang panahon."

"What do you mean?" she asked her. 

"Come with me. " sagot ni Laurence.

Dinala sya nito sa kwarto nito at nagsimula na itong magkwento. 

"JP is not like that before. Masayahing tao yan, mapagmahal, kakaiba sa seryosong persona nya ngayon. Until Marianne," 

Devvine felt a twinge of pain in her heart upon hearing that name. Parang alam na nya ang dahilan, isang babae.

Nagpatuloy ng kwento si Laurence "Marianne is beautiful infact may hawig kayo, mabait din naman ito and my brother loved her so much. By that time, JP is part of a Special Task Force. Ianne wanted him to be a top officer pero mas gusto ni JP na sa mga special mission sya. Nakita ko kung gaano minahal ng kapatid ko si Ianne, sinunod nya lahat ng gusto nito. She even asked him to stop riding motorbikes and buy a car sa simpleng dahilan na ayaw nyang sumakay doon.

"JP always wanted to make her happy, so he obliged. He tried everything just to keep her satisfied. They prepared everything for their wedding, lahat lahat at may date na. He made sure that everything is perfect for her taste. But the wedding didn't take place, and to cut the story short, Ianne jilted my brother on the day of their wedding. " Laurence stop for a while and look at her.

"You can just imagine how hurt my brother was, at ang mas nakadagdag ng sugat nya ay ang malamang ipinagpalit siya ni Ianne sa isang Police Officer. Sobrang kahihiyan ang idinulot ng babaeng yon sa aking kapatid at sa aming pamilya. And from that day on, JP resigned from his job, went to the States and when he came back here, he is totally different. That happened three years ago, at sa loob ng panahon na yun,walang babaeng minahal ang aking kapatid" pagtatapos ni Laurence.

Nakaramdam ng galit si Devvine sa babaing nagngangalang Mariaane, bakit nito nagawang saktan si JP? She felt the pain for JP. 
Iyon pala ang dahilan, JP somewhat became a woman-hater. His mystery was totally unvieled to her by his sister. Ngunit hindi nya alam kung bakit nito sinabi iyon sa kanya.

"You're probably wondering why I told you all those things, simply because I know he like you. He cares for you Devvine." hinarap sya nito at hinawakan ang kanyang kamay "and I know you like my brother."she stated looking straight in her eyes.

"I will be very happy if I see him live again, to know that he is loving again, Devvine."

"Ate, you're brother doesn't like me, nagkamali ka lang ng akala." 

"He likes you, the time he brought you here, natuwa ako sa nakitang emosyon sa mukha nya. He cares for you, alot.

"I don't know what to say.."

"Talk to him bago kayo bumalik sa Manila." suhestiyon ni Laurence. Sa isip ni Devvine, "bakit ako ang kakausap sa kanya?"

"I don't want love pass him by again, I love my brother very much and I know him more than anybody else, trust me." pahabol pa nito bago sila tuluyang lumabas sa silid nito. 

***
Hindi nagawang kausapin ni Devvine si JP dahil agad itong umalis may importante daw itong pupuntahan. Tinawagan nya ang kanyang ama at ipinaalam dito na ayaw nyang bumiyahe ng gabi kaya pumayag itong bukas ng umaga sila babalik sa Manila. Palabas sya ng bahay upang maglakad-lakad sana sa dalampasigan ng matanawan nyang nasa veranda.

Nilapitan nya ito upang ipaalam na hindi matutuloy ang pag-alis nila mamayang hating gabi.

"Bukas na lang tayo lumuwas ng Manila, talked with Dad already." panimula nya.

JP is sipping a cup of coffee and looked at her. "Okey, so you better sleep early kung bukas tayo aalis. We have to leave at 5 a.m." akmang tatayo ito ng hawakan nya ang braso nito.

"Can we talk? Why are you avoiding me? I thought we're friends already." wika niya dito.

JP just let out a sigh, sip the coffee and faced the sea before talking. "I'm not avoiding you"

"Liar, I can feel that you're pushing me away- again." hurt is evident on her voice.

"Why are you acting as if I have an obligation to you?" diretsang wika ni JP.

Nagulat sya sa tanong nito, tama ba ang ate nito na importante din sya dito, o nagpadala lang sya sa ilusyon nya.

"I'm sorry I didn't mean to hurt your feelings, you just don't know me." wika ni JP.

"Why don't you open up a little so I can get to know you more?" tanong ni Devvine.

"Walang kwenta ang buhay ko Ms. Castillanes kaya wala akong maikwekwento sayo. Anyway, it's getting late, we need to rest now." pagsasara nito sa kanilang usapan. Tumayo na ito ngunit bago ito tuluyang umalis ay nagwika si Devvine

"Do you still love her? Are you still waiting for her?Will you just let your life be miserable because of someone?" sunod-sunod na tanong ni Devvine.  Huminto ang lalaki at nilingon sya, nakita ni Devvine ang poot sa mga mata nito. She was scared for a moment but she told herself, she have to be brave. She wants to know what he really feels so she can move on. 

"Sino ang nagsabi sayo nyan?" tanong ni JP. "So my sister told you about that." lumapit ito sa kanya at dahil nakaupo pa din sya. lumuhod si JP sa kanyang harapan bakas pa din sa madilim nitong mukha ang poot. 

"What do you want? So we can get this over and done with." wika nito.

CHAPTER 13

JP said that to hide his anger, he is pissed with her sister. Bakit nito sinabi kay Devvine ang bagay na yon. And now, he doesn't like the pity he saw in Devvine's eyes. Bakit pinapahirap ng babaeng ito ang sitwasyon. Kanina lumuwas sya dahil ipinatawag sya ng taong yun at inulit sa kanya ang plano nito. Madali lang naman ang gagawin nya, yun nga lang ayaw nya ng kasinungalingan. 

"When will you give yourself a chance to love again?" tanong sa kanya ni Devvine na nakapagbalik sa kanyang gunita. Nakatingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. And he saw something in her eyes, alam nyang mahal sya ng dalaga subalit hindi nya pa naitatanong sa sarili kung handa na ba syang magmahal muli. Malaki ang pagkakatulad ng pisikal na anyo ni Devvine sa babaeng dahilan ng kanyang pagkasira. Ang tanging ipinagkaiba ng mga ito ay ang kulay, maputi si Marianne at morena naman si Devvine. Maging ang ibang ugali ni Marianne ay meron si Devvine kaya naman ginawa nya ang lahat upang pigilan ang sariling mahulog dito. T-an-ga lang ang lalaking hindi magmamahal sa isang Devvine Castillanes. 

At sya ay isang tan-ga, he tried his very best not to notice her, but she is beautiful inside out napatunayan nya yun. Espesyal sa puso nya ang dalaga ngunit hindi nya alam kung matatawag na ba iyon na pagmamahal. He have to make everything clear with her, kahit pabor pa sa kanya ang sitwasyon.

"I don't intend to fall in love again especially with.." pinutol ni Devvine ang kanyang sasabihin.

"I'm not like her,don't judge me because you see her in me. Let go, let your heart beat again.... fall in love again."wika ni Devvine kay JP. 

Pinagmasdan niya ang dalaga at may nagsimula syang magtanong dito "Did you ever fall in love before, yung totoong pagmamahal?"

"Not yet until you."diretsang wika ni Devvine. JP let out an exasperrated sigh, he told himself he should let his emotion guide him. If truth be told, he just want to hug and kiss Devvine. 

"Devvine, I cannot promise you anything, I don't know.. All I know is that you are special to me. You managed to put a smile on my face. Nagawa mo din akong matakot ng mga panahong nasa panganib ka, ang alam ko lang gusto kong nakikitang tumatawa ka. Sa maikling panahon na nagkasama tayo, you never fail to amuse me,you never fail to make me smile. Just to let you know, I can never fall in love with someone who can't make me smile.If this is love, I don't know," 

Devvine touched his face and smiled at him. "You just have to try again,be happy and don't dwell on the past. Life is too short to just waste it.Hindi ko inasahan na sa isang katulad mo ako makakaranas magmahal ng totoo. This is not me, you know that JP."

"Let's take it slow, baka magbago pa ang isip mo. " wika niya at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Under the moonlight, her face is ethereal. This woman is giving him a chance to love again and he will be happy to accept it. Sa kabila ng mga konsekwensya, sa mga kasinungalingan, handa na syang magmahal muli. 

He caressed her face again and she closed her eyes. He lower his head and as his lips touched hers, he felt a strong feeling of being home. They are hugging each other, JP gently savor the taste of her sweet lips, Devvine kissed him back with love and passion. And under the moonlight, she totally surrendered her heart to him. On the other hand, he welcomed the feeling of loving again..

"Thank you for coming into my life" he said to her.

"No, thank you Sir. I promise you,I will never leave you, never." Devvine said to him and he saw the love on her eyes. 

He will take a chance to love again, everything will be perfect. If only he can change everything from the day he met Devvine Castillanes. If only. Magkahawak-kamay na nilisan nila ang veranda. Inihatid niya ito sa guestroom at nagpasyang wag na pumasok doon. The feeling is so strong, he doesn't know if he can stop himself. 

"Good night kamahalan, be ready at 4 a.m tomorrow." bilin nya dito.

"Yes sir," sumaludo pa ang dalaga sa kanya. Natawa sya sa ginawa nito dahil para itong bata. 

"Good night Mr. Bodyguard." wika nito at hinalikan sya sa pisngi ngunit bumaling sya kaya naman sa labi nya bumagsak ang halik nito. It should only be a smack, but minutes later she is leaning on the door while he is kissing her passionately. But before he can do something that will make the situation more complex, he managed to  break the kiss. 

"I'm sorry Devvine, I.."

"No need to say sorry." she said, her cheeks flushed. 

"Please get inside, bago ako tuluyang makalimot." hiling nya dito. 

Tumango lamang ang dalaga at agad na itong pumasok sa silid. Dumeretso naman sya sa bar area upang kumuha ng maiinom.He needed that to calm his senses and to help him think. Pabor na pabor sa sitwasyon ang nangyayari sa kanila ni Devvine, ngunit hindi sya handa sa magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ang lahat. Lalong-lalo na ang sakit na mararamdaman nito.


**** 

Pinagmamasdan nya lang ang kanyang ina. Lasing na naman ito, simula ng mapatay ang kuya nya lagi na lamang ganon ito. Ang kuya nyang tanging paborito nito. Kahit minsan hindi nya naramdaman na minahal sya nito. Tanging ang nakatatandang kapatid lamang niya ang nakikita nito.

"Ma, tama na yan. " inagaw nya dito ang hawak nitong alak.

"Letse ka tigilan mo ko umalis ka dito." bulyaw nito sa kanya. "Wala kang silbi, wala kang kwenta, ibalik mo ang kuya mo" patuloy na sigaw nito habang umiiyak.

"Ma,wala na si kuya, kasalanan nya kung bakit sya napatay."

"Hindi nya kasalanan, kasalanan ng mga taong yun. Kasalanan nila." inihagis nito ang basong hawak nito sa sahig. Nagkalat ang piraso ng bubog at likido sa paligid. 

"Ma, andito pa ko, may anak pa kayo hindi lang si kuya ang anak nyo." mahinahong wika niya sa ina.

"Gusto mong maging anak kita?" nanlilisik ang mga matang baling nito sa kanya. "Ipaghiganti mo ang kuya mo, ipaghiganti mo. Matatanggap kitang anak kapag nagawa mo yun. At isa pa, gusto ko ng maraming pera. Ipinangako yun ng kuya mo sa akin."

"Hindi ko magagawa yun, wag mo kong itulad kay kuya na.." nahinto ang kanyang sasabihin ng makitang ihahagis sa kanya ng ina ang boteng hawak nito. Mabilis nya yung nailagan habang ang kanyang ina ay patuloy sa pagsigaw. 

"Kung hindi mo gagawin yun, wag mong asahang tatanggapin kita." iniwan na siya nito at susuray suray na pumasok sa silid nito.

Naiwan syang nag-iisip, malaki din ang galit nya sa mga taong dahilan ng kamatayan ng kanyang kapatid. Ang kuya nya lang ang tanging nagmamahal sa kanya, ang kaisa-isang tao na nagpapahalaga sa kanya. Ngayong wala na ito, ang kanilang ina na lang ang naiwan sa kanya. Gagawin nya ang lahat para matanggap sya nito, gagawin nya...

2 comments:

  1. da hu? si elmo ba yan?hmm..


    interesting..

    ReplyDelete
  2. uo knino un n story ? haha. eh bbsahin q n an next chapter.,

    ReplyDelete